Documentos de Académico
Documentos de Profesional
Documentos de Cultura
1. PANINIWALA SA PAGSULAT
PANIMULA
Inaaliswag ako kapag hindi ko naisusulat ang mga naglalakbay na kaalaman sa isipan ko, lalo na iyong mga bagong kaalamang nilalaro ng malilikot kong imahinasyon, samantalang ang diwa koy patuloy na nakikipagtunggali sa ibat ibang konsepto. Edwin
Ang pagsulat ay isang paghahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat itoy maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon, maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman. Ang pagbasa at pagsulat ang higit na natatangi sa akademya sapagkat ang mga ito ay sadyang pinag-aaralan at sinasanay upang maabot ang pangangailangan sa ibat ibang disiplina. Kaya sa akademya, magkatuwang ang pagbasa at pagsulat sa paghubog ng kahusayan mo hindi lamang sa mga usaping pananaliksik at pagtuklas ng mga kaalaman o sa ibat ibang gawaing pang-akademiko, ginagamit din ang dalawang makrong kasanayan ito upang ihanda ka sa iyong propesyon pagdating ng panahon at upang maging kabalikat ka ng bayan mo tungo sa inyong kapwa-kagalingan at kaunlaran.
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
Ang taong hindi makapagpahayag ng kanyang kaalaman ay tulad ng ibong bali ang pakpak na nag nanais lumipad sa kalawakan. Edwin
Katulad ng pagsulat, ito ay maihahambing sa kakayahan ng isang ibong lumipad ng Malaya. Ang paglipad ang natatanging paraan ng ibong upang marating ang nais niyang puntahan. At bago limipad ng matayog ang isang ibon, maingat muna niyang sinasanay ang kanyang paglipad. Parang ikaw, diba may nais kang marating sa tamang panahon? Kaya nga di bat nagsasanay ka sa paaralan upang tapusin ang kursong sa tingin moy sasagot sa katuparan ng iyong mga pangarap. Ang pagsulat ay isang komunikatibong kasanayan at interaktibong kagalingang nililinang sa isang tao, mula noon hanggang kaslukuyan. Isa itong pambihirang gawaing pisikal at mental dahil dito mo isinasagawa ang nais ipahayag sa tulong ng paglilipat ng kaalaman sa isang papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Bukod sa paglilipat ng mga letra at simbolong lumikha ng salita, parirala, pangungusap tungo sa isang talata hanggang sa makabuo ng isang sanaysay, maibibilang din sa pagsulat ang pagguhit ng mga larawang binibgyan ng masining na interpretasyong nagmumula sa imahinasyon at kaisipan ng manunulat.
Ayon kay Emery et al. (2004 ), ang pagsulat ay isang epektibong larangan upang maipakita ang karunungan ng isang tao gamit ang mga isinasatitik na salita. Ito ay isang kasanayang humuhubog sa kadalubhasaan ng manunulat na pagtatangkang ilahad ang kanyang kaisipan, paniniwala at layunin sa tulong ng ibat ibang ayos ng mga pangungusap sa bawat talata tungo sa pagbuo ng mga sulatin. Ayon naman kina Peck at Buckkingham (Rodillo, 1998), ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang nilalang sa kanyang sanayan sa pakikinig, pagsasalita, at pagbasa. Samakatuwid, ang pagsulat ay produkto ng mga kaalamang nahinuha sa tatlong nabanggit na kasanayang pangwika. Samantalang ayon naman kay Mabilin (2010 ), ang pagsulat ay katulad din ng pagbasa na kinakailangang gamitan ng wastong pag iisip, ibayong damdamin at karanasan. Isa itong paraan ng pakikipagpag-unawaan o pakikipagdiskurso ng isang tao sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga letra, salita, parirala at mga pangungusap. Sa gawaing ito, nailalahad ng sinumang nagnanais sumulat ang kanyang mga saloobin at paniniwala dahil ito ay repleksyon ng kaalamang nakuha ng isang tao sa pangaraw-araw niyang pamumuhay sa lipunan. Nararapat itong linangin at gawing kapaki-pakinabang sapagkat tulad din ng pagbasa, ang pagsulat ay pagpuproseso at pagsasama-sama ng mga kaalaman kung saan ipinapahayag o inilalapat ang kaalaman sa isang particular na paksa. Ang pagsulat ay kabilang din sa apat na makrong kasanayang pangwika na binibigyan ng malaking tuon dahil higit na kinakailangan ito upang masukat ang kailangan at kahandaan mo sa isang disiplina. Bagamat katulad ng diskursong pagsasalita na parehong nagpapahayag ng kaalaman at natutuhan (productive and expressive learning), ang pagsulat ay nararapat na bigyan ng tamang panahon dahil hindi ito katulad ng pagsasalita na kusang natutuhan at bahagya ring naglalaho sa isipan ng mga nakikinig sa paglipas ng panahon. Ang pagsulat ay nananatili sa isipan at naililimbag, kaya dapat nang malinaw upang maunawaan ng lahat at maingat na isinasaalang alang ang wastong paggamit ng mga salita at lohikal na pnainiwala.
Isa ito sa napakahalagang layunin sa pagsulat na dapat isaalang alang ng mga manunulat dahil mawawalang kabuluhan ang kanilang ginawa kung hindi ito magkakaroon ng positibong reaksyon o pagtanggap mula sa mga babasa nito. Kaya sa lahat ng uri ng pagpapahayag, maging pasulat man o pasalita, kinakailangang may taglay itong layuning mapanghikayat.
PAMAMARAAN SA PAGSULAT
Binigyang linaw nina Mabilin at Mendillo (2010) na maaari rin naming makita ang ibat ibang layunin sa pagsulat batay sa pagkakahayag at paraan ng pagtalakay sa teksto o sulatin. Katulad ng: 1. Pamamaraang Impormatib. Ang layunin nito ay magbigay impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. Sa apat na paraan ng pagpapahayag, ito ang tinutukoy na paglalahd na pagtalakay sa teksto. Maibibilang dito ang tekstong ekspositori at impormatib na kadalasang nagbibigay ng mga panuto; paggawa ng isang bagay kung papaano; pagsulat ng mga balita; pagbibigay ng katuturan o depinisyon; mga pag-uuri at pagkakaiba; pagbibigay ng halimbawa at iba pang gawaing may kinalaman sa pagbibigay ng kaalaman at kaliwanagan. 2. Pamamaraang Ekspresib. Ito naman ang pagsulat na naglalayon maghayag ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman sa isang tiyak na paksa batay sa sariling karanasan at pag- aaral. Kabilang sa pagsulat na ito ay pagsulat ng sanaysay, mga maiikling katha, malikhaing pagsulat at iba pang akdang pampanitikang naghahayg ng sariling interpretasyon at paniniwala. 3. Pamamaraang Argumentatib. Ang pag sulat namang ito ay may tiyak na layuning manghikayat at mangumbinsi sa mga mambabasa. Kadalasan ding ang tekstong ito ay nasa pagsulat ng sanaysay na maaaring gawing isang pagtatalumpati. Maaaring ang tekstong ito ay inihanda sa mga layuning gamitin sa mga pagtatalo o debate. Sapagkat ito ay kadalasang naglalahad ng mag proposisyon at argumentong nais bigyan ng positibong reaksyon mula sa mga tagahatol. 4. Pamamaraang Naratib. Ang tekstong ito ay isinusulat batay sa magkaka-ugnay at tiyak na mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod. Ang pinakalayunin sa pagsulat nito ay magkuwento o magsalalysay ng mga kaganapan. Nakasaad ang ganitong layunin sa paglalahad ng mga mahahalagang pangyayari ayon sa panahon at pagkakataon. Kadalasang ang halimbawa ng mga sulating ito ay mag maikling kuwento o katha, nobela, sanaysay, at iba pang uri ng tekstong naratib. 5. Pamamaraang Deskriptib. Ito naman ang pagsulat na naglalayong magpakita o maglarawan ng mga katangian, anyo, at hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, natunghayan, naramdaman, naranasan o nasaksihan.
3. Oral at Biswal. Ang oral na dimensyon ay maaaring isang paraang aktwal na pakikipag-usap ng mambabasa sa awtor. Binibigyang pagkilala ng mambabasa ang awtor batay sa mga pananalitang ginagamit nito sa kanyang akda. Kung ang kadalasang mga panulat ng may akda ay pawang pagtatanggol sa mga kababaihan, masasabi ng mambabasa na siya ay isang feminism. O kung ang mga panulat naman niya ay pawang palaban sa pamahalaan, masasabi ng mambabasa na siya ay isang aktibista o rebelde. Hindi man personal na kilala o nakita ng mambabasa ang may akda, nagkaroon na siya ng ideya kung sino ito at ano ang nais nitong ipahayag. Samantalang sa biswal na dimensyon naman, ang mga lenggwahe o pananalitang ginamit bg manunulat ay kinapapalooban ng mga nakalimbag na simbolo o larawang tumutulong upang magpagalaw ng imahinasyon ng mga mambabasa tungo sa paglikha ng panibagong ideya sa kanilang isipan. Ang mga pananalita ng may akda ay nagiging susi at stimulus sa mga mambabasa upang lalong maging malinaw ang pagkakaunawa ng mga ito sa kanyang isinulat.
b. Kontekstong Historikal. Ito naman, sa isang banda, ay konsiderasyong pangkomunikasyon na tumatalon sa nakaraang uganyang pangkominkasyon. Halimbawa: Isang mag-aaral ang nagulat nang tanungin ang kanyang kausap ng isa pang kamag-aral sa isang paksang walang pambungad at nagkaunawaan ang dalawa sa ilang sugnay lamang ang ginamit. Ang kanyang kamag-aral ay mayroong nakaraang ugnayan na hindi niya alam kung kayat kumpirmasyon lamang ng kanilang pag-uusap ang kanyang namalas. Sa komunikasyon, mahalagang tingnan ang historical na katayuan ng pag-uusap upang makita ang ugnay-ugnay na balangkas sa pagbuo ng isang kongklusyong kinukonsidera ang nakaraang ugnayang namamagitan sa kasalukuyang konteksto. c. Kontekstong Kultural. Pinakamahalangang salik ng konsiderasyon sa epektibong pakikipag-ugnayan ang kontekstong ito lalo sa konteksto ng Pilipinas, na ang barayti ng mga kulturang panlalawigan at panlunsod ay kapansin-pansin.Sa kontekstong ito, kinakailangang kritikal na kinukonsidera ang katangian ng isang kultura sa isang kultura, na hinidi ibinabatay sa isang namamayaning kultura kundi sa mayamang binukalan o ubod ng pinagmulan ng kulturang sangkot sa konteksto. Kailangang bukas ang kamalayan sa konsiderasyong ito upang makilala ang lawak ng magkakaibang tradisyon/gawin, paniniwala/pananampalataya, ideolohiya/prinsipyo, panuntunan sa buhay at relihiyon. Kailangang sumakop ang talsik na pagmamanman sa kultura na kaiba sa anyo, istraktura at pagkakabuo sa isang pamayanan sa proseso ng angkop na pakikipagtalastasan sa Filipino. Katulad halimbawa sa isang sitwasyong may makakausap kang isang Muslim o iba ang kulturang kinalakihan, kailangang maging maingat at mapanuri ka sa paglalahad ng isang paniniwalang lumalabag sa kainlang kultura. Kailangang sumakop ang talsik na pagmamanman sa kultura na kaiba sa anyo, istraktura at pagkakabuo sa isang pamayanan sa proseso ng angkop na pakikipagtalastasan sa Filipino. 2. Lohika sa Wastong Gamit ng Wika. Ang logic ay nangangahulugan ng kalinawan at sistematikong kamalayan ng pag-iisip. Sa wastong gamit ng wika, ang logic ay esensyal sa pagpapatatag ng argumento at anumang layon na tumutunton sa pagpapalinaw ng isang mensahe at kawastuhan sa pagbibigay kongklusyon sa isang pahayag na pangungusap. 3. Lohikal na Pagbuo ng Pahayag. Bago ka makabuo ng lehitimong pahayag, dapat mong mabatid ang isang kahingiang mental, ang pagsuri sa mga premise o mga lunsarang pangungusap. Ang mga premises ay binubuo ng mga pahayag tungo sa paglinang ng isang kongklusyon. Kailangang isagawa mo ang istilong ito na nagsisimula sa pangkalahatan patungo sa pagtuklas ng mga maliliit na elementong bumubuo sa malaking bahagi ng diskusyon o paksa. Halimabawa: Pangunahing Premis: Lahat ng mag-aaral sa PNU ay kumukuha ng kursong panitikan. Sekundaryang Premis: Si Hilario ay nag-aaral sa PNU. Kongklusyon: Si Hilario ay tiyak na kukuha ng kursong panitikan. Kung susuriing kritikal ang dalawang silohismo bago ang kongklusyon, makikita ang mga premis ay tumutugon sa pagiging tama ng kongklusyon. Kaya mahalaga sa silohismo ang mga premis upang matiyak ang kahihinatnan ng kongklusyon. Ang silohismo ay maaaring maghuwad ng isang magandang argumento, subalit maaari itong lumikha ng maling kongklusyon. Upang ang kongklusyon ay maging tama, kailangang tumugon ito sa kahingiang panlohikal. 4. Mga Kahingiang Panlohikal a. Ang pangunahing premise at ang sekundaryang premis ay kinakailangang tama.
b. Ang argument au kinakailangang valid. Kailangang argumento ay sumusunod sa alituntunin ng lohika. c. Ang pangunahing premis at sekundaryang premis ay kailangang tama. Halimbawa: Pagunahing Premis: Lahat ng pulang bulaklak ay rosas. Sekundaryang Premis: Ang gumamela ay pula. Kongklusyon: Ang gumamela ay rosas. Madaling malaman kung ang mga silohismo ay mali: hindi totoo na lahat ng pulang bulaklak ay rosas. Hindi makabubuo ng isang kongklusyong tama kung ang isang premise ay hindi tumutugma sa isang pang premise. Mahalaga at kritikal na malaman kung ang bawat premise ay makaugnay at tumutugon si isat isa. Pagsasanay: Tama ang kongklusyon batay sa mga naunang premis. Pangunahing Premis: Bawat bata ay may karapatang makapagpahayag sa lipunan. Sekundaryang Premis: Si Leri ay nasa unang baitang ng pag-aaral. Kongklusyon: _________________________________ Ang argumento ay kinakailangang valid. Kaya kailangang ang argumento ay sumusunod sa alituntunin ng lohika. Una, hindi maaaring bumuo ng isang kongklusyon kung ang pangunahing premise ay hindi universal. Ibig sabihin, lahat ng pangunahing premise ay kailangang gamit ang lahat (all), bawat (every) wala (no). kailangan na ang pangunahing premise ay totoo at napapatunayang tama ang bawat tao o bagay na ginagamitan nito. Halimbawa: 1. Lahat ng cellphone ay may battery. 2. Bawat sastre ay may makina. 3. Walang kotse na kuwadrado ang gulong. Sa deduktibong paglalahad, hindi maaaring gumamit ng mga salita/pahayag na nagdedelimita, tulad ng marami (many), kadalasan (most), mangilan-ngilan (some), marami (several), kakaunti (few), karaniwan (usually), minsan (sometimes), at hindi nakabubuo ng magandang kongklusyon. Pansinin ang maling silohismo: Pangunahing Premis: Lahat ng kaanib ng KADIPAN ay bumibisita saMental Hospital tuwing isang taon. Sekundaryang Premis: Si JB ay bumibisita saMental Hospital tuwing isang taon. Kongklusyon: Si JB ay kaanib ng KADIPAN. Ang unang halimbawa ay hindivalid, sapagkat hindi responsive ang unang premise sa ikalawang premise. Hindi maaaring makabuo ng kongklusyon sa ganitong mga premise, si JB ay maaaring hindi kaanib at karaniwang dumadalaw lamng siya sa Mental Hospital taunan. Maaaring may dinadalaw siyang kamag-anak o kaibigan subalit ang pagbibigay ng kongklusyon na siya ay kaanib ay mahirap patunayan.
sulatin. Binubuo ito ng mga talatang nagbibigay ng makabuluhan at mabasang introduksyon sa kung ano ang layunin at magiging daloy ng pagtalakay sa kabuuan ng sulatin. Mahalaga ang panimula sa lahat ng sulatin sapagkat dita nakasalalay ang kahandaan ng mambabasa kung nanaisin ba niyang basahin ito o hindi. Kaya kinakailangang maging maganda ang presentasyon ng simula na punung-puno ngmga mapang mapanghikayat na pananalita at motibasyon sa mga mambabasa. 2. Gitna. Binubuo ito ng mga talatang magkakaugnay na tumatalakay sa kabuuan ng paksa. 3. Wakas. Ang bahagi namang ito ang nagbibigay wakas sa kabuuan ng paksa. Kadalasang naglalahad ito ng mga kongklusyon, pagbubuod, muling pagpapalutang sa pinaka-diwa ng paksa, rekomendasyon, implikasyon at mga mahahalagang salitang mag-iiwan ng mga mensaheng mananatili sa isipan at damdamin ng mga mambabasa. MGA SIMULAIN NG PAGLALAHAD 1. Kaisahan (unity). Dapat isaalang-alang ang kaisahan ng paglalahad sa paksa upang hindi ito mawalay sa tunay na konseptong nais ipahayag. 2. Pagkakaugnay-ugnay (coherence). At upang ganap na matamo ang kaisahan sa paglalahad, nararapat lamang na isaalang-alang ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya o diwa sa bawat pangungusap tungo sa konseptong tinatalakay. Huwag isama ang mga walang kabuluhan o kaugnayang detalye, ang mga ito ay nagpapaligoy lamang sa pagtalakay at maaaring magkaroon ng kalituhan sa isipan ng mga mambabasa. 3. Diin (emphasis). Importanteng magkaroon ng diin o emphasis ang mga mahahalagang ideyang magpapalutang sa konseptong paglalahad MGA DAPAT TAGLAYIN NG MABUTING PAGLALAHAD 1. Kawil-wili 2. Masidhi 3. Kaakit-akit 4. May buhay at may angking kagandahan PAGLALARAWAN Ito naman ang diskursong pasulat na ang kayarian ay naglalarawan o pumipinta sa anyo, hugis, kayarian, katangian at kaibahan ng mga bagay at pangyayaring pinahahalagahan ng manunulat. Kaugnay ito sa pagtalakay ng manunulat sa mga natatanging bagay at kaalamang binibigyang kulay at buhay sa tulong ng mga imahinasyon at limang pandama ng tao. Ang kayariang ito ay lumilikha ng imahe sa mga isipan ng mga mambabasa sa sandaling mabasa ang kakaibang salitang gamit ng manunulat sa paglalarawan. Isa itong diskursong binibigyang pagkakataon ang mambabasa na paganahin ang imahinasyon sa mga bagay na tinatalakay ng mga manunulat. Kadalasan ang ganitong teksto ay nagbibigay ng isang tiyak na detalyeng biswal na nagiging istimulus ng mga mambabasa upang lubos na maunawaan ang binabasa. Pinakatampok sa ganitong diskurso ang mga tekstong deskriptib. DALAWANG URI NG DISKURSONG PAGLALARAWAN 1. Karaniwan. Nagbibigay larawan sa isang paksa batay sa tunay, likas o natural na kaanyuan lamang, hindi ito dinaragdagan ng anumang imahinasyon o iba pang katangian. Kung ano lamang ang nakikita o taglay na anyo, hugis, kulay at iba pa ang sadyang ilalarawan. 2. Masining o Malikhain. Ito naman ang paglalarawang binibigyang kulay, buhay at sining ang paksang inilalarawan. Lumilikha ito ng iba`t ibang imahinasyon at mga malilikot na pag-iisip tungo sa pagbuo ng isang buhay na larawan ayon sa damdamin o kaisipang nais ipabatid ng may akda. Gumagamit ito ng mga masisining na pananalita tulad ng mga tayutay, idyoma at iba pang mga matatalinghagang pahayag.
MGA KATANGIAN NG PAGLALARAWAN 1. Pagpili ng Paksa 2. Pagpili ng Pananaw 3. Pagbuo ng Pangunahing Larawan 4. Pagpili ng mga Sangkap 5. Pagsasaayos ng mga Sangkap PAGSASALAYSAY Ito ang diskursong karaniwang gamitin sa ating mga personal na pagsulat, hindi lamang sa puntong tayo ay likas na makuwento o sanay magbahagi ng mga pangyayari sa ating buhay, ngunit sa punto ring kinakailangan nating magsalaysay o gumawa ng naratibong pag-uulat para sa ating propesyon o mga gawaing pang-akademiko. Kahanay ng ganitong pagsulat ay ang mga tekstong naratib. Ang bisa at tagumpay ng ganitong diskurso ay nakasalalay sa pagkukuwento nang nasa wastong pagkakahanay at pagkakasunod-sunod ng bawat detalye at mga pangyayari. MGA KATANGIAN NG MABUTING SALAYSAY 1. May Kaakit-akit na Pamagat 2. May Makabuluhan at Mahalagang Paksa 3. Nakagaganyak at Kawili-wili ang Simula 4. Wastong Pagkakasunod-sunod 5. May Kaangkapan ang mga Pananalita 6. Makabuluhang Pagkakaayos o Pagkakabuo 7. May mga Kapana-panabik at Kasukdulang Tagpo 8. May Kawili-wili at Magandang Wakas PANGANGATWIRAN Ito ang diskursong sadyang isinusulat para sa napakahalagang layuning makapanghikayat o mapapaniwala ang mga mambabasa sa saloobin ng sumulat ukol sa kanyang paniniwala at paninindigan. Sa kayariang ito, mariing binibigyang pagtalakay ang paglalahad ng mga detalye at kaalamang nais mabigyan ng positibong reaksyon ng mga babasa o mga tagahatol nito. Dito ihahanay ng manunulat ang kanyang mga proposisyon at argumentong nagbibigay suporta sa mga kaalamang nais niyang sangayunan ng mga mambabasa. Sa mga nabanggit ng kayarian, pinaka-sensitibo ang diskursong ito sapagkat nangangailangan ito ng mabigat ng ebidensya o patunay na makatotohanan ang ipinahahayag ng manunulat. Kadalasan, ang ganitong diskurso ay isinasagawa sa paraang lohikal at mabisang pagsulat na maaaring gamitin sa mga pakikipagtalo o pakikipagdebate sa akademya at iba pang pakikipagdiskurso o maging sa propesyong kinasasangkutan ng manunulat. Kahanay sa ganitong diskurso ang mga pagsulat ng tekstong argumentatib, persweysib at lahat ng mga akdang may kinalaman sa masining at mabisang pangangatwiran. MGA URI NG PANGANGATWIRAN 1. Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning). Ito ang uri ng pangangatwirang nagsisimula sa isang maliit na kaalamang magtutungo sa ibayong pagtalakay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang detalye at impormasyong hanggang sa makabuo ng isang pangkalahatang konsepto o simulain. 2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning). Proseso ng pangangatwirang nagpapalutang sa pangkalahatang simulain. Nagsisimula ito sa isang pangkalahatang konsepto na binibigyang pagtatalakay sa pamamagitan ng mga baha-bahaging kaisipang may kaugnayan dito hanggang sa tuluyang mailahad ang kabuuang konsepto.
Ayon nga kay Roland Barthes (1999), ang diskurso ay nagiging epektibo kung ang mga kalahok ay may komunalidad sa uri ng wika o kasangkapang ginagamit sa komunikasyon. Maisasakatuparan lamang anya ang mahusay na diskurso kung maalam ang mga kalahok sa mga lawak ng kaalamang ipinapakahulugan sa isang tiyak na layunin. Sa madaling salita, nabubuo ang epektibong diskurso kung malinaw na naililipat ang mga ideya sa isang interaksyon na pinagkasunduan ng dalawang panig na kalahok sa pagbibigay interpretasyon sa kanilang pinag-uusapan. MGA GAMPANIN SA EPEKTIBONG DISKURSO 1. Layuning Intrapersonal. Gampaning pampersonal o pansarili ang gamit ng panlaping intra; mahalagang kabatiran sa wika ang makapagpahayag ng sariling saloobin at mga sentimyento. 2. Layuning Interpersonal. Bawat komunikasyon ay may likas na layuning nais ipamalas, at basiko ang pakikipag-ugnayang sosyal. Ang mga pagbati, pagpuri, pakikisalamuha at iba pang anyong nagpapakita ng interaksyong sosyal sa kapwa. 3. Layuning Direktib. Nilalayon nitong lumitaw ang nais na resulta ng isang diskurso sa pamamagitan ng pagbibigay utos at pagtanggi. 4. Layuning Reperensyal. Ginagamit sa paghinuha ng impormasyon, pagbabalangkas sa paksa, pagkikritik, pag-uusisa upang makabuo ng isang lehetimong kaunawaan sa pagpapakutabg diwa sa diskurso. 5. Layuning Malikhain. Ginagamit sa paglinang ng imahinasyo at abstraktong pag-iisip sa isang paksa tulad ng mga malikhaing akdang pampanitikan tulad ng tula, maikling kwento, nobela, parabola, pabula at marami pang iba.
AKADEMIKONG PAGSULAT (ACADEMIC WRITING) Ito ang uri ng pagsulat na higit na mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat, sapagkat ito ang larangang ang lahat ng kaalaman sa pagsulat ay rito hinuhubog, nililinang at pinaghuhusay. Mula sa lahat ng sulating iyong pinagdadaan sa paaralan mula sa elementary hanggang tersarya at maging sa puntong ikaw ay magdadalubhasa (masteral degree) o magpapakadalubhasa (doctoral degree) ay matatawag na akademikong pagsulat. Katulad ng pagsulat ng iba`t ibang uri ng mga sanaysay o komposisyon; pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan; kritikal na pagsulat ng mga artikulo at lohikal na pagsulat ng mga pananaliksik o pamanahunang papel ukol sa iba`t ibang disiplina at maging ang mga pinakamataas na pagsulat ng tesis at disertasyon. Samakatuwid, ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat. Ito ang pinakamataas na antas at intelektwal na pagsulat, dahil lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat` ibang larangan. MALIKHAING PAGSULAT (CREATIVE WRITING) Sa lahat ng uri ng pagsulat, ito ang pagsulat na punong-puno ng konsentrasyon at imahinasyon ng mga manunulat. Isinusulat ang ganitong uri upang maghatid saya at aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpukaw at pagsundot sa kanilang damdamin at isipan. Ang kadalasan ng ganitong pagsulat ay ang mga akdang pampanitikan na tinatalakay sa paraang kathang-isip lamang (non-fiction), minsan nama`y batay sa tunay na pangyayaring (fiction) ginagamitan ng masisining na mga pananalita katulad ng idyoma, tayutay, simbolismo at iba pang katulad na pananalita. Ito ay bunga ng malilikot na imahinasyon at pag-iisip ng mga manunulat na kinabibilangan ng mga makata, kwentista at nobelista. Kaya maihahanay sa produkto ng ganitong pagsulat ang tula, dula, maikling katha, nobela, malikhaing sanaysay at ang mga kinalilibangan natin ngayon, katulad ng panitikang popular na teleserye, telenobela komiks, musika, pelikula at iba pa. PROPESYUNAL NA PAGSULAT(PROFESSIONAL WRITING) Uri ng pagsulat kung saan inilalapat mo na ang iyong natutuhan sa akademya, ito ang puntong nasa aktwal ka nang pagganap sa iyong propesyon. Susulat ka batay sa natatanging larangan, depende sa hinihingi ng iyong propesyon. Karugtong ito ng iyong natutuhan sa akademikong larangan kaugnay ng pagsasanay sa disiplinang pinili mo. Katulad ng Criminology na tinuruan ka sa akademya sa paggawa ng police, investigative at criminal report; Teacher na tinuruan kang gumawa ng lesson plan; Doctor na gumawa ng medical analysis at report; Nurse na gumawa ng narrative report at iba pa. Samakatuwid, ito ang pagsulat kung saan sumusulat ka kaugnay sa iyong propesyon o kasalukuyang hanapbuhay. TEKNIKAL NA PAGSULAT (TECHNICAL WRITING) Kakaiba naman ang pagsulat na ito sapagkat nangangailangan ito ng impormasyong teknikal na kadalasang ang layunin ay lumutas ng isang komplikadong suliranin. Nangangailangan ito ng ibayong pagpaplano o mga hakbang kung papaano ang isang bagay o ideya ng ganitong pagsulat at kadalasang nakatutok sa malaking kapakinabangan, ngunit ang babasa ng ganitong pagsulat ay iyon lamang may kaugnayan sa ganitong usapin. Ang halimbawa ng ganitong pagsulat ay ang: City Planning and Construction Building, Feasibility Study, Trade ang Commerce Correspondence at iba pang mga katulad. DYORNALISTIK NA PAGSULAT (JOURNALIST WRITING) Ang ganito namang klase ng pagsulat ay sadyang inilaan para sa usaping pamamahayag o pag-uulat ng mga balita. Halimbawa ng ganitong pagsulat ay ang pagsulat ng mga balita, artikulo, editorial, kolum, lathalain at iba pa. Kaugnay nito ang mga pangangalap ng iba`t ibang pangyayari o kaganapan sa lipunan
batay sa masining ngunit makatotohanang pagpapahayag ng balita sa mga pahayagan at magasin. Ang karaniwang sumusulat ng ganitong pagsulat ay iyong mga taong may kinalaman sa sining at agham ng pamamahayag, mga tagapag-balita, journalist at iba pa. REPERENSYAL (REFERENTIAL WRITING) Ito ang uri ng pagsulat na walang ibang layunin kundi ang magbigay ng mungkahi o magrekomenda ng iba pang kaalaman o pagkukunang kaalaman na nararapat bigyang pansin sapagkat may kaugnayan ito sa isinulat na konseptong papel. Karaniwang itong ganitong pagsulat ay makikita sa katapusang bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanata ng pag-aaral na tumatalakay sa kaugnay na literature o pag-aaral. Maaari rin namang makita sa iba pang bahagi ng pamanahunan o konseptong papel o tesis upang bigyang pagkilala o imungkahi ang mga pinagkunang kaalaman o sorses ng manunulat sa kanyang isinagawang pananaliksik.
URI NG SULATIN
5. Pagsasalaysay 6. Pangangatwiran
a. Pabuod b. Pasaklaw
MGA EXAMPLE: