Está en la página 1de 6

Alamat ng Mayon

Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahulugay Magandang Dalaga. Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw. Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-mayay ang binibiniy nagtampisaw sa batis. Ang binatay nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binatay nginitian. Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at itoy nagsalita, Magandang Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan! Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas! Akoy si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit ditto. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at akoy masisiyahan na! Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at itoy kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib. Maaari bang kitay makitang muli? At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis. Isang araw, mungkahi ng lalaki, kitay iniibig. Tayoy pakasal! Ngunit ang Rajah? Ang aking ama? may alinlangang paliwanag. Dapat niyang malaman! Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya! Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan. Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan. Kakaunin niya ang amat ina at silang tatlo ay babalik sa Albay. Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si Daragang Magayon. Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: Kung hindi kita makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman! Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siyay sumagot, Akoy magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!

Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalagay nakaupo sa duruwangawan at naghihintay. Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan kainan at sayawan. Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang. Akoy naparito upang angkinin ang aking nobya! sabi ni Malaya. Hindi maaari! tugon ni Kauen. Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay subok sa espada subalit si Kauen naman ay malansi at mapaglalang. Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig. Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalaway ilagak na magkasama sa isang hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.

Alamat ng Kanlaon
Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok ng humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok Kanlaon. Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit. Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala. Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka. Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta. Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abuting sila nang ibinugang apoy ng ulupong." Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.

Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito. Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang hari ng kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong. "Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari. Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay nakasalubong niya ang isang langgam. "Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating kapayapaan." Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok. Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa rami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila. Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si KhanLaon sa labanan. Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na diniudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong. Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon. "Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon. Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula noon ay masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

Alamat ng Bontoc

Noong bata pa ang mundo, isang ina kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki ang nanirahan sa maliit na lambak ng Cholya. Isang araw inutusan ng ina ang magkapatid na namamahinga sa ilalim ng puno na mumundok sapagkat wala nang karne sa bahay. Kinuha nila ang kanilang mga aso at sibat at lumakad na sa kabundukan upang mangaso. Hindi katagalan, sumapit na ang dilim ngunit hindi pa nagbabalik ang magkapatid. Nagsindi ang ina ng sulo na saleng* at naupo sa pantew**, nagmamasid sa direksyon kung saan nagtungo ang kanyang mga anak. Sa wakas, nakarinig siya ng papalapit na mga yabag. Tinawag niya ang kanyang panganay. Papalapit ang anyong tao ngunit hindi ito tumalima. Sa pamamagitan ng kanyang sulo, nakilala niya ang kanyang panganay, kinuha ang sibat nito at tinulungan makapasok sa bahay. Pagkatapos ay siya namang pagdating ng kanyang bunso. Sa kabila ng Pagod at gutom, isinalaysay ng magkapatid ang mga pangyayari sa kagubatan. Sa kadahilanang patag ang mundo, ang mga hayop ay mas mabilis at mas kakaunti na lamang kaysa dati. Marami ang pumailanlang at nahulog sa malaking bangin sa dulo ng mundo. Nalungkot ang ina sa narinig. Gayon pa man, pinakain niya sa kanyang mga anak ang matipid na hapunan na kanyang inihanda. Pagkatapos kumain, sinabihan ng mabuting ina ang kanyang mga anak na humingi ng kabatiran kay Lumawig. Noong gabi ding iyon, nanaginip ang mag-iina na nagpakita sa kanila si Lumawig at winika sa magkapatid na ipunin ang lahat ng bato sa wawa ng ilog at kapag ginawa nila ito ay magbabago ang hugis ng mundo at ang lahat ay magiging mas mabuti. Kinaumagahan, umalis ang magkapatid upang tupdin ang ipinag-uutos sa kanila ni Lumawig. Nagtrabaho sila ng matiyaga mula umaga hanggang gabi. Ang mga tao ay nahimbing sa pagtulog na walang kamalay-malay na unti-unting tumaas ang tubig ng ilog hanggang sa binaha ang buong nayon. Kinabukasan, walang makikita kundi mga naglulutangang bahay, puno at hayop. Isang lalaki at babae ang nakaligtas. Bilang pasasalamat, magkahiwalay silang nag-alay ng dasal sa dakilang ispirito. Isang araw, lumisan ang lalaki upang siyasatin ang kalapit na mga kabundukan. Dito niya natagpuan ang babae at dinala niya ito sa Bundok Pokis upang doon palipasin ang baha. Bumaba sila sa lambak at napansin ang malaking pagbabago. Wala nang kapatagan ngunit kabundukan ang matatagpuan sa buong kapaligiran. Ang lumang ili*** ng Cholya ay nahati sa apat na bahagi ng mga maliliit na batis na kinalaunan ay tinawag na Afeu, Mag-ew, Chao-ey at Umfeg. Sa gitna nitong bagong lambak ay umagos ang isang malaking ilog, na tinawag namang Ilog Chico, na naghahati sa bayan sa dalawa, ang

Cholya (na tinawag na Bontoc) at ang Kidla (na tinawag namang Samoki.) Nagtayo sila ng mga kubo, nagkaroon ng maraming anak at binuo nila ang orihinal na tribong Bontoc. Ang mga taong ito ay naglakbay patungo sa lupain ng mga Ilocano at nagsimulang makipagkalakalan ng karne at bigas para sa kanilang tabako, asin at ginto para sa mga tapayan at aboloryo. Sa mga nasabing pagbisita, tatanungin sila ng mga taga-patag kung saan sila nagmula. Dahil sa hindi nila maintindihan ang wika ng mga Ilocano, ang mga Igorot ay nagsikumpas ng mga kamay upang isagisag ang malalaking kabundukan, maliliit na bahay at isang malaking ilog. Sa kanilang kasabikan, nawika ng mga Ilocano, wen, wen, bondok, bondok na nagtutukoy sa mga bundok. At ang mga Igorot na sumasang-ayon sa sinabi ng mga Ilocano, ay nagsitango at masayang sinabi, wen, wen, Bontok, Bontok. At ito na nga pinaraan kung papaanong nakilala ang nasabing nayon bilang Bontoc .

Alamat ng Mindanao

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda. Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kayat muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan. Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. Dahil di

kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa. Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang. Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan. Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan . Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subalit lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan. Subalit si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe. Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.

Hinulugang Taktak
Ang Hinulugang Taktak ay isang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Parke ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman.[1] Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na pan-turismo sa Lungsod ng Antipolo, and kabisera ng Rizal, kasabay ng Katedral ng Antipolo. Noong 1990, prinoklamang isang Pambansang Makasaysayang Srino ang Hinulugang Taktak sa pagpasa ng Aktong Republiko Blg. 6964.[2]

También podría gustarte