Diagnostic Test Pangalan: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Petsa:
1. Ang kumbinasyon ng limang linya at apat na puwang na sinusulatan ng nota ay
a. G-clef b. limguhit c. ledger line 2. Ang katumbas ng dalawang kalahating nota ay a. buong nota b. apating nota c. waluhing nota 3. Sa palakumpasang 2/4, ano ang ibig sabihin ng bilang na 2? a. dalawang kumpas bawat sukat b. apat na kumpas c. tatlong kumpas 4. Ilang kumpas ang bawat sukat sa palakumpasang 3/4? a. isa b. dalawa c. tatlo 5. Ang regular na pagkakasunod-sunod ng malakas at mahinang kumpas a. ritmo b. tempo c. harmony 6. Ang isang kumposisyon na hindi kompleto/kulang ng kumpas sa umpisa at ipatuloy sa huli. a. broken measure b. time signature c. measure 7. Alin ang halimbawa ng awit na may palakumpasang 2/4? a. Pilipinas Kong Mahal b. Lupang Hinirang c. Kayliit ng Mundo 8. Ano ang katumbas ng C mayor sa iskalang menor? a. a menor b. c menor c. d menor 9. Kapag ang awit ay nasa tunugang C mayor, ito ay inaawit nang a. malungkot b. nakababagot c. masigla 10. Ito ang kayarian ng isang awit o tugtugin. a. anyo b. porma c. sukat 11. Ang anyong binary ay may na seksiyon. a. isa b. dalawa c. tatlo 12. Malaki at mababa ang tonong naaawit ni Ryan Cayabyab. Ang timbre ng kanyang tining ay a. tenor b. baho c. soprano 13. Medyo maliit, matinis at mataas ang himig ang naawit ni Celeste Legaspi. Siya ay isang a. baho b. alto c. soprano 14. Ang mga sumusunod ay kabilang sa instrumentong perkusyon, maliban sa isa: a. timpani b. tuba c. tambol 15. Paano pinapatugtog ang instrumentong timpari? a. Pagkalog b. pagpapalo c. pag-ihip 16. Paano dapat awitin ang bahagi ng awit na may senyas na f? a. mahina b. mahinag-mahina c. malakas 17. Ang elemento ng musika na nagsasaad ng bilis o dalang ng melodiya ng isang awit ay tinatawag na a. ritmo b. daynamiks c. tempo 18. Ano ang senyas ng tempo sa awit na inaawit nang mabilis? a. ritandando b. allegro c. allegrito 19. Ang bilog na hinahati ng labing dalawang pangkat/seksyon ng kulay. a. color wheel b. krayola c. pintura 20. Ito ay nagpapahiwatig ng kapusyawan at kadiliman ng kulay. a. intensity ng kulay b. balor ng kulay c. armonya 21. Kapag ang dalawang pangunahing kulay ay pinaghalo, ang kalalabasan ay a. pangunahing kulay b. pangatlong kulay c. pangalawang kulay 22. Linyang parang gumagalaw, paikid at angular. a. daynamik b. istatik c. paakorde 23. Ito'y isang uri ng ritmo na may ibat-ibang disenyo na pinagsama-sama. a. salit-salit b. inuulit c. sunud-sunod 24. Parang gulong na may mga rayos ang ritmong ito. a. sunud-sunod b. radyal c. salit-salit 25. Ito ang tawag sa pagtitimbang-timbang ng mga bahagi sa magkabilang panig. a. balanse b. asimetrikal c. proporsyon 26. Ang pagtitimbang-timbang ay magagamit sa a. pag-aayos ng bahay b. paglilinis c. paghahanap-buhay 27. Kung walang water color, ano ang maaaring gamiting pangkulay sa paglilimbag? a. pinakuluang tubig b. katas ng mga dahon c. dinikdik na papel
28. Kapag ang tekstura ng isang bagay ay makikilala sa pamamagitan ng pagmamasid.
a. biswal b. taktil c. organic 29. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa katutubong sining? a. Isa itong pamana sa ating bansa. b. Ito ay mga gawaing pinagyaman ng ating mga kababayan. c. Lahat ng mga nabanggit. 30. Ang mga Maranao ay a. Isa sa mga tribong etniko na matatagpuan sa Mountain Province. b. Kilala sa nagngandahang mga kasangkapan tulad ng mga silya na yari sa kahoy. c. Isa sa mga tribo na matatagpuan sa Lanao, Mindanao. 31. Isa itong lugar na pinaglalagakan ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang kasaysayan at mga bagay lalo na ang mga may kinalaman sa sinig at siyensya. a. museo b. lumang simbahan c. lumang bahay 32. Alin sa mga sumusunod ang ipininta ni Fernando Amorsolo? a. San Isidro de Labrador
b. Sunday Morning Going to Town
c. Virgin of Peafrancia
33. Siya ang lumikha ng Spoliarium.
a. Juan Luna b. Fernando Amorsolo c. Ang Kiokuk 34. Alin dito ang mga bagay na likas sa ating kapaligiran? a. gusali b. jeep c. ilog 35. Paano pahahalagahan ang kabundukan sa bansa? a. Gawing patag at patayuan ng mga pabrika. b. Putulin ang kahoy at ipagbili. c. Taniman ng mga kahoy. 36. Aling gawa ng tao ang nagpapaganda sa kapaligiran? a. parke b. talon c. batis 37. Saan matatagpuan ang Banaue Rice Terraces? a. Bohol b. Palawan c. Mountain Province 38. Anong talon ang matatagpuan sa Iligan? a. Maria Cristina Falls b. Pagsanjan Falls c. Ardent Spring 39. Ang Eid-al-Ftir ay isa sa mga pagdiriwang ng mga a. Tsino b. Muslim d. Ilonggo 40. Ang Araw ng Kagitingan ay ipinagdiriwang tuwing a. January 1 b. May 1 c. April 9 41. Ano ang ibig sabihin ng PFT? a. Physical Fitness Test b. Physical Facilities in Testing c. Pampalakas na Fitness Test 42. Ang buong kakayahan ng katawan sa paggalaw na walang kapaguran / kahinaan. a. Physical fitness b. warm-up c. ehersisyo 43. Anong parte ng katawan ang natataya sa patayong pangmalayuang paglundag? a. paa at tuhod b. braso at siko c. tiyan 44. Anong PFT ang nagagamit sa pagtataya kung gaano kasuhay sa pag-abot ng malayong bagay kahit makaupo? a. sit and reach b. bangon-higa c. 15 minute run 45. Kapag nag-eehersisyo nang sabay-sabay, ang mga kilos ay dapat gawin nang ____________ . a. mabilisan b. ayon sa nais ng nag-eehersisyo c. angkop sa pagbilang at tugtog 46. Sa pag-akyat-baba sa hagdan, anong kasanayan batay sa bahagi ng katawan ang sinusubok nito? a. pagsusukat ng bilis sa pagtakbo b. paghuhutok ng kalamnan ng tiyan c. pagpapakondisyon ng puso 47. Ilang bata ang kailangang maglaro sa isang koponan ng balibol? a. lima b. pito c. anim 48. Saang lugar nilalaro ang balibol? a. sa malawak na daan b. likuran ng bahay c. palaruan ng balibol 49. Anu-anong pagkain ang magpapaunlad ng kaangkupang pisikal. a. junk foods b. soft drinks c. gatas at gulay 50. Aling gawain ang makatutulong sa pagpapaunlad ng kasangkapang pisikal? a. pagsuot ng mga alahas b. pagpapaligo araw-araw c. paggamit ng pabango