Está en la página 1de 2

Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr.

wins against Mexican boxing champ


Fernando Montiel
Noel B. Orsal

  

May bago na namang dapat ipagbunyi


ang mga Filipino sa pagkapanalo ni
Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr.
 
Itinigil ng referee na si Russel Mora sa
2 minutes, 25 seconds ng Round 2 ng
12-round championship match nina
Donaire (25 panalo, 1 talo, 17 KOs) at
Mexican boxer na si Fernando Montiel
(44 panalo, 2 talo, 34 KOs) ang laban
nang makitang hindi na epektibong
makalaban pa sa mga suntok ni
Donaire si Montiel.
 
Nauna nang pinagbagsak ng Filipino
boxer sa round ding iyon ang
Meksikano. Naiakyat na ngayon ni
Donaire ang panalo niya sa 26.
 
Si Donaire na ngayon ang bagong WBC (World Boxing Council) at WBO (World Boxing Organization)
World Bantamweight Champion.
 
PREDICTIONS. Sa mga naunang interviews sa parehong boxers, nag-predict na agad ng maagang
knockout victory ang isa't isa.
 
Sabi nga ng maraming boxing writers at experts, isang magandang matchup sina Donaire at Montiel.
Halos magkapareho kasi ng istilo ang dalawa.
 
Kilala sa pagiging agresibo, mabilis at technical si Montiel. Hinulaan nang papatumbahin nito si
Donaire sa bilis, sa istilo nitong "punches in bunches" at accurate punching ang Filipino Flash.
 
Habang si Donaire naman, bukod sa pagiging mabilis ay may kakayahang magpabagu-bago ng
fighting stances. Isa nga siyang "switch fighter" na nakakalaban sa orthodox (right handed) at
southpaw (left handed) stance.
 
Natural na kaliwete si Donaire, ngunit sinanay naman siya noon ng kanyang ama, na siyang una
niyang trainer na maging orthodox fighter, kaya't laging nauuna niyang isuntok ang kanyang kaliwang
kamay na siyang lead hand niya.
 
Nang dumating na nga ang gabi ng laban nila, si Donaire ang nagtagumpay na maisakatuparan ang
sarili nitong prediction.
 
FIRST ROUND. Sa unang round pa lang, ipinakita na talaga ni Jun (palayaw ni Nonito) ang intensyon
niyang makipagpalitan ng suntok kay Montiel. Gumitna agad ng ring ang Filipino boxer at saka sinagot
ang sinalubong sa kanyang jab ni Montiel ng isang mabilis na kumbinasyong kanan at kaliwang
suntok.
 
Binatuhan ng matinding kanan ni Donaire si Montiel ngunit di nito ininda ang suntok. Pilit na
gumaganti si Montiel ngunit kung di man makaabot sa mas matangkad na si Donaire ay di naman
iniinda ng Pinoy ang mga suntok nito.
 
Natapos ang first round na pabor ang mga puntos sa Filipino Flash.
 
SECOND ROUND. Muling inokupa ni Donaire ang gitna ng ring sa second round at sinalubong agad si
Montiel ng matinding kanan.
 
Nagpakawala rin si Montiel ng mga suntok na tumatama rin kay Donaire.
 
Sa palitan ng mga suntok ng dalawang boxers, kapansin-pansin na walang masyadong head
movement o pag-ilag ng ulo si Montiel.
 
Ang istilong ito ng Meksikano ang siyang nagpahamak dito nang magpakawala ito ng isang
malamyang right hook sa pisngi ni Donaire.
 
Nag-counter, o sa boxing jargon, nag-"overlap punch" si Donaire sa right hook ni Montiel. Habang
nag-"roll" sa suntok ni Montiel si Donaire, na-expose naman ang mukha ni Montiel sa leading left hook
ng Filipino fighter.
 
Ipinahamak si Montiel ng kawalan ng head movement nito at bumigay agad sa left hook ni Donaire.
Bago pa bumagsak sa canvass, umabot pa ang right uppercut punch ng mabilis talagang si Donaire
kay Montiel.
 
Kumisay pa si Montiel habang nakahiga sa canvas.

También podría gustarte