Está en la página 1de 17

MGA SINAUNANG TAO SA PILIPINAS

1. Ayon sa teorya ni Propesor H. Otley Beyer, isang Amerikanong


antropologo, na nagsasabi na ang mga Pilipino ay nagmula sa
tatlong pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas mula sa iba’t
ibang panig ng Asya.

Ang unang pangkat ay ang mga Negrito o Ita

Galing sila sa Borneo at naglakad sa mga tulay na lupa. Nagtungo sila sa Palawan,
Mindoro at sa ilang bahagi ng Mindanao.
Pandak at maitim ang mga Negrito. Pango ang ilong at makapal ang kanilang labi.
Kulot na kulot ang itim nilang buhok.
Pagala-gala sila upang humanap ng pagkain tulad ng prutas at halamang-ugat.
Nabubuhay sila sa pangingisda gamit ang kanilang sumpit, busog at pana, at mga
kagamitang yari sa bato.
Ang ikalawang pangkat ay ang mga Indones

Dumating sila sa kapuluan sakay ng mga bangka.


Sinasabing may dalawang pangkat ng mga Indones na dumating.

Ang unang pangkat ay kayumanggi at matatangkad. Mayroon silang maninipis na


labi at balingkinitang pangangatawan.
Nabuhay sila sa pangingisda at pagkakaingin.

Ang ikalawang pangkat ng mga Indones ay sinasabing nagmula sa South China at


Indochina. Maiitim sila, pango ang ilong at makakapal ang labi. Matipuno ang
kanilang katawan.
Nabuhay sila pagtatanim ng palay at mga halamang-ugat at sa Pangingisda.
Gawa sa kahoy at kugon ang kanilang tirahan.

Ang pangatlong pangkat ay mga Malay

Sakay sila ng bangka na tinawag na balangay.


Dumaong sila sa Luzon, Visayas at Mindanao.
May sariling silang pamahalaan at batas.
May kaalaman sila sa sining,musika, at agham.
Nabuhay sila sa pagsasaka, pagmimina, pangingisda, at pagpapanday at paggawa
ng mg kagamitang yari sa bakal.
2. Ayon sa teorya ni F. Landa Jocano, isang Pilipinong
antropologo, ang mga labi ng mga sinaunang taong nahukay
ay nagpapatunay na hindi lamang sa Pilipinas nagtungo ang
mga Negrito kundi pati na rin sa Papua New Guinea, Java,
Borneo, at Australia.

Sila ang tinatawag na Taong Tabon na nadiskubre sa Kweba ng Tabon sa Palawan


noong 1962. Sinasabing ang Taong tabon ay nakakatulad ng Taong Java na
natagpuan sa Indonesia.

3. Iba pang teorya. May ilang pangkat din ng antropologo na


naniniwala na ang lahing Pilipino ay mula sa Austronesian na
galling sa South China. Ang mga Austronesian ay
pinaniniwalaang pinaghalong lahing Mongoloid o taong
madilaw at Australoid o taong maitim.

Ang mga Austronesian ay may maunlad na kaalaman sa agrikultura at paglalayag.


Marunong silang gumawa ng mga kagamitan na gawa sa luwad tulad ng palayok at
tapayan.
LARAWAN NG MGA SINAUNANG BAHAY SA
PILIPINAS

Isa sa mga yungib sa Tabon, Palawan, paulit-ulit na tinitirhan ng iba’t ibang


pangkat ng mga unang tao sa Pilipinas simula 24,000 taon, maaaring higit pa,
sa nakaraan.
Sa mga ilonggo’t kalinga, ang kanilang bahay ay nasa itaas ng mga punungkahoy.

Ang mga Samal ay nagtatayo ng mga tirahan sa mababaw na bahagi ng dagat.


Matataas na kawayan ang haligi nito upang hindi abutin ng tubig-dagat ang sahig
kung tumataas ang tubig-dagat.
Ang mga Ifugao ay nakatira sa bahay na yari sa kahoy at pawid at nakaangat sa
lupa. Wala itong bintana. May hagdan ito na yari sa kahoy. Inaalis ito kung sila ay
matutulog o kaya ay aalis ng bahay.

Ang mga Badjao ay nakatira sa mga bangkang bahay.


MGA UNANG DAYUHANG SUMAKOP SA PILIPINAS

FERDINAND MAGELLAN

PAGDATING NG BANSANG ESPAÑA


Ang mga Español ang naunang dumating sa bansa. Ito ay pinangunahan ng
Portuges na si Ferndinand Magellan. Sa kanyang ekspedisyon , nakarating siya sa
Pilipinas noong Marso 16, 1521. Nakipagsanduguan si Magellan kay Raja
Humabon na isang pinuno sa Cebu. Bininyagan si Haring Humabon at kanyang
asawa at tinawag silang Carlos at Juana bilang parangal sa ina ni Haring carlos na
si Reyna Juana. Pagkatapos ng binyag, isang imahen ng Sto. Niño ang ibinigay ni
Magellan kay Juana. Ang imahen ng Sto.Niño ay matatagpuan pa rin sa simbahan
ng mga Agostino sa Cebu.
Sa Limasawa naganap ang unang misa noong Marso 31, 1521.

Ang sanduguan ay tanda ng pagkakaibigan at pagkakapatiran.


Ito ang larawan kung saan matatagpuan ang krus na itinayo ni Magellan sa Cebu.

Ngunit napatay ng pangkat ni Lapu-lapu, isang pinuno sa Mactan, si Magellan


noong Abril 27, 1521 sapagkat ayaw kilalanin ni Lapu-lapu ang kapangyarihan ng
mga Español . Kaagad na umurong ang mga Europeo pabalik sa Spain.

Ang matagumpay na paglalayag ni Magellan ay naging hudyat sa Spain na


magpadala ng iba pang ekspedisyon sa Pilipinas. Ang ekspedisyong Villalobos ang
nagbigay ng pangalang Felipinas sa kapuluan bilang parangal kay Prinsipe Felipe
ng Asturias. Ang ekspedisyong Legaspi ay nakipagsanduguan din sa mga taga-
Cebu. Itinatag niyang Lungsod ng Kabanal-banalang pangalan ni Jesus bilang
parangal sa patrong Niño Jesus. Sumunod na itinatag ni Legazpi ang pamayanan
ng Maynila at sumailalim ito sa pamumuno ng Spain noong Hunyo 24, 1571.

Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Malaki ang naging
impluwensiya ng Español sa iba’t ibang aspeto ng kulturang Pilipino sa
kasalukuyan.

Una na dito ay ang Kristiyanismo at iba’t ibang ritwal, tradisyon o kaugalian.


Itinuro ang mga sakramentong simbahan,at pista sa mga bayan at lalawigan.

Pista ng Moriones Pista ng Pahiyas

Nagtayo sila ng mga paaralan at kolehiyo. Ang mga prayle ang naging guro at
pinalaganap nila ang pananampalatayang kristiyano.

University of Santo Tomas

Ang estilong Baroque ay makikita sa mga simbahang ipinatayo ng mga pari. Ito ay
makikita din sa mga kumbento, paaralan at iba pang gusali.
Mga bahay sa Vigan, Ilocos Sur Fort Santiago sa Intramuros, Manila

Natuto rin ng iba’ ibang libangan ang mga Pilipino tulad ng baraha, sabong, karera
ng kabayo, loterya at cara y cruz.

Nagtatag sila ng mga parokya sa sa mga bayan at lalawigan na pinamumunuan ng


isang pari. Nabuo ang mga barangay, bayan at lalawigan.

Ang kristiyanismo ay hindi lubusang lumaganap sa buong kapuluan dahil sa lupain


ng mga Muslim, nagkaroon ng paghihimagsik na tinatawag na “Digmaan ng mga
Moro” laban sa mga espanyol.

PAGDATING NG MGA AMERIKANO

Naputol ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas dahil sa digmaaang namagitan


sa mga Español at Amerikano. Sa pamumuno ni Commodore George Dewey, at sa
tulong ni hen. Emilio Aguinaldo, nilusob ng mga Amerikano ang plota ng mga
Español sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Nanalo ang mga Amerikano at
nagwakas ang pamamahala ng mga Español sa Pilipinas.
Digmaan ng Amerika at España

HEN. EMILIO AGUINALDO COMMODORE GEORGE DEWEY

Sa ginawang kasunduan sa Paris na nagsuko sa Pilipinas sa United States, sumama


ang ugnayang Pilipino at Amerikano.

Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris

Isa sa mahalagang naiwan ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay ang sistema ng


edukasyong pampubliko. Ang mga sundalong amerikano ang naging unang guro sa
bansa. Kilala sila sa tawag na Thomasites.

Itinuro ng mga Amerikano ang paraang demokratiko. Nakilala ng mga Pilipino ang
mga pangkat-pampulitika, halalan,plebisito, at reperendum.

Nagpatayo ang pamahalaan ng mga pagamutan at klinika. Itinatag din ang


kawanihan ng Kalusugan.
Philippine General Hospital Mercedes Benz

Ipinakilala ng mga Amerikano ang Protestantismo bilang bagong relihiyon sa


bansa.

Nagpagawa ng mga daan at tulay ang mga Amerikano para sa pagpapabuti ng


transportasyon at komunikasyon.

Nagkaroon din ng linya ng telepono at wireless telegram sa bansa. Nagkaroon din


ng radio at serbisyong pangkoreo.

PAGDATING NG MGA HAPONES

Noong Disyembre 7, 1941, sinalakay ng mga Hapones ang Pearl harbor sa Hawaii.
Bunga nito,sumiklab ang digmaan sa pagitan ng japan at United States of America.
Nang sumunod na araw, nilusob din ng mga Hapones ang Pilipinas. Inilipat sa
Corregidor ang pamahalaang Komonwelt. Buhat doon tumakas sina heneral
Douglas Mac Arthur at Pangulong Manuel Quezon. Iniwan ni Quezon ang
pamamahala ng Maynila kay Jorge B. Vargas, ang kalihim na tagapagpaganap.
Kay Jose P. Laurel, Sr. naman ipinagkatiwala ni Quezon ang buong bansa. Sinakop
ng mga Hapones ang Maynila at ang buong bansa noong Enero 2,1942.
Hen. Douglas Mac Arthur Manuel L. Quezon Jose P. Laurel

Tuluyang nasakop ng mga Hapones ang bansa nang bumagsak ang Corregidor sa
kanilang kamay noong Mayo 6, 1942.
Digmaan sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941
Nalagay sa panganib ana buhay ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Lagi
silang takot dahil sa mga labanan at sa kawalan ng kalayaan. Nahirapan ang mga
Pilipino noong panahon ng Hapones subalit natuto silang umangkop sa sitwasyon.
Umisip sila ng iba’t ibang paraan para mabuhay. Sa panahon ng pananakop ng
mga Hapones, sumigla ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Maituturing
na Gintong Panahon ng wikang Filipino ang ginamit na opisyal na wika ng bansa,
panturo ng kasaysayan ng Pilipinas at kabutihang-asal.
PROYEKTO SA HEKASI

Mga sinaunang tao sa Pilipinas


Mga sinaunang bahay sa Pilipinas
Mga unang dayuhan na sumakop sa
Pilipinas

Ipinasa ni:

ENRICO MIGUEL V. RAÑOCO


Grade IV- tanguile

También podría gustarte