Está en la página 1de 1

JEROME E.

MALVECINO
GE-116

Ang Wika at Ang Kabataan


Ibat-iba ang wika ng kabataan sa ngayon dahil sa teknolohiya at sa social media
kagaya ng salitang boom panes ito ay expression ng kabataan na nakukuha sa social
media na ginagamit nila sa pang araw araw na buhay sa pikikipag usap at itoy
nadadagdagan pa.Ang isa pang halimbawa ng wika ng kabataan ay ang jejemon.Ito ay
wika nila kapag nag tetext.Sa palagay ko ginagawa nila ang pakikipag usap na ang gamit
na wika ay jejemon ay para sila ay maging masaya o para may Makita silang bago sa
kanilang pang araw-araw na buhay.Dahil ang kabataan sa ngayon ay pabago-bago ang
gusto nila.Halimbawa pa ay kapag sila ay may nakitang bago na mas maganda ay
madaling magpapalit ang kanilang paborito o gusto at kapag sila ay may nakitang bago
na mas maganda ay madaling magpapalit ang kanilang pananaw o gusto.Halimbawa pa
ay kapag sila ay gumagamit ng mga icons at emoticons.Ito ay simbolo ng kanilang
nararamdaman.Kagaya ng icon na puso ito ay madaming kahulugan depende sa iyo,ito ay
maaring ang kahulugan ay inlove ka sa isang tao o nagustuhan mo ang sinabe o ginawa
niya.Sa mga kabataan na magkakabarkada o magkakaibigan naman ay may nabubuo ring
wika, halimbawa ay pagpinagdikit ang hinliliit nila ay simboo ito ng promise o
pangako.At kapag nag apir naman ay simbolo ito na may nagawa kang tama.Marami ito
at nakadepende ito sa magkakabarkadang kabataan.Ito ay halimbawa ng wika na
ginagamitan ng hand signs.Ang kabataan ay mahilig sa pampalakasan o sports,particular
sa larong basketball,na ginagamit ng kabataan ang salita sa larong basketball sa kanilang
pang araw araw na buhay.Halimbawa ay kapag may nakita silang nadapa ay sasabihin
nila na foul.Ang iba naman kabataan ay ang libangan naman ay ang paglalaro ng
gadgets.Kagaya ng larong clash of clans na umaatake sa base ng kalaban, nagagamit
nadin nila ang salita sa clash of clans sa pang araw araw,halimbawa ay kapag sila ay
gutom ay sasabihin nila ay atakihin ang pagkain,at kapag mayroon silang kaaway ay
sasabihin nila na aatakihin ko yan ng dragon sa clash of clans.Malaki talaga ang
nagagawa ng social media sa pang araw araw na Gawain at nakakasama sa araw araw ng
kabataan ang kanilang wika.

También podría gustarte