Está en la página 1de 6

Lecture Notes on Systems Theory Part 4

IV. Social Institutions Although Luhmann barely used the term social institutions, I cannot help but use the term as the referent of his social systems or function systems. Sa mga susunod na paragraph, ilalapat ko ang mga systems theory ni Luhmann sa analysis ng mga mahahalagang concept na natalakay natin tungkol sa bawat institutions. Religion Sinabi natin na ang religion ay pumapatungkol sa mga bagay na sacred/profane (Durkheim). Para kay Luhmann, kapos ang distinction na ito. The suggestion is to replace it with the distinction Transcendental/Immanent and with the symbolically generalized medium of Faith. Ibig sabihin in-oobserbahan ng religion bilang isang institution/function system ang mga nangyayari sa lipunan batay sa kung ito bay patungkol sa bagay na labas sa here and now (transcendental) o hindi (immanent). Kaya naman relihiyon ang inaasahan nating magbibigay ng mga ultimate answers sa mga bagay na hindi natin maipaliwanag at tinatanggap natin ang paliwanag nito gamit ang Pananampalataya (faith). Isa ang moralidad sa mga bagay na kakabit parati ng mga transcendental na issues, mga issue na apektado ang lahatang sangkatauhan. Ang sagot sa ano ba ang purpose ng buhay? ay kadalasang nakakabit sa mga moral duty na itinuturo ng mga simbahan (regardless kung Koran, Bible, Torah, etc). Kaya naman ang mga religious groups ay aktibo sa pakikialam sa usaping moral tulad ng reproductive health at sex education. Ang religion, kung ito ay differentiated at autonomous mula sa ibang institutions, ay dapat asahan na hindi madidiktahan ng pera at hindi rin naman dapat sila makialam ng sobra-sobra sa pulitika. May mga pari na tumatanggap ng jueteng payola at nakikita pa sila na ipinagmimisa ang mga jueteng lords at protector kapag birthday ng mga ito. Ito ay halimbawa ng overlapping o dedifferentiation ng economy at religion. Nagkakaron ng undue influence ang economy (money from jueteng) sa mga ginagawa ng mga pari na pagtuturo ng morality (kung saan isang halimbawa ay masama ang pagsusugal). Nawawala ang credibility ng pari kapag siyay nagpadala sa pera. Sa kabilang banda, ang mga pari o ministro naman, sa kagustuhan nilang maging moral ang mga lider ng bansa ay sumosobra minsan sa pakikilahok sa pulitika. Umaabot pa minsan sa pag-eendorso ng kandidato sa eleksyon (El Shaddai, Iglesia ni Cristo), na kung tutuusin ay di naman sakop ng trabaho nila sa pag-e-evangelize. Sabi ni Durkheim, ang lipunan ay ang Diyos at vice versa. Ibinatay niya ito sa Totemism ng mga primitive tribes, na kung saan tinitignan nilang representation ng clan nila ang totem na nakamarka sa kanilang mga balat (bilang tattoo) o kayay dekorasyon sa katawan (bilang kwintas o head gear). Ito ay posible sa context na predominant ang segmentary differentiation kung saan hindi hiwalay ang turing ng mga tao sa tribu nila at sa mga bagay sa kalikasan. Nang ma-denaturalize ang lipunan (hindi na parte ng nature ang society) at nang ma-desocialize ang nature (walang human characteristics [anthropomorphism] ang kalikasan, in short, nang ma-differentiate ang dalawa tsaka lang natin nalaman ang talagang katangian nito. Nang humina at lumiit ang mga totemic tribes, ang religion ay naging patungkol na sa mga bagay na Engels C. Del Rosario Page 1

mas higit pa sa nakikita sa tao o sa kalikasansa unang pagkakataon naging abstract ang konsepto ng Diyos, isang nilalang na hindi masi-symbolize ng kahit anong bagay sa mundo. Sa modernong panahon, sinasabi na humina ang impluwensiya ng religion sa public affairs (secularization). Ito ay naging posible dahil sa ang dating de-differentiated configuration ng mga social institutions sa traditional society ay napalitan ng functionally differentiated institutions. Ang dating kapangyarihan ng simbahan ay nagsimulang humina dahil sa separation ng Church at State na isinabatas ng mga naunang republics sa Europe. Dahil sa separation principle na to, hindi na pwedeng magkaroon ng political function ang mga pari (tulad ng ginawa ng mga prayle dati sa Pilipinas) at hindi na rin pwede mag-designate ng official religion o mag-discriminate ng religion ang estado. Hiwalay na ang kanilang functions. Marahil ay babatikusin ang religion bilang last bulwark ng traditionalism at sila ay iri-ridicule sa kanilang dogmatism (think of Da Vinci Code) pero hindi sila masisisi kung mananampalataya sila sa kanilang paniniwala. They have faith in their faith (self-reflexivity of religion.) Family Pamilya na siguro ang pinaka-enduring na institusyon sa lipunan. Sang-ayon sa systems theory, ang pamilya ay umiiral sa code na Love. Noong sinaunang panahon, ang pagmamahal ay hindi requirement para sa pagpapakasal ng dalawang tao (fixed marriages) at hindi rin dahilan para i-restrict ang dami ng sexual partners (polygamy). Kung susundan natin ang account ni Friedrich Engels sa Origin of the Family, Private Property and the State at ikukumpara sa account ni Luhmann, mapapansin natin na ang pagkakaroon ng monogamy ay may kaugnayan sa pagbabago ng differentiation mula segementary papuntang hierarchical. Ang assumption ni Engels (although mali) ay pantay-pantay ang mga tao, mapababae o mapalalaki sa primitive communal society (period din ng segmentary differentiation) at laganap ang conspicuous sex at walang exclusivity pagdating sa mga asa-asawa. Pero nang makapangibabaw ang mga kalalakihan dahil sa sila ang nakakuha ng surplus goods ng kanilang tribu, naging ganap ang exclusivity ng wife sa isang husband at umusbong ang patriarchal na kaayusan (hierarchical differentiation: male > female). Ang babae mula noon ay itinuring na second-class citizen at isa lamang sa pag-aari ng lalaki (famulus). Nang lumaon (labas na to sa libro ni F. Engels), umusbong ang practice ng courtly love kung saan nagliligawan ang mga knights at ladies/damsels sa mga palasyo ng monarchs. Naging Romantic ang notion ng pagmamahal dahil sa practice na ito kung saan hinihingi ng lalaki (knights) ang pag-ibig ng babae (damsels) at kung minsan pa ngay itinatakas palayo sa asawa ng babae at itinatanan. Dito nagsimula ang practice na love for loves sake. Naging selfreferential at self-reflexive ang pag-ibig. Naging malaya ang lalaki at pati na rin ang babe sa dikta ng economic background, status, at tradisyon at ginamit ang purong pag-ibig bilang sole basis ng pagsasama at pagpapakasal. (transition from hierarchical to functional differentiation and the autonomy of family as an institution). Sa isang banda, equal na ang status ng babae sa lalaki pagdating sa relationships. Hindi na pwedeng diktahan at limitahan ni lalake si babae dahil kayang i-withdraw ni babae ang kanyang pagmamahal kay lalake. At dahil rin sa economic opportunity na nabuksan para sa mga babae na makapagtrabaho sa labas ng bahay (kung saan datiy hanggang don lang ang role niya bilang Engels C. Del Rosario Page 2

babae), kaya na ring maging financially independent ng babae sa lalake (career woman). Ito ay posible dahil sa modernong lipunan, ang kakayanan sa pag-fulfill ng functions ang mahalaga (credentials) at hindi ang status mo kung ikaw ba ay babae, bakla, tomboy o walang kasarian. Sa ganitong paraan, maaaring tignan ang paglaganap ng divorce at ibat ibang uri ng pamilya bilang sintomas ng lipunang kumakawala sa patriarchal mold at nagiging moderno at functionallydifferentiated. Marami ang nagpapahayag ng matinding disorientation at disgust sa dumaraming broken families dahil na rin daw sa mga asawa at mga magulang na hindi tapat sa pamilya. Unti-unti mang nasisira ang nuclear family, unti-unti rin namang umuusbong ang ibang uri ng pamilya (single parent, single father, childless couple, adoption, cohabitation, same sex marriages) dahil sa modernong lipunan autonomous na ang pag-ibig sa ibang institutional concern. Basta pinananatili ng pagmamahal ang isang relasyon, nagmimistula itong pamilya para sa mga taong involved. Politics and the State Politics is the social institution that revolves around power. In its modern form, the State centralizes power unto itself through the government as its organizational arm. However, it was not always like this. In traditional societies, power is tied down by religious considerations (it was believed before that the king is God-ordained) and so there were frequent quarrels between church officials and monarchs. In addition, the rule of monarchs were hampered, if not by the church, then by members of the royal families especially when it came to succession of power. The role of politicians came into view when parliament (previously the kings advisers) strengthened its ranks and pushed forward the march to democratization. Dati sa traditional na lipunan ang pamumuno ay umiikot lamang halos sa iisang pamilya at usually ang mga namumuno ay puro lalaki. Ika nga ni Weber, patrimonial ang political organization ng traditional society. Patrimonial dahil ang lider ay namamahala na parang ama ng tahanan na ang turing sa kanyang mga nasasakupan ay mga anak at pag-aari. Subject sa kanyang pabago-bagong kagustuhan (arbitrary rule) ang magiging alituntunin sa kaharian at ang mga nakakakuha ng pabor ay yung tapat (o sipsip) o masunurin sa kanya. Ito ang origin ng tinatawag na Patronage politics. Ang lider ay mistulang patron na nagbibigay ng blessings kapag in-aamo at sinasamba. Nakasandal ang ganitong pulitikal na kaayusan sa traditional-feudal economy ng premodern times. Sa pagtatanim sa lupa, na pagmamayari ng landlord na nagsisilbi sa ilalim ng hari, nakakasalalay ang subsistence ng malaking parte ng populasyon. Kapag tinanggal ang isang peasant sa lupain ng landlord sa kung anomang dahilan, mawawalan ito ng hanapbuhay at mamumulubi sa kalsada ng mga siyudad. Ito ang nangyari sa Europe sa panahong Industrial Revolution kung saan na-convert sa mga plantation at factories ang dating farmlands na kinukuhanan ng ikabubuhay ng mga peasants. Ang mga peasants ay naging proletariat at napilitan ang marami na maghanapbuhay sa mga bagong tayong pabrika. Ngunit kasabay nito ang pagiging obsolete ng feudal relations at patronage politics dahil sa ang dating peasant ay malaya na sa kanyang landlord. Ang landlord na walang lupang ima-manage ay hindi na pwedeng maging landlord at maghariharian tulad ng dati. Na-differentiate ang political function sa economy.

Engels C. Del Rosario

Page 3

Pagkatapos mapugutan ng ulo ang mga monarch sa Europe dahil sa sunod-sunod na pag-aklas ng mga tao laban sa Absolutism at pangingialam ng simbahan (French revolution) sa public affairs, umusbong ang mga republika. Isang uri ng pamumuno at political organization na bureaucratic at democratic. Rational-legal principles na ang basis ng legitimacy ng mga namumuno at hindi na tradition at charisma, ayon kay Weber. Ang dating mala-kamaganak na turingan ng mga nobility/landlord sa kanilang serfs/peasants at napalitan ng mga impersonal rules na nag-aapply sa lahat. Ang rank ng isang public official ay batay sa kanyang performance at credential at hindi na batay sa kung kadugo o kakilala. Ang mga namumuno ay hindi necessarily magkakakilala o magkakamag-anak. Sila ay inaappoint o inihahalal sa pwesto. Sa ganitong context, ang mga dating subjects ng hari ay naging mga mamamayan na may karapatang bumoto (isang uri ng kapangyarihan) para iluklok ang gusto nilang mamuno (paggamit ng kapangyarihan) sa kanila. Ang mga kandidato ay inaasahang aral sa batas at inaasahan ding ipapatupad, susundin at ii-improve ang batas (legal authority) batay sa mga political program ng kaniyang partido (rational basis). Nawalan ng family dimension ang pulitika; naging autonomous ang pulitika sa simbahan, pamilya, at ekonomiya (political parties vs. political parties at hindi na political clan vs. political clan). Political skills are used (as against using religion or wealth or family connection) to gain political power. The public uses its voting power to control the powerful with the threat of unseating them in the next election. A bureaucratic-democratic political organization has been established. Politics became self-reflexive and self-referential. Economy As with the previously mentioned separatation of politics from economy, the economy had also released itself from the inertia of feudal order together with its old notions of reciprocity. There was a time when merchants are frowned upon for selling their products at a profit margin that would seem reasonable today. But that was during the time when markets and the merchant class were still insignificant to the economy. After the Industrial Revolution, the market grew exponentially and it gained a central status in the new modern economy. Naging posible ang napaka-produktibong klase ng ekonomiya (kapitalismo) hindi lang dahil sa technology kundi dahil sa division of labor. Sa traditional at segmentally differentiated na lipunan napakaliit ng division of labor at kadalasan ito ay batay lamang sa edad o sex (pang-babaeng gawain, panglalaking gawain). Pero sa modernong division of labor, ang dating trabaho ng isang ay na-differentiate sa mas maliliit na trabaho na paghahatian ng ilang tao. Sa ganitong paraan, bumibilis at dumadami ang produksyon. Ang dating mabagal na rhythm ng traditional-feudal life ay napalitan ng dynamic at nakaka-disorient na capitalist economy. Because of the massive increase in the goods produced, the economy went from being self-subsistent and relatively self-reliant to becoming interdependent. The market was in a way the cause and the effect of industrialization and increased division of labor. Trade supplanted farming and fishery in the economic centerstage. Kung dati ang determination ng kung ano ang ipo-produce, gaano karami at gaano kadalas ay sang-ayon sa simpleng pangangailangan ng mga pamilyang peasants o fisherfolks. Ito ang household economics. Bago ang mga factories, naryan ang guilds na pinapatakbo ng master craftsmen na nagha-hire ng mga apprentice para i-train at gawing craftsmen din. Hindi pa masyadong apektado ang mga guilds ng demand at supply sa market dahil kontrolado nila ang kanilang produksyon. Masasabi rin na sa panahong ito, hindi pa gaanong Engels C. Del Rosario Page 4

alienated ang manggagawa sa kanyang likha. Ngunit paglaon, sa pagpasok ng capitalism at modern division of labor ang mga ito ay mabilis na naging obsolete. Sabi nga ni Marx sa transtition from feudalism to capitalism all that is solid melts into air. Ang isang libong taong pag-iral ng feudalism ay binulabog ng mawala sa pagiging socially embedded ang ekonomiya (ayon kay Karl Polanyi, The Great Transformation) o sa ibang salita, ayon sa systems theory, nang madifferentiate ang market economy. Merkado na ngayon ang nakapangingibabaw sa social landscape. Ang kabuhayan ng tao ay nakadenpende sa kanyang participation sa market. Naging commodified ang napakaraming bagay, kasama ang ilang bagay na akala natin ay hindi napapatungan ng presyo. Dalawa ang option sa pagparticipate sa market: lumikha at magbenta ng goods at services (negosyante) o magbenta ng labor power (worker). Kailangang may magbenta at may bumili para umikot ang peraang bagong panginoon. Demand at supply ang nagre-regulate sa galaw ng merkado sang-ayon sa mga classical economists (invisible hand). Pera-pera na ang usapan. Ang pera mismo ay pwedeng bilhin ng pera para ipambili ng pera (currency exchange). At kahit wala kang pera, pahihiramin ka ng pera na patutubuan ng interes para kumita din pabalik ng pera (credit/credit card). Napakaraming nagagawa ng pera dahil ang pera ay walang kinikilalang social status o social context. Basta may pera ka, kahit sino ka pa, pwede mo gamitin pambili ng iyong economic needs. Ang pera ay self-reflexive at self-referential. Ang market ay considered na may self-regulating mechanism at autonomous sa moralization ng religion at hanggat maaari ay umiiwas sa regulation ng state.

Mass Media Ang pagbabago sa institusyon ng media ay nakatulong sa pagdi-differentiate ng community (Gemeinschaft) sa society (Gesellschaft). Nung wala pang printing press at ang communication ay verbal lamang, umiral ng mahabang panahon ang oral culture. Ang bawat impormasyon at pagve-verify ng katotohanan ng impormasyon ay nakabatay sa personal na testimonya o speech ng tao. Pati ang pagsasalin ng kaalaman mula sa ninuno papunta sa susunod na henerasyon ay oral/verbal. Ang mga epiko at propesiya ay sinasabi o nire-recite ng mga taong may privileged knowledge sa history ng kanyang tribu kaya pinahahalagahan ang bawat salita nila. Ganito ang mga traditional na kultura. Ang mga pamahiin na lumalaganap sa pamamagitan lamang ng sabi-sabi ay nag-ugat din sa panahong ang means of communication ay oral at kung saan nire-require parati ang physical presence ng tao. Nakatulong ito ng malaki sa pagiging close-knit ng mga primitive tribes. Nang maimbento ang printing press noong kalagitnaan ng 15th century, naging dynamic ang palitan ng impormasyon at kaalaman. Noong una ang mga inilalathala ay mga business news tungkol sa presyo ng mga trade goods. Later on, sumunod na ang mga dyaryo at mga nobela. Ang malawaka na sakop ng print media ay nakatulong sa pag-develop ng consciousness na somehow ay integrated ang mga taong magkakalayo ng tirahan at magkakaiba ng buhay. Ito ay dahil sa nagiging common ang binabasa at nalalaman ng mga tao (mass information). Artificial man, ang imahe ng isolated communities ay napalitan ng political entity na tinatawag na nation. Nagsimulang maging uniform ang mga kalendaryong ginagamit ng lahat. Mabilis kumalat ang balita at impormasyon na Engels C. Del Rosario Page 5

nagbura sa aritificial geographical division ng mga mamamayan. Kasunod ng pagtuklas na tayo pala ay parte ng isang mas malaking collectivity ay ang kamalayan ng may lipunan. Dahil sa ang lipunan ay sistema ng komunikasyon, mas nagreregister sa ating kamalayan na may sistemang umiiral dahil ineexpand ng mass media ang horizon ng communication ng isang isolated community at ikinokonekta ito sa mas malawak na kabuuan. Sa paglitaw ng radio, telepono, TV at lalo na ng internet, lalong bumilis ang daloy ng impormasyon at lumawak. Ngayon, hindi ka lang konektado sa nangyayari sa Pilipinas. Konekatado ka na rin sa nangyayari sa mundo. Binago din ng mga development sa media techonology ang paraan natin ng pagsasala ng impormasyon. Sa kasalukuyang panahon, mas naniniwala tayo sa realidad na nababasa natin sa dyaryo o napapanood sa TV kaysa sa kwento lamang ng isang kaibigan (humina na ang oral culture). Sa modernong panahon, alinsunod din sa requirements ng bureaucracy, halos lahat ng transaction at event ay documented (print, audio or video file). Posible na rin ngayon na ang balita bukas ay tungkol sa balita ngayon. Mass media feeds on news about news and reports about reports. Mass media is also self-referential. Ayon sa observation ni Luhmann, may tatlong component ang mass media: news, entertainment, at advertising. Nasa news ang susi sa pag-unawa ng operation ng mass media bilang institusyon. Parating new ang dapat iprisenta ng media dahil ang mga bago ang inaabangan at nakakakuha ng atensyon. Kailangan ng mga media outfits ang atensyon ng mga audience,viewers, o readers dahil sa mga advertisement na bitbit nila (kung saan sila kumikita). Ngayon mas kapansin-pansin na entertainment naman ang ginagamit pang-akit ng consumers. May termino na tayo para sa paghahalo ng dalawang itoinfotainment. Sa ganitong context masasabi na taling-tali ang mass media sa advertising (regardless of public or private) kahit na mabilis itong na-differentiate sa ibang social institutions.

Engels C. Del Rosario

Page 6

También podría gustarte