Está en la página 1de 1

# 16

Ang Magagawa Ko Mapabuti Ang Aking Kalusugan


( ni Narmie P. Maulingan Asuncion ALS CLC )

Ang Kalusugan ay ang kondisyon ng ating pangangatawan. Ito ang ating


puhunan sa araw-araw na buhay. Lahat tayo nagnanais na mapabuti ang kalusugan.
Ano nga ang magagawa ko upang mapabuti ang aking kalusugan?
Ang aking kalusugan ay mahalaga sa akin. Lahat ng bagay na alam kong
makakasira nito iniiwasan ko. Para sa akin marami akong magagawa upang
mapabuti ang aking kalusugan. Kakain ako ng mga masustansiyang pagkain gaya
ng gulay, prutas at iba pa. Mag-eehersisyo ako araw-araw. Mayroon ding mga
bagay na dapat kong iwasan. Huwag magpuyat dahil ito ang maging dahilan ng
pagkakaroon ng mababang dugo. Maging dahilan upang magkaroon ng anemia.
Iiwasan kong uminom ng alak at gumamit ng ipinagbabawal na gamot dahil
nakakasira ito sa utak. Ang pag-inom ng sobrang alcohol ay maging dahilan upang
masira ang baga. Ang paggamit din ng sigarilyo ay isa rin sa mga dahilan sa
pagkasira ng baga. Iiwasan ko ring kumain ng dalawang beses sa isang araw.
Kailangan kong kumain ng tamang oras upang maiwasan ang pasma na maging
dahilan sa pagkabaliw. Ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan ay isang
malaking biyaya sa Diyos. Kaya, nagpapasalamat ako sa Kanya dahil binigyan
niya ako ng mabuting kalusugan. Magagawa ko ang mga bagay na gusto kong
gawin at malayo sa sakit.
Hindi lahat sa atin nag-iisip na mapabuti ang kalusugan. Minsan may mga
taong inaabuso ito. Minsan lang tayo magkaroon ng buhay. Ang kalusugan ay gaya
ng ating buhay hiram lang din natin ito sa diyos. Matuto tayong pangalagaan ito at
mahalin. Magdasal tayo sa Diyos na sana bigyan Niya tayo ng positibong pananaw
upang maiwasan natin ang mga masamang gawain.

También podría gustarte