Está en la página 1de 16

Documents Name: UBD LESSON PLAN

Documentation for:
The Rector and Principal
Prepared by:

Subject Title:
HELE 5

Miss Carlota DC delos Santos


(Subject Teacher)

Ika- apat na Markahan

Checked by:
Paksang Aralin:
Yunit V: Gawaing Pantahanan
Aralin 2: Pag-iimbak ng Pagkain

Mga Paraan ng Pag-iimbak ng


Pagkain
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagpili ng Pagkaing Iimbakin
Paraan ng Paggawa ng Burong
Mustasa

Mrs. Marivic SD Custodio


(Subject Area Coordinator)
IMMACULATE CONCEPTION
SCHOOL OF MALOLOS
Poblacion Malolos City,
Bulacan
AY 2014-2015

Mrs. Maria Jesusa E. Santiago


Assistant Principal
Submitted to:

Aralin 3: Pananahi sa Makina

Certified Correct:

Mga Bahagi ng Makinang Panahi


Wastong Pangangalaga ng
Makinang Panahi
Paraan ng Pananahi ng Kasuotang
Panluto (Apron )

Mrs. Josefina B. Villavicencio,


M.Ed.
(Principal)
Time Frame:
10 sessions- 5 weeks
(2 times a week)
Date Prepared:
May 24-25,2014

Reference:
Tahanan at Kabuhayan Pagyamanin et.,
al ni Regina C. Buena, pahina 167-196

Date Submitted:
May 26,2014

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at


Pangkabuhayan nina Ana B. Ventura at
Evelyn D. Deliarte; p.284-290

Think
Intuit
Feel
Do

Communicate
Lead

Be

STAGE 1: MGA LAYUNIN SA BAWAT PAKSA:


Maunawaan ang kahalagahan ng mga kaalaman sa mga gawaing pantahanan.
Malaman ang ibat ibang gawaing pantahanan
Matutuhang magpahalga sa mga biyayang ibinigay ng Maykapal.
Magtamo ng kakayahan sa paggawa ng isang proyektong kaugnay ng mga gawaing
pantahanan .
Makabuo ng isang kasuotang panluto na magagamit sa mga gawaing pantahanan.
Makapagpalaganap ng mga tamang kaalaman sa gawaing pantahanan.
Mahikayat ang kapwa para pahalagahan ang mga gawaing pantahanan na
makakatulong sa paggamit ng malayang oras sa kapaki-pakinabang na paraan.
Manguna sa paggawa ng gawaing pantahanan.
Maging isang indibwal na marunong gumamit ng kagamitang sariling atin na biyaya ng
Diyos sa tao.

MAHALAGANG MGA KATANUNGAN

Ano ang mabuting idudulot ng pagkakaroon ng


kaalaman sa mga gawaing pantahanan?

MAHALAGANG MAUNAWAAN

Ang mga pagkakaroon ng kalaman sa mga


gawaing pantahanan ay maaaring magmulat
sa kaisipan upang mapaunlad ang sarili at
maaaring magdulot sa atin ng pagkakakitaan.

Bakit mahalagang magkaroon ng kakayahan sa


pag-iimbak ng pagkain?

Mahalagang magkaroon ng kakayahan sa


pag-iimbak ng pagkain dahil itoy nagdudulot
ng katipiran at pagkakakitaan sa matalinong
paraan.

Paano makatitipid ng oras at lakas sa


pagsasagawa ng pag-iimbak?

Makakatipid ng oras at lakas sa pagsasagawa


ng pag-iimbak sa pamamagitan ng
maramihang paggawa at paghahanda ng
talatakdaan ng gawain sa isasagawang pagiimbak.

Bakit mahalaga ang magkaroon ng kasanayan


sa pananahi?

Mahalagang magkaroon ng kaalaman at


kasanayan sa pananahi dahil itoy
makakatulong sa paggawa ng mga kasuotan
at iba pang kagamitang gawa sa tela.
Makakatulong din ito sa pagkukumpuni ng mga
sirang damit.
KAKAYAHAN
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kakayahan
sa..

pag-iimbak ng pagkain
paggawa ng burong mustasa na isa sa mga
iniimbak na pagkain
pagpapatakbo ng makinang panahi
paggawa ng kasuotang panluto o apron gamit
ang makinang panahi

KAALAMAN
Ang mga mag-aaral ay matutunan ang

ibat ibang mga gawaing pantahanan


kaalaman sa pag-iimbak ng pagkain
pananahi sa makina
wastong pangangalaga sa makinang panahi
mga dapat isaalang-alang sa pag-iimbak ng
pagkain
pagtitipid ng oras, lakas at panahon sa pagiimbak ng pagkain
STAGE 2: ACCEPTABLE EVIDENCE
Performance Task:
Ikaw ay isa sa mga magtatanghal sa mga taong biktima ng mga kalamidad. Sumulat ng isang tula na may apat
na saknong na nagpapahiwatig ng iyong pakikisimpatya. Magsuot ng gawang kasuotan gamit ang mga lumang
papel.
Pamantayan sa Pagmamarka.
Madamdaming pagbigkas ng mga salita
25
Malikhaing paggawa ng Kasuotan tugma sa paksa ng tula
15
Epekto ng tula sa mga nakikinig at nanunuod
10
Kabuuang Marka
50

Other evidences:
Quizzes
Seat works
Book exercises
Group activities
STAGE 3: LEARNING ACTIVITIES
Unang Linggo: Unang Araw

Kayoy asin sa salibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapapanauli ang alat
nito? Wala na itong kabuluhan, kayat itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.
Mateo 5:13

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang: Kayoy asin sa salibutan?
2. Anu-ano ang mga gamit ng asin sa buhay ng tao?

Aralin 2: Pag-iimbak ng Pagkain


A. Pagganyak:
1. Magpakita ng ilang produkto ng inimbak na pagkain.
2. Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng kanilang opinyon kung paano
napapanatili ang lasa at hitsura ng isang pagkain sa mahabang panahon.
B. Pagtalakay :
Hayaang ang mag-aaral na magbigay na kahulugan sa salitang pag-iimbak
Talakayin ang kahalagahan ng pag-iimbak ng pagkain
Talakayin kung anu-ano ang mga katangian ng pagkaing dapat imbakin
Hayaang magbigay ang mag-aaral ng mga halimbawa ng iniimbak na pagkain
Isa-isahin at ipaliwanag ang ibat ibang paraan ng pag-iimbak ng pagkain
C. Konsepto
Pag-iimbak ng Pagkain
isang kapaki-pakinabang na gawain para sa sarili at sa pamayanan dahil sa
itoy nagdudulot ng katipiran at pagkakakitaan sa matalinong paraan
- kailangan ang sapat na kaalaman sa sa ibat ibang pagkaing napapanahon at
pagkaing magiging mahal kapag wala na sa panahon
- ang sapat na kaalaman tungkol sa pag-iimbak ng gulay, karne, prutas at isda ay
maaaring pagkakaitaan at maiwasan ang pagkabulok ng pagkain
- ay magagawa kahit kailan at saanman sapagkat ang ating bansa ay sagana sa
gulay at prutas sa ibat ibang panahon sa mga lalawigan.
Mga Paraan ng Pag-iimbak ng Pagkain
1. Pagyeyelo at Pagpapalamig- dahil sa mabaabng temperature,
napipipgil ang pagdami ng bakterya at mikrobyo sa mga sariwang
pagkain.
2. Pagpapatuyo-paglalagay ng asin sa mga isda, karne at iba pang
lamang-dagat bago iayos sa bilao,ibilad at patuyuin sa araw. Sa prutas
naman ay dumadaan sa ibang proseso bago patuyuin.
3. Paglalagay ng Preserbatiba- paggamit ng asin, asukal, suka at salitre sa
mga pagkain upang tumagal ang mga ito.
4. Pagpapausok bagamat hindi gaanong nakapagpapatagal ng
pagkain, nkapagpapabago naman sa anyo at nagbibigay ng
kakaibang lasa sa pagkain. Lalong kilala sa tawag na tinapa.
5. Pagsasalata- ang paglalagay ng niluto at inihandang pagkain bago
ilagay sa latang inalisan ng hangin upang hindi mabuhay ang mga
mikrobyo at amag sa loob ng lata.
D. Paglalahat
Ang pag-iimbak ng pagkain ay isang kapaki-pakinabang na gawain na
makakatulong upang maiwasan ang pagkabulok ng pagkain at mapagkakitaan ng
maag-anak.
E. Pagtataya
Sagutan ang pahina 177; letrang A: 1-10
F. Takdang Aralin:
1. Magsadya sa isang pamilihan o supermarket at magtala ng lima(5) pinreserbang
pagkaing matatagpuan dito. Suriin ang label o etiketa. Isulat ang pangunahing
sangkap na ginamit sa pag-iimbak.
2. Basahin ang pahina170-171
3. Maghanda sa pagsusulit pagkatapos ng talakayan.
Ikalawang Araw:
Mga Bagay na Dapat Isaalang sa Pagpili ng Pagkaing Iimbakin
Paghahanda
-

Pambungad na Panalangin
Pagtse-tsek ng mga Liban sa Klase
Pagtse-tsek ng Takdang-aralin

A. Pagbabalik-aral: Pag-iimbak ng Pagkain


B. Pagtalakay :
Talakayin ang mga dapat isaalang-alang sa pagkaing iimbakin
Talakayin ang mga katangian ng isda, karne, bungang-buti, gulay at prutas
para imbakin
Ipahayag ang mga hakbang sa pagtitipid ng oras, lakas at materyales sa
pag-iimbak ng pagkain.
C. Konsepto
Mga Bagay na Dapat Isaalang sa Pagpili ng Pagkaing Iimbakin
- wastong pagpili ng mga pagkaing iimbakin ay mahalaga sapagkat dito
nakasalalay ang tagumpay ng pag-iimbak na isasagawa.
- bagamat ang isda, karne, gulay at prutas ay maaaring sumailalim sa ibat
ibang paraan ng pag-iimbak, hindi lahat ay maaaring imbakin
D. Paglalahat
Naiiwasan ang pagkabulok at pagkasira ng mga pagkaing napapanahon kung
naiimbak ito ng wasto.
E.
I.

Pagtataya
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Ang pagkaing iimbakin ay dapat nasa (1)_________________ sapagkat ito ay mura at


maraming mpagpipilian na may mataas na (2) _______________.
Sa pag-iimbak ng pagkain ng isda, piliin ang saria. (3) _______________ ang mata,
matigas ang laman, dikit at buo ang (4) _______________, at mapula ang (5) _______________.
Ang mga inimbak na pagkain ay dapat lagyan ng (6) _______________ ng paggawa.
Isulat din kung kalian ang (7) _______________ date.
Ang paghahanda ng mga talatakdaan ng mga gawain gy makakatulong sa paggamit
ng wastong (8) _______________ at lakas.
Ang pag-iimbak ay kapaki-pakinabang na gawain at makakatulong upang maiwasan
ang (9) _______________ng pagkain at (10) _______________ ng mag-anak.
uri

petsa

hasang
panahon
II.

oras
malinaw

expiration

pagkabulok

kaliskis

mapagkakakitaan

Gumawa ng isang talata tungkol sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi


sa pag-iimbak ng pagkain. (10 puntos)
F.
1.
2.
3.

Takdang Aralin
Magsaliksik ng resipi ng burong mustasa at burong kangkong.
I- print sa isang short bond paper
Magdala ng 3-4 pirasong oslo paper

Ikalawang Linggo: Unang Araw


Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-iimbak
Paraan ng Paggawa ng Burong Mustasa
Paghahanda
-

Pambungad na Panalangin
Pagtse-tsek ng mga Liban sa Klase
Pagtse-tsek ng Takdang-aralin

A. Pagbabalik- Aral: Mga Bagay na Dapat Isaalang sa Pagpili ng Pagkaing Iimbakin


B. Pagtalakay :
Isa-isahin ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-iimbak
Talakayin ang paggawa ng burong mustasa
Talakayin ang pagmamarka ng proyekto ng pag-iimbak ng pagkain
Pagpangka-pangkatin ang grupo ng may limang grupo para sa paggawa ng
proyekto
Gumawa ng Scorecard sa pag-iimbak ng pagkain
C. Konsepto
Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-iimbak
1. palanggana
6. pantakip
2. salaan
7. mesang kawayan
3. kilohan at sukatan
8. mga garapon
4. kaldero, kawali, palayok sterilizer
9. mga panukat
5. bilao, bistay,tray
10. termometro ng pagkain
D. Paglalahat
Ang paggamit ng mga tamang kasangkapan at kagamitann ay mahalaga
upang higit na maihanda ang mga pagkain nang mabilis at wasto.
E. Pagtataya
Pagmamarka base sa ginawang proyekto
F. Takdang Aralin
Magdala ng mga ss sa Huwebes:
apron
bilao
garapon o lalagyang plastik
10-15 bungkos ng mustasa
sampu(10) tasang hugas bigas
kalahating tasang asin
Ikalawang Araw
Pagsasagawa ng Proyekto: Burong Mustasa
Paghahanda
A.
B.

Pambungad na Panalangin
Pagtse-tsek ng mga Liban sa Klase
Pagtse-tsek ng Takdang-aralin
Pagbabalik-aral: Pag-iimbak ng Pagkain
Pagtalakay :
1. Talakayin ang Scorecard sa Pag-iimbak ng Pagkain
2. Talakayin at gawin ang pagbuburo ng mustasa
3. Gabayan ang mga mag-aaral sa gagawing pag-iimbak.
C. Konsepto
Burong Mustasa
Mga sangkap: 10-15 bungkos ng mustasa, tasang asin, 10 tasang hugas bigas
Kagamitan: bilao, malaking garapon o lalagyang plastik na may takip, apron
Pamamaraan
Mag-ani o bumili ng mga 10-15 bungkos ng mustasa. Putulin ang may bahagi ng ugat at
hugasang mabuti ang bawat dahon. Ilatag sa malinis na bilao o patuluin ang tubig.
Mag-ipon ng 10 tasang hugas bigas at haluan ito ng tasang asin, ilubog sa malaking
garapon o lalagyang plastik na may takip ang mustasa at ibuhos ang hugas bigas na
may timplang asin sa mustasa. Iimbak ng isang lingo.

D. Paglalahat
Ang pagbuburo ay paraan ng pagpapaalat ng isda at gulay upang
mapreserba. Ito ay maaaring magtagal kung wasto ang pamamaraan ng
pagbuburo at naisterelisang mabuti ang mga lalagyan nito. Sa gulay, karaniwang
binuburo ang mustasa at kangkong.
E. Pagtataya
Scorecard sa Pag-iimbak ng Pagkain
Pangalan ng Proyekto: _________________________________ Petsa ng Paggawa: ______________
Pangalan ng mga Gumawa:

Baitang : ___________ Pangkat: _____________

1.
2.
3.
4.
5.
Batayan sa Pagmamarka
A. Paghahanda
1. Wasto ang pagpili at kumpleto ang mga sangkap na
iimbakin.
2. Malinis at kumpleto ang kasuotan sa pagluluto.
3. Naihanda ang mga kagamitan nang malinis at maayos.
B. Paggawa
1. Sinunod nang wasto ang bawat hakbang sa pagiimbak.
2. Sinunod ang wastong paggamit ng mga kasangkapan
at pagsukat ng mga sangkap.
3. Naiwasan ang mag-aksaya ng oras, tubig at lakas.
4. Iniligpit nang malinis at maayos ang mga kasangkapan
at pinaggawaan.
C. Lasa at Anyo
1. Masarap ang anyo at lasa ng inimbak na pagkain.
2. Malinis at wasto ang ginamit na lalagyan sa pag-iimbak.
3. Nilagyan ng tala ng araw ng pag-iimbak at hangganan
ng araw ng pagkain.
Kabuuan

MARKA

MARKA NG
GRUPO

10
5
5
10
15
15
10
10
10
10
100

Ikatlong Linggo: Unang Araw- Ikalawang Araw


Pananahi sa Makina
Mga Bahagi ng Makinang Panahi
A. Pagganyak:
Ibahagi ang kasaysayan ng makinang panahi.
Magpakilala o magbanggit ng ilang kilalang mananahi sa bansa.
B. Pagtalakay :
Talakayin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa
pananahi sa makina.
Isalaysay at ipaliwanag ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa
pananahi sa makina
Isa-isahin at ituro sa larawan o aktuwal na makina ang ibat ibang bahagi at
kagamitan ng bawat isa.
C. Konsepto
Magiging maayos, ligtas at kasiya-siya ang pananahi kapag sinunod ang mga
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan.

D. Paglalahat
Ang kaalaman sa bahagi ng makina at ang gamit ng bawat isa ay kailangan upang
magamit itong mabuti sa pananahi ng ibatibang kasuotan.
E.

Pagtataya
Magtala ng limang bahagi ng makina at ang mga gamit ng bawat isa (10 puntos)

F.

Takdang- aralin
1. Basahin ang pahina 182-184.
2. Magsaliksik tungkol sa simple o payak na mga hakbang sa paggawa ng
kasuotang panluto (apron)
3. I- print ang na- research sa short bond paper.
4. Maghanda ng mga sumusunod:
Kahong panahian na may kumpletong gamit panahi
2 pirasong katya
1 karete sinulid
1 banig aspile
1 piraso karayom sa pangmakina o
1 pirasong karayom na panahi

Ikaapat na Linggo: Unang Araw


Wastong Pangangalaga ng Makina
Wastong Paraan ng Pagpapatakbo ng Makina
Paggawa ng Plano ng Proyekto: Kasuotang Panluto (Apron)
Paghahanda
-

Pambungad na Panalangin
Pagtse-tsek ng mga Liban sa Klase
Pagtse-tsek ng Takdang-aralin

A. Pagganyak:
Magpakita ng ilang kasuotang na gawa gamit ang mga makinang panahi.
B. Pagtalakay:
Talakayin ang wastong mga pamamaraan sa pangangalaga ng makina.
Isagawa ang wastong paraan ng pagpapatakbo ng makina
Talakayin at gawin ang plano ng proyekto.
C. Konsepto
Upang ang makina ay magamit ng maayos, ito ay nangngailangan ng sapat na
pangangalaga.
D. Paglalahat
Mapapakinabangan nang matagal ang makinang panahian kapag itoy gagamitin
sa wastong paraan at pangangalagaan ng mabuti.
Ang kahusayan sa pagpapatakbo ng makina ay nakukuha sa wastong pagsasanay
at pagtitiyaga.
E. Pagtataya
Piliin ang pinakatamang sagot.
____________1. Ang wastong pagpapatakbo ng makina ay____________.
a. mabagal
b. mabilis
c. pabigla-bigla
d. banayad at tuluy-tuloy
____________2. Palaging patungo sa mananahi ang ikot ng ______________
habang nagpapatakbo ng makina.
a. balance wheel

b. drive wheel

c. spool pin

d. belt

____________3. Hawakan ng kaliwang kamay ang ____________ habang


nananahi upang hindi mawala sa lugar.
a. sinulid

b. makina

c. karayom

d. tela

____________4. Nakalapat sa ____________ ang mga paa habang nananahi sa


makina.
a. feed dog

b. slide plate

c. treadle

d. bobbin

____________5. Upang hindi agad matastas ang tinatahi, itaas ang ____________
pakatapos ng huling tahi.
a. bobbin winder

F.

b. balance wheel

c. needle clamp

d. spool pin

Takdang Aralin:
a. Magbalik aral sa mga ss na paksa:
Wastong Pangangalaga ng Makina
Wastong Paraan ng Pagpapatakbo ng Makina
Paggawa ng Plano ng Proyekto: Kasuotang Panluto (Apron)
b. Dalhin ang mga ss.:
Kahong panahian na may kumpletong gamit panahi
2 pirasong katya
1 karete sinulid
1 banig aspile
1 piraso karayom sa pangmakina o
1 pirasong karayom na panahi

Ikalawang Araw:
Project Making: Kasuotang Panluto (Apron)
A. Pagganyak :
Pagpapakita ng finish product na proyekto.
B. Pagtalakay :
Plano ng Proyekto sa Pananahi
Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________________
Antas: _________________
I.

Pangalan ng Proyekto: Kasuotang Pangkusina

II.

Mga Layunin
b. Makabuo ng kasuotang pantahanang tahi sa makina.
c. Makasunod ng wasto sa mga hakbang ng paggawa ng mga bahagi ng
apron

III.
IV.

Larawan ng Proyekto
Talaan ng mga Kagamitan
Bilang/ Yunit
2 piraso
1 karete
1 banig
1 piraso
1 piraso

Kagamitan
katsa
sinulid
aspile
karayom na pangmakina
karayom na panahi
Kabuuan

Halaga

V.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
VI.

Pamamaraan
Hakbang sa Paggawa ng Kasuotang Pangkusina
Tabasin ang sukat ng padron
Ilapat ang pardon sa tela/ bulsa at mga tali.
Sundin ang wastong pagtupi ng mga gilid ng bahagi.
Aspilihan ng wasto.
Tahian ng hilbana.
Tahiin sa makina ang mga bahagi matapos tahiin ang hilbana.
Ilapat ang mga blusa at tahiin sa makina.
Isuot ang tali sa wastong paraan.
Alisin ang mga hilbana.
Labhan at plantsahin.
Pagmamarka ng mga Gawain:
Scorecard sa Pagmamarka ng Apron
Batayan sa Pagmamarka

1.

2.

3.

4.

Marka

Pagtatabas 15%
1. Angkop ang sukat ng pardon
2. Wasto ang paglalapat ng pardon sa tela.
3. Wasto at tuwid ang pagtatabas ng mga bahagi ng
apron
Pagtutupi at Paghihilbana 30 %
1. Sinunod ang wastong pagtupi ng mga gilid ayon
sa mga sukat
2. Wasto ang mitering ng mga sulok na bahagi ng
apron
3. Ginamit nang wasto ang gauge sa pagtupi ng
mga gilid ng apron at iba pang bahagi
4. Maayos at wasto ang pag-aaspile at
paghihilbana ng mga bahaging tatahiin sa
makina
Pagtahi sa Makina 35%
1.
Sinunod ang wastong hakbang sa
pananahi at paggamit ng makina
2.
Wasto ang agtahi ng mga gilid at bahagi
ng apron
3.
Ang mga sulok ay may wastong tahi at
overhand stitch
Kaanyuan at Kasiyahan 20%
1. Naiwasan ang mga kulubot sa
pagtahi ng mga bahagi ng apron.
2. Maayos at malinis ang pagtahi ng
apron.
3. Nagpamalas ng kagiliwan sa
pananahi ng apron
4. Nasiyahan sa isinagawang
proyekto
Kabuuang Marka
Ikalimang Linggo

BALIK-ARAL AT IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

100%

5
5
5
5
10
5
10
10
15
10
5
5
5
5

Marka
ng
Guro

Documents Name: UBD LESSON PLAN

Documentation for:
The Rector and Principal
Prepared by:

Subject Title:
HELE 5

Miss Carlota DC delos Santos


(Subject Teacher)

Ika-apat na Markahan

Checked by:
Paksang Aralin:
Unit VI: Tingiang Tindahan

Mrs. Marivic SD Custodio


(Subject Area Coordinator)

Aralin 1:Pamamahala ng Tingiang


Tindahan

Pamamahala ng Tingiang
Tinadahan
Gawaing Kaugnay ng
Pamamahala ng Tingiang
Tindahan
Uri ng Pamimili
Mga Katangian ng Isang Mahusay
na Tindera

IMMACULATE CONCEPTION
SCHOOL OF MALOLOS
Poblacion Malolos City, Bulacan
AY 2014-2015

Certified Correct:

Mrs. Maria Jesusa E. Santiago


Assistant Principal
Submitted to:

Mrs. Josefina B. Villavicencio, M.Ed.


(Principal)
Time Frame:
4 sessions- 2 weeks
(2 times a week)
Date Prepared:
May 24-25,2014

Reference:
Tahanan at Kabuhayan Pagyahanin et.,
al ni Regina C. Buena, Pahina 197-201

Think

Intuit
Feel
Do
Communicate

Lead

Be

Date Submitted:
May 26,2014

STAGE 1: MGA LAYUNIN SA BAWAT PAKSA:


Maunawaan ang kahalagahan ng mga tuntunin sa pagtatatag at pamamahala ng
tingiang tindahan
Malaman ang ibat ibang gawain kaugnay ng tingiang tindahan
Matutuhang magpahalga sa mga biyayang ibinigay ng Maykapal
Magtamo ng kaalaman sa matalinong pamamahala ng tingiang tindahan
Makapagpalaganap ng mga tamang kaalaman sa matalinong pamimili ng paninda sa
isang tingiang tindahan.
Mahikayat ang kapwa para pahalagahan ang mga kasanayan at kaalamang kaakibat
ng matalinong pamamahala sa isang tingiang tindahan
Maging isang indibwal na marunong tumangkilik ng mga produkto na sariling atin na
biyaya ng Diyos sa tao

MAHALAGANG MGA KATANUNGAN

MAHALAGANG MAUNAWAAN

Paano ilalarawan ang mga karaniwang tingiang


tindahan na matatagpuan sa mga purok at
kapitbahayan?

Paano dapat ayusin ang mga paninda sa


tindahan?

Ang mga tingiang tindahan sa mga purok at


kapit bahayan ay pinamamahalaan ng isang
pamilya. Ito ay tindahan na nagbibili ng
produkto sa kakaunting bilang o dami. May
mabiili na mga sangkap na maaaring takalin,
putulin at isa-isahin ang bawat piraso na nabibili
sa maliit na halaga.
Ayusin dapat ang mga paninda ayon sa uri.
Tiyaking ang lahat ng mga paninda ay nakadispley lahat ng uri upang makita ng mamili. At

lagyan ng tamang presyo ang bawat paninda


para sa maginhawang bentahan.

Bakit kailangang magkasundo ng bawat kasapi


ng mag-anak sa pammahala ng tingiang
tindahan?

KAALAMAN
Ang mga mag-aaral ay matutunan ang
mga kaalaman sa mga pamamahal ng tingiang
tindahan
mga uri ng pamimili
matipid na paraan sa pamimili ng mga paninda
magtala at magtuos ng kinita ng tindahan
mga katangian ng isang mahusay na tindera

Mahalaga ang pagkakasundo ng mga kasapi


ng mag-anak sa pamamahala ng tindahan
sapagkat dito nakasalalay kung magiging
magtatagumpay o malulugi ang isang
tindahan.
KAKAYAHAN
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kakayahan
sa.
matalinong pamamahala ng isang tingiang
tindahan
matalinong pamimili ng mga paninda
pamimili at pagbibili
pag-aayos ng paninda

STAGE 2: ACCEPTABLE EVIDENCE


Performance Task
Dahil malapit na ang Pasko at Bagong Taon, humiling ka sa iyong mga magulang ng isang bagong sapatos.
Ngunit sa isang kondisyong kailangang mong
Criterion
1.
2
3.
4.
Total

Marka
15
35
15
35
100

Other evidences:
Quizzes
Seat works
Book exercises
Group activities
STAGE 3: LEARNING ACTIVITIES
Ikaanim na Linggo: Unang Araw- Ikalawang Araw
Pagpapatuloy ng Paggawa ng Proyekto: Kasuotang Panluto
Pagpasa ng Natapos na Proyekto

Ikapitong Linggo: Unang Araw

Sinabi ng kanyang panginoon, Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa


kaunting halaga, kaya pamamahalaan kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking
kagalakan!
Mateo 25-23

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit masaya ang panginoon sa kasulatan?
2. Paano ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay pamamahalain ng
malaking halaga?

Pamamahala ng Tingiang Tindahan


Gawaing Kaugnay ng Pamamahala ng Tingiang Tindahan
Paghahanda
- Pambungad na Panalangin
- Pagtse-tsek ng mga Liban sa Klase
A. Pagganyak :
a. Ibahagi ang pinagmulan o kasaysayan ng tingiang tindahan
b. Magpakita ng larawan ng mga kakaibang pangalan ng mga tingiang
tindahan o ibat ibang lugar ng tindahan
c. Magtanong sa mga mag-aaral kung anu-ano ang karaniwang mabibili sa
mga tingiang tindahan.
B. Pagtalakay :
Talakayin ang kahulugan ng tingiang tindahan
Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng kuru-kuro sa kaibahan ng
tingiang tindahan sa malalaking tindahan sa kabayanan.
Isa-isahin ang magaganda at hindi magagandang dulot ng pagmimili ng
tingi
Talakayin ang mga gawaing kaugnay sa pamimili at pagbibili
Gawin at ilarawan ang wastong pag-aayos ng paninda
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pgtatala at pagtutuos o pag-iimbentaryo
ng mga paninda.
C. Konsepto
Tingiang Tindahan
Mahalaga ang tingiang tindahan sa pamumuhay ng tao sapagkat nakabibili ng tingi at
sa gustong dami ng ng pangangailangan lamang.
Gawaing Kaugnay ng Pamamahala ng Tingiang Tindahan
1. Pamimili at Pagbibili
a. Cash Sale- pamimili ng produkto at pagbabayad sa kabuuang halaga.
b. Cash on Delivery (COD)- pamimili ng mga produkto at pagdeliver sa bahay o tindahan at
saka ito babayaran.
c. Consignment- pagkatapos dalhin sa tindahan at mabili ang produkto tsaka pa lamang ito
babayaran. Maaari rin isauli ang natirang produkto.
d. Credit Sale- ang mamimili ay pipili ng paninda na babayaran sa takdang oras o araw. Ito ay
gumagamit ng creditcard sa supermarket o tinatawag na lista sa maliliit na tindahan.
2. Pag-aayos ng Paninda- upang maakit ang mamimili ay nakaayos sa kaakit-akit na paraan.
Naka-display ang lahat ng uri ng tinda para Makita ng mga mamimili.
3. Pagtatala o Pagtutuos- ang kasanayan sa pagtatala at pagtutuos ay mahalaga sapagkat
ditto nasasaad kung ang tindahan ay kumita at kung magkano ang kinita nito.
D. Paglalahat
Ang tagumpay ng isang tingiang tindahan ay nakasalalay sa wasto at maayos
na pamamahala nito. Ang pagsaalang-alang ng mga panindang nararapat bilhin
at ipagbili sa tamang halaga ay makakatulong upang maiwasan ang pagkalugi ng
tindahan.
E.

Pagtataya
I.
Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa pangungusap.
___________1. Pagbayad ng produktong inorder pagkatapos maihatid ng mga
paninda.
___________2. Pagbili ng paninda ng sabay-sabay at bayad kaagad.
___________3. Paggamit ng credit card sa pamimili.
___________4. Paglagak ng paninda at kapag nabili na ang produkto saka
lamang babayaran.
___________5. Kilala rin sa pamimili ang tawag na lista sa tindahan at
babayaran na lamang sa takdang oras o araw.

II.

Piliin at lagyan ng ang wastong pagsasaayos ng paninda, x kung hindi

wasto.
___________1. Pantay- pantay at medaling abutin.
___________2. Maliit lang ang pagkakasulat ng presyo upang hindi mabasa kaagad.
___________3. Makulay at makatawag-pansin ang mga paninda.
___________4. Tama ang presyo ngunit maruming tingnan ang mga paninda.
___________5. Halu-halo ang pagkakaayos na paninda.
III.

F.

Anu-ano ang mga gawaing kaugnay ng pamamahala ng tingiang


tindahan?

Takdang Aralin
1. Basahin ang pahina 201
2. Magsaliksik ng mga isang tindahan o kooperatibang itinayo na may temang
sinusunod at may layuning kanilang sinusunod sa pamamahala ng tindahan.
Ilagay ang address, maikling istorya at larawan ng tindahan sa isa-dalawang(1-2)
short bond paper
Halimbawa: The customer is always right- Coffee Prince Caf.

Ikalawang Araw
Pagkukuwenta ng Paninda
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Tindera
Paghahanda
- Pambungad na Panalangin
- Pagtse-tsek ng mga Liban sa Klase
- Pagtse-tsek ng Takdang-aralin
A. Pagbabalik- Aral: Gawaing Kaugnay ng Pamamahala ng Tingiang Tindahan
B. Pagganyak
1. Pagbabahagi ng piling takdang-aralin
2. Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng kanilang pahayag sa mga inulat na
takdang-aralin
C. Pagtalakay :
a. Talakayin ang gawin ang tamang pagkuwenta ng paninda
b. Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na tindera
c. Talakayin ang dula-dulaan ukol sa mahusay na pakikitungo sa mga namimili
d. Talakayin at ipaliwanag ang pagmamarka sa dula-dulaan.
D. Konsepto
Pormula sa Pagkukuwenta ng Paninda
PPuhunan
x15% idagdag sa puhunan
_______________________________________________________
Presyong Pantinda
Halimbawa:
1 kartulina= P 4.00 puhunan
P 4.00
x.15
+ .60
----------------___________
.6000 o .60
P 4.60 presyong pantinda
Katangian ng Isang Mahusay na Tindera

alinis, mahusay makitungo sa mamimili, maayos magkuwenta, may mataas na uri ang mga

produkto itinitinda,

E.

F.

Paglalahat
May mga katangiang dapat taglayin ang isang mabuti at ulirang tinder na
makakatulong nang malaki sa pag-unlad ng tindahan.
Pagtataya:
a. Isulat ang Tama kung ang nabanggit ay mahusay na katangian ng tinder at
Mali kung hindi mahusay.
____________1. Pinapanatiling malinis at maaliwalas ang tindahan.
____________2. Nangangatwiran sa namimili.
____________3. Naglilista ng mg panindangg malpit ng maubos.
____________4. Nagkukuwenta ng maayos ngunit nagbibigay ng kulang na sukli.
____________5. Tinatandaan ang madalas na hanapin ng mga mamimili.
____________6. Nagtitinda ng may mataas na uri ng mga produkto.
____________7. Marunong bumati at magpasalamat sa mamimili ng maramihan lamang.
____________8. Tinitiyak na tumpak ang sukli.
____________9. Palaging nakasimangot.
____________10. Matiyaga sa pagtugon sa mga mamimili.
b. Kuwentahin ang halga ng paninda na ginagamit ang sumusunod na pormula.
P- Puhunan
x- 15% idagdag sa puhunan
Presyong pantinda = Puhunan + 15%
Puhunan
1. 5.00
2. 10.50
3. 15.00
4. 18.50
5. 25.00

A.
B.
C.

Presyong Pantinda
____________
____________
____________
____________
____________

Ikawalong Linggo: Unang Araw


Pagtatanghal tungkol sa mga katangian ng Isang mahusay na tindera
Bibingkang Galapong
Bibingkang Malagkit
Atsuete Kutsinta
Palitaw
Puto
Pitsi-pitsi
Pagbabalik- Aral
Pagganyak :
a. Pagpapakita ng larawan ng finish product na proyekto.
Pagtalakay :
Film Showing ng pagluluto ng mga nabanggit na resipi sa libro.
Pagtalakay sa mga sangkap ng mga kakanin
Deliberation of Group members sa pagpili ng lutong kakanin.

D. Takdang Aralin:
o
o
o

Magdala ng sangkap na gagamitin sa pagluluto.


Magdala ng kagamitan na gagamitin sa pagluluto.
Gumawa ng resipi ng luluting pagkain.

Project Making: Pagbalangkas at Pagbuo ng Proyekto: Panayam sa Isang may


Tindahan
Pagbabalik- Aral
A. Pagganyak :
a. Pagpapakita ng larawan ng finish product na proyekto.
B. Pagtalakay :
Pagluluto ng palitaw o Napiling Kakanin
Pag papa-alala ng pangkaligtasan at pangkalusugan sa paghahanda ng kagamitan.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagluluto.
Pagpapaliwanag ng Rubric.
a. RUBRIC
Criterion
Marka
1. Kaakit-akit na anyo ng Pagkain
15
2. Lasa ng pagkain.
35
3. Presentation ng pagkain
15
4.Pagkakasundo-sundo ng grupo
35
Total
100

D. Takdang Aralin:

Magdala ng mga ss.: (para sa pagdo-dokumentaryo/ pagsasa-album ng nilutong


pagkain)
Oslo paper
Brown folder
Pangulay o pangdekorasyon.

Ikawalong Linggo: Unang Araw Uri ng Pamimili


A. Pagtalakay :
Nilalaman ng Album
Pangalan ng Miyembro ng Grupo
Litrato ng grupo ( opsyonal)
Dahilan sa Pagpili ng Resipi
Resipi ng Nilutong Pagkain
Larawan ngNnilutong Kakanin
Rubric
B. Takdang Aralin
Magreview para sa Ikatlong Markahang Pagsusulit
Pointers to Review:
Masustansiyang Kakanin
Pagpili ng Lulutuing Kakanin
Batayang Kaalaman sa Matalinong Pamimili
Pamantayang Kalusugan at Pangkaligtasan sa Paghahanda at Pagliligpit ng Kagamitan
Resipi ng mga Kakanin
Ikalawang Araw
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Tindera

Ikasiyam na Linggo

BALIK-ARAL AT IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

También podría gustarte