Está en la página 1de 14

Noli Me Tangere

Kabanata 1 Iisang Handan


Isang marangyang salo-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago.
Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
Kabanata 2 Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat
sa pitong taong pag-aaral sa Europa.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa
mga nanduruong kamukha niyang panauhin.
Kabanata 3 Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang
dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano.
Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kayat siya ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos
ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata.
Kabanata 4 Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa buhay ng kanyang
ama dahil wala siyang nalalaman tungkol dito.
Ayon dito, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan.
Pinagbintangan siyang nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
Kabanata 5 Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng
ilog.
May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto.
Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara.
Kabanata 6 Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang
buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, siya
ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang
turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kabanata 7 Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang
maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang
kanilang paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.

Kabanata 8 Mga Alaala


Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang
hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga
babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalaking hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong
hila ng mga makupad na kalabaw.
Kabanata 9 Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago.
Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria.
Biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago.
Tutol si Padre Damaso sa pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
Kabanata 10 Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at
palayan.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata 11 Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan.
Ang alperes at si Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.
Kabanata 12 Araw ng mga patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na
kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
Kabanata 13 Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael.
Tumango ang tagapaglibing.
Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa
utos ni Padre Garrote.
Kabanata 14 Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito
para sa anak ay maging isang pari.
Kabanata 15 Ang mga Sakristan

Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga kampana na sineswelduhan lang ng 2.00
kada buwan.
Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan.
Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit ito.
Kabanata 16 Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa
kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa
lansangan.
Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin.
Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay dalaga pa.
Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.
Kabanata 17 Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo.
Dumadaloy ang masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin.
Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin.
Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
Kabanata 18 Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa kusina ng kumbento.
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari.
Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na
makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid.
Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na
nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
Kabanata 19 Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa
tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni
Don Rafael
Kabanata 20 Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa
bayan. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil
malabo pa ang mga paghahanda sa pyesta.
Kabanata 21 Mga Pagdurusa ni Sisa

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng
kawaksi ng kura.
Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil.
Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na
papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Kabanata 22 Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating.
Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan
nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.

Kabanata 23 Ang Piknik


Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng.
Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan.
Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang
kuwentuhan.
Kabanata 24 Sa Kagubatan
Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang pagkain at nagpunta
na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang
makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at
masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang
sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap
ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na
dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo sa
pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at
Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na
sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang
naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat
naman ang dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at
pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at Sinang. Dumating
naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito.
Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas
naman kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman ang mga gwardya
sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa
pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang
desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang kagubatan ngunit ala silang
nakitang Elias.
Kabanata 25 Sa Tahanan ng Pilosopo
Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa paaralan na nais niya
ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng
matanda at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon
sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang mga susunod na
salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari sa lipunan. Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak
at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda
sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang

mga binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang mga
makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan
ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang
mga iyon. Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na
kailangang balutan ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa
bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang
kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na kung nais niyang
matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang
mangyari sa kanyang mga balakin. Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang
mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa
katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan.
Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito
sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali lamang; at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit ang
mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang
pananaw. Isa siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng makakapitan at
masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas
mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon. Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung
hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng simbahan sa
pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng
inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na pananim na siyang
magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Nagpaalam na si Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa
kura.
Kabanata 26 Ang Bisperas ng Pista
Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang
lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na mga
minana at antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na
putahe, kakanin, panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing ito para
sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab,
sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng kampana at
tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan,
pati na rin ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal
ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago
at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga
magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.
Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol
Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang
bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para
sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral. Marami ang
humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging kaaway.

Kabanata 27 Sa Pagtatakipsilim
Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya ang mabangong
pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa
ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa
ibang bansa ang nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling bato. Nagkita
sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong
dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na duon na
maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang magkatipan
kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal.
Nang marating nila ang liwasang bayan, sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at
binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang
katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing anduon ang kanyang mga anak, at
pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Napag-isip isip ni
Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman

Kabanata 28 Sulatan

Ang pagsusulatan ay isang kaugaliang Pilipino at ang paraan ng ligawan noong kapanahunan ni Rizal. Buod. Katulad ng
inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan
at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga
pari sa bayan, ang komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang nasiyahan sapagkat
ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman
dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng
misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria.
Ikinayamot naman ito ng huli. Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na
siya ay dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.

Kabanata 29 Ang Kapistahan


Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito
ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang
taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat
tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya,
paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng
may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala
siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si
Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya
ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas
otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga
nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria
Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

Kabanata 30 Sa Simbahan
Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at mahahayap na ugali ng mga prayle noong panahong iyon.
Bagamat siya ay tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga kagaspangan ng pag-uugali ng mga prayle.
Inilalarawan din ang matapat na pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang
kabuhayan. Buod: Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng mga bata.
Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng
mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa
komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na
magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay
dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang walang
pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit
siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapagmayabang.
Kabanata 31 Ang Sermon
Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang
kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David,
ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino
na binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi.
Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat
karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo
na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan
na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat
hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang
mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang
maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at
nagpatuloy pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na nakalapit

si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay
sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.
Kabanata 32 Ang Panghugos
Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang
pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng
lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng
taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung
paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman
ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan
niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga
banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at
relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang
nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan
ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang
sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay
humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng
lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si
Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.
Kabanata 33 Malayang Kaisipan
Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra
sa kabanatang ito. Matutunghayan ang katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na
dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na
nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong
dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa
taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang
taong dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga
kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay
nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw
dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong
nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa
paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako
ng katapatan kay Ibarra.
Kabanata 34 Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.
Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra.
Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring.
Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may
kasamang pag-aglahi.
Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.
Kabanata 35 Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego.
Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa.
Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.
Kabanata 36 Ang Unang Suliranin

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral.
Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng.
Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa
binata.
Kabanata 37 Ang Kapitan Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre
Damaso.
Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok
siyang kausapin ng Heneral.
Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta
sa katarungan
Kanabata 38 ang prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang
mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa
bahay ng kapitan.
Kabanata 39 Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid.
Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba.
Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa.
Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito.
Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil.
Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
Kabanata 40 Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis.
Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng luces de Bengala na siyang nagsisilbing ilaw sa mga
taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.
Tapos na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra.
Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Kabanata 41 Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo.

Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi
man lamang lumilingon.
Ang kanyang panauhin ay si Elias.
Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas.
ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya.
Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Kabanata 42 Ang Mag-asawang De Espadaa
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging
kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang
isang Orofea.
Kabanata 43 Mga Balak o Panukala
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos.
Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya.
Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa.
Ayon kay Damasao madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central.
Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiyago.
Kabanata 44 Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng
kanyang inang hindi man lamang nakikilala.
Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng
tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.
Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga.
Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.
Kabanata 45 Ang Mga Pinag -uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat,
may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid
kabilang na ang Kapitan-Heneral.
Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa
heneral ang mga hinaing ng bayan.
Kabanata 46 Ang Subungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan
Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang
magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.

Kabanata 47 Ang Dalawang Senyora


Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio
upang malasin ang bahay ng mga Indio.
Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin.
Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya
ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang
pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya.
Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia
Victorina.
Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio.
Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
Kabanata 48 Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na
parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang
siya dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang
isip.
Kabanata 49 Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga
pag-aalinlangan at pagbabala.
Kabanata 50 Ang mga kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad.
May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.
Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.
Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan.
Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan.
Kabanata 51 Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan
Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala.
Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Kabanata 52 Ang Baraha ng Patay at mga Anino


Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa
libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang
unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot.
Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
Kabanata 53 Ang Mabuting Araw ay Nakilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi.
Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan.
Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan.
Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Kabanatan 54 Lahat ng Lihim ay nabubunyag at walang di nagkakamit ng parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan.
Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito
sa kanya.
Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido.
Isa pa, ito ay isang Baskongado.
Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
Kabanata 55 Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra.
Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok
ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig
upang magdasal.
Kabanata 56 Ang mga sabi-sabi at kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego.
Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan.
Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang
paningin.
Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan.
Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat.
Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata 57 Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit,
iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa
palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling.

Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang
Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang
alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Kabanat 58 Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Magiikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng
bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang
tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata 59 Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang
nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang
mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng
kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral
kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang
mga indio kayat di dapat silang ituring na mga tunay na tao.
Kabanata 60 Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero.
Bagamat namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares.
Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa
napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siyay
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kayat
inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kabanata 61 Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang
salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si
Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa.
Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi
inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Kabanata 62 Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo.
Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at
pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang
pakakasalan.

Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol
pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi
pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
Kabanata 63 Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga.
Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man
lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng
kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi
naman nananakit ng kapwa.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa
tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na
papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato
siya ng alilang babaing nasa daan.
Kabanata 64 Ang Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng
loob. Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng
Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara.
Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si
Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at
nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o
sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa.

También podría gustarte