Está en la página 1de 26

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

K TO 12 CURRICULUM GUIDE

Araling Panlipunan
(Grade 1 to 2)

January 31, 2012

CONCEPTUAL FRAMEWORK

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

I. LEARNING AREA STANDARD


Naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto at pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isat isa, at ang kanilang mga paniniwala at kultura upan g makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng bansa at mundo; maunawaan ang sariling lipunan gamit ang mga kasanayan sa pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman at pakikipagtalastasan tungo sa isang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. II. Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards):

K- 3
Naipamamalas ang panimulang pagunawa at pagpapahalaga sa sarili, pamilya, paaralan at komunidad at mga batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon tungo sa pagbuo ng kamalayan tungkol sa sarili at kapaligiran bilang kasapi ng isang lipunan na may karapatan at pananagutan sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran.

4-6
Naipamamalas ang batayang pagunawa sa mga pangunahing konseptong heograpiya at ang aplikasyon ng mga ito sa ibat ibang pamayanan sa Pilipinas at kasaysayan ng bansa; at ang pagpapahalagang pansibiko tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsible, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa

7-10
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa kasaysayan, kultura at aspetong panlipunan, pangekonomiya, pampulitika sa Pilipinas, sa rehiyon ng Asya at sa mundo, ang ugnayan sa rehiyon at daigdig at ang batayang konseptong ekonomiks at aplikasyon nito sa buhay gamit ang mga kasanayang napapaloob sa kakayahan ng pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya

11-12
Naipamamalas ang malawak at integratibong pag-unawa sa mga hamon, isyu at tugon sa kontemporaryong lipunang Pilipino, Asyano at pandaigdig batay sa masusing pagsasaliksik at mabisang paghayag ng resulta ng pagsasaliksik tungo sa pagbuo ng solusyon o tugon upang marating ang isang makatarungan, mapayapa, makakalikasan at makataong lipunan at mundo.

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

III. GRADE LEVEL STANDARD


Grade Level Kindergarten Grade Level Standards Naipamamalas ang pag-unawa sa kaalaman tungkol sa sarili at mga gawain ng tao sa kanyang kapaligiran at pagpapaunlad ng kakayahang sosyo-emosyunal at positibong pakikipag-ugnay at pakikisalamuha sa tahanan, paaralan at pamayanan Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at pag-unawa sa batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon at ang pagpapahalaga sa kapaligiran ng tahanan at paaralan tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang pagkilala, pag-unawa at pagpapahalaga sa kinabibilangang komunidad ngayon at sa nakaraan gamit ang mga konseptong pagpapatuloy at pagbabago, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, mga simpleng konseptong heograpikal tulad ng lokasyon tungo sa isang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan Naipamamalas ang pag-unawa sa kasaysayan ng sariling lalawigan at rehiyon kasama ang aspetong pangkultura , pampulitika, panlipunan at produksyon at distribusyon ng lokal na produkto gamit ang mga natutunang konsepto at pamamaraan sa mga naunang baitang para sa mas malalim na pag-unawa ng impormasyon at pagkakakilanlan bilang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang pag-unawa sa batayang konseptong pangheograpiya at ang aplikasyon nito sa ibat ibang pamayanan ng Pilipinas katulad ng mga komunidad sa itaas at ibaba, sa tabi ng dagat at ilog, at iba pa, ang ugnayan ng tao, lipunan at kalikasan at ang epekto ng ugnayang ito sa pamayanan at kapaligiran tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa pagkabuo ng kapuluan at mga sinaunang lipunan hanggang sa simula ng ika-20 siglo gamit ang batayang konseptong katulad ng kahalagahang pangkasaysayan (historial significance), pagpapatuloy at pagbabago, ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan

Baitang 1

Baitang 2

Baitang 3

Baitang 4

Baitang 5

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Grade Level Baitang 6

Baitang 7

Baitang 8

Baitang 9

Baitang 10

Baitang 11

Baitang 12

Grade Level Standards Naipamamalas ang patuloy na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan tungo sa pagbuo ng tiyak na pagkakakilanlan bilang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas batay sa pagsusuri ng sipi ng nakasulat, pasalita awdyobiswal at kombinasyon ng mga ito, mula sa sa ibat-ibang panahon, tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan, ekonomiya, at ugnayan ng mga bansa sa rehiyong Asya tungo sa paggalang at pagpapahalaga ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa rehiyon at sa papel ng Pilipinas sa Asya t ungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa ibat-ibang aspeto ng kasaysayan ng mundo, tungo sa pag-unawa, paggalang at pagpapahalaga ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa daiddig at sa pagbuo ng pandaigdigang pananaw tungkol sa lugar at papel ng Pilipinas sa mundo, tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa batayang konseptong ekonomiks at ang aplikasyon ng mga ito sa sariling buhay at sa bansa, gamit ang pamamaraang matematikal tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga hamon at napapanahong isyung hinaharap ng Pilipinas upang makabuo ng tugon na batay sa masusing pag-aaral ng isyu at nararapat at sapat na impormasyon tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga hamon at napapanahong isyung hinaharap ng Asya at ng mundo upang makabuo ng tugon na batay sa masusing pag-aaral ng isyu at nararapat at sapat na impormasyon tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan.

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

IV. BILANG NG ORAS SA PAGTUTURO: 10 weeks/quarter; 4 quarters/year Grade 1-2 3-6 7-10 Grade Time Allotment 30 min/day x 5 days 40 min/day x 5 days 3 hrs/week

MGA TEMA Grade 1 Grade 7


A. Tao, Kapaligiran at Lipunan B. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyaraihan, Awtoridad at Pamamahala F. Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo

A. Tao, Kapaligiran at Lipunan B. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

GRADE 1
Content UNANG MARKAHAN
I. Ako ay Natatangi A. Pagkilala sa Sarili

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies

Ang mag-aaral ay
naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili

Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng pagpapakilala sa sarili ng may pagmamalaki sa sariling pagkakakilanlan at katangian

Ang mag-aaral ay. . . Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan, paaralan Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng sariling larawan (self-portrait) Naisasaayos ang mga batayang impormasyon tungkol sa sarili sa pamamagitan ng simpleng graphic organizer Nasasabi ang sariling pangangailangan (pagkain, kasuotan at iba pa.) Nailalarawan at naiguguhit ang pansariling kagustuhan tulad ng: paboritong kapatid, kamag-anak, kulay, pagkain, damit, laruan, lugar at iba pa

B. Ang Aking Kwento

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago batay sa kwento ng sarili

Ang mag-aaral ay nakapagsasalaysay ng kwento ng sarili

Ang mag-aaral ay Nakabubuo ng kwento ng sarili sa pamamagitan ng inilarawang timeline ng sariling buhay Natutukoy ang mahahalagang pangyayari o conjuncture sa sariling buhay sa pamamagitan ng timeline

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies

Nakababasa ng timeline at nakapagsasalaysay ng buhay base rito


Nakapaghihinuha sa konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod nito Naipakikita ang mga pagbabago sa buhay at sa personal na gamit (tulad ng laruan) mula noong sanggol hanggang sa kasalukuyang edad Naihahambing ang sariling kwento o karanasan sa buhay sa karanasan ng mga kamag-aral C. Pagpapahalaga sa Sarili Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa sarili Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng personal na pagnanais para sa sarili Ang mag-aaral ay Naipapakilala ang sarili sa pamamagitan ng nabuong collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili Nakapagsasaad ng mga pangarap o ninanais para sa sarili sa pamamagitan ng graphic organizer Naipaliliwanag kung bakit mahalaga ang mga personal na pagnanais para sa sarili IKALAWANG MARKAHAN II. Ang Aking Pamilya A. Pagkilala sa mga Ang mag-aaral ay Kasapi ng Pamilya naipamamalas ang pagunawa sa mga kasapi ng pamilya at ang papel na ginagampanan ng bawat kasapi nito

Ang mag-aaral ay nakagaganap ng nararapat na papel bilang kasapi ng pamilya

Ang mag-aaral ay Natutukoy ang mga kasapi ng pamilya. Nailalarawan ang bawat kasapi sa pamamagitan ng isang likhang sining Naipakikita ang ibat ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng concept map o graphic organizer

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Nakabubuo ng sariling kwento tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng mga kasapi ng pamilya Ang mag-aaral ay Naisasalaysay ang kwento ng pamilya sa pamamagitan ng family tree at/o album ng pamilya Natutukoy ang ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya batay sa inilarawang timeline Nakapagsasalaysay ng kwento ng pamilya sa pamamagitan ng timeline Natutukoy ang mga nagbago at patuloy na tradisyon o nakagawiang gawain ng pamilya Nakapaghahambing ng mga tradisyon at nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon Nakapaghahambing ng kwento ng sariling pamilya sa kwento ng pamilya ng mga kamag-aral Napahahalagahan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya Ang mag-aaral ay Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba-ibang sitwasyon ng pangaraw-araw na buhay ng pamilya

B.

Ang Kwento ng Aking Pamilya

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pangunawa sa sa konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng pamilya

Ang mag-aaral ay nakapagsasalaysay ng katangitanging katangian at kwento ng sariling pamilya at ng iba pang mga pamilya gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago

C. Mga Alituntunin sa Pamilya

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa mga alituntuning ipinatutupad ng pamilya

Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng matapat at kusang loob na pagsunod at pagtupad sa mga alituntunin ng pamilya.

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Naikakategorya ang ibat ibang alituntunin ng pamilya Nasusuri ang batayan ng mga alituntunin ng pamilya Naihahambing ang alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng pamilya ng mga kamag-aral Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alintuntunin ng pamilya Ang mag-aaral ay.. Nakapaghihinuha sa mga pagpapahalaga ng pamilya mula sa pakikinig ng kwento tungkol sa pamilya tulad ng Pamilyang Ismid (Aklat Batibot) Nakaguguhit ng larawan ng sariling pamilya upang makabuo ang klase ng malaking mosaic Nailalarawan ang batayang pagpapahalaga ng pamilya at nabibigyang katwiran ang pagtupad sa mga ito Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang pamilya Naihahambing ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang pamilya Nakalalahok sa pagbuo ng consensus sa klase tungkol sa mga pagpapahalaga sa pamilya

D. Pagpapahalaga sa Pamilya

Ang mag-aaral ay. naipamamalas ang pagunawa sa pagpapahalaga ng sariling pamilya at ng ibang mga pamilya

Ang mag-aaral ay. nakalalahok sa mga gawain na nagpapamalas sa mga pagpapahalaga ng sariling pamilya at ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya.

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Nakapagbibigay ng halimbawa ng ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kabutihan ng mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya

IKATLONG MARKAHAN III. Ang Aking Paaralan Ang mag-aaral ay. Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng batayang impormasyon at pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan at ang kahalagahan ng paaralan sa paghubog ng mga batang mag-aaral. Ang mag-aaral ay. Nakapagpapahayag ng pagmamalaki at pagkilala sa sariling paaralan at ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng isang batang magaaral Ang mag-aaral ay. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan nito, lokasyon, mga bahagi nito at taon ng pagkatatag nito/edad Nakapagsasaliksik ng mga impormasyon tungkol sa sariling paaralan Naisasaayos ang mga mga nakalap na impormasyon tungkol sa paaralan sa simpleng graphic organizer Nailalarawan at/o naiguguhit ang pisikal na kapaligiran ng paaralan Nakapaghihinuha sa epekto ng pisikal na kapaligiran ng paaralan sa buhay ng mga mag-aaral Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata

A. Pagkilala sa aking Paaralan

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content B. Kwento ng Aking Paaralan

Content Standards Ang mag-aaral ay. naipamamalas ang pangunawa sa sa konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng paaralan

Performance Standards Ang mag-aaral ay. nakapagkukwento o nakakaguhit ng kasaysayan ng paaralan

Learning Competencies Ang mag-aaral ay.. Naisasalaysay ang kwento ng paaralan sa ibat-ibang panahon batay sa timeline ng paaralan o album ng mga larawan ng paaralan Nasasabi kung paano nagbago ang paaralan sa ibat-ibang panahon: ang laki nito, pangalan, lokasyon, tauhan, bilang ng magaaral Naisasaayos ang mga pagbabago sa paaralan sa simpleng graphic organizer Naihahambing ang mga pagbabago ng paaralan sa ibat ibang aspeto noon at ngayon Ang mag-aaral ay.. Nasasabi kung bakit nag-aaral Nailalarawan ang isang araw sa paaralan Nailalarawan ang isang tipikal na araw sa paaralan sa pamamagitan ng timeline Nasasabi ang mga tungkulin bilang mag-aaral Nahihinuha ang kahalagahan ng pagtupad sa itinakdang papel at tungkulin sa paaralan. Ang mag-aaral ay: Nasasabi ang mga alituntunin sa silid-aralan at nabibigyang katwiran ang pagtupad nito Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pagsunod at paglabag sa mga alituntuning ito Naihahambing ang epekto sa sarili at sa klase ng pagsunod at hindi pagsunod sa mga alituntunin

C. Ako Bilang Mag- aaral

Ang mag-aaral ay. Naipamamalas ang pagunawa sa papel na ginagampanan ng magaaral

Ang mag-aaral ay. Nakatutupad sa itinakdang papel at tungkulin na dapat gampanan bilang mag-aaral sa sariling paaralan

D. Mga Alituntunin sa Silid-Aralan

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa mga alituntuning ipinatutupad ng paaralan

Ang mag-aaral ay. nakapagpapakita ng pagsunod at pagtupad sa mga alituntunin ng paaralan.

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Nakapaghihinuha sa kahalagahan ng alituntunin sa paaralan at sa buhay ng mga mag-aaral Ang mag-aaral ay Naiisa-isa ang mga gawain at pagkilos na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa sariling paaralan Nakagagawa ng kwento o larawan tungkol sa batang nag-aaral at hindi nakapag-aaral Nahihinuha ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata mula sa kwento o larawan ng batang nag-aaral at hindi nakapag-aaral

E. Pagpapahalaga sa Paaralan

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa paaralan

Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng mga pagkilos at gawain bilang pagpapahalaga at pagmamalaki sa sariling paaralan

IKA-APAT NA MARKAHAN IV. Ako at ang Aking Kapaligiran A. Ako at ang Aking Tahanan at Paaralan Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pisikal na kapaligiran na ginagalawan sa buhay ng mga bata Ang mag-aaral ay nakapaglalarawan o nakakaguhit ng pisikal na kapaligirang ginagalawan batay sa konsepto ng distansya nakapagpapahayag ng pagunawa sa kaugnayan ng kapaligiran sa bahay at paaralan Ang mag-aaral ay Nagagamit ang ilang terminolohiya sa pagsukat ng lokasyon at distansiya ito (kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran) sa pamamagitan ng pagtukoy sa nilalaman at gamit sa bahay at klasrum at kung saan matatagpuan ang mga ito Naipapaliwanag ang konsepto ng distansiya sa pamamagitan ng nabuong mapa ng klasrum at ang distansiya ng mag-aaral sa ibang bagay dito Nahihinuha ang konsepto ng lokasyon, lugar at distansiya sa pamamagitan ng nabuong mapa ng bahay

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Ang mag-aaral ay Nasususi ang konsepto ng distansiya sa pamamagitan nabuong mapa mula sa klasrum patungo sa aklatan at ibang bahagi ng paaralan Naiuugnay ang konsepto ng lugar, lokasyon at distansiya sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng ibat ibang uri ng transportasyon mula sa bahay patungo sa paaralan Naiisa-isa ang mga bagay at istruktura na nakikita at nadadaanan mula sa bahay patungo sa paaralan Nailalarawan at naiguguhit ang panahon at ang pagbabago sa mga istruktura at bagay mula sa bahay patungo sa paaralan Naipapaliwanag i kung paano naaapektuhan ng panahon ang kasuotan at pang-araw-araw na gawain Ang mag-aaral ay Naiguguhit ang ibat ibang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran Naikakategorya ang mga kagawian at ugali na nakatutulong at nakasasama sa kapaligiran Naisasagawa ang mga paraan ng pangangalaga sa kapaligiran

B. Pangangalaga sa Kapaligiran

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran

Ang mag-aaral ay nakapagsasasagawa ng mga gawain at aktibidad sa pangangalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran.

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Grade 2
Content UNANG MARKAHAN I. PAGKILALA SA KOMUNIDAD A. Ano ang Komunidad? Content Standards Performance Standards Learning Competencies

Konsepto ng Komunidad Mga bumubuo ng komunidad Kahalagahan ng komunidad

Ang mag-aaral ay Nakauunawa ng konsepto ng komunidad. Nabibigyang halaga ang mga bumubuo ng komunidad katulad ng pamilya, paaralan, barangay, sentrong pangkalusugan, pamilihan at simbahan o mosque

Ang mag-aaral ay Nabibigyang kahulugan ang salitang komunidad Natutukoy ang mga bumubuo ng komunidad Naipaliliwanag ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad Naiuugnay ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad sa sarili at sariling pamilya Nailalarawan ang isang komunidad sa pamamagitan ng pagguhit at ibang malikhaing paraan

Nakalilikha ng modelong komunidad mula sa papel, karton, clay, blocks at iba pang gamit Nasasabi ang pagkakapareho at pagkakaiba ng nagawang modelong komunidad sa nagawa ng mga kamag-aral Nasasabi na ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Komunidad

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content
B. Larawan ng Aking

Komunidad

Content Standards Batayang impormasyon tungkol sa komunidad

Performance Standards Ang mag-aaral ay Naipakikilala ang kinabibilangang komunidad ayon sa batayang impormasyon Nakapagsasaliksik tungkol sa komunidad Nakabubuo ng simpleng profile ng komunidad

Learning Competencies Ang mag-aaral ay Nakakukuha ng impormasyon tungkol sa komunidad sa pamamagitan ng interbyu, pagbasa ng simpleng talata, at pakikinig ng salaysay Nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa komunidad tulad ng pangalan ng lugar, dami ng tao, pinuno, wikang sinasalita, mga grupong etniko at iba pa Nakapagtatala at nakapupuno ng impormasyon sa information sheet o graphic organizer Nakabubuo at nakapagsasabi ng paglalahat tungkol sa nakalap na impormasyon ukol sa komunidad Nailalarawan ang dami ng tao sa komunidad sa pamamagitan ng simpleng graf Nabibigyang kahulugan ang salitang sagisag Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng sagisag o simbolong nakikita sa kapaligiran Nakapagsusuri ng mga simbolo o salitang ginagamit bilang sagisag ng komunidad Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng mga simbolo o salitang ginagamit bilang sagisag ng kinabibilangang komunidad

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies
Nakagagawa ng scrapbook, album o collage ng komunidad na nagpapakita ng mga katangian at batayang impormasyon

IKALAWANG MARKAHAN II. KAPALIGIRAN, PINAGMULAN, AT PAMUMUHAY NG KOMUNIDAD

Ang mag-aaral ay
A. Ang Kapaligiran ng Aking Komunidad Mahahalagang lugar, istruktura at palatandaan sa komunidad Kapaligiran at mga katangiang pisikal nito Konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago Natutukoy ang lokasyon ng mahahalagang lugar gamit ang payak na mapa Nailalarawan ang kapaligiran ng komunidad Napahahalagahan ang katangiang pisikal at mahahalagang lugar ng komunidad Nakauunawa sa konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago

Ang mag-aaral ay
Natutukoy ang mga mahahalagang lugar, istruktura, bantayog, palatandaan at pookpasyalan sa komunidad Natutukoy ang kinalalagyan o lokasyon ng mga mahahalagang lugar na matatagpuan sa sariling komunidad kaugnay sa lokasyon ng sariling tahanan o paaralan Nakagagawa ng payak na mapa ng komunidad mula sa sariling tahahan o paaralan, na nagpapakita ng mga mahahalagang lugar at istruktura Nakasusulat ng maikling salaysay tungkol sa komunidad batay sa payak na mapang nabuo Nailalarawan ang katangiang pisikal ng sariling komunidad Natutukoy ang ibat ibang mga anyong lupa at anyong tubig Natutukoy ang mga kulay sa mapa na sumisimbolo sa kalupaan at katubigan

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Ang mag-aaral ay


Naiisa-isa ang mga anyong lupa at tubig na matatagpuan sa kinabibilangang komunidad Nailalarawan ang mga anyong lupa at tubig na matatagpuan sa sariling komunidad Nakaguguhit ng payak na mapang nagpapakita ng anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa kinabibilangang komunidad Naikukumpara ang sariling komunidad sa komunidad ng mga kaklase Nasasabi ang ibat ibang uri ng panahong nararanasan sa komunidad (tag-ulan at taginit) Nakabubuo ng simpleng ulat ukol sa kalagayan ng panahon (halimbawa, balita o patalastas sa radyo o TV) Natutukoy ang mga natural na kalamidad o sakunang naganap sa komunidad Nakakukuha ng impormasyon tungkol sa epekto ng kalamidad sa kalagayan ng mga anyong lupa at tubig at sa tao Nakalalahok sa mga disaster drill ng paaralan Nakasusuri ng pagkakaiba ng kalagayan ng mga anyong lupa at tubig ngayon at noon Nakapupuno ng graphic organizer na nagpapakita ng pagpapatuloy at pagbabago ng kapaligiran

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content
B. Ang Pinagmulan at Pamumuhay ng Aking Komunidad

Content Standards
Konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago Pinagmulan ng komunidad Mga pagbabago Mga bagay na nananatili

Performance Standards Ang mag-aaral ay


Nakauunawa sa pinagmulan at kasaysayan ng komunidad Naipaliliwanag ang mga bagay na nagbago at nananatili sa komunidad Nakauunawa sa konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago Nakakakalap ng datos tungkol sa pinagmulan at pamumuhay ng komunidad

Learning Competencies Ang mag-aaral ay


Nakapagsasaliksik at nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng pangalan ng komunidad Nakasusulat ng talata ng may 1-3 pangungusap ukol sa pinagmulan ng pangalan ng komunidad Naitatala ang mga makasaysayang sagisag, istruktura, bantayog at bagay na matatagpuan sa komunidad Nasasabi kung bakit kinikilala ang mga bagay na ito Nabibigyang halaga ang mga makasaysayang sagisag, istruktura, bantayog, at bagay na matatagpuan sa komunidad Natutukoy ang ibat ibang pagdiriwang ng komunidad Naipaliliwanag ang mga dahilan at kahalagahan ng mga pagdiriwang Nailalarawan ang mga gawain o paraan ng pagdiriwang Nasasabi kung paano nakikibahagi ang pamilya o paaralan sa pagdaraos ng mga pagdiriwang

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Ang mag-aaral ay


Nakapakikinig ng kwento ng nakatatandang miyembro ng komunidad tungkol sa pinagmulan at buhay ng komunidad simula ng mabuo ito hanggang sa kasalukuyan Batay sa kwento, natutukoy ang mga pagbabagong naganap sa komunidad at mga bagay na nananatili Batay pa rin sa kwento, nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa komunidad Nakasusulat ng 1-3 pangungusap tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa komunidad Naisasaayos ang mga pagbabagong naganap sa komunidad ayon sa pagkakasunud-sunod na pangyayari ng mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito Nakagagawa ng timeline ng mga pagbabago at mahahalagang pangyayari sa komunidad Nakagagawa ng maikling salaysay ayon sa nabuong timeline Naisasakategorya ang mga pagbabago (uri ng transportasyon, pananamit, libangan, bilang ng populasyon, atbp.) at nailalarawan ang mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling salaysay, paggawa ng graf, at o pagguhit Nakabubuo ng maikling salaysay tungkol sa mga bagay na hindi nagbago sa komunidad (hal., pangalan, pagkain, gusali o istruktura)

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies
Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa pagpapatuloy at pagbabago sa komunidad

IKATLONG MARKAHAN III. BUHAY KOMUNIDAD: HANAPBUHAY AT PAMUMUNO A. Mga Hanapbuhay sa Komunidad Likas yaman Hanapbuhay Mga produkto ng komunidad Kahalagahan ng hanapbuhay sa pamilya at komunidad

Ang mag-aaral ay
Nauunawaan ang konsepto ng likas yaman Natutukoy ang mga likas yamang matatagpuan sa komunidad Nakikilala ang mga produktong nalilikha mula sa likas yaman ng komunidad at mga kaugnay na hanapbuhay Naipaliliwanag ang kahalagahan ng likas yaman at hanapbuhay sa pamilya at sa komunidad Napahahalagahan ang hanapbuhay

Ang mag-aaral ay
Nabibigyang kahulugan ang salitang likas yaman Natutukoy ang ibat ibang uri ng likas yaman (yamang lupa at yamang tubig) Naiuulat ang mga likas yamang nagmumula sa anyong lupa at anyong tubig Naiisa-isa ang mga produkto ng komunidad at natutukoy kung alin ang galing sa likas yaman ng komunidad Nabibigyang halaga ang mga likas yamang nagpapakilala sa komunidad sa pamamagitan ng paggawa ng makulay na poster o komersyal (TV o radyo) na nagpapakilala at naipagmamalaki ang mga ito Nabibigyang halaga ang salitang hanapbuhay Natutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad Naiuugnay ang uri ng hanapbuhay sa kapaligiran (panahon, lokasyon, likas yaman)

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies Ang mag-aaral ay


Nahihinuha ang epekto ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay at pinagkukunang yaman sa komunidad Nakapakikinig o nakababasa ng kwento tungkol sa karanasan ng isang taong may hanapbuhay Nakasasagot ng tanong kaugnay sa salaysay Natatalakay ang epekto ng hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay sa pamilya at komunidad Naitatala ang mga batayang pangangailangan ng pamilya Nabibigyang kahulugan ang salitang badyet Nakagagawa ng simpleng badyet ng pamilya para sa isang araw base sa talaan ng pangangailangan Naiuugnay ang hanapbuhay sa pangangailangan ng pamilya Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kahalagahan ng hanapbuhay

B. Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad

Konsepto ng pinuno at pamumuno Konsepto ng paglilingkod Kaugnayan ng pamumuno sa paglilingkod sa tao at komunidad

Ang mag-aaral ay
Nakauunawa ng konsepto ng pinuno at pamumuno

Ang mag-aaral ay
Nasasabi kung bakit kailangan ng pinuno Nailalarawan ang karapat-dapat na katangian ng isang pinuno Naipaliliwanag kung paano nagiging pinuno

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards
Kahalagahan ng maayos at matuwid na pamumuno

Performance Standards
Naiuugnay ang pamumuno sa paglilingkod sa tao at komunidad Naipaliliwanag ang papel at tungkulin ng pinuno Nabibigyang halaga ang pamumuno bilang paglilingkod sa tao at komunidad

Learning Competencies
Natutukoy ang mga pinuno sa komunidad Naipaliliwanag ang kanilang mga tungkulin Nakauunawa na ang pamumuno ay isang paraan ng paglilingkod sa tao at komunidad Nakikilala ang mga mahahalagang tao/ pamilyang nakaimpluwensiya sa ibat ibang larangan ng buhay-komunidad Nakikilala ang mga taong tumutulong sa komunidad sa ibat ibang aspeto at paraan Napahahalagahan ang mga taong nagaambag sa kapakanan at kaunlaran ng komunidad Nailalarawan ang mga katangian at nagawa ng mga naglillingkod sa komunidad Nakabibigay ng halimbawa ng maganda at di magandang pamumuno sa komunidad Nahihinuha ang epekto ng maganda at di magandang pamumuno sa komunidad Nakapagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang palakasin ang tama, maayos at makatwirang pamumuno

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards Ang mag-aaral ay


Nailalahad ang kahalagahan ng mga serbisyo sa komunidad (pag-aalaga sa kalikasan, kalusugan, edukasyon at seguridad) Nakauunawa ng mga karapatan ng mga miyembro ng komunidad Naipapakita ang kahalagahan ng komunidad sa sariling buhay

Learning Competencies Ang mag-aaral ay


Nasasabi ang mga serbisyong nararapat na idulot ng mga bumubuo ng komunidad (barangay, paaralan, sentrong pangkalusugan, atbp.) na tinalakay sa unang markahan Nailalarawan kung paano tumutugon ang mga serbisyong ito sa mga pangangailangan ng tao at komunidad Nahihinuha mula sa mga serbisyong ito ang mga karapatan ng tao Nasasabi ang kahulugan ng salitang karapatan Naipaliliwanag ang nararapat na nilalaman ng bawat karapatan at naiuugnay ito sa pangarawaraw na buhay ng sarili, ng pamilya at ng komunidad Nailalarawan kung paano ipinatutupad o hindi ipinatutupad ng komunidad ang mga karapatang ito Naipaliliwanag ang epekto ng pagtupad o hindi pagtupad ng mga karapatan sa buhay ng tao at komunidad Naipamamalas ang kahalagahan ng mga karapatan Naipaliliwanag ang kahalagahan ng komunidad sa pagtupad ng mga karapatan

IKA-APAT NA MARKAHAN IV. PAGIGING Konsepto at BAHAGI NG kahalagahan ng KOMUNIDAD karapatan Mga serbisyo ng A. Ang komunidad Kahalagahan ng Komunidad

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content
B.

Content Standards
Pananagutan Pagiging kasapi ng komunidad Pakikipagkapwa at pagtutulungan Kahalagahan ng sariling papel at tungkulin sa komunidad

Ang Aking Papel sa Komunidad

Performance Standards Ang mag-aaral ay....


Naipamamalas ang kamalayan bilang kasapi ng komunidad Nakagaganap ng tungkulin bilang bahagi ng komunidad tungo sa kapakanan ng lahat Napahahalagahan ang sariling papel sa pagsulong ng komunidad

Learning Competencies Ang mag-aaral ay....


Natutukoy ang sariling pananagutan bilang kasapi ng komunidad Naisasadula (o naguguhit) ang mga pananagutang ito sa iba-ibang aspeto ng buhay Nailalarawan ang epekto ng pagtupad at hindi pagtupad ng mga tungkulin sa komunidad Nasasabi ang mga alituntunin sa komunidad (hal., pangongolekta ng basura, paghahanda sa kalamidad) at nabibigyang katwiran ang pagtupad nito Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pagsunod at paglabag sa mga alituntuning ito Naihahambing ang epekto sa pamilya at sa komunidad ng pagsunod at hindi pagsunod sa mga alituntunin Naisasabuhay ang mga alituntuning ipinatutupad sa sariling komunidad Nailalarawan ang mga gawaing nagpapakita ng pagtutulungan Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtutulungan at pakikipagkapwa sa paglutas ng mga problema sa komunidad

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

Content

Content Standards

Performance Standards

Learning Competencies
Nailalarawan ang kahalagahan ng pagtutulungan ng babae at lalaki sa mga gawaing nakakayang pagtuwangan Nakalalahok sa mga gawaing pangkomunidad para sa ikabubuti ng lahat Nakapagsasaliksik ng kwento sa lokal na pahayagan o kapitbahay tungkol sa huwarang kasapi ng komunidad Naipaliliwanag kung bakit huwaran ang kasaping ito Naihahayag ang sariling pangarap para sa kinabibilangang komunidad Nasasabi ang mga dapat isaisip, isapuso at isagawa upang matupad itong pangarap

*Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor version as of January 31, 2012

También podría gustarte