Está en la página 1de 6

5.

Sa loob ng talahanayan paghambingin ang apat na paraan ng


pagpapahayag.
Paraan ng Layunin Mga katangian
Pagpapahayag

Pagsasalaysay -ito ay nagsasaad ng -Itinuturing ito na


mga pangyayari o pinakamasining,
karanasang pinakatanyag at tampok
magkaugnay, katulad na paraan ng
ito ng pagkukwento ng pagpapahayag. ito rin
mga kawil-kawili na ang sinasabing
pangyayari pasulat man
o pasalita. pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat
dito nagsisimula ang
alamat; epiko at mga
kwentong bayan.

Paglalarawan -Ito'y isang anyo ng -Magpapagalaw din ng


pagpapahayag na paglalarawan ang ating
naglalayong bumuo ng mga guni-guni,
isang malinaw imahinasyon at
nalarawan sa isip ng nakatatawag ng
mambabasa o nakikinig. paningin at pansin ng
mga mambabasa.

Pangangatwiran -Layunin nito na -Ito ay isang


hikayatin ang mga pagpapahayag na
tagapakinig na nagbibigay ng sapat na
tanggapin ang katibayan o patunay
kawastuhan ang upang ang isang
kanilang pananalig panukala ay maging
o paniniwala sa katanggap- tanggap o
pamamagitan ng kapani-paniwala
makatwirang
pagpapahayag.

Paglalahad -Layunin nitong -Ito ay maihahalintulad


maipakita ang sunud- sa pagsasalaysay. ang
sunod na pangyayaring kaibahan nito ay sa
naganap sa paraan ng pagkukwento
pamamagitan ng
pagkukwento.
6. Isa-isahin ang mga uri ng palasi, batay sa pnagangatwiran isulat ang
pagkikilanlan ng bawat isa at magbigay ng sariling halimbawa.

PALASI NG PANGANGATWIRAN

Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi


ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argument.
Narito ang mga karaniwang palasi na madalas katisuran ng marami.

A. Argumentum ad hominem-pag-atake sa personal na katauhan at hindi


sa paksa o argumento.
Halimbawa: Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat siya’y
isang binabae.

B. Argumentum ad baculum- paggamit ng pwersa o awtoridad.


Halimbawa: Gawin niyo ang aking sinasabi. Ako yata ang Pangulo at ako ang
dapat masunod.

C. Argumentum ad misericordian- pagpapaawa o paggamit ng awa sa


pangangatwiran.
Halimbawa: Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat
lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

D. Argumentum ad ignorantian- nagpapalagay na hindi totoo ang


anumang hindi napatutunayan o kayay totoo ang anumang hindi
napasisinungaingan.
Halimbawa:Ito ang isang ebidensya at kailangan itong tanggapin dahil wala
naming tumututol dito.

E. Non sequitur- paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng


argumentong does not follow the premise.
Halimbawa: Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga
lalaki, kung gayon, sola ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.

F. Ignoratio elenchi- pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman


siyang dapat patototohanan.
Halimbawa: Hindi siya ang nanggahasa sa dalaga, sa katunayaý isa siyang
mabuting anak at mapatutunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid,
kamag-anak at kaibigan.

G. Maling Paglalahat-pagbatay ng isa o ilang limitadong premis.


Halimbawa: mahirap mabuhay sa Maynila kung kayat masasabing mahirap
mabuhay sa buong Pilipinas.

H. Maling Analohiya-paggamit ng hambingang sumasala sa matinong


kongklusyon.
Halimbawa: Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasiý mabenta
naman ang kape kahit na tag-init.

I. Maling Saligan- paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling


kongklusyon.
Halimbawa: Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro
Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California.

J. Maling Awtoridad- paggamit ng taong o sangguniang walang kinalaman


sa isang paksa.
Halimbawa: Wika nga ni Aiza seguerra, higit nating kailangan ang wikang
Ingles kaysa wikang Filipino.

K. Dilemma- Pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala


nang iba pang alternatib.
Halimbawa: Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay
mamatay.

L.Mapanlinlang na tanong – paggamit ng tanong na ano man ang maging


sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Halimbawa: Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
BIBLIOGRAPIYA

Rolando A. Bernales, 2009, Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik, Malabon City:


Mutya Publishing House, Inc.

http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftl.answers.com%2FQ
%2FAno_ang_paksa&h=09d4f

http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftl.answers.com%2FQ
%2FAno_ang_mga_kailanganin_sa_pagsulat&h=09d4f

http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftl.answers.com%2FQ
%2FAno_ang_mga_kailanganin_sa_pagsulat&h=09d4f

http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.pinoyhenyo.com
%2Fano_ang_kahulugan_ng_wika-20080611222429926.html&h=09d4f

También podría gustarte