Está en la página 1de 5

BANGHAY ARALIN SA HEKASI 6

I.

Layunin: Sa tulong ng mga larawan at iba pang kasanayan, ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang na may 80% tagumpay ay inaasahang: a. ilarawan ang mga uri at kahulugan ng kaunlaran; b. gumuhit ng larawang nagpapakita ng kaunlaran; at c. napapahalagahan ang pagsisikap ng mamamayan at ng pamahalaan upang umunlad ang bansang Pilipinas.

II.

Paksang Aralin: Paraan ng Pagtataguyod sa Kaunlaran ng Bansa Sanggunian: Yaman ng Pilipinas 6 p. 165 168 Kagamitan: larawan, istripa ng mga salita, dayagram at iba pa Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa kabuhayan / kaunlaran ng isang bansa

III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay Magpakita ng larawan. Tumayo kung ito ay nagpapakita ng kaunlaran, at maupo naman kung hindi ito nagpapakita ng kaunlaran. 2. Pagwawasto ng takdang aralin Sagutin ang mga sumusunod: 1. Sino ang kasapi ng Executive Board ng United Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 1952? 2. Sino ang pangulo ng World Health Organization (WHO) noong 1952? 3. Sino ang naging UN Rapporteur on the Freedom of Information at namuno sa sesyon ng karapatang pantao noong 1965?

3. Balik aral Basahin ang mga salitang nakasulat sa istripa at ibigay ang mga kahulugan nito. UNICEF UNESCO ASEAN MAPHILINDO WHO

B. Panlinang na Gawain 1. Paghahanda a. Pag alis ng sagabal Pagtugmain ang hanay A sa mga kahulugan sa hanay B. A Matiwasay Etniko Demokratiko Inilagak B a. inilagay b. panatag, mapayapa c. ang tawag sa mga taong sama samang naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kaugalian, tradisyon, at paniniwala d. ang lahat ng mga mamamayan ay pantay-pantay sa harap ng batas ano man ang katayuan nila sa buhay o tungkuling hinahawakan sa pamahalaan.

1. 2. 3. 4.

b. Pangganyak Magpakita ng mga larawan sa ibat ibang bansa na may maunlad at hindi maunlad na pamumuhay. Ano ang inyong nakita sa mga larawan? Ito ba ay maunlad o hindi? Bakit ninyo nasasabi iyan?

c. Pagpapaliwanag sa layunin Pag aralan natin ngayon ang tungkol sa mga paraang pagtataguyod sa kaunlaran ng ating bansa. d. Paglalahad Bigyan kahulugan ang salitang kaunlaran. Ibigay ang mga sangkap o salik na naglilinang sa buong kahulugan ng kaunlaran ng isang bansa. Kaunlarang Pangkabuhayan Kaunlarang Pangkultua Kaunlarang Pampulitika

2. Mga Gawaing Pangkatan a. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. b. Bigyan ng Gawain ang bawat pangkat Pangkat 1 Kaunlarang Pangkabuhayan Pangkat 2 Kaunlarang Pangkultura Pangkat 3 Kaunlarang Pampulitika

c. Pag ulat sa bawat pangkat. 3. Pagtatalakay / Paglalapat 1. 2. 3. 4. Ibigay ang tatlong uri ng kaunlaran. Ano ang kaunlaran? Paano mo masasabi na ang isang bansa ay maunlad? Bakit minimithi ng mga mamamayan ng isang bansa ang maunlad na kabuhayan? 5. Gaano ka importante ang edukasyon sa pag unlad ng ating bansa? 6. Sa palagay mo magiging maunlad ba ang bansang Pilipinas? 4. Paglalahat Ipakita ang kahulugan ng kaunlaran sa pamamagitan ng paggamit ng Dayagram.

Halimbawa: 1. Malagong kabuhayan 2. Mataas na GNP / Per Capita Income 1. Maunlad na pulitika 2. May demokratikong uri ng pamahalaan 1. Mayamang kultura 2. May pinagyamang element element ng sining, panitikan, sayaw, musika, asal, paniniwala at pagpahalaga

5. Pagsasanay I. Isulat ang B sa patlang kung ang pangungusap ay pangkabuhayan, K kung pangkultura at P kung pampulitika.

_______ 1. Pagtayo sa karapat dapat na kandidato. _______ 2. Pagpapahalaga sa mga sagisag ng Pilipinas. _______ 3. Pagtanim ng mga gulay sa bakuran. _______ 4. Pagtatayo ng mga industriyang pantahanan. _______ 5. Pagdaraos ng palatuntunan tungkol sa wika. II. Tingnan kung ang mga sumusunod ay tamang pagpapahalaga. Lagyan ng puso ( ) kung tama at ekis ( X ) kung mali.

_______ 1. Pagtangkilik sa sariling produkto. _______ 2. Magtapon ng basura sa ilog. _______ 3. Pagtatanim ng sama ng loob sa kapwa. _______ 4. Paggalang sa mga matatanda. _______ 5. Pagpapahalaga sa sariling kultura. 6. Pagtataya Sa isang buong papel, sumulat ng maikling talata tungkol sa kahulugan ng kaunlaran.

IV.

Takdang Aralin Sa pahina 168 nang inyong aklat sa HEKASI, sagutan ang pagsubok A at B. Isulat ang inyong sagot sa inyong mga kuwaderno.

Ipinasa ni:

Arbelle Jane Flores


Student Teacher Ipinasa kay:

Mme. Antoinette Reambonanza DASES - Mentor

También podría gustarte