Está en la página 1de 19

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE

Banghay Aralin sa Araling Panlipuna 1. Layunin Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan II. Paksang aralin A. Ang aking sarli B. Sanggunian: Kto 12, Curriculum Guide C. Konsepto: Pagpapakilala sa sarili D. Kagamitan: larawan, card board, cartolina E. Integrasyon: Filipino, Edukasyon sa Pagpapakatao III. Pamamaraan Panimulang Gawain Awit: b.Pagganyak Paglaruin Ang mag aaral. Sabihin ang mga panuto bago simulan ang laro. Magpapangkat pangkat kayo ng iyong kamag aral ayon sa kategoryang aking babanggitin. a. Pangalan b. Kaarawan c. Edad d. Tirahan Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga bata. a. Ano ang impormasyong ibinahagi mo sa iyong mga kamagaral habang naglalaro? b. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? c. Bakit kailangang alam mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan B. Panlinang na Gawain

1. Paunang Pagtataya Gabayan ang mga mag aaral sa pagbuo ng pangkat na may apat na kasapi. Hikayatin silang isadula ang mga babasahin sitwasyon. a. Unang araw ng klase, kailangan ninyong ipakilala ang inyong mga sarili Sa inyong mga kamag- aral. b. Hindi sinasadyang napahiwalay ka sa iyong nanay sa palengke. Sa kabutihang palad, nakita mo ang nanay ng iyong kaklase. Nag magandang loob siyang ihatid ka sa inyong bahay ngunit hindi niya alam kung saan matatagpuan ang inyong bahay. c. Nakita mo ang iyong lola na matagal mo nanghindi nkakasama. Tinanaong niya kung ilang taon ka na. d. Naglalagay ng dekorasyon sa inyong silid-aralan ang iknyong guro. Sinabi niyang ilalagay niya sa isang bahagi ng silid ang talaan ng mga kaarawan ng mga mag aaral.Sabihin sa inyong guro kung kalian ang inyong kaarawan. Bigyan nang sapat na oras ang bawat pangkaty upang maghanda at mag-ensayo. Matapos ang pag sasadula, itanong sa mga mag aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang naramdaman matapos ninyong ibahagi sa iyong mga kaklase an gang inihanda ninyong dula? b. Naranasan nyo na bas a inyong sariling buhay ang sitwasyong inyong ipinakita sa dula? 2. Paglalahad Gumawa ng isang malaki at maliit ng bilog, tiyaqkin na ang bawat isa ay may kaparis sa bilog. Magpatugtog ng isang awitin, kapag tumigil ang tugtug, maghaharap ang magiging magkatapat, sa maikling oras, magkaroon ng dialogue ang magkapares tungkol sa pangalan, kaarawan , edad at tirahan. 3. Pagtatalakay

Hikayatin ang mag aaral na alalmin ang pinagmulan ng kanilang pangalan. Itanong : Sa iyong palagay, bakit iyan ang ibinigay sa iyong pangalan? Ano ang kaaugnayan ng iyong kaarawan sa iyong pangalan? 4. Paglalahat Ipabigkas muli ang pangalan, kaarawan, edad at trirahan sa magkakatabi. Bakit kaya kailangang alam ang pangalan, kaarawan, edad aty tirahan? 5. Paglalapat Itanong sa mga mag aaral ang mga sumusunod : a. Ano ano ang mga pangalang itinatawag sa iyo ng iyong unang pangalan? b. Sa mga Pangalang ioto, alin ang gusting-gusto mong itinatawag sa iyo? 6. Pagpapahalaga Bilang bata mahalaga bang alam mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa sarli mo. IV. Pagtataya Ipasulat sa loob ng bituin ang kanilang unang pangalan. Ipasulat naman sa loob ng bilog ang kaarawan, edad at tirahan. V.Takdang aralin Maaring magpatulong sa magulang. Gumawa ng name tag kung saan nakasulat ang pinakagusto nilang pangalan. Kulayan ito gamit ang kanilang paboritong kulay. Lagyan ng tali, isuot tuwing oras ng klase.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I. Layunin Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng larawan (self-portrait) II. Paksang aralin A. Paksa: Pagpapakilang sarili sa pamamagitan ng larawan (self-portrait) B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide C. Konsepto:Pagpapakila D. Kagamitan: larawan, tsart, coupon bond E. Integrasyon : Filipino, Science III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pamukaw sigla Awit: (mga aqwiting pambata tungkol sa sarili) 2. Pagganyak Tumawag ng dalawang mag aaral sa unahan, ang isa gawing modelo, ang isa ay iguguhit ang modelo. B. Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya Bigyan ngmalinis o coupon bond aang bawat mag-aaral at ipaguhit sa kanila ang kanilang sarili, pagkatapos ipasulat ang kanilang pangalan sa ibabang bahagi ng larawan. 2. Paglalahad Ipabahagi sa kaklase ang ginawa ng mga magaaral. 3. Pagtatalakay Sa isang bahagi ng silid-aralan, ipapaskil sa mga mag-aaral ang mga iginuhit nila Tanungin ang mga mag-aaral. a. Ano ang naramdaman mo habang1. Iginuguhit mo ang iyong sarili? 2. Ibinabahagi mo ang iyong iginuhit?

3. Nakikinig sa pagbabahgi ng iyong mga kamag-aqral? b. Anu ang napansin mo sa iyong iginuhit ? Ilarawan mo ito. c. Ano ang napansin mo sa mga larawang inyong iginuhit? d. Bakit hindi magkakapareho ang inyong mga iginuhit? e. Ano ang kaibahan ng iyong iginuhit sa mga Gawain ng iyoing mga kaklasea? 4. Paglalahat Nararapat bang ipagmalaki ang iyong sariling katangian? 5. Paglalapat Pagpangkatin ang mga mag-aaral ng tig dadalawa, Bigyan ng malinis na papel, ipaguhit ang kapareha sa isat isa. 6. Pagpaapahalaga Ang bawat isa sa iyoing kamag-aral ay natatangi rin. Dapat mo ring igalang at pahalagahan ang kanilang angking katangian. IV.Pagtataya Pangkatin ang mga maq-aaral. Bigyan ng isang buong kartolina. Ipaguhit ang kanilang sarili sa kanilang papel, pagkatapos ipadikit sa kartolina ang kanilang iginuhit. Rubric ng pagmamarka Mga Pamantayan 1. Sumunod ng maayos sa Panuto o direksyon 2. Ginawa ng tahimik at May pagkakaisa 3. Natapos sa takdang oras Kabuuang Marka V.Takdang Aralin Isaulo ang awiting I Have Two Hands 5 4 3 2 1

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I. II.

Layunin Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng larawan. Paksang Aralin A. Paksa: Pagpapakilala ng sarili pamamagitan ng larawan. B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide C. Konsepto: Pagpapakilala sa Sarili D. Kagamitan : larawan, magnifying glass, malinis na papel E. Integrasyon: Science

III.

Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1.Pamukaw Sigla Awit : I have Two Hands 3. Pagganyak Itanong: Mga bata napagmasdan nyo ba ang iyong mga daliri? B. Panlinang na gawain 1. Paunang Pagtataya Magpakita ng larawan ng isang detective na may dalang magnifying glass na tinitingnan ang isang totoong thumb mark ng hinlalaki Ipasuring mabuti sa mga bata ang mga guhit sa aknilang hinlalaki. Itanong sa mga bata: Mga bata anu ang masasabi mo sa mga guhit sa inyong hinlalaki? 2. Paglalahad Sabihin sa mga mag aaral ang mga sumusunod: Lahat tayo ay may kani-kaniyang thumb print tulad ng sinisiyasat ng imbestigador sa larawan. Subukan mong ikumpara ang iyong sariling thumb

print sa iyong sariling thumb print sa iyong mga kamag-aral. 3. Pagtatalakay Gabayan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi. Bigyan ang bawat grupo ng isang malinis na papel at gamitin ang watercolor na pangkulay sa kanilang hinlalaki tulad ng stamp pad o uling.Pagkaqtapos pakulayan ang kanilang hinlalaki, ipadiin ito sa isang malinis na papel. Hikayatin ang mga mag-aaral na siyasating mabuti ang mga guhit mula sa kanilang hinlalaki. Itanong Ang mga sumusunod: a. Ano ang natuklasan mo? b. Magkapareho ba ang thumb print ng iyong mga kamag-aral? c. Maliban sa thumbprint, may naiisip ka pa bang ibang mga katangiang pisikal na naiiba sa iyong mga kamag-aral? 4. Paglalahat Ano ang mayroon ka na naiiba sa iyong mga kamagaral tulad ng thumb print? 5. Paglalapat Ipangkat ang mga mag-aaral, bigyan ng kalahating cartolina ang bawat pangkat, Pakulayan muli ang thumb idiit sa binigay na kalahating kartolina. 6. Pagpapahalaga Ang bawat isa sa iyong kamag-araql ay natatangi rin. Dapat mo bang igalang at pahalagahan ang kanilang angking katangian.

IV.

Pagtataya Pangkatin ang mga mag aaral, paqawain ng isang maiikling tugma ang bawat pangkat tungkol sa thumb print.

V.

Takdang Aralin Gumupit ng larawan ng isang mukha.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I. Layunin Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng larawan (self-portrait) II. Paksang Aralin A. Paksa: Ibat ibang damdamin ng tao B. Sanggunian: K to 12 curriculum guide C. Konsepto: Paghbabago D. Kagamitan: larawan, coupon bond E. Integrasyon: Science, Filipino III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pamukaw sigla Magsagawa ng Face Dance 2. Pagganyak Tumawag ng ilang mag-aaral, sabihin na ipakita ang mukha ng taong Masaya, malungkot, gulat, galit, B. Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya Magpakita ng larawan ng ibat ibang damdamin ng tao. Magpakita ng larawan ng ibat-ibang sitwasyon kung kalian nararamdaman ang mga nabanggit na damdamin. Itanong sa mga mag-aaral kung kalian nila nararamdaman ang mga damdaming ito. 2. Paglalahad Magpalaro sa mga mag-aaral. Tulungan silang bumuo ng dalawang pangkat sa klase na may magkasing dami ng miyembro. Bawat pangkat ay bubuo ng isang bilog. Isang grupo ang nasa loob ng mas malaking bilog. Ang mga nasa loob ng bilog ay nakaharap

swa mga batang nasa labas ng bilog. Ang mga nasa labas na bilog ay nakaharap ng mga batang nasa loob ng bilog. Ipakita ang damdamin ng mga sumusunod na sitwasyon: a. May inuwing pasalubong para sa iyo ang iyong tatay. b. Inagaw at siniraq ng iyong kalaro ang paborito mong laruan. c. Nabalitaan mong nagkasakit ang iyong matalik na kaibigan d. Lumabas ka ng kwarto at biglang sumigaw nang malakas ang iyong kapatid. Basahin ang unang sitwasyong nakatala. Matapos itong basahin, bumilang ng isa hanggang sampu habang dalawang pangkat ng mga mag-aaral ay umiikot ng magkasalungat. Pagkabilang ng sampu, sabihan ang mga mag-aaral na ipaakita sa katapat na kamag-aral ang maaaring maramdaman sa binanggit na sitwasyon. 3. Pagtatalakay Pagawin ng isang malaking bilog ang mga mag aaral. Magpatugtog ng isang tutugin na pambata, habang ang mga mag aarasl ay may hawak na bola, kapag tumigil ang tugtug ang sinumang may hawak ng bola ang magpapakita ng ibat ibang damdamin ng isang tao. Itanong sa mga mag aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang naramdaman mo habang ikaw ay naglalaro? b. Magkatulad ba ang damdaming ipinakita mo at ng iyong mga nakatapat na kamagaral sa ibat ibang sitwasyonng nabanggit? Bakit o bakit hindi?

4. Paglalahat Lahat ba ng tao ay mayroong sariling damdamin? Ano ano ang ibat ibang damdamin ng tao?Paano mo pahahalagahan ang sariling damdamin ng isang tao? 5. Paglalapat Pagpangkatin ang mga mag aaral sa apat ng pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng kalahating kartolina. Gumawa ng mga mukha na nagpapakita ng ibat-ibang damdamin . Ilagay sa isang kahon, pabunutin ang leader ng isang mukha,kulayan ang mukhang nabunot. Sa kalahating kartolina, iguhit ang mga bagay na dahilan ng damndamin ng mukha mong nabunot sa kahon.Isulat ang damdamin nabunot. 6. Pagpapahalaga Ang ibang bata ay may damdamin ding dapat igalang at kilalanin. IV. Pagtataya Magsulat ng mga sitwasyon na nagpapahayag ng ibat ibang damamin sa strip of cartolina ilagay sa kahon. Pabunutin ang mga mag aaral, Iguhit ang mukha na nagpapakita ng damdamin sa sitwasyong mabubunot sa kahon. V. Takdang Aralin Gumuhit ng mukha na nagpapakita ng ibat-ibang damdamin, idikit sa isang karton at lagyan ito ng tangkay na patpat. Magpatulong sa magulang.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I. Layunin Nakagagawa ng collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili. II. Paksang Aralin A. Paksa: Paggawa ng collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili. B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide C. Konsepto: Pagpapahalaga sa sarili D. Kagamitan: tsart, larawan, coupon bond, malinis na papel E. Integrasyon: Science III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pamukaw Sigla Awita; 2. Pagganyak Magpakita ng mga larawan ng batang kumakain ng masustansyang pagkain, natutulog, naliligo , nagsisipilyo, nag eehersisyo. Itanong sa mga mag aaral, Bilang bata, bakit kailangan ninyong gawin ang mga ito? B. Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya Gumupit ng mga bagay o larawan na nagpapakilala sa sarili, ilagay sa isang kahon, tulad halimbawa ng masusustansyang pagkain ito ay nagpapakilala na sya ay isang batang malusog. Magkaroon ng apat na kahon na naglalaman ng parepareho. Pangkatin ang mga mag aaral sa apat na pangkat, hayaang mamili ng mga larawan. 2. Paglalahad

Ano ano ang mga pagkain dapat kainin upang makilala kang batang malusog? Bukod sa pagkain ng masustansyang pagkain, ano ano pa ang dapt gawin upaqng makilala kang batang malusog? 3. Pagtatalakay Gamitin ang mga napili ng bawat pangkat na mga larawan. Ano ano ang nagagawa sa inyong sarili ng mga larawang nakuha nyo sa kahon? 4. Paglalahat Sa paanong paraan ka makikilala na isang batang nangangalaga sa sarili? 5. Paglalahat Idikit ang mga larawang ginamit sa apat na pahinang malilinis na papel. IV. Pagtataya Gawaing isang scrapbook ang mga pahina na may Dikit ng mga bagay na pagkakakilanlan sa iyong sarili. V. Takdang Aralin Magdala ng isang bagay na ginagaqmit sa paliligo.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I. Layunin Nakagagawa ng collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili II. Paksang Aralin A. Paksa : Pagpapahalaga sa sariling katawan B. Sanggunian: K to 12 Curriculum guide C. Konsepto: Pagpapahalaga sa sarili D. Kagamitan: Maikling Kuwento-Ang Prinsipeng Ayaw Maligo,(K to 12 Curriculum Guide pages 57,58,59) larawan, tsart E. Integrasyon: Science III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pamukaw Sigla Awit: Little Shine in Water 2. Paqganyak Mga bata ano ang ginagawa nyo upang mapahalagahan ang inyongkatawan? B. Panlinang na gawain 1. Paunang pagtataya Pangkatin ang mga mag aaral sa apat na pangkat, bigyan ang bawat pangkat ng pirapirasong larawan ng mga kagamitan sa paliligo at sabihing buuin ito at ipaliwanag ang nabuo sa larawan . 2. Paglalahad Basahin ang Kwentong pinamagatang Ang Prinsiping Ayaw Maligo 3. Pagtatalakay Itanong sa mga mag aaral ang mga sumusunod: 1. Ano ang pangalan ng bidang prinsipe sa kuwento? 2. Ano ang ayaw niyang gawin?

3. Ano ang mga sinasabi niyang dahilan kung bakit ayaw niyang maligo? 4. Sa iyong palagay, ano ang totoong dahilan ng prinsipe kung bakit ayaw niyang maligo? 5. Ano ang nangyari sa kanya dahil sa ayaw niyang maligo? 6. Nagustuhan ba niya ang nangyari sa kanya? Paano mo nasabi ito? 7. Ano ang ginawa ng prinsipe nang linayuan siya ng mga bulaklak at nilapitan siya ng mga peste? 8. Bakit kaya kailanganglagi tayong naliligo? 9. Ano ano pa ang maaari nating gawin upang mapangalagaan natin ang ating katawan? 10. Ano-ano ang maaaring mmangyari kung hindi natin aalagaan an gating katawan? 4. Paglalahat Paano pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang katawan? 5. Paglalapat Pangkatang ang mag aaral sa dalawang pangkat. Bigyan ang dalawang pangkat ng larawan ng batang madungis at malinis, bigyan ng tig kalahating kartolina, idikit d2 ang dalawang larawan, sumulat ng tig limang salita sa ilalim ng bawat larawan. 6. Pagpapahalaga Bilang isang mag aaral, kailangan bang lagi tayong malinis sa katawan? Bakit?

IV.

Pagtataya na Pangkatin ang mga mag-aaral n may tig apat na kasapi. Ang bawat grupo ay guguhit ng mga bagay na nakakatulong upang makilala ang isang bata na siya Ay isang malinis na bata, pagsamasama ang ginawa ng bawat miyembro at pagkatapos gumawa ng isang scrapbook tungkol ditto.

V.

Takdang Aralin Gumupit ng mga larawan na nmagpapakita ng

pangangaalaga sa sarili.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I. Layunin Nakagagawa ng collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili II. Paksang Aralin A. Paksa: Wastong Pangangaalaga sa Katawan B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide C. Konsepto: Pagp0apahalaga sa Sarili D. Kagamitan: Larawan, Tsart, kahon E. Integrasyon: Science III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pamukaw Sigla Awit: Pambatang awit tungkol sa pangangalaga sa katawan 2. Pagganyak Magpakita ng larawan ng isang batang malinis.Itanong sa mga bata: Mga bata kayo ba ay katulad ng nasa larawan? B. Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya Gagawa ng malaking bilog ang mga magaaral, hahawakan ng isa ang isang bola. Magpapatugtog ang guro ng isang masayang awiting pambata, kung sino ang may hawak ng bola pagtigil ng tugtog ay pangangalaga ng katawan. 2. Paglalahad Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng wastong pangangalaga sa katawan. Itanong sa mga bata: ginagawa ba rin ninyo ang nasa larawan? Paano? siyang magsasabi ng isang bagay tungkol sa wastong

3. Pagtatalakay Gamitin muli ang mga larawan, ipaskil sa unahan, tumawag ng mag aaral at papiliin ng nais na larawan, Itanong sa bata: Bakit iyan ang napili mo, magpapaliwanag ang bata.Gawin ito ng paulit-ulit. 4. Paglalahat Pagparisin ang mga mag- aaral. Patayuin ang magkakaparis, Sabihin na itanong ng kaparis ang Ano ano ang dapat mong gawin upang mapanatiling malusog ang iyong katawan? Ganun din magtatanong din ng kaparehong tanung ang isa. 5. Paglalapat Pangkatin ang mga mag aaral sa apat. Bigyan ng tiglilimang coupon bond. Sabihin sa mga bata Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng wastong pangangalga sa katawan, kulayan ito.. Pagsamahin ang mga ginawa ng bawat myembro ng grupo at gumawa ng isang scrapbook. 6. Pagpapahalaga Bilang isang mag-aaral mahalaga ban a pangalagaan ng iyong katawan? IV. Pagtataya Igrupo ang mga mag aaral sa dalawa, Suriin ang mga larawang nakapaskil.(dalawang hanay ang nakapaskil)Lagyan ng tsek ( ) ang larawang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa katawan at lagyan ng ekis ang nagpapakita ng di-wasto. V. Takdang Aralin Itala sa inyong kwaderno ang isang bagay na gusting gusto mo gawin.

También podría gustarte