Documentos de Académico
Documentos de Profesional
Documentos de Cultura
MAIKLING KUWENTONG
_____________________________________________________________________________________________
ASYANO
oong unang panahon, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa
Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannonsama, ang Diyosa ng Awa, na nakadambana roon. Minsa'y bisperas ng Bagong Taon dumalaw
siya sa bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang umalis siya rito. Tumawid na siya rito.
Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang Tulay Pabalik), nang pauwi na at nakakita siya ng maraming
taong papalapit, na may dala-dalang mga naglalagablab na sulo. Naisip niya na iyon ay grupo ng isang
pinuno kasama ng kanyang mga ayudante. Kaya umalis siya sa daraanan ng mga ito't nagtago sa ilalim
ng tulay.Hindi nagtagal at nakarating na sa may tulay ang mga tao. Nag-isip tuloy siya kung sino kayang
pinuno iyon. Sumilip ang lalaki mula sa ilalim ng tulay at tyumingala. At naku! Hindi pala sila mga tao.
Lahat sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang
mata, samantalang ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang. Gulat na
gulat ang lalaki sa nakita niya. "Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng isa sa mga oni.. "Hulihin natin!" sabi
naman ng isa.
Sa isang iglap, ang lalaki'y nagging bilanggo ng mga demonyo. Natakot ang lalaki dahil baka
kainin siya ng mga ito at itinalaga na niya ang sarili sa kanilang gagawin. Pero walang ipinahiwatig na
kahit anong kalupitan ang mga oni. Sabin ng isa, hindi raw bagay kainin ang lalaki at itinulak siya
nito.Pagkaraa'y pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at saka sila nag-alisan. Nakahinga nang
maluwag ang lalaki sa pagkakaligtas ng kanyang buhay. Dali-dali na siyang umuwi. Nang dumating siya
sa bahay, ayaw siyang kausapin ang kanyang pamilya bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga
iyon. " Bakit ang tahimik ninyo?" tanong niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy siya
kung ano'ng nangyayari sa kanila.
Pagkaraan ng ilang sandal, biglang pumasok sa isip niya nab aka hindi na siya nakikita dahil
sa dura ng mga oni. Nakikita niya ang kanyang pamilya at naririnig niya ang sinasabi ng mga ito, pero
mukhang hindi siya nakikita't naririnig ng mga iyon. Litung-lito siya sa pangyayaring nagaganap.
Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayunman, malungkot ang pamilya ng lalaki dahil nawawala ito
sa piling nila. Di-mapalagay niyang pinagtatawag ang kanyang kamag-anakan at sinabing kasama siya
ng mga ito sa bahay, pero wala ring nangyari. Kahit tinatapik pa niya sa ulo ang kanyang mga anak, tila
hindi nararamdaman ng mga ito ang kanyang kamay. Sa pagdaan ng maghapon, sinimulan nilang
iyakan ang ama, sa pag-aakalang nawala na nga ito. Samakatwid ang Bagong Taon ay naging araw ng
trahedya para sa kanila at nagdaan pa ang maraming malungkot na araw. Naisip ng lalaki na wala nang
natitirang paraan sa kanya kundi humingi ng tulong sa Diyos ng Awa. Sa gayon, kaagad niyang binisita
ang Dambana ng Rokkaku-do.
" O, maawaing Kannon-sama ipakita mo ako sa aking pamilya. Maawa po kayo sa akin!" Nagalay siya ng mga taos-pusong panalangin sa Diyosa sa loob ng buong dalawang linggo. Habang
nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata niya, hindi sinsadyang nakatulog siya't nanaginip. Sa
panaginip, nakatagpo raw niya ang isang banal na Buddhistang pari na lumitaw mula sa likod ng
kurtinang kawayan at mataimtim na nagsabi sa kanya: "Ay, aking masugid na tagasunod! Umalis ka rito
bukas nang umaga at gawin mo kung anong sasabihin sa'yo sa unang taong masasalubong mo sa daan
pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!" Nagpatirapa siya sa harap ng pari. Nang
magising siya, maliwanag na. Nilisan niya ang dambana at di pa nakakalayo'y may nasalubong na siyang
isang pastol. Naisip niya na ito ang tinutukoy ng Buddhistang pari sa kanyang panaginip.
ANG AMA
(Maikling kuwento ng Singapore)
Salin ni Mauro R. Avena
agkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y
inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo,
para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya
nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa.
Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang
ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni
katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang
babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat
ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na
nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit
guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y
masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang
ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at
nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi
ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga
daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga
bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking
kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng
kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan
ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa
malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa
kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na
pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong
ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na
parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib
sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit
siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at
matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay,
namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa
kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman
siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa
mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui.
Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama
at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at
hahampasin iyon ng buong lakas.Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa
tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na
masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna
ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan
nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata
na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na
naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak
habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo
doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang
makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay
dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong
inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang
balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas
ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang
asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang
munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya
ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng
kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang
ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang
awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang
nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno
niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at
iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng
kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya
ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang
pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila.
Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang
muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas
maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang
nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at
isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho
Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay
nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay.
Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang
laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa
ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit,
at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga
kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi
matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang
pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta."
Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang
pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay
lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang
hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang
pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga
ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa
katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa
sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila
tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
yos, Maam. Sigurado-Darating kayo sa miting ng mas maaga sa tyempo. Dito tayo dumaan,
Maam. Konting trapik, konting bara ng mga kotse. Medya-ora lang, naron na tayo. Kaya
hwag kayong mag-alala, Maam . Ano yon. Maam? Oho, oho. Ha, ha dalawampung taon na
kong taxi driver, Maam. Panahon pa ng kopong-kopong. Di pa ganito ang Singapore
nanikip sa tao, bising-bisi. Noon mas tahimik, kokonti pa lang ang taxi drivers, at di-masyadong
maraming kotse at bus. Oho, Maam, kumikita naman. Di malaki pero pwede na. Anong mabuti? Para
umasenso sa Singapore, sipag lang. Sa mga tulad naming no read, no write,walang kapital para sa
negosyo, kailangang magpatulo ng pawis nang kumita para sa misis at mga bata. Oho, Maam malaki
ang pamilya ko. Walong anak-anim na lalaki,dalawang babae.Talagang malaki, ha, ha problema,, no
Maam? Pero noon, wala naming family planning sa Singapore. Ang daming mag-anak ng pamilya;tauntaon. Dalawa,tatlong anak, pigil na. Sabi
ng gobyerno, tama na.
Buti na lang, malalaki na ang mga anak ko. Apat sa mga anak kong lalaki kumakayod na,
isang negosyante, dalawang clerk, yong isa titser sa primary school. Yong isa namay nasa National
Service, at yong isa, nag-aaral pa, sa Secondary Four. Yong pinakamatanda kong babae, beynte anyos na
siyang mahigit, sa bahay lang, tumutulung sa nanay niya. Wala po, wala pa siyang asawa. Masyadong
mahiyain at medyo sakitin pero ang bait, masunurin. Yong isa kong babe-ay, naku, Maam, laking
problema sa ama pagyong anak na babaey salbahe at lumalaban sa magulang. Napakalungkot, parang
parusa sa Diyos. Ngayon, iba ang kabataan, di tulad naming noon. Noon, wala sa amin ang matigas ang
ulo. Pag sinabi ng magulang namin na, hwag gawin ito, di naming ginagawa. Kundi, naron ang baston.
Nabaston ako ng tatay ko. Kahit binata na at malapit nang mag-asawa baston parin. Istriktong masyado
ang tatay ko, at mabuti yon-maging istrikto ang magulang. Kundi, walang silbi ang labas ng mga bata.
Di mag-aaral, aalpas at magna-night club o magda-drugs o sex. Tama ba ako, Maam? Ngayong, laking
sakit ng ulo sa magulang ang kabataan. Nakita na nyo yong teenager don sa labas ng coffee shop? Kita
nyo na Maam? Mga estudyante palang yon, pero kung umasta kala mo mga big shot magastos,
naninigarilyo na, kung magbihis sunod sa moda at mahilig na sa sex. Naku, Maam, kabisado ko na yan.
Bilang taxi driver, kilala ko ang mga iyan at mga bisyo nila.
Kayo, Maam dib a sabi nyo titser kayo? Alam nyo ba ang mga batang babae na yan-kinse,
disisais anyos? Papasok ng eskwela ang mga yan sa umaga na nakauniporme. Pagkatapos ng eskwela, di
uuwi ang mga yan. May dalang damit ang mga yan sa school magpapalit ng suot, magmemeyk-up.
Walang alam ang mga magulang nila. Sasabihin sa mama nila, may miting daw, may sports o laro, may
ganon, ganito, pero ang totoo e naglalakwatsa at kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa. A,
Maam, mukhang ayaw ninyong maniniwala. Pero yan ang totoo. Alam ko lahat ang kalokohan nila.
Isinisakay ko sila sa taxi ko. Madalas, don sila sa bowling Alley o coffee shop o hotel naghihintay. Tapos
lalapitan ng mga turisting kano o Europeo. Ganon sila maglibang at kumita ng extrang pera. Maniniwala
ba kayo, Maam, kung sasabihin ko kung gano kadami ng pera nila? Anak ng-! Kagabi, tong batang
sakay ko kyut na kyut, nakameyk-ap at seksi ang suot. Sabi sa akin, dalhin ko ra sa Orchid Mansions.
Kilalang-kilala ang isang lugar na yon, isang four storey na apartment. Tapos greenbacks-teg ten dollars
lahat. Humugot ito ng isa at sabi, keep the change wala raw syang tyempo. Para sabihin ko sa inyo,
Maam buwan buway mas malaki ang kinikita ko sa mga teenager na ito kaysa don sa
nakikiapagbargain sa kin na wag na raw ibaba ang metro pero naghihintay pa ng sukli nilang ten cents.
Pwe! Binubwisit akong talaga ng iba sa kanila. Pero itong mga batang to walang tawaran. Bayad lang
nang bayad. At sobrang makikipagromansa sa taxi, kaya di bale kung mag-iikot ka nang husto at singilin
sila sa metro!
Sabihin ko sa inyo, Maam, meron dyan na di pinoproblema kung magkano ang ginagasta sa
taxi. Ganito yon Maam: Paglampas ng ala-una ng umaga, mas malaki ang kita. Doon ako paparada sa
labas ng Elory Hotel o Tung Court o Orchid Mansions at sigurado, Maam ayos ang buto-buto. Noong
sabado, Maam, walang biro sa isang araw lang kumita ako ng halos one hundred fifty dollars! Ang iba
nyon, para sa serbisyo. May turista kasi na di alam kung saan pupunta, kaya ako na ang nagsasabi at
dinadala ko sila don. Ekstrang kita din yon. Ay, naku, Maam, kung ikukwento ko sa inyo ang lahat, di
tayo matatapos.
Pero ito ang masasabi ko sa inyo. Kung meron kayong dalagita at sasabihin sa inyo, Mommy,
may miting kami sa iskwela ngayon at di ako uuwi, hwag nyonh sasabihin, Sige hija pero usisain
nyo ang lahat. Ngayoy di ninyo mapagkakatiwalaan ang mga bata, Di tulad noon. Ay naku, Maam
nasasabi ko ito dahil Ako mismoy may dalagita. Mahal na mahal ko ang batang ito. Napakabait nya at
ang sipag mag-aral. Nakikita ko ang report cards at yong sinusulat ng Kanyang titser na Very Good o
Excellent, sa report Cards nya. Nag-aaral sya sa bahay at tumutulong sa nanay nya. Pero minsay
tinatamad at sasabihin nya, pinababalik daw sya ng titser sa iskwela para makapag-aaral pa, para
maturuan pa sa subject na mahina siya yon daw Math, Maam. At ako naman, pinayagan ko sya, at
araw-araw, gabi na siya umuwi, tapos mag-aral, tuloy tulog. Isang araw-naku,
Maam hanggang ngayoy ginagalit pa ako. Isang araw, nagdadrive ako ng taksi, parelaksrelaks lang, nang may nakita akong dalagita ng nakakahawig ng sa aking Lay Choo, may kasamang mga
batang babae at ilang Europeo sa labas ng coffee shop. Sabi ko, hindi pwedeng si Lay Choo at ang isang
ito e bihis na bihis, nakameyk-ap at magaslaw kumilos.Di ganon ang anak ko. Tapos pumasok sila sa
coffee shop. At yong puso ko sobra ang pano nga sabihin yon, Maam? Yong puso ko, parang binabayo
ng kung ano. Sabi ko, mabantyagan nga, at tingnan ko ang kalokohan nya. Nong sumunod na araw,
nandyon sa uli. Ipinarada ko ang taxi ko, Maam. Galit na galit ako noon. Sinugod ko ang Tarantadong
anak ko at sinunggaban ko sa balikat at leeg at saka pinagsasampal ko at binugbog syang muli. Estupida!
Walang hiya! Pinilit ako ilayo ng asawa ko at ilang kapitbahay. Palagay koy napatay ko ang batang iyon
kung di ako naawat.
Tatlong araw kinulong sa kanyang kwarto. Nahiya akong sabihin sa kanyang titser kung ano
ang nangyari, kaya sabi ko nalang may sakit si Lay Choo, at kung pwede, i-excuse nya sa klase. Ay naku,
Maam. Anong nararamdaman ninyo kung nasa lugar ko kayo? Pinababa nya ang kanyang sarili,
ganyon ang ama Nyay maghapong pasada nang pasada ng taksi para Maipadala sya sa unibersidad.
Ano yon Maam? Oho, oho okey na ho ang lahat Salamat. Di sya pwedeng lumabas ng
bahay, liban kung papasok sa iskwela at bilin ko sa ina nya, check-in lagi ang ginagawa nyan at yong
mga kabarkada nya, kung anong klaseng mga ito. Ay, naku Maam ang kabataan ngayon anong sakit ng
ulo.
Ano yon Maam? A, sorry ho, Maam di ko kayo mahihintay matapos ang inyong miting.
Kailangan kong lumarga, kaya pasensya na ho. Nagmamadali ako Maam, papuntang Hotel Elory.
Mraming mga batang maisasakay. Kaya sorry nalang, Maam at maraming salamat.
i Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay
singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng
pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng
sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangitangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan
ang kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang.
Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang
dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang
na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal
na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka
rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga
siya ng baka para doon!
Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at
tumula ng mga berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang
taimtim ang atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may
yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto.
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo sa
pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking
tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng
paa.
Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga
kaibigan niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang
yayaman. Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang
mabilis. Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay
Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng
mas malaki pang kayamanan.
Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi
pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa
kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang
sarili, Ang saya-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa
amin.
Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na
at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir? Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang
estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na
hindi maganda ang mga pangyayari.
Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat! Kung anuman meron
ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa ibat ibang dako arawaraw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong
nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.
Hindi nanginig si Nai Phan.
Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang; Ibibigay ko
sayo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sayo dahil mukhang kailangang-kailangan mo
iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan.
Eto. . . lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong
nakakaalam? Siguroy may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung
mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may
dalang pera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.
Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin
iyon.
Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong
hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao.
Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at
kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa
gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati
sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para
sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabigabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na ang
makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!at itabi mo ang iyong baril
giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg
kapayapaan, ang puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo
liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.
Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata.
Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape
at pagbubukas-palad.
Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki. Huwag
kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera sa binata.
Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno
ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit
sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado.
Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita
kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking
baril. Ngayoy uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy.
Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inay inubos ko sa karera ng kabayo;
yong kakaunting natiray inubos ko sa pag-iinom. Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay
kundi magkahalong eksperimento, pagkakamalit mga kabiguan? sabi ni Nai Phan. Hindi, malakas ang
katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ngkabataang lalaki. Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na
mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang
masasamadapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa
mundo. Salamat, at paalam.
Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang
makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?
Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan
ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa
mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw
na akoy ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao.
PAALAM SA PAGKABATA
Salin ni Nazareno D. Bas
ala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw,
katahimikan, dilim iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming
bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon.
Alam ko. Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng
paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan
ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay
na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan.
Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan
ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang
ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin koy tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag
na ang silangan nang akoy bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay
walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan.
Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga.
Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang itoy ginagamit
ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong itoy tinapon
ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay.
Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.
"Hanggang ngayon bay hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang
kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang
amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala
na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala.
Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo
pa malilimutan ang nangyari?"
Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingin sa
lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa
takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon.
Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking
paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na
iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan
akong malaman.
Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May
ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang
magpatuloy ang kanyang pagluha. "Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo." Sa labasan,
sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa
aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi
langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi
nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit? "Ano pa ang hinihintay mo, Celso?"
Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-mayay tumakbo na ako ng
matulin.
Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya
silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin,
malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at
pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan.
Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong
narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig.
At mula na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot
na kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko. "Naririyan na
naman siya."
"Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang
kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang
pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam."
Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na
ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy
ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na.
Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay.
Nagbabanta ng parusa. Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda.
Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayoy gumaganda sa aking pandinig. At para akong
hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit
kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang mga mata.
Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at
dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa
kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit
ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako. Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking
ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang
tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos. "Dalawin mo ako palagi, ha?"
Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi lahat
parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit
sa dingding ng aming bahay. Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan.
Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong
tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan
ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako."Lapit
rito, Celso!" Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal. "Di ko
gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin
mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin."
Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap
intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman
dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?
Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at
nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang
gawain. Matapos makapananghalian siyay matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap
ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.
Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at
nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko
ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari
kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.
Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking
isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo
habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko
ang katarungan ang aking kalagayan.
Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko
ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat.
"Huwag, Celso!" saway ni Nanay na nanginginig ang boses. "Huwag!"
Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa
aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang itoy
magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan. "Celso!"
Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi
ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi
lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at
napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat. Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking
paningin. Parang may nakita akong anino si Tatay na sumusurot kay Nanay. "Ngunit, Tomas,"
nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya."
"Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang akoy nakapagpipigil pa."
Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang
tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang
pakiramdam ko sa aking katawan at akoy gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at
iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko
ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi.
Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihinay umusad ako nang
umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko
ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.
Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may
maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking
paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa.
Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng
kanyang puso. Matagal.
ha? Gustomo nab a dalawin ang hari ng kadiliman?Itay Nagsasampay lang ako, kiming sagot ni
Ah Yue.Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay atsandaling
tumayo, galit. Lintik! Gabi nay hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba parahanapin ang kalaguyo
mo?Sandali na langmaluluto na Ipiprito ko na lang ang inasinang isda. Pagkatapospagkatapos
ay puwede na tayong maghapunan. Walang lakas ng loob si Lian-chiao natumingala man lamang.
Inilagay niya sa isang plato ang pinipritong talbos ng kamote atnaglagay pa ng ilang patak ng langis sa
kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mgakamay habang hinuhugasan ang inasinang isda. Hindi
siya naglakas-loob na tumutol sa ingayng kanyang asawa.Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan
ng isang tunay na manghihithit ngopyo:payat at matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga
mata. Mataposnakapamaywang na sinigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas
nanagtanong, Handan a ba ang tubig na pampaligo?Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko
naMabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig saisang balde
na kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay saluma at sira-sirang banyo.
Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang
maputlang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawang-pag-sa.Sumagitsit sa kawali ang
inasinang isda dahil sa init ng mantika.Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy?
Napakabagal mong kumilos.Wala kanga lam kundi kumain! Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li
Hua habang angbabaey papunta sa banyo.Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata,
nanginginig sa takot. Hindi silanagkalakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka
natalo na naman sasugal si Li Hua.Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang
nguso, kinuha ni LiHua ang lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, Pwe!,
lumura salupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig.Inaakalang aalis na naman
ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa,ang mangkok at chopsticks, at
nagkakandautal na, Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman?AkoyAno? Hindi ako aalis! Napakalakas
ng boses ni Li hua. Natalo ako ng biente dolyarngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi
ako babalik para makabawi ang natalosa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin
ang sarili kong eksperto samadyong!Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng
dalawampung itlog kay Ying Malapit na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para
lutuin sa luya atalak. Minasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa
angkanyang boses.Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua.
Lalongpumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita
angdalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa
iyongbumili ka ng masarap ba pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakithindi
mo kayang magbayad?Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan and nguso. Humakbang ang
mahahabaniyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan.Nakatayo sa gitna ng bahay si Lianchiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig,natitigilan at hindi makakilos.Mahangin at maginaw nang
gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigasna higaang kahoy, hindi makatulog si Lianchiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pago napagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos
ng maghapong pagtatrabaho, gising nagising pa rin ang kanyang isip.Ang mga lumipas na pangyayari
ay parang ulap sa bundok na mabagal napumapailanglang sa lambak, naaanod, naaanodkasinggaan
ng usok. Sa lahat ng mga taongpatay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang namumukod na
lumalantad. Sakagustuhang magkaapo kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niyasi LianChiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ngmainam na
buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng mga kamag-anak at kaibigan nila, piniliniya para maging
manugang si Li Hua, na anak ng nooy isang mayamang negosyante. Lahatng kanyang pag-asa ay
nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ngbahay, ang inay namatay sa kanser sa
dibdib. Paano niya malalaman na dahil saipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang
katahimikan at kaligayahan sa buongbuhay nito?Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao.
Nanlabo ang kanyang mga mata dahilsa luhang napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa
isip niya ay ang kanyangasawa, ang walang silbi at tila kawayang siLi Hua. Winaldas niyang lahat ang
manang iniwanng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghithit ng opyo, pagpunta
sabahay-aliwaneksperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ayang
pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae angisisilang ni
DEAD RIVER
(Maikling Kwento)
Renato M. Malco Jr.
a Baranggay Rafael ay may isang magiting at respitado na tao ito ay si Mang Andoy. Isa si Mang
Andoy sa nangangalaga at nagproproteksyon sa kanilang mayabog na ilog. Ang ilog na iyon ay
biyaya at pamana mula sa kanilang ninuno kaya mula noon pinapahalagahan ng buong
baranggay ang ilog, sa pamamagitan nang pagtatanim ng mga halaman, pagtatanod at
pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. Pero isang araw nagimbal na lang sila na may itinatayo na
pabrika sa tabi nang kanilang ilog. Makalipas ang ilang oras ay may isang grupo mula sa pribadong
sektor na siyang namamahala sa pagtatayo nang pabrika. Kinausap sila ng mga ito upang ipaliwanag na
ang itatayong pabrika ay hindi makakasira sa kanilang kalikasan lalong lalo nasa minamahal nilang ilog.
Natuwa at napanatag ang buong baranggay sa kanilang naring lalong lalo na si Mang Andoy.
Makalipas ang isang buwan nawindang ang lahat sa kanilang nakita, ang kanilang minamahal at isa
sa kanilang kayamanan ay sinira nang polusyon mula sa pabrika. Kitang kita ni Mang Andoy ang sinapit
nang kanilang ilog mga naglutangan na mga isda at na dati datiy asul na ilog ngayon ay itim at may halo
na nang kemikal. Sobrang nanlumo si Mang Andoy at galit nag alit sa pabrikang hinayaang nilang itayo
sa tabi nang kanilang ilog.
Dahil dito buong buo ang loob nang Baranggay Rafael na mag- aklas sa naturang pabrika. Kaya
makalipas ang isang araw nang paghahanda, ay nagpunta na si Mang Andoy at ang buong mamamayan
nang Baranggay Rafael sa pag- aaklas sa naturang pabrika. Pero naharangan agad sila nang mga
gwardyang nagbabantay dito. Dahil dito ay naisip ni Mang Andoy at nang kanyang kasamahan na
sumangguni sa pamahalaan. Pero hindi sila natulungan nang pamahalaan sa kanilang problema sa
kadahilanan na ang naturang pabrika ay may mga papeles na hindi nila maaring ipasara ang pabrika.
Nanlalambot at nahihilo si Mang Andoy sa sinabe nang kanilnag Mayor. Dahil dito hindi nila napigilan
ang pabrika at lalo pang lumala ang sitwasyon nang ilog at natampuan na din nang mga sakit ang mga
bata at matatanda sa Baranggay Rafael. Dahil dito nagsilikas na ang iba sa kanila kasama ditto si Mang
Andoy na hinayang na hinayang sa pamana nang kanilang ninuno at iyon ang ilog.
SI DAVID AT SI GOLIAT
(Mula sa Israel)
NG mga Pilisteo ay lumalaban uli sa Israel. Ang tatlong kuya ni David ay nasa hukbo ngayon ni
Saul. Kaya isang araw ay sinabi ni Jesse kay David: Dalhan mo ng pagkain ang mga kapatid mo.
Kumustahin mo sila.
Pagdating ni David sa kampo, hinanap niya ang mga kapatid niya. Lumabas ang Pilisteong
higante na si Goliat para tuyain ang mga Israelita. 40 araw na niyang ginagawa ito. Sumigaw siya:
Pumili kayo ng isa sa inyo para lumaban sa akin. Kung mapapatay niya ako, gawin nyo kaming mga
alipin. Pero kung mapapatay ko siya, kayo ang magiging alipin namin!
Tinanong ni David ang ilang sundalo: Ano ang makakamit ng taong makakapatay sa Pilisteo
at magpapalaya sa Israel mula sa kahihiyang ito?
Tatanggap siya ng maraming kayamanan, at mapapangasawa niya ang sariling anak ni Saul, sabi ng
mga sundalo.
Pero takot ang lahat ng mga Israelita kay Goliat. Mahigit na 9 na talampakan (mga 3 metro)
ang taas niya, at may isa pang sundalo na tagadala ng kaniyang kalasag.
Nabalitaan ni Haring Saul na gustong labanan ni David si Goliat. Isang bata ka lamang! sabi
ni Saul kay David. Sumagot si David: Nakapatay ako ng isang oso at isang leon. Ang mga Pilisteo ay
magiging gaya din nila. Tutulungan ako ni Jehova. Kaya pinayagan ni Saul si David na lumaban kay
Goliat.
Kumuha si David ng limang makikinis na bato, dinala ang kaniyang tirador, at sinalubong ang
higante. Nang makita siya ni Goliat, sinabi nito: Subukan mong lumapit, kung hindi ko ipakakain ang
katawan mo sa mga ibon at hayop!
Pero sinabi ni David: Humaharap ka sa akin na may isang espada, isang sibat at isang
diyabelin. Pero humaharap ako sa iyo sa pangalan ni Jehova. Sa araw na ito ay ibibigay ka ni Jehova sa
aking kamay, at papatayin kita.
Kaya tumakbo si David papalapit kay Goliat. Inilagay niya ang isang bato sa tirador at
inihagis ito ng ubod-lakas. Tumama ito sa ulo ni Goliat, at namatay siya. Pagkatapos, lahat ng mga
Pilisteo ay nagtakbuhan. Hinabol sila ng mga Israelita kaya sila ay nanalo sa digmaan.
SI PINKAW
(Maikling kwentong Hiligaynon)
Isabelo S. Sobrevega
aalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan
ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa
bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang kung ano at pasayawsayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang paay
may medyas na marahil ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang
kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo.
Sa kanyang ulo, may nakapatong na palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng araw.
Hoy, Pinkaw, sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-tawing na daga,
kumanta ka nag ng blak is blak.
Sige na, Pinkaw, udyok ng iba pang mga bata.
Ayoko nga, nahihiya ako, pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri.
Kung ayaw mo, aagawin naming ang anak mo! nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat. Mahaba
ang buhok at nakakorto llamang. At umambang aagawin an gang karga ni Pinkaw. Umatras ang babae at
hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.
Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw.
Sige, agawin natin ang kanyang anak, sabi nila sabay halakhak.
Maya-mayay nakita kong sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa.
Huwag niyo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa mayor. Patuloy pa rin ang
panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw. bata!
Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kayat sinigawan ko sila upang takutin. Hoy, mga bata! Mga
salbahe kayo. Tigilan nyo iyang panunukso sa kanya.
Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kayat isa-isang nag-alisan. Nang wala na ang
mga bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing:
Meyor, kukunin nila ang aking anak.
Hindi ko napigilan ang pagngiti. May korone
L, may sardyen, may senador siyang tawag sa akin at ngayon namay mayor. O sige, hindi na nila
kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak.
Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita kong lata pala
iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata.
Hele-hele, tulog muna, wla rito ang iyong nanay... ang kanyang kanta habang ipinaghehehebat siyay
patiyad na sumasayaw-sayaw.
Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman.
At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay naming sa tambakan, nang hindi pa iyon nababaliw.
Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng basura ng siyudad);
ditto siya nakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati, madalas siyang kumakanta.
Hindi kagandahan ang kanyang patagulaylay na pagkanta. Habang tumutulak sa karitong may tatlong
gulong, pababa sa lubak-lubak at maputik na lansangan, sinusundan siya ng mga asong kumakahol.
Isang bagay lamang ang mapupuna mo sa kanyalagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang
kanyang bosesBasag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang bumabalani sa
pandinig. Marahil dahil ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong pagtataka kung
bakit ganoon siya kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura.
Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siyay umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niyay puno ng
mga karton, papel, bote , basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa gilid ng kariton,
makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang sardinas, karne norte o kayay pork-en-bins, pan
de sal na kadalasay nakagatan na, at kung minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang
nakadikit. Sa kanyang payat na katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit
magugulat ka, tila nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang bisaya.
asama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit
niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang
gagamitin sa pagpipintura.
Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, "Huwag kang aalis, Zandrey,
dahil may ipagagawa ako sa iyo."
Painter "Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang mga
magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.
"Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at brotsa
at maaari mo nang masimulan pagkakain mo."
Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos niya ay parang
utos ng reyna na di mababali.
Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-iisip niya ang tiyak na
nasa laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa pag-aantay sa kanya, o di kaya'y
naglalaro na at hindi na siya hinintay.
Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahan-dahang idinampi sa isang sulok ng mahabang
bakuran. "Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi," wika niya sa sarili. "Binabalak pa naman
namin ni James na ilampaso ngayon sina Henry."
Nang walang kagana-ganang isasawsaw na uli ang brotsa sa lata ng pintura, natanaw niyang dumarating
ang kapwa bata ring si Vince.
"Hoy, Zandrey!" Di siya lumingon at kunwari ay walang narinig. Binilisan niya ang paghahaplos ng
pintura sa bakod.
"Ano ang ginagawa mo, Zandrey?"
Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at sinipat ang napinturahan na.
"Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka."
"Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin."
Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at ganadong-ganadong itinuloy ang pagpipintura. Maya'tmaya'y sinisipat ang napintahan na. Sisipol-sipol siya at tila tuwang-tuwa sa ginagawa. Si Vince ay
nakatungangang nagmamasid.
"Papinta rin nga," maya-maya'y pakiusap, nito. "Titikman ko lang magpintura."
"Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang nanay ko. Kailangang maayos ang pintura
nito." "Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang trumpo ko, pagpintahin mo lang ako."
"O, sige na nga." Naupo si Zandrey sa isang tabi at hinayaang magpintura ang kababata. Habang
pinapanood niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak para mapadali ang trabaho niya at
makaipon pa siya ng mga regalo.
Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod namang naisahan ni Zandrey si Armel. Binigyan
siya nito ng yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod naman dito si Erick, saka si Ethan, si
Alexander, si Richard.
Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang inisa-isang bilangin ng matalinong si Zandrey - may
yoyo, trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong walang susi, larawan ni Batman at Robin, komiks na
Superman, mahabang tali ng borador, plastic na baril-barilan, singsing na tanso....
Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan. May makapal, may manipis, may paayon, pasalungat,
may kulang-kulang na pintura. Ngunit sa paningin ni Zandrey, ang bakod ay napakaganda, dahil nikaunti man ay di siya napagod at nakakamal pa siya ng maraming yaman.
May mga aral pa sa buhay na kanyang natutuhan. Ano kaya ang mga iyon?
SARANGGOLA
Ni Efren R. Abueg
ading, Paquito, Nelson pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong
gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon. Anak, ibibili kita ng kawayan at papel.
Gumawa ka na lamang ng saranggola, wika ng ama.Hindi ako marunong, Tatay, anang batang
lalaki.Madali yan. Tuturuan kita, sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.Bumili nga ito ng papel at
kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.Tatay ibili mo ako ng guryon, sabi uli ng
bata sa ama. Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo
ang taas at tagal ng lipad ng guryon!Nainis ang bata sa kanyang ama.Kinakantyawan ako sa bukid,
Tatay, anang bata. Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan bakit daw
kay liit ng saranggola ko!Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.Tinuruan nga ng
ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa
kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad
nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasakwasak.Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang
saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag. Tingnan
mohindi nasira, nagmamalaking wika ng ama. Kung guryon yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya
tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki
ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging
nawawasak. Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos
siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa mga
kaibigan.Anak dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na
papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi,
pagunita ng kanyang ama.Kawawa nga ako, Tatay, katwiran ng bata. Anak ako ng tanging may-ari
ng istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko parang anak ng
pobre.Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin sa
pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan
ang pagtitipid.Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito.
Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas, pinatatao sa
istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase.Pinahihirapan talaga
ako ng Tatay, puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina. Kaisa-isa pa naman akong
anak, ang turing niya sa akin parang ampon!Hindi totoo ang sinabi mo, anak, malumanay na
sansala ng kanyang ina sa paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa
iyo.Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.Hindi na
kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya
makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina. Nang labingwalo na siya
napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng commerce.Mabuti yon. Magsama-sama
tayo sa isang unibersidad, mungkahi ng isa sa limang magkakaibigan. Pumayag siya. Ngunit nang
kausapin niya ang ama, tumutol ito.Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko
mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.Masama man ang loob,
sumangguni pa rin siya sa ina.Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin
ko.engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayosino ba ang magmamana niyon kundi
ikaw? Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa
pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang
kanyang nadarama.Ayoko nang mag-aral, Inay, sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa
dormitoryo. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay?
Gusto ba niya akong pahirapan?Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban.Magtiwala ka sa
amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong hinaharap. Makabubuti
ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?Makabubuting matuto kang magtiis.
KATALAGAHAN
Ni Vic Macapagal
agabi ay hindi ako sumama sa mga kaibigan ko. Naipangako ko kay Kuya na sa kanya ko
ipagkakaloob ang isang buong linggo. Itong linggong ito. Kahit na nga ba sa loob ng nakaraang
mga buwan ay siya na ang naging gunitain ng buo...ng pamilya.
Alam ko, magiging masaya na naman sa bahay. Wala na ang supil na mga ngiti. At mga halakhak na ang
kamatayan ay halos sabay sa pagkakaluwal. Magiging maluwag na naman ang aming paghinga. Noon,
tila lahat ng sariwang hanging pumasok sa bahay ay para kay Kuya lamang. Wala na ang wariy tinik na
dumuduro sa aming magkakapatid sa mga panahong kamiy nakalilimot at nakapagbibiruan. Sa aming
panaka-nakang pagbibiruan, kung magkagayon man, ay saglit lamang ang dampi ng tuwa sa aming mga
mukha. Kahit na nga malayo pa kami sa silid ni Kuya. Talaga lamang na mahirap sikilin ang paminsanminsang bugso ng damdamin. Sigla at indak ang tunay na kahulugan ng buhay. Iyon ang alam ko. Iyon
ang nadarama ko.
Minsan galing sa paglalaro, ang aming bunsoy humahangos na umuwi. Parang ibig umiyak. Ako ang
dinatnan sa bahay. (Nasa palengke si Inang. Nagtuturo si Ate Ester sa elementarya. Si Ditse ay nasa
tahian, nanahi.) Sa pagitan ng hinahabol na paghinga at pandalas na singhot ay ibinulalas niya ang
unang kalbaryo ng kanyang kamusmusan. Diko, mamamatay na nga ba si Kuya? Kanser nga ba ang
sakit ng Kuya, ha, Diko?"
Matagal. Hindi ako nakaimik. Dambuhalang kulog ang bawat salitang umalpas sa kanyang munting
bibig. Nakabibingi. Nakapanlulumo. Sa kanya ko unang narinig ang mga tanong na ito. Maliwanag at
sukol sa kahulugan. Ni wala akong lakas na bigkasin sa aking sarili ang mga katanungang iyon.
Bagamat matagal ko nang pilit inaarok ang hiwaga ng kamatayan. Matagal na. Bago pa magkasakit si
Kuya.
Si Lito. Bata pa siya. Wala pa sa kanyang kamalayan ang hiram na buhay. Siyay isang kerubin ng
kawalang-kamatayan. Sa kanya ang buhay ay isang biyayang sinlusog ng kalikasan. Hindi niya
kailangan ang mahabang paliwanag. Kanser nga sakit ng Kuya, pero madali na itong gamutin ngayon,
di tulad noong araw, sabi ko. Kita mo at kay lakas ng Kuya ngayon, dugtong ko pa. Iyon lamang at
buong kasiglahan siyang bumalik sa iniwang mga kalaro. Matagal na siyang wala nang muli kong
mahagilap ang aking sarili.
Anim na buwan ang taning ng doktor kay Kuya. Pagkaraan ng limang buwan ay malakas pa rin si Kuya.
Minsan ay dumalaw si Tata Miguel. Sabi niya, Bakit hindi ninyo dalhin kay Da Ipe. Abay kay-rami
nang napagaling ni Da Ipe na tinanggihan na ng mga doktor. At inumpisahan niya ang litanya. Naroon
si Monico na natuklaw ng ulupong, nakatirik na raw ang mga mata nang idating kay Da Ipe matapos
tanggihan ni Dr. Villavicencio. Si Huling na modista, matagal ding nagkasakit, etraytis daw yata ang sabi
ng doktor, pero hindi at kulam pala. Sandali lang pinagaling ni Da Ipe. Si Damian, ulser daw,
nakatuwaan lang pala ng nuno sa punso. Si Robert ng Tata Sidro mo. Si Ameliang kapitbahay nyo. Si
Turing.
Marami pa siyang sinabi na pinagaling ni Da Ipe. Wala siyang binanggit tungkol doon sa kung hindi man
pinalubha ni Da Ipe ay hindi naman niya napagaling. Si Doro, si Maryang Tuhod, si Enyang, si Andang
Pedro, si Tacing.
Bayaan mo, Kuya Miguel, sabi ni Inang, at baka madala rin namin si Berting bago matapos ang
linggong ito. Ngunit alam kong alam ni Inang na hindi papayag ang Kuya. Buung-buo ang sampalataya
ni Kuya sa siyensiya ng medisina kung sakit at sakit din lang ang pag-uusapan. Nasa huling taon na sa
kolehiyo si Kuya at Medical Technology ang kanyang kurso. Pangarap din kasi niya na makarating sa
Amerika.
At ako nga, bagaman at salutatoryan nang magtapos ng haiskul ay napilitang maghinto muna matapos
makaisang taon sa UP. Hintayin mo nang makatapos ang Kuya mo, madalas na sabihn ni Inang. Buti
kung buhay pa ang Amang mo. Baka sakaling matustusan namin kayong dalawa. Pero ngayon, kahit
nakatutulong na ang Ate Ester mo ay hirap pa rin tayo. Hindi alam ni Inang na hindi na niya kailangang
sabihin pa sa akin ang aming pagsusumikap na umunlad. Hindi na niya dapat isa-isahin pa ang
matatarik na bundok sa aming harapan. Aalis na lamang akong nahahabag kay Inang, dahil alam kong
nahahabag din siya sa akin.
KURBATANG ITIM
Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
atlong taong nakipagsapalaran sa Amerika si Doray. Nilisan niya ang Pilipinas at ang minamahal
na pamilya sa pag-asang makahahanap ng higit na magandang kabuhayan at kinabukasan sa "lupa
ng gatas at pulot-pukyutan". Isa siya sa maraming pinalad na pinagkalooban ng U.S. Embassy, sa
Maynila, ng visa upang makapamasyal sa Amerika bilang turista. Ang pahintulot na ito ay may bisa
lamang nang anim na buwan; samakatuwid, pagdating ng takdang panahon, ang turista na
pinagkalooban ng visa ay inaasahang lilisanin ang Amerika at babalik sa Pilipinas o alin mang
pinanggalingang bayan. Isa rin si Doray sa marami nating kababayan na, sa halip na bumalik sa
Pilipinas, ay nagpasiyang "magtago" at makipagsapalaran sa Amerika.
Nakataguriang "TNT" ang mga kababayan nating katulad ni Doray, na ang ibig sabihin ay "tago nang
tago". Bagama't hindi sila pinag-uukulan ng panahon at pinaghahanap na isa-isa ng mga kawani ng
Immigration, kaugnay sa paglabag sa pinag-aatas ng visa, hindi rin sila maaaring lumantad o maging
pansinin, at baka ang makaaalam sa kanilang katayuan ay magsumbong sa Immigration at sila ay
madakip.
Ang mamuhay nang nag-iisa at malayo sa mga minamahal sa buhay ay mabigat na
pagsubok sa katatagan ng layunin at tibay ng loob ng isang nilalang. Lalo na kung ang kinaroroonan ay
hindi inibig na puntahan, kundi ito ay atas lamang ng pangangailangan.
Sa simula, ang buong panginorin ay kakaiba sa iyong kinagisnan at dati'y nakikita sa araw-araw. Iba ang
hugis, kilos, tunog at amoy ng mundong ngayon ay bumabalot sa iyong katauhan. Kailangang ikaw'y
managumpay sa pagka-ilang, pagkatakot, at pangungulila. At bagama't ang pagkakaunawa sa bagong
mundo ay dumarating nang unti-unti, sa paglipas ng sapat na panahon, ang taong "nakakulong" sa pook
na hindi angkop sa kanya ay nagiging bihasa at handa sa pakikibaka.
Magiliw na tinanggap si Doray, bilang panauhin sa tahanan ng kanyang pinsan na si Rosemary, sa Los
Angeles . May isang guest room si Rosemary na masayang ipinagamit sa kanya habang siya ay wala
pang tiyak na matutuluyan. Ipinasyal siya ng pinsan sa Disneyland , at makailang ulit, sa baybay-dagat
ng Sta Monica. Ipinagamit sa kanya ang telepono, upang makausap ang asawa at mga anak, na naiwan sa
Pilipinas. Ipinagmaneho siya sa ilang pinuntahang appointment kaugnay sa paghahanp ng trabaho.
Isinama siya sa mga dinners sa restaurants. At sa loob ng isang buwan ay nabuhay siya sa California , sa
Amerika, sa pagtatangkilik ng mabait na pinsan. Sinuklian naman ni Doray ang kabaitan ng pinsan sa
pamamagitan ng paglalaba at pagpaplantsa sa mga damit ng mag-asawa at sa pag-aayos sa mga gamit sa
magulong garahe, bukod pa sa pagluluto at paglilinis sa bahay.
Isang umaga, habang nag-aalmusal si Rosemary, kasabay ang asawang Amerikano, ay naulinigan ni
Doray mula sa kanyang kuwarto na ang mag-asawa ay tila nagtatalo.
-- Please be more understanding, -- mahinang sabi ni Rosemary sa asawa.
-- How much longer are we gonna pay for her food and electricity and gasoline? Why can't she stay in the
hotel, Im sure she can find a cheap one. --- You don't understand, -- pakiusap ni Rosemary sa asawa.
Nguni't matigas ang asawang Puti, -- What is the part of paying costlier bills that you don't understand? Paglisan ng mag-asawa nang umagang iyon, patungo sa kanilang trabaho, ay gumayak na si Doray na
lisanin ang lugar na kanyang naging pansamantalang tahanan sa humigit kumulang ay isang buwan,
batay sa narining na usapan ng mag-asawa. Kahi't na hindi niya alam kung saan siya patutungo ay dahil
sa narining ay nagpasiya na ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay.
Tinawagan ang pinsan sa telepono upang ipaalam na siyay may nahanap nang lilipatan, kahi't na
wala pa, at nagpaalam dito at nagpasalamt sa kanyang kagandahang- loob. Bago lisanin ni Doray ang
tahanan ni Rosemary ay nag-iwan siya ng isang liham na may kalakip na $100 na nagsasaad nang ganito:
Hindi man sapat ang halagang ito upang mabayaran ang lahat ng kabutihang ibinigay mo sa akin, ay
maluwag sa loob ko na iwanan ang maliit na halaga na aking makakayanan; salamat sa iyo at kay John;
tatawag ako sa iyo upang ipaalam ang aking katayuan.
KASALAN SA NAYON
ni Eleuterio P. Fojas
indi niya nalilimutan, na noong siya ay may gulang na sampung taon pa lamang, akapatid
niyang pinakamatanda sa lahat sa kanila, ay ikinasal. Dalawang bakang matataba, dalawang
baboy na mabibilog, at hindi niya mabilang kung ilang manok, ang pinatay noon. Lahat halos ng
tao sa nayon ay nagsidalo, ang kainan ay nagsimula sa umaga at natapos sa hapon at pagkatapos ng
kasalan ay may ipinamigay pa ang kanyang ina sa mga kapitbahay at sa lahat ng annunulungan sa
handaan. Hindi niya matandaan ngayon kung makailan siyang kumain ng araw na iyon. Araw ng
Linggo nang ikasal ang kanyang Kuya Saro. Sabado pa lamang ng gabi ay lubhang marami na ang mga
tao sa bahay ng magiging kaisang-palad ng kanyang kuya. Mga dalaga at binata, mga matatanda, at pati
mga bata ay nakatipun-tipon doon. Kung pagmasdan niya ay hindi magkamayaw ang lahat. Para-parang
may ginagawa. At ang salitaan ng bawat isa ay nakatutulig. Hatinggabi na tuloy nang siyay makatulog
noon. Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon kinaumagahan ay inihatid pa ng
isang bandang musko ang mga bagong kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama buhat sa
simbahan at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang nagmamasid. Ang kanyang mga
kapuwa bata na kasaa niyang sumunod sa banda ng musko ay pawang nangagsosogawan pa. Masayangmasaya ang lahat, pati ang kanyang ama at ina, na bagaman nakita niyang napaluha nang humalik sa
kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay palagi nang nakangiti nang araw na iyon. Samantalang
sinasaksihan niya ang lahat ng iyon ay nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung ano, ngunit lubha
siyang nasisiyahan. Ang laha ng iyon ay naukit sa kanyang alaala at ngayoy labis niyang kinasasabikan.
Ganyan din ang ninanais ni Alberto sa araw ng kanyang kasal. Ibig din niyay may handaan at may
kasayahang katulad ng sa kasal ng kanyang Kuya Saro. Hindi bat ang araw ng kanyang kasal ang siyang
magiging kahuli-hulihang araw ng kanyang pagka-binata? Hindi baga naman magiging kahiya-hiya
kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at
pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang bagay na napulot lamang sa daan? May katwirang
ipagsaya ang araw ng kasal ng isang tao. Walang kailangan kung ano man ang sasapitin ng mag-asawa
pagkatapos. Iyan ay hindi pumapasok sa kalooban ng sino mang ikakasal sa araw ng kanyang pakikipagisang dibdib. At, ang gugugulin...? Ang lahat nang iyan ay magagawan ng paraan. Bakit nga ang
kanyang Kuya Saro, kahit na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo ang kanyang ama na katuad din
ngayon, ay naaaring ikasal nang maringal, masaya at may saganang kainan? Aanyayahan niya, hindi
lamang ang lahat ng litaw na tao sa kanilang nayon, kundi pati ang Alkalde ng bayan, ang Tesorero, ang
Hepe ng Pulisya at ang mga kaibigan ng mga ito. Magkakaroon din ng maraming pagkain at alak na
iinumin. At hindi maaaring walang tugtugan. Pagagayakan ang bisita sa nayon at doon sila ikakasal.
Katulad din ng Kuya Saro, upang huwag lumaking lubha ang kanilang gugol, ay manghihiram na
lamang siya ng isang terno kay Abogado Narding na kasintaas niya at nakakasinlaki niya ang
pangangatawan. Hinggil sa kasuutang pangkasal ng kanyang magiging kabiya, aba, bibigyan niya ito ng
limampung piso, katulad din ng ginawa ng kanyang Kuya Saro, upang ipamili ang maiibigan. Ang lahat
ng iya ay napagkayarian na ni Alberto at ng kanyang ama. Hindi na matatapos ang aking buhay na
isang kasama lamang ni Ingkong Karyo sa habang panahon, ang ibig isagot ng kanyang ama bilang
katugunan sa lahat ng panukala ni Alberto. Subali, ang marahan at malumanay na ipinakli niya sa
kanyang anak ay ganito: Pabayaan mo at gagawan ko ng paraan ang lahat ng iyan. Makikipag-usap ako
kay Ingkong Karyo. Hindi napansin ni Alberto ang pangungulimlim ng mukha ng kanyang ama na
noon ay tila nag-iisip nang malalim. At lalong hindi nalalaman ni Alberto na masaganang luha ang
bumalong sa mga mata ng kanyang ina nang matanto ang mga kinakailangang ihanda sa nalalapit na
kasalan. Huwebes pa lamang ng hapon ay nakita na ng amga taganayon sa Amaya na dalawang bakang
matataba ang nakatali sa puno ng sampalok sal likod-bahay nina Alberto. At kinabukasan ng umaga,
madilim-dilim pa halos ay nakalalagim an sigaw ng dalawang baboy na mabibilog ang pumukaw sa
pagkakahimbing ng mga kapitbahay nila. Tangkal-tangkal na manok ang idinating pa noong Sabado ng
hapon. Mukhang malakasan ang kasal ni Alberto, ang salitan ng isat isa sa pagupitan ni Isyo nang
EMMANUEL
ni Efren Abueg
a taya ko'y mga dalawampu't anim na taon siya. Maputi. Mataas. Matangos ang ilong. Malalamlam
ang mata. Malago ang kilay. Daliring-babae. Nakapantalon ng abuhing korduroy at iskiper na
kulay-langit. Nagbakasyon ako sa Naga sa anyaya ng isang kaibigan, at nang pabalik na ako sa
Maynila lulan ng tren, ay nagkatabi kami sa kotseng primera klase. Nakababagot ang mahabang
paglalakbay. At sa kawalan ng mapaglibanga'y nakipag-usap ako sa kanya. Hindi siya masalita, ngunit
isa siyang mabuting tagapakinig. Malungkot ang kanyang tinig, at ang ilang kasagutan niya sa mga
katanungan ko'y tila kakambal ng hiwaga. Naitanong ko kung saan siya nanggaling. "Marami akong
pinanggagalingan," sagot niya. "Naglilibot?" "Siguro. Ewan ko." Sa manaka-nakang pagsasalita niya'y
natiyak kong malawak ang kanyang kaalaman. Bawat paksang buksan ko'y saklaw niya: sining,
siyensiya, kasaysayan, relihiyon, pulitika. Sa madaling salita'y sinapit namin ang Maynila. Bago kami
naghiwalay ay nagkamay kami't nagpakilala sa isa't isa. "Minsan, magpasyal ka sa bahay." Sinabi niya
ang kanyang tirahan; tinandaan ko iyon at nang magkalayo kami'y itinala ko sa likod ng kaha ng
posporo. Aywan ko kung anong pang-akit mayroon si Emmanuel upang hangarin kong magkita kaming
muli. Dinalaw ko siya makalipas ang limang araw. Marahil ay labis ang katagang "nanggilalas," ngunit
tunay na nanggilalas ako nang makita ko ang bahay na tinitirhan niya. Mahirap ilarawan ang bahay na
iyon. Ang masasabi ko lamang, bago ako makapagpatayo ng gayong bahay ay kailangang tumama muna
ako ng unang gantimpala sa karaniwang bolahan ng suwipistik. May pulang Thunderbird sa carport.
Bago ako pinatuloy ng isang utusang babae ay ipinagbigay-alam muna niya kay Emmanuel ang aking
pagdating. Nasa salas si Emmanuel, nakaunat sa mahabang sopa. Nakaputing korto siya, hubad-baro.
Mabalahibo ang kanyang binti. Ang mukha niya'y namumula: marahil ay dahil sa alak. Umiinom siya.
Nakangiti sa akin si Emmanuel, ngunit ni hindi siya tumayo. Inginuso niya ang isang sopa. Maingat na
naupo ako. "Kumusta, brad?" bati niya. "Eto," kiming sagot ko. "Iinom tayo, brad." Husto sa mga
makabagong kasangkapan ang kabahayan. May hi-fi. May telebisyon. May telepono. Bentilador. May
piyano. "Kung alam kong ganito ka, brad," sabi ko habang sinasalinan ko ng wiski ang basong kaaabot pa
lamang sa akin ng utusan, "baka nag-isip muna ako nang makasampu bago ako nagpunta rito." "Ow."
Nasakyan niya ang nais kong ipakahulugan. "Walang kuwenta iyan." Itinanong ko ang mga kasambahay
niya. "Ako lang, saka ilang katulong." Sa pag-uusap nami'y nalaman kong ulilang lubos na siya. Ang
kanyang mga magulang ay nasaawi sa sakuna samantalang nagliliwaliw sa buong daigdig; umano, ang
eroplanong kinalululanan ng mga magulang niya'y bumagsak sa Roma. Ang tanging kapatid niya, lalaki
at matanda sa kanya, ay may asawa na. Ang paksa'y nagawi sa pag-aaral. "Tapos ako ng medisina pero
hindi ko ginagamit," sabi niya. "Hindi ko naman kasi hilig iyon pero siyang ipinakuha ni Mommy.
Doktor si Mommy. Sabagay, hindi ko naman alam noon kung anong karera ang talagang gusto ko.
Ikaw?" "Kumuha ako ng komersiyo pero nahinto." "Bakit?" "Kinapos," patawang amin ko. "Nagtatrabaho
ka na lang?" "Nagbibilang ng bituin. Kung medyo ginaganahan, nagsusulat...nagkukuwento ng mga
kalokohan." Dumidilim na nang magpaalam ako. Inihatid ako ni Emmanuel hanggang sa makalabas ng
tarangkahan. "Bumalik ka," sabi niya. Tumango ako bagama't hindi ko tiyak kung mababalik pa nga ako
sa bahay na iyon. Ngunit nagbalik ako pagkaraan ng dalawang linggo. At gaya noong unang pagsasadya
ko roon, si Emmanuel ay dinatnan ko na namang umiinom. Nagkaroon siya ng kainuman. Sa
pagbibidahan nami'y naitanong niya kung ako'y mahilig sa babae. "Lalaki tyao, brad," sabi ko. "Anong
klaseng babae naman ang gusto mo?" "Maganda. Mabait. Malambing. Ikaw?" "Ewan ko. Maglabas tayo
ng babae, gusto mo?" May pumitlag sa dibdi ko. "Kung sa gusto'y talagang gusto ko. Pero hindi ako
puwede ngayon." "Kuwarta?" Matunog siyang makiramdam. Tumango ako. "Ow. Walang kuwenta
iyan." May tinawagan siya sa telepono. "Susunduin natin sila mamayang alas-otso," pagkababa sa
auditibo'y sabi ni Emmanuel. Doon na ako naghapunan. Ikapito ng gabi'y lulan na kami ng Thunderbird.
Dumaan kami sa tindahan ng bulaklak at bumili ng dalawang corsage. Alam ko kung kanino namin
ibibigay ang mga bulaklak at naisip ko na hindi yata basta babae ang ilalabas namin. Hindi nagkamali
ang kutob ko. Ang dalawang babaing kinaon namin, sa mga bahay na tila kastilyo, ay kapwa maganda,
parang mga manikin. Myrla ang pangalan ng nakapareha ko. Nagtabi kami sa hulihang upuan ng
Thunderbird. Sa kagandahan ni Myrla, at sa bangong nalalanghap ko ay parang ibig kong mangarap
nang dilat. Naumid tuloy ang dila ko at bahagya ko nang kausapin si Myrla. Nagnaitklab kami---inom,
bidahan, sayaw, inom, sayaw. magkahalong Ingles at Tagalog ang usapan namin. Kalaliman ng gabi'y
KILLJOY SI AL SAYMER
Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Nag-iisa na lamang na namumuhay si Alberto. Ipinagpatuloy niya ang paninirahan sa kanyang bahay sa
siyudad ng Los Angeles kahit na wala na ang asawa, sumakabilang-buhay na siya. Iyon ang kanyang
naging tahanan mulat sapul pa nang kakakasal pa lamang niya sa asawa, humigit-kumulang na mga
apatnaput limang taon na ang nakalilipas.
May isa siyang anak na lalaki na bihira na niyang makita. Siyay sa East Coast naninirahan at abala sa
trabaho at sa pag-aasikaso sa kanyang sariling familia. Kung masusunod ang anak, ang makabubuti ay
manirahan ang ama sa isang retirement home, at nang siya ay may makakasamang ibang tao. Doon ay
may mga caregivers na titingin sa kanyang pangangailangan. Ngunit ang ibig ni Alberto ay mamuhay
nang malaya at batay sa kanyang paniniwalang kaya niyang magsarili.
Malusog ang pangangatawan ni Alberto. Nakapagmamaneho pa nga siya. Ngunit siyay malilimutin na.
Noong buhay pa ang asawa, malimit na nababahala ang asawa sapagkat maraming nalilimutan si
Alberto.
Nalilimutang mag-flush ng toilet pagkagamit nito. Nalilimutang patayin ang apoy sa stove kahit na
natuyo na ang pinakukulong tubig para sa kape.
Minsan ay paalis si Alberto. Lumabas na ng bahay. Wala pang tatlong minuto ay bumalik nalimutan
daw niya ang kanyang susi ng awto. Pinulot ang susi at lumabas na muli. Maya-maya ay bumalik na
naman. Nalimutan daw niya ang salamin sa mata.
Hindi naman sila masyadong nagkakaiba ng asawa. Ang asawa ay malilimutin din. Ang pagiging
malilimutin ay kapuwa nila itinuring na bahagi ng pagtanda, natural lamang na mangyari, at di
maiiwasan.
Malimit ay sinasabi ng babae Ay, Alberto, kung hindi nakakabit iyang sa iyo, malamang ay
malilimutan mo rin kung saan mo inilagay.
Abogado si Alberto noong araw, bago siya mag-retire. Matalas ang kanyang isip at mahusay siya sa
pagsasalita at pagpapaliwanag. Karamihan ng kaso niya sa korte ay panalo.
Kamakailan ay nagwagi ng premyo si Alberto sa pa-contest ng isang radio station. Ang lucky caller ay
magwawagi ng libreng ticket sa isang Dodgers baseball game. May dagdag pa na free dinner for two and
hotel accommodation sa Hotel Bounaventure. Pipili ang radio station ng isa pang winner na makaka-date
ng lucky caller sa dinner at sa pagkakaroon ng aliw sa gabing nabanggit.
Sapagkat si Alberto ay isa nang balo, walang masama na siya ay makakilala at makipagkita sa isang
babae.
Di nakikita ni Alberto ang kanyang magiging ka-date, ngunit batay sa paglalarawan ng radio announcer,
ang magiging ka-date ay bata at maganda.
Siya si Tara, tatlumput walong taong gulang, isang dibursiyada, real estate ang profesion, maganda, at
mahilig sa baseball.