Está en la página 1de 4

CHAIR OF ST.

PETER SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO GRADE 7
PANGALAN: __________________________________
GURO: Bb. Michelle Anne B. Oa

I.

NAKUHA:____________
PETSA: _____________

Basahin ang sumusunod na mga talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali daling kinagat ito.Dinala niya ang buto
upang iuwi sa kanilang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, nakakita siya ng ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at
dooy nakita ang sariling anino. Sa pag-aakalang may iba pang aso na may hawak-hawak ring buto, tinahulan niya
iyon nang tinahulan.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong kagat-kagat at ito ay nahulog. Hindi namuling
nakuha ng sakim na aso ang buto.

1. Ang binasang akda ay isang


a. Pabula

b. epiko

c. bugtong

2. Ano ang nakita ng aso habang papauwi sa kanilang tirahan?


a. Buto
b. ilog

c. tao

3. Ano ang katangian ng aso


a. Mapagmahal

b. sakim

c. mapagbigay

4. Bakit tumahol ang aso?


a. Dahil may nakitang tao

b. dahil sa buto

c. dahil sa nakitang sariling anino

5. Ano ang aral ng akdang binasa?


a. Maging mapagbigay

b. huwag maging mayabang

c. matutong makuntento

Ang Unang Paruparo


Tahimik ang mga taong naninirahan sa isang bayan. Kaibigan nila ang matandang may-ari ng malawak na
halamang punong-puno ng mga bulaklak. IIsa ang hiling ng matanda sa sinumang hihingi ng bulaklak, na siya
lamang ang pipitas ng bulaklak.
May mag-asawang mayaman na sumuway sa hiling ng matanda. Hindi nilanapigil na pumitas ng mga
bulaklak. Sa galit sa mag-asawa, ginawa silang paruparo ng matanda. Mula noon, ang mga paru-paro ay lapit nang
lapit sa mga bulaklak. Dapo nang dapo at lipad nang lipad.
6. Ano ang nag-iisang hiling ng matanda?
a. Magtanim pa ng maraming bulaklak
b. Siya lamang ang pipitas ng bulaklak

c. bigyan siya ng bulaklak

7. Sino ang sumuway sa kahilingan ng matanda?


a. Ang mag-asawa
b. mga tao

c. mga bata

8. Ano ang katangiang ipinakita ng mag-asawa?


a. Kabaitan
b. pagiging masunurin

c. kawalan ng paggalang

9. Ano ang kaparusahang ibinigay ng matanda sa mag-asawa?


a. Ginawa niya itong paruparo
c. ang mag-asawa ay naging tagapagsilbi ng matanda
b. Ginawa niya itong bulaklak
10. Anong aralang mahihinuha natin sa akda?
a. Maging matapang
b. maging masunurin

c. huwag mawalan ng pag-asa

II. Kahulugan ng Salita


A. Bilugan ang kahulugan ng salitang nakadiin sa bawat bilang.
11. Humanap ng ibang libutan si Tenoriong Talisayin buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang.
a. Tirahan
b. ikutan
c. tulugan
12. Ipinamalita ni Talisayin na kasintahan niya si Denang Dumalaga.
a. Sinisinta
b. kakilala

c. kaaway

13. Gusot-gusot na ang balahibo ng manok na iyon.


a. Iba-iba
b. gulo-gulo

c. makulay

14. Hindi halos makagulapay ang matanda dahil sa karamdaman.


a. Labis na antok
b. labis na paghikbi

c. labis na panghihina

15. At kung hindi ako ang sumaklolo, wala ka na ngayon.


a. Sumigaw
b. tumulong

c. nakialam

B. Bilugan ang salitang HINDI dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan nito.
16.
17.
18.
19.
20.
III.

kinain
kahindik-hindik
nag-aalab
matalim
agad

inumin
malagim
nilalamig
mapurol
mabilis

nilapa
nakatatakot
nag-iinit
matalas
mabagal

sinibasib
maslimuot
nagpupuyos
nahasa
dagli

PANITIKAN
A. Tukuyin kung saang kuwento nagmula ang sumusunod na pahayag. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
A.
B.
C.
D.
E.

Ang Munting Ibon


Natalo Rin si Pilandok
Indarapatra at Sulayman
Pag-Islam
Ang Mahiwagang Tandang

____21.Ang mag-asawa sa kuwentong ito ay kapwa na bubuhay sa mangangaso.


____22. Ito ay patungkol sa kagitingan ng magkapatid sa pagtulong sa Mindanao.
____23.Kapag tumilaok ang manok, ito ay naglalabas ng magagarang damit at kapag dumumi ay naglalabas ng ginto at
pilak.
____24.Isang Imam ang nagsasagawa ng seremonya ng Paggunting.
____25.Isang suso ang nakatalo kay Pilandok.
____26.Ang huling yugto ng Pagislam ay isinasagawa sa ikapitong taong gulang ng bata.
____27.Iniwan ni Lokes a Babay ang kanyang asawa dahil hindi na nito matiis ang pakikitungo nito sa kanya.
____28.Tuwang- tuwa si Ibrah sa pagsilang ng kanilang anak.
____29.Kinalaban ni Sulayman ang ibat ibang mga halimaw upang iligtas ang kababayan.
____30.Nakaisip ng paraan si Bago a mama upang masolusyunan ang kanilang problema.

B. Tukuyin kung anong uri ng panitikan ang sumusunod. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
A.
B.
C.
D.
____31.Mariang Makiling
____32.Senakulo
____33.Ang Pagong at ang Matsing
____34.Mga kuwento ni Juan Tamad
____35.Bidasari

Kuwentong Bayan
Epiko
Pabula
Dula
____36.Hudhud
____37.Indarapatra at Sulayman
____38.Natalo Rin si Pilandok
____39. Panunuluyan
____40. Si Malakas at Maganda

IV. BALARILA
A. Salungguhitan ang mga salita o ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa bawat bilang.
1. Maaari nga kayang maglaho ang mga lahi ng hayop na nanganganib nang maubos?
2. Posible kayang makatulong ang mga mamamayanpara maisalba ang mga hayop na ito?
3. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibigay sa mga lalabag sa batas.
4. Tila mas madaling sabihin iyan kaysa gawin.
5. Marahil, iyan ang pinakamabuting gawin ngayon.
6. Puwede kayang bumuo tayo ng proyektong tatawag pansin sa iba para pangalagaan ang mga hayop sa gubat?
7. Sa tingin mo, posible kayang magkaroon ng katahimikan sa mundo?
8. Baka mahirap iyan dahil wala naming nakabantay sa kagubatan.
9. Malamang uulan mamaya. Makulimlim ang langit.
10. Hindi posible iyang sinasabi mo.
B. Piliin ang tamang pang-angkop sa sumusunod na pangungusap.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.

Ang lagim ay bigla (-ng, na) dumating sa kanilang lugar.


Tinitirhan ang bundok ng isa (-ng, na) halimaw.
Lahat ng tao ay nagtago sa kuweba upang makaligtas sa salot (-ng,na) halimaw.
Ang kalagim-lagim (-ng, na) sinapit ng baying iyon ay nagdulot ng lungkot.
Ginawang malagim ng isa pa (-ng, na) ibong may pitong ulo ang pagkamatay ng biktima nito.
Siya ay mapagmahal (-ng, na) hari.
Ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig (-ng, na) lunas sa kanyang sakit.
Ang marami (-ng, na) nayong wala kahit isang tumtahan dahil sa halimaw.
O mahal na hari (-ng, na) Indarapatra, ngayon din akoy lilipad.
At kanyang napagtanto na ang ibon (-ng, na) kalaban ay dumating na.

C. Piliin ang angkop na pang-ukol sa sumusunod na pangungusap.


21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.

Alinsunod (sa, kay) kalooban ng Diyos ang kanyang naging pasya.


Siya ay nagpunta (kay, kina) Selya.
Tungkol (sa, kay) Pangulong Aquino ang kanilang pinag-uusapan.
Alinsunod (sa, kay) batas ang sinusunod ng bawat mamamayan.
Maging maingat (sa, kay) lahat ng iyong sasabihin.
Ako ay may regalo para (sa, kay) kanya.
Mayroon siyang ibinahagi ukol (kay, sa) G. Cruz.
Tawag (ng, nang) tawag ang kanyang ina.
Nararapat tayong maging maingat laban (sa, kay) sakit.
Ang lahat (ng, nang) ating ginagawa ay nakatuon sa kabutihan ng kapwa at bansa.

D. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang sumusunod. Gamitin ang sumusuod na gabay.
E
M
PM
MS

Eksistensyal
Modal
Padamdam
Maikling Sambitla

PN
PL
T
PP

____31. Tisoy!
____32. May tao.
____33. Makulimlim kahapon.
____34. Magandang umaga po!
____35. Kay gandang bata!

Panawag
Penomenal
Temporal
PormularyongPanlipunan

____36. Alas dose na.


____37. Puwedeng humingi?
____38. Asus!
____39. Salamat.
____40.Wala pang bisita.

V. PAGSULAT
1. Ipaliwanag ang kasabihang ito. (5 puntos)
Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.

Mga Pamantayan
May kaugnayan sa paksang nakasaad.
Wasto ang ginamit na mga salita at
pagkakabuo ng pangungusap. (balarila)
Malinis at maayos ang pagkakasulat
KABUUAN:

PUNTOS
2

NAKUHA

2
1
5

2. Ipaliwanag ang kasabihang ito. (5 puntos)


Walang sinuman ang makapipilit sa kanyangkapwa-tao na magbagong-buhay.Dapat na ang pagbabago ay
magmula sa mismong indibidwal at ninanais niya ito.

Mga Pamantayan
May kaugnayan sa paksang nakasaad.
Wasto ang ginamit na mga salita at
pagkakabuo ng pangungusap. (balarila)
Malinis at maayos ang pagkakasulat
KABUUAN:

PUNTOS
2
2
1
5

GOOD LUCK AND GOD BLESS!

NAKUHA

También podría gustarte