Está en la página 1de 13

MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NA KINAHUHUMALINGAN

NG MGA MAG-AARAL AT EPEKTO NITO SA


AKADEMIKONG PERPORMANS NG MGA
NASA UNANG TAON NG
COMPUTER SCIENCE

Isang Pananaliksik na Iniharap kay


Bb. Ligaya del Rosario
Unibersidad ng Arellano
2600 Legarda St., Maynila

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng


Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik

ni
Mia Angelie C. Vizmanos

IKA-24 NG MARSO, 2015

PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mananaliksik sa mga taong


walang sawang sumuporta upang maging maayos at maisakatuparan ang pagaaral na ito.
-

Kay Bb. Lara Jean P. Vizmanos na nagbigay ng mungkahi at opinyon

upang mapaganda at maisakatuparan ang pag-aaral na ito.


Kay Bb. Geraldine Sevilla na naging tagapayo upang maiayos ang
pagkasunud-sunod ng mga nilalaman at hakbang na dapat unahin s

gagawing pananaliksik.
Sa mga mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kursong Computer
Science sa Unibersidad ng Arellano,Manila na naging respondante ng

aming pananaliksik.
Sa mga magulang ng mga mananaliksik na nagbigay ng walang
sawang suporta sa pangangailangang pinansyal at patnubay sa mga
gawain. Sa pag-unawa, pag-intindi at pagbigay ng pag-asa na

kanilang ibinahagi,sa mga mananaliksik.


Higit sa lahat, sa Poong Maykapal na nagbibigay ng lakas, liwanag,
kaalaman at patnubay sa mga pag-aaral na ito.

ii
MGA NILALAMAN

Pahinang Pamagat

---------------------------------------------------

Pasasalamat

---------------------------------------------------

ii

Mga Nilalaman

---------------------------------------------------

iii

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN


Panimula

-----------------------------------------------------

Paglalahad ng suliranin -----------------------------------------

Kahalagahang ng Pag-aaral -----------------------------------

Saklaw at Lawak ng pag-aaral --------------------------------

Hipotesis -----------------------------------------------------------Kahulugan ng terminong ginamit ----------------------------KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang Internet

-------------------------------------------------

Negatibong epekto ng internet ------------------------------Positibong epekto ng internet --------------------------------iii


KABANATA III: METODOLOHIYA

Pamamaraan/ Paraan ng paglikom ng datos ------------Mga Respondante ng Pag-aaral ----------------------------Paraan ng pagbigay ng pagsusulit -------------------------Disenyo ng Pag-aaral ------------------------------------------Instromentong ginamit -----------------------------------------KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA
DATOS
Talahanayan I --------------------------------------------------Talahanayan II -------------------------------------------------KABANATA V: BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Buod -------------------------------------------------------------Konklusyon ----------------------------------------------------Rekomendasyon ---------------------------------------------LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN -----------------------------------MGA APENDIKS
Apendiks A -----------------------------------------------------Apendiks B -----------------------------------------------------Apendiks C ----------------------------------------------------KABANATA I

PANIMULA
Lahat naman tayo ay hindi na bago sa lumalagong teknolohiya na umiiral
ngayon sa ating paligid. Sa ating pang araw-araw na pamumuhay hindi maaaring
hindi ito sumingit. Nagiging daan ito sa pagpapabilis sa ating mga gawain lalo na
sa paghahatid ng impormasyon at nagbibigay kasiyahan na rin sa ating mga
kabataan. Isa sa mga produkto ng makabagong teknolohiya ay ang internet na
hindi lamang popular sa ating bansa kundi pati na rin sa buong pandaigdigang
merkado. Kaya ito ang pinili kong pagtuunan ng pansin at pag-aralan.
Marami ng kabataan ngayon ang nakadepende na sa makabagong
teknolohiya, lalo na at nakakatulong ito sa kanilang pag-aaral. Maliit man o
malaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa buhay ng mga
estudyante may mga epekto rin na mabilis sumibol na dapat matuklasan upang
malaman kung gaano rin ito nakakaapekto sa kanilang pang araw-araw na
pamumuhay.
Sa puntong ito, masasabi natin ang mga makabagong teknolohiya
ngayon ay isang kagamitan at proseso upang tumulong sa ibat ibang suliranin
ng tao. Suriin natin kung paano ito nakakatulong at nakakaapekto ang
makabagong teknolohiya sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral na
nasa Unang Taon ng Kursong Computer Science sa Unibersidad ng Arellano,
Maynila.

1
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng


pagkahumaling sa makabagong teknolohiya ng mga mag-aaral sa Unang Taon
ng Kursong Computer Science ng Unibersidad ng Arellano, Maynila.
Ninanais ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang makabagong teknolohiya na kinahuhumalingan ng mga
mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kursong Computer Science?
2. Ano ang epekto nito sa Akademikong Perpormans ng mga mag-aaral
na nasa Unang Taon ng Kursong Computer Science?
3. Pano nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa akademikong
perpormans ng mga mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kursong
Computer Science?
4. Bakit isa ng pangangailangan ang makabagong teknolohiya sa pagaaral ng mga respondante?

2
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong ng malaki sa pagtuklas sa epekto


ng pagkahumaling sa makabagong teknolohiya ng mga mag-aaral. Upang
gampanan ng maayos ang kanilang tungkulin bilang isang mabuti at
responsableng mamamayan.
Naglalayon ang pag-aaral na ito na bigyang kaalaman ang mga
estudyante sa mga mabuting epekto ng makabagong teknolohiya at bigyang
babala tungkol sa mga negatibong epekto nito upang itoy magamit nila ng
wasto. Ito rin ay makapagpapababa ng populasyon ng mga estudyanteng halos
nilalaan ang lahat ng kanilang oras sa paggamit at pagkahumaling sa ibat
ibang produkto ng makabagong teknolohiya.
Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makapagdadala nang malaking
tulong at impormasyon sa mga estudyanteng nakararanas ng sobrang
pagkahumaling sa makabagong teknolohiya. Hangarin din ng pag-aaral na ito
na makapag-ambag ng makabuluhang imprmasyon at kaalaman sa mga magaaral na sobra na ang paggamit at pagkahumaling sa mga makabagong
teknolohiya.

Sa mga sobra ang pagkahumaling sa makabagong teknolohiya, ang


resulta ng pag-aaral na ito ay mahahayaang mabahala sila sa mga negatibong
epekto sobrang pagkahumaling sa makabagong teknolohiya tulad ng problema
sa pisikal o kalusugan, relasyon sa pamilya at problema sa pag-aaral.
Sa mga estudyanteng nasa Unang Taon ng Computer Science, sila
ay mababahala sa kanilang sarili at matutong maglaan lamang ng sapat na
oras ng paggamit sa makabagong teknolohiya kung kinakailangan lamang sa
kanilang pag-aaral.
Sa mga magulang, ito ay makatutulong sa kanila na mabawasan ang
pangamba kung maayos ba ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Para din
masiguro na makatapos at mging maganda ang kinabukasan ng kanilang anak.
Sa mga guro, ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging instrumento
upang gabayan ang kanilang mga estudyante sa wastong paggamit at hindi
humahantong sa sobrang pagkahumaling sa makabagong teknolohiya. Upang
malaman din ang kadahilanan ng mga may mababang marka ng kanilang mga
estudyante.
Sa komunidad, na mabahala rin sila sa gawain ng mga estudyante sa
labas ng paaralan sa oras ng kanilang mga klase.
Sa mga kabataang hindi pa nag-aaral(paslit), upang sila ay
magabayan ng maayos sa kanilang paglaki at mapamulat agad ang mga
magiging epekto nito sa oras na sila ay papasok na sa eskwelahan.
4
Huli, para sa mga mananaliksik at sa mga sususnod pang
mananaliksik, ito ay magsisilbing aral at bahagi na kanilang mgiging buhay sa
hinaharap. Para sa mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay mahalaga at

makatutulong na magkaroon ng karagdagang kaalaman. Magiging sanggunian


din ito sa mga susunod na mag-aaral na nais magsaliksik ukol sa pag-aaral na
ito.

SAKLAW AT LAWAK NG PAG-AARAL


Ang pananaliksik at pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagkahumaling sa
makabagong teknolohiya at kung ano ang nagiging epekto nito sa mga nasa
Unang Taon ng Computer Science sa Unibersidad ng Arellano, Maynila. Lahat
ng mabuti at masamang epekto nito sa mga mag-aaral at sa pamumuhay ng
mga mag-aaral.

HIPOTESIS
Ang pagkahumaling sa makabagong teknolohiya ay resulta ng hindi
wastong paggamit nito. Dahil hindi lingid sa atin na ang pagkakaraoon ng
sobrang kaalaman ay maaari humantong sa mali-maling sitwasyon. Sa panahon
5
ngayon, napapansin nating hindi na matinag ang mga kabataan sa harap ng
kompyuter,

isang

produkto

ng

makabagong

teknolohiya.

Dahil

sa

modernisasyon, nakasanayan na nilang gumamit ng internet para maipahayag

ang kanilang mga sarili at saloobin. Dahil na rin sa ang mga kabataan nagayon
ay masyadong sensitibo at mausisa.

KAHULUGAN NG TERMINONG GINAMIT


TeknolohiyaInternetKompyuter-

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITARATURA AT MGA PAG-AARAL
Ang Internet
Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga
kalkolasyon o mga operasyon na maaring gawin sa pamamagitan ng mga
terminong numerical o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis
ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga
karagdagang programa. Mayroong aspeto ng kompyuter na tinatawag na
software, ito ay mga programang ginawa para mapagalaw ang kompyuter.
Isang halimbawa ay ang accounting software. Ito ay may tungkulin na magtala
at magproseso ng mga transakyon sa accounting. Itoy gumaganap bilang isang
accounting information system na nag-oorganisa at nagpapadali ng gawain ng
isang accountant.
(http://www.wikipedia.com/epekto_ng _komputer)
Mga Negatibong Epekto
Mapag-ibayo pa ang paggamit ng kompyuter sa pag-alam ng mabuting
epekto, masmakikinabang ng malaki ang gagamit ng kompyuter. Maari ring
malaman ang solusyon at karampatang kaalaman ng mga negatibong epekto.
Ang bagong henerasyon ng kabataan, pag-asa pa kaya ng ating bayan?
Katanungang bumabagabag sa isipan naming mananaliksik. Karamihan sa
mga kabataan ngayon ay wala nang sinasanto, napapasok na sa ibat-ibang
bisyong alam nilay masama ngunit nagsasawalang bahala lamang. Alak,
sigarilyo, droga, premarital sex, pagbababad sa kompyuter at iba pang bisyo
na nakakasama sa kanila, hindi lamang sa kalusugan ang naaapektohan gayun
din ang kanilang pag-aaral.

Ang pagbabad sa kompyuter

ay isa sa mga nangungunang bisyo ng

kabataan lalonglalo na sa kalalakihan ngayon, hindi rin magpapahuli ang mga


kababaehan sapagkat wala itong pinipiling kasarian. Pera lang ang kailangan
upang makagamit ng internet. Hindi bale nang maubos ang pera nila sa
kagagasta basta ang imporatante ay masiyahan sila. Nakakalibang ito sapagkat
kinababaliwan ito ng mga kabataan. Bilang mananaliksik, nag-iisip kami ng
paraan kung paano naming mapapatunayan na ang paggamit ng internet ay
balakid sa pag-aaral ng mga estudyante ng sekondarya sa Pilipinas. Hindi
lamang hangad ng estudyante ng sekondarya gayun din hangarin naming
mapaalam sa lahat ng kabataan, magulang at iba pa tungkol sa kahalagahan
ng edukasyon pag-aaral na ito na malaman kung balakid ang paggamit ng
internet sa pag-aaral ng mga sa ating buhay.
Kung grabe na ang pagkahumaling ng mag-aaral sa makabagong
teknolohiya nagkakaroon na ito ng hindi magandang epekto sa kanilang
kalusugan at pati narin sa kanilang pag-iisip at ugali. Ang palaging pagtutok sa
kompyuter ay nakakasira sa mata lalo na kung walang proteksyon ito. Ang
katagalan sa pag-upo at hindi madalas na pagkilos ay nagdudulot ng
pangangawit at kalaunan ay pagsakit ng likod, ulo at iba pang parte ng
katawan, ito ay sa kakulangan na rin ng ehersisyo. Nakakasira rin ito sa pag
-aaral dahil ang konsentrasyon na lang ay sa paggamit ng internet at nawalan
na ng oras para mag-aral ng leksyon. Kung waala naman silang sarilig
kompyuter nagpupunta na lamang sila sa internet caffe, madalas dito nauubos
ang kanilang pera imbes na panbili ng baon o pagkain. Sa kadahilanang naadik

na ang mga bata sa paggamit ng internet maaring hindi na nila maatupag ang
paglilinis ng kanilang sarili at maaring magiging tamad na sila sa gawaaing
bahay at kahit ano paman.
(http://tl..answer.com/Q/ano_ang_epekto_ng_computer_sa_mga

_mag-

aaral_ngayon)
Napakalaki ng nakita kong epekto na naturang problema hindi lamang sa
mga estudyante kung hindi sa kalidad ng edukasyon na mayroon tayo ngayon
tulad na lamang ng kadalasang nangyayari sa mga paaralan, sa halip na
pumasok ang mga estudyante ay mas-iniuna pa nila ang paggamit ng internet
na labis nakakaapekto sa pag-aaral nila.
(http://tl.answer.com/Q/epekto_ng_kompyuter_sa_mga_mag-aaral)
Marami ang epekto ng kompyuter game sa kabataan tulad ng
mapapabayaan ang pag-aaral nila at mahihirapan ang kanilang mga magulang
sa paghahanap buhay dahil kailangan pang idagdag sa budget ang perang
gagamitin sa paglaro. Kadalasang bumabagsak ang mga estudyante sa
mga pagsusulit dahil imbes na mag-aral, naglalaro na lamang sila.
Kadalasang bumabagsak ang mga estudyante sa mga pagsusulit dahil imbes
na mag-aral, naglalaro lamang sila. Nakasisira rin ito sa kanilang mga mata ang
masyadong pagkababad sa kompyuter. malaking empluwensya ang mga
nilalaro sa kanila, mabuti man ito o masama.
(http://tl.answer.com/Q/ano_ang_epekto_ng_pagkalolong_ng_kabataan
_sa_mga_computer_games)

MGA POSITIBONG EPEKTO

También podría gustarte