Está en la página 1de 18

Ang Pantig

at
Palapantigan

Ano ang pantig?


Ang pantig o silaba ay
isang yunit ng tunog na
binubuo ng isang patinig o
kambal-patinig at isa o
mahigit pang katinig.

Kayarian ng Pantig
Kayarian

Halimbawang Salita

a.a

KP

bi.be

PK

ok.ok

KPK

pat.pat, fag,fag.to

KKP

pla.pla

PKK

arm, urn

KPKK

dorm, form

KKPK

plan, tram, fak, ghet

KKPKK

tsart

KKPKKK

shorts

Pagpapantig ng Salita
Ang pagpapantig ay paraan
paghati sa isang salita
alinsunod sa mga pantig na
ipinambuo dito.

Mga Tuntunin Sa Pagpapantig


Kapag may maggkasunod na dalawa o higit
pang patinig sa posisyong pang-una, panggitna, at
pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig.
Halimbawa: /a.ak.yat/ (aakyat)
Kapag may magkasunod na katinig sa loob
ng isang salita, ang una ay isinasama sa
sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa
kasunod na pantig.
Halimbawa: /ak.lat/ (aklat)

Kapag may tatlong magkakasunod na katinig


sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay
sumasama sa patinig ng sinindang pantig at ang
ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig.
Halimbawa: /trans.fer/ (transfer)
Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na
katinig ay M o N ang kasunod sa alinman sa BL,
BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig (M/N) ay
isinasama sa unang patinig at ang sumunod na
dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na
pantig.
Halimbawa: /tim.bre/ (timbre)

Kapag may apat na magkakasunod na


katinig sa loob ng isang salita, isinasama ang
unang dalawang katinig sa sinusundang patinig
at isinasama ang huling dalawang katinig sa
kasunod na pantig.
Halimbawa: /eks.plo.si.bo/ (eksplosibo)

Tuntunin sa Pantig na Inuulit


Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang
patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa: /a.ak.yat/
Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita,
ang unang pantig lamang ang inuulit.
Halimbawa: /la.la.kad/
Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o
kumpol-katinig(consonang clustera), ang unang
katinig at patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa: /i.pa.pla.no/

Ang gamit ng Gitling


Ginagamit ang gitling sa loob ng salita sa mga sumusunod
na pagkakataon:
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigt sa isang pantig
ng salitang ugat Hal. Gabi-gabi
buwan-buwan
sari-sarili
2. Kung sa unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang
nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hidi ginitlingan
ay magkakaroon ng ibang kahulugan Hal. Pag-alis
tag-init
mag-utos
3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang
salitang pinagsama Hal: dalagang tagabukid-dalagang-bukid
humigit at kumulang humigit kumulang
bahay na aliwan bahay-aliwan

Subalit kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago


ang kahulugan, hindi na gagamitin ng gitling ang pagitan
nito.
Hal. Dalagambukid
buntunghininga
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand,
o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang
tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Hal. Maka-diyos
taga-maynila
mag-corona
Sa paguulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi,
ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inuulit na unang pantig
ng tanging ngalan ng buong tanging ngalan.
Hal. Magja-Japan
Magzo-Zonrox
Magfo-Ford
5. Kapagang panlaping ika- ay inuunlapi sa numero o
pamilang.
Hal. Ika-7:30 ng umaga
Ika-20 pahina
Ika-12 kabanata

6. Kapag hinati ang salitang salita sa dulo ng isang linya.


Hal. Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng Filipino.
7. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Hal. Isang-kapat
Tatlong-kanim
Limat dalawang kalima 5 2/5
8. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae
at ng kanyang asawa.
Hal.
Jane Kirba-Lartec
Olimpia Zorilla-Zuniga
Anita Linda-Cruz

MGA DIAGRAPO
1.Diagrapong CH
-Panatilihin ang diagrapong ch kapag ang salita ay hiniram sa
orihinal na anyo.
Hal. Chosuey
-palitan ang diagrapong ito ng ch kung ang tunog ay /ts/ sa
hiniram na salita
Hal.
Chinelas tsinelas
2. Diagrapong SH
-panatilihin ang diagrapong sh kapag ang salita ay hiniram sa
orihinal na anyo
-Shell
-sh-sy kung ang tunog ay /sy/
Scholarship iskolarsyip
3. Diagrapong ng
Panatilihin ang ng para sa tunog na /ng/ sa dahilang
mahalagang ambag ito ng palatunugang Filipino. Ang tunog na
ito ay maaring nasa inisyal, midyal at final posisyon.
Tanghalan

Maraming
Salamat
Po!!!

También podría gustarte