Está en la página 1de 1

Actress Roxanne Guinoo marries Filipino-Chinese businessman Elton Yap

Mark Angelo Ching

  

Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Roxanne Guinoo


sa Filipino-Chinese businessman na si Angelo Elton Yap
noong Linggo, January 23, sa Santuario de San Antonio
Church, Makati City.

Kasama sa principal sponsors ng bagong kasal ang aktres


na si Maricel Soriano, ang TV host at talent manager na si
Boy Abunda, ang cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo, at
ang direktor na si Rahyan Carlos.

Sina Mariel Rodriguez, Regine Angeles, at Charlene


Gonzalez naman ang ilan sa secondary sponsors.

Puting-puti ang gown na suot ni Roxanne, 24, na dinisenyo


ni Pepsi Herrera. Naka-coat and tie naman si Elton, 21.

Ilan sa mga naging bisita sa kasal ay sina Toni Gonzaga,


Angelica Panganiban, Ara Mina, Jomari Yllana, Kris Lawrence, at Tim Yap, na pinsan ni Elton.
 
Matatandaang inamin ni Roxanne na buntis siya sa kanilang unang anak nila ni Elton noong February
8, 2010, sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz. Sinabi niya ring magpapakasal sila ni Elton
matapos ang isang taon.

También podría gustarte