Está en la página 1de 5

NASYONALISMO NG BURMA Kasunduang Yandabo naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa Burma Ginawang rehiyon ng India ang

ang Burma Saya San isang nasyonalistang Burmese na nanguna sa rebelyon laban sa GB, ang rebelyon ay tinawag na Rebelyong Saya San All Burma Students Union isa pang grupo ng mga nasyonalista, ang mga miyembro ay tinawag na Thankin na ang kahulugan ay masters. Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay sinakop ng mga Hapones ang Burma Aung San nagtatag ng Anti-Facist Peoples Freedom League, kung saan nakipagtulungang sa Allied Powers upang kalabanin ang mga Hapones at makamit ang kalayaan U Nu ang pumalit kay Aung San nang ito ay mamatay NASYONALISMO NG INDOCHINA Bunga ng pagkakaiba ng lahi at kultura, hindi nakamit ng mga taga Indochina ang kalayaan dahil sa kakulangan sa pagkakaisa. Ho Chi Minh namuno sa Hilagang bahagi ng Vietnam Ideolohiya: Komunismo Bao Dai Timog Vietnam ideolohiya: Demokrasya sinuportahan sila ng US NASYONALISMO SA PILIPINAS Propaganda nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsusulat, Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jeana ginamit ang dyaryong: La Solidaridad Himagsikan madugong nasyonalismo itinatag ang KKK ang mga miyembro ay tinawag na Katipunero. PAGLAYA NG CHINA Ang China ay nahati sa Sphere of Influence di tuwirang pagsakop ng mga Kanluraning bansa Tatlong Uri ng Nasyonalismo sa Tsina 1. Tradisyonal Rebelyong Boxer 2. Demokratiko Dr. Sun Yat Sen 3. Komunismo Mao Zedong Nang bumagsak ang Dinastiyang Qing (na naging kasabwat ng mga Kanluranin )naging Republika ang Tsina sa pamumuno ni Sun Yat Sen at sinundan ni Chiang Kai Shek Noong Ikalawang digmaang pandaigdig, tinangkang sakupin ito ng Japan ngunit lumaban ang mga Tsino Natalo ang Japan sa WW2 ngunit nagpatuloy parin ang labanan ng mga Nasyonalista at Komunista sa Tsina Natalo ang nasyonalista nagtungo sila sa Formosa (Taiwan) Ang mga Komunista (Mao Zedong) Mainland China Sa mga panahon din ito nahati ang Korea sa North (Komunismo) at South (Democratic)

PAGLAYA NG INDONESIA Nakamit ng Indonesia ang kalayaan sa pamumuno ni Achmed Sukarno Guided Democracy o limited democracy ang pinairal ni Sukarno Namuno si Sukarno sa Indonesia ng 23 taon ang kanyang pamamahala ay base sa Pansacila 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan. PAGLAYA NG VIETNAM 938 paglaya mula sa China, Setyembre 1945 mula sa France, July 1976 tuluyang paglaya Ho Chi Minh mula sa kilusang Viet Minh bilang isang Sosyalistang Republika Ngo Dinh Diem namuno sa Timog Vietnam na yumakap sa ideolohiyang Demokratiko PAGLAYA NG BURMA (MYANMAR) Nakamit ng Burma ang kalayaan sa pamumuno ni U Nu bilang punong ministro ng republika ng Burma na kalaunan ay nalipat kay Heneral Ne Win na isang diktador military. Pinairal ni Ne Win ang Myanmar way to Socialism kung saan kinumpiska ng pamahalaan ang anumang negosyo at pangkalakalan. Noong Ikalawang digmaan pandaigdig, ipinahayag ng Burma (Aung San) ang kalayaan sa tulong ng mga Hapones ngunit ng kalaunan nadama ng mga Burmese na nais lamang silang sakupin ng mga Hapones. Itinatag ni Aung San ang AFPFL o Anti Fascists Peoples Freedom League kung saan nagapi ng Burmese ang mga Hapones at bumalik sa mga Ingles ang pamamahala ng Burma bunga nito nagkaroon ng usaping pangkalayaan sa kasunduang Anglo-Burmese kung saan nakalaya na ang Burma. Namatay si Aung San at pinapatuloy ni U Nu ang pamamahala ng Burma. PAGLAYA NG PILIPINAS Nakamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol noong Hunyo 12, 1898 sa tulong ng mga Amerikano ngunit iyon lamang ay isang mock battle sapagkat ipinairal ng mga Amerikano ang Benevolent Assimilation at ang Treaty of Paris na nagpapatunay na binili ang Pilipinas sa halagang 20 milyon dolyar. Namuno ang mga Amerikano hanggang sa maitatag ang pamahalaang Commonwealth na pinamunuan na ng mga Pilipino (Quezon at Osmena) Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas Matapos ang 3 taon, bumalik ang mga Amerikano ang tinulungan ang mga Pilipinong makalaya sa mga Hapones Ibinigay ng mga Amerikano ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946.

PEOPLES REPUBLIC CHINA 1911-12 Proklamason ng Republic of China sa pamumuno ng mga militar na nag-alsa na pinangunahan ni Sun Yat-sen.Ito ay hudyat ng pagwawakas ng kapangyarihan ng huling emperador ng Qing. Kinaharap ng republika ang mga hamon sa pamamahala hatid ng mga rehiyonal na pag-aalsa at unti-unting paglakas ng Communist Party. 1925 Pagkamatay ni Sun Yat-sen na naghatid sa kapangyarihan kay Chiang Kai-shek. Humiwalay si Chiang Kai-shek sa mga komunista at kinilala ang Kuomintang bilang pambansang partido. 1931-45 Unti-unting pananakop ng Japan sa China. 1934-35 Pamumuno ni Mao Zedong sa Communist Party. Nagsagawa ang partido ng "Long March" patungo sa bago nitong himpilan sa lalawigan ng Shaanxi. 1950 Panghihimasok ng China sa Korean War sa pamamagitan ng pagpanig sa North Korea. Ang Tibet ay naging bahagi ng People's Republic of China. 1962 Hidwaan ng China sa India kaugnay sa hangganan nito sa Himalayas. 1972 Pagbisita sa China ni US President Richard Nixon. Nangako ang dalawang bansa na pagbutihin ang ugnayan ng dalawang bansa. 1979 Pagsisimula ng diplomatikong relasyon ng China at USA. Pinasimulan ng pamahalaan ang One-Child Policy upang pigilan ang lumalaking populasyon nito. 1999 - Ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Pagbalik ng Macao sa ilalim ng pamamahala ng China UNION OF MYANMAR Pagsasarili 1948 Paglaya ng Burma sa pamumuno ni U Nu bilang prime minister. Kalagitnaan ng 1950s- Si U Nu kabilang sina Prime Minister Nehru, Indonesian President Sukarno, Yugoslav President Tito at Egyptian President Nasser ay tinatag ang Movement of NonAligned States. 1958-60 - Pansamantalang pamahalaan, sa pangunguna ng hukbo ni Chief of Staff General Ne Win, na nabuo matapos ang pagkakahati sa namumunong AFPFL party. 1960 Pagwawagi sa halalan ng partido ni U Nu,subalit ang panghihikayat nito sa Buddhismo bilang relihiyon ng estado at pagkunsinti sa pagkakahiwa-hiwalay ay nagpasidhi ng galit sa panig ng militar.

One-party, Ang Pamumuno ng Militar sa Estado 1962 Pagpapatalsik kay U Nu sa pamamagitan ng kudeta na pinamunuan ni Gen Ne Win na tuluyang nag-alis ng sistemang pederal at pagpapasinaya ng "the Burmese Way to Socialism" .Ito ay nangangahulugang pagkontrol sa pambansang ekonomiya, pagbuo ng single-party state na kung saan ito ay ang Socialist Programme Party bilang tanging partido political sa bansa at pagbabawal sa malayang pamamahayag. Ang military junta na ito ay namuno hanggang 2011. 1987 Pagbaba ng halaga ng salapi na nagpahirap sa maraming mamamayan at naging sanhi ng malawakang pagbatikos sa pamahalaan na lumikha ng labis na kaguluhan sa bansa. 1989 Dineklara ng Slorc ang martial law.Nagkaroon ng malawakang pag-aresto ng mga mamamayan kabilang na ang mga nangangampanya parasa demokrasya at karapatang pantao. Pinalitang ang pangalan ng bansa mula Burma bilang Myanmar at ang kabiserang lungsod na Rangoon bilang Yangon. Ang lider ng NLD (National League for Democracy) na si Aung San Suu Kyi, anak ni Aung San ay ipinailalaim sa house arrest. Kontrobersiyal na Halalan 1990 Pagkapanalo ng oposisyon na National League for Democracy (NLD) sa halalan na nagtamo ng napakalaking boto, subalit ang resultang ito ay binalewala lamang ng militar. Pagpapalaya sa mga Sumoporta sa Demokrasya 1998 300 kasapi ng NLD ang pinalaya mula sa bilangguan ; tumanggi ang namumunong pamahalaang militar na tumugon sa itinakdang panahon ng NLD na ipatawag na ang mga kasapi ng parlamento upang makapagsimula; nagsagawa ng malawakang protesta ang mga militar. KINGDOM OF THAILAND Pagbangon ng Makabagong Thailand 1782 Simula ng pamumuno ng dinastiyang Chakri sa pamumuno ni Haring Rama I, na namumuno parin hanggang sa kasalukuyan. Kinilala ang bansa bilang Siam at ang Bangkok ang ginawang kabisera. 1804-1868 Pamumuno ni Haring Mongkut (Rama IV), pinasimulan niya ang mga pagbabagong maka-Kanluranin at modernisasyon ng bansa. 1868-1910 Pamumuno ni Haring Chulalongkorn. Pagkuha ng mga tagapayo mula kanluran para sa modernisasyon ng Siam at pamamahala sa ekonomiya ng bansa. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon. 1917 - Ang Siam ay naging isa sa ka-alyado (allied) ng Great Britain sa unang digmaang pandaigdig. 1932 Naganap ang isang mapayapang kudeta laban sa ganap na monarkiya ni haring Prajadhipok. Pinasimulan ng Konstitusyonal na Monarkiya ang parlamentaryong pamahalaan. 1939 Pinalitan ng Siam ang pangalan nito bilang Thailand ("Land of the Free").

Mga Pangyayari Matapos ang Digmaan 1945 Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inatasan ang Thailand na muling ibalik ang mga teritoryong sinakop nito mula sa Laos, Cambodia at Malaya. Nagbalik sa bansa ang ipinatapong si Haring Ananda. 1946 Asasinasyon ni Haring Ananda. 1999 Unti-unting muling pagbangon ng ekonomiya. Sa tulong ng media, pinakita ng Thailand sa daigdig ang malaking halaga na ginugugol nito sa pagbigay lunas sa mga may sakit na AIDS at HIV sa bansa. Hinikayat din ang ibat ibang drug companies sa agarang pagpapababa ng presyo ng gamut para sa nasabing sakit. 2001- Pagwawagi sa halalan ng New Thai Love Thai party sa pamumuno ni Thaksin Shinawatra. FEDERATION OF MALAYSIA 1826 Pinagsanib ng mga British ang kanilang mga himpilan sa Malacca, Penang at Singapore upang buuin ang Colony of Straits Settlements, mula dito ay pinalawak nila ang kanilang impluwensiya bilang tagapagtanggol ng Sultanato ng Malay sa nasabing peninsula. 1895 Pagsasanib ng apat (4) na estado sa Malay na kinilala bilang Federated Malay States. 1942-45 Pananakop ng Japan. 1948 Pinagsanib ang mga teritoryong kontrolado ng mga British sa Malaya at kinilala bilang Federation of Malaya. Positibong Diskriminasyon sa mga Malay 1971 Pinasimulan ng pamahalaan ang sapat na partisipasyon ng mga Malay sa larangan ng pagnenegosyo, edukasyon at serbisyo sibil. 1977 Pinaalis sa Pan-Malaysian Islamic Party (PAS) ang Kelantan chief minister, lumikha ito ng kaguluhan at nagresulta tuluyang pagkatanggal ng PAS sa BN coalition. Krisis Pinansiyal 1997 Krisis Pinansiyal sa Asya. 1998 Alitang pulitikal nina Prime Minister Mahathir Mohamad at deputy nito na si Anwar Ibrahim na inaasahang hahalili sa kanya. Ang pagkakaiba ng pananawsa patakarang pangkabuhayanng bansa ang ugat ng nasabing alitan. Inaresto si Anwar Ibrahim dahil sa kasong sexual misconduct.