Está en la página 1de 6

Nang kakaunti pa ang mga taong naninirahan sa Isla ng Panay, may isang mangingisdang

nakatira sa Iloilo. Siya'y may pitong anak na dalaga. Sabihin pa, pagkat magaganda kaya
maraming binatang nanliligaw.
Dumating sa Panay ang mga mangangalakal na galing sa Borneo.
Nagustuhan ng mga ito ang mga dalaga kaya sila'y hinandugan ng regalo. Tinanggap naman ang
mga alaala bagamat hindi tiyak ng mga dalaga kung ang mga ito ay tunay ngang kanilang iniibig.
Tumutol ang ama pagkat batid niyang ang kanyang mga anak ay isasama sa Borneo pag-uwi
ngmga negosyante. Sa gayon siya'y mapapag-isa. Subalit walang nagawa ang kanyang pagtutol.
Isang hapon ang ama ay nagpunta sa dagat upang mamingwit. Nang siya'y makaalis ang pitong
anak na dalaga ay sumama sa mga mangangalakal. Dinala nila ang kanilang mga kasangkapan at
sumakay sa batel. Nang sila'y nasa Straight ng Guimaras, nakita ng ama ang tatlong sasakyang
kanilang kinalululanan. Ang ama'y humabol subalit hindi inabutan ng kanyang maliit at mabagal
na bangka ang mabibilis na praw ng mga taga-Borneo.
Ang kaawa-awang matanda ay pagod na pagod sa kagagaod. Siya'y nagmakaawa, "Mga anak ko,
magbalik kayo. Huwag ninyo akong iwan!" Siya'y nanambitan at lumuha ng masaganang luhang
sing-alat ng dagat. Malamig na simoy ng habagat ang kanyang nadama, bilang katugunan sa
kanyang daing, ang alapaap ay nagdilim. Ang langit ay nagsungit... Kumidlat at umugong ang
kulog. Pumatak ang mabigat na ulan. Nawala sa malas niya ang mga praw.
Umuwi ang matanda. Siya'y umiyak nang umiyak. Ang kanyang masaganang luha ay
nakikipagtimpalak sa patak ng ulan. Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Ang mga anak ang
kanyang naalaala.
Kinaumagahan, kinuha ang kanyang bangka at pumalaot sa gitna ng dagat sa pagbabaka-sakaling
makita ang mga anak na lulan ng mga praw. Baka raw naantala ng bagyo ang kanilang sasakyan.
Sa kanyang pagtataka ang kanyang nakita sa malayong tanaw ay maliliit na isla na wala roon
nang nakaraang araw. Siya ay gumaod nang gumaod. Kanyang nakita ang mga pira-pirasong labi
ng praw ng mga taga-Borneo na lumulutang malapit sa mga isla. Kanyang binilang ang mga isla
sa kanyang mga daliri. Pito! Sila ang mga anak na dalagang nangalunod.
Ang mga praw na kanilang sinasakyan ay winasak ng malakas na bagyo. Ang mga sasakya'y
nilansag ng hangin at malakas naulan. Ang mga ito'y napadpad sa coral reef at mga bato.
Ang mga walang turing na anak na dalaga ay naging mga isla.
Tinawag na Mga Isla ng Pitong Makasalanan (Isla de los Siete Pecados.)
Pinoy Edition 2013 - All rights reserved.
Source: http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-pitong-isla/

Ang Pinagmulan Ng Palay


Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungangkahoy, isda at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa
parang. Sila ay maligaya noon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at kakaunti na ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay
nalungkot.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y
nagpahinga nang dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada. Sila ay
makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mangangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay
napakarami palang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan at nagsayaw.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay
punung-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng ganitong pagkain.
Natapos ang kainan at ang mga lalaki ay naging bata. Sila ay lumakas. Sila'y pinainom ng puting
alak at naging matalino.
Gusto nang umuwi ng mga mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, "Kayo'y bibigyan ko ng butil.
Ito ay itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay
mamumunga. Anihin ninyo ang bunga."
"Ang mga butil nainani ay bayuhin. Linisin. Ang butil ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang
inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo."
Sumunod sa bilin ang mga
Pinoy Edition 2013 - All rights reserved.
Source: http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-pinagmulan-ng-palay/

Alamat ng Pakwan - First Version


Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng
Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo
upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng
unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa
lalawigan ng Nueva Ecija.
Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito,
pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat
matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na
manghikayat.
Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo.
Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan sa
krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.
Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang sumunod
sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring sumasamba sa mga
anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang
mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit ipinadakip mismo ng datu sa mga
nasasakupan ang misyunerong nangangaral.
Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si
HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.
Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang maalikabok at
baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa bundok ng mga anito na
ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang nagbabaga ang araw ay
isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni Kristo, isang matulis na sibat ang
tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa dibdib nito ay mayamang umagos
sa lupang pinagtindigan ng krus.
Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng
misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.
Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong
gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang
kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro ng
misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang pagyuko at
pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang
nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak

mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula
noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang
panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa
niya sa paring ipinapatay.
Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na nauwi sa
pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng pakwan.
Pinoy Edition 2013 - All rights reserved.
Source: http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-pakwan-1st-version/
Alamat ng Bundok Arayat
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay
may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa
maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito,
dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.
Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at
mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang
araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda
at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng
pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang
matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang
mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari
ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong
masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang
makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang maguwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong
kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa
sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa pauwi ay
madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang
pinaglalabhan ng engkantada.
Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin
maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila
at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.
Pinoy Edition 2013 - All rights reserved.
Source: http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bundok-arayat/

Alamat ng Chocolate Hills


Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak
subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang
pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at
siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay
maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.
Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang
higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang
mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan
pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang
higante.
"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na
sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."
"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa
hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!"
"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang
lugar na parang lumilindol.
"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.
Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at
humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng
binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.
Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na
tagaroon.
Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga
naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at
masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring
napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.
Pinoy Edition 2013 - All rights reserved.

Source: http://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-chocolate-hills/

También podría gustarte