Está en la página 1de 1

34 na kinawawang OFWs balik Pilipinas

Nakauwi na sa bansa and 34 na overseas Filipino workers na


kabilang sa mga manggagawa ng isang kumpanya na nagwelga
sa Madagascar bunsod ng hindi makatwirang pagtrato sa
kanilang sa kanilang pagtrabaho.
Ayon sa Department of Foreign Affairs Office of the
Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA), and 34
na OFW ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
nitong Linggo ng gabi, Enero 9 buhat sa Madagascar.
Sinalubong at binigyan ng kaukulang tulong ng mga
kinatawan ng Overseas Workers Welfare Adminitration (OWWA)
ang mga dumating na OFW nang lumapag ang mga ito sa NAIA.
Magugunita na ang 34 na OFWs ay kabilang sa mga
manggagawa ng Kentz Engineers and Contructors Ambatovy
Mining site Tamatave, Madagascar na nagpiket may ilang lingo na
ang nakakaraan dahilan sa pagkakaantala ng bayad sa kanilang
suweldo , hindi pagbabayad ng kumpanya ng overtime, hindi
kaaya-aya at overcrowded na akomodasyon at iba pang mga
reklamo.

También podría gustarte