Está en la página 1de 1

#7

Ang Magagawa Ko Sa Paglutas ng Suliranin Sa Basura


( ni Yolanda Panimbaan Canatan Learning Center )
Basura . . . mga bagay na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran. Ito ay
nagdudulot ng sakit, kadalasan ay sanhi ito ng pagbaha. Tulad ng dumi, balat ng
prutas, bulok na gulay, cellophane, papel, mga sirang bagay at iba pa. May mga
basura rin na inaakalang wala ng pakinabang. Anu-ano ang mga pinakanararapat
na gagawin upang mabawasan ang pagdami ng basura? Kailangan pa ba nating
makakaranas ng trahedya o sakuna bago tayo kumilos para malutas ang malaking
problema ng basura dito sa ating bansa?
Marami ang mga karapat-dapat na gagawin upang mababawasan ang pag
dami ng basura. Una na rito ang tinatawag na segregation o paghiwa-hiwalay ng
mga nabubulok sa hindi nabubulok. Ang mga nabubulok ay kadalasan balat ng
prutas, balat ng gulay at marami pang iba. Pwede rin itong mapakinabangan sa
pamamagitan ng pagkain ng mga hayop o kaning baboy. Ang mga hindi nabubulok
ay malaki ang pakinabang. Ito ay pwedeng ipunin at ibenta, tulad ng mga bote,
mga plastic na gamit na mga sira na, mga cellophane na pwedeng irecycle at iba
pa. Sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan, malaki ang tulong at mabawasan
dahil kung nakakalat lang ang mga ito, magiging sanhi ito ng pagbaha at maruming
kapaligiran. Ang mga basurang pinapabayaan sa paligid ay malaking pinsala sa
ating mga buhay. Marami ang maapektuhan lalo na sa pamumuhay dahil kung
halimbawa ay babaha ng dahil sa basurang nakakalat, hindi makakapaghanapbuhay
ng tama. Hindi natin kailangan pang dumanas ng trahedya o sakuna bago tayo
kumilos para malutas ang malaking problema ng basura dito sa ating bansa.
Kailangan ngayon pa lang ugaliin na ang pagsegregate recycle at re-use dahil
dito malaking magiging tulong natin sa paglutas ng suliranin ng basura dito sa
ating bansa.
Dapat nating alagaan ang ating kapaligiran dahil tayo rin naman ang
maghihirap at magdurusa. Basura ay ayusin para na rin sa ating kapakanan.
Maayos ang ating kapaligiran kung tayo mismo ang nangunguna sa paglinis nito.
Ang lahat ng ito ay magagawa at maiintindihan natin sa tulong at panalangin ng
ating Amang Maykapal.

También podría gustarte