Está en la página 1de 7

KATANGIAN NG WIKA

Ang wika ay

isang sistema
Binubuo ng magkakaugnay na bahagi,
maaring sa anyo o kahulugan. Anyo
magkakaugnay na sistema ng mga
tunog, pagbuo ng salita at mga
kaayusan ng salita sa loob ng
pangungusap. Magkakaroon din ng ibat
ibang pagpapakahulugan sa mga maliliit
na yunit ng mga salita kapag ginamit sa
pangungusap (sintaktik na kaayusan).

binubuo ng mga tunog


Nagagawa sa pamamagitan ng mga
sangkap sa pagsasalita (labi, dila,
ngalangala, babagtingang tinig atbp.)
Sinasalita ang wika. Pagsulat ay isang
paraan ng pagpapahayag ng
mensaheng nais sabihin.
Pinag-aaralan sa pananalita ang
wastong paraan ng pagbigkas ng mga
tunog na pangwika.

arbitraryo
Bawat wika ay may kani-kanyang set
ng palatunugan, leksikal at
gramatikal na istruk-tura na ikinaiba
niya sa iba.
Pinagkakasunduan ng mga taong
kapangkat sa isang kultura ang
nabuong salita at mga kahulugan
nito. Hal. tubig, water, danum

pantao
Naililipat, naisasalin ang kultura ng
mga tao sa pamamagitan ng wikang
pantao.
Natutunan ng tao ang wikang
ginagamit ng kanyang komunidad
bukod pa sa wikang ginagamit ng
kanyang mga magulang.

pakikipagtalastasan
Nakakatulong sa pagpapahayag ng
mga naiisip ng tao, pagsasabi ng
kanilang mga damdamin at mga
pangangailangan.
Ginagamit sa pakikipagtalastasan sa
isang tao, grupo ng tao at sa
pakikipag-ugnayan sa ibat ibang
okasyon o pagkakataon.

Karagdagang katangian ng wika:


Buhay kaya nagbabago ang
kahulugan.
Naglalarawan ng kultura ng
bansa. Hindi maaring paghiwalayin,
sa pamamagitan ng wika,
nasasalamin ang kultura ng 1 bansa.
Naglalantad ng saloobin ng tao,
pasulat man o pasalita.

También podría gustarte