Documentos de Académico
Documentos de Profesional
Documentos de Cultura
Santos
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lope K. Santos
Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat
sawikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.Bukod sa
pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Talambuhay
Sa larangan ng panitikan
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang
Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na
gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan,
upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng
kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-
aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga
Guro) at saEscuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan
ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan
ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga
lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang
tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging
punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga
katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng
Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang
palayaw na Mang Openg.
Sariling buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at
nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa
huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang
Tagalog.
Sa larangan ng pulitika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula1918 hanggang 1920. Naglingkod din
siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.
Mga gawa
Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:
Balarila ng Wikang Pambansa
Banaag at Sikat, isang nobela
Amado V. Hernandez
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambansang Alagad ng Sining ng
Pilipinas
Panitikan
1973
Amado V. Hernandez
Larangan Panitikan
Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat
isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa
mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya
dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa
isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Sariling buhay
Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-
aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-
ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong
aktres na si Atang de la Rama. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang
Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa
Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Bilang manunulat
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa
pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at
naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga
dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa
mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni
Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan
pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na
sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng
mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa
loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga
niyang tula.
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at
"Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na
pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa
Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at
nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados
Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang
na pagiging mapanghimagsik. Subalit ang tunay na dahilan ay naipakulong si Hernandez
dahil sa pagiging pinuno ng Kongreso ng mga Samahang Manggagawa (Congress of Labor
Organizations), na isa sa pinakamalaki, pinakamilitante at pinakamakabayan sa lahat ng
unyon noong kapanahunan ni Hernandez
Mga gantimpala at parangal
Noong 1973, tatlong taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka
Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal na rin mula nang
pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa
lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang "Kung
Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."
Pamana at paggunita
Bawat taon ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata,
manunulat, mandudula, mang-aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal na gumagawa
ng mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng liping manggagawa.
Mga gawa
Mga nobela
Ang mga nobelang sosyopolitikal ni Hernandez ay ayon sa kaniyang mga karanasan bilang
isang gerilya, obrero ng manggagawa at prisonerong politikal.
Mga Ibong Mandaragit ,1969
Luha Ng Buwaya, 1972
Mga tula
Isang Dipang Langit
Panata sa Kalayaan
Ang Mga Kayamanan ng Tao
Ang Dalaw
Bartolina
Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan
Bayang Pilipinas
Ang Taong kapos
Bayani
Sa Batang Walang Bagong Damit
Isang Sining ang Pagbigkas
Ang Panday
Mga maikling kuwento
Wala nang lunas
Kulang sa Dilig
Langaw sa Isang Basong Gatas
Dalawang Metro sa Lupang Di-Malipad ng Uwak
Ipinanganak ang Isang Kaaway sa Sosyaledad
Limang Alas, Tatlong Santo
Mga dula
Karamihan sa kaniyang mga dula ay batay sa kaniyang karanasan habang nasa bilangguan:
Munting lupa , 1957
Hagdan sa Bahaghari, 1958
Ang Mga Kagalang-galang, 1959
Magkabilang Mukha ng Isang Bagol, 1960
Mga sanaysay
Si Atang at ang Dulaan
Si Jose Corazon de Jesus at ang Ating Panulaan
Pilipinismo: Susi sa Bayang Tagumpay
Lualhati Bautista
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lualhati Bautista
telebisyon
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo
University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling
sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling
kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.