Está en la página 1de 1

AUGUST 25, 2011

NR # 2506

Isalba ang PTV Channel 4


Bilang karagdagan sa 13 prayoridad na panukalang batas na inilatag ni Pangulong Noynoy Aquino sa nakaraang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), hiniling ni Rep. Lucy Torres-Gomez (4th District, Leyte) sa Kongreso na madalin ang pagpapatibay sa panukalang batas para payagan ito na kumuha ng commercial advertising para masuportahan nito ang kanilang operasyon at mapalitan ang mga lumang kagamitan at pasilidad dito. Sa pagnanais na maisalba sa pagkakalugmok ang Peoples Television Network Inc. (PTNI), sinabi ni Torres-Gomez na kailangang amiyendahan ang Charter ng PTV-4 para malaya itong makahanap ng pondo para sa araw-araw na operasyon at gastusin na hindi magsasakripisyo ang kaban ng bayan. Ang salaping kikitain sa advertising ay magiging simula para sa pagbabagong-ayos ng istasyon at manum-balik ang kanilang operasyon, paliwanag ni Torres-Gomez. Noong 2001, sa bisa ng Republic Act 7306, nilikha ang PTNI, pinabawalan ang istasyon na kumuha ng mga commercial advertising dahilan upang mahirapan makuha ng kanilang pang-araw-araw na gastusin. Tulad ng nakasaad sa Charter, nahinto sa pag-eere ng mga commercial advertisements ang PTNI at tumatanggap lamang sila ng tulong-pinansyal kung hihingi sila sa gobyerno para mapunan ang kanilang gastusin sa operasyon. (30) eag

También podría gustarte