Está en la página 1de 42

Panitikan

Ikatlong Grupo: Lider: Cindy Mallari Miyembro: Dyan Pamintuan Jackie Lind Talosig Gyan Rafael Ramos Lyka Marimla Ivylyn Alonzo Chris John Boybanting Jessica Mat Bautista Ella Lampa Johnin Joy Reyes John Maverick Tolentino Ryan Christopher Velasco Mark Kevin Clanor Jenna Gerlaban Fritzie Nicole Lacsina Carl Angelo Cortez

Mga Nilalaman PANITIKAN Mga Uri ng Panitikan: I. Alamat A. Alamat ng Pipino B. Alamat ng Paru-paro

II. III. IV.

Bugtong Kawikaan Dula A. Sdfgdsg B. Sdfds C. Sdfdfd

V.

Maikling Kwento A. Sdfsf B. Sdfsdf

VI.

Nobela A. Fdsdfds B. Sdfsdfds

VII.

Pabula A. Asdf B. Asdasd

VIII. IX.

Salawikain Sanaysay A. Fdsfd B. Dfdsf C. Dffdsfdsf

X. XI.

Sawikain Talambuhay A. Dfsfd B. Sdfsdf

XII. XIII.

Tugmang-bayan Tula A. Dfsdf B. Dsfs C. Sdfsdf

Panitikan

Ang PANITIKAN ay salamin ng buhay. Sa tulong nito at makikita lalo ang kultura at lahing ating pinagmulan, matutuklasan ang kanilang naging karanasan sa pamumuhay, hangarin,mga katutubong ugali at natatanging sining. Ang mga uri ng panitikan: alamat,bugtong,kawikaan,dula,

Kwento,nobela,pabula,tula, salawikain,sanaysay,sawikain, talambuhay at tugmang bayan.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan.

Nanggaling ang salitang panitikan mula sa pang|titik|an , kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literatura sa salitang Wikang Latin - littera - na nangangahulugang "titik".

Alamat

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

Mga Halimbawa:

Alamat ng Pipino

Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa t anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay. Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa t hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito. Paula, Paula, ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot. Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka t marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal. Saan ba ako kukuha ng oiso? ang sagot ni Paula. At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak. Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain. Paula, maghain ka nga, ang utos niya sa asawa. Nagugutom ako. Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod. Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso, ani Paula. Siya y hindi pa kumakain sapagka t inutusan ko.

Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam. Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin. Inay, wala na pong ulam at kanin a, ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. Simot na simot po ang mga palayok. Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo? ang usisa naman ni Paula. Aba tinirhan ko, ang pagsisisnungaling ni Rupino. Baka kinain ng hayop. At si Rupino ay lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan. Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang silid. Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula. Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot. Aba, ano ang nangyari sa iyo? ang usisa ni Paula. Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo? Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. Natalo ako sa tupada. Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na? ang ika ni Paula. Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo. Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko. Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni t talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo. Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan. Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong.

Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan. Inay, paano ang gagawin natin ngayon? ang tanong ni Tirso ng nakaalis na si Rupino. Nasayang lamang ang pagod natin. Bayaan mo na anak, at ako y maghahanap ng maipagbibili, ang wika ni Paula. Makakaraos din tayo sa awa ng Dios. Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka t at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng maramiraming araw. Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos. Kakain ka na ba? ang tanong ni Paula. malapit ng maluto ang ulam. Huwag mo akong abalahin, ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong. Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.

Ang lambat? Nasaan ang lambat? ang humahangos niyang usisa. Ano ang ginawa mo sa lambat? Ha? Lambat? ang walang tutong sagot ni Paula. A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam. Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon! Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay? Diyos ko! ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa! At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao. Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa.

Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya y patay na ay makatulong sana siya sa inyo Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka t ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.

Alamat ng Paru-paro

May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya y mapula at kulobot. Ang mga mata y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad. Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring halamanang namulmulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw. Isang umaga, isang batang lalaki t isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan.Sila y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila y nagging palaboy at walang tirahan. Sila y nagpapasasa sa hirap upang may makain. Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang, Ang lagit ay asul at ang bunkok ay lunti. Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila y nakakpagsalita ng, Matigas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip. Ang mga nakikita nlang tanawin araw-araw ay sapat ng magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa pangangailangan. Sila y naglibot at naakita ang bahay ng diwata. Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon, sabi ng batang lalaki. Nakikita ko, Malakas, ang sagot. May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy, ang dugtong pa. Tayo na pumasok sa hardin, ang alok ni Malakas.

Walang tumitira rito, ang sagot ni Ligaya. Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandaali, sila,y hintakot nguni t lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila y namupol ng mga bulakla. Si Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si Ligaya ng maatamisna bunga. Walang nakatira rito! Oo,noong ako y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis, Sabi ni Ligaya. Ako y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin, Sabi ni Maalaakas, Gayon din ako, sagot ni Ligaya. Ako y paalibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang loobang ito. Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon. Sa-darating ang diwatang galling sa dalampasigan. Siya y hihingkod-hingkod. Siya y langhap ng langhap pagka tmay naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot. Bakit kayo naaangahas pumasok dito? ang bungad na tanong. Ano ang ginagawa ninyo? patuloy pa. Natakot sina Malakas aat Ligaya. Sila y nanginig sa takot. Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda. Naglakas loob na sumagot si Malakas, Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming gusto ang mga prutas Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas! Inaamin po amin an gaming kasalanan. Kami po y handing magbayad. Kami po y mga ulila. Gawin po ninyo kaming alila! Handa kaming magsilbi! Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang kanyang katawan, pinangiwingiwi ang mga labi at nag-isip. Nauunawaan ko. Pakikinabbangan ko kayo. Siya y bumulong ng mga salitang maysa-engsekto at nammangha ang dalawang bata.Siya kapagkarakay ay nagging isang maganndang diwata. Sila y may tangang mahiwagang baston na may nakakabit na bituin sa dulo. Patakang nagsalita si Malakas, Oh, magandang diwata! Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya y may taangang mga bagwis na yari sa bulaklak.

Yayamang maawilihin kayo sa buulaklak, kayo y gagawin kong haaaardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga! Dinantayan ng diwata ng kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila y nagkapakpak. Sila y nagpadapo-dapo sa mga halaman. Ako ngayo y magandang paru-paro! sabi ni Malakas. Ako rin! sang-ayon Ligaya. Masdan mo aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel! Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon! sabi ni Malakas, sapagka t tayo ngayo y mga paruparo ng diwata!

Mga Bugtong

Ang bugtong ay isa sa mga kayamanan ng panitikang Tagalog kung saan nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Ang bugtong ay isang masining na paglalarawan ng isang bagay na nais tukuyin. Ito ay ginagamit bilang pag-aliw sa mga pagtitipon. Ginagamit din itong pampalipas oras sa mga lamayan sa patay upang hindi mainip at antukin ang mga tao.

Mga Halimbawa: Lasa ay may katamisan, tubo ang pinanggalingan. asukal Suson-susong dahon, parang bolang ibinalunbon. pasalinsalin. Repolyo baging Sa Panginoon tayo y nakikipag-ugnayan, siya ay Kristal na buhok ni Adan, di mabilang-bilang. pinakikiusapan o pinasasalamatan. ulan dasal Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, Isang buntong magkakaibigan, nagtatalikuran. kailangang ako ay mamatay. bakod na sala-sala kandila Kung dumating ang bisita ko, dumarating din sa Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. inyo. sinturon araw Tingga ng kalagiman, nakakapasok sa bumbunan. bala May bulaklak ditong naglalambitin, si Tarzan dito

Buhay na hiram lamang, pinagmulan ng Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. sangkatauhan. - bayabas babae Dumaan ang hari, ang bahay ko y nagiri. - bagyo Kahit gaano linisan, marumi pa rin ang tingin. baboy Lakas dito y nakasalalay, kung hapo na ito ay Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. nangangalay. Pluma bisig Walang bintana, walang pinto ang bahay ni Bino. ballot Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. tenga Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. - kampana o batingaw Nagbibigay na, sinasakal pa. bote

Kawikaan

Kawikaan- ay mga salitang kapupulutan ng aral upang maging gabay o patnubay sa pang-araw araw na pamumuhay. Ang kawikaan ay kagay din ng mga tanaga, bugtong salawikain atbp. ito rin ay may dalang aral at kaalaman sa mga mambabasa ng mga ito. Ang kaibahan lang nito ay ang anyo nito. Ang panaludturan nito ay kadalasang tatatluhin.

Mga Halimbawa:

Mga Kawikaan ni Solomon 1. Ang anak na matalino ay nagdudulot ng kagalakan sa kanyang ama, ngunit ang anak na mangmang ay kahapisan ng kanyang ina. 2. Ang yamang nakamit sa masamang paraan ay walang kabuluhan, ngunit ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. 3. Hindi pinababayaan ng Panginoon na magutom ang matuwid ngunit binibigo niya ang nasa ng masama. 4. Ang mga kamay na tamad ay nagpapaging dukha sa tao, ngunit ang masisipag na kamay ay nagdadala ng kayamanan.

5. Ang nagtitipon sa tag-init ay pantas na anak, ngunit siyang natutulog sa tag-ani ay kahiya-hiyang anak. 6. Mga pagpapala ang korona ng matuwid, ngunit ang bibig ng masama ay puno ng karahasan. 7. Ang alaala ng matuwid ay magiging pagpapala, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok. 8. Siyang may pantas na puso ay tumatanggap ng mga utos, ngunit ang madaldal na mangmang ay napapahamak. 9. Ang taong may puri t dangal ay lumalakad nang matiwasay ngunit ang lumalakad sa likong landas ay malalantad. 10. Siyang kumikindat nang may masamang hangad ay nagdudulot ng pighati at ang madaldal na mangmang ay mapapahamak. 11. Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay ngunit ang bibig ng masama ay puno ng karahasan. 12. Ang pagkamuhi ay nagbubunsod sa kagalitan, ngunit tinatakpan ng pag-ibig ang lahat ng kamalian. 13. Ang karunungan ay natatagpuan sa bibig ng may unawa, ngunit ang pamalo ay para sa likod ng taong kulang sa wastong akala. 14. Ang mga pantas ay nag-iimpok ng karunungan, ngunit ang bibig ng mangmang ay nag-aanyaya ng kapahamakan. 15. Ang kayamanan ng mayaman ay kanilang lunsod na nakukutaan, ngunit ang kapahamakan ng dukha ay ang karukhaan. 16. Ang kaupahan ng matuwid ay nagdudulot sa kanila ng buhay ngunit ang kinikita ng masama ay naghahatid sa kanila ng kaparusahan. 17. Nagtuturo sa daan ng buhay ang tumatanggap ng disiplina, ngunit ang nagwawalang-bahala sa pagtutuwid ay nagliligaw sa iba. 18. Siyang nagkukubli ng kanyang galit ay may mga labing sinungaling, at ang nagkakalat ng aninirang-puri ay mangmang. 19. Kapag marami ang salita, ang sala y di nawawala, ngunit siyang nagpipigil ng kanyang dila ay pantas. 20. Ang dila ng matuwid ay pilak na pinili, ngunit ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng wastong pag-iisip. 21. Ang pagpapala ng Panginoon ay naghahatid ng kayamanan, at hindi niya ito dinadagdagan ng kaguluhan.

22. Ang mangmang ay nasisiyahan sa masamang gawain ngunit ang taong may unawa ay nalulugod sa karunungan. 23. Ang mangmang ay nasisiyahan sa masamang gawain ngunit ang taong may unawa ay nalulugod sa karunungan. 24. Ang kinatatakutan ng masama ay kanyang daranasin; ang hangad ng matuwid ay matutupad. 25. Pagdaan ng bagyo, ang masama ay nawawala ngunit ang matuwid ay tatayong matatag magpakailanman. 26. Kung paano ang suka sa ngipin at ang usok sa mga mata, gayon ang tamad sa mga nagsugo sa kanya. 27. Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapahaba ng buhay ngunit ang mga taon ng masasama ay pinaiikli. 28. Ang hinaharap ng matuwid ay kagalakan, ngunit ang pag-asa ng masama ay nawawalan ng saysay. 29. Ang daan ng Panginoon ay tanggulan ng matuwid, ngunit kapahamakan sa mga gumagawa ng kasamaan. 30. Ang matuwid ay hindi mabubunot kailanman, ngunit ang masama ay hindi mananatili sa lupain. 31. Karunungan ang namumutawi sa bibig ng matuwid, ngunit ang dilang sinungaling ay puputulin. 32. Alam ng labi ng matuwid kung ano ang akma, ngunit ang bibig na tampalasan, ang alam lang ay masama. Dula

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang dula ay mayroon ding sangkap.Ito ay simula, gitna, at wakas. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at angkasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

Mga Halimbawa:

Himala Sa Kalsa. Umaga. Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may sakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mga nakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal. MAYOR: (Lalapit sa Chief of Police.) Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban sa Diyos, sa gobyerno, o sa akin. Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat. Bababa ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver, marami ring alahas sa katawan. TAGABARYO: Nabuhay si Chua! CHIEF DE LA CRUZ: Sino ba yun? LUCIO: (lalapit at titingin din). Kapatid ho yun ni Chua. Baka isa pa ho yang me sakit din. Bababa ng tricycle si Orly. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao. Babalikan ni Baldo ang mga pasyenteng nakapila. BALDO: O, yung mga may sakit, dito lang. O paraanin yan, paraanin! O kayo d yan, dito kayo! Lapit! Sa isang tabi y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs. Gonzales. LOLO HUGO: Nasaan si Bella? Nakita n yo ba si Bella? Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng dalawang tinedyer.

TINEDYER 1: Napa no yan? TINEDYER 2: Kinakausap ng Birhen! Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May hinahanap. Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti. IGMENG BUGAW: Hey, Joe, want some girl? TURISTA: Yeah? Where? IGMENG BUGAW: Very pretty. Virgin only. TURISTA: Sure, where? Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayo y seksi na ang ayos at naka-make up. TURISTA: In green, over there? IGMENG BUGAW: Yeah. Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga tao. Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan. LALAKI 1: Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! Elsa MGA TAO: (palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa! ALING RISING: (makikisigaw na rin). Elsa! Elsa Elsa! Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling. Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila at walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado. MGA TAO: (patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa! Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao, di na ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga rosaryo at panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa kaibuturan ng mga kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisat magliliyab ang mga kamera. Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ng mga mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay ni Elsa at tatahimik ang lahat. Sa tagiliran niya y nakatayo ang malaking imahen ng Mahal na Birhen. Humuhugong na uli ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsa t magsisimula siyang magsaiita. ELSA: Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal. Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat. ELSA: Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parang naranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.

Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga ito. Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino. ELSA: Maraming sakit ang gumaling, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng pananampalataya. Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng krimen at panloloko. Mapapalapit si Mrs. Alba. ELSA: Kapag may masamang nangyayari y sinisisi natin ang sumpa. Isinumpa ang Cupang. Itinaboy kasi natin ang maysakit noon. Kaya ganoon. Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang malaking imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling. ELSA: Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating ito y gawa ng langit. Gawa ng Birhen. Gawa ng himala. Nakatingin si Sepa. ELSA: May ipagtatapat ako sa inyo. Bababa ang kamera ni Orly. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga tao. ELSA: Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang makakakibo. Walang makakapagsalita. ELSA: Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na Birhen! Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala! Sa umpukan ng mga tao y tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa ang sasabihi y papailanlang ang isang putok. Pagtama ng bala sa puso ni Elsa y awtomatikong mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumba y magagaya niya ang anyo ng Birheng may sugat na nakita niya noon sa kanyang mga aparisyon. Masasalo nina Aling Saling at Sepa si Elsa. Kakandungin ni Aling Baling ang anak. Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo. Magtatakbuhan lahat papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari. Magkakatapakan, rnagtutulakan. Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang mga magnanakaw. Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Mag-iiiyak siya. Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa sa palibot. liwan ng tucistang Puti si Bella. Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police.

MAYOR: Hepe, dakpin mo ang bumaril! Susundan nila ang lalaki. Mahuhuli at bubugbugin. CHIEF OF POLICE: Ikaw ang bumaril ano? Ikaw, ano? Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay na, o kaya y bangag at wala sa sarili. Patuloy ang pagkakagulo. Mababagsakan si Igmeng Bugaw ng isang lalaking naka-wheel chair at bubulwak ang dugo sa bibig niya. Magtrtitlli si Aling Pising habang paikut-ikot. Masasabit ang abito ng madre sa isang wheel chair at madadaganan siya. Pinipilit ng paring matulungan ang batang napilay. May tatapak sa natumbang si Lolo Hugo. Naghihingalong pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang kandong ng umiiyak na si Aling Saiing. Ang lahat ay parang isang panaginip, Isang halusinasyon ng sangkatauhang nagtatakbuha t naghahalu-halo sa isang walang katapusang larawan ng kapahamakan. Papatak ang luha niya. Ito ang mga kaguluhan at kabaiiwang kanyang pinasimulan Lalapit si Oriy at kukunan si Elsa. May lalabas na bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang mga mata at tuluyang mamamatay. Bababa ang kamera ni Oriy. Magiiyakan ang Siyete Apostoles. BALDO: (sisigaw sa mga tao). Patay na si Elsa! Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao papuntang entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa. Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa dagat ng mga tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang sa laylayan ng damit niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayo y nawala nang tuluyan lahat nang pag-asa at iayunin sa buhay. Umiiyak si Mrs. Gonzales, nagpipilit makalapit. Bitbit-bitbit ang isang tsinelas ni Elsa y humahagulgol na susunod sa mga tao si Aling Saling. Pipigilan ni Bino si Sepa. BINO: Sepa, h wag ka nang sumunod! Dito ka na lang, ano ka ba? Pero makakawala si Sepa. Ipapasok sa ambulansiya ang katawan ni Elsa at aaiis ang ambulansiya. Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga nakaluhod. Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay.

SEPA: Si Elsa y isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay makasalanan! Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa! Kailangang ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa Mahal na BIrhen! Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli. Sa gitna ng mga nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos na dugo y nakaluhod na aakyat uli sila sa burol, sabay-sabay na nagdarasal. Makakasalubong nila ang bangkay ni Igmeng Bugaw, buhat-buhat ng ilang kalalakihan. Gayundin ang bangkay ni Lolo Hugo, kasunod ang umiiyak na si Bella at si Bino. Tutulungan ng isang babae si Mrs. Alba para makaakyat sa burol. Hawak-hawak ni Aling Pising ang sugatang ulo habang umiiyak. Nakatingin lang si Orly sa lahat. May konting pagtataka, at pagkaunawa, sa kanyang mukha. Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting dumidilim. MGA TAO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya Tanghalan Mga tauhan: Lalaki 1 Lalaki 2 Tagpo: Dalampasigan, gubat, o hardin (Magsisimula ang dula sa pagsayaw ni Lalaki 1. Walang hugis, walang porma, walang kaayusan ang kanyang mga galaw, nguni t mabagal at malumanay. Sa kanyang tabi, si Lalaki 2, na nagmamasid sa kanyang pagsayaw) Bukod kang pinagpala sa babaing lahat

LALAKI 2: Anong ginagawa mo? LALAKI 1: Nagtatanghal ng isang bagong sayaw. LALAKI 2: Sayaw? Bakit dito? LALAKI 1: Hindi mo ba alam yung sinabi ni Shakespeare? Ang buong mundo--- ay isang tanghalan. LALAKI 2: At sino naman si Shakespeare? LALAKI 1: Hindi mo kilala si Shakespeare? LALAKI 2: Hindi. LALAKI 1: Si Shakespeare--- ang nagsulat ng Bibliya. LALAKI 2: Ah. Siya pala iyon. Kung ganun, Sino naman si Hesus?

LALAKI 1: Si Hesus? Ah, iyong Nazareno. Madalas kong naririnig ang pangalan niya. Ang huling balita ko, ipinako daw siya sa krus.

(Babalik sa pagsasayaw si Lalaki 1)

LALAKI 2: Hindi ako naniniwala. LALAKI 1: Ano ang hindi mo pinaniniwalaan? LALAKI 2: Na ang mundo--- ay isang tanghalan. Walang saysay ang iyong pagsayaw. Walang saysay ang mga salitang iyong sinambit. Walang saysay ang mga bagay na iyong iniisip. Walang saysay ang lahat. LALAKI 1: Bakit? LALAKI 2: Sa iyong palagay, para saan ang tanghalan? LALAKI 1: Sa pagtatanghal. Ang makapagbigay ng aliw sa mga nagnanais makapanood ng pagtatanghal. LALAKI 2: Kung gayon, mayroong layunin ang pagtatayo o pagkakaroon ng isang tanghalan. LALAKI 1: Oo. LALAKI 2: Ang ibig sabihin, ang tanghalan ay hindi maaring ihalintulad sa mundo. LALAKI 1: Sa dahilang--LALAKI 2: Sa dahilang ang mundo ay walang layunin. LALAKI 1: Walang layunin? LALAKI 2: Walang saysay. LALAKI 1: Kung gayon, hindi ko na ipagpapatuloy ang aking pagsasayaw. Uupo na lamang ako dito, at maghihintay sa pagdating ng aking sundo. (Magsisimula namang magsayaw si Lalaki 2)

LALAKI 1: Sandali! Bakit mo ako pinatigil sa pagsasayaw, kung sa pagtigil ko, ikaw naman ang magsisimula? LALAKI 2: Bakit sa tuwing may umaalis, mayroong dumarating? LALAKI 1: Sa bawa t tanong, may nararapat na sagot, at hindi dapat sagutin ng isa pang katanungan ang isang tanong. LALAKI 2: Paano kung ang sagot ay isang tanong? Hindi ba ito maituturing na sagot? (Katahimikan, bago muling sumayaw si Lalaki 2) LALAKI 1: Bakit mo ako pinatigil? At bakit ka nagsimula? LALAKI 2: Hindi kita pinatigil. Kusa kang tumigil.

LALAKI 1: Ang sabi mo, hindi ka naniniwala na ang mundo ay isang tanghalan. Kung gayon, bakit ka nagtatanghal? LALAKI 2: Hindi isang tanghalan ang mundo--- nguni t maari itong maging gayon kung nanaisin mo. LALAKI 1: Nais kong maging tanghalan ang mundo ko. LALAKI 2 (kukuha ng isang tangkay ng halaman at guguhitan ang buhangin o lupa): Kung gayon, hatiin natin ang mundo sa dalawa. Dito ang sayo, dito ang akin. Sa ganitong paraan, makapagtatanghal ka sa iyong tanghalan na hindi nagagambala ang aking palabas. (Sasayaw sila sa kanilang mga espasyo) LALAKI 1: Ano nga pala ang dapat kong itawag sa iyo? LALAKI 2: Bakit? Mahalaga ba sa iyo ang pangalan? LALAKI 1: Hindi ba dapat bigyang halaga ang pangalan? LALAKI 2: Dapat, nguni t hindi pa ngayon. At hindi ako ang magbibigay ng ngalan sa aking sarili, at hindi ikaw ang sa iyo.

LALAKI 1: Ang ibig mo bang sabihin, ako ang magbibigay ng ngalan mo at ikaw naman ang sa akin? LALAKI 2: Ganoon nga. LALAKI 1: Ah. Ang itatawag ko sa iyo--LALAKI 2: Hindi pa nga mahalaga ang pangalan ngayon! LALAKI 1: Kailan tayo magbibigayan ng pangalan? LALAKI 2: Sa pagdating ng mga sundo natin. (Titigil sila sa pagsasayaw) LALAKI 1: Walang pumapalakpak matapos ako magtanghal. LALAKI 2: Hindi mo maririnig, kung mayroon man. Papalakpak lang sila paglabas mo ng tanghalan. (Uupo ang dalawa upang magpahinga) LALAKI 2: Kailan kaya darating ang sundo ko? LALAKI 1: Paano mo makikilala kung sundo mo nga ang darating? LALAKI 2: Hindi ko alam. LALAKI 1: Ako ang pipili ng sundo ko. Susunduin ako ng malaki, at magarang sasakyan. Ililipad niya ako, at tatanungin nya kung saan ko nais pumunta. Hindi niya isasara ang pintuan ng sasakyan, at habang lumilipad kami, ay makadudungaw pa rin ako sa ibaba. (Tatawa ng malakas si Lalaki 2) LALAKI 1: Bakit? Anong katawatawa sa sinabi ko?

LALAKI 2: Magaling ka kasing makata. LALAKI 1: Makata? LALAKI 2: Oo. Kaya pala naniniwala ka kay Shakespeare at sa sinulat niyang--- ano nga ulit iyon? LALAKI 1: Bibliya. LALAKI 2: Oo. Ang makata kasi, lumilikha ng mga isiping hindi ukol sa realidad. Gaya ng pangarap mong pumili ng sundo. Paramo na ring sinabi sa akin na kaya ng isang kagaya mo na humati ng dagat sa gitna, magpaulan ng tinapay, bumuhay ng patay, at buhayin ang sarili pagkaraan ng tatlong araw. LALAKI 1: Kung gayon, ano ang realidad? Ano ang susundo sa atin? LALAKI 2: Hindi ko nga alam. Ang natitiyak ko, pag dumating na ang sundo, hindi na tayo makababalik dito, at hindi rin natin alam kung saan ang tungo natin. LALAKI 1: Hindi ba babalik tayo sa pinagmulan natin? LALAKI 2: May pinagmulan ba ang lahat? LALAKI 1: Sa bawa t tanong, may nararapat na sagot, at hindi dapat sagutin ng isa pang katanungan ang isang tanong. LALAKI 2: Paano kung ang sagot ay isang tanong? Hindi ba ito maituturing na sagot? (Katahimikan) LALAKI 1: May tumatawag na sa akin. LALAKI 2: May tumatawag na sa akin. LALAKI 1: Ayaw ko pang umalis. LALAKI 2: Ayaw ko pang umalis, nguni t nariyan na ang sundo ko. LALAKI 1: Ayaw ko pang umalis. Ayaw ko pang gumalaw. (Habang sinasambit ang mga linyang ito, ay unti- unti silang lumalakad papalayo sa kanilang mga espasyo) LALAKI 2: Bago tayo lumabas sa mundong ginawa nating tanghalan--LALAKI 1: Anong itatawag natin sa isa t isa? (Sandaling katahimikan) LALAKI 1: Alam ko na. LALAKI 2: Tao.

Maikling Kwento

Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento." Bilang isang masining na panitikan,naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

Mga Halimbawa:

Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa? Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan na naghahanap sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa? Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon. Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal? Nasaan na kayo ni itay? Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo y nakikipaglaro siya sa mga magaaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya y hinahabol. Ikaw y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan. Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa? Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba

nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya y lumabas na? Napag-usapan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama t ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan. Paano na lang ang sinabi ni Rizal na na Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalanan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lamang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti pa siguro y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang at ito'y mas masakit pa sa isang hiniwang bawang. Ina, bakit ninyo ako ginawa?

Ang Buhay Ni Neneng Isang gabing madilim sa isang baryo umalingaw-ngaw ang tinig ng isang Inang buong sikap na kinaya ang sakit at hapding nadarama, sa panganganak sa kanyang pangalawang sanggol. Eksaktong alas diyes ng gabi ay isa nanamang munting tinig ang narinig ng mga taga-baryo, ang tinig ng kasisilang na batang sanggol na babae. Buong pagmamahal na inaruga at analagaan ng butihing mag-asawa ang kanilang malusog na batang babae. Pinalaki nila ito ng may takot sa Panginoon at magandang asal, ngunit kung minsan ay nakakalimutan ni Neneng ang pagtitimpi.kung kaya napapasumo ito sa away.Si Neneng ay pala-away ngunit iyakin, kilala ito sa baryo na iyakin hanggang sa ito ay lumaki, iyakin parin ito. Lumala pa ang pagka-iyakin ni Neneng ng ang kanyang tatay ay umalis at pumunta sa malaking ciudad dahil doon na destino sa trabaho. Hirap man sa buhay ang pamilya ay naibigay parin ng mga magulang ni Neneng ang kanyang pangangailangan. Isang umaga, ng si Neneng ay pagising palang para maghanda sa pagpasok ay bigla lang siyang pinigilan ng kanyang nanay, nabigla si Neneng akala niya ay may lakad sila ng Nanay.

Nanay: Neneng! Anak, lumiban ka muna sa klase. Matulog ka muna, inaantok kapa kasi eh! Neneng: eh paano po yung pasok ko nay? Nanay : wala naman kayong eksam ngayon anak, lumiban ka muna at upang makagpahinga ka naman.

Neneng : (tuwang-tuwa sa desisyon ng Nanay) ah! Sige. Total inaantok pa po naman ako. ( patuloy na natulog) Nang magisin g si Neneng ay tanghali na at nagugutom na siya. Matapos niyang mailigpit lahat ang

kailangan iligpit ay nagtungo ito sa labas ng bahay at hinanap ang kanyang Nanay. Neneng : Nay! Nasaan ka na? (inikot ang buong bahay. Hanggang sa nakarating sa mga kapit-bahay ngunit di parin nakita ang kanyang Nanay.) Nay! Nay! (paparating ang Nanay na may dalang dalawang pirasong pagkain) Nanay : oh! Nasan na si kuya? Bat wala pa dito? Pinauwi ko na yun kanina lang ah!! Neneng : Ah! Eh! Andyan na oh! `Nanay : hala sige pumanhik na kayo at para makakain na tayo. Naghanda si Nanay ng mainit na tubig at nilagyan ng konting kape at asukal, sabay hapag sa dalawang piraso na tinapay. Nanay : hala sige at kumain na kayo Dali-daling kinuha ng kuya at ni Neneng ang dalawang tinapay. Nakita nilang walang tinapay si nanay kaya, naisipan ng magkapatid na hati-an ang kanilang nanay, ngunit pinaubaya nalang ng nanay ang lahat ng pagkain sa dalawa. Kuya : Nay kulang pa eh! Nagugutom pa ako. Neneng : Ako rin . Nanay : wala na tayong pambili ng tinapay, di pa nagpapadala ang tatay.

Neneng: Nay! Papel nalang kasi tatanggap naman si Lola Erning ng papel basta may Lagda ninyo. Nanay: di na tayo pauutangin nun, kasi di pa tayo nakakabayad sa kanila. Kuya; ah sige lang. Buong araw na walang bigas ang mag-ina. Nagluluto nalang ang nanay ng saging upangpampatawid gutom sa kanilang mag-ina. Nginit kinagabihan ay humingi ang dalawang bata ng kanin, walang magawa ang nanay, wala silang bigas kaya ginawa nalang niyang remidyuhan ang panis na kanin. Hinugasan niya ng mabuti ang kanin at ginawang lugaw para lang may makain ang kanyang mga anak. Ipinagdasal nalang ng nanay na sana ay hindi ito makakasama sa tiyan ng kanyang mga anak. Pagkatapos maluto ang lugaw ay ginising ng nanay ang kanyang dalawang anak at silang tatlo ay kumain. Kinaumagahan ay dininig ng Diyos ang panalangin ng mag-ina. Di pa nakabangon ang mag-iina ay dumating ang tatay ni Neneng at may dalang maraming pagkain.Dali-daling bumangon si Neneng at ang kuya upang kumain, nakita ni Neneng ang pagtulo ng luha ng Nanay. Nagtaka si Neneng kung bakit? Naisip niya rin, siguro dahil di lang nakayanan ni Nanay ang hirap ng buhay. Magmula noon sa pangyayaring yaon ay hindi na naging pabaya ang tatay na maubusan sila ng bigas sa

hapag-kainan.Hikahos man sa buhay ay nakayanan naman nila ang mga pagsubok. Ngunit, isa pang dagok ang dumating sa buhay ng ni Neneng. Isang gabing galing ang pamilya sa birthday party ng Lola ay biglang nadisgrasya ang nanay na siyang naging dahilan sa pagkakaroon ng crack sa buto ng paa ng nanay. Naging mahirap ang buhay nila Neneng. Isang araw na kinausap siya ng masinsinan ng kanyang mga magulang: Tatay ; Neneng anak! Mula ngayon ay ikaw na ang gagawa sa gawain ng nanay, kasi di pa niya kaya.at si kuya naman ay tutulong din sa gawain dito. Neneng : opo! Lahat po ba ng gawaing bahay? Tatay; Oo! Si Neneng ang lahat na gumagawa sa gawaing bahay- at kung minsan ay nagbabantay tuwing gabi sa pag-ihi ng nanay kapag wala ang tatay. Doon naranasan ni Neneng ang hirap ng trabaho ni nanay sa araw-araw, minsan ay napapaliban sa klase si Neneng kasi walang magbabantay sa nanay kasi may pasok din si tatay sa trabaho. Sa pagkakataon ding yaon ay naranasan ni Neneng at nasaksihan ang hirap at pasakit ng tatay sa pag-aalaga sa nanay.Gabi-gabi ay nagpapanata ang tatay at kung minsan ay umiiyak nagmamakaawa sa panginoon na naway tulungan ang pamilya na makayanan ang dagok na naranasan. Umiiyak na lamang ng sekreto si Neneng dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang pamilya na umiiyak. Hindi naman nagtagal ay dininig ng panginoon ang panalangin ng pamilya, at muli ay naging maayos ang kondisyon ng nanay. Nakakalakad na ito, di katulad ng dati na humihiga lang ito sa kama. Nang tuluyan na ngang gumaling ang nanay ay sunod-sunod na biyaya na naman ang natanggap ng pamilya. Tatay ; Natransfer ako sa kompanyang mas malaki ang sahod kaysa sa dati. Nanay : Talaga?

Tatay ; madadaragdagan na ng malaki-laki ang budget natin kung kaya ay makaluwag-luwag na tayo. Nanay : Oo nga at malaki din ang matutulong ng dagdag mong sahod sa ikauunlad ng ating buhay. Oo nga t di masyadong malaki ang kinikita ng tatay ay naibibigay naman nito ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang kuya ay nakapag-aral sa kolehiyo ngunit dalawang taon lang kasi nakabuntis. Si neneng naman ay kasalukuyang nag-aaral at sana kaawaan ng Diyos na makapagtapos ng pag-aaral. Si bunso naman ay nag-aaral din sa hayskul. Di man mayaman si Neneng sa mga magagandang ala-ala at di man niya masyadong na eenjoy ang buhay ng bata ay di naman ibig sabihin ay habang buhay na siyang maging malungkot. Darating din ang araw na siya ay magiging masayang-masaya.

Nobela

Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Mga Halimbawa:

Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez (Buod) Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.

Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.

Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.

Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang

dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.

Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.

Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.

Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.

Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.

Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.

Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.

Banaag At Sikat ni Lope K. Santos

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawangmagkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan saSilangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sakalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya angkanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralitangunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya ay nakatira sa isang bahay ng amangkumpil na siDon Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababangpagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi niFelipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ngtao ay magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya ay sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sabukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya ay pinalayas at itinakwilbilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanyakahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunitkatulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawasamantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sapagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya ay isang mahirap na ulilang pinalaki saisang ale (tiya). Habang nagaaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isangpahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito ay daanin sa marahas na paraan,samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pagakay sa mga tao upang mapawi angkamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal napagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mgadalaga ay sina Talia at

Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila ay napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ngsistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapisamantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahingpangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito ay nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. SiDon Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito ay maralita, at ikalawa, dahiltahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isangpaliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang samagbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay DonRamon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon,pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kungmahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahasnoong dalaga pa. Ito ay labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala namansilang maitakip sa pangangailangan.

Pabula

Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walangbuhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

Mga Halimbawa:

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Mga aral ng pabula: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.

Ang Daga At Ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang ikuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin " sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.

Salawikain

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Ito ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasanng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Mga Halimbawa:

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas. Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol. Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin. Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak. Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan. Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa. Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya.

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Sanaysay

Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay . Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. Ang sanaysay, o essay sa Inggles ay isang uri ng panitikan na kalimitang naglalaman ng hinuha ng may akda tungkol sa iba't ibang bagay. May dalawang uri ng sanaysay, ang pormal at impormal. Karamihan ng manunulat ngayon na may kani-kaniyang blog ang nakakagawa ng impormal na sanaysay. Subalit hindi dapat isipin na lahat ng akda ay maituturing na isang impormal na sanaysay. May mga natatanging elemento parin na dapat isaalang-alang bago masabing ang isang akda ay sanaysay, pormal man o impormal.

Mga Halimbawa:

Ang EDSA at Ang Jeep na Sinasakyan Ko Tinignan ko ang mamang drayber sa unahan ng minamaneho niyang jeep. May katandaan na ang mamang drayber na isinasalarawan ng ilang mga guhit sa kanyang noo. Kaya siguro medyo mabagal ang usad namin sa kahabaan ng Edsa. Hindi naman mabagal ang daloy ng trapiko sa parteng iyon ng matandang kalsada. Sa loob ng jeep ay katabi ko ang isang matandang babae na may dalang basket ng mga gulay. Naisip ko tuloy matandang drayber, matandang ale at matandang kalsada. Puro matanda. Eh, ako? Bata pa naman ako. Nabubuhay pa lang ako sa Pilipinas ng mahigit 20 taon. Nangangahulugan lamang na hindi pa ako isinisilang sa mundo nang maganap ang isang rebolusyong pinasiklab ng mga nagkapitkapit-bisig na mga Pilipino laban sa rehimeng Marcos. Naganap ang rebolusyong iyon dalawumpu t limang taon na ang nakalipas sa mismong kalsada na binabaybay ng sinasakyan kong jeep. Wala ako sa Edsa noong mga panahong iyon. Wala pa ako sa mundo. Hindi ko nakita at nasilayan ang mga totoong nangyari. Hindi ko narinig ang mga iyak ng mga nagpoprotesta o naulinigan man lang ang kanilang mga dasal. Hindi ko naramdaman ang hapdi sa balat dahil

sa tindi ng sikat ng araw. Hindi natuyo ang lalamunan ko sa kasisigaw. Hindi ako nagutom o nauhaw sa tagal ng oras na ako ay nakatayo lang. Ang EDSA Revolution, na tinatawag ding People Power Revolution o Yellow Revolution, ay nakilala ko lamang sa mga libro, pahayagan at telebisyon. Masuwerte ako at ang iba pang mga kabataan sa aming kinalalagyan ngayon. Hindi namin naranasan ang karahasan sa kamay ng mga taong humawak at umangkin ng kapangyarihan. Hindi namin ikinukubli sa aming mga sarili ang kalayaang ipahayag ang aming mga saloobin at nais sabihin. Hindi namin ikatatakot o ikapapahamak ang sumigaw ng DEMOKRASYA! dahil tinapos na ng aming mga palabang magulang, malalakas na lolo at lola, matatapang ng akitibista, at matatalinong media ang kahindik-hindik na paghihirap ng masang Pilipino sa loob ng mahabang panahon. Bumaba ako ng jeep. Nakangiti. Masaya ako dahil ako ay mapalad. Mapalad ako dahil matandang lalaki ang nagmaneho ng jeep. Mapalad ako dahil matandang ale ang nakatabi ko. Higit sa lahat, mapalad ako dahil tuwing babaybayin ng anumang jeep na sasakyan ko ang Edsa, hindi na ito umiiyak o nagagalit. Bagkus, ito ay nakangiti sa lilim ng sikat araw! Maraming salamat sa inyo, mga bayani ng People Power Revolution!

Ang Pilipinas Labis na ikinababahala ng mga Pilipino ang talamak na korapsyon sa Pilipinas. Ikaw, naniniwala ka ba na korapsyon nga ang pangunahing suliranin? Ako, hindi! Ang nakikita kong dahilan ay ang kakulangan ng pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bansa. Hayaan n'yong magkuwento muna ako ukol sa aming bansa, ang Korea. Sa palagay ko, makakatulong ito upang maunawaan n'yo ako. Pagkatapos ng Korean War, alam n'yo ba na ang South Korea ay isa sa pinakaabang bansa sa daigdig? Nagsimula ito sa wala dahil ang buong bansa ay winasak ng digmaan. Nawasak maski ang mga likas na yaman. Madalas noong maging paksa ng mga Koreano ang Pilipinas dahil angat sa pamumuhay ang mga mamamayan nito. Inggit na inggit noon ang mga Koreano sa mga Pilipino. Pinakapapangarap talaga noon ng mga mamamayan ng Korea na maging kasing-unlad ng mga mamamayan ng Pilipinas. Marami ang namatay sa gutom. Ang tatay at kuya ko man ay namatay sa gutom. Ang korapsyon sa pamahalaan ay higit pa kaysa sa inyong inakala. Ngunit dahil sa pagkakaisang bumigkis sa aming mga pusong naglalagablab sa pagkamakabaya'y nagawa naming magbago at

umunlad. Noong naluklok sa kapangyarihan si Presidente Park, apatnapung taon na ang nakararaan, ginawa niya ang lahat upang mapaunlad ang Korea. Sinubok niyang manghiram ng pondo sa ibang mga bansa ngunit siya'y nabigo dahil sa kahabag-habag na kalagayang pang-ekonomiya ng South Korea. Hindi siya nakahikayat maski ng dayuhang mamumuhunan. May tatlong pabrika lamang noon ang Korea. Kalaunan, ang presidente'y nagpasya na lamang na magpadala ng maraming minero at nars sa Germany nang may magpadala ng pondo upang makapagpatayo ng mga pabrika. Katakut-takot ang hirap at dusang pinagdaanan ng mga iyon. Noong 1964, bumisita si Pres. Park sa Germany upang manghiram ng pondo. Daan-daang Koreano sa naturang bansa ang sumalubong sa kanya sa airport. Luhaan, ito ang iisang tanong ng lahat: "Mahal na Pangulo, kailan bubuti ang ating kalagayan?" Nakiluha din sa kanila ang pangulo. Sabi niya, magiging maunlad ang Korea kung ang bawat Koreano ay magpupursige para sa kanyang pag-unlad. Napahanga sa nasaksihan, pinahiram ng presidente ng Germany ang aming bansa. Daan kaya tumayo ang maraming mga pabrika. Lalong dumalas ang pagpapaalaala ni Pres. Park na mahalin ng mga Koreano ang Korea. Maraming Koreanong inhinyero at sayantist sa Estados Unidos ang bumalik upang tumulong na mapaunlad ang Korea. Gayong kakarampot lamang ang sahud, ibinigay nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang bansa. Marubdod ang hangarin nilang maninirahan sa masaganang bansa ang kanilang mga anak. Palagi akong ipinapasyal ng aking mga magulang sa mga lugar ng maralita at mga may kapansanan. Gusto nilang maunawaan ko ang kanilang buhay upang malaman ko kung paano sila matutulungan. Naglingkod din ako sa Simbahang Katoliko noong ako'y nasa army. Ang pinakamahalagang natutuhan ko mula sa simbahan ay ang pagmamahal sa kapwa. At totoo, mahal ko ang aking kapwa. Iniyakan mo na ba ang Pilipinas? Ako, iniyakan ko na ang aking bansa ng maraming beses. Iniyakan ko na rin ang Pilipinas dahil sa kanyang napakaraming maralitang mamamayan. Nakadalaw na ako sa Bilibid. At doo'y nakadama ako ng kalungkutan dahil sa mga bilanggong walang pagmamahal sa kanilang bansa. Dumadalo sila sa misa at tumutulong sa mga gawain ng simbahan. Nagdadasal sila araw-araw. Gayunman, hindi nila mahal ang Pilipinas. Dalawa sa mga bilanggo sa maximum-security compound ang nakausap ko at kapwa nila balak lisanin ang Pilipinas pagkalabas nila ng kulungan. Magsisimula raw sila ng bagong buhay sa ibang bansa at kailan ma'y hindi na babalik dito. Dakila ang pagiging makabayan ng mga Koreano. Bukas ang mga palad nila sa pakikiramay at pagtulong sa kapwa. Isang katunaya'y binabahaginan ng mga may-ari ng mga pabrika ang kanilang mga manggagawa mula sa kanilang kita upang may maidagdag ang mga iyon sa kanilang pang-araw-araw na

gastusin at may maitabi pa para sa kinabukasan ng mga anak. Noong ako'y nasa Korea pa, pinangarap kong maging pari. Nang nasa Pilipinas na'y naglaho ang pangarap na iyon. Nalito ako sa napakaraming reyalidad na nasilayan dito. Araw-araw, senaryong nagpapadugo sa puso ko ang nakikitang mga batang kalye sa kahit saan man. Ang Pilipinas ang tanging Katolikong bansa sa Asya, ngunit napakarami ritong nagdarahop. Ang mga tao ay laging nagpupupunta sa simbahan tuwing Linggo ngunit wala namang nagbabago. Pumunta rito ang mga magulang ko noong nakaraang linggo at nakita rin nila ang mga senaryong ito. Sabi nila, ang Korea ay higit pang dukha kaysa sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas noong sila ay mga bata pa. Ikinasugat ng loob nila ang maraming pulubi at batang lansangan. Noong dumayo kami sa Pagsanjan, pinilit ko silang sumakay kami sa bangka dahil sabi ko'y masaya iyong eksperyensya. Ngunit hindi sila nasiyahan. Hindi na raw uli sila sasakay ng bangka upang huwag maawa muli sa mga bangkero. Payat ang mga iyon. Halatang maralita. Karamihan sa mga lulan ng bangka ay siyang-siya, hindi alintana ang hirap ng mga bangkero sa paggaod. Hindi ganoon ang mga magulang ko dahil may simpatya sila sa kapwa. Mahal nila ang mga bangkero. Sinabi ng aking ina (na naglilingkod na sa simbahan simula noong ako'y musmos pa) na kapag pumupunta tayo sa simbahan ngunit hindi tayo nagbabago ay hindi tayo tunay na Katoliko. Ang tunay na pananampalataya ay may kalakip na gawa. Dagdag pa niya, mahalin ko ang mga Pilipino at gawan sila ng mabuti dahil pantay tayong lahat sa paningin ng Diyos na nagmamahal sa atin. Hangad kong sana'y mahalin ng mga Pilipino ang kanilang kapwa at ang kanilang bansa katulad ng pagmamahal nila sa Diyos upang mapabuti ang Pilipinas. Tiyak ako na pagmamahal ang keyword na dapat maisapuso ng bawat Pilipino. Hindi natin mababago ang lisyang kabuuan nang isang iglap lamang. Ang pagbabago ay dapat magsimula sa bawat indibidwal. Ang pagmamahal ay dapat sumibol sa puso ng lahat. Maraming kayang gawin ang pagmamahal. Alisin natin ang pagkakampi-kampi at sa halip ay pagtuunan ng sama-samang atensyon ang mga tunay nating suliranin sa pamamagitan ng ating bago at busilak na pananaw. Magtiwala sa magagawa ng pagmamahal. Kaya nitong baguhin ang mundo, ang lahat. Please, mahalin n'yo ang inyong kapwa. Mahalin n'yo ang inyong bansa. Sabi ni Hesus, anumang gawin natin sa kapwa ay ginawa natin sa Kanya. Kung mayroon kang anak, turuan mo siyang mahalin niya ang Pilipinas. Isalaysay mo sa kanya kung bakit dapat niyang mahalin ang kanyang kapwa at ang kanyang bansa. Masisiyahan din ang Diyos kung mahal natin ang isa't isa. Iyan ang kabuuan ng nais kong sabihin sa inyo, mga minamahal kong Pilipino.

Ang Paghalik ng Kamay Ang paghalik ng kamay sa mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na hanggang ngayon ay ginagawa parin ng ilang mga Pilipino. Humahalik sila ng kamay pagkatapos ng pagdarasal gayon din bago matulog sa gabi para mabigyan naman ng bendisyon. Bukod diyan ay mayroon pang ibang pagkakataon na ang mga bata ay humahalik ng kamay sa mga matatanda tulad ng pag-alis o pagdating buhat sa malayong pook, matapos makapagsimba, o makapaglakad at makapamasyal sa gabi. May malaking kahulugan napapaloob sa ugaling ito. Sa pamamagitan daw ng paghalik sa kamay ay nagpapakilala ng kabutihang asal ang isang anak. Iginagalang nila ang karapatan ng kanilang mga magulang. Ang pagkilala sa kapangyarihan ng mga magulang ay isang dakilang tungkulin ng mga anak. Ang kabutihan lamang ang laging hinahangad ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya't ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo at tagubilin ng mga magulang at karaniwang nagbubunga nang masasaya at mauunlad na kabuhayan ng mga anak.

Sawikain

Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Mga Halimbawa:

ahas----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

anak-dalita---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran. Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

basa ang papel---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.

buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

bukal sa loob---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

busilak ang puso---malinis ang kalooban Halimbawa: Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

di madapuang langaw---maganda ang bihis

Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

di makabasag-pinggan---mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

hampaslupa---lagalag, busabos Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.

Talambuhay

Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Bagaman maaring iugnay ang nilalaman nito sa mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng mga lahi o lipunan, nahahangganan ang sakop nito ng kapanganakan at kamatayan ng paksa nito. Ito ay dahil ang pangunahing tuon ng talambuhay ay ang paksa nitong tao, na siyang higit na binibigyang-pansin kaysa iba pang mga bagay. Isinulat ang mga unang talambuhay upang magsilbing gabay ng mga mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binigyang-pansin ng mga ito ang magagandang katangiang dapat tularan at dimagagandang katangiang dapat iwasan. Paglaon ay ginamit ang mga talambuhay hindi lamang upang dakilain ang magagandang katangian at batikusin ang di-magagandang katangian, kundi upang magbigay-impormasyon tungkol sa buhay ng paksa nitong tao.

Mga Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Protacio Rizal Si Dr. Jose Protacio Rizal ang ating Pambansang Bayani, siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela NOLI ME TANGERE , at EL FILIBUS TERISMO. naglalahad ng mga pangaabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na LA LIGA FILIPINA. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang MI ULTIMO ADIOS. (Ang Huling Paalam), upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Talambuhay ni Andres Bonifacio Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo

Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.

Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho

Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.

Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.

Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na

Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.

Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.

Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito:

" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."

Tugmang-bayan

También podría gustarte