Está en la página 1de 3

Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo

Sa buhay ng isang mag-aaral at para na rin sa isang guro, importante na may


partikular na estilo ang pamamaraan ng pagtuturo o ang pagkatuto. Hinihingi ng
mabisa at mabilis na pagkatuto ang pag-gamit ng mabubuting pamamaraan ng
pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili
at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya
sa pamamaraang kanyang gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng
pagkatuto na nais niyang makamtan ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon,
angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at
asignaturang kanyang itinuturo. Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng
edukasyon maging ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing
malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya
at agham.
Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan
ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang maaring
maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas
nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga
leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo nito. Dahil na din sa pag-usbong ng mga
makabagong gamit at kasabay na patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay nagkaroon
tayo ng dalawang paraan ng pagtuturo- ito ay ang tradisyunal at ang makabagong
paraan ng pagtuturo.
Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at nakalakihan.
Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay nakapokus sa
guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa guro ang
responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa
kanyang mga eestudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na
maipakita at mahasa ang mga natatagong angking galling o talent ng mga estudyante
sapagkat nasu-subaybayan sila ng tama ng kanilang guro.May ilan na nagsasabi na
ang paraan ng pagtuturong ito ay isang spoon feeding of knowledge. Nakapaloob dito
ang paggamit ng mga ibat ibang makakapal o maninipis na libro bilang batayan para
sa pag-aaral at maging sa pagtuturo. Mga samut saring libro na pinagkukunan ng mga
impormasyon ng mga guro para maibahagi sa kanyang mga estudyante. Kasama rito
ang mano- manong pagsusulat sa pisara ng mga guro ng kanilang tatalakayin. Ang
paggamit ng mga makukulay at malilikhaing visual aids ang kanilang sandata. Dito
nagaganap ang normal na ayos sa isang silid aralan, kung saan ang guro ang
nagsasalita sa unahan at ang mga estudyante ang nakikinig sa kani-kanyang mga
upuan.
Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang kanyang
mga estudyantehinid lamang sa larangan ng akademiko ay gayun na din sa tamang
pag-uugali. Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na dapat makuha ng mga
estudyante kundi nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng mga mag-aaral. Dahil dito
mas napapalawak ang komunikataibong kakayahan ng mga mag-aaral. Gayunpaman,

maaring sa paraang ito ng pagtuturo ay nasusubaybayan ng guro ang kanyang mga


estudyante ngunit may problema ring kakalakip ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo,
sapagkat may pagkakataon na hindi na napapalawak ng guro ang kanyang mga
talakayan dahil nakabase lamang ito sa nakalimbag na libro. Kung minsan ay
nagkakaroon din ng magbabahagi ng maling impormasyon dahil hindi ganun ka-ayos at
wasto ang teksbuk na basehan sa pagtuturo ng isang guro.
Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang mga
paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating
panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa ibat ibang pilosopiya na nagtataglay ng
pangunahing kaisipan na iabng iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasay nagkakaroon
ng mga kaisipang politikal, pilosopikal, at akademikong kasanayan ang mga magaaral.
Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng magaaral ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang kanyang
guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking pagbabago ang
nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahi na din sa nasa makabagong panahon na
tayo,, naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi
na mababansagan na na mabagal o mahina sa pagkatuto. Ayon kay Kornhaber (2004),
naiisakatuparan ng Multiple Intelligence ni Dr. Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo
sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng kaparaanan para s apagpapahayag
ng kanilang mga saloobin, kuro-kuro at damdamin ganun na din sa mga ideyang
mayroon sila base sa kanilang mga nalalaman na naitulong ng teknolohiya.
Lipas na ang panahon ng pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang. Ngayon
ang simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon sa kaalaman nila na angkop sa
makabagong panahong kanilang ginagalawan. Mula kay Vygotsky (1987), ang mga
mag-aaral na handang humarap sa hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit
ang kayang mga natutunan at nakakadagdag ito sa atas ng pagpapahalaga niya sa
sarili kung sya mismo ang tutuklas ng paraang ito para sa sarili niya.
Dahil na din sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay naiimbento na ang
ibat ibang mga gamit na makakatulong na maging basehan sa mas magandang kalidad
ng edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para sa buong mundo. Mayroon
na tayong mga personal computers, laptop, tablet ibat ibang klase ng mga cellular
phones, projector, at madami pang iba na tunay na nakakatulong sa pag-aaral ng mga
mag-aaral.Hindi na uso ang pagsusulat sa pisara o paggamit ng makukulay at may
samut saring pakulo sa mga visual aids, dahil nandyan na ang projector at ang laptop
na maaring gamitin upang magpakita ng presentasyon o mga video para mas
maunawaan at maintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon nila. Hindi na din
kailangan magkaroon ng napakadaming libro ng mga guro bilang basehan sa kanilang
pagtuturo dahil sa tulong lamang ng mga computer at ng internet connection madali na
silang makakapag saliksik sa internet ukol sa leksyon nila.
Kahit wala na sa tipikal na isang silid aralan ay maari pa rin na magkaroon ng
interaksyon sa pagitan ng mga guro at estudyante dahil maaari pa din naman
makakuha ng impormasyon ang mga estudyante sa tulong lamang ng internet
connection. Maaaring balikan ng mga estudyante ang mga leksyon nilang hindi nila

lubos maintindihan. Maaari din sialng makapagbahagi sa iba ng mga natutunan nila
mula sa kanilang mga guro sa tulong ng mga social networking sites. Sa parte naman
ng mga guro, upang hindi maging boring ang isang talakayan maaari siyang gumamit
ng ibat ibang pakulo sa mga social networking sites para magkaroon ng isang msayang
pagpapalitan ng mga ideya sa pagitan niya at ng mga mag-aaral.
Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang dimaibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang
makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at
mas kaugnay sa realidad na nangyayari sa buhay. Sabi nga mula sa isang pag-aaral,
ang paraan ng pagtuturo ay parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo ang unang
rebisyon atang makabagong paraan naman ay ang pinakabagong rebisyon sa proseso
ng pagkatuto ng mag-aaral.
Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang mahalaga
ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan nila ay
mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang
nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro.
Badayos (2008)
http://tradisyunalatmodernongpagtuturo.blogspot.com/

También podría gustarte