Está en la página 1de 1

Mga kaibigan, kaklase, guro at mga magulang, isang mapagpalayang araw sa inyong lahat.

Lubos kong ikinigagalak ang pagdalo ninyo sa isang munting pagtatanghal upang bigyang nang
karapat-dapat na gantimpala ang mga estudyanteng ng naayon na galing, talento at kasipagan sa taong
ito. Kaya kung maaari po sana, bigyan po natin sila ng isang masigasig na palakpakan. Sa araw na ito,
hindi lang ang mga estudyante ang ipinagpupunyagi kung hindi pati na ang mga magulang at ang mga
guro na walang sawa na nagtuturo at nag-gagabay sa amin.
Bilang isang recipient ng student of the year award, may mga gusto akong iparating sa aking
mga kamag-aral. Hindi nasusukat ng isang gantimpala ang pagkatao ng isang tao. Ang isang gantimpala
ay isang paalala lamang ng mga hirap at tagumpay sa isang maikling panahon. Ang gantimpala na ito ay
isang paalala na ipinagbuti ko ang aking pag-aaral at sinikap ko na maging isang mabuting mag-aaral.
Ngunit, sa kabila ng lahat, ito ay isang bagay lamang. Para sa akin, ang higit na tinitignan at dapat na
ipinangsusukat sa isang tao ay ang kanyang mga nagawa na may maitutulong sa hinaharap at ang
pagiging parte ng buhay ng isang tao. Bonus na lamang, kumbaga, ang matataas na marka. Ngunit,
hindi ko maipapagkaila na ako ay nagulat dahil hindi ko aakalain na makakatanggap ako ng isang
prestigious na award. Maraming, maraming salamat po.

También podría gustarte