Está en la página 1de 5

Ang Karagatan at Duplo

Ang pag-aaral ng akdang pampanitikan anoman ang anyo nito ay naglalayong magbigay ng mabutingbisa sa
kaasalan ng tao tulad ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ngmagandang uri ng
pagpapahayag.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, saloobin at
damdamin tungkol sa kaugaliang Pilipino sa kasalukuyan gamit ang wika ng kabataan. Maaari mo nang gawin
ang kasunod na mga gawain.
Marahil ay ganito ang iyong isinagot.
1. Bangin ka ba? Bakit? Nahulog kasi ako sayo.
2. Kape ka ba? Bakit? Ninenerbiyos kasi ko sayo e.
3. Pustiso ka ba? Bakit? Kasi, I cant smile without you.
4. Kumain ka ba ng asukal? Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo.
5.Surgeon ka ba? Bakit? Kasi ikaw lang angnakapagbukas ng puso ko.
Nakatutuwa di ba? Simple pero may dating, sabi nga. Sa ganitong paraan, mabisa mo kayang maipararating sa
iyong kapwa ang nais mong sabihin? Paano? Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarilimong pick-up lines
. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.
To... Cc...Subject:
Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang k a r a g a t a n at d u p l o
-Tinatawag itong tulang padulasapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan.
Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay.
Nagiging parangal din ito sa namatay. Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang
kanilang sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. Gayundin, kung masasalamin ba
ang kultura ng mga Pilipino sa mga ganitong uri ng akdang pampanitikan?

GAWAIN 1.2.1.b:
P I C K - U P L I N E S Tunog-Makata
Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ngnakatatanda sa
kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito saikaapat na bahagi ng
papel.



SEND
Ang iyong ginawa ay ilan lang sa mga paraan kung paano ka makapagbibigay ng iyongpananaw, saloobin at
damdamin. Samantala, sa Panahon ng Espaol, paano nga ba ipinahayag ng mgaPilipino ang kanilang pananaw,
saloobin at damdamin?Matutunghayan mo sa susunod na pagtalakay ang mga gawaing nagpapakita ng
katangian atparaan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa nabanggit na panahon.
GAWAIN 1.2.1.c
SINING: Karagatan at Duplo
Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na iyong matutunghayan.

ANG KARAGATAN

1.Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isangdalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang sumisid sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagangnawalan ng
singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaringpagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyanng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ngtabong may tandang puti.
11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga.

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. al
Babasahin 1:
ANG KARAGATAN

(Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C)

Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng
Disyembre 1967,sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon.

ANG KARAGATAN

(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga
at apat na binata sa paligidng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)

Tandang Terong: Humm tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay dipa nagagatungan.
Isang Manonood : Kailangang gatungan ang sinaing nang malutot tayoy makakain.
Maring: Ang kahoy na panggatong kaya di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.
Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isay malungkot kayatnaghahanap; dalawahay angkop at siyang
anong sarap;ngunit pag nagtatloy isa na ang kalabisan.Kung dimatiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang
kakausapin, mga kanayon anong kailangan?
Lahat:Tanging paraay ang karagatan.
Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng:Tumanggi man po akoy walang mangyayari. Kagustuhan rin ninyo ang masusunod.
Ingkong Terong: At kayong apat?
Apat na Lalaki: Opo.
Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalagaang singsing at ihuhulog sa tubig na
nasa garapon).Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unangsisisid sa singsing na inihulog ni
Neneng. (Palabunutan).At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibigupang makuha ang singsing.
Mga Tao: (Palakpakan)
Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nangnailunod na talisuyo sa karagatan.
Berting: Magandang gabi sa inyong lahat
Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutyay mulingnagpupugay.
Ipinangangakong nahulog mong singsing
Aking sisirit sa iyoy ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Dahilan sa akoy siyang nakabunot
Ng palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At ang iyong singsing ay aking makamit
Ay katunayan nang Diyos ang pumili
Na ako ngang itoy siya mong itangi.
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit di upang siyang maging irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok
Kayat sisirin mo ang tanong kong ito

At singsing kong ito ay nang maangkin mo
Ang singsing na itong linsot walang bato
Turan mong simula at ang dulo nito.
Berting: Tila ang bugtong moy sinlalim ng dagat Na di matatarok ng isip kong pahat.
Kayat iyong singsing nais mang makuha
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
Kulas: Ang pagkakataoy isalin sa iba
Nang di masabing ikaw ay buwaya
Akong nabunot ng pang-ikalawaInaangkin hirang kanyang karapatanSumisid sa dagat ng singsing mong
bugtongNa siyang panumbas sa iyong pag-irog.
Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin
Ang lalim ng punot dulo niyang singsing.
Kulas: Singsing, aking Neneng, walang punot dulo
Mayroon ngang simula at may wakas ito
Ang simulay bilog nito na panloob
At ang katapusay panlabas na bilog.
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
Hayat nasisid ko singsing mong nahulog.
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kayat heto naman ang para sa iyo;

Nang ikay parito, pamula sa kanto
Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo?May ilaw ay ilan, iyo sanang turanTingnan ko ang tibay pang-
alaala mo?
Kulas : Salamat Neneng kot iyang katanungan
Kay daling sagutin kayat aking masasabing
Akoy tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay, pito lamang at sa mga itoy
Aking natandaan, apat ang may ilaw-
Itoy patotoong isip koy malinaw.
Neneng: Kulas, ikay mali sa iyong katugunan
Kayat isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusongAt siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo
Kayat iyong dinggin ang tugon koy: Pamula sa kanto at hanggang sa ritoWalang bahay ni ilaw akong
natandaanKundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)
Neneng: Kung gayon ito naman ay tuguninPang-una sa ikatlong iyong sasagutinBakit ba ang tubig sa bilog na
mundoHindi tumatapon walang ligwak ito?
Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon:
Tubig, batot tao, at lahat sa mundo
Ay di tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang malakit mabisang magneto;Hinihigop nito ang lahat ng narito
At sa kalawakay di tayo tutungo.

Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!
Neneng: Pangalawang tanong,heto nat pakinggan
Paanong buwang sa langit ay tanglaw
Aking mahihipot mapaglalaruan?
Itoy pangarap nang akoy musmos pa lamang
Kung talagang ako ay sadyang mahal moPaiirugan mo ang hiling kong ito.
Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong akoy muntit pinalalaki mo.

Isang paboritot ibig kong kuwento
Ay siyang panugon sa tanong na ito.Sa pamamagitan ng isang salaminMinumutyang buwan ay pabababain
Kahit sa kandungan ng mutya kot giliw
Mapaglalaruang buwang hinihiling.
Mga Tao
: Magaling! Iyan ang binata namin!...Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.
Nardo
:
Akoy nakahanda sa
pangatlong tanongSingsing na nahulog aking sisisirinSukdang ikapugto ng hiningang tangan
Kung puso ng mutyay aking maaangkin.

Neneng
:
Akoy nangangamba, akoy natatakot
Na ang huling tanong kaniyang masagotItong karagatan isang laro lamangNgunit paglalarong birong
totohananAyoko na yatang ito ay ituloy
Baka sa sagutan akoy maparool.

Ingkong Terong
: Ituloy mo, apo, bahala na ako.
Neneng:
Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito.
Kung tayoy makasal, ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na ating sasakyay binalsang kawayan
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa buhanging pinot ikaw ang pipili.

Nardo
: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita
Kayat imposibley pag
-aariin paLubid na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkainBawat isang linggong kakailanganin
Sa sang dahong ipil iyong babalutin.

Neneng
:
Di bat ang hiling sa akin nanggaling

Bakit ngayoy ako ang pasusulitin?

Nardo
:
Pagkat paniwalang di ka sinungaling

Neneng
: Ano ang batayan ng iyong pasaring?
Nardo:
Salamat kung gayon, mutya ko at giliwIkaw ay may wikang tapat at matining
Nang iyong sabihin tayoy kakasalin
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw
Kayat sa problemang akingKahati ka sa tuwat sa ligaya gayoy din
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung sa hirap nitoy kasalo ang giliw.

Neneng
:
Ayokot di tama! Di pala kasal,
Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.
Nardo:

Di nga mag
-asawa ngunit may pagsinta!
Neneng
: Ay sayang! Sayang na pag-ibigSayang ang singsing kong nahulog sa tubigKung ikaw rin lang siyang sisisid
Mahangay hintin kong kumati ang tubig.

Tandang Terong
: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko.Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang karagatay simula lang ng kuwento
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhikAt doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

Pepito
: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)
Mga Tao
: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!(Palakpakan)
W A K A S
Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C
1. Ano ang paksa ng binasang karagatan?2.Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel
kanilangginampanan?
3.Bakit sinasabing hindi kinakailangang sumisid ang binatang nais
magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing?
1. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paanotinugon ng mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo ito
sa sagutangpapel. Gayahin ang kasunod na pormat.
Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunodna mga tanong.
Mga Gabay na Tanong
:
MATATALINGHAGANGPAHAYAG NA BINIGKAS NINENENGTUGON NG MGA BINATA

Alam mo ba?Ang
Matalinghagang Pahayag
ay mga pahayagna gumagamit ng mga salita na hindi tuwiranginihahayag ang tunay na kahulugan nito.
Karaniwanitong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay nanagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.


Alam mo ba na

Ang
matalinghagang pahayag
ay mga pahayag nagumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunayna kahulugan nito.
Karaniwan itong ginagamitan ngpaghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mgamambabasa.




2. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan?3. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng
mga Pilipino batay salarong karagatan?
Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo?Tunghayan mo naman kung ano
ang duplo.
ANG DUPLO
:
Ang Ibon ng Hari

Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo? Tunghayan monaman kung ano
ang duplo.
PAGALALARO NGKARAGATAN

También podría gustarte