Está en la página 1de 9

Mga Uri ng Tagapakinig

Ang mga tagapakinig ay maaaring mauri batay sa kanilang mga reaksyon


habang nakikinig lalo na sa isang klase o talakayan. Karamihan sa mga uring ito ay
higit na aplikable sa mga pormal na kapaligirang pangklasrum, ngunit maging sa
ibang sitwasyon at pagkakataon ay maaaring makakita tayo ng isa o ilan sa mga
sumusunod na uri:
a. Eager Beaver. Siya ang tagapakinig na ngiti o tangu nang tango habang
may nagsasalita sa kanyang harapan. Ngunit kung naiintindihan niya ang
kanyang naririnig ay isang malaking tanong. Makikita kasi sa kanyang mga
mata ang kawalan ng pokus kahit na pilit na pilit ang pagpapanggap niya na
siyay masugid na nakikinig. Pilit niyang pinapaniwala ang iba, sa
pamamagitan ng kanyang mga reaksyong mapagkunwari, na siya ay
mabuting tagapakinig.
b. Sleeper. Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok
ng silid. Wala siyang tunay na intensyong making. Sa katunayay naiinis pa
nga siya kapag may nag-iingay. Dahan-dahan niyang ipipikit ang kanyang
mga mata habang inihihilig ang ulo at maglalakbay sa daigdig ng panaginip.
c. Tiger. Siya ang tagapakinig na lagging handing magreak sa anumang
sasabihin ng nagsasalita. Lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at
mananagpang.
d. Bewildered. Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang
maintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay
sa kanyang mga narinig.
e. Frowner. Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong
at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging atentibo, ngunit ang
totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong
para makapagpaimpres.
f.

Relaxed. Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paanoy kitang kita sa


kanyan ang kawalan ng interes sa pakikinig. Madalas nauupo siyang para
bang nasa sala ng sariling bahay at itinutuon ang atensyon sa ibang bagay o
tao. Walang makikitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o
negatibo.

g. Busy Bee. Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat.


Hindi lamang siya hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang Gawain tulad ng
pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagbabasa ng libro o magasin,
pagsusuklay o iba pang gawaing walang kaugnay sa pakikinig. Kung tutuusin,
hindi siya talaga tagapakinig, kung ang pagbabatayan natin ay ang istriktong
kahulugan ng pakikinig. Siya ay isa lamang kaptib na tagapakinig, ayaw niya
man o gusto.
h. Two-earned Listener. Siya ang pinakaepektibong tagapakinig. Nakikinig siya
gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak.
Lubos ang partisipasyon niya sa Gawain ng pakikinig. Makikita rin sa kanyang
mukha ang kawilihan sa pakikinig. Samakatwid, siya ang uri ng tagapakinig
na dapat tularan ng lahat. Ikaw anong uri ka ng tagapakinig?
Paano Magiging Epektibong Tagapakinig
Lahat ng tao ay kailangang mapakinggan, kung paanong lahat din ng tao ay
kailangan makapagpahayag ng sarili. Ang epektib na pakikinig ay hindi likas sa tao.

Ito ay isang Gawain, isang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay magkaroon
ng epektib a komunikasyon. Ngunit paano ito maisasakatuparan?
Narito ang ilang mungkahi:
a. Pakinggan hindi lamang ang mga salita kundi maging ang mga
kahulugan. Kailangang ipokus natin ang ating atensyon sa kabuuan ng
mensahe na ating naririnig. Ang isang epektib na tagapakinig kasi ay senstib
hindi lamang sa mga salita kundi maging sa mga metamensaheng kanyang
naririnig at nakikita. Hindi niya tinatanong ang kanyang sarili kung ano ang
kahulugan ng kanyang mga naririnig. Tinatanong din niya ang kanyang sarili
kung ano ang nais ipakahulugan ng kanyang kausap sa mga sinasabi nito.
b. Tulunga ang kausap na linawin ang kanyang mensahe. Sa
pamamagitan ng iyong mga reaksyon habang nakikinig, maaaring maging
komportable o di-komportable ang iyong kausap. Kapag siyay hindi
komportable, mahihirapan siyang ipahayag ang kanyang mensahe. Kung
gayon, maaari ka ring mahirapan sa pagpapakahulugan sa kanyangmensahe.
Samakatwid, kailangang tulungan mo siyang maging Malaya sa
pagpapahayag nang maging malinaw ang mensaheng iyong matatanggap.
c. Ipagliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga. Lahat ng tao ay
may kanya-kanyang pag-uugali. Mayroon din siyang mga biases at
prejudices. Ngunit hindi dapat hayaan ng isang tagapakinig na mkaapekto
ang mga ito sa kanyang pagpapakahulugan ng mensahe. Napakahalaga nito
sapagkat kung hindi niya ipagpapaliban ang paghuhusga, ang isang salita
lamang tulad ng komunista o bakla ay maaaring maging sanhi ng maling
pagpapakahulugan sa kabuuan ng mensahe at maaaring maging titi ng hindi
kinakailangang pagtatalo.
d. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa naririnig. May mga salitang
nakapagpapaalab ng ating damdamin. Ang isang salita ay maaaring maging
sanhi ng ating galit, pagdududa o takot. Kapag hindi natin nakontrol ito,
maaaring maging kasunod nito ang baluktot nap ag-iisip at pangangatwiran.
Bunga nito, hindi natin maririnig an gating kausap kahit pa ang kanyang
sinasabi ay tama o makatwiran.
e. Pagtuunan ang mensahe. Ang isang atleta ay maaaring mapagod sa gitna
ng paglalaro ngunit napipilit pa rin niya ang kanyang sarili na ipagpatuloy ang
paglalaro sa kabila ng pagod at pananakit ng katawan. Gayon din ang isang
tagapakinig. Maaari siyang mapagod sa pakikinig ngunit magagawa niyang
hikayatin o di kayay pilitin ang kanyang sarili na magpatuloy sa pakikinig sa
pamamagitan din ng pagtutuon ng pansin sa mensahe ay napapanatili niya
ang kanyang konsentrasyon at napipigil niya ang paglalakbay ng kanyang
diwa at pagkawala ng atensyon.
f.

Pagtuunan din ng pansin ang istraktura ng mensahe. Kung kaya mo


nang ituon ang iyong pansin sa mensahe, magagawa mo pang linangin ang
iyong kasanayan sa pakikinig sa pamamagitan naman ng pagtutuon ng
pansin sa istraktura ng mensahe. May mga tao kasing nahihirapang
alalahanin ang mga datos na kanilang narinig kung kayat dumarating ang
sandalng kapag pilit na inaalala na nila ang kanilang narinig, ang naaalala
niyay malalabong konsepto na lamang. Higit na magiging madali ang pagalala sa mga datos kung papansinin din natin ang istraktura ng mensahe sa
pamamagitan ng pattern nito o sap ag-uugnay nito sa ibang bagay. Paano mo
madaling naaalala ang mga numero ng telepono ng iyong mga kaibigan?
Hindi bat inaalala moa ng pattern ng mga ito? Paano mo aalalahanin ang
mga pangalan ng mga bagong kakilala? Maaaring sa pamamagitan ng pag-

uugnay ng pangalan nila sa lugar, sa ibang tao o sa bagay na kaugnay o


kahawig ng kanilang pangalan.
g. Patapusin ang kausap. Isa sa pinakamalaking sagabal sa epektib na
komunikasyon ay ang tendensya nating tapusin ang usapan nang mas maaga
kaysa sa kinakailangan. Kung sa gitna ng pagsasalita ng isang tao ay
magsasalita rin tayo, malamang na mapahinto siya sa pagsasalita at hindi
matatapos ang kanyang sinasabi. Kailangang disiplinahin, kung gayon, ng
isang epektib na tagapakinig ang kanyang sarili na huwag munang magsalita
hanggat hindi natatapos sa pagsasalita ang kanyang kausap. Ito marahil ang
dahilan kung bakit kapag inayos nating muli ang mga titk sa salitang listen ay
mabubuo natin ang salitang silent.
Sa pakikinig, tulad ng pakikilahok sa mga timpalak na pampalakasan,
napakahalang maging tunay sa kalooban ng participant ang pakikilahok, kailangang
may kawilihan siya at kailangang maging episyente siya sa kanyang Gawain. Kung
gayon, kung siyay makikinig nang may layuning umuunawa, madali niyang
mauunawaan ang mensahe ng kanyang mga naririnig.
Mga Gawaing Interaktib
1. Interbyuhin ang isang taong hindi mo kilala. Itanong moa ng ilang personal na
impormasyon tungkol sa kanya tulad ng pangalan, edad, Gawain, tirahan, interes
at iba pa. Matapos anf interbyu, isulat sa isang talataan ang mga impormasyong
iyong nakalap.
2. Ibulong sa iyong katabi ang isang maikling talata na ipababasa sa iyo ng iyong
guro. Magsisimula ito sa unang mag-aaral, sa unang row hanggang sa huling
mag-aaral sa huling row. Matapos ang pagbubulungan, bibigkasin nang malakas
ng huling mag-aaral ang ibinulong sa kanya batay sa kanyang pag-alala.
Ihambing ang binigkas niya sa orihinal na ipinabulong ng guro sa unang magaaral.

PAGSASALITA
Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita
Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay
higit na medaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. Samakatwid, ang isang
taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng
ibang tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan. Pinatutunayan ng
kasaysayan kung paanong ang kabiguang maipahayag ang sarili nang epektib ay
kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap ng isang tao.
Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may
isang katangiang ipinagkatulad sa isat isa. Lahat silay may mataas na antas ng
kakayahang magpahayag ng ideya na kanilang nagging kasangkapan upang umakit
ng mga tagahanga at tagasunod. Ang mga pinakamahuhusay na guro, mga tanyag
na tagapamayapa at maging ang mga kilalang rebelled lahat silay may maunlad na
kasanayang mag-isip at magpahayag sa pananalita sa harap man ng maliliit o
malalaking pangkat ng tagapakinig. Marami na ang natanyag at nagtagumpay
bunga ng kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa paraang kinalulugdan
ng mga tagapakinig. Ngunit ang kasanayang ang nagpatanyag at nagpaunlad sa
kanilang lahat ay isang kasanayang maaaring linangin ng sino mang indibidwal sa
kanyang sarili.
Si Abraham Lincoln, dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi ng kasaysayan hindi lamang ng Amerika kundi
maging ng buong daigdig. Ano ang pangunahing salik na nakatulong sa kanya sa
pagkakamit ng mataas na karangalang iyon? Hindi mataas na pinag-aralan
sapagkat halos wala nga siyang pormal na edukasyon. Hindi rin salapi sapagkat
ilang ulit pa nga siyang natalo sa halalan sa sarili niyang bayan. Ayon sa mga mayakda ng kanyang talambuhay, ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay nang Malaki
sa kanyang determenasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang
magsalita sa harap ng publiko. Paano niya naipamalas ang determenasyong iyon?
Dahil sa kakulangan o kawalan noon ng mga speech training schools, matamang
inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao
kahit noong bata pa lamang siya. Binasa niya nang may kawilihan ang ano mang
aklat na pumasakamay niya. Kalaunan, napansin ang kanyang tapat at payak na
pananalumpati na hinangaan ng lahat niyang tagapakinig ay napapanganga sa
paghanga. Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang kanyang Gettysburg
Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging halimbawa ng
pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.
Isa pang pangulo ng Amerika na hinangaan ay si Franklin Delano Roosevelt.
Nanatili siya sa White House nang apat na sunod-sunod na termino mula 1932
hanggang sa kanyang kamatayan noong 1945. Hindi ipinanganak na mambibigkas
si Roosevelt, ngunit nilinang niya ng kanyang kakayahan sa pagsasalita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga salalayang simulain ng
pagsasalita sa harap ng publiko. Halos lahat ng kanyang talumpati sa radio ay
praktisado nang lubusan. Paulit-ulit niyang binigkas ang kanyang mga talumpati
hanggang sa maging perpekto ang kanyang bigkas at diin upang maging malinaw
ang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mga tagapakinig. Kalaunan,
maging ang kanyang mga nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang mga
tagapakinig. Si Roosevelt ay ipinapalagay na isa sa pinakamahusay na mambibigkas
sa kanyang panahon.
Isa rin sa mga susi ng tagumpay ni John F. Kennedy noong 1960 sa halalang
pampanguluhan sa Amerika ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga
debateng ipinalabas sa mga programang pantelebisyon. Dahil sa epektib niyang
pagsasalita, tinalo ni Kennedy si Nixon sa nasabing halalan.

Libong taon naman ang lumipas na nang matanyag ang isang dakilang
orador, si Demosthenes. Si Demosthenes ay pautal magsalita ngunit tinuruan niya
ang kanyang sariling magsalita nang tuloy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng
pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan. Madalas, nagsusubo
pa siya na maliit na bato upang maituwid lamang ang kanyang pananalita.
Kalaunan, napagwagian ni Demosthenes ang laurel ng tagumpay sa timpalakanpagtatalumpati, isang karangalang nagawa niyang maangkin hanggang sa kanyang
kamatayan.
Pansinin ang mga pinuno ng iyong komunidad at paaralan. Sila ba ang mga
taong nakaupo lamang sa isang tabi kapag may pagpupulong at hindi man lang
nagpapahayag ng kanilang mga palagay? Tiyak na hindi! Ang mga gayong tao ay
kadalasang hindi napapansin. Ang mga taong nakaiimpluwensya sa iba,
nakikisangkot sa mga pangkatang Gawain, nakapamumuno ng pangkat o samahan,
nakikilala sa larangang panlipunan, pangkalakalan at pampulitika ay mga taong
mabibisang magsalita. Ang mga prominanteng tao ay kadalasang nasa gitna kung
hindi man namumuno ng mga talakayan. Ang mga walang-imik ay bihirang maging
prominente. Ang mga pinuno ng mga maliliit at malalaking pangkat ay kadalasang
iyong mabisang nakapagpapahayag ng kanilang matatalinong kaisipan. Iyong mga
walang-kibo ay kadalasang nagiging tagasunod lamang.
Maaaring hindi mo pangarap na maging isang kilalang orador, o maging
tanyag na pinuno ng bansa o ng mga samahan, ngunit tiyak na ninanasa mo na
maunawaan ka ng ibang tao sa tuwing ibubuka moa ng iyong bibig. Ang pagsasalita
sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa isang tao.
Ang pakikipag-usap sa harap ng marami mang tao o sa harap ng isa lamang ay
laging isang hamon sa iyong kakayahang masabi ang nais mong ipakahulugan at
maipahatid ang mensahe kung paano mo ito inaasahang matatanggap. Ang
malinaw, episyente at epektibo na pagsasalita, kung gayon ay isang tanging talent
na nakapgdudulot ng nakalulugod na karanasan sa nagtatamasa nito. Samakatwid
ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong
pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad kundi maging sa iyong buhay.
Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita
Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang Malaki sa mga participant
nito. Kung gayon, Malaki an impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong
proseso ng komunikasyon.
Maramingiminumungkahi ang ibang manunulat na diumanoy mga
katangiang dapat taglayin ng isang mabisang tagapagsalita. Sa pagtalakay na ito,
nilimita lamang ang mga katangian ayon sa tatlong pinakabatayan ng iba pa.
a. Kaalaman. You cannot say what you do not know. Kung gayon, upang
maging isang epektib na tagaagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman
hinggil sa ibat ibang bagay. Una, kailangang alam moa ng paksa sa isang
usapan. Hindi magiging kapani-paniwala kung mahahalata kang parang
nangangapa sa iyong pagsasalita sapagkat hindi moa lam o kulang ang iyong
kaalaman sa paksang tinatalakay. Tandaang hindi mo laging malilinlang ang
iyong tagapakinig. Hindi madali ang magpanggap na may nalalaman sa isang
paksa nang hindi ka naghahagilap ng mga salita sa sandaling nagsasalita ka
na. Ikatlo, kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika. Hindi
magiging epektib ang paggamit mo ng salita at ang pagpapahayag mo ng
mga pangungusap kung ang pandiwa mo ay laging nasa maling aspeto
halimbawa, o kung hindi angkop ang mga panghalip na ginagamit mong
panghalili sa mga pangngalan, o kung laging bitin ang iyong mga
pangungusap o kung hindi mo maorganisa nang maayos ang iyong mga

pahayag. Ikaapat, kailangang may sapat ka ring kaalaman sa kultura ng


pinanggalingan mo wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura, at maging
sa kultura ng iyong kausap. Ang wika ay nakasandig sa kultura, hind aba?
Kung gayon, gayon din ang komunikasyon. Kung kayat sa pagsasalita ay
kailangang maisasaalang-alang lagi ang mga nakaiimpluwensyang kultura
upang maiwasan ang miskomunikasyon.
b. Kasanayan. Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan. Kung
gayon, katulad ng iba pang kasanayang pangkomunikasyon, ang pagsasalita
ay isang kasanyang maaaring linangin. Anu-ano ang mga kasanayan sa
pagsasalita ang dapat linangin at taglayin ng isang mabisang tagapagsalita.
Una, kailangan may sapat siyang ksanayan sap ag-iisip ng mensahe sa
pinakamaikling panahon. May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng
presence of mind. Sa mga gayong sitwasyon, kailangan ng bilis ng pag-iisip
upang agad na masabi ng isang tao ang kailangan niyang masabi. Ikalawa,
kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan
sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong diberbal. Nakatutulong ito nang Malaki sa paglilinaw ng mensaheng nais niyang
maiparating sa kanyang tagapakinig at sa pagpapahatid mismo ng
mensaheng iyon. Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa
pagpapahayag sa ibat ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan,
paglalahad at pangangatwiran. Ang ibat ibang sitwasyon ay maaaring
mangailangan ng paggamit ng ibat ibang genre. Hindi tayo laging
nagsasalaysay lamang. Minsan kailangan ding maglarawan, o mangatwiran, o
magpaliwanag. Kung gayon, isang pangangailangan ang pagkakaroon ng
kasanayan sa paggamit ng mga genre na ito.
c. Tiwala sa Sarili. Isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon ng
tiwala sa sarili ng isang tagapagsalita. Ang isang taong walang tiwala sa sarili
ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo. Mapilitan man siyang magsalita
paminsan-minsan, inilalantad naman ng kanyang mahinang tinig, garalgal na
boses, mabagal na pananalita, pautal-utal na pagbigkas o di kayay ng
kanyang panginginig o paninigas o pagiwas ng tingin o labis na pagpapawis
ang kakulangan niya o kawalan ng tiwala sa sarili. Madalas din silang kabado
lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko. Ang mga
ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng
pagsang-ayon sa mga tagapakinig. Mahihirapan silang papaniwalain ang
ibang tao sa kanilang mensahe. Sino nga naman ang magtitiwala sa isang
taong walang tiwala sa kanyang sarili mismo.
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
Masusukat ang bias ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat
sa kangyang tagapakinig o di kayay sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng
kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Makikita ito sa reaksyon ng kanyang
tagapakinig sa kanya. Paano makukuha ng isang nagsasalita ang inaasahan niyang
reaksyon ng kanyang tagapakinig? Ang sagot sa pamamagitan ng mabisang
paggamit ng kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita. Anu-ano naman ang mga
kasangkapang iyon? Talakayin natin ang bawat isa:
a. Tinig. Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa
maraming pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat
at nakakaakit pakinggan. May mga sitwasyon nangangailangan ng malakas
na tinig ngunit may ilan na mahinang tinig lamang. Anut ano man ang lakas
ng tinig na gagamitin, kailangang maging angkop iyon sa particular na
sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalitaa.
Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na pataas
at mayroon ding pababa. Katulad ng lakas, kinakailangang iniaangkop din

ang himig ng pagsasalita sa sitwasyon at damdamin at maging sa kaisipan o


mensaheng ipinapahayag ng isang nagsasalita.
b. Bigkas. Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.
Kailangang maging matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita.
Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring magbunga ng ibang
pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo pat ang wika natin ay napakaraming
mga homonimo (mga salitang pareho ang baybay, ngunit magkaiba ng
paraan ng pagbigkas at may magkaibang kahulugan). Maaari ring maging
katawa-tawa ang isang nagsasalita kung laging mali ang pagbigkas niya sa
mga salita. Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay
ng diin (stress) sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga
pangungusap at talata sapagkat nakatutulong din ito upang maging malinaw
ang mensahe ng kanyang pahayag.
c. Tindig. Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa mga
timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig. Kinakailngang may tikas, ika
nga, mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapani-paniwal ang isang
mabbibigkas kung siyay parang nanghihina o kung siyay mukhang sakitin.
Sapagkat ang isang tagapagsalita ay kinakailangang maging kalugod-lugod
hindi lamang sa pandinig ng mga tagapakinig. Kailangan din niyang maging
kalugod-lugod sa kanilang paningin upang siyay maging higit na
panghikayat.
d. Kumpas. Ang kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung wala
nito, ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot. Nguni tang kumpas
ng kamay ay kailangang maging angkop sa diwa ng salita o mga salitang
binabanggit. Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan.
Kung gayon, ang kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng
mga salitang binibigkas kasabay ng kumpas. Tandaang kailangang maging
natural din ang kumpas. Dapat iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito.
Hindi rin magandang tignan ang labis, maging ang kulang o alanganing
kumpas ng kamay.
e. Kilos. Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw.
Ang mga mata, balikat, paa at ulo angpagkilos ng mga ito ay maaaring
makatulong o makasira sa isang nagsasalita. Halimbawa, ang labis na
paggalaw ng mga mata o ang kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap o
sa madlang tagapakinig ay malamang na magsilbing distraksyon sa halip na
pantulong sa isang tagapagsalita. Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng
pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin
ay maaaring makatulong sa kanya. Ang labis na paggalaw ng ulo lalo na ang
hindi angkop na pagtango o pag-iling ay maaaring makapagpapalabo sa
mensahen ipinahahatid ng isang nagsasalita. Samantalang, ang mabisang
paggamit ng galaw ng balikat ay maaari naming makatulong sa
pagpapahayag ng pagsuko, panghihinayang, kawalan o panliliit. Kung
magiging labis naming malikot ang isang nagsasalita, halimbawa kung siyay
paroot parito sa paglakad, malamang na mahilo ang kanyang kausap o ang
madlang tagapakinig niya. Kung magkakagayon, hindi niya epektib na
maipararating sa kanila ang mensahe ng kanyang pahayag.
Tunay na ordinary na lamang sa ating mga tao ang pagsasalita. Maaaring
walang lumipas na araw nang hindi tayo nagsasalita. Ngunit sa kabila nito, ang
pagsasalita ay isang kompleks na gawaing pantao, tulad ng iba pang makrong
kasanayan. Maraming mga element, kasangkapan, simulain, konsepto at
konsidersyon dapat na isaalang-alang upang maging epektibo ang paggamit nito.
Kailangan din itong linangin at pag-ingatan sapagkat ditto nakasalalay nang Malaki

an gating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa at an gating pag-unlad bilang isang


indibidwal, bilang isang lipunan at bilang isang sangkatauhan.
Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla
Lahat ng tao ay may kinatatakutan. May mga natatakot sa dilim. May mga
natatakot sa matataas na lugar. May natatakot sa pagsakay sa eroplano o barko.
May mga natatakot sa insekto.
Minsang sinabi ng dating Pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na
walang dapat katakutan kundi ang takot mismo. Ang pinakamabuting paraan ng
paglaban sa takot, kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito.
Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na xenophobia o
stage fright. Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling grammar, maling
bigkas, masagwang tindig o postyur, kakatawang ideya o anyong pisikal. Ito ang
takot na hindi tanggapin ng madla bunga ng kawalan o kakulangan ng tiwala sa
sarili at di-pagkaalam kung ano ang sasabihin at kung paano iyon sasabihin.
Ang stage fright ay may mga manipestasyon. Ilan sa mga ito ay ang
sumusunod: panginginig ng kamay, pangangatog ng tuhod, kawalan ng ganang
kumain, pananakit ng tyan, di-pagkatulog, pananakit ng ulo, pagkautal, pagkalimot
ng sasabihin, paninigas sa pagkakatayo, kawalan ng panuunan ng paningin, biglang
pagbilis ng pulso at mataas na presyon ng dugo.
May ibat ibang dahilan ang stage fright. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:
a.
b.
c.
d.

Takot sa Malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig,


Di-kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla,
Kakulangan o kawalang ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla,
Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng
katabaan, kapayatan, di-kaaya-ayang mukha o kulay o di-magandang
postyur,
e. Kakulangan o kawalan ng kahandaan, at
f. Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.
Ngunit kailangan ng bawat tagapagsalita ang tension. Ito kasi ang magtitriger
sa katawan na lumikha ng adrenalin upangmatulak sa isang indibidwal na magperporm nang higit na mabuti at maging higit na mabuting tagapagsalita.
Nagagawa ng isang matalinong tagapagsalita na maging positibo ang tension at
hindi negatibo. Ngunit kung labis ang takot, hindi na ito magiging produktibo.
Samakatwid, kailangan itong kontrolin.
Narito ang ilang mungkahi kung paano mamiminimays ang stage fright:
a. Magkaroon ng positibong atityud. Isiping kaya mong magsalita sa harap
ng madla. Isipin ding hindi ka nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay
kinakabahan sa mga unang Segundo o minute ng pagsasalita.
b. Magtiwal sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na
ibabahagi sa madla.
c. Tanggapin moa ng iyong sarili, ang iyong mga tagumpay at kabiguan, ang
iyong mga kalakasa at kahinaan, ang iyong mga kagandahan at
kapintasan. Isiping maging ang mga taong may depekto ay maaaring
magtagumpay.
d. Magkaroon ng
tagapagsalita.

marubdub

na

pagnanasang

maging

mahusay

na

e. Harapin moa ng takot, huwag mong takas an. Hindi ka magkakaroon ng


karanasa kung hindi mo susubukan.
f.

Magpraktis ka nang magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na


pangkat hanggang sa pagharap sa malalaking madla.

g. Isiping ang mga


mapanghusga.

madlang

tagapakinig

ay

palakaibigan

at

hindi

h. Magbihis nang naaayon sa okasyon.


i.

Mag-imbak ng maraming kaalaman.

j.

Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa madlang


tagapakinig.

k. Magdasal. Humingi ka ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.


Propyal ng Epektibong Ispiker
Maraming katangiang dapat taglayin ang isang tagapagsalita
maituring siyang epektib. Ilan sa mga katangiang ito ay ang sumusunod:

upang

a. Ang isang epektib na tagapagsalita ay responsible. Isinasaalang-alang


niya ang kanyang responsabilidad sa kanyang tagapakinig, sa kanyang
paksa at sa kapwa niya tagapagsalita.
b. Magiliw siyang magsalita at kawili-wiling pakinggan.
c. May malawak siyang kaaalaman hinggil sa paksang kanyang tinatalakay.
d. Siya ay palabasa.
e. Siya ay palaisip.
f.

Mayroon siyang mayamang koleksyon ng mga ideya at babasahin.

g. May interes siya sa paksang kanyang tinatalakay.


h. Siya ay obhetibo. Tinatanggap niya ang ideya ng iba, taliwas man sa
kanyang paniniwala.
i.

Mayroon siyang sense of humor. Nagpapatawa siya kung kinakailangan


upang makuha ang atensyon ng kanyang mga tagapakinig.

j.

Gumagamit siya ng mga angkop na salita.

k. Nirerespeto niya ang pagkakaiba-iba ng kanyang mga tagapakinig.


l.

Sapat at angkop ang lakas ng kanyang tinig.

m. Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita.


n. Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at kilos.
o. Hindi niya iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng kanyang mga
tagapakinig.

También podría gustarte