Está en la página 1de 1

MINDANAO

Ang Alamat ng Bundok Pinto

(Bahagi ng « The Legend of Mount Pinto” ng Maguindanao)

Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio

Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay


pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na
pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang
magagandang nilikha ng diyos na may napakaraming aria-arian tulad ng iba’t ibang uri
ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga
agong (gongs), mga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may
kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso.

Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na nagmatyag at malapitang


sinaksihan ang mga pambihirang gawi at mga kakatwang gawain ng mga kakaibang
naninirahan sa yungib. Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas na mga gabi
ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa bundok. Ang malamyos na musikang
likha ng mga instrumentong musikal ay maririnig mula sa bunganga ng yungib.
Mapagkikilalang ang musika ay likha ng kagamitang musikal na yagi sa tanso. Sa
katahimikan ng gabi, ang musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng
tunay na kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok. Ang gayong
kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw at masasayang pangyayari ay nagtagal at
nagpatuloy ng maraming mga taon.

May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay di pa nasiyahan
sa pakikinig lamang ng nakaaaliw na matamis at masarap pakinggang tugtuging
idinudulot sa mga tao ng mga supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong mapangahas
na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Sila’y dahan-dahan at tahimik
na gumapang hanggang sa makarating sa pinakamainam na lugar malapit sa bunganga
ng yungib at doo’y nagkubli ng ilang sandali.

Ano ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla nang makita ang
mga kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtug gamit ang mga intrumentong
musikal na yari sa magagaang kawayan na makinis ang pagkayari. Sa pinakaloob na
bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang tumutugtog gamit ang
mga kulintang, agong, gandingan at iba pang mga instrumento. Nang maramdaman
nilang may mga tao sa di kalayuan, kaagad silang napatugil sa pagtugtog. Madali nilang
nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy.

Ang mayuyumi, magaganda at kabigha-bighaning mga nakababatang diwata at


reyna ay biglang naglaho. Nahintakutan sila sa pagdating ng mga tatlong kalalakihan.
Ang mga nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang nanatili roon ngunit di
kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang tatlong lalaki at di malaman ang
sasabihin ng makita nang harapan ang mga mga kabigha-bighaning nilalang.

También podría gustarte