Está en la página 1de 25

Proyekto sa Filipino

Ipinasa ni: Raymund Edwad G. Turingan Seksyon: San Hannibal Petsa:

Talaan ng Nilalaman

Tsapter 1- Larawan ng Nakaraan Tsapter 2- Quinta Muerte (ikalimang pagkamatay) Tsapter 3- Ang Mga Patay Tsapter 4- Beaterio de Santa Clara Tsapter 5- Panaginip Lang o Pahiwatig? Tsapter 6- Si Padre Sergio Tsapter 7- Ang Buhay ni Valdo Tspater 8- Noon at Ngayon Tsapter 9- Huling Bayad Tsapter 10- Pagkabuo ng Pag-ibig

Mga Tauhan:
Valdo Natalio Siya ay mestisong estudyante at representante ng Abogasya. Leonor Santos Siya ay ang kasintahan at kaklase ni Valdo. Nicolas Taruc Siya ay ang namumuno sa lahat ng representante ng bawat kurso. Benjamin Venedires Siya ay ang representante ng mga nag-aaral ng Arkitektura. Paola dela Reina Siya ang representante ng mga nag-aaral ng Nursing. Ricardo Porifirio Siya ang representante ng mga nag-aaral ng Accountancy. Padre Zacarias Siya ay nagsilbing tagapayo ng mga representante. Hermana Debora Siya ang pinakamatanda sa mga madre ng Beaterio de Santa Clara Hermana Claudia Hermana Maria Julia Macario Padre Cristobal Rufino Nazareo Padre Iigo Osias Padre Sergio Villalobos Padre Onsimo Padre Samuel Nicandor. Teotosio Padre Orfeo Padre Maximo Valeria Natalio Mateo

Maria Clara de los Santos Crisostomo Ibarra Crispin Juli

Tsapter 1 Larawan Ng Nakaraan

Ang dating San Diego na puno ng mga Espanyol at mga karwahe ay napuno na ng mga kotse at polusyon ngayon. Ibat-ibang pagbabago ang mga naganap. Ang Beaterio de Santa Clara ay pinalitan na ng Collegio de San Rafael apatnapung siyam na taon na ang nakakaraan at ipagdiriwang ang ikalimangpung taon nito sa susunod na linggo. Si Valdo Natalio, isang mestisong Pilipino ay nalalapit ng magtapos sa kolehiyong ito sa kursong abogasya. Kamag-aral niya si Leonor Santos, na kanyang kasintahan rin. Si Leonor ay maganda at isa sa mga hinahangaan ng mga kalalakihan. Dalgang pilipina kung umasta siya at may morenang kompleksyon. Abalang-abala ang lahat sa preperasyon sa gaganapin na ika-limangpung anibersaryo ng paaralan. Ito ay isasagawa sa harapan ng gusali na ipinangalan kay Padre Bernardo Salvi, isa sa mga tanyag na pari noon at may rebulto siya sa tapat nito. Nanguna sa pag-aayos ng selebrasyon na ito ay si Nicolas Taruc, na representante ng mga mag-aaral. Nagtulung-tulungan ang mga estudyante sa Kolehiyo ng Arkitektura, Abogasya, Nursing at Accountancy. Ang bawat kolehiyo ay pinamumunuan ng isang representante. Sa Arkitektura, si Benjamin Venedires ang representante, sa Abogasya ay si Valdo, sa Nursing ay si Paola dela Reina at sa Accountancy ay si Ricardo Porifirio. Tinutulungan at sinusubaybayan ang mga estudyante ng Bise Rektor ng paaralan na si Padre Zacarias. Lunes, mga ika-pito pa lamang ng umaga ay maagang pumasok sina Valdo at Leonor. Dahil wala pa naman masyadong tao sa paaralan ay nagpasya ang dalawa na tumungo sa aklatan at maghanap ng historya ukol sa kanilang paaralan para sa gagawin nilang presentasyon sa Biyernes ng susunod na linggo. Natanaw nila sa malayo pa lamang si Nicolas na patungo rin sa aklatan. Pagpasok nila sa aklatan ay nakita na nila si Nicolas na nakaupo sa may silya sa tapat ng

larawan ng isang magandang monghang may malungkot na ekspresyon. Pinuntahan ni Valdo si Nicolas at si Leonor naman ay naghanap ng aklat na makakatulong sa pagsaliksik nila. Binabasa pala ni Nicolas ang isang diary na nakita niya raw sa may likod ng larawan ng mongha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapaalam sa katiwala ng aklatan na may natagpuan siyang ganoong aklat. Bumalik si Leonor at ipinakita kina Nicolas at Valdo ang itsura ng dating beateryong gamit ang isang guhit ng mag-aaral ng Arkitektura. Matagal na nilang alam na beateryo ito noong panahon ng mga Espanyol. Nilipat ang beateryo sa bayan ng San Isidro, ilang kilometro ang layo sa paaralan. Nang ibabalik muli ni Nicolas ang diary sa likod ng larawan ay biglang may nahulog na punit na litrato. May lalaki rito at mukhang napunit ang larawan ng kasama niya. Nasabi ni Nicolas na kahawig ito ni Valdo. Tinawanan lamang siya nito. Napansin ni Leonor na may nakasulat sa likod ng litrato na nagsasabing el smbolo de nu... Putol ang pangungusap ngunit naintindihan ni Valdo ang mga unang kataga na ang ibig sabihin ay simbolo ng. Inipit ulit ito ni Nicolas sa diary. Dumating si Paola at Ricardo sa aklatan at natanawan sina Valdo. Halatang inis si Paola kay Ricardo. Nang tinanung ni Leonor si Paola kung bakit ay sinabi ni Paola na nagkwento na naman ng nakakatakot na kwento si Ricardo na pinakaayaw ni Paola. Natawa lang si Ricardo sa reaksyon ni Paola. Pinakwento ni Leonor ang ikinuwento ni Ricardo. Umalis agad si Paola upang maiwasan marinig ulit ang kwento. Umupo ang mga estudyante at nakinig sa kwento ni Ricardo.

Tsapter 2 Quinta Muerte (ikalimang pagkamatay)

Inumpisahan ng ikwento ni Ricardo ang istorya tungkol sa pagtunog ng kampana sa simbahan. Ilang taon na raw napapansin ng mga mamamayan na gabi-gabi kahit walang misa ay paulit-ulit na tumutunog ang kampana at madalas ay wala pa sa tiyempo. Pinaniniwalaan na ito raw ay ang kaluluwang ligaw ng isang sakristan na napatay ng isang sakristan mayor. Anak ng isang mahirap at baliw na babae ang bata. Medyo kinilabutan sina Leonor at Valdo. Si Nicolas naman ay parang hindi naniniwala. Ito rin daw ay napapansin ni Leonor minsan pero hindi na niya iniintindi. Ikawalo na ng umaga at tatlumpung minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang unang klase nila Leonor at Valdo. Umalis na sila ng silid-aklatan at nakita nila sa may baba ay may isang malaking kumpol ng tao at ambulansya. Mayroon ding mga pulis na nakakalat sa paligid. Bumaba agad-agad sina Valdo, Ricardo, Nicolas at Leonor upang usisain ang nangyayari. Nakita nila si Benjamin na tila nais makasilip ng kaunti sa pangyayari. Tinanung nila kung ano ang pinagkukumpulan roon. Sinabi niya na isang pari na naman ang namatay, ito ay si Padre Onsimo na isang mestisong pari na namumuno sa mga sakristan ng paaralan. Noong mga nakaraang linggo ay may apat na biktima na ang namatay, tatlong pari at isang estudyante. Masyadong nababahala na ang mga mag-aaral dahil napaapadalas na ang pagdalaw ni kamatayan sa institusyon na iyon. Nag-umpisa iyon ng namatay si Padre Cristobal na sinundan ni Rufino Nazareo mag-aaral ng departamento ng Nursing. May napansin na babae si Leonor ilang metro ang layo mula sa kanila. Kanya itong nilapitan at kinausap. Namumukhaan niya ito at madalas nakikita sa bawat krimen o aksidente sa paaralan. Tinanong siya ng babae kung nakita raw ba niya si Crisostomo. Sinabi ni Leonor na hindi niya kilala si Crisostomo. Tinanong niya ang

pangalan ng magandang babae ngunit nagpasalamat lamang ang babae sa kanya at mahinhin na umalis na parang naglalaho habang palayo ng palayo. Nagulat si Leonor ng biglang may bata na humila sa damit niya at tinanong siya kung patay na ba ang sakristan mayor na iyon (tinutukoy si Padre Onsimo). Sinabi ng bata na salbahe ang pari na iyon at grabe makaningil ng multa. Nagulat siya sa sinabi ng bata at nagkaroon siya ng ekspresyon na hindi maipinta. Halos di makapagsalita si Leonor at parang natutulala lamang. Mauuna na ako dahil hinihintay na ako ng aking ina sa aming bahay at may naghihintay na sardinas at pinitas na kamatis para sa amin ng aking kapatid, paalam ng bata kay Leonor. Tinapik ni Valdo si Leonor na parang naging bato. Nagulat at nabigla si ng nawala ang bata sa harapan niya ng parang bula. Maya-maya ay nadala na sa ospital ang bangkay ni Padre Onsimo upang i-autopsy. Kinahapunan, pagkatapos ipagpatuloy ng mga estudyante ang paghahanda para sa susunod na lingo ay nagyaya si Nicolas na pumunta sa silid-aklatan. Binabalak niyang iuwi ang diary na pagmamay-ari daw ng isang mongha ng Beaterio de Santa Clara. Halos madilim na ng paligid at pasara na rin ang aklatan ngunit nakahabol pa sina Nicolas, Leonor at Valdo. Nakita naman nila si Ricardo na may dalang mga lumang aklat. Nang papalapit na sila kay Ricardo ay biglang nahulog ni Ricardo ang isang album ng mga dating mongha ng Beaterio de Santa Clara. Pinulot ito ni Leonor at binuklat. Dumating si Paola na kanina pang inip na inip sa kakahintay kay Ricardo. Maya-maya ay namukhaan ni Leonor ang isa sa mga mongha. Sinabi ni Nicolas na iyon ang mongha na nkadispley sa aklatan. Sinabi ni Leonor ay iyon ang babae na nagtanong sa kanya noong umaga. Nagtanong raw ito kung may nakita siyang nagngangalang Crisostomo. Kinilabutan si Paola at pinatigil si Leonor sa pagkwento. Biglang lumakas ang hangin at nagtaasan ang kanilang mga balahibo. Bumaba na agad sila. Bago sila lumabas ng paaralan ay may nakita silang babae na umiiyak sa may pintuan ng gusali na ipinangalan kay Padre Camorra.

Tinanung nila kung bakit siya umiiyak at ang tanging nasabi niya lamang ay Pinilit niya ako! Ginawa ko para sa kalayaan ng mahal ko pero hindi ko to ginusto!. Naguluhan sila sa sinabi ng babae. Pinaalis na lamang sila ng babae at sinabi na kaya na niyang mag-isa.

Tsapter 3 Ang Mga Patay

Kinaumagahan ay kalat na kalat na ang balitang may dinampot na pari sa kumbento kagabi. Ito raw ay si Padre Samuel na kinasuhan ng panggagahasa sa isang estudyanteng nagngangalang si Julia Macario. Nang kinahapunan ay nabalitaan nila na nagbigti ang pari sa kulungan. Kumalat rin ang balita na nabulungan raw siya ng masamang espirito kaya siya nagpakamatay. Kinabukasan, araw ng Miyerkules ay nagkaroon ng misa sa paaralan. Pinagdasal nila ang mga namatay na pari at si Rufino Nazareo. Pinagpasiyahan ni Valdo na kunin ang mga pangalan ng mga namatay upang maipagdasal muli sa susunod na linggo, sa araw ng selebrasyon. Inumpisahan ng banggitin ang anim na namatay sa tamang order ng pagkakamatay nila. Inumpisahan kay Padre Cristobal at sinundan nila Rufino Nazareo, Padre Iigo Osias, Padre Sergio Villalobos at ang mga kamamatay lamang na sina Padre Onsimo at Padre Samuel Nicandor.

Natapos ang misa nang mga ika-siyam ng umaga at tumungo ang kabataan sa tapat ng gusaling Padre Salvi upang ipagpatuloy ang paghahanda. Napag-usapan nila ang mga namatay. Halatang hindi masyado nalulungkot ang mga kabataan sa pagkamatay ng mga ito. Alam naman ng lahat kung gaano kalupit ang mga paring namatay kaya parang wala lang sa kanila iyon. Si Rufino naman ay napag-usapan rin. Nasabi na isa itong mayabang na estudyante ang nang-agaw ng kasintahan ni Nicolas na si Paulita. Dahil siya ay mayaman, mas nagustuhan ng pamilya ni Paulita si Nicolas at wala ng nagawa si Paulita at iniwan na nga niya si Nicolas. Masakit pa rin sa damdamin ni Nicolas ang pagkawala ng mahal niya. Maya-maya ay kumonti na ng kumonti ang mga tumutulong sa paghahanda hanggang naiwan na lamang ang limang representante at si Padre Zacarias. Medyo napapagod na rin ang mga bata kaya napagpasiyahan ni Padre Zacarias na anyayahan ang mga estudyante na kumaen sa malapit na kainan sa paaralan dahil kasasara lamang ng kantina. Nakahanap sila ng isang pansitan mga ilang hakbang lamang ang layo sa paaralan. Habang kumakain sila ay biglang napatanung si Ricardo tungkol sa mga namatay na pari na para bang hindi na ito aksidente. Sa totoo raw ay hindi rin alam ni Padre Zacarias kung ano talaga ang dahilan kaya ang tanging iniisip niya ay ito ang gusto ng Diyos na mangyari. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na rin sila. Nang papalapit na sila sa paaralan ay bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Napasigaw sina Paola at Leonor at agad na nagtago sa likod ng mga kalalakihan. Maya-maya ay naging payapa ang paligid. Pagdating nila sa paaralan ay may malaking kumpol na naman ng tao at nagulat sila ng makita nila na ang gwardiya ng paaralan na si Teotosio ang pinagkakaguluhan. Si Teotosio ay isang malupit na gwardiya na madalas ay inaabuso ang kanyang kapangyarihan bilang isang gwardiya. Nagulat ang lahat sa nangyari na parang noong isang araw lamang ay may hinabol siyang bata na nagkaw raw sa kumbento at

bigla niya itong pinahandusay sa kalsada tapos ngayon ay siya na ang nakahandusay.. Nagpasiya si Padre Zacarias na pauwiin na ang mga estudyante.

Tsapter 4 Beaterio de Santa Clara

Maaga pa lamang ay may tatlong madre nang dumalaw, sina Hermana Maria, Hermana Claudia at Hermana Debora. Bumisita sila sa paaralan upang tumulong sa paghahanda ng mga estudyante. Sila ay mga madre na mula pa sa Beateryo de Santa Clara. Taun-taon ay nakikisali ang mga madre sa selebrasyon ng paaralan dahil sila naman ay nagmula rin dito. Nagkaroon ng pagkakataon si Nicolas na itanong kung kanino ang naiwan na diary. Agad na pumunta si Nicolas kay Hermana Maria. Pinakita niya ito sa kanya ngunit hindi ito namukhaan ni Hermana Maria. Lumapit si Hermana Debora, na pinakamatanda sa tatlong madre. Medyo namumukhaan ito ni Hermana Debora. Nakasulat sa likod ng diary ang inisyal ng dating may-ari nito. Nakasulat ang mga letrang MC. Dahil sa kyuryosidad ay napagpasiyahan ni Nicolas na sumama kay Hermana Debora mamaya sa beateryo. Narinig ito ni Leonor at Valdo kaya nahikayat rin silang sumama kay Nicolas. Kinahapunan ay sinamahan na nila Leonor, Valdo at Nicolas ang tatlong madre. Sumakay lamang sila ng isang dyip at maya maya ay nasa may beateryo na sila.

Sa beateryo ay mayroong maliit na aklatan. Naroon din ang listahan ng mga pangalan ng mga nakaraang mongha, madre pati na rin ang mga kasulukuyang mga madre. Ikaapat na at kalhati ng hapon at nagsasaliksik na ang mga estudyante. Halatang halata na determinado sa paghahanap. Maya-maya ay may nakita si Leonor. MC ang inisyal ng unang pangalan nito. Siya ay si Maria Clara. Naalala ni Leonor na kahawig niya ang babaeng naghahanap sa isang lalaking nagngangalang Crisostomo. Tinawag ni Nicolas si Hermana Debora upang magtanong ukol kay Maria Clara. Sinabi na si Maria Clara ay anak ng isang pari na si Padre Damaso. Napilitang pumasok sa beateryo dahil sa pagkawala ng mahal niya. Nagtaka na si Hermana Debora sa kilos ng kabataan na para bang kinakabahan. Ikinuwento ni Leonor kay Hermana Debora na parang nagpakita sa kanya si Maria Clara. Napa-susmaryosep na lamang siya at antanda. Nanghiram ng ilang aklat ang mga estudyante para bang interesadong interesado sila sa buhay ni Maria Clara. Si Nicolas na ang nag-uwi ng mga aklat. Kinagabihan ay nagbabasa basa si Nicolas. Nagulat siya ng makita niya ang araw na pagkamatay ni Maria Clara. Ito ay saktong mag-iisang daang taon ng nakalipas sa Biyernes ng susunod na linggo na kasabay ng ikalimangpung anibersaryo ng kanilang paaralan. Halos hindi makatulog ng maayos si Nicolas para bang naguguluhan at kinikilabutan.

Tsapter 5 Panaginip Lang o Pahiwatig?

Hindi na nakapasok kinabukasan si Nicolas dahil bigla siyang nagkalagnat. Biyernes na muli siya nakatulong sa pag-aayos ng pagdiriwang sa susunod na linggo. Pagpasok niya ay agad siyang kinamusta ni Valdo. Sabi ni Nicolas na biglang taas ang lagnat niya pagkagising niya kahapon. Nagkaroon daw kasi siya ng masamang panaginip noong Miyerkules ng gabi. Pinakwento naman ito ni Valdo ngunit sabi ni Nicolas na mamaya na lamang niya ito ikukwento dahil mahuhuli na siya sa klase niya. Doon naman sa klase ay tulala lamang si Nicolas. Nakatingin sa kawalan na iniisip pa rin ang kanyang napaniginipan at maya-maya ay bigla na lamang siya nahulog sa kanyang kianuupuan. Pagkagising na lamang niya ay nasa may klinika na siya. Umalis na siya sa klinika. Patungo siyang kantina ng makita muli siya ni Valdo at ngayoy kasama niya si Leonor at Paola. Sa kantina, ikinuwento na ni Nicolas ang kanyang napaniginipan.Nakita niya raw si Maria Clara na paulit-ulit na hinahanap ang kanyang kasintahan na si Crisostomo. Bigla na lamang siya napatingin kay Valdo at napatigil sa pagkwento sinabing iyon lang ang panaginip niya. Nagduda si Valdo na para bang alam niya na meron pang hindi sinasabi si Nicolas. Umalis na sina Leonor at Paola dahil may pupuntahan pa sila. Agad namang kinompronta ni Valdo si Nicolas kung ano talaga ang buong kwento ng panaginip niya. Para kay Valdo kung ano man iyon ay panaginip lang at wala ng iba pa. Huminga ng malalim si Nicolas at sinabi na nakita niya si Valdo na kasama ni Maria Clara na para bang paalis na sila. Nabanggit naman ni Valdo na baka nagkamali lamang siya ng tingin dahil si Nicolas na rin ang nagsabi na kahawig ni Valdo si Crisostomo. Hindi na lamang sumagot si Nicolas na alalang alala. Sinabi na lamang ni Valdo na kalimutan na lamang lahat na tungkol kina Maria Clara dahil ito ay nakaraan na. Ang tunay na

kailangan lang naman nila ay ang historya ng pagkabuo ng institusyon at kaunting detalye tungkol sa beateryo at ang buhay nila Maria Clara ay hindi na importante. Pero sinabi ni Nicolas nab aka may nais ipahiwatig si Maria Clara dahil sa biyernes ay ikasandaang taon na ng kanyang pagkamatay. Iniisip raw kasi ni Nicolas nab aka ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw ay may kaugnayan sa nakaraan. Tumayo na sila at inakbayan ni Valdo si Nicolas na parang nagsasabi na huwag na siya mabahala.

Tsapter 6 Si Padre Sergio Madaling araw pa lamang ay umalis na ng bahay si Leonor. Kahit wala siyang pasok ay tumungo pa rin siya sa paaralan upang puntahan si Padre Zacarias. Pagdating niya ay mga ikapito na ng umaga. Tulog pa raw si Padre Zacarias dahil sa ginanap na orasyon ng mga pari kagabi na inabot ng ika-dalawa ng umaga. Sa may tabi ng pintuan ng kumbento ay may isang kumpol ng mga dyaryo na parang hindi pa nababasa pero ang petsa ay matagal na. May nakitang artikulo si Leonor na napakainetersante. Dinampot niya ang dyaryo at binasa ito. Ito ay dyaryo pa noong nakaraang taon at ito ay tungkol sa yumaong Padre Sergio. Nakalagay sa balita na siya raw ay may anak na dalaga. Hindi masyado kumalat ang balita dahil pinatigil ng mga pari ang pagbebenta ng dyaryo ng buong linggo na iyon. Kaunti lamang ang nagkaroon ng kopya at wala ng naglakas loob na mag-usisa pa ukol dito. Noong nakaraang taon ay halos tatlong buwan

nanahimik si Padre Sergio at tumungo siya sa Vatican. Makaraan ng ilang buwan ay bumalik na siya ngunit hindi na siya nakikitang nagpapakumpisal at nagmimisa. Ang isa pang balita ay tinanggalan raw siya ng benerasyon ng Santo Papa ngunit wala pa ring nagpatunay dahil wala ng gustong magtanong Ang ama ni Leonor ay isang mamahayag. Umuwi muna siya sa bahay dahil matagal na rin siyang naghihintay doon. Naabutan pa niya ang kanyang ama sa bahay nila na kumakain pa lamang ng almusal. Tinanong ni Leonor ang kanyang ama tungkol sa balita kay Padre Sergio. Sabi ng kanyang ama na ito raw ay totoo at matagal ng balita iyon, mga lagpas sampung taon na ang nakakaraan at pinaniniwalaan ng marami na ipinasok niya ang kanyang anak sa Beaterio de Santa Clara. Tinanong ni Leonor ang pangalan at sa pagkakaalam ng kanyang ama ay ang anak ni Padre Sergio ay si Hermana Maria. Nagulat si Leonor sa kanyang nalaman. Maagang gumising kinabukasan muli si Leonor dahil sasamahan niya si Valdo sa unang misa ng umaga. Pagkatapos ng misa ay nakwento ni Leonor ang nalaman niya kahapon. Nagulat si Valdo sa kanyang nalaman at bilang respeto sa yumaong si Padre Sergio ay napagdesisyonan na nilang huwag na ipaalam sa iba ang kanilang nalaman.

Tsapter 7 Ang Buhay ni Valdo

Isang buong linggong selebrasyon ang ikalimangpung anibersaryo ng paaralan. Lunes, opisyal na inumpisahan ni Padre Zacarias ang selebrasyon. Maraming mga palamuti sa paligid at ibat-ibang tindahan na nagtitinda ng kung anu-ano. Si Padre Orfeo naman, ang rector ng paaralan ay naglilibot libot upang manghuli ng mga estudyanteng magugulo at pumupunta sa loob ng mga gusali. Pinagbawal ang pagpunta sa mga gusali sapagkat wala naman silang klase. Si Padre Orfeo ay isang mestisong pari na kinakatakutan ng lahat. Nang masunog ang kumbento mga dalwang dekada na ang nakakaraan ay kung sinu-sino ang kanyang pinagbibintangan at napagbitangan din ang lolo ni Valdo. Ngayon ay nasa piitan ang kanyang lolo dahil lamang sa aksidente na si Padre Orfeo talaga ang may kasalanan. Maraming galit kay Padre Orfeo dahil siya ay mapagmataas, mayabang, matapobre at marahas sa estudyante. Si Valdo ngayon ay nakatira sa isang malayong kamag-anak niya. Ang kanyang ina ay namatay ilang araw pagkapanganak sa kanya at sa kakambal niya. Kahit may dugong kastila sila ay hindi sila mayaman. Hindi agad nila naireport ang pagkamatay ng kanyang ina kaya makalipas ang dalawang araw ay may pulis na pumunta sa bahay nila at inaresto ang ama niya. Inakalang pinatay ng ama niya ang kanyang ina. Sinasabing dahilan ng pagpatay ay dahil wala na sa tamang pag-iisip ang ama dulot ng pagkakakulong ng ama niya. Ilang araw pa lamang siya sa kulungan ay tumakas siya. Inihabilin si Valdo at ang kakambal niyang si Valeria sa isang malayong kamag-anak. Lumaki silang dalawang mababait. Nang magtatapos na sila sa mataas na paaralan ay umalis si Valeria kasama ng kanyang mga kaibigan ngunit hindi na siya nakabalik.Pagkatapos ng isang linggo ay natagpuan siyang patay sa may kabilang bayan kasama ng kanyang mga kaibigan. Isa ito sa mga naging mainit na balita noon. Si Valdo ay nawalan na

ng pag-asa ngunit may isang pari na tumulong sa kanyang bumangon, si Padre Zacarias. Ngunit hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya kay Padre Orfeo dahil siya ang tinuturo ni Valdo na may kasalanan ng kanilang pagkakawatak-watak.

Tsapter 8 Noon at Ngayon

Martes ng umaga, ginising ng malakas na sigaw ang mga pari na nanggagaling sa kwarto ni Padre Orfeo. Agad na pumunta ang mga pari sa kwarto ni Padre Orfeo ngunit nakakandado ito. Paulit-ulit siyang sumisigaw ng Me estoy quemando! na ang ibig sabihin ay nasusunog ako. May isang hardinero na sumilip sa may kwarto ni Padre Orfeo. Hinahanap niya ang bintanang nabubuksan ng malakihan. Nakikita niya na tulog si Padre Orfeo na parang binabangungot. Nabuksan bigla ang pinto ni Padre Orfeo. May dalang isang timba ng tubig si Padre Maximo. Pagkapasok nila ay bigla na lamang kumalma si Padre Orfeo ngunit hindi na siya humihinga. Isang malagim na pangyayari. Ipinaalam agad ito sa mga estudyante at ayon daw sa nag-autopsy, ang ikinamatay ng pari ay sudden unexpected nocturnal death syndrome o pagkamatay dahil sa bangungot. Nang marinig ito ni Valdo ay hindi na lamang siya nagkomento o nagsalita dahil kahit papaano ay ginagalang niya si Padre Orfeo. Dahil sa pagkamatay ng rector ay nagkaroon ng misa alay sa kanya tapos ipinagpatuloy na ang mga presentasyon. Lubos na

nag-aalala na ang mga pari dahil parang iniisa-isa sila ni kamatayan ngunit tinatatagan na lamang nila ang kanilang damdamin sa tulong ng kanilang pananampalataya sa Amang nasa taas. Sina Valdo at Leonor ngayon ay nababahala na rin sa mga nangyayari. Ang lahat naman ay nakakapansin sa pangyayari. Anim na pari na ang namatay; Padre Cristobal na nakitang nakahiga sa may hardin ng paaralan na puno ng putik ang damit na sinasabing inatake sa puso, sumunod ay si Padre Iigo bigla na lamang nahirapan sa paghinga, Padre Sergio na bigla na lang namatay ng walang tiyak na kadahilan ngunit sinasabi ng iba dahil sa depresyon, si Padre Onsimo naman na nahulog sa gusali, Padre Samuel na nagbigti at ngayon ay si Padre Orfeo. Si Padre Maximo ay lubos na kinakabahan dahil silang dalawa na lamang ni Padre Zacarias ang natitira. Napaalam na ang mga nangyayari sa Espanya dahil ang mga namatay ay mga Espanyol na pari. Tumawag ang isang pari mula Espanya kay Padre Maximo na nagsasabing pinagdarasal na sila sa Espanya na bawat misa ay inaalayan ng panalangin ang mga kaluluwa ng mga pari. Habang nagkakaroon ng pagdiriwang ay tumungo si Padre Zacarias sa simbahan upang manalangin mag-isa. Maya-maya ay may lumapit na binata sa kanya. Alam ni Padre Zacarias na hindi siya pangkaraniwang binata. Tinanong niya ito kung mayroon ba siyang kailangan. Sinabi niya na nais niyang makatulong sa nangyayari. Lahat daw ng mga iyon ay dulot ng pagsasama at pagsasalubong ng nakaraan at kasalukuyan. Huwag na raw siya dapat mabahala dahil wala siyang kinalaman sa mga nangyayari at isa na lang ang kailangan magbayad at may isa pang dapat mahanap. May binigay na larawan ng babae ang binata kay Padre Zacarias. Ang larawan ay halatang punit. Nagpaalam na ang binata at tinawag niyang tiyo si Padre Zacarias.

Tsapter 9 Huling Bayad

Nahihirapan ang lahat sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo dahil ang lahat ay natatakot na dahil sa sunud-sunod na pagkamatay. Si Nicolas na matagal ng nagbabasa ng kung anu-ano tungkol sa historya ng paaralan at beateryo ay biglang may nadiskubre. Miyerkules ng gabi ng biglang may pumasok sa kanyang isipan at tinawagan niya sina Valdo at Leonor. Sinabi niya na maaaring si Padre Maximo ang sunod na mamamatay dahil nalaman niya ang patern ng pagkamatay. Isa-isa niyang binanggit ulit ang pangalan ng mga namatay, Padre Cristobal, Rufino, Padre Iigo, Padre Sergio, Padre Onsimo, Padre Samuel, Teotosio at Padre Orfeo. Nagtaka lamang si Valdo dahil hindi niya maintindihan si Nicolas. Pinaliwanag ni Nicolas na ang unang letra ng mga pangalan ng mga biktima ay may nabubuong pangalan. C-R-I-S-O-S-TO. Ang kulang na lamang ay M at O. M ang umpisa ng pangalan ni Padre Maximo ngunit hindi nila malaman kung sino ang O. Bigla na lamang binaba ni Valdo ang telepono at si Leonor naman ay nagsalita na baka ang lahat ng naiisip ni Nicolas ay nagkataon lamang. Tinanong ni Leonor si Nicolas kung alam ba niya kung bakit sila ang pinipiling mamatay. Napuputul-putol ang linya kaya sinabi niya na bukas na lamang niya ito ibabahagi para mas malinaw. Hindi na naman makatulog si Nicolas na parang may gumugulo sa isipan niya. Si Valdo naman ay dasal ng dasal ng paulit-ulit. Sobrang pinagpapawisan si Valdo ngunit nilalamig. Si Leonor naman ay nag-aalala kay Valdo dahil bigla na lamang niya binaba ang telepono kanina. Bumalik na naman ang sigla ng mga tao kinabukasan sa paaralan. Mas dumami ang mga tindahan ng kung anu-ano upang mahikayat ang mga estudyante na pumunta at matakpan ang nakakatakot na pangyayari sa paaralan. Dumating na si Leonor sa paaralan ngunit hindi niya kasama si Valdo. Sinabi ni Valdo na susunod na lamang siya dahil hindi maganda ang

pakiramdam niya. Nagkita naman sina Paola at Leonor. Sinabi ni Paola na hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya. Kung hindi lamang daw kay Ricardo ay hindi siya pupunta. Para daw kasing nararamdaman pa niya ang presensya ni kamatayan sa lugar. Kung anu-ano pa ang naiisip ni Paola tulad ng sinumpa daw ang lugar. Biglang nagpakita sina Padre Zacarias at Nicolas kina Leonor at Paola. Halatang galit si Padre Zacarias kay Nicolas at pinagsabihan sila ng pari na huwag silang mag-isip ng kung anu-ano. Sinabi pala ni Nicolas kay Padre Zacarias ang kanyang napansin at nadiskubre. Isang kalokohan daw ang paniniwala sa mga ganun at mabigat na kasalanan sa Panginoon. Mga katanghalian ay biglang nagdilim ang kalangitan. Halatang may parating na ulan. Biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Nagtitilian ang mga babae at ang kalalakihan naman ay hindi ito pinapansin na parang nagpapakitang gilas sa mga kababaihan. Biglang may malakas na kidlat na tumama sa hindi kalayuan. Nagsigawan ang mga tao at pinapunta sila ni Padre Zacarias sa gym kung saan ay may bubong at hindi sila mauulanan. Si Padre Maximo naman ay takot na takot. Parang may nararamdaman na siyang hindi maganda. Biglang tinamaan ng kidlat ang ulo ng rebulto ni Padre Salvi at nagsigawan ang mga tao. Nang matamaan ang ulo ng rebulto ay sumabog at kumalat ang bato bato nito at nabigla ang lahat na ang isang bato mula sa rebulto ay mabilis na tumama sa leeg ni Padre Maximo. Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga estudyante. Bumagsak ng paluhod si Padre Maximo. Napaluha bigla si Padre Zacarias. Tumawag agad si Nicolas ng ambulansya. Ang mga representanteng sina Leonor, Paola, Benjanmin at Ricardo ay pinakalma ang mga estudyante. Binasbasan ni Padre Zacarias si Padre Maximo.

Tsapter 10 Pagkabuo ng Pag-ibig

Napuno ng tensyon ang buong bayan dahil sa nangyari ka Padre Maximo. Hindi na pinapasok ni Padre Zacarias ang mga estudyante kinabukasan. Tumila na ang ulan. Kinakabahan na si Nicolas na sobrang nag-iisip ng pangalang nagsisimula sa O. Nabuo na ang CRISOSTOM, at iyon na lamang ang kulang. Nag-iisip siya ng mestisong tao na ganoon ang pangalan. Si Leonor naman ay kinakabahan at halos hindi nakatulog. Si Valdo naman ay kabadong kabado dahil may kakilala siya na sa O nagsisimula ang pangalan. Halos hindi rin siya nakatulog noong isang gabi. Sobrang kinilabutan siya dahil ngayon na ang araw ng ikasandaang taon na anibersaryo ng pagkamatay ni Maria Clara at naalala niya ang panaginip ni Nicolas. Napagpasiyahan ni Valdo na tumungo kay Padre Zacarias upang samahan ito. Siya na lamang kasi mag-isa sa kumbento. Patungo si Valdo sa kumbento ng makaramdam siya ng kakaibang lamig sa paligid niya. Patuloy lamang siya sa paglakad ng matanawan niya si Nicolas. Binigay niya ang larawan ng lalaki na nakita nila sa aklatan kaw Valdo. Hindi alam ni Valdo kung ito at para saan ngunit tinanggap niya lamang ito. Sinamahan ni Nicolas si Valdo sa kumbento. Pagdating nila doon ay natagpuan nilang si Leonor ay naroon din na may dalang prutas kay Padre Zacarias. Biglang nagbago ang ihip ng hangin ng lapitan ni Padre Zacarias si Nicolas. Humingi ng tawad si Padre Zacarias na para bang naniniwala na siya sa observasyon ni Nicolas. Hinamon siya ni Padre Zacarias na maniniwala lang siya ng buong buo kung mabibigyan niya siya ng rason kung bakit yung mga biktimang iyon pa ang piniling bawian ng buhay. Nag-umpisa ng magsalita si Nicolas na halatang handa sa tanong ni Padre Zacarias. Ang mga taong binawian dawn g buhay ay may koneksyon sa mga taong nasa nakaraan. Ang mga nangyayari raw ay pagbibigay hustisiya sa

mga naapi noon. Si Padre Cristobal na nabalitang bumawi sa lupa sa isang pamilyang dukha. Marami ang nagkomento na hindi man lang siya nahabag sa pamilyang ito at wala rin naman siyang paggagamitan ng lupa. Ito ay kahawig ng istorya ng isang kabesa noon na inagawan ng lupa ng mga frayle nang Makita ng mga frayle na sagana ang lupa sa mga gulay at halaman. Dahil sa pagkamatay ni Padre Cristobal ay nagkahustisiya ang pobreng pamilya at ang kabesa. Si Rufino naman na alam ng lahat na nanira ng pangalan ni Nicolas upang mapasakanya si Paulita. Ang kwento niya ay halos katulad ng sa sikat na estudyante noon na si Juanito Pelaez. Si Padre Iigo ay tinatawag na paring madilaw at na kilala siya dahil sa kapatid niyang si Mateo na may pilat sa mukha. Ang kapatid niya raw ang nagsimula ng rebolusyon laban sa pamilya Ortega na nagmamay-ari ng napakalaking hacienda na sumasakop sa halos isang katlo ng buong bayan. Sinasabi na si Padre Iigo ang nagpayo kay Mateo na umpisahan ang rebolusyon. Nakahalintulad nila ang magkapatid na Lucas at taong dilaw noon. Si Padre Sergio ay para naming si Padre Damaso na umabuso sa kababaihan at nagkaanak ng babae at naging mongha. Si Padre Onsimo naman ay nakahalintulad ng isang sakristan mayor noon na napakalupit sa mga sakristan niya. Padre Samuel naman ay katulad ng kay Padre Sergio na umabuso sa kakabaihan. Ang pagkakaiba nila ay si Padre Samuel ay hindi nagkaroon ng anak kaya katulad niya ang buhay ng isang paring nagngangalang Padre Camorra. Si Mang Teotosio naman ay sobrang rahas parang gwardia sibil noon at si Padre Orfeo ay parang si Don Saturnino Ibarra na naging dahilan ng kasawian ng isang pamilya. Si Padre Maximo naman katulad din ng kay Padre Sergio at Padre Samuel pero mas masama ang nagawa ni Padre Maximo. May kumalat na balita noon na may pinagsamantalahan siyang mongha, hindi lang isang beses kung hindi ay maraming beses. Napabalita ito ngunit hindi napatunayan. Kahalintulad niya ang buhay ni Padre Salvi.

Nagulat si Padre Zacarias sa mga nalalaman ni Nicolas. Medyo nainis dahil puro pari ang tinitira ngunit may punto siya. Nakakamit nga ng hustisiya ang mga tao noon at ngayon. Biglang lumiwanag ang kwarto at lumabas ang isang magandang babae. Nang medyo nawala ang liwanag ay nakilala nila ang babae, siya ay si Maria Clara. Tinawag ni Maria Clara si Valdo na sobrang nanginginig. Sabi Maria Clara na si Valdo ang kukumpleto sa sampung kaluluwa na kailangan para makamit ang hustisiya. Inaakala ni Maria Clara na si Valdo ay si Crisostomo. Umiiyak naman na nagmamakaawa si Leonor. Nagtataka naman si Nicolas dahil hindi titik O ang inisyal ni Valdo pero sinabi ni Padre Zacarias na ang tunay na pangalan ni Valdo ay Osvaldo na pinalitan pagkamatay ng ina niya. Nang lumulutang na si Valdo ay biglang nahulog ang larawan ni Crisostomo na nilagay niya sa kanyang bulsa. Nakita ito ni Padre Zacarias at naalala na may binigay sa kanyang larawan ang binata sa may simbahan. Kanya itong nilabas at pinagdugtong ang dalawang larawan. Binasa ni Nicolas ang nasa likod nito. Nakalagay ang pariralang smbolo de nuestro amor eterno na ang ibig sabhin ay simbolo ng wagas na pagmamahalan. Biglang nagpakita ang tunay na Crisostomo. Nagulat si Maria Clara at ibinababa si Valdo at napaluha siya dahil natagpuan na niya ang kanyang minamahal. Naglapit ang magirog at unti-unti silang nawawala sa paningin nila Padre Zacarias, Nicolas, Valdo at Leonor. Niyakap ng mahigpit ni Valdo si Leonor dahil sa sobrang takot. Hindi na naipagdaos ng maganda ang kanilang ika-limangpung anibersaryo. Nagkaroon ng misa kinagabihan. Inalayan nila ng misa ang lahat ng namatay pati ang mga kaluluwang nagkamit ng hustisiya. Nagpasalamat rin si Padre Zacarias at natapos na ang lahat. -WAKAS-

TALASALITAAN:

También podría gustarte