Está en la página 1de 4

Kapag may beauty pageant sa ibat ibang panig ng mundo, laging kasama ang Pinay kundi sa top 15,

top 10
o maging sa top 5. May mga pagkakataon din na nasusungkit ng bansa ang pinakamataas na karangalan
tulad nina; Gloria Diaz para sa Miss Universe 1969, Margie Moran bilang Miss Universe 1973, Aurorra
Pijuan bilang Miss International 1970, Melanie Marquez bilang Miss International 1979, Mutya Johanna
Datul bilang Miss Supranatural 2012 at si Megan Lynne Young bilang kauna-unahang Miss World ng
Pilipinas sa taong 2013.
Sila ay ilan sa mga Pilipina na nagbigay karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng kanilang talent at
talino sa pagpapakita ng kakaibang talento at kagandahan na hinangaan at kasalukuyang hinahangan sa
buong mundo.
Kapag binanggit mo ang pangalan ni Megan Young, marami ang nakakakilala sa kanya dahil isa siyang
artista. Supporting roles man ay nag-iwan din siya ng tatak sa puso ng mga Pinoy sa larangan ng pag-arte.

May dahilan upang magdiwang muli ang mga Pilipino dahil isa na namang kalahi natin ang
nagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng propesyunal na pag-awit. Itinanghal na
kampeyon sakatatapos na X-Factor Music Competition sa bansang Israel, si Rosanna
Igdanez Fostanes, isang overseas Filipino worker at lisensyadong caregiver sa Tel Aviv,
Israel.

Bukod sa husay sa pagkanta at pagkapanalo sa X-Factor, ang higit na maipagmamalaki


nating mga taga Taguig, si Rosanna, o Osang sa nakakikilala sa kanya, ay nagmula sa
Barangay Calzada at tubong Taguigeno. Dito ay ipinamalas ng ating kababayan ang galing
ng isang pilipina na dapat ipagmalaki ng ating bansa at ng mga taga Taguig.

Si Jessica Cox, isang Fil-Am na piloto ang kauna-unahang walang kamay sa buong mundo na
nakatanggap ng lisensya bilang piloto ng eroplano. Siya ay nabigyan ng maraming parangal sa
kaniyang tagumpay. Siya ay nagbigay ng napakalaking inspirasyon sa kapwa mga Pilipino na kahit ano
man ang kakulangan at kapansanan, kapag mayroong determinasyon, ito ay maaaring makamtan.

Isang malaking karangalan para sa Pilipinas at magandang regalo para sa mga Filipino ang
pagkapanalo ni Pia Alonzo Wurtzbach bilang 64th Miss Universe.
Ayon kay Press Sec. Sonny Coloma, Jr. "the triumph of Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach in the
Miss Universe pageant is an honor that is shared by the entire Filipino nation. She is the embodiment of
the Filipinos' intelligence, talent and skill that has also gained recognition in many fields of endeavor
by the global community," ayon kay Sec. Coloma.

También podría gustarte