Está en la página 1de 4

1.

DOH Ito ang ahensya na


nagsisiguro na maibibigay ang
serbisyong pangkalusugan para sa
mga tao. Department of Health
2. DOLE Ang ahensya ang pamahalaang
nangangalaga sa kapakanan ng mga
manggagawa. Department of Labor and
Employment
3. GSIS Ang ahensya na nangangasiwa sa
benepisyo ng mga manggagawang nasa
tanggapang pampamahalaan. Government
Service Insurance System

4. SSS Ang ahensya na nangangasiwa sa
benepisyo ng mga manggagawang nasa
tanggapang pampribado. Social Security
System

5. TESDA Ang ahensya ng pamahalaan na
tumutulong sa mamamayan na mapaunlad ang
kanilang kasanayan sa pamamagitan ng pag-
aaral sa mga paaralang pambokasyonal.
Technical Education and Skills development
Authority

6. OWWA Ito ang ahensya ng gobyerno na
nangangalaga ng kapakanan ng mga Pilipino sa
ibang bansa. Overseas Workers Welfare
AdministrationOFW Sila ang mga Pilipinong
nangingibang bayan para magtrabaho para sa
mga pamilya nila dito sa Pilipinas. Overseas Filipino Workers
7. DSWD Ito ang ahensya ng pamahalaang
nangangasiwa sa mga usaping panlipunan.
Department of Social Welfare and Development

8. NHA Tumutulong upang magkaroon ng murang tahanan ang
mga Pilipino. National Housing Authority

9. PAG-IBIG Fund Tumutulong upang magkaroon
ng murang tahanan ang mga Pilipino.
Pagtutulungan Ikaw, bangko Industriya, at
Gobyerno
AFP o Sandatahang Lakas ng Pilipinas Ito ang sangay ng
pamahalaan na responsibilidad ang ipagtanggol ang bansa
laban sa lahat ng uri ng panganib.

Armed Forces of the Philippines Hukbong Katihan ng Pilipinas o PA Sila
ang tagapagtanggol ng Pilipinas sa panahong may kaguluhan. Philippine
Army

Hukbong Pandagat ng Pilipinas o PN Sila ang tagabantay sa
mga katubigan ng bansa. Philippine Navy

Hukbong panghimpapawid o PAF Sila ang tagapangalaga sa
kaligtasan ng himpapawirin ng bansa. Philippine Air Force

PNP o Pambansang Pulisya Sila ang katuwang sa pangangalaga
ng kaligtasan ng mga mamayan. Philippine National Police


PAGASA Sila ang tagapagulat ng kalagayan ng panahon at
tagapaghatid ng babala kapag may paparating na bagyo.
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical
Services Administration


PHIVOLCS Sila ang tagahatid ng impormasyon ukol sa
lindol. Philippine Institute of Volcanology and Seismology


Ang Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) Ang ahensyang
ito ang naglilikom ng mga iba't ibang uri ng buwis sa
bansa. Ito ay naglilikom mahigit sa kalahati ng
kabuuang kita ng pamahalaan.

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng
Pilipinas o Department of Trade and Industry, DTI ay isang kagawaran
ng sangay tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas na inaatasang
palawigin ang kalakalan at industriya sa Pilipinas sa pamamagitan ng
paggawa ng mga bagong hanapbuhay at magtaas sa kinikita ng mga
Pilipino.
Ang Kagawaran ng Pagsasaka (Ingles: Department of
Agriculture o DA) ay ang departamentong tagapagpatupad
ngPamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpapayabong ng
kita ng mga magsasaka ganun na din ang pagpapababa ng
insedente ng kahirapan sa mga sektor na rural ayon na rin sa
nakasaad sa Katamtamang Terminong Plano ngPamahalaan ng Pilipinas.


Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of Tourism),
ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ngPilipinas na
may tungkulin ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo sa
Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon

Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas
(Ingles: Department of Foreign Affairs o DFA) ay isang
departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na
may tungkulin na mamahala sa pagpapabuti ng relasyon ng pilipinas
sa iba't-ibang bansa. Ito rin ang nangangasiwa sa mga gawain ng
mga embahador ng pilipinas sa ibat ibang bansa at sa mga pandaigdigang
samahan. Ito rin ang nangangalaga sa kapakanan ng mga pilipino sa ibang bansa.

También podría gustarte