Está en la página 1de 6

Banghay Aralin sa EPP IV

I. Layunin 1. Natutukoy ang mga kagamitan sa pananahi. 2. Natatalakay ang wastong paggamit at pangangalaga ng mga kagamitan sa pananahi. II. Paksang Aralin 1. Mga Kagamitan sa Pananahi 2. Wastong pangangalaga ng mga kagamitan sa pananahi Batayang Aklat: Edukasyong PAntahanan at Panglabuhayan, pahina 232-236 Primer 9.2, 9.3 Mga Kagamitan Tsart, mga kagamitan sa pananahi, larawan III. Gawaing Pagkatuto A. Panimulang Gawain a. Pagbati Gawaing Guro Magandang Umaga mga bata. Gawaing Mag-aaral Magandang Umaga po Maam, magandang umaga mga kamag-aral, magandang umaga sa inyong lahat. Salamat po maam.

Okey! Magsiupo ang lahat. b. Balik Aral Anu-ano ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain? Ibigay lahat-lahat.

Pagyeyelo, pag-iisterilisa o pagpapakulo, pagpapatuyo, pagaasin, pag-aatsara at pagsasalat.

Okey magaling! Anong paraan ng pag-iimbak ang nilalagyan ng maraming asin sa iimbaking pagkain? B. Panlinang na Gawain a. Pagganyak: Marunong ba kayong manahi?

Pag-aasin po maam.

Opo/Hindi pa po maam.

May kagamitan ba kayo sa pananahi sa inyong bahay? Bago tayo dadako sa ating paksang aralin ngayong umaga babasahin muna natin ang kahalagan ng pananahi sa kamay. Sino sa inyo ang nakabasa sa kahalagan ng pananahi sa kamay? Okey, John Rick Maam! Ang pananhi sa kamay ay isang kapaki-pakinabang at kawili-wiling gawain. Ang kaalaman at kasanayan sa pananahi sa kamay ay mahalagang matutunan. Ipaliwang ang kahalagahan ng pananahi sa kamay? Kapag marunong kang manahi, Opo

maaari kang makabuo ng payak ngunit kaakit-akit na mga kagamitan para sa inyong tahanan. Maaari mo pang magamit ang kaalaman mo rito upang kumita ka at makatulong sa pangangailangan ng iyong mag-anak.

b. Paglalahad: Makikita ninyo sa larawan ang ibat ibang kagamitan sa pananahi at ang kahalagahan nito at kung paano ito gagamitin.

c. Pagtatalakay: Mga Kagamitan sa Pananahi 1. Karayom matalas, matulis at may ibat ibang haba at laki ng butas. 2. Sinulid matibay at hindi nangungupas. Ginagamit din sa pananahi. May ibat ibang uri, kulay at laki. 3. Didal isinusuot sa daliri ng gitnang kamay upang ipanulak sa karayom.

4. Gunting panggupit ng tela at sinulid. 5. Medida panukat ng tela at ng bahagi ng katawan. 6. Aspili pansamantalng panghawak sa telang tinatahi. 7. Tusukan ng karayom at aspili o pin Cushion ang laman ay bulak, kusot o buhok. 8. Hasaan ng karayom o Emery Bag ang laman ay buhangin o durog na plato. 9. Tailored Chalk ginagamit bilang pananda sa tealng gugupitin. 10. Lalagyan ng kagamitan sa pananahi o Sewing Box lalagyan ng mga kagamitan sa pananahi. Yari sa lata, kahon o plastic.

Gawaing Guro Ipaliwanag ang bawat kagamitan sa pananahi.

Gawaing Mag-aaral

d. Paglalahat: Anu-ano ang mga kagamitan sa pananahi? Neil Maam! Ang mga kagamitan ay didal, sa pananahi sinulid, karayom, gunting,

medida, aspili, Pin cushion, Emery Bag at Sewing Box.

Upang hindi madaling masira ang mga kagamitan sa pananahi, ano ang dapat gawin? Ito po ay inilalagay sa Sewing Box.

Okey! Ito ay nilalagay sa Sewing Box. Dapat ang Sewing Box ay nakalagay sa matataas na bahagi ng cabinet upang di madaling makuha ng inyong mga nakababatang kapatid. Napakagaling mo Neil!

e. Paglalapat: Tatawag ng bata upang mamili ng isang gamit sa pananahi at ipakita kung paano gamitin ito.

IV. Pagtataya Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa mga tanong mula sa Hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel.

Hanay A ______ 1. Matibay at hindi nangungupas. May ibat ibang kulay, uri at laki. Inaangkop ang kulay sa telang tatahiin. _____ 2. Matalas, matulis at may butas sa dulo para sa sinulid. _____ 3. Panggupit ng tela at sinulid. _____ 4. Matulis at ginagamit na pansamantalang panghawak sa telang tatahiin. _____ 5. Hasaan ng karayom at aspili na ang laman ay buhangin o durog na plato. _____ 6. Panukat ng tela at ng bahagi ng katawan. _____ 7. Tusukan ng karayom at aspili. Ang laman ay kusot, buhok o bulak. _____ 8. Lalagyan ng mga kasangkapan sa pananahi. _____ 9. Nilalagay sa panggitnang daliri upang itulak ang karayom. _____ 10. Pananda sa sukat bago gupitin ang tela.

Hanay B a. aspili b. didal c. Emery Bag d. gunting e. karayom f. medida g. Pin cushion h. Sewing Box i. sinulid j. tailored chalk

V. Takdang Aralin: Alamin ang ibat ibang uri ng tela.

También podría gustarte