Está en la página 1de 11

HALIMBAWA NG BANGHAY ARALIN

KAGAWARAN NG EDUKASYON SANGAY NG PAMPANGA DISTRITO NG BACOLOR Paaralang Elementarya Ng Bacolor Bulaon Resettlement, Lungsod Ng San Fernando, Pampanga Setyembre 16, 2011 Taong Pampaaralan 20112012 Grade VI-A Ikalawang Markahan Oras: 8:30 9:30 Banghay- Aralin Pakitang Turo sa Filipino 6 I. Layunin Pagkatapos ng anim na pung (60) minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang 75 % antas ng tagumpay na: naipaliliwanag ang nilalaman ng awiting Masdan Ang Kapaligiran, natutukoy ang pandiwa sa pangngusap at ang aspekto nito, at nakatutulong sa pangangalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran Paksang Aralin: ASPEKTO NG PANDIWA Sanggunian: Landas Sa Wika 6, Lydia B. Liwanag: Pahina 90-97 Kagamitan: Manila Paper, Kartolina, Tsart, Kopya Ng Awit, CD, Cassette Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kapaligiran III. Pamamaraan Gawain Ng Guro A. Panimulang Gawain 1. y y y Pang araw- araw na Gawain Panimulang dasal Pagtawag ng mga kalahok Pampasigla Gawain Ng Mga Mag-Aaral

y y y II.

B. Pagganyak 1. Pagkuha sa Interes ng mga Bata Masdan ninyo ang ating kapaligiran. Ano ang napapansin ninyo sa inyong mga nadaraanan? Lahat ba ay maganda sa inyong paningin? Malalaman natin kung tama nga ba ang inyong tinuran. C. Pag-Aalis Ng Sagabal Bago natin alamin ang sagot sa inyong mga tinuran, narito ang mga salita na dapat muna nating bigyang kahulugan nang maunawaan natin ang nais ipahatid sa atin ng awitin. Sa pisara ay nga salita, sa tapat ng bawat salita ay mga kahon na magbibigay ng kasing kahulugan nito. Bawat kahon ay may katumbas na titik, punan ng ibang mga titik ang kahon upang mabuo ang wastong kahulugan ng mga salita. 1. pag-unlad 2. matitikman 3. masdan 4. pagpanaw 5. biyaya 6. isinilang D. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad (Pangkatin ang klase sa apat na3. grupo). Bawat grupo ay magtatalaga ng tingnan tagapag-ulat/ lider, taga-sulat at tagapagmasid -oras. Bawat pangkat ay 2. malalasap GG -- pag-asenso 1.

Hindi po!

bibigyan ng kanya-kanyang kopya ng awit. Ipaparinig ko sa inyo ang awit at kung alam 4. ninyo ay maaari ninyong sabayan. pagkamatay Pagkatapos mapakinggan ay bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto upang sagutan ang mga inihanda kong mga 5. tanong. (Patugtugin ang awit).
Masdan Ang Kapaligiran By Asin Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin REFRAIN 1 Hindi nga masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Datiy kulay asul, ngayoy naging itim Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit, wag na nating paabutin Upang kung tayoy pumanaw man Sariwang hangin, sa langit natin matitikman REFRAIN 2 Mayron lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan AD LIB Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman May mga puno pa kaya silang aakyatin May mga ilog pa kayang lalanguyan REFRAIN 3 Bakit di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligaran Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan Darating ang panahon, mga ibong gala Ay wala nang madadapuan Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag Ngayony namamatay dahil sa ating kalokohan REFRAIN 4 Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit nong ikay wala pa Ingatan natin at wag nang sirain pa Pagkat pag Kanyang binawi, tayoy mawawala na [Repeat REFRAIN 2]

grasya

6. - ipinanganak

2. Pag-uulat/ Pagtatalakay Narito ang mga tanong: 2.1 Alin ang dating kulay asul at nangingitim na

ngayon? Bakit?

2.2 Bukod sa atin, sino pa ang nangangailangan ng tirahan?

2.3 Sa awit, ano ang nangyari sa mga ibon? 2.4 Bakit nangyari ang naging sagot sa ikatlong tanong?

2.5 Bakit naman naging marumi ang hangin?

2.6 Ano-ano ang masasamang gawain ng mga tao ang nakakasira sa ating kapaligiran?

(Pagkatapos ng sampung minuto, bawat pangkat ay ilalahad ang mga naging sagot sa mga katanungan.) Ano ang nais ipahatid sa atin ng awitin? Paano pahahalagahan ang ating kapaligiran? Ang tubig sa dagat dahil sa pagtatapon natin ng basura, patay na hayop at iba pang mga bagay na nagpaparumi dito. Nangangailangan din po ng tirahan ang mga hayop. Nawalan po ng tirahan ang mga ibon.

Magaling! 3. Paglinang ng Kasanayan

Tingnan muli ang inyong kopya ng awit. Inyong bigyang pansin ang mga salitang nakasalungguhit. Ano-ano ang mga salitang ito? Ibigay nga ninyo.

Nawalan po ng bahay ang mga ibon dahil sa walang abas nating pagputol ng mga puno na siya namang tirahan nila. Dahil po sa mga maruruming hangin na nanggagaling sa mga sasakyan, pabrika at iba pang mababahong amoy o hangin na nalilikha na rin ng tao.

Pagputol ng mga halaman at puno. Ang pagtapon ng basura kahit saan lalong-lalo na sa mga anyong tubig. Ang pagsunog ng mga basura lalonglalo na ang mga plastik.. At iba pang masasamang Gawain.

Ano ang ipinahahayag ng mga salitang ito? Tama! Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang nag papahayag ng kilos? Ano ang mga pandiwa? Tingnan ang mga salitang nasa hanay A. Kailan nangyari ang mga kilos na ipinahahayag? Ang pandiwa ay may tatlong aspekto, kung ang salitang kilos ay nagaganap na nabibilang ito sa aspektong pang kasalukuyan. Ngayon anong aspekto nabibilang ang mga salita sa hanay A? 1. 2. 3. 4. Paano natin masasabi na ang 5.

Ating pahalagahan ang ating kapaligiran. Magtanim ng mga puno. Magtapon ng basura sa tamang lugar. Iwasan ang paglikha ng maruruming hangin, at Makikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan ukol sa pangangalaga at pagpapauunlad ng ating kapaligiran.

napapansin nangyayari namamatay nawawala hinihiling

pandiwa ay nasa aspektong pangkasalukuyan?

6. ikinalat 7. binawi 8. pumanaw 9. narating 10. isinilang Tama! 11. madadapuan 12. matitkman Magbigay nga kayo ng iba pang darating 13. halimbawa. 14. aakyatin 15. lalanguyan Dumako naman tayo sa mga 16. dadalhin salita na nasa hanay B. Kailan naganap ang mga kilos na ito? Nangyari na ba? Anong aspekto ng pandiwa naman ito nabibilang? Ano ngayon ang ipinapahayag ng mga pandiwang nasa aspektong pangnagdaan? ( Humingi ng halimbawa sa mga bata) Ngayon, tingnan naman natin ang mga natitirang mga salita na nasa hanay C. Kailan naganap ang mga pangyayarI ? Magaling ! Saang aspekto ito nabibilang? Tama! Paano natin masasabi na ang mga pandiwa ay nabibilang sa aspektong panghinaharap? kumukuha, nagdarasal, tumatakbo, naglilinis at nagsusulat. Ang mga salitang nasa hanay A ay nasa aspektong pangkasalukuyan. Ang isang pandiwa ay nasa aspektong pangkasalukuyan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na sinimulan na at ginagawa pa. Ngayon po o ginagawa pa lamang po ang kilos. Nagpapahayag po ang mga ito ng kilos. Pandiwa po. Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng kilos o gawa.

(Pabigyan ng halimbawa ang mga bata) (Balikan ang mga sagot ng bawat grupo. Suriin ang mga ito kung gumamit sila ng mga pandiwa at itanong sa kanila kung anong aspekto ito nabibilang.) 4. Paglalahat Ano ang pandiwa? Ano ang tatlong aspekto ng pandiwa? Ang mga pandiwang nasa aspektong pangnagdaan ay nagpapahayag ng kilos na ginawa na o natapos na. Opo, ang mga salita sa hanay B ay nagawa na o natapos na. Ang mga ito po ay nabibilang sa aspektong pangnagdaan.

Ano ang pagkakaiba ng mga ito. Ang mga kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang.

Ito ay nasa aspektong panghinaharap. Mahusay! 5. Pagpapayamang Gawain Tingnan nga natin kung naiintindihan nyo talaga ang ating pinagaaralan. Gamit itong pentelpen/panulat, bilugan ang mga pandiwa sa mga pangungusap na nakasulat sa pisara. Pagkatapos ay isulat sa loob ng parihaba ang PN kung ito ay nasa aspektong pang nagdaan, PK kung pangkasalukuyan a t PH kung panghinaharap. Masasabi nating ang kilos ay nasa aspektong panghinaharap kung ito ay hindi pa nagagawa at gagawin pa lamang.

Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng kilos o gawa

Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay: 1. pangkasalukuyan 2. pangnagdaan at 3. panghinaharap.

Ang pandiwa ay nasa aspektong pankasalukuyan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na at ginagawa pa. Ito naman ay nasa aspektong pangnagdaan kung ito ay nagpapahayag ng kilos na ginawa o natapos na. At ito ay nasa aspektong panghinaharap kung ito ay hindi pa nagagawa at gagawin pa lamang.

PH 1. Ang mga bulaklak ay iaalay ng dalaga sa altar. PK 2. Nagdidilig si lolo ng halaman tuwing umaga. PN 3. Si Lucia ay magaling na sumunod sa kanyang ina. PN 4. Itinaas sa tagdan ag bandilang Pilipino. PK 5. Nagsisimba tuwing Linggo ang mag-anak ni G.

Rivera. PN 6. Si Miguel ay maagang umalis kanina. PH 7. Kakain na po ba kayo? PK 8. Ang guro ay matiyagang nagpapaliwanag ng aralin sa mga mag-aaral. PN 9. Si Rufo ay dumalaw sa maysakit noong isang araw. PH10.Ang maliliit pero maaayos kong damit ay ibibigay ko sa mga ulila.

IV.

Pagtataya Ngayon ay kumuha ng isa at ipasa sa likod. ( ibigay ang mga hand-outs/ maikling pagsusulit). Panuto: Bilugan ang mga pandiwa sa mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa tamang hanay. 1. Nag-eehersisyo ang mga lalaki at babae. 2. Ang mga gamit ay inilipat ni Ador sa kabilang kuwarto. 3. Tatawagan kita mamayang gabi. 4. Sasamahan kita sa pagsimba sa Baclaran. 5. Mahusay na sumayaw ang pangkat sa harap ng mga panauhin. 6. Si Ron ay tinutulungan ng kanyang mga kaibigan. 7. Nakauwi nang ligtas si Lisa sa kanilang bayan. 8. Ang sanggol ay pinaliguan ng nanay. 9. Nagpapahinga sa ilalim ng puno si Edgar. 10. Aalis ka nga ba sa isang buwan ? Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap

V.

Takdang- Aralin Bilugan ang pandiwang angkop sa aspektong ipinahihiwatig sa pangungusap. ( Nakakita, Nakakakita, Makakakita ) ng bagong trabaho si tatay noong isang araw. ( Isinulat, Isinusulat, Isusulat) ko sa iyo ang ano mang balitang aking makakalap tungkol sa nawawala mong kapatid. ( Naglinis, Naglilinis, Maglilinis) kami mamaya bago dumating ang mga bisita ni nanay. ( Binayaran, Binabayaran, Babayaran) ko na ang damit na iyan kanina kay Fely. Araw-araw, (tinawagan, tinatawagan, tatawagan) ako ng aking kaibigan. Mga sagot para sa: A. Pagtataya Mga nakabilog: 1. Nag-eehersisyo 2. inilipat 3. Tatawagan 4. Sasamahan 5. sumayaw 6. tinutulungan 7. Nakauwi 8. pinaliguan 9. Nagpapahinga 10. Aalis Pangnagdaan 1. inilipat 2. sumayaw 3. Nakauwi Pangkasalukuyan Panghinaharap 1. Nag-eehersisyo 1. Tatawagan 2. tinutulungan 2. Sasamahan 3. Nagpapahinga 3. Aalis

1. 2. 3. 4. 5.

4. pinaliguan B. 1. 2. 3. 4. 5. Takdang-Aralin Nakakita Isusulat Maglilinis Binayaran tinatawagan

También podría gustarte