Está en la página 1de 16

Reproductive Health Bill sa Pilipinas

ni: Khent Ivan

Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mag bigay puna at reaksyon sa mainit na usapin
ngayon tungkol sa Reproductive Health Bill o mas kilala sa katawagan na RH Bill.
Ang pag papasa ng Reproductive Health Bill o RH Bill sa ating bansa ay magiging
magandang tulong para sa atin, dahil una sa lahat di naman ito ipatutupad ng ating
pamahalaan kung sa tingin nila ay wala naman itong magandang maidudulot sa ating
lipunan. Marami rin tayong magandang bagay na pwedeng makuha dito katulad na
lamang ng maiibsan ang patuloy na pag kalat ng STD's o Sexually Transmitted
Diseases, katulad na lamang ng AIDS at iba pa.
Ang pagpapasa rin ng Reproductive Health Bill ang solusyon sa matagal na nating
problema tungkol sa mabilis na pag lago ng ating populasyon dito sa ating bansa, na
isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit hindi masyadong natutugunan ng ating
gobyerno ang mga pangangailangan ng ating mamamayang Pilipino. Kung ang RH Bill
nga ay maaaprubahan ng ating pamahalaan, marami itong maidudulot na pag babago
sa ating lipunan lalo na sa bawat pamilyang Pilipino, mas ma babadyet nila ng mabuti
ang kanilang gastusin sa kanilang pamilya dahil mas maliit ang bilang nito. At kung
naibabadyet nila ito ng maayos, mas mapag tutuunan nila ng pansin ang pag bibigay
ng magandang kalidad ng edukasyon para sa kanilang mga anak.

Ang pagsasabatas din ng RH Bill ang magiging sagot sa problema ng ating


pamahalaan tungkol naman sa pag dami ng kaso ng teenage pregnancy,
masusulusyonan din nito ang un-wanted pregnancy ng mga kababaihan at dahil dito
maraming buhay ang maililigtas dahil sa kumplikadong panganganak ng mga
kababaihan at abortion, na ayon sa mga pag aaral ay maaaring maging sanhi ng pag
kakaroon ng Cervix Cancer.
Kung ating susuriing mabuti ang ating usapin tungkol sa Reproductive Health Bill o
RH Bill, marami itong mga magagandang bagay na maihahandog di lamang para sa atin
kundi para sa lahat ng Pilipino, lalo na para doon sa ating mga kababayang Pilipino na

di gaanong pinag kalooban ng magandang estado sa buhay. Dahil dito mas giginhawa
ang buhay nila ng kahit kaunti dahil sa mga tulong na maaaring maibigay ng
pagpapasa ng RH Bill, sabi nga nila " Make a move, make a change and make the
Philippines a better place" dahil ang pag hakbang ng isa ay pag hakbang para sa
lahat.

RH BILL isang mainit na paksa sa


Pilipinas. Ano ba ito?
Ang Reproductive Health bill, kilala bilang ang RH bill, ay isang bill sa Pilipinas na naglalayong
masiguro ang mga pamamaraan at mga impormasyon sa birth control at maternal care. Ang bill ay naging
sentro ng isang maninit na debate sa bansa. Sa kasalukuyan ay may dalawang panukalang batas na may
parehong layunin: House Bill No 96 o angReproductive Health Act at Populasyon at Development Act
ng 2010 ipinakilala ng Albay1st district representative Edcel Lagman, at ang Senate Bill No 2378 o
angReproductive Health Act ipinakilala ng Senador Miriam Defensor Santiago.
Habang may kasunduan ukol sa mga probisyon hinggil sa maternal at child health, mainit ang debate sa
mga panukala na ang mga nagbabayad ng buwis at ang mga pribadong sektor ay popondohan ang
pamamahagi ng mga aparato tulad ng birth control pills (BCPs) at IUD, ang pamahalaan naman ay
patuloy na mamahagi ng mga impormasyon tungkol sa kanilang gamit sa pamamagitan ng lahat ng mga
health centre. Ang mga pribadong kompanya at mga publiko at pribadong paaralan ay kinakailangan
lumahok sa mga pagpapakalat ng impormasyon at diseminasyon ng produkto bilang isang paraan ng
pagkontrol ng populasyon ng Pilipinas.
Ang bill ay pinagtatalunan ng mga eksperto, akademya, institusyong relihiyoso, at mga pangunahing
politico sa parehong panig. Ang isyu ay nagiging sanhi ng pagkakaiba at pagkakabahagi ng popolasyon
hanggang umabot sa isang pahayag na patatalsikin ang Presidente, Benigno Aquino III kung siya ay
susuporta sa nasabing bill.

Bakit ko Tinututulan pa rin ang RH Bill?


Ni Ansel Beluso
Sa mga linggong nagdaan at sa mga nalalabing araw ng sesyon ng Mababa at
Mataas na Kapulungan ng Ikalabing-Limang Kongreso, painit nang painit ang
debate tungkol sa sinasabing bagong bersiyon ng RH Bill.
Nabasa ko ang lahat ng bersiyon ng RH Bill, lalo na itong pinakahuli.
Ipinahahayag ko na hindi ko lang patuloy na tinututulan ang panukalang
batas na i

to kungdi lalo pang lumalim, lumawak at naging marubdob ang aking pagtutol
dito.
Muli, narito ang mga dahilan ng aking pagtutol na hindi naman natugunan o
napabulaanan ng bagong bersiyon dahil hindi lang basta mga probisyon ang
katutul-tutol sa RH Bill kungdi ang pinakadiwa at intensiyon nito.
Una, ako ay sumasampalataya sa kabanalan ng buhay, na siyang
pinakasagradong biyaya ng Diyos. Ako ay nananalig na ang buhay ay
nagsisimula sa akto ng pagtatagpo ng punlay ng ama at ng itlog ng ina. Ako
ay naniniwalang anumang paraan na humahadlang at sumisira sa
pagpapatuloy ng likas na daloy ng buhay mula sa puntong iyon ay labag sa
kalooban ng Diyos.
Pangalawa, ako ay tutol sa abortion. Bagamat ang salitang abortion ay
hindi matatagpuan sa alinmang pahina ng House Bill No. 4244, marami sa
mga contraceptive methods na isinusulong at popondohan nito ay mayroong
abortifacient potential, may kakayahang magbunga ng tinatawag na chemical
abortion. Ang chemical abortion ay abortion.
Pangatlo, naniniwala akong ang tinatawag na reproductive health education
component ng RH Bill ay mapanganib para sa pamilya at sa kabataan na ayon
sa Saligang Batas ng ating bansa ay tungkulin ng Estado na itaguyod,
kalingain at pagyamanin.
Ang RH Bill ay mapanganib sa pamilya dahil pinahihina nito ang ugnayan ng
magulang at anak; at pinanghihimasukan nito ang karapatan at obligasyon ng
magulang bilang pangunahing guro at gabay ng mga anak sa usapin ng
seksuwalidad.
Ito rin ay mapanganib sa kabataan dahil ituturo nitong isabuhay ng ating mga
anak ang kalayaang magbubunga ng ibayong kapusukan at mga maling
pagpapahalaga. Ito ay salungat sa aral ni Ama at ni Ina, kumakalaban sa
tradisyon at kalinangan nating mga Filipino, at may malaking potensiyal na
magdulot ng peligro sa kapakanan ng mga bagong sibol na Filipino.
Pang-apat, naniniwala akong hindi solusyon ang idudulot ng RH Bill kungdi
karagdagan pang problema. Nakikita natin ang masamang bungang idinulot
ng batas na ito sa mga kanluraning bansa contraceptive mentality, secular
lifestyle, godless ideology, etc. Ang batas na ito ay nagpapabago sa pananaw
at pagpapahalaga ng lipunan sa lahat ng aspeto ng buhay na nauuwi sa
kapahamakan ng tao sa pangkalahatan.
Panglima, hindi ako naniniwalang ang RH Bill ay pangkababaihan. Una, isang
katotohanang marami sa mga contraceptive methods na sinasabing safe ay
hindi safe dahil nagpapanipis ng matres, nagpaparupok sa obaryo, sumisira

sa natural cycles ng katawan ng babae, at may potensiyal na magbunga ng


sakit tulad ng ibat ibang cancer. Pangalawa, walang contraceptive method na
100 percent safe. Ang mga kontraseptibong itinuturing na 99-percent safe ay
naglalagay sa panganib sa 1 percent ng gumagamit nito. Samakatuwid, sa
bawat isang milyong kababaihang gumagamit ng 99-percent safe
contraceptive methods ay may sampung libong babaeng magkakaroon ng
pinsala mula rito.
Pang-anim, hindi ako naniniwalang ang RH Bill ay pangmahirap. Ayon sa aking
payak na pang-unawa, ang solusyon sa kahirapan ay hindi yung lipulin natin
ang mga mahirap at hadlangan ang kanilang likas na kakayahang magparami.
Sa halip, kasama sa mandato ng pamahalaan na mabigyan sila ng mga paraan
upang makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng mga basic services na
kailangan nila para magkaroon ng parehas na laban sa buhay, umunlad,
yumaman at makapag-ambag din sa lalo pang ikasasagana ng bansa.
Pampito, kumakatig ako sa paninindigang ang pondong inilalaan para sa RH
Bill na nagkakahalaga ng P37B ay higit na epektibo kung ilalagak para sa mga
programang pangkabuhayan, pang-edukasyon, pangkalusugan, at iba pang
mas kailangan ng taumbayan tulad ng pabahay at relokasyon ng mga informal
settlers, solusyon sa baha at mga kagamitang kailangan para sa pagsansala
sa pinsala ng kalamidad, pangmatagalang programa para sa kaunlaran ng
Mindanao, sustenableng tugon sa problema ng communist insurgency na
ipinaglalaban pa rin ng CPP-NPA, trabaho at hanapbuhay para hindi na
kailangang mangibang-bayan ang mga Filipino na pumipinsala sa kapakanan
ng pamilya, at marami pa.
Pangwalo, ang panukalang ito ay isang redundancy dahil marami sa mga
probisyon nito ay nakapaloob na rin sa iba pang batas, partikular ang Magna
Carta of Women. At ang mga programang nilalayong pondohan nito ay sapat
na ring natutugunan ng mga umiiral nang programa ng DOH, DepEd, DSWD at
iba pang kagawaran ng pamahalaan.
Pangsiyam, ayokong magsawalang-bahala at nakararamdam ako ng
pangangailang kumilos sa harap ng banta sa katiwasayan at kaunlaran ng
kinabukasan ng aking mga anak at apo. Hindi ko hahayaang dalhin sa tiyak na
kapariwaraan ang buhay at bukas ng susunod na mga henerasyon ng mga
Filipino.
Pangsampu, sumasampalataya ako sa Simbahang Romano Katoliko at
Apostoliko; at kusa akong pumapailalim at nagpapasakop sa mga Obispo at
kaparian na pinananaligan kong nag-aangkin ng dunong ng tao at
pinagdadaluyan ng dunong ng Diyos. Naniniwala akong hindi katigasan ng ulo
o bulag na pagtaguyod sa makaluma at sinaunang kaisipan ang nagbubunsod
sa Simbahan para tutulan ang RH Bill; naniniwala akong ang panukalang ito

ay labag sa kalooban ng Diyos kaya ito, ayon sa kunsensiya ko, ay imoral at


makasalanan.
Panginoon, gabayan Mo ang Iyong bayan.

Ang katotohanan sa RH Bill


TILA lumalabo ang tsansa na maipasa bago matapos ang 15th Congress ang kontrobersiyal na
panukalang Reproductive Health and Population and Development Act of 2010 na akda ni Cong.
Edcel Lagman.
Tutol ang Simbahang Katoliko sa panukalang ito, dahil mapaniil umano ang RH bill na kontrolin ang
populasyon sa iligal na paraan.
Naninindigan naman ang pahalaan sa pangunguna ni Pangulong Noynoy Aquino, na suportado nito
ang RH bill at naniniwala na ang mag-asawa ang maituturing na ultimate decision maker para sa
responsible parenthood. Sila ang may karapatan na magdesisyon kung ilan ang nais nilang maging
bilang ng anak.
Para sa mga walang panahon na basahin ang kabuuan ng RH bill, ipinaliwanag ng Philippine
Legislators Committee on Population and Development (PLCPD), pangunahing tagapagtaguyod ng
panukala, ang mga kaalaman ukol sa panukala.
Naririto ang ilang mga sagot sa kontrobersiyal na mga tanong ukol sa RH bill:
Ano nga ba ang Reproductive Health (RH)?
Ang RH ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal, pangkaisipan at panlipunan, na may
kinalaman sa reproductive system, paraan at proseso nito. Nakapaloob dito ang karapatan ng mga
tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng nais nilang paraan ng pagpaplano ng
pamilya na naaayon sa batas, ligtas, epektibo at abot-kaya. Sinisiguro rin nito ang mga serbisyong
pangalusugan na magsisiguro sa ligtas na pagbubuntis at panganganak ng mga kababaihan.
Ang Reproductive Health Bill
Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong magbigay ng
serbisyong pangreproduktibo para sa lahat.
Kung maisasabatas, ipag-uutos nitong magtakda ang estado ng pangkalahatang pondo upang
maipatupad ang isang pambansang programang pangreporduktibo, kabilang ang family planning o
pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Kabilang dito ang
kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak. Nais
din ng panukalang batas na bigyan ang mga mag-asawa ng angkop na impormasyon ukol sa mga

paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo, at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga
may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.
Bakit kailangan ng RH Bill
Upang siguruhin ang sustainable at responsableng pagbibigay ng serbisyo at impormasyong
pangreproduktibo sa mga Pilipino. Ang isang programa o proyektong sinimulan ng isang
administrasyon ay maaaring hindi ituloy ng susunod dito. Bukod dito, ang mga lokal na opisyal ay
nasa posisyon lamang sa loob ng tatlong taon at maaaring pag-alis nila ay mawala rin ang mga
inumpisahan nila.
Layunin ba ng RH bill na kontrolin ang populasyon?
Hindi. Layon ng RH bill na magkaroon ng population development o pagpapaunlad ng populasyon.
Ang pagkontrol ng populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang
pagpapagamit ng mga polisiyang pangpopulasyon na labag sa mga kagustuhan ng mga tao.
Layunin ng population development na tulungan ang mga mag-asawa na maabot ang nais nilang
laki ng pamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak. Pinipigilan din nito ang
maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang
balanseng distribusyon ng populasyon.
Isinusulong ba ng RH bill ang pre-marital sex at pagiging mapangahas ng kabataan sa pagtatalik?
Hindi. Ayon sa pag-aaral ng na isinagawa ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS
(UNAIDS), ang kabataang naturuan ukol sa kanilang sariling sekswalidad ay mas nagiging maingat
sa mga bagay na may kinalaman sa sex ayon sa isang pag-aaral.
Layunin ba ng RH bill na isaligal ang aborsyon?
Hindi. Malinaw na isinasaad sa RH bill ang pagiging labag sa batas ng aborsyon. Nilalayon nito na
tiyakin na ang mga kababaihang mangangailangan ng kalinga para sa komplikasyon na may
kinalaman sa aborsiyon ay tatratuhing makatao at hindi mapanghusga.
Layunin ban g RH bill na isulong ang paggamit ng mga kontraseptibong nagdudulot ng aborsiyon?
Ang mga kontraseptibo ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsiyon na dulot ng hindi
planadong pagbubuntis. Lahat ng modernong kontraseptibo ay ginagamit upang maiwasan ang
obulasyon at pigilan ang magkaroon ng fertilization. Halimbawa nito ang pills at injectables ay may
mga sangkap na estrogen at progestin na hindi magiging sanhi ng aborsiyon kung iinumin ng isang
buntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan
lamang na mamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang
kalusugan at nais na bilang ng mga anak.

Ano ang pwedeng maitulong ng isang mapagmalasakit na mamamayan upang maisabatas ang RH
bill?
Maaaring gawin ang mga sumusunod:
1.

Sumulat sa inyong mgakongresman at senador. Hilingin ang kanilang suporta sa RH bill.

2.

Magsagawa ng signature campaign sa inyong lugar upang palawakin ang suporta sa RH bill.

3.

Sumama sa mga gawain at pagpupulong sa inyong lugar ukol sa pagsuporta sa RH bill.

4.
Tumulong sa pagpapakalat ng kaalaman at pag-unawa ukol sa RH bill sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag nito sa mga kasambahay, kaibigan, at kabit-bahay, lalo na sa mga kababaihan at
kabataan.
RH Bill aasahan sa plenaryo sa Disyembre-Pia
Sisikapin ni Sen. Pia S. Cayetano na dalhin sa Senate floor ang kontrobersiyal na Reproductive
Health (RH) bill upang pagdebatehan sa darating na Disyembre.
Sa unang pagdinig ng RH bill ng Committee on Health and Demography sa pangunguana ni
Cayetano, dumalo ang 40 resource speakers mula sa grupo ng pro-life at pro-choice.
Layunin nito na maabot ang pangako ng Pilipinas sa 2015 na malunasan o maibsan ang bilang ng
mga inang namamatay sa panganganak maging ang sanggol bilang bahagi ng Millenium
Development Goals (MDG)
Hindi naiwasan na uminit ang usapan lalo nat humirit si Atty. Dionisio Garciano ng pro-life Alliance
for the Family Foundation. Ayon sa kanya, there was no such thing as an unwanted pregnancy
among women, this was better referred to as paranoid pregnancy.
Magkasalungat din ang panig ni Eric Manalang ng Pro-Life Philippines Foundation at Benjamin De
Leon of the Forum for Family Planning and Development. Ayon kay Manalang, hindi siya pabor sa
artificial contraceptives. Napatunayan na aniya ang natural family planning methods na 99.9%
accurate.na sinalungat naman ni De Leon. Sinabi ni De Leon na 0.1% accurate lamang ang natural
family planning kumpara sa modern contraceptives.
Matapos ang pagdinig, sinabi ni Cayetano na tatalakayin sa mga susunod na pagdinig ang ibat
ibang components tulad ng achieving the MDGs, peoples access to health care, family planning
and governments role, sex education, gender issues, maging ang economic aspects ng
reproductive health.

Bukas din si Cayetano na magkaroon ng hiwalay na diskusyon sa constitutional issues laban sa SBN
2378 na inihain nina Senador Joey Lina at Francisco Tatad.
Id like to think of this as part of the birth pains in coming up with an RH measure because many of
the issues are admittedly very contentious and controversial. The intention is not to delay or prolong
it, but to go through the normal course to get all the information we can gather from the various
resource persons. This will prepare us ahead for the plenary debates, ayon pa kay
Cayetano. Linda Bohol

John anthony Midel


July 11, 2011 at 5:24 pm
Hello readers!
I have a few questions that i want to know if its true!
According to my source theres a part of RH-BILL n hindi dini discuss sa mga tao..
According to my sourceExample:
When youre 40yrs old and up tapos you had a sex with your husband then nabuntis ka, then after you born your
baby papatayin daw ito kasi according to U.S.A if a 40yrs old woman got pregnancy, there is a chance that her baby
is abnormal or stubborn kapag ito ay naipanganak na! So it means. Kaya papatayin ang baby kasi magiging pasaway
siya sa lipunan that may cause a problem to our community. Its like a death penalty! Totoo po ba na part yun ng RHBILL?
And besides from that. You cant buy contraceptive products if you dont have a doctors prescription. But, kapag
naisapatupad na ang RH-BILL even in a sari-sari store you are enable to buy it. Kasi magiging legal na ito at wala
nang privacy. And kapag naisabatas na ito we have a partner from Japan, America etc. those country will supply us a
contraceptive pills with high dosage that may cause an abnormality to woman. At dahil legal na ang mga pills,
condoms, injectibles etc. You can buy it easily at dahil dyan yayaman ang mga nagsabatas nito hindi ang ekonomiya.
That is the number one reason why they want it to be a law.!
At kahit daw bata, example an 13yrs old girl wants to have a sex with his boyfriend but she dont want to be pregnant.
So she will ask the doctor to inject her a contraceptive pill, and the doctor will inject her even without parents concern.
Ganun daw ito ka legal. Kung baga ang mga teenagers ay magkakaroon ng chance to decide without parents advice.
Freedom and liberation.
Actually sa every church naman ay mayroong ( life ministry ) na nag-aaral sa reproductive health and family planning.
Itinuturo ito sa every family.
And part din daw po ng RH-BILL na when youre old, you are useless! Kaya habang nabubuhay ka unti-unti ka ni
lang tuturukan ng gamot para mapadali ang pagkamatay ng matanda!
Thank you for reading and ill wait your answer to my email!

RH BILL
May isang panukalang batas sa Kongreso na pinagdedebatehan ngayon at
hinati ang pananaw ng mamamayang Pilipino. Sabi ng ilang sumusuporta
dito, ito ang magbibigay kalayaan sa mga mag-asawa upang makapag-plano
ng pamilya at kaalaman naman sa mga kabataan. Sabi ng mga kritiko naman
nito ay puputol ito ng buhay at lalason sa batang isipan. Ito ang Reproductive
Health bill o sa mas tawag na RH bill.
Labindalawang taon nang pinagdedebatehan at nakabinbin ito sa Kongreso,
may 6 nang bersyon at 3 pangulo ng bansa na ang pinagdaanan. Ngunit
ngayon ay pinagsama-sama ang mga bersyon nito at ginawang isang
panukalang batas.
Dahil nabuhay muli ang usaping ito, nahati uli ang pananaw ng sambayanan,
ipasa o ibasura?
Ano ba ang hangarin ng RH Bill?

Itoy magbibigay ng kalayaan sa mga mag-asawa upang makapamili


ng planong pampamilya kung ito bay natural o artificial.

Isasalba nito ang may 11 na babaeng namamatay araw-araw dahil sa


diperensya sa pagbubuntis

Matuturuan ang mga kabataan kung ano ba ang kahalagahan ng


family planning

Mabibigyan ng benepisyong medikal ang pamilya

Bababa ang pagdami ng populasyon ng bansa taun-taon upang


makasapat na rin ang inilaang budget ng gobyerno sa mga proyektong
panlipunan

Bubuti at sisigla ang ekonomiya ng bansa

At, mapagtutuunan na ng panahon ang mga mahahalagang konsepto


sa ating buhay

Kanino ba ito tutulong?

Tutulong ito sa mga kababaihan upang mapangalagaan ang kanilang


kalusugan

Magbibigay-kaalaman sa mga kabataan upang malaman nila kung ano


ba ang dapat planuhin sa kanilang buhay

Bakit ba may mga hindi sumasang-ayon at ayaw ipasa ito?

Dahil daw sa batas na ito, magiging legal na ang abortion sa bansa

Papatay at puputol sa buhay

Pagkontrol sa populasyon

Pambabastos sa sexual na konsepto ng buhay

Itoy susuway sa utos ng Diyos at pati na rin ng kultura ng Simbahang


Katoliko

Bakit ko sinusuportahan ang RH Bill? Hindi isang masamang batas ang RH


Bill, kundi itoy poprotekta sa kalusugan ng mga mamamayan dahil
mabibigyan sila ng prebiliheyo na makakuha ng benepisyo rito. Mahigit 100
taon pa ang hihintayin upang maramdaman ang epekto ng pagbaba ng
pagdami ng populasyon ngunit ito naman ay tutulong upang mapag-isipan
ng mabuti ang mga dapat gawin o planuhin pagdating sa pagpapamilya.
Kung walang masamang pananaw dito, hindi rin mahahawaan ang mga
kabataan at hindi nila iisping isang sexual contact ito, kundi magbibigay sa
kanila ng garantiyang katiwasayan ng buhay. Hindi ito sumasalungat sa
kautusan ng Diyos dahil hindi agad naman ibig sabihin ng kataga sa bibliya
na Humayot magparami ay magparami ng wagas, kundi parang sa paginom ng beer, ay in-moderation ito. Dahil rin dito ay mapoprotektahan at
mapapangalagaan ang buhay sa sinapupunan at paglabas nito sa tiyan ng
babae
Hindi lahat ng mga nakabinbing batas ay makasasama sa lipunan, dahil rin
sa mga batas na ito ay dito na natin mararamdaman ang inaasam nating
pagbabago. Wala akong pakialam kung i-excommunicate pa ako ng
Simbahang Katoliko, hangad naman nating mga pro-RH bill na isalba ang
mga buhay na ibinubuwis araw-araw upang maipanganak lamang ang
kanilang dinadala. Bagkus dapat nila suportahan itong batas para na rin sa
ikauunlad ng ating bansa at nang ating kaalaman.
Iginagalang rin namin ang opinyon at ipinaglalaban ng mga anti-RH bill, pero
hindi naman ibig sabihin na hindi rin namin papansinin ang kanilang hinaing
sa batas na ito. May respeto rin naman at pakikinggan pa rin namin ang

kanilang boses at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng mga kapwa


natin.
Isa lang ang RH bill sa mga solusyon upang mapuksa ang kahirapan sa
bansa. Marahil hindi agad mawawala ay unti-unti namang luluwag ang buhay
ng mga maralitang naghihirap.

Mga Tanong at Sagot Tungkol sa RH Bill


4244 Ni Teresa R. Tunay, OCDS
Tanong 1. Wala po kaming panahong basahin at unawain
ang kopya ng RH Bill na nasa kamay namin, pero
napanood po naming pinagdedebatihan sa tv. Ano po ba
talaga ang kontrobersyal na RH Bill na yan?
Sagot: Ito ang Reproductive Health Bill 4244, na naka-base sa
paniniwalang labis nang lumolobo ang populasyon ng Pilipinas na siyang
nagiging sanhi ng lubos nitong paghihirap. Maraming ulit na itong isinususog sa
kongreso ng Pilipinas ngunit hindi ito makapasa para maging batas.

Tanong 2. Bakit po hindi ito makapasa, samantalang sabi


po sa debate ay mabuti daw ito?
Sagot: Kung lubos na mabuti ito, di sanay matagal na itong nag ing
batas. Marami pong mga bagay sa RH Bill ang tinututulan ng maraming
kongresista, unang-una na ay yung pinagpipilitan ng Bill na gawing solusyon sa
kahirapan ang pagliit ng populasyon. Pakay ng RH Bill na magpamigay ang
gobyerno nang libre sa mahihirap ng mga gamot at serbisyong nakapipigil sa
pagbubuntis, tulad ng mga birth control pills, condoms, IUD, ineksiyon
atbp. Isinasaad sa Sec. 10 ng Bill na ang mga ito daw ay dapat ibilang na
mga essential medicines and supplies of all national and local
hospitals and other government health units. Humihingi ang RH Bill
ng budget na tatlong bilyong piso bilang panimula, halagang manggagaling po
sa kaban ng bayanopo, sa ating mga mamamayang nagbabayad ng
buwis. Ang higit na makikinabang at tutubo sa ganitong sistema ay ang
mga pharmaceutical companies pagkat gagawin nang batas ang pagbili ng mga
produktong naturan. Ibig sabihin, kapag nilabag mo, paparusahan ka dahil batas
na siya. Ayon sa mga tumututol, hindi tama na ilagay sa panganib ang
kalusugan ng mga ina at kababaihan sa paggamit ng mga naturang gamot at
serbisyong ito na ayon din sa mga pagsusuri ng medisina ay nakakapinsala sa

kalusugan ng gagamit. Makabubuti pa raw na ang salaping iyon ay gugulin na


lamang sa mga bagay na higit na kailangan at makakatulong sa pag-unlad ng
Pilipino, tulad ng pagpapagawa ng mga eskwelahan, kalsada, balon ng tubig,
ospital, at sa pag-ayuda sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga maralita.

Tanong 3. Totoo po ba na sa RH Bill ay bibigyan ng sex


education ang mga bata kahit Grade V pa lang?
Sagot: Totoo po. Yun po ay nasa SEC. 16. Mandatory Age-Appropriate
Reproductive Health and Sexuality Education. Lahat po ng mga
estudyante mula Grade V to 4th year high school ay ipapailalim sa sexuality
education kung saan matututuhan nila ang pagpaplano ng pamilya hindi
lamang sa natural na paraan kungdi sa pamamagitan din ng paggamit ng mga
makakapigil ng pagbubuntis tulad ng condom at pildoras. Kasama din sa mga
ituturo ay ang tinatawag nilang safe sex o pakikipagtalik nang hindi nauuwi sa
pagbubuntis o sa pagkahawa sa sakit ng katalik (AIDS, halimbawa).

Tanong 4. Anim na taong sex education? Wala po


bang exemption diyan? Paano kung ayaw ng magulang?
Sagot: Opo, anim na taon, at wala pong takas ang bata dito pagkat ipapaloob
po ang sex education sa ibat ibang subjects tulad ng Math, Physical Education,
Social Studies, Values Education, atbp. Hindi rin po masasabi ng magulang na
ipuwera ang anak nila sa Sex Education, pagkat hindi ito optional o magiging
bukod na subject kundi sangkap ng bawat subject, sa buong anim na taon. At
mandatory po ito, ibig sabihin, kailangan itong pag-aralan ng bata pagkat
lahat po ng eskuwelahan ay kailangang sumang-ayon dito, kahit po yaong mga
pintatakbo ng mga Muslim o Katoliko. Kahit ayaw ng mga magulang, wala silang
magagawa.

Tanong 5. Mahaba-haba din yung anim na taon; ano po


ang magiging epekto ng ganoong uri ng sex education sa
pamilya?
Sagot: Bagamat ayon sa RH Bill, magsasanay sila ng mga guro at iaakma ang
pagtuturo ng sex education sa edad ng mga bata, marami pong mga magulang
ang nababahala dito. Hindi daw tama na akuin ng estado ang karapatan at
pananagutan ng mga magulang na magturo sa kanilang mga anak ayon sa
kanilang paniniwala. Hindi raw tumpak na dumiretso ang gobyerno sa mga
bata. Ayon sa atingConstitution, dapat suportahan hindi pangunahanng
gobyerno ang pamilya. Papaano kung ang gustong ituro sa eskuwela ay taliwas
sa nais ng mga magulang na matutunan ng mga anak nila? Kung hangad ng
gobyerno na tulungan ang mga anak ng mahihirap, dapat daw ay turuan nila
ang mga magulang at hayaang ang mga ito ang pumili ng ituturo sa kabataan,
pagkat sila ang nakakakilala ng kahinugan ng isip ng kanilang mga anak. Tutol
sila na anim na taong tuturuan ang kanilang mga anak tungkol sa sexuality na

sisimulan habang mura pa ang isipan ng mga bata, pagkat sa loob ng


panahong ito, maaaring mapunta sa hindi maganda ang pagpapahalaga ng mga
bata tungkol sa katawan nila, lalo nat libre ang mga gamot at serbisyong pipigil
sa pagbubuntis.

Tanong 6. Parang mali nga yata na ipilit yan sa pamilyang


Pilipino, parang nababale-wala ang Constitution at
ginagawa lang tayong gaya-gaya sa mga puti .
Sagot: Tama, at hindi lamang iyan, pati ang mga matatanda ay apektado
din: a) Ang mga may-ari ng pagawaan o opisina (employers) ay mapipilitang
magdulot ng reproductive health services sa kanilang mga empleyado, kahit
na tutol ang konsiyensya nila dito; at b) ang mga health care service providers
naman (doctors, nurses, midwives atbp.) ay kailangang maging handang
magbigay
ng
mga
gamot
na
kontra-buntis
o
magsagawa
ng vasectomy o ligation (pagtatali sa lalaki man o babae) kahit ito salungat sa
turo ng kanilang relihiyon. Kung hindi nila tutuparin ang hinihingi ng batas,
makukulong sila. Ang sistemang ito ay paglabag sa Art. III, Sec. 5 ng
ating Constitution na gumagarantiya na The free exercise and enjoyment
of religious profession and worship, without discrimination or
preference, shall forever be allowed.

Tanong 7. Paaano po lalabag sa Constitution ang


pagpapakalat ng contraceptive pills, libre pa naman ito.
Sagot: Walang birth control pills na syento-porsyentong epektibo sa pagpigil sa
paglilihi. Kahit na umiinom na nito ang babae, maaari pa ring magtagpo sa
pagtatalik ang itlog ng babae at semilya ng lalaki at bumuo ng bagong taoito
ang fertilization at moment of conception. Ngunit kahit magkaroon ng
fertilization sa isang babaeng nagpi-pills, hindi matutuloy ang pagbubuntis
pagkat pinapanipis ng pills ang lining ng bahay-bata na siyang kakapitan ng
fertilized egg upang maghanda sa kaniyang pagsilang makatapos ng siyam na
buwan. Ito ang kahulugan ng abortifacient effect o chemical abortionsa
madaling salita, kinikitil nito ang bagong nilalang na nasa sinapupunan.Pagkat
ipinagkakait nito ang likas na ikinabubuhay ng fertilized egg, hindi na ito
makakakapit sa matres at bagkus, ay ilalabas na lamang ito ng katawan na
parang namuong dugo (blood clot) kasama ng regla. Sa katunayan, ang
namuong dugo na ito ay tao na, miyembro na ng pamilya. Ang chemical
abortion na ito ay labag sa Art. II, Sec. 10 ng Constitution na
nagsasabing: The State recognizes the sanctity of family life and shall
protect and strengthen the family as a basic autonomous social
institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of
the unborn from conception

Tanong 8. Kung hindi naman po contraceptive pills ang


gamit ng mag-asawa kungdi pagpapatali, siguro naman ay
hindi na ito labag sa Constitution pagkat wala naman
pong bagong taong kinikitil ang vasectomy o ligation?
Sagot: Kapag naging batas ang RH Bill, kahit ang pagpapatali lamang ay
maaari nang maging sanhi ng pagkakasira ng mag-asawahan pagkat
ipapahintulot nito ang vasectomy at ligation kahit walang pagsang-ayon ng
asawa. Puwede nang magpa-vasectomy si mister o magpa-ligate si misis nang
walang paalam sa isat isa. Sa madaling salita, walang pakialaman. Sa gayon,
isinusulong ng RH Bill sa tiyak na panganib ang pamilya at ang pag-aasawahan,
isang tahasang paglabag sa Art. XV, Sec. 2 of our Constitution na
nagwiwikang: Marriage, as an inviolable social institution, is the
foundation of the family and shall be protected by the State. Sa
paningin ng Constitution ang pag-aasawahan ay isang sagradong pundasyon ng
lipunan na dapat pangalagaan ng estado. Sinisira ng RH Bill ang pundasyong ito,
ang paggalang ng mag-asawa sa isat isa, ang pag-uusap, pagkakasundo at
pagpapasiya nang maayos, bagkus ay ginagawa nitong tama ang kanya-kanya
mentality na nakikita naman nating simula ng pagkakawatak-watak ng
pamilya.

Tanong 9. Kung hindi po mapo-protektahan ng estado ang


pamilya at pag-aasawahan, paano na po ang mga
kabataan na anak ng mga pamilyang ito?
Sagot: Iyon na nga po ang napakasaklap dito. Kapag pumasa po ang RH Bill,
pati na po ang mga menor de edad na dalagita na inaabuso o nabuntis ay
maaari nang makinabang sa mga reproductive health services nang hindi na
kailangang humingi ng pahintulot sa magulang. Kung magagalit at tututol ang
mga magulang sa ibibigay ng mga health centers maaaring magsumbong ang
anak at makulong pa ang mga nakikialam na magulang. Kung magiging libre
na nga po ang mga pampigil sa pagbubuntis at hindi na rin maaaring
pakialaman ng magulang ang kanilang mga dalagita, malamang na ikapariwara
na rin ito ng mga kabataan. Kayat lalabagin po ng RH Bill ang likas at
pangunahing karapatan ng mga magulang na palakihin at arugain ang kanilang
mga anak upang maging mabubuting mamamayan, na nakasaad po sa Art. II,
Sec. 12 ng ating Constitution: The natural and primary right and duty
of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the
development of moral character shall receive the support of the
Government.

Tanong 10. Nakakakilabot namang isipin na magiging


parang sapilitan ang pagsunod sa mga patakarang

iyan! Ano po ang mangyayari kung hindi kami sasang-ayon


kung sakaling maging batas na ang RH Bill?
Sagot: Paparusahan ang kahit sinong tao na maghahayag ng opinion o
impormasyon na kontra sa hangad at nilalaman ng RH Bill kapag naging batas
ito. Halimbawa, mga komentarista sa radyo, kolumnista sa diyaryo, mga guro,
mga nag-ra-rally o nagse-sermonmaaaring makulong sila kapag hayagan
nilang kinalaban ito. Samakatuwid, susuway ang RH Bill sa Art. III, Sec. 4 ng
ating Constitutionna nagsasabing No law shall be passed abridging the
freedom of speech, of expression, or of the press Kaya hindi tama na
ipasa ito at gawing batas sapagkat lalagyan nito ng busal ang mga tao at
hahadlangan ang ating karapatang magpahayag ng sarili ng buong laya.

Tanong 11. Ang ibig ba ninyong sabihin ay paparusahan


ang kokontra sa RH Bill kapag naging batas na yon? Ano
naman po ang parusa sa mga susuway?
Sagot: Opo, ang sino mang sasaway ay maaaring makulong o
mamultahan. Halimbawa, nurse ka sa eskuwela, at may isang babaeng high
school student na hihingi sa iyo ng morning after pilliyon bang pildoras na
iniinom ng babae kapag nakipag-sex siya nang walang proteksyon laban sa
pagbubuntis noong nakaraang gabi; sinisiguro ng morning-after pill na
dadating ang regla niya, kahit nagkataong fertile siya noong gabing iyon,
pagkat kaya nitong patayin ang kahit limang-araw na gulang na bata sa
sinapupunan. Kung ikaw na nurse ay hindi magbibigay ng pill sa humihingi dahil
alam mong abortifacient iyon at nakakalaglag, paparusahan kakulong o
multa, dahil ang nasa Sec. 29 ng RH Bill: Any violation of this Act or
commission of the foregoing prohibited acts shall be penalized by
imprisonment ranging from one (1) month to six (6) months or a fine of
Ten Thousand (P 10,000.00) to Fifty Thousand Pesos (P 50,000.00).

Tanong 12. Naku, ganoon pala, eh bakit po sa mga debate


sa TV, lagi pong sabi ng mga sponsors ng RH Bill at ng
mga artista sa panig nila, eh makakabuti daw yon sa
kalusugan ng mga ina at kababaihan, at women
empowerment pa daw iyon, kaya sino ba aayaw doon?
Sagot: Siyempre, sino nga ba ang hindi magkakagusto sa mabubuting puntos
ng RH Bill? Ang katawa-tawa po doon ay, ang matatawag na mabubuting bahagi
ng RH Bill, yaong mangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan ay
napapaloob na pong lahat sa tinatawag nating Magna Carta for
Women! Samakatuwid, batas na, at kailangan lamang ay maigting na
pagpapatupad! Itoy buong giting pong ipinapaliwanag ng mga Kongresistang
tutol sa RH Bill sa Batasang Pambansa kung saan masusing sinisiyasat ang RH
Bill. Wika nila, kung tutuusin, kapag inalis sa RH Bill ang mga puntos nitong

sakop na ng Magna Carta for Women, wala nang matitira kundi ang mga hindi
kanais-nais na parte na ating tinatalakay dito.

Tanong 13. May magagawa ba kami para mahinto ang


pagsulong ng RH Bill?
Sagot: Malaki. Simulan natin sa pag-iisip para matunton natin ang
katotohanan: Bakit isinusulong ng RH Bill ang mga gamot at serbisyong
napatunayan na ng medisinang nagdudulot ng higit na panganib kaysa tulong
sa katawan ng babae? Bakit gagastahan ng gobyerno ng bilyon-bilyong piso ang
mga gamot at serbisyong ito para pigilin diumano ang paglobo ng populasyon
na para ba itong sakit o epidemic na dapat sugpuin? Bakit sapilitang isasagawa
ito sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga hindi sang-ayon? Bakit nais
simulan ng RH Bill ang pagtuturo ng pananaw nito sa ating mga kabataan?
Ang paniniwala na ang malaking populasyon natin ang ugat ng ating kahirapan
ay mula sa isipang banyaga na pilit ipinalululon ng RH Bill sa ating mga
Pilipino. Idilat natin ang ating mga mata at tunghayan kung ano ang sinapit ng
mga bansang nagpasa ng sistema ng RH Bill: nakakagimbal na pagdami ng sakit
ng mga babae dulot ng paggamit ng contraceptive drugs and devices;
pagkaubos ng lahi at pagtanda ng populasyon pagkat ayaw o hindi na mag-anak
ng karamihan; pagkalat ng AIDS at iba pang mga sexually transmitted diseases
(STD, o mga sakit na nakukuha sa pagtatalik); higit na pagdami ng pagbubuntis
ng mga dalagita at higit na pagdami ng kasong aborsyon (kapag pumalpak ang
inaasahang contraceptive drugs and devices); pagtaas ng bilang ng diborsyo;
patuloy na pagkakawatak-watak ng mga pamilya, at marami pang ibang hindi
natin kailanman nanaising mangyari sa ating bayan.Tayo lamang mga Pilipino
ang magkapagsasabi kung paano natin iibsan ang ating kahirapan. Naway
makita ng lahat ng ating mga namumuno at mga mambabatas na tayo ay may
sariling lakas, yaman at talino upang unawain at umahon sa ating kinasadlakang
kahirapan, upang sa halip na higit tayong pahirapan ng RH Bill ay magkaisa tayo
tungo sa ganap na pag-unlad ng sambayanang Pilipino.

También podría gustarte