Está en la página 1de 222

Iligan City National High School-Annex Tambacan, Iligan City Pangalan: ____________________________________ Grade 8 Filipino Guro: Chariza L.

Alcazar Blg AKTIVITI . PAMAGAT KABUUAN ISKOR

UNANG MARKAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 1.1 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan; Aralin 1.2 Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga Espaol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 1.3 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang ito sa ating bansa. Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang mga kasanayang dapat na malinang sa iyo sa pag-aaral ng modyul na ito. Gagabayan ka ng ilang paalaala sa mga dapat mong gawin. 1. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyong kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 4. Alamin ang ibat ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 5. Subuking bumuo ng ibat ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. ____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay c. Itoy pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang. d. Itoy kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa. ____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna sa pangyayari? a. makatotohanan b. kapani-paniwala c. posibleng maganap d. hindi kapani-paniwala Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7. Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan. Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan. Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan. Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan. Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ay aking paparusahan. Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz. Halaw sa Alamat ng Bubuyog ____ 3. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa? a. pakikisama b. pagtitiid c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa ____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin? a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase. b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral. c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas. d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan. ____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang fliptop. Nais mong maging in sa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi . Ano ang dapat mong gawin?

a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan. b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper . c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito . d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video . _____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam _____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8- 10. 1809 Herrera st. Poblacion Lungsod ng Makati Ika- 7 ng Disyembre, 2012 Mahal kong Kaibigan, Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang ibat ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon. Hanggang sa muli. Ang iyong kaibigan, Noreen _____8. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng dahlia c. nagpapakita ng paghahambing b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon _____9. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham? a. lugar b. panahon c. paraan d. pagsang-ayon ____10. Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay . Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan? a. Pasko b. mahal sa buhay c. sa bahay d. tawagan -------11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat? a. duplo b. karagatan c. Pamanhikan d. Huego de Prenda -------12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinomang nahatulang parusahan? a. Balagtasan b. Batutian c. karagatan d. Duplo ____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag? a. sumakabilang buhay para sa namatay c. butot balat para sa payat b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa d. papatay-patay para sa hipong tulog _____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. a. tula b. sanaysay c. dula d. maikling kuwento ____ 15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya? a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa b. madalas na itinatanong sa pagsusulit c. nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya ____16. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula? a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5 b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2 d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4 ____17. Ano ang ikinaiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig

b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong _____18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? a. may ina, ama, at mga anak c. nakatira sa maayos na bahay b. may masaganang pamumuhay d. may pagmamahalan at respeto sa isat isa. _____19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya? a. may kapanagutan sa anumang gawain c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan b. magiging sikat na mamamayan. d. magkakaroon ng disiplinang pansarili _____20. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag? a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari GAWAIN 1: LARAWAN NG NAKALIPAS Suriin mo ang larawan upang iyong matukoy ang tatlong panahon na pinagdaanan ng ating panitikan. Sa iyong palagay, ano ang naging papel ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa bawat panahong nagdaan? Itala ang iyong sagot sa loob ng banner.

Sagot: Panahon ng mga Katutubo _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ ________ Panahon ng mga Espaol _________________________ _________________________ ____ _________________________ _________________________ ____ Panahon ng mga Hapones _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ ________

GAWAIN 2: IPABATID SA BAWAT LETRA

May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino? Paano mo ito pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik mula sa salitang panitikan. P A N I T -

I K -

A N -

ARALIN 1.1 : PANAHON NG KATUTUBO


Aralin 1.1.1 a.Panitikan : b.Wika : Aralin 1.1.2 a. Panitikan : b. Wika : Aralin 1.1.3 a. Panitikan : b.Wika : Karunungang bayan ( Salawikain , Sawikain, at Kasabihan ) Dalawang Uri ng Paghahambing Alamat Mina ng Ginto - Alamat ng Baguio Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Epiko Tuwaang - Epiko ng mga Bagobo Pang-abay na Pamaraan

Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito upang maiplano mo ang iyong mga gawain.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO

Karunungang -bayan A. Panitikan -Salawikain -Sawikain -Kasabihan B. Wika Dalawang Uri ng Paghahambing Paghambing

Alamat A. Panitikan -Mina ng Ginto Alamat ng Baguio B. Wika -Pang-abay ( Pamanahon at Panlunan )

Epiko A. Panitikan -Tuwaang Epiko ng mga Bagobo B. Wika -Pang-abay na Pamaraan

Panimulang Pagtataya

A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: Karunungang-bayan Salamin ng PagkaPilipino. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo ng talata. Isulat sa sagutang-papel. (10 puntos) RUBRIK PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1) Kaisahan Tiyak ang pagHindi masyadong tiyak Hindi natalakay nang talakay sa paksa ang pag-talakay sa paksa wasto ang paksa Kaugnayan Angkop ang pagHindi masyadong Walang pag-uugnayuugnay-ugnay ng angkop ang pag-uugnay- ugnay sa mga mga pangungusap ugnay sa mga pangungusap pangungusap Kalinawan May pokus/ tuon sa Hindi masyadong Walang pokus/tuon ideyang nais ipanakapokus sa ideyang sa ideyang nais batid nais ipabatid ipabatid B.Bumuo ng sariling wakas ng akdang Ang Alamat ng Kasoy. Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan sa pagbuo. (10 puntos) MGA PAMANTAYAN: Kaangkupan- Angkop ang wakas sa daloy ng naunang mga pangyayari. Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan ng mga pangyayari. Mensahe - Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng mambabasa. Ang Alamat ng Kasoy Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot. "Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan."Naulinigan ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto. "Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?" "Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito." Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. C. Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong. Isaalang-alang sa pagbubuod ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan. Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang papel. (10 puntos) HANDIONG Epiko ng Bicol Salin sa Tagalog ni (J. Arrogante) VIII At sa brasong Herkules sa lakas Ang Kabikolan ay isang lupain Ang panga ng hayop ay nangagkapilas. Patagang mayaman sa mga baybayin XI Sa buong daigdig pinakamarikit Bawat pangay sukat Sagana sa butil, aming nakakamit. Sa habang sandipa IX Dalawang katlo ang mga pangil Si Baltog ang lalaking kauna-unahang Nang tanganan ng kaniyang sibat. Naninirahan sa dakilang patagan XII Nagmulang Botavara, At siyay umuwi sa kanilang lupain Lahing di- nakikita. Ang dalawang pangay kaniyang binitin X Sa puno ng isang talisay Nang itoy kaniyang masukol, Sa Tondo, malapit sa bahay. Sa sibat itoy nasapol GAWAIN 1.1.1.a : TUGON SA PAGKATUTO

Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di- sumasang-ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA. ANTICIPATION-REACTION GUIDE Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Ang damdamin, saloobin, kaugalian o tradisyon ng Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Kailanman, hindi maaaring magka-ugnay ang Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon panitikan at kasaysayan. Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang mga Sumasang-ayon Di -sumasang-ayon Espaol ay mayaman na sa panitikan. Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon pagkalahi. Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Bago pa man dumating ang mga Espaol ay may Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno. Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Ang epiko, alamat, at mga karunungang-bayan ay Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon nakilala lamang ng ating mga ninuno noong Di- sumasang-ayon panahon ng Espaol. Sumasang-ayon Napatunayan ng mga Espaol na ang ating mga Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon ninuno ay hindi mahilig sa tula, awit, kuwento, Di- sumasang-ayon bugtong, at palaisipan. Sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi sumasalamin sa panahon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon kung kailan isinulat. Di- sumasang-ayon

GAWAIN 1.1.1.b : LIKAS-KATUTUBO Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati mong kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga ninunong nag-ambag sa ating panitikan. Isulat sa loob ng kahon ang mga nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang Espaol . Gawin sa sagutang papel.

Negrito

Ma

Malay

Espaol

Arabe

Amerikano Indones

GAWAIN 1.1.1.c : I-Q NEK Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang marating niya ang aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart.

nobela

maikling kuwento

Karagatan

Pasyon

awitingbayan

alamat

Moro-moro

korido

Haiku

tanaga

mito

epiko

dula

Timpalak Palanca

komiks

magasin

salawikain

dulang panradyo

blog

duplo

palaisipan

kasabihan

sawikain

Bugtong

tulang dula

pelikula

dulang pantelebisyo n

Sarsuwela

Makikita sa mga karunungang-bayan ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong naisulat ito sapagkat ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ____________________________________________ Tuklasin kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain,
sawikain at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon. Subukin mo munang gawin ang gawain na nasa loob ng pag-unawa kahon sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkopat na ideya sa Upang maging malinaw ang sa salawikain, sawikain/kawikaan sumusunod na pahayag. kasabihan kailangang

________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________________ ______________________________________________________________

Bigyan mo ng pansin ang larawan. Napansin mo ba ang pagiging simple ng pamumuhay noon? Sa iyong palagay, ano ang naging gabay at patnubay ng mga Pilipino noon sa ganitong klaseng pamumuhay? Nakatulong kaya ang mga karunungang bayan?

Sa bahaging ito, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon ng Espaol ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng karunungangbayan ay may malaking impluwensiya sa mga Pilipino sa ibat ibang panahon. Sa Aking Mga Kabata ni Jose P. Rizal Kapagka ang baya'y sadyngumiibig Sa kanyng salitng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharin, At ang isng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayan. Ang hindi magmahal sa kanyang salit Mahigit sa hayop at malansng isd,Kay ang marapat pagyamaning kus Na tulad sa inng tunay na nagpal. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,Sa Ingls, Kastil at salitang anghel,Sapagka't ang Poong maalam tumingn Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawal'y dinatnan ng sigw Ang lunday sa law nong dakong una GAWAIN 1.1.1.d : PAGLINANG SA TALASALITAAN Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa tula.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1.
kabagay kahulugan: ____________ ___________________

2.

maalam kahulugan:_________

________
2.
naggawad kahulugan:

_________

4.

sigwa kahulugan:_________

5.

lunday kahulugan:____________ _

__________________
GAWAIN 1.1.1.e : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 1. Suriin ang tula . Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal . Ilahad ang tiyak na kaisipan na nais nitong ipabatid.

Sa Aking Mga Kabata KASABIHAN KAISIPAN

2. Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang- bayan sa kaniyang tula. Ikaw bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno?

KARUNUNGANG-BAYAN Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating ang mga Espaol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan.

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. Mga Halimbawa: Pag ang tubig ay magalaw Ang ilog ay mababaw A wattu langan a kuruga mariga Tattolay nga minagimamma . Ang sakit ng kalingkingan Damdam ng buong katawan Ing taung mapibabata Dasan na ing sablang buring na

(Ibanag) Walang gawaing mahirap sa taong matiyaga.

(Pampango) Ang taong matiyaga natutupad ang ninanasa.

Sawikain Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Mga Halimbawa: parang natuka ng ahas- natulala malayo sa bituka- hindi malubha itaga mo sa bato- pakatandaan mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang itoy hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Mga Halimbawa: Tulak ng bibig Kabig ng dibdib. Utos na sa pusa Utos pa sa daga Kasama sa gayak Di kasama sa lakad. Ubos-ubos biyaya Bukas nakatunganga

3. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan.

1. Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin. 2. Itaga mo sa bato. 3. Kasama sa gayak,
Salawikain 1. 1. Sawikain

4. Maitim ang gilagid. 5. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo. 6. Ubos-ubos biyaya,
Kasabihan 1.

2.

2.

2.

4.Dala-dalay Basahin atbukayo unawain ang mga nakahanay na salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan. Mahina ang tuhod Isulat ang kahulugan ng bawat isa.

Taong nanunuyo,

Itaga mo sa bato

Malakas ang loob,

karunungang bayan salawikain sawikain kasabihan

10

5.

Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan. Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

A, B, C Katangian ng bawat isa D- Pagkakatulad ng tatlo


6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng paghahambing. Isulat ang sagot sa ibaba. Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon. Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.

ALAM MO BA NA MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING 1. Paghahambing na magkatulad Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho. 2. Paghahambing na di-magkatulad Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. May dalawang uri ito:

11

2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga salitang tulad ng lalo, digaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino 2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at di-hamak. 7. Itala mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa tulong ng mga salita/ pahayag na ginagamit sa paghahambing. Ang pagkakatulad ng salawikain, sawikain at Ang pagkakaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan kasabihan

GAWAIN 1.1.1.f : Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa Salawikain, Sawikain, at Kasabihan ) A. Salawikain Bigyan mo ng pansin ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain ng may-akda upang bigyang diin ang mensaheng nais niyang iparating. Nakikita ang butas ng karayom, Hindi ang butas ng palakol Mayroon pang taong Sobrang palapuna at palapintasin, Sa mukha ng kapway Nakikikita agad ang dumi o dusing; Munting kapintasan Ng kapwa niya taong laging pinapansin Ang kamalian niyat Mga kasamaan ay ayaw aminin. Dungis sa mukha moy pahirin mo muna Bago ka mamintas ng mukha ng iba. Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan ni Gregorio G. Cruz Panuto: Bumuo ka ng maikling talata na magpapalawak ng iyong sagot sa tanong blg. 1. 1. Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula? Isulat ang mga sagot sa papel. B. Kasabihan Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang nakilala. Bigyan mo ng pansin ang nilalaman ng bahagi ng isang awit na nagpakilala ng mga kasabihang Pilipino na hindi dapat kalimutan .

12

Sa pagdamay ay no.1 Matalas makiramdam Ang sakit sa kalingkingan Ay sakit ng buong katawan Kung di kaya ng nag-iisa Pagtulungan nating dalawa Ang bayanihan spirit ay taglay ng bawat isa

Marunong lumingon Sa pinanggalingan Ang utang na loob Hindi nalimutan Walang puwang sa isip mo Ang crab mentalidad Hindi naiinggit Kapwa Pinoy man Ay umunlad Bahagi ng awit na Positibong Kasabihan ni Ser Jess Torres

2. Magsaliksik ka ng mga pangyayari sa iyong kapaligiran (halimbawa: batay sa obserbasyon o pansariling karanasan) na nagpapakita ng diwang isinasaad ng napiling kasabihan sa hinalaw na awit . Kasabihan mula sa awit Kasabihan mula sa awit

Nasaliksik na pangyayari:

Nasaliksik na pangyayari:

C. Sawikain/Kawikaan Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan, naghahatid ito ng hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon? Bigyan mo ng pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na gawain. Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita makilala para kang hinipang lobo. Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang lakas ng dating mo. Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sayo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayangkaya mo ang kursong pinangarap mo. Joan: Heto ngat patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pay hinangad ko na. Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan. Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan. 3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang maging magaan ang mga pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong pamagat para sa talata. 4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang kahalagahan ng salawikain, sawikain at kasabihan. Karunungang-bayan Kahalagahan Salawikain

13

Sawikain Kasabihan

GAWAIN 1.1.1. g : PAGTALUNAN NATIN, PUNTO SA PUNTO Ilahad ang iyong panig sa paksa. Subuking gamitin ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika.
KARUNUNGANGKARUNUNGANG- BAYAN: BAYAN: MABISA MABISA PA PA RING RING GAMITIN GAMITIN BILANG BILANG PATNUBAY PATNUBAY O O GABAY NG KAGANDAHANG-ASAL SA KASALUKUYANG PANAHON GABAY NG KAGANDAHANG-ASAL SA KASALUKUYANG PANAHON

GAWAIN 1.1.1.h : SALAMIN NG KATOTOHANAN Suriin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa ipinahayag na panig na ginawa sa GAWAIN 1.1.1.g. Sumulat ng repleksiyon tungkol dito.

REPLEKSIYON

GAWAIN 1.1.1.i : DUGTUNGAN TAYO Pagtibayin mo ang iyong natutuhang mahahalagang konsepto sa aralin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya na nakapaloob sa kahon.

Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga karunungang - bayan sapagkat _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ Ang mga karunungang-bayan bagaman bahagi ng ating matandang panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay sa kasalukuyan dahil _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ Sa tulong ng mga karunungang-bayan, naging malinaw sa akin ang _______________________________________________________________________ Kaya ipinagmamalaki ko _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ __ 14

Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na nagmula sa ibat ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing pangkabataan sa inyong barangay. Ayon sa inyong punong barangay ang brochure na dapat mong maipakita ay matataya sa sumusunod na pamantayan: RUBRIK PAMANTAYAN

Organisasyon Kalidad ng mga Larawan Dibuho

LUBOS NA KATANGGGAPTANGGAP (5) Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan Klaro at tama ang perspektibo Kaakit-akit ang brochure dahil tama ang kombinasyon ng kulay, estilo, laki ng font at pagkakaayos ng teksto at larawan Mabisa ang pagkakagamit ng karunungang -bayan sapagkat Nakatulong ito upang maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino

KATANGGAPTANGGAP (3) May ilang teksto at larawan na wala sa lugar May ilang larawan na di klaro o tama ang perspektibo Medyo kaakit-akit ang brochure kahit ay ilang maling kombinasyon na makikita sa brochure Di masyadong mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungangbayan dahil di gaanong naipakita ang kultura at tradisyong Pilipino

MAHINA (1) Nakalilito ang pagkakaayos ng teksto at mga larawan Karamihan sa mga larawan ay di klaro o Malabo ang perspektibo Di- gaanong kaakit-akit ang brochure dahil kitangkita ang maling kombinasyon ng larawan, estilo, font at teksto Di mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang -bayan sapagkat halatang pilit ang pagpapakita ng kultura at tradisyong Pilipino

Gamit ng Karunungangbayan

ARALIN 1.1.2 : ALAMAT


GAWAIN 1.1.2.a : LARAWAN NG PINAGMULAN Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Alamin natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan sa tulong ng mga larawan. Subukin mong sagutin ang kasunod na mga tanong.

Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.co m.ph/search


a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat? b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan. GAWAIN 1.1.2.b : WAKAS NG PINAGMULAN

15

Sa isang kuwento, pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan. Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito? Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Narito ang ilang halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga tauhan. Puna:

Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan. Halaw sa Alamat ng Butiki Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa, doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging", wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging saging. Halaw sa Alamat ng Saging

Puna:

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinagutos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon. Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon

Puna

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas? 2. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan? GAWAIN 1.1.2.c : KILALANIN ANG PINAGMULAN Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, paano mo mailalarawan ang alamat bilang akdang pampanitikan? Isulat ang sagot sa papel gamit ang fan fact analyzer. Gayahin ang pormat.

Mga Gabay na Tanong:


1. 2. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga bagay sa kasalukuyan? May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan sa kasalukuyan? Patunayan. 3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan.

ALAMAT

GAWAIN 1.1.2.d : TUGON MOMAHALAGANG ALAMIN

16

Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa sa aralin na ating pagaaralan. Subukin mong sagutin ang mga nakatala sa mga gabay na tanong upang magabayan ka sa pagpapalawak ng paksa na nasa loob ng kahon.

Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan

Basahin at unawain. Mina ng Ginto Alamat ng Baguio Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng ca ao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang anito. Kung nagdaraos sila ng caao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siyay malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siyay bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caao. Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caao, ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang caao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain. Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Silay natakot. Maya-mayay nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayoy mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito. Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.

17

Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nitoy hindi na maabot ng tingin ng mga tao. Isang araw, anang isang mamamayan, kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin. Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punongginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayoy higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan. At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa. GAWAIN 1.1.2.e : PAGLINANG NG TALASALITAAN Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa akda. 1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caao bilang parangal sa kanilang mga anito. Kahulugan - ________________________________________________________________ 2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang anito. Kahulugan - ________________________________________________________________ 3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Kahulugan - ________________________________________________________________ 4. Siyay bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Kahulugan - ________________________________________________________________ 5. Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Kahulugan - _________________________________________________________________ GAWAIN 1.1.2.f : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa alamat. 1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Gitna

Simula

Wakas

18

2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda? Pangatuwiranan ang iyong sagot.

3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang makatotohanan at di- makatotohanan. BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN SIMULA

GITNA

WAKAS

4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa tulong ng dayagram.

Mina ng Ginto

Igorot Kultura At Tradisyon

5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng mga Igorot. Sa iyong palagay, nananatili pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa tsart. ( Maaring magsaliksik ang mag-aaral sa bahaging ito ). KULTURA NG IGOROT Ano- ano ang mga kulturang Sa kasalukuyan, nananatili pa Patunay binanggit sa akda? rin ba ito? Oo o Hindi

19

ALAM MO BA NA Ang Alamat Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino bago pa dumating ang mga Espaol. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kayay tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa. Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang alamat. Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.

Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namumutawi kundi isang impit na Diyos Ko!!! Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang hayaan-mo-na ang Nanay na tingin. Kasabay ng isang malalim na buntung-hininga, si Conradoy nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na. Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang silat natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siyay hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepey naghihirap, at saka ngayon pang si Pepey matiwasay na, salamat sa suwerong itinusok sa kanya ng manggagamot, ay saka. Halaw AT sa Impong Sela ni Epifanio G. Matute PANG-ABAY NA PAMANAHON PANG-ABAY NA PANLUNAN Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap a. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay-turing ba ito sa mga salitang nakihilig o ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) yaong naglalarawan? may at (2) walang pananda. b. pananda Nakatulong ba yaong ang mga salitang may salungguhit upang mabisang maipabatid ang mahalagang pangyayari sa alamat? Patunayan. Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at c. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit? hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon Mga halimbawa: 1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw? ALAM MO BA NA 2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw. 3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho. 4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag- ayun 5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak. May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa. Mga Halimbawa: 20 1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng National Artist Award buhat sa Pangulo. 2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.

GAWAIN 1.1.2.h : PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN 1. Balikan mong muli ang alamat na Mina ng Ginto. Sumipi ka ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan.

3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay sa mahihirap. 4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang. 5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM. Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa. Narito ang Ilang Halimbawa: 1. sa + pangngalang pambalana Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. 2. sa + pangngalang pantanging di ngalan ng tao Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at sa PNU tungkol sa wika. 3. sa + panghalip na panao Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo. 4. sa + panghalip na pamatlig Nagluto sa ganito ang kanyang ina. 5. kay + pangngalang pantanging ngalan ng tao. Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari.

MINA NG GINTO Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan

2. Mula pa rin sa alamat na Mina ng Ginto, pumili ka ng nagustuhan mong bahagi at ibuod ito. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan na nakapaloob dito.

21

3. Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang alamat? Basahin at unawain.

Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak." Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng Sultan."Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat. "Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamaganak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak."Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla. "Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng Sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok."Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon. Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.""Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan. NAGING SULTAN SI PILANDOK kuwentong -bayan ng Maranaw
GAWAIN 1.1.2.i : PALALIMIN ANG KAALAMAN 1. Mula sa binasang akda, patunayan mo na masasalamin sa kuwentong-bayan ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan ng isang pangkat ng mamamayan sa Pilipinas.
Kultura at Tradisyon

Naging Sultan si Pilandok

Kaugalian

Kalagayang Panlipunan

2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok? Bakit? 3. Paghambingin mo ang alamat at kuwentong- bayan batay sa mga katangiang taglay ng mga ito bilang akdang pampanitikan.

ALAMAT

KUWENTONG BAYAN

22

Katangian

Pagkakatulad

Katangian

4. Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura, tradisyon, kaugalian o kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Upang maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito. Pag-aralan ang sitwasyon. Sitwasyon: Ang araw ng pagkakatatag ng inyong pamahalaang lungsod ay nalalapit na. Kaya naman bilang paghahanda, ang lahat ng punong barangay ay ipinatawag ng inyong mayor upang ibahagi ang mahalagang impormasyon hinggil sa gaganaping pagdiriwang. Ayon kay mayor, ang lahat ay kailangang lumahok sa paligsahan sa pagbuo ng infomercial para sa paksang Bayan ko Ipinagmamalaki ko. Kaya, ikaw bilang punong barangay sa inyong lugar ay inatasang maghanda sa nabanggit na paligsahan. Ang pagtatanghal ng infomercial ang pinakatampok na gawain sa pagdiriwang. Inaasahan na sa araw na iyon ay darating ang mga piling panauhin tulad ng DILG secretary, congressman at mayor mula sa ibat ibang lungsod.Ang infomercial ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan.Nilalaman a. May kaugnayan sa paksa b. Pagiging masining c. May orihinalidad d. Batay sa pananaliksik e. Tapat

Aralin 1.1.3: EPIKO


GAWAIN 1.1.3.a: LARAWAN NG KABAYANIHAN Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais kong subukin muna ang dati mo nang alam sa paksang pag-aaralan natin .Kilalala mo ba ang mga nasa larawan? Kung gayon sagutin mo ang mga tanong tungkol sa kanila.

Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.com.ph/search

a. Ano ang iyong pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan? b. Ano ang mga katangian nila na di makikita sa karaniwang tao? c. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit?

Mga Gabay na Tanong: 1. Paano lumaganap ang epiko sa Pilipinas mula noong Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? 2. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo? 3. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa kilos ng tauhan sa mga pangyayari sa isang epiko? Patunayan.

23

GAWAIN 1.1.3.b : MAIKLI LANGSUBUKIN MO Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral, sagutin mo muna ang mga tanong na nakatala sa itaas sa pamamagitan ng pagsulat ng Five - Minute Essay. Huwag kang matakot na ibahagi ang iyong kaalaman sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga sagot ay malalaman ng modyul na ito ang antas ng iyong kaalaman sa paksa. Basahin at unawain. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na punongpuno ng kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Espaol sa kanilang kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat ng kaniyang isinulat ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga Espaol na epiko na ang ibig sabihin ay dakilang likha. Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula. Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang ibat ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang pambayan, o mga tulang epiko, bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga. Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang). Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castao noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Espaol at hindi sa bibig ng mga katutubo. Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim. Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa ibat ibang dako ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong, samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan, Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami pang iba. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Pagkatapos mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng epiko, paano mo pahahalagahan ang epiko bilang bahagi ng panitikan ng ating lahi?

Basahin at unawain. Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

24

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan. Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. Silay nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isat isa. Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok. Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito. Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy. Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Itoy kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat. Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamaganak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay. GAWAIN 1.1.3.c : Paglinang ng Talasalitaan Bigyan mo ng kahulugan ang mga salitang patungginamit sa akda upang higit mong maunawaan ang nilalaman nito. Isulat ang sagot sa papel.

sinaunang gong
________________________________________

gintong salumpuwit nganga gintong bansi

____________________

25

_____________________

_ __________________

GAWAIN 1.1.3.d : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 1. Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring may kababalaghan. Isa-isahin ang mga kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko. Pagkatapos, sagutin mo ang tanong: Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing kababalaghan upang makilala ang mga tauhan? Gamitin mo ang dayagram sa iyong pagsagot.

TUWAANG

Mga Kababalaghan

Para sa akin, nakatulong ang mga kababalaghan sa epiko sa pagkilala ng mga tauhan sapagkat

2. Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at pangyayaring nakapaloob sa epiko, bumuo ka ng Character Profile tungkol sa pangunahing tauhan .

Pangalan:___________________________________________ Edad: ____________________________________________

Tirahan: __________________________________________ Hilig: ____________________________________________

Katangian:_________________________________________ Kakayahan:_________________________________________ Pangarap: ________________________________________ Misyon: _______________________________________

26

3. Bumasa ka ng isa pang halimbawa ng epiko. Suriin mo ang katangian ng pangunahing tauhan. Pagkatapos, gumawa ka ng paghahambing sa mga pangunahing tauhan ng epikong iyong binasa at epikong Tuwaang. Gumamit ng Venn Diagram.

Tuwaang

Tauhan sa ibang epiko

A at B: Pagkakaiba C: Pagkakatulad

4. Ano ang mga pangyayari na nagpapatunay na ang akdang binasa ay epiko ng mga Bagobo? Isa-isahin ito.
TUWAANG

Epiko ng mga Bagobo

Mga Patunay

5. Matapos mong sagutin ang mga naunang gawain, sa iyong palagay, ano ang mga katangian ng epiko upang matukoy ang kaibahan nito sa iba pang akdang pampanitikan ? Ipaliwanag.

Alam mo ba na ...
Ugnay-Panitikan

EPIKO Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysa,. Itoy tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani-paniwala.

27

Mga Anda ng Epiko: 1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan. 2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan. 3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal. 4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan. 5. Patuloy na pakikidigma ng bayani. 6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan. 7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo. 8. Pagkamatay ng bayani. 9. Pagkabuhay na muli ng bayani. 10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan. 11. Pag-aasawa ng bayani. Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa atema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao. Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani mga supernatural na gawa ng bayani pag-ibig at romansa kamatayan at pagkabuhay mga ritwal at kaugalian ugnayan ng magkakapamilya pakikipaglaban at kagitingan ng bayani kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging panliligaw pag-aasawa pagbubuntis mga yugto ng buhay Ang Lalaking Bayani Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang bayani. Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang intelektwal at moral na katangian Ang Pangunahing Babaeng Karakter Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina. Ilang Epiko sa Pilipinas Biag ni Lam-ang- Ilokos Maragtas- Bisaya Bantugan- Mindanao Hudhud - Ifugao Darangan Muslim

GAWAIN 1.1.3.e : PAGSUBOK SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA 1. Pansinin mo ang mga salitang nakasulat nang nakahilig sa loob ng pangungusap. Ano ang gamit nito sa mga salitang nagsasaad ng kilos? Naglalarawan ba ito o nag-uugnay? 1.Agad-agad na naghanda si Tuwaang 2.Naghanda nang mabilis si Tuwaang para sa kaniyang paglalakbay. 3. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata. 4. Ang binata ay untiunting namatay.

Ang kaugnayan ng mga salitang nakahilig sa pandiwa ay

2.

Punan mo ng angkop na salita ang patlang ayon sa iminumungkahi ng larawan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

28

a.

Sila ay _________na sumakay sa sinalimba at pumunta sa Katuusan, kung saan lupa ito nang walang kamatayan.

b. Silay_______ na nakarating sa tahanan ni Batooy.

c.________ tinanggap ni Gungutan ang alok ni Tuwaang na maglakbay.

d._______na nakipaglaban si Tuwaang.

3. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel. Jewill : Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo uwian? Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, __________________nang naglalabasan ang aking mga kamag-aral. Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita kitang _________________ na lumalabas mula sa inyong silid-aralan. Emil : Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John. Jewill: Bakit ? Emil : Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol sa epiko. __________________ nagturo kanina ang aming guro sa Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming pananabik sa kanyang leksiyon. Jewill: Naku... ________________ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang klase kanina dahil kaunti lang daw ang nakagawa ng takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo. Emil : Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming salamat. O paano? ___________________ na kaming aalis. Paalam.

Alam mo ba na ...

sabay-sabay isa-isa

pagalit

dahan-dahan

ganadong-ganadong

ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang kaunti. Nang Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) ang panandang nang at (2) ang makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng Presidente. Mang Ibiong, ano po ba ang na/ng. Narito ang mga halimbawa: aming saako inyo kamiy ayaw ninyong bigyan ng pagkakataong 1. pagkakasala Kinamayan niya nang at mahigpit makapagpulong sa pook ng Felix Huertas? 2. Natulog siya nang patagilid. Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking pagsisikap ay 3. Bakit siya umalis na umiiyak? aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa pagdaralita.Akoy lumapit sa 4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata pamahalaan. Halos magpalimos po ako upang makapaghanapbuhay. 5. Ang Naluluha nagpasalamat. lahat siya po nang ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko po ay walang Basahin at unawain.

mangyayari sa aming pamumuhay kung ang pangkasalukuyang partido ay mamamayani, ang paliwanag ni Mang Ibiong. Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit sisikapin kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung ikaw ay mabibigyan ng hanapbuhay. Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa kanya ng Presidente ng Senado. Siyay isa lamang hamak, ngunit siyay tinanggap na parang isang mahal na tao.Ang inaalala niyay baka ang pangakong hanapbuhay ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga pulitiko ay sadyang masarap mangako. Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay ginising na ng isang tao po . Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang napaka-agang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ay maagang inutusan ng Presidente upang ipagbigay- alam kay Mang Ibiong na maaari na siyang mag-simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon. 29 Napamangha si Mang Ibiong. Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap kung mangako ang Presidente ng Senado.
Bahagi ng Si Manuel L. Quezon sa Harap ng Kaaway ni P.S. Vergara

GAWAIN 1.1.3.f : PAGPAPALALIM NG IYONG KAALAMAN 1.Isa-isahin ang katangiang taglay ni Manuel L. Quezon batay sa nilalaman ng binasang anekdota.

1. Sa iyong palagay, makahulugan ba ang ginawa ni Manuel L. Quezon para kay Mang Ibiong ? Pangatuwiranan. 2. Batay sa taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko at ang katangian na taglay ni Manuel L. Quezon na isinalaysay sa anekdota, ibahagi ang iyong ideya tungkol sa kabayanihan? Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa papel. 3. Sumulat ka ng isang karanasan ( maaaring pansarili o sa iba ) na nagpapakita ng kabayanihan. Sikaping maging malinaw ang mga pangyayari sa tulong ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan. Gawin sa papel. GAWAIN 1.1.3.g : HULING HIRIT... Sagutin mo ang tanong na - Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? Makatutulong sa iyong pagsagot ang paggamit ng mga salitang nasa kahon upang maging malinaw ang kaisipan na nais mong ipabatid.

kultura at tradisyon kabayanihan

kababalaghan paraan ng pamumuhay

pagpapahalaga lahing Pilipino

_____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

30

Marami ang nagbunying Pilipino sa naganap na kanonisasyon kay Pedro Calungsod bilang pangalawang santo na nagmula sa ating bansa. Dahil dito, ang namumuno sa inyong barangay ay nagkaroon ng interes na makabuo ng proyekto na magtatanghal sa buhay ng mga karaniwang mamamayan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa. Ikaw, bilang aktibong opisyal sa inyong barangay ay nagpanukala ng pagsulat ng biopoem upang maisakatuparan ang proyekto na sinang-ayunan ng lahat . Hinikayat ninyong lumahok ang mga mamamayan na nasasakupan ng inyong lugar. Ang magwawaging biopoem ay bibigkasin nang mahusay na mambibigkas ng inyong bayan kung saan panonoorin ng lahat ng mamamayan sa inyong komunidad. Ang biopoem ay matataya sa sumusunod na pamantayan. Pagkakaugnay sa paksa Organisasyon ng ideya Kabuluhan ( Taglay na mensahe) Pagiging masining Tapat May batayan Subukin mo muling paganahin ang iyong isipan sa tulong ng pagsagot sa sumusunod na gawain:

Karunungang- bayan

Alamat

Epiko Panahon ng Katutubo Kasalukuyan

1. Sa tulong ng mga larawan, sagutin ang sumusunod na tanong. a. Bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahon na naisulat ito? b. Paano mapananatili at mapapaunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno sa kasalukuyang panahon? 2. Paano nakatulong ang mga araling panggramatika sa kabisaan ng mga akdang pampanitikan? a. Dalawang Uri ng Paghahambing Karunungang- bayan

Mahalaga ang paggamit ng dalawang uri ng paghahambing sa pagtalakay ng karunungang- bayan upang __________ ang ______________ at _______________ ng salawikain, sawikain at kasabihan.

b. Pang-abay na pamanahon at panlunan

Alamat

Nakatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-abay na ___________ at ___________ sa ____________upang mabisang maipabatid ang mga ______________ .

c. Pang-abay na pamaraan

Epiko

Ang paggamit ng mga _________________ sa __________ ay nakatutulong upang maging ____________ ang kilos ng mga _________ sa ganang ganito, magiging ______________ ang daloy ng mga 31 ____________________.

Bago Bumasa Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon

ANTICIPATION-REACTION GUIDE Mga Pangungusap Ang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Kailanman. hindi maaaring magka-ugnay ang panitikan at kasaysayan. Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang Espaol ay mayaman na sa panitikan. Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi. Bago pa man dumating ang Espaol ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno Ang epiko, alamat at mga karunungang bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Espaol. Napatunayan ng mga Espaol na ang ating mga ninuno ay hindi mahiligin sa tula, awit, kuwento, bugtong at palaisipan. Ang panitikan ay hindi suma-salamin sa panahon kung kailan ito isinulat ito.

Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon

Ikaw ay kasalukuyang namamahala ng museo sa inyong lungsod. Isang araw, ikaw ay ipinatawag ng mayor upang ipaalam na may darating na panauhin sa inyong lungsod sa susunod na buwan na dadaluhan ng DILG secretary at ilang local officials ng ibat ibang lungsod. Nais ng inyong mayor na magpakita ka ng presentasyon para sa mga artifacts at dokumento na nakalagak doon. Kaya naman , ikaw ay inaasahang makabubuo ng timeline ng mga artifacts at dokumento na matatagpuan sa museo. Ang timeline ay kailangang nakabatay sa sumusunod na pamantayan: Organisasyon ( Maayos ang pagkakasunod-sunod ) Mensahe Presentasyon ( Kalinawan, Biswal ) Makatotohanan ( Batay sa Pananaliksik) Pangwakas na Pagtataya (para sa Aralin 1.1) A. Bumuo ng islogan batay sa paksa: (5 puntos) Karunungang-bayan, Dunong na Dapat Pinagyayaman. B. Bumuo ng sarili mong simula at gitnang bahagi batay sa wakas ng alamat . Gumamit ng pang-abay ( panlunan, pamanahon at pamaraan) sa pagbuo ng dalawang bahagi. Isulat sa papel ang iyong sagot. (10 puntos)

Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging," wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging Saging.

Halaw sa Alamat ng Saging

C. Sumulat ng maikling talata tungkol sa kabayanihan na dapat ipakita ng isang Pilipino sa


kasalukuyang panahon. (10 puntos)

32

Aralin 1.2 : Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaol


Aralin 1.2.1 Panitikan: Wika: Aralin 1.2.2 Panitikan: Wika: Aralin 1.2.3 Panitikan: Wika: Dulang Pantanghalan: Karagatan, Duplo Mga Eupemistikong Pahayag Tula Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Sanaysay Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr.Jose P. Rizal Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptwal na balangkas ng araling ito na makatutulong upang maging gabay mo sa pag-aaral.

Ang Panitikan sa Panahon ng Espaol Panitikan:Tula Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

Panitikan: Dulang Pantanghalan Karagatan Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag

Panitikan: Sanaysay Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal Wika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Panimulang Pagtataya Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo? a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya. b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan. c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan. d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok. 2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga. b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma. c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari. d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda. 3. Sa panahon ng Espaol, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito? a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon. b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino. c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino. d. Ibinahagi ng mga Espaol ang paraan ng kanilang pananampalataya. 4. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo? a. bilyako/bilyaka b. mambibigkas c. manunula d. prinsipe/prinsesa 5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula? a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag. b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan. c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula. d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula. 6. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito? a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag- aaral sa paaralan. b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan. c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop. d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula. 7. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag? a. tapat b. magalang c. madaling umunawa d. malumanay magsalita 8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan? a. pag-ibig sa bayan c. pagmamahalan ng pamilya

33

b. mga kaugaliang Pilipino d. pagpupuri sa pamahalaang Espaa 9. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Espa ol? a. Nakipag-usap sa kinauukulan. b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espaol. d.Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espaa. 10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong________. a. prosa b. patula c. pasalaysay d. tuluyan

Alamin Simulan mo na ang pag-aaral upang sa gayoy matuklasan mo kung bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong na nasa loob ng kahon. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos mong pagaralan ang modyul na ito, sagutin mo na ang huling kolum, ang L. K Masasalamin Ano ang alam mo na? ba sa (What do you know?)

panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan.

W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) L Ano ang iyong natutuhan/naunawaan? What did you learn?)

GAWAIN 1.2.1.a: BAYANITIKAN Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino na nagpahayag ng damdamin sa kani-kanilang panulat. Alamin ang damdaming namayani sa kanilang mga isinulat. Gayundin, kung masasalamin ba sa kanilang isinulat ang kalagayan ng bansa sa kanilang panahon? Basahin at unawain ang bawat saknong. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa angkop na akda nang nakalarawang manunulat.

Jose P. Rizal

Paalam na, Ina, itong Pilipinas, Paalam na, Ina, itong nasa hirap, Paalam, paalam, Inang walang habag, Paalam na ngayon, katapusang tawag. -mula sa Katapusang Hibik ng Pilipinas Idalanging lahat yaong nangamatay, nangagtiim hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. mula sa Huling Pahimakas
Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan,

Marcelo H. Del Pilar

Apolinario Mabini

34
Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos

Pinupuri ko sila. Silay kabataang may


Emilio Jacinto D

mula sa Fray Botod Inaalo ng ina ang anak, idinuyan sa mga


Graciano Lopez Jaena E

mula sa Impresiones

Andres Bonifacio

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko ay matuto kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? - mula sa Ang Ningning at Liwanag

Sa cadaquilaang ito, sino kaya sa mundo ang sa caniyay macacahuad? Huwag na ang sa gawang lumicha, huag na sa pagdudulot ng buhay at kaligayahan, may puso caya baga sa lupang pagmamahal? May puso caya baga sa lupang macapamumuhunan nang buong pag-irog sa iyo cahit sucat nang wala cang igaganti cundi catampalasan? mula sa Ang Cadaquilaan nang Dios G Mga Gabay na Tanong: 1. Naniniwala ka ba na ang mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan ay may likas na hilig sa pagtula? 2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang husay sa palitan ng opinyon at pagsagot sa mga talinghaga? GAWAIN 1.2.1.b : PICK-UP LINES Tunog-Makata Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod.

2. Bangin ka ba? Bakit?

2. Kape ka ba? Bakit? ____________________________________

35

3. Pustiso ka ba? Bakit? ________________________________

4.Kumain ka ba ng asukal? Bakit? _____________________________________

5. Surgeon ka ba? Bakit? _______________________________ Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarili mong pick-up lines. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat. To... Cc... Subject:

SEND

GAWAIN 1.2.1.c : SINING: KARAGATAN AT DUPLO Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na iyong matutunghayan. Basahin at unawain. Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon. ANG KARAGATAN (May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.) Tandang Terong: Humm tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay di pa nagagatungan. Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang malutot tayoy makakain. Maring: Ang kahoy na panggatong kaya di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isay malungkot kayat naghahanap; dalawahay angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatloy isa na ang kalabisan.Kung di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang

36

kakausapin, mga kanayon anong kailangan? Lahat: Tanging paraay ang karagatan. Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng? Neneng: Tumanggi man po akoy walang mangyayari. Kagustuhan rin ninyo ang masusunod. Ingkong Terong: At kayong apat? Apat na Lalaki : Opo. Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing. Mga Tao: (Palakpakan) Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan. Berting: Magandang gabi sa inyong lahat Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutyay muling nagpupugay. Ipinangangakong nahulog mong singsing Aking sisirit sa iyoy ibibigay Tanda ng pag-ibig na walang hangganan. Dahilan sa akoy siyang nakabunot Ng palitong itong nagpapahintulot Ako ay sumisid sa dagat ng nais Berting: Tila ang bugtong moy sinlalim ng dagat Na di matatarok ng isip kong pahat. Kulas: Ang pagkakataoy isalin sa ibaNang di masabing ikaw ay buwayaAkong nabunot ng pang-ikalawa Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin Kulas: Singsing, aking Neneng, walang punot dulo Mayroon ngang simula at may wakas ito Ang simulay bilog nito na panloob . Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto Kayat heto naman ang para sa iyo; Nang ikay parito, pamula sa kanto Kulas: Salamat Neneng kot iyang katanungan Kay daling sagutin kayat aking masasabing Akoy tanging mahal; Heto ang tugon ko: Neneng: Kulas, ikay mali sa iyong katugunan Kayat isasalin itong aking tanong Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo Kayat iyong dinggin ang tugon koy: At ang iyong singsing ay aking makamit Ay katunayan nang Diyos ang pumili Na ako ngang itoy siya mong itangi. Sumisid sa singsing na aking hinulog Subalit di upang siyang maging irog Kundi idaan lang muna sa pagsubok Kayat sisirin mo ang tanong kong ito At singsing kong ito ay nang maangkin mo Ang singsing na itong linsot walang bato Turan mong simula at ang dulo nito. Kayat iyong singsing nais mang makuha Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta. Inaangkin hirang kanyang karapatan Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong Na siyang panumbas sa iyong pag-irog. Ang lalim ng punot dulo niyang singsing. At ang katapusay panlabas na bilog. Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig Hayat nasisid ko singsing mong nahulog Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo? Bahay, pito lamang at sa mga itoy Aking natandaan, apat ang may ilawItoy patotoong isip koy malinaw. Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. Pamula sa kanto at hanggang sa rito Walang bahay ni ilaw akong natandaan

37

Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal. Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan) Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon: Tubig, batot tao, at lahat sa mundo Ay di tumatapon dahil sa ang globo Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo! Neneng: Pangalawang tanong,heto nat pakinggan Paanong buwang sa langit ay tanglaw Aking mahihipot mapaglalaruan? Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, Noong akoy muntit pinalalaki mo. Isang paboritot ibig kong kuwento Ay siyang panugon sa tanong na ito. Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... Nardo: Akoy nakahanda sa pangatlong tanong Singsing na nahulog aking sisisirin Neneng: Akoy nangangamba, akoy natatakot Na ang huling tanong kaniyang masagot Itong karagatan isang laro lamang Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako. Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Kung tayoy makasal, ay nanaisin ko Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita Kayat imposibley pag-aariin pa Lubid na buhangin, aking pipiliin Neneng: Di bat ang hiling sa akin nanggaling Nardo: Pagkat paniwalang di ka sinungaling Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring? Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw Ikaw ay may wikang tapat at matining Nang iyong sabihin tayoy kakasalin Inakalang tapat ikaw sa paggiliw Kayat sa problemang aking Kahati ka sa tuwat sa ligaya gayoy din Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin Na ating sasakyay binalsang kawayan Na bigkis ng lubid na pawang hinabi Sa buhanging pinot ikaw ang pipili. Kung pababaunan ng aking pagkain Bawat isang linggong kakailanganin Sa sang dahong ipil iyong babalutin. Bakit ngayoy ako ang pasusulitin? Itoy pangarap nang akoy musmos pa lamang Kung talagang ako ay sadyang mahal mo Paiirugan mo ang hiling kong ito. Sa pamamagitan ng isang salamin Minumutyang buwan ay pabababain Kahit sa kandungan ng mutya kot giliw Mapaglalaruang buwang hinihiling. Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. Sukdang ikapugto ng hiningang tangan Kung puso ng mutyay aking maaangkin. Ngunit paglalarong birong totohanan Ayoko na yatang ito ay ituloy Baka sa sagutan akoy maparool. Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo Hindi tumatapon walang ligwak ito? Ay isang malakit mabisang magneto; Hinihigop nito ang lahat ng narito At sa kalawakay di tayo tutungo.

38

Neneng: Ayokot di tama! Di pala kasal, Nardo: Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta! Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko Ako ang hahatol. Tama si Nardo. Ang karagatay simula lang ng kuwento Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.) Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay! Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino! W A K AS

Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.

Kung ikaw rin lang siyang sisisid Mahangay hintin kong kumati ang tubig. Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

(Palakpakan)

Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunod na mga tanong. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang paksa ng binasang karagatan? 2. Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel kanilang ginampanan? 3. Bakit sinasabing hindi kinakailangang sumisid ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing?

Alam mo ba na Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
4. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

39

MATATALINGHAGANG PAHAYAG NA BINIGKAS NI NENENG

TUGON NG MGA BINATA

5. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan? 6. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa larong karagatan? Ang Duplo 1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring mauring tulang patnigan. 2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera. 3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na. 4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan. 5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. 6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka. 7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan. 8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay. 9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu. 10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al. ANG DUPLO: Ang Ibon ng Hari Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo. Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo. Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo. Hari: Tribulasyon! Lahat: Tribulasyon!

40

Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig) Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatandat batang ngayoy naririto, Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw. Hari: Sino ang nagnakaw? Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang bwan; May isang aninong aking natanaw; Hindi sinasadya, nang aking lapitan Isang babae po, iyang natagpuan. Hari: Diyatat bilyaka? Bilyako 1: Sa unang hanay po. Bilyaka 2: Hwag paniwalaan. Siyay bulaan! Hari: (Sa lahat) Katahimikan! Bilyako 1: Akoy nalalaan! Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya, Hindi maaarit kamiy magkasama; Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino Bilyaka 2: Ang nuha ng iboy sa ikalawang hanay, Doon nakaupo nang buong hinusay, Hari: Pinararatangay hindi umiimik, Tila nga may salat dilay nauumid. (Mag-iisip) Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari, Mag-isip-isip kat baka magkamali. (Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy) Hari: Nagpapahintulot! Bilyako 2: (Lalapit at bubulong) Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay?

Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong larong duplo. Ang hardin koy kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pintot patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka ang nuhat nagnakaw!

At kitang-kita kong ikinubli niya. Siyay naririto at nasa tribuna, Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!

Sino sa kanila?

(Magkakaingay)

(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?

Kamiy namamasyal ng irog kong sinta, Panong mananakaw ang ibon sa hawla? At pakaasahang parurusahan ko. Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.) Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?

Sapagkat may sala Heto, palmatorya! (Akmang papaluin) Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw. Aking ibubulong kung pahihintulutan.

(Siyang pagdating ng abay ng reyna)

41

Abay ng Reyna: Mahal na hari po, iboy aking dala, Isasauli ko sa kinunang hawla; Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan! Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan. Aba ng Reyna: Pinagbigay-alam sa inyong gwardya, Hari: Maraming salamat, bilyakat bilyako, Ngayoy tinatapos itong larong duplo. WAKAS

Kagabi po itoy kinuha ng reyna Siya ay nag-aliw sa pangungulila! Kung uulitin pay ipagbibigay-alam Nang huwag ang iba ang mapagbintangan Baka nalimutan at nalingat siya. Paalam sa lahat, salamat sa inyo, Muling magkikita pag naglaro tayo. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.

Mga Gabay na Tanong:

6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang larong

duplo sa mga lamay sa patay sa kasalukuyan? Bakit?

5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan?

4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa?

3. Paano nilalaro ang duplo?

2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?

1. Tungkol saan ang binasang duplo?


GAWAIN 1.2.1.d : SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga elemento ng mga ito.

42

KARAGATAN

Mga Elemento Paksa

DUPLO

Mga Tauhan Hakbang ng Pagsasagawa

Palitan ng Pangangatuwiran

Hatol PAGKAKATULAD 1. Paksa: ___________________________________________________ 2. Mga Tauhan: ______________________________________________ 3. Hakbang ng Pagsasagawa: __________________________________ 4. Palitan ng Pangangatuwiran: _________________________________ 5. Hatol: ____________________________________________________

Mga Gabay na Tanong: 1. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga Pilipino batay sa sumusunod: pagbibigay-parangal sa namatay

pag-aliw sa namatayan

pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw

paraan ng pagpapahayag

paggamit ng mga salita

GAWAIN 1.2.1.e: PAGPAPAHAYAGSARILING REPLEKSIYON Masasalamin pa rin ang katayugan ng pag-iisip at pagiging masining sa pagsasalita na mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na bibigyang pansin ng susunod na gawain. Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang iyong panig?

43

SITWASYON 1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na ang maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap mo sa buhay ang maging guro sa hinaharap. Ngayong ikaw ay nasa hayskul na pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa kanila na ang iyong kursong ibig pag-aralan ay pagiging guro? 2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong paaralan ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL). Hinihikayat ka ng iyong mga kaibigan na sumali sa nasabing samahan ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw ay lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong sasabihin sa kanila? 3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa Araling Panlipunan. Subalit sa araw na iyon ikaw ay nahuli dahil may isang matanda sa kanto na iyong tinulungan. Naramdaman mo ang makahulugang tingin ng iyong mga kaklase. Paano mo ipahahayag ang iyong panig? 4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong kaklase na totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo siyang kausapin upang patigilin sa ginagawang panunukso sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa kaniya? 5. Isa kang mag-aaral na buo ang loob para sabihin ang iyong nadarama sa kaklase man o sa guro. Isa mong bagong kaklase ang iyong hinahangaan. Paano mo sasabihin ang iyong paghanga?

SARILING PANIG

GAWAIN 1.2.1.f.: EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG ISAALANG-ALANG PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na impormasyon. 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a.paksa ng usapan b.taong sangkot sa usapan c.lugar 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang. 3. Gumagamit ng talinghaga para di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap. Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. Sa halip na sabihing: Gumagamit ng: 1. patay sumakabilang buhay 2.nadudumi tawag ng kalikasan 3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay 4. katulong kasambahay Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo.

4. sugarol 3. tsimay 2. maarte 44

1. pakialamero

5. mayabang

GAWAIN 1.2.1.g: MAGTAGALOG WALANG SAKITAN Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala. Gawing gabay ang kasunod na mga saknong.

Ang pagtatalo ay isang laro ng isipan Walang sakitan ng katawan pati ng kalooban Ingatan ang salitang bibigkasin at bibitawan Dahil ang totooy paksa lang ang pagtatalunan. Subuking sagutin ang isyu ngayon Ako ay nasa panig ng pagsang-ayon Samantalang ikaw ay lubos na di- umaayon Pagkakaiba ng mga pananaw sa mundoy nagpapayabong.

PAKSA Ang paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan ang sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas ng maraming anak/kabataan.

SANG-AYON

SALUNGAT

GAWAIN 1.2.1.h: BUUIN: KONSEPTONG NATUTUNAN Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay. Ang karagatan at duplo ay mga ____________________________________________________

45

Ito ay nagpapakita ng ____________________________________________________________ Makikita sa kulturang Pilipino ang _________________________________________________ Sa pagpapahayag, mahalagang isaalang-alang ang ______________________________________ Maaaring magkaroon ng pagtatalong ________________________________________________ Sa kasalukuyan, itoy yamang _____________________________________________________ GAWAIN 1.2.1i : NAIIBANG FLIPTOP Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong komunidad, sa youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang kasunod na pormat. Mga Napansing Positibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika 1. Mga Napansing Negatibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika 1.

2. FLIPTOP

2.

3.

3.

Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang pagtatalo gamit ang fliptop? Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng magkatalong panig na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng magkatunggaling panig gayundin kung paanong hihikayatin ang mga tagapanood na karaniwang nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang hiyawan at palakpakan. Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong komunidad, at ang mga kalahok ay ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga tagapamahala. Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa entablado. Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod: Pamantayan Bahagdan 1. kabuluhan ng paksa 2. kalinawan ng paninindigan 3. kahusayan sa paggamit ng mga eupemismong pahayag 4. wastong gamit ng mga salita 5. ideya ng pagtatalo KABUUAN 25 20 25 15 15 100

Aralin 1.2.2: TULA


Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa panahong isinulat ni Andres Bonifacio ang tula?

46

2. Paano ipinahayag ng may akda ang kaniyang emosyon o damdamin sa kaniyang isinulat na tula? 3. Ipaliwanag kung ano ang nakatulong upang mabisang maiparating ng may- akda sa mga mambabasa ang kaniyang emosyon o damdamin?

Mabisang naipahayag ni Andres Bonifacio ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ng

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu. Sa gulang na 14, ang kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang kapatid na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan. Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng Fleming and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Subalit ang kaniyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and Company bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya naging matatag siya sa kaniyang trabaho. Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses, at iba pa. Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga tula at isa na rito ang sikat na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Ang nabasa niyang mga aklat ang naging dahilan upang makaramdam siya ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espaol. Naitatag din niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si Gregoria de Jesus ang naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magsimula, ang Katipunan ay natuklasan na ng mga Espaol. Mahigit sa 1,000 katipunero ang sumama sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Dahil sa kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila nagtagumpay. Ito ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim. Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit niya ang kaniyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Lumipat siya sa Naic, Cavite at bumuo ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga sundalong Espaol sa pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat sa Indang, pagkatapos ay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni Aguinaldo na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala siya ng kaniyang mga tauhan dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. Ibahagi ang iyong naging damdamin pagkatapos mong malaman ang ilang mahahalagang bahagi sa buhay ni Andres Bonifacio.

47

Basahin at unawain: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat, Umawit, tumula, kumanta't sumulat, Kalakhan din niya'y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. Bakit? Alin ito na sakdal laki, na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugugulan ng buhay na iwi? Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan: Siya'y ina't tangi sa kinamulatan Ng kawili-wiling liwanang ng araw Na nagbigay-init sa buong katawan. Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal, Mula sa masaya't gasong kasanggulan Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan. Sa aba ng abang mawalay sa bayan! Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala't inaasa-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan. Pati ng magdusa't sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. Kung ang bayang ito'y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Isang tawag niya'y tatalikdang pilit. Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan, Hayo na't ibangon ang naabang bayan! Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat, Ng bala-balaki't makapal na hirap, Muling manariwa't sa baya'y lumiyag. Ipahandug-handog ang buong pag-ibig At hanggang may dugo'y ubusin itigis; kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Itoy kapalaran at tunay na langit!

GAWAIN 1.2.2.a: PAGLINANG NG TALASALITAAN Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang mahihirap na salitang ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na may kaugnayan sa tula. . isinisiwalat __________________ __

sakbibi itigis __________________ __________________ __ __ lumiyag tatalikdan __________________ __________________ __ a. itapon __ b. umibig c. tatalikuran d. inilabas/ipinagsasa bi e. kaligayahan f. matinding Talata:
GAWAIN 2: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

48

GAWAIN 1.2.2.b: SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang iyong naunawaan tungkol sa nilalaman ng tulang iyong binasa. Sagutin nang matapat ang mga tanong at gawain upang matamo mo ang iyong hinahangad na maunawaan at maisagawa sa pagtatapos ng aralin. 1. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may-akda para sa kaniyang bayan? Ipaliwanag. Iguhit din ang maaaring sumagisag sa pag-ibig na ito.

Iguhit dito ang simbolo/sagisag:

Paliwanag:

2. Anong panahon naisulat ang tula? Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas ng panahong naisulat ng may-akda ang tula? Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol dito at itala sa tulong ng Rays Concept Organizer. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

3. Sa kasalukuyan, paano maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan? Muli, gumuhit o gumupit ng simbolo na magpapakita ng iyong pag-ibig sa bayan. Gawin sa maiksing coupon bond. 4. Si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay may magkaibang pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Magtanong sa iyong kakilala na sa iyong palagay ay makatutulong upang malaman mo ang kani-kanilang pananaw. Ilahad mo ang mga ito. Pagkatapos, bumuo at ibahagi mo naman ang iyong sariling pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan.

Rizal

sarili

Bonifacio

pag-ibig sa bayan

5.

Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig sa bayan ang paksa. Sipiin mo ito at ihambing sa tulang isinulat ni Bonifacio.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ibang tula 49

6. Ano ang iyong naramdamam pagkatapos basahin ang dalawang tula? 7. Mabisa bang naipahayag ng mga sumulat ang kanilang damdamin sa isinulat nilang tula? Ano kaya ang nakatulong upang maisagawa nila ito nang mabisa? Ipaliwanag.

Alam mo ba na Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahing pantig ang sukat.
8. Balikan ang tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, at subuking sagutin ang sumusunod na tanong. Tanong Sagot a. Ilang taludtod mayroon ang tula?

b. Ilang saknong mayroon ang tula?

c. Ano ang sukat ng tula?

d. May tugmaan ba ang mga dulong salita ng bawat taludtod ng mga saknong? Patunayan.

e. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma sa bawat taludtod ng mga saknong ng tula? 9. Nakatulong ba ang mga element ng tula upang mabisang maipahayag ng may-akda ang kaniyang emosyon o damdamin? Ipaliwanag.

50

10. Muli, maghanap ng isa pang tradisyunal na tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin. Sipiin mo ito at pagkatapos ay suriin. Makatutulong sa iyo ang mga gabay na tanong sa gagawin mong pagsusuri.

Ang may-akda ng tula (maikling talambuhay)

Pamagat ng Tula

Sagutin mo naman ang sumusunod na tanong. Gawin sa papel.

Ano ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng may-akda sa kaniyang tula? 3. Ano ang iyong naging damdamin matapos mong mabasa ang tula? Bakit ito ang iyong naramdaman? Ipaliwanag.

2. Ano ang nakatulong upang mabisang maipahayag ng may -akda ang kaniyang emosyon o damdamin?

Ilang taludtod mayroon ang tula? Ilang taludtod mayroon ang bawat taludtod? Ilan ang sukat ng taludtod? Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma sa bawat saknong.
Dugtungan mo lamang ang pahayag na ito.

Mabisang maipahahayag ng isang tao ang kaniyang emosyon o damdamin kung

GAWAIN 1.2.2.c: EMOSYON MO... IPAHAYAG MO

51

Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang paggamit ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama. Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o galaw. May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin tulad ng sumusunod:(ilan ito sa makikita sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa). 1. Isulat sa kabilang kolum ang damdaming ipinahahayag ng bawat pandiwa. Mga Pandiwang Nagpapahayag Emosyon o Damdamin ng Emosyon o Damdamin pagpupuring lubos buong pagkasi sakbibi ng lumbay wari ay masarap tunay na langit 1. a. Balikan ang isa sa mga tulang ipinahanap ko sa iyo sa mga naunang gawain. Itala ang mga pandiwang ginamit ng may-akda sa pagpapahayag ng kaniyang emosyon o damdamin. b. Batay sa mga pandiwang ginamit ng may-akda, ano ang damdaming nangingibabaw sa kaniyang tula? Ipaliwanag. c. Ikaw naman ang magpahayag ng iyong damdamin. Sagutin mo lamang nang tapat ang kasunod na tanong. Ano ang iyong nararamdaman sa mga oras na ito? GAWAIN 1.2.2.d: ALAM KO NA

Higit mong maipahahayag ang iyong emosyon o damdamin kung

GAWAIN 1.2.2.e : DAMDAMIN KO ISULAT KO

52

Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong natutuhan sa sitwasyong kasalukuyan mong ginagalawan. Ito ay ang pagsulat ng sariling tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin sa isang taong iniidolo o hinahangaan. Basahin ang kasunod sitwasyon. Sitwasyon: Nais ng inyong Punong-bayan na parangalan ang mga taong nakapag-ambag o nakagawa ng kabutihan sa inyong pamayanan. Isang paligsahan sa pagsulat ng tula ang kaniyang idaraos. Ang tulang mananalo ay bibigkasin sa araw ng parangal. Magaling kang sumulat at bumigkas ng tula. Inaasahan ng napiling Lupon ng Inampalan na ang kalahok na mga tula ay isusumite sa kanila isang buwan bago ang araw ng parangal. Huhusgahan ang tula batay sa sumusunod na pamantayan: a) orihinal, b) taglay ang mga elemento ng tradisyunal na tula, c) angkop sa paksa, d) nagpapahayag ng sariling emosyon o damdamin sa taong hinahangaan, e) makatotohanan at f) may kariktan.

ARALIN 1.2.2: SANAYSAY


GAWAIN 1.2.3.a: KALAKASAN, KAHINAAN TUKUYIN AT ITALA Sinasabing ang isang tao maging ang isang bansa ay nagtataglay ng mga kalakasan at kahinaan. Batay sa mga pahayag, tukuyin mo ang mga kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino. Maaari ka pang magtala ng karagdagang katangian at mga patunay tungkol dito.
Bukas na lang natin ipasa ang proyekto.Kahit huli na tatanggapin naman ni maam yan. Di na ako papasok, wala namang gagawin sa iskul,maglilinis lang! Umaasa akong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Dagdagan pa natin ang sipag at tiyaga.

Lola, sumabay na po kayo sa akin sa tawiran.

Manang, sobra po ang inyong sukli.

Sige na, wala namang bantay,itapon mo ang basura sa ilog.

Kunin na natin ito,kahit ba ukay, imported naman!

Naku, kanina pa pala tumatapon ang tubig.Maisara nga ang gripo.

Batay sa aking pag-aaral, lumalala ang kondisyon ng kapaligiran dahil sa tinatawag na climate change.

Panalo tayo! Sabi ko sa iyo, dapat kaya nating makipagsabayan sa galing ng ibang bansa.

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino batay sa mga pahayag? KALAKASAN PATUNAY KAHINAAN PATUNAY

53

2. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto ang mga ito sa kalagayan ng bansa? Dugtungan ang pahayag. Ang kalakasan ng mga Pilipino ay:

5.

4.

3.

2.

1.

Samantala, ang mga kahinaan ng mga Pilipino ay (isulat sa loob ng alimango):

3. Alin ang nakahihigit ang kalakasan o ang kahinaan ng mga Pilipino? Patunayan.

54

GAWAIN 1.2.3.b:: LIHIM NG MGA SALITA TUKLASIN Tuklasin mo ang lihim ng mga salitang pinahuhulaan? Alamin mo ang teknik upang matukoy ang mahalagang salita na gagamitin sa sanaysay na iyong babasahin. Halimbawa: 1. Ako ang simula ng buhay At simula pa rin ng umagang kayganda Gitna ng bahay na kongkreto At simula ng araw-araw na biyaya At katapusan ng bagay . Natuklasan mo ba kung anong salita ako? Tama, ang salita ay buhay. 2. Ako ang simula ng katotohanan At katapusan ng tapat na pagsinta Ako ang matatagpuan sa unahan ng ligaya Ngunit nasa gitna ng kawalan Ako ang simula ng yaman ng bawat bansa At simula rin ng alab ng puso Ako ang katapusan ng pag-asa Ngunit simula ng nabuhay na pangarap. Hulaan mo ang salita. 2. Simula ako ng elementong pinag-uusapan At katapusan ng mabagal na pag-unlad Ako ang nasa unahan ng ulap na bughaw Ako pa rin ang simula ng katahimikan Nasa gitna ng malakas na tawanan Ako ang nasa unahan ng simula At simula pa rin ng yukong walang humpay Ako ang katapusan ng musikang kulang sa tono At wakas ng nanay na di matagpuan. Hulaan mo ang salita. Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon? Iyong balikan ang ilang tala sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal. Alam mo ba na (1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at 12:00 ng gabi. (2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda ay nahirapan sa panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki kaysa karaniwan. (3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang sa Bi an, Laguna. (4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat tatlong taong gulang pa lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto. Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan at sa gulang na walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal sa wika. (5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang kanyang ina. Samantala, naging guro naman niya si Justiniano Aquino Cruz sa Bian, Laguna. (6) Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila. Samantala, sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagsimulang mag-aral ng medisina subalit tinapos niya ito sa Unibersidad Central de Madrid. (7) Nakapagsalita siya ng dalawamput dalawang wika. (8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula, nobela, sanaysay, atbp. (9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata, dalubwika, mananaliksik at pilosopo. (10) Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espaol. (11) Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik: a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang maghimagsik laban sa mga Espaol. b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan. c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay.

55

GAWAIN 1.2.3.c.: Ako At Ang Bayani Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang tala sa buhay ng pambansang bayani, subukin mong isulat ang mga kaisipang naibahagi nito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag. Gawin sa papel. Nabatid ko na ang buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay _____________________________________________________________________________________ _______________________________________ Hindi maikakaila ang marubdob na pagmamahal niya sa bayan dahil _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ Bilang mag-aaral, nais kong _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________

GAWAIN 1.2.3.d: LIGHT.: MGA KAISIPAN HANAPIN AT PATUNAYAN Bago mo basahin ang sanaysay, nais kong lagyan mo ng tsek() ang mga kaisipan na sa palagay mo ay matatagpuan sa sanaysay. ___1. Likas na tamad ang mga Pilipino. ___2. Hindi tamad ang mga Pilipino. ___3. Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan sa Panahon ng mga Espaol. ___4. Isa sa dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon. ___5. Ang sikap at pagkukusa ay napanatili ng mga Pilipino sa kabila ng di- magandang sistemang umiiral sa Panahon ng mga Espaol. ___6. Ang pagsasakay napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. ___7. Sinusuportahan ng mga Espaol ang mga magsasaka na ang pananim ay pininsala ng mga hayop o bagyo. ___8. Ayon kay Jose Rizal, kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais. ___9. Nagpapahiram ng puhunang salapi ang mga Espaol sa layuning mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka. ___10.Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa dahil sa malupit na sistema ng edukasyon. Ang iyong pagbabasa at pag-unawa sa sanaysay na pinamagatang Ang Katamaran ng mga Pilipino na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapatunay sa mga kaisipan kung ito ay binanggit sa kaniyang sanaysay. Sikapin mong salungguhitan ang mga kaisipang napatunayan mong tuwirang binabanggit dito. Ugnay-Panitikan Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal

(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na La Indolencia de los Filipinos, na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na itoy isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na silay mga tamad. Ang upasalang itoy hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapay inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid. Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siyay pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong

56

naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Silay malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan. Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasay hindi sila hirati sa gayong klima, kayat karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwat ang wika nga ni Rizal, ang isang taoy maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan. Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kayat mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nilay hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon. Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipinoy hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paanoy ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang ibay wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastilay maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasay walang sukat maipananggol sa sarili. Ang pagsasakay napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, kayat maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kayat naging mga mapagpabaya. Tungkol ditoy sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong silay mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumput dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino. Ang pamahalaay walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kayat humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipinoy hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan. Bukod sa mga iyan, ang Pilipinoy hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, silay pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba namay pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsay wala pang bayad o kayay dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyoy sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niyay ang kanyang kapakanan kayat sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal. Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga kakuwanan ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at pakikisama, mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang. Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animoy kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang para kang Kastila,- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain. At ang wika pa ng mga Pilipino noon: Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman. Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at itoy isa pa ring nagpapalala ng katamaran. Ang Pilipinoy hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa. Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran. Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin. Ang katamaray pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:

57

Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo namay walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran. Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siyay nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa. Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasay pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin. Palibhasa ngay walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipinoy hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan. Ang sabi ni Rizal: Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais. Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang sanaysay? 2. Isa-isahin ang dahilan ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino? Isulat sa papel ang sagot.

ANG KATAMARAN NG MGA PILIPINO PILIPINO

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10. 58

3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga puna ng sumulat tungkol sa kalagayang panlipunan sa kaniyang panahon? Gawin sa papel. Sa aking palagay...
Mga Kalagayang Panlipunan Pirata, mandarambong, sumalakay Gobernador, abusado Sistema ng edukasyon, baguhin Malupit na sistema, palitan

4. 5. 6. 7.

Ilarawan ang damdaming nangingibabaw sa sanaysay. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa larawan. Isulat ang mga sagot sa papel. Sa iyong palagay, bakit isinulat ng bayani ang sanaysay? Sa kasalukuyan, naniniwala ka bang tamad ang mga Pilipino? Pangatuwiranan.

GAWAIN 1.2.3.e: MAGHANAY NG DETALYE KAYA KO! Pagkatapos mong basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa nilalaman ng sanaysay, alam kong kayang-kaya mong ihanay ang mga detalye ng bawat kaisipan. Isa-isahin ang mga patunay sa pahayag. Gawing batayan ang sanaysay. A. Ang pangunahing sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon. B. Ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling sistemang pinairal ng mga Espaol. C. Ang hindi mabubuting ugali ng mga Espaol ay nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino. Naihanay mo ang detalye ng kaisipang tinalakay sa sanaysay. Matutukoy mo ba ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan? Basahin mo ang sumusunod na mga impormasyon.

Ugnay-Panitikan

Sanaysay Sinasabing ang sanaysay bilang akdang pampanitikan ay huling nakakita ng liwanag sa larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa.

Uri ng Sanaysay Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o impersonal na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal na sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan samantalang magaan ang mga paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang kapormalan ng una ay nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko, may himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsay garapal ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng pansin sa kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay; kabaligtaran sa di-pormal. Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2) naglalarawan, (3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) makasiyentipiko o makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11) sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan.

59

Mga Gabay na Tanong: 1. Batay sa mga impormasyong inilahad tungkol sa sanaysay subukin mong: a. paghambingin ang sanaysay na pormal at di-pormal

PORMAL S A N A Y S A Y

DI-PORMAL

b. Suriin (batay sa tiyak na uri ng sanaysay) ang mga mungkahing pamagat ng sanaysay 1. Si Papa at Mama 2. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change? 3. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay 4. Ang Politika sa Pilipinas 5. Isang Gabing Pagninilay Mga Gabay na Tanong 1. Basahin ang sumusunod na talata. Salungguhitan ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing kaisipan at lagyan ng tsek() ang mga binilangang pangungusap na nagpapahayag ng pantulong na kaisipan. A) (1) Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao. (2) Ito ay nagpapalaya sa tao sa kamangmangan. (3) Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa ibat ibang sitwasyon sa buhay. (4) Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan. (5) Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang kapaligiran. (6) Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo. B) (1) Naging mapagpabaya ang mga Pilipino dahil sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa. (2) Ang mga encomendero ay lubhang nagsamantala sa pamamagitan ng pagpilit sa mga magsasaka na ipagbili sa kanila ang mga ani sa murang halaga na naging daan sa pananamlay ng mga magsasaka sa paggawa sa bukid. (3) Sinasarili rin ng gobernador ang lahat ng negosyo at nawawalan ng kita ang mga magsasaka. (4) Walang dulot na pampasigla sa mga tao ang pamahalaan. (5) Samakatuwid ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling pamamalakad ng mga Espaol. C) (1) Ang mga Pilipino ay mapamahiin. (2) Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay nangangahulugan ng pagdating ng panauhin. (3) Hindi dapat tumuloy sa anumang lakad kung nakasalubong ng itim na pusa dahil itoy hudyat ng kapahamakan. (4) Mawawala ang suwerte kapag nagwalis sa bahay tuwing gabi. (5) Ang pagkabasag ng salamin ay magdudulot ng pitong taong kamalasan. (6) Sadyang mapamahiin ang mga Pilipino. D)(1) Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at tumangos ang ilong. (2) Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong matawag na sosyal. (3) Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. (4)

60

Tunay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang- alipin ng mga Pilipino. (5) Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain at pananaw. (6) Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.

GAWAIN 1.2.3.f: LARAWAN AT KAAISIPAN Matutunghayan mo sa ibaba ang mga larawang nagpapakita ng ibat ibang kalagayan sa lipunan. Isulat sa loob ng malaking kahon ang pangunahing kaisipan at sa maliliit na kahon ang mga pantulong na kaisipan.

Lagyan ng bituin () ang larawang nagsasaad ng pangunahing kaisipan. Lagyan ng tsek ( ) ang larawang tumutukoy sa mga pantulong na kaisipan. Pagkatapos, bumuo ng mga pahayag na nagpapakita ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan batay sa mga larawang napili. Isulat ang sagot sa mga kahon sa ibaba. Sundin ang pormat.

61

GAWAIN 1.2.3.g: BUUIN: KONSEPTONG MAKATOTOHANAN Dugtungan mo ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay. Ang sanaysay ay ______________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ Ipinabatid ng sanaysay ang tungkol sa pambansang bayani na _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ Sa kasalukuyan, mapaiigting ang kalakasan ng mga Pilipino _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ Makatutulong ako sa paglutas ng mga suliranin ng bansa sa pamamagitan ng ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ Sa pagbabasa ng talata, makikilala ang pangunahing kaisipan _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ Samantala, ang mga pantulong na kaisipan sa isang talata ay ___________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________

62

GAWAIN1. 2.3.h: MAGSULAT, MAGPAHAYAG, AT MANGAMPANYA Unti-unti mo na bang nakikita ang bunga ng iyong pag-aaral? Tandaan na napakahalaga ng pagunawa sa aralin para sa isang mag-aaral na tulad mo. Ito ang magiging daan upang iyong maisagawa ang inaasahang produkto/ pagganap. Kaya, alam kong handa ka nang gawin ang pangwakas na gawain. Ang barangay captain sa inyong lugar ay naghahanap ng mga kabataang manunulat na maghahanda ng flyers (leaflet) tungkol sa LIGTAS-KAPALIGIRAN, SAGIP-KALIKASAN: ISANG KAMPANYA. Ang flyers na ito ay ipamimigay sa bawat pamilya ng nasabing barangay. Layunin nitong ilahad ang kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa inyong barangay na may malaking epekto sa kalikasan. Batay sa pamantayan, nararapat na magtaglay ng sumusunod ang flyers: 1. Maglagay ng tatlo hanggang apat na larawan tungkol sa suliranin sa kapaligiran ng inyong barangay. 2. Bawat larawan ay lalagyan ng lima hanggang pitong pangungusap na maglalahad ng kalagayang pangkapaligiran sa inyong barangay. 3. Tiyaking makapagtatala ng lima hanggang pitong mungkahing hakbang na gagawin ng bawat pamilya para makatulong sa panawagan. 4. Gawin itong kaakit-akit, malinaw, at nakapanghihikayat. Isaalang-alang ang sumusunod sa pagbuo ng flyers: Kalinawan ng mensahe sa larawan 40% Katiyakan at kaisahan ng mga pangungusap ayon sa paksa 50% Kabisaan sa panghihikayat sa mambabasa 10% 100% Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong sa kasunod na kahon sa p. 150. Nasagot mo na ang tatlong naunang kolum, ang KWH,hindi ba? Pagkatapos nating pag-aralan ang Aralin 1.2 ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. K Ano ang alam mo na? (What do you know?) W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? What did you learn?)

Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan.

Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, gawin mo ang hamon sa pamamagitan ng pagtugon sa susunod na gawain. Isa kang kolumnista sa pahayagan. Maraming sumusubaybay sa iyong kolum/pitak. Ayon sa pamunuan ng pahayagan, iminumungkahi nilang talakayin mo sa iyong susunod na kolum ang paksang nauukol sa suliraning kinakaharap ng paparaming batang nasasangkot sa krimen o tinatawag na youth offenders tulad ng mga batang hamog atbp. Ang mungkahi ng pamunuan ay ayon na rin sa liham na natanggap nila sa mga mag-aaral sa hayskul na naglalayong matalakay ang paksa at makita ang paraan ng pagkakabuo nito sa ginagawa nilang pag-aaral. Inaasahan ng mga tagasubaybay ng mag-aaral ang sumusunod: (1) makatawag-pansing pamagat (2) lawak ng pagtalakay sa paksa (3) paglalahad ng mga datos o estadistika (4) wastong gamit ng mga salita

63

(5) kalinawan ng mensaheng nakapaloob PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Aralin 1.2) Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. 1. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. a. Tula b. sanaysay c. dula d. maikling kuwento 2. Sa pagbabasa ng isang talata paano magiging madaling makita ang pangunahing ideya nito? a. Alamin ang paksa ng talata. c. Hanapin ang mga halimbawa sa talata. b. Isa-isahin ang mga detalye. d. Tukuyin ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa. 3. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Pagkatapos, tukuyin ang pangunahing kaisipan. (A) Sa kasagsagan ng bagyo, isang dalagita ang nagligtas sa bandila ng Pilipinas. (B) Samantala, isang nawawalang matanda ang tinulungang makita ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng facebook sa tulong ng isang binata. (C) Tulad ni Ahli, araw-araw niyang inaakay ang kaniyang lolo na may kapansanan. (D) Nakatutuwang isipin na may kabataan pa rin sa kasalukuyan ang handang maglingkod sa kapwa at bayan. 4. Ano ang pinakamabuting maaaring ibunga ng paggamit ng eupemistikong pananalita? a. Nagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. b. Nagpapakilala sa tao sa kaniyang kapwa. c. Nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming kaibigan. d. Naghahatid ng saya sa kausap. 5. Ikaw ay inanyayahan ng iyong kamag-aral na dumalo sa kaniyang kaarawan. Subalit alam mo na hindi ka pahihintulutan ng iyong magulang sapagkat sa gabi isasagawa ang pagdiriwang. Paano mo sasabihin sa iyong kamag-aral na hindi ka makadadalo? a. Pasensiya ka na kung hindi ako makadadalo kasi istrikto ang magulang ko. b. Ikinalulungkot ko na hindi ako makadadalo sapagkat talaga lamang may panuntunan kaming sinusunod sa bahay. c. Sana ginawa mo na lang ng hapon para makadalo ako. d. Delikado ang panahon ngayon kaya hindi ako dadalo sa iyong kaarawan. 6. Ang duplo bilang anyo ng panitikan ay nagtataglay na sumusunod na katangian maliban sa: a. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sino mang nahatulang parusahan. b. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. c. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nahulog na singsing ng isang dalaga. d. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera. 7. Bakit mainam pa ring laruin ang karagatan at duplo sa kasalukuyan? a. Nagpapatalas ito ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu. b. Naaaliw nito ang mga namatayan. c. Nauuwi sa pagliligawan ang biruan lamang sa simula ng kabataan. d. Nasasanay magkabisado ng tula ang kabataan Basahin at unawain ang kasunod na mga saknong ng tula. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Di na kailangan sa iyo ang awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso naming ang kamiy mapuksa, langit mo naman ang kamiy madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam,paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.
Mula sa: Katapusang Hibik ng Pilipinasni Andres Bonifacio

8.Ano ang ibig sabihin ng salitang kuhila? a. Api b. taksil c. ganid d. hirap 9.Sino ang tinutukoy na Ina sa tula? a. Espaa b. Pilipinas c. Hapon d. Amerika 10. Alin sa mga taludtod ang angkop na kasunod ng saknong na: Bakit? Alin ito na sakdal laki, Na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugugulan ng buhay na iwi? a.Ay! Ito ang Inang Bayang tinubuan c. Siyay Inat tangi kinamulatan b.Ng kawili-wiling liwanag ng araw d. Na nagbigay-init sa buong katawan

64

Aralin 1.3: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon


1. 3. 1. a. Panitikan: b. Wika: 1. 3. 2. a.Panitikan: b.Wika: Tula: Tanaga, Haiku Mga Pangungusap na Walang Paksa Maikling Kuwento Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo Sanhi at Bunga

Konseptuwal na Balangkas Narito ang Konseptuwal na Balangkas ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang iyong mga gawain.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON

Tula Tanaga Haiku

Maikling Kuwento Uhaw ang Tigang na Lupa

Pangungusap na Walang Paksa

Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang sagot. 1. Paano mo malalaman na haiku ang isang tula? a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5 b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2 d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4 2. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong 3. Anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku sa ating bansa? a. Katutubo b. Espaol c. Hapon d. Kasarinlan 4. Ano ang karaniwang paksa ng mga tanaga at haiku noon? a. kababalaghan b. katatakutan c. kalagayan sa buhay d. kaguluhan 5. Basahin ang isang halimbawa ng tanaga. Ano ang ibig sabihin ng salitang dumalaw ? Panalangin ni Asuncion B. Bola Pagsubok pag dumalaw a. bumisita Di ka makapagpasiya b. pumunta Ang Panalangin lamang c. dumating Sagot sa mga problema d. bunga 6. Ano ang paksa ng kasunod na haiku? Iyong galangin Ang asaway yakapin a. Buhay may asawa Huwag bugbugin. b. Ang Pag-aasawa Huwag nang buksan, c. Pagplano ng pamilya Lahat ng nakaraan d. Pag-aaruga ng pamilya Walang sumbatan. Planong pamily Ay dapat ginagawa Ng mag-asawa. 7. Bakit nangibabaw ang panitikan sa Tagalog noong Panahon ng Hapones? a. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog. b. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles.

65

c. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog. d. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa Tagalog. 8. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga? a. naglalaman ng mga pangyayari. b. magkapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod. c. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod. d. kapwa may sukat at tugma. 9. Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento? a. 1941 b. 1943 c. 1942 d. 1944 10. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na pinangasiwaan ng mga Hapones na kumilala sa panitikan? a. likhang sining ng mga manunulat c. lakas ng manunulat b. obra ng mga manunulat d. buhay ng manunulat 11. Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng Hapon? a. Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, mananaysay at manunulat ng maikling kuwento. b. Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan. c. Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga Pilipino. d. Nakasusulat ng mga akdang nais ipalimbag. 12 . Kung ikaw ang bata sa akdang Uhaw ang Tigang na Lupa ano ang iyong gagawin sa nararamdaman mong katahimikan sa inyong tahanan? a. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam. b. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako. c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong malaman ang nangyayari. d. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa ako. 12. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito? a. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina. c. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa. b. May problemang dinadala kaya di siya napapansin. d. Malungkot ang paligid. 14. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? a. may ina, ama at mga anak c. may masaganang pamumuhay b. nakatira sa maayos na bahay d.may pagmamahalan at respeto sa isat isa. 15. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya? a. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang gawain b. magiging sikat na mamamayan c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan d. magkakaroon ng disiplinang pansarili GAWAIN 1.3.1.a : Tugon sa Pagkatuto Ang Tahanan ng mga Konsepto ay mga konsepto na iyong pagninilayan sa kabuuan ng araling ito.

Tahanan ng mga Konsepto Panuto: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo o ditotoo ang mga konseptong nakasulat.
A. Bago ang Talakayan 1. Totoo Di Totoo 2. Totoo Di Totoo 3. Totoo Di Totoo 4. Totoo Di Totoo 10.Totoo Di Totoo __ __ __ __ __ __ __ __ _ __

B. MGA KONSEPTO 1. Ang panitikan ay salamin ng


pagkakakilanlan ng mga Pilipino. 2. Sa panitikan malayang naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at saloobin. 3. Panitikan rin ang naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. 4. Ang mga paksa noon ng akdang pampanitikan ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. 5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

C.Pagkatapos ng Talakayan

1.Totoo
Di Totoo 2.Totoo Di Totoo 3.Totoo Di Totoo 4.Totoo Di Totoo 5.Totoo Di Totoo

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __

66

GAWAIN 1.3.1.b: Hanap-Salita Hanapin mo ang tatlong salita na sa palagay mo ay may kaugnayan sa ating tatalakayin sa panitikan sa Panahon ng Hapones. Bilugan ang mabubuong salita. K U W E N T O I E A H I A Y L P L A M N A A S A I I A Y L T N K T G I A O G U O A E

GAWAIN 1.3.1.c: Gabay ng Buhay Suriin at tukuyin ang mga nakatala sa kasunod na mga kahon kung alin ang tanaga at haiku. Isulat ang letra sa sagutang papel kung haiku o tanaga ang mga nakatala sa kahon.
Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isangB. katapatan ng mataos na pagdamay. Gabing tahimik Sumasapi sa bato Huning-kuliglig Palay siyang matino, Nang humangiy yumuko; Ngunit muling tumayo Nagkabunga ng ginto

A.

B.

C.

Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandadoy suso.

D.

E.

Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadaramat nalalasap ang pag-ibig na matapat.

F.

Hila mot tabak


Ang bulaklak nanginig

Sa paglapit mo

TANAGA 1. 2. 3. 1. 2. 3.

HAIKU

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang mga katangian ng tulang sumibol sa Panahon ng Hapon na ikinaiiba nito sa iba pang tula? 2. Ang mga akdang pampanitikan ba ay sagisag ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino? Ipaliwanag.

67

Ugnay-Panitikan

TANAGA AT HAIKU

Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na tinatawag na tanaga at haiku. Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod) , at puno ng talinghaga. Halimbawa: .

SIPAG Magsikhay nang mabuti Sa araw man o gabi Hindi mamumulubi Magbubuhay na hari

IKAW LANG Dasal ko sa Bathala Sanay makapiling ka sa luha ko at dusa Ikaw ang aking sigla

Samantalang ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalaway may pitong pantig, at ang ikatloy may limang pantig tulad ng una. Halimbawa:

Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandadoy suso.

Hila mot tabak... Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo...

GAWAIN 1.3.1.d: Talinghaga ng Buhay Ibigay ang kaisipang nais ipabatid ng kasunod na mga tanaga at haiku. c. A.
Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataos na pagdamay.

B.

Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandadoy suso.

C.

Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, d. nadaramat nalalasap ang pag-ibig na matapat.

Hila mot tabak

D.

Ang bulaklak nanginig

Sa paglapit mo

A.

B.

TANAGA

HAIKU

C.

68

Sa iyong palagay, nasasalamin ba sa mga tanaga at haiku ang kultura ng isang lahi? Marahil, tama ka sapagkat ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Ngunit pansinin kung ano ang pagkakaiba ng tanaga sa haiku sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa ibaba. 1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa pang-araw-araw mong buhay? Patunayan. 2. Nasasalamin ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga tanaga at haiku? GAWAIN 1.3.1.e : MAGKAIBA O MAGKATULAD (MOM) May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang tanaga at haiku? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Pagkakaiba (Tanaga) Pagkakatulad (Tanaga at Haiku)

Pagkakaiba(Haiku)

Mga Gabay na Tanong: 1. Paano nagkaiba ang tanaga at haiku? Ipaliwanag. 2. Mahalaga bang matutuhan mo ang mga tanaga at haiku na nangibabaw sa Panahon ng Hapones? Pangatuwiranan. GAWAIN 1. 3.1.f : Pangungusap Ba Kahit Walang Paksa? Basahin at unawain mo ang nais ipabatid na mensahe ng kasunod na komik strip.
Pagkatapos ng klase, ang magkakaibigan ay nagkukuwentuhan habang sama-samang gumagawa ng kanilang takdang- aralin. Tuwang-tuwa sila at sabay-sabay nilang sinabi na... Umaaraw na. Kagabi nakakatakot talaga Huwag mo ng isipin iyon. Tanghali na,kailangang matapos natin ito

Tawagan mo si Ana nasa kanya ang aklat na kailangan natin.

Oo nga may pasok pa tayo. Tayo na.

69

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang ginagawa ng magkakaibigan? 2. Pansinin ang naging usapan ng magkakaibiganl, ano ang tawag sa nabuong mga pangungusap? 3. Kailan masasabi na ang pangungusap na walang paksa ay temporal, penomenal, eksistensiyal at modal? Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa 1. Penomenal- Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran. Halimbawa: Umuulan Lilindol uli! Maginaw ngayon. Makulimlim na naman. 2. Temporal- Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan itong mga pang-abay na nagsasabi ng Halimbawa: Tanghali na Bukas ay Miyerkules Alas singko pa lang ng umaga. Todos los Santos sa Lunes Magbabakasyon lang 3. Eksistensiyal- Nagsasaad ito ng pagka mayroon o pagka-wala. Inilalagay sa unahan nito ang mga salitang may o mayroon at wala. Halimbawa: Wala pang bisita May nakakuha na May hinihintay pa Walang sumasagot 4. Modal- Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari, dapat, o kailangan. Halimbawa: Puwede bang sabihin. Maaari bang magdagdag? Gusto kong magbigay. Nais/ibig mo ba?

GAWAIN 1.3.1 g : Mga Kasanayang Panggramatika Basahin ang usapan . Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong. Rey : Tao po. Magandang hapon po. Lolo : Ay! Ikaw pala, Rey.Halika.Tuloy. Rey : Nabalitaan ko pong dumating si Raymond, babatiin ko lamang po siya dahil sa pagtatapos niya nang may karangalan. Lolo : Ganoon ba? Apo, tuloy ka.May bisita ka. Raymond : Salamat po. Ikaw pala, Rey. Gabi na. Bakit napasugod ka. Rey : Binabati kita sa iyong pagtatapos nang maykarangalan. Ang galing mo talaga dangal ka ng ating baryo. Raymond : Maraming salamat. Sana maging karapat-dapat ako sa iyong pagbati. Rey : Binabati ka rin ng iba pa nating kaibigan. Sana raw di ka magbago. Raymond : Naku! Hinding-hindi mangyayari iyon. Lolo : Hindi sa itinataboy kita, Rey. Bukas na kayo magbalitaan. Dumidilim na. Kumukulog pa. Tag-ulan ngayon. Baka magkasakit ka. 1. Ano ang paksa ng usapan? 2. Hanapin ang mga pangungusap na walang paksa sa teksto. Pangkatin ito ayon sa uri.

Temporal

Penomenal

________________________________________________________ LAKANDIWA Pangungusap na Walang Paksa ________________________________________________________ a. tumubo Modal Eksistensyal

70

3. Mabisa ba ang pagkakagamit ng mga pangungusap na walang paksa sa ganitong usapan? Ipaliwanag. 4. Bumuo ng tanaga o haiku gamit ang mga pangungusap na walang paksa. GAWAIN 1.3.1.h : ILARAWAN Piliin ang angkop na larawan sa mga sumusunod na tanaga at haiku. Ipaliwanag. A. B. C. D.

Kabilang buhay, Totoo ba o sablay Kapag namatay


1._________

Pakikisama Sa iyong mga kapwa Dulot ay saya.

2._________

Mabuting gawa Mayroong gantimpala Galing sa AMA.


3._________

Pag ang sanggol ngumiti nawawala ang pighati

4._________

GAWAIN 1.3.1.i : PAGBATAYAN MO Bigyan mo ng pansin ang mga paksa sa kasunod na mga kahon. Pagbatayan mo ang mga ito upang makabuo ng sariling tanaga at haiku. Alam kong kayang-kaya mo itong gawin. TANAGA HAIKU

Pag-ibig sa bayan
________________ ________________ ________________

Pagkabata
__________________ __________________ __________________

Pagmamahal sa kapwa
_________________ _________________ _________________

Biyaya
_________________ _________________ _________________

GAWAIN 1.3.1.j : SAYSAY PAGGUHIT Basahin mong mabuti ang tanaga at haiku na nasa banner. Iguhit mo ang kaisipang nakapaloob sa bawat isa.

INOSENTE Nagtampong kalikasan Sa kurakot ng bayan Ang walang kasalanan Ang pinaghigantihan.

KAIBIGAN Pakikisama Sa iyong mga kapwa Dulot ay saya

71

GAWAIN 1.3.1.k : KONSEPTO AKING NABATID! Sa bahaging ito, nais kong masukat ang kabuuang kaalaman na iyong natutuhan sa araling pinagaaralan. Tunay nga bang sapat na ang iyong kaalaman sa araling pampanitikan? Sa araling panggramatika? Ipakita mo ito sa pagbuo ng maikling talata. GAWAIN 1.3.1.l : KAYA KO! Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga konseptong natutuhan sa araling ito. Basahin at unawain mo ang sitwasyon. Pagkatapos, isakatuparan ito. Araw ng mga puso kailangan mong mag-alay ng naiiba sa iyong nanay/tatay/kapatid/minamahal. Wala kang sapat na pera para bumili ng mamahaling regalo. Susulat ka ng orihinal na tanaga o kaya haiku tungkol sa katangian ng pagbibigyan mo. Isaalang-alang mo ang sumusunod na pamantayan sa gawain. a. Kaangkupan sa paksa b. Paggamit ng pangungusap na walang paksa c. Kaangkupan ng mga salitang ginamit d. Elemento ng tanaga at haiku b. May orihinalidad

ARALIN 1.3.2 Maikling Kuwento


GAWAIN 1.3.2.a. : ISANG SULYAP Isang sulyap sa kasunod na larawan at alamin kung ano ang nais nitong iparating sa iyo. Makabubuo ka kaya ng kuwento buhat sa larawan? Subukin mong bumuo sa tulong ng sumusunod na bahagi . a. Simula b. Gitna c. Wakas

Mga Gabay na Tanong: 1. Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bawat bahagi ng maikling kuwento? 2. Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa maikling kuwento? Bakit? 3. Nailalarawan ba sa maikling kuwento ang tunay na kaganapan sa lipunan? Pangatuwiranan. GAWAIN 1.3.2.b : ANG TUNAY NA MUNDO Alamin ang tunay na kulay ng panitikan sa Pilipinas noong Panahon ng Hapones. Balikan mo ang kasaysayan ng ating bansa particular sa panahong ito upang matugunan ang mga tanong na nasa mga biluhaba sa kasunod na pahina.
Higit bang nakilala ang mga manunulat na Pilipino sa panahon ng Hapones? Patunayan.

Nailarawan ba sa maikling kuwento ang kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino noong Panahon ng Hapones?

Nagamit din ba ang panitikan partikular na ang maikling kuwento upang makamit natin ang kalayaan sa kamay ng mananakop na Hapones?

72

Isang maikling kuwento na lumabas noong panahon ng Hapones ang iyong babasahin upang iyong malaman kung bakit ang mga akda noon ay nakaka- impluwensiya sa panahong naisulat ito. Basahin at unawain: Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting pusposkasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang di ko makita. Kailangang di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagamat hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isat isa ay hindi nalilimot kailanman.Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapakunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito sa galaw ng kanyang mga daliri ay natutunghayan ko ang isang kapanapanabik na kuwento. Ngunit, ang pananabik na itoy napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay:isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyanghindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin angpanahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaibaang kalasingan niya ngayong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw

73

siya makahingang mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti,buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya tubig na pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.Sanay ako si ina sa mga sandaling yaon: sanay lalo kong ituturing na mahalagaang nadarama kong kasiyahan...Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit,ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya.Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong nakawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat akoy hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sanay huwag tayong magising sa katotohanan...Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...Ang pag-ibig na itoy isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan;sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang akoy nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anyay isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pagidlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan koy aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niya ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na di mabigkas . Nasa mga palad pa rin ni ina ang kaliwang kamay ni ama: sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko

74

Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at nang siyay mangusap ay hindi ko maamin kay ina ang tinig na yaon...Maangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi ni ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa

GAWAIN 1.3.2.c. : LINAWIN MO! Sa gawaing ito kailangang maibigay mo ang kahulugan at magamit sa sariling pangungusap ang mga salitang nakasulat nang pahilig. 1. Kailangang di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kahulugan: Pangungusap: 2. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw. Kahulugan: Pangungusap: 3. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya. Kahulugan: Pangungusap: 4. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Kahulugan: Pangungusap: 5. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa. Kahulugan: Pangungusap: GAWAIN 1.3.2.d : SA BISA NG KARUNUNGAN 1.Paano sinimulan ang maikling kuwento? 2. Ano ang paksa ng kuwento? Masasabi mo ba na ang paksa sa nasabing kuwento ay ang karaniwang paksang ginamit ng mga manunulat noong Panahon ng Hapones? Patunayan. 1. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang Story Ladder.

Kasukdulan Kakalasan

Papataas na Aksiyon Panimula

Wakas

Panimula: Papataas na Aksiyon: Kasukdulan: Kakalasan: Wakas: 2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang maaksiyong pangyayari? 3. Paano winakasan ng may-akda ang maikling kuwento? 4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito gagawin? 5. Sa panahong iyon, ano ang magagawa mo upang maging malaya ka sa iyong isinusulat?

75

ANG BANGHAY Ang banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na pagkakasunodsunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may mangyayari, kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumsunod: ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas? Sinasabing ang banghay ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento. Narito ang ilang tulong para masundan mo at mahiwatigan ang banghay ng kuwento. a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng kuwento. GAWAIN 1.3.2.e.. BANDILA Pagkatapos mong basahin ang isang halimbawa ng maikling kuwento sagutin ang mga detalyeng hinihingi sa kasunod na graphic organizer.

Kahulugan

Nilalaman(Paksa)

Sinasalaming Kultura
___________

MAIKLING KUWENTO

Kalagayan ng maikling kuwento sa Panahon ng Hapones

_________

Suriin ang graphic organizer, at sagutin ang kasunod na mga tanong upang matukoy ang ikinaiiba at kalagayan ng panitikan noong Panahon ng Hapones. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan? 2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon ng Hapones ay naimpluwensiyahan ng pananakop nila? 3. Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan sa kasalukuyan ang maging malaya sa pagsulat ng mga akda nila? GAWAIN 1.3.2.f : SANHI AT BUNGA Suriin at pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na mga larawan upang malaman ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa wastong pagtatapat at ang paliwanag sa ugnayan ng bawat larawan.

1.

2.

C
3.

76

SANHI AT BUNGA Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang naging epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng dahil dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa. Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang Bakit ito nangyari at Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga. Halimbawa: Sanhi bunga

GAWAIN 1.3.2.g. Buuin Mo! Sa pamamagitan ng kasunod na sitwasyon, isulat ang sanhi at bunga nito. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Sitwasyon Sanhi Bunga 1. Magulong pamilya 2. 3. 4. 5. Pakikipagbarkada Pagputol ng mga Puno Maruming paligid Mababang marka

GAWAIN 1.3.2.i: BUHAY MO, KUHA KO, KWENTO KO Nalalapit na ang paggawa ng inyong Year End Issue. Ikaw ay isa sa patnugot ng pahayagan na naatasang sumulat ng isang lathalain tungkol sa mag-aaral ng ALS(alternative learning system) na kasama sa nagtapos. Kailangang makalikha ka ng isang lathalain. Kumuha ka ng 4 na larawan na patunay ng kaniyang pagsusumikap, i-lay out mo ito at bumuo ka ng maikling kuwento. Kung wala namang kamera, gumupit ng 4 na larawan na may kaugnayan sa buhay ng mag-aaral. Naunawaan mo na ang kaugnayan ng Pananakop ng Hapones sa tema ng akdang pampanitikan na nangibabaw noon. Lubos mo pang mauunawaan ang panitikan noon sa susunod na mga gawain. Pagnilayan at Unawain 1. Saguting muli ang gawain. 2. TUGON SA PAGKATUTO (Map of Conceptual Change)

Tahanan ng mga Konsepto


Panuto: Basahin mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo di totoo ang mga konseptong nakasulat. 1. Totoo __ A. Bago ang Di Totoo __ Talakayan 2. Totoo __ Di Totoo __ 3. Totoo __ Di Totoo __ 4. Totoo __ Di Totoo __ 5. Totoo __ Di Totoo __ 1. Ang panitikan ay salamin ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. B. MGA KONSEPTO 2. Sa panitikan, malayang naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at saloobin. 3. Ang panitikan ang naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. 4. Ang mga paksa noon ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. 5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

C.Pagkatapos 1.Totoo __ ng DiTalakayan Totoo __ 2.Totoo __ Di Totoo __ 3.Totoo __ Di Totoo __ 4.Totoo __ Di Totoo __ 5.Totoo __ Di Totoo __

77

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang iyong napansin sa kinalabasan ng iyong mga sagot? 2. Tama ba ang mga ito? Nagawa mo bang iwasto ang mga dating mali? 3. Bakit kaya sinasabing naiimpluwensiyahan ang mga akdang pampanitikan na nangibabaw sa panahong naisulat ito? 3. 1. Sa pamamagitan ng kasunod na dayagram sa ibaba. Sagutin kung paano nakaimpluwensiya ang mga Hapones sa panitikan noong panahong sinakop nila ang Pilipinas?

2. Sa iyong palagay, nakatulong kaya ito sa pagpapalaganap o pagpapaunlad ng panitikan?

Ilipat Sitwasyon: Tuwing buwan ng Agosto ang National Historical Institute ay nagkakaroon ng eksibit kaalinsabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.At bilang mga kawani ng nasabing tanggapan, ikaw ay naatasang bumuo ng PICTO-TULA/KUWENTO. Ito ay kalipunan ng mga orihinal na tulang haiku at tanaga. Sa tulong ng teknolohiya at mga larawan dapat na maging malinaw na maipakikita ang natatanging kultura at kasaysayan ng lahing Pilipino. Ang eksibit ay sasaksihan ng iba-ibang sangay ng pamahalaan. Isaalangalang ang paggamit ng tugmaan sa mga tulang bubuuin, mga larawang biswal, at paggamit ng teknolohiya at kaisahan/ kaangkupan.

78

Kraytirya

Napakahusay 4 Gumamit ng mga angkop at magagandang salita sa pagbuo ng tula Makukulay at nakakaakit ang ginamit na mga larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Nakagamit ng mga
websites/technology

Mahusay 3 Gumamit ng mga angkop na salita sa pagbuo ng tula Makulay at angkop ang mga ginamit na larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino

Papaunlad 2 May mga ilang salita na hindi angkop sa pagbuo ng tula

Paggamit ng salitang tugmaan Mga Larawan

Kailangan pang pag-aralan 1 Ang mga salitang ginamit ay hindi angkop sa tula

MARKA

Gumamit ng ilang Hindi angkop ang 1 angkop na makukulay o 2 larawang ginamit na larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Gumamit ng 1 o 2 websites/technology upang mapalawak ang paksa Hindi masyadong maayos ang mga larawan at pagpapaliwanag Walang ginamit na websites/technology upang mapalawak ang paksa Walang kaugnayan ang mga larawan batay sa tema KABUUANG MARKA

Paggamit ng
Teknolohiya

Kaisahan Batay sa tema at Pagkaka-roon


ng Orihinalidad

Nakagamit ng ilang websites/technology sa pagpapalawak ng tema lamang upang mapalawak ang tema Angkop ang pagkakaayos at Maayos ang mga pagkakaugnay ng tula at larawan batay sa tema larawan batay sa tema

Pangwakas na Pagtataya (Ang Panitikan sa Panahon ng Hapones) Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang sa pahalang at pababa. 1. 2. 3. 4. ABB 5.

7. 8. 9. Pababa 1. Isang uri ng akdang pampanitikan 2. Sa panahong ito naging mahirap ang buhay ng mga Pilipino 3. Ito ay walang antalang bugso ng tinig na ang bawat pantig ay laging may isang patinig 4. Lima Pito - ______ 5. Pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod. 6. Ibang salita ng sagot Pahalang 2. Tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod 7. Ang tanaga ay binubuo ng _____ pantig bawat taludtod. 8. Uhaw ang ______ na Lupa 9. Isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan. PAGNILAYAN AT UNAWAIN Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng paglalagom ng tungkol sa kalagayan ng panitikan sa Ang modyul na ito na ay ito tungkol sa panitikan na binubuo ng Panahon ng tatlong panahon na nakapaloob sa modyul Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo, Espaol at Panahon ng Hapones. tatlong panahon ay lubos na ____________sa akin sapagkat

________________________________ Katulad ng Panahon ng ______________ ay nalaman ko na _________________________, di rin pahuhuli ang Panahon ng _________ ay ______________________ maging ang Panahon ng ___________. Ang tatlong panahon ay nagdulot/ nagpaalala/ nagbigay ________________ upang mas lalong ______________ ito ay aking _________________.

79

ILIPAT ( para sa Modyul 1 ) Sitwasyon Nalalapit na ang Araw ng Kalayaan. Ang SK chairman ninyo ay naglunsad ng isang patimpalak na gawain sa paggawa ng scrapbook ng mga orihinal na akdang pamapanitikan ng na lumaganap sa Panahon ng Katutubo, Espaol at Hapon. Ikaw bilang kabataan ay sasali sa patimpalak na ito upang maipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan na lumganap sa tatlong panahong nabanggit. a. May halimbawa ng bawat akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon Katutubo, Espa ol at Hapones. b. Orihinalidada c. Kakangkupan ng mga salitang ginamit PANGWAKAS NG PAGSUSULIT (MODYUL 1) Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na mga tanong 1. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat .At dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang isusulat kaya lumaganap ang tanaga at haiku. Aling pahayag ang nagpapakita ng sanhi ng pangyayari? a. Binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon d. lumaganap ang tanaga at haiku 2. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag? a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari c. nagpapakita ng katotohanan b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya d. opinyon lamang ng iba 3. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kaniyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi . Ano ang nais ipahiwatig ng sitwasyon? a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari 4. Mula sa tekstong nasa blg.3 na bahagi ng kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa, ano ang ibig sabihin ng, tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib? a. batang nasa tabi ng ina na natutulog c. nakikiramdam sa pintig ng puso b. sanggol na kalong kalong ng ina d. masama ang pakiramdam 5. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng Hapones ngunit nagiging gabay ang mga ito ng buhay. Anong akdang pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag? a. karunungang - bayan b. tanaga at haiku c. bugtong d. tula 6. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa. a. banghay b. tagpuan c. tauhan d. tema 7. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang- masaya siya na nag-aayos ng kaniyang mga paninda ngunit walang ano-anoy dumilim kayat nasabi niyang uulan na naman. Nalungkot siya. Kapag umuulan matumal at kaunti lang ang kaniyang kikitain. Alin sa mga pahayag ang pangungusap na walang paksa? a. Maagang gumising. c. Masayang- masaya siya. b. Uulan na naman. d. Nalungkot sita. 8. Narito ang isang orihinal na tanaga. Ano ang nais ipahiwatig nito? Damdamin ng Isang Ina ni Asuncion B. Bola Nasasaktan man ako Sa aking mga desisyon

80

Paninindigan ito Sa ikabubuti mo. a. pagdidisiplina sa kaniyang anak c. pagpaparaya sa kaniyang mahal b. paglayo sa kaniyang minamahal d. nararamdaman ng isang tao 9. Lagi niyang hinihintay ang pagsapit ng Disyembre. Sa gulang niyang pitong taon, masaya siya kapag sumasapit ang buwang ito. Tsokoleyt, damit at laruan ang kanyang natatanggap . Pasko na bukas. Sa oras na ito kaiba ang kanyang nadarama. Lungkot. Ito ang araw na iniwan siya ng kanyang ina at namayapa. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salungguhit na pahayag? a. penomenal b. eksistensiyal c. temporal d. modal 10. Sa kaniyang pagiging matiyaga, mapagpakumbaba at masipag sa pag-aaral siya ang naging valedictorian ng kanilang paaralan. Aling pahayag ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari? a. sa kanyang pagiging matiyaga c. sa kaniyang pagiging mapagkumbaba b. naging valedictorian ng kanilang paaralan d. masipag sa pag-aaral 11. Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Sa pagkadalisay at pagkadakila Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng pahilig? a. sukat b. aliw-iw c. tugma d. indayog 12. Kung ang bayang itoy masasa-panganib Ang anak, ang asawa, magulang, kapatid At siya ay dapat na ipagtangkilik, Isang tawag niyay tatalikdang pilit Pansinin ang pagkakagamit ng pariralang tatalikdang pilit. Ano ang nais ipakahulugan nito? a. labag sa kalooban b. tatalikod c. di sang-ayon d. magsasawalang-kibo 13. Saan nabibilang ang pahayag na Ang lahat ng palayok, may katapat na saklob? a.bugtong b.salawikain c.sawikain d.sabi-sabi 14. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kanyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang- turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam 16. Balikang muli ang pangungusap na nasa blg. 14. Ano ang tinutukoy ng mga salitang nakahilig? a. panahon b. lugar o lunan c. paraan d. kaisipan 17. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa Ano ang tinutukoy ng salitang tanghali sa pangungusap blg. 17? a. paraan b. panahon c. panahon o lugar d. dahilan 19. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing b.nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon 20. Ano ang salitang ginamit na nagpapakita ng paghahambing na di-magkatulad? a. di- gaano b. labis c. dahil d. tulad

18.

IKALAWANG MARKAHAN MODYUL 2: SANDIGAN NG LAHI IKARANGAL NATIN


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 2.1 makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa Balagtasan at Sarsuwela na lumaganap sa Panahon ng Amerikano na sumasalamin sa kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan; Aralin 2.2 makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa Sanaysay at Maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Komonwelt upang mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 2.3 makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at dula na umusbong sa Panahon ng Kasarinlan upang iyong mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa panahong ito. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

SANDIGAN NG LAHIIKARANGAL

NATIN

81

Aralin 1 : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Aralin 2 : Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt

1.1: a. Panitikan: Balagtasan Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan 1.2: a. Panitikan: Sarsuwela Walang Sugat ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri 2.1: a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon b. Wika: Ibat Ibang Paraan ng Pagpapahayag 2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri 3.1: a. Panitikan: Maikling Kuwento Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa 3.2: a. Panitikan: Dula Sinag sa Karimlan. ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat

Aralin 3 : Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan

Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, narito ang ilang gabay. 6. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 7. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 8. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 9. Alamin ang ibat ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 10. Subuking bumuo ng ibat ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon. PANIMULANG PAGTATAYA Unang Bahagi Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na tanong/pahayag. 1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento. a. Rogelio R. Sicat b. Deogracias A. Rosario c. Narciso Reyes d. Liwayway . Arceo 2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt. a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan. b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista. 3. Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na pagsasalaysay ng isang sanay. a. Salaysay b., komposisyon c. talumpati d. sanaysay 4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa. a. malayo ito sa damdamin ng madla c. dahil nagmula ito sa ibang bansa. b. napakahirap nitong gawin d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan. a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban. b. Mayroon itong isahang yugto. c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining. d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw. Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. Bago tayo magsimulay akin munang ninanais Na batiin kayong ditoy naliliping matahimik. Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang taoy nabubuhay na may layot panaginip; Datapuwat sa ano mang hangad nilat iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsay ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, Kaya naman ibat iba ang wakas na nasasapit.
Hango sa Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran? ni Bartolome del Valle

82

6. Anong uri ng panitikan ang binasa? a. Balagtasan b. Batutian c. Karagatan d. Duplo 7. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda? a. May-akda c. Mambabalagtas ng Puso at Isip b. Lakandiwa d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran 8. Anong sukat mayroon ang akda? a. Wawaluhin b. lalabindalawahin c. lalabing-animin d. lalabingwaluhin 9. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? a. Kabutihan Di-kabutihan c. Tagumpay o Kabiguan b. Dunong Pagmamahal d. Isip at Katuwiran 10. Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa? a. Pagkain b. kayamanan c. pag-ibig d. karangalan 11. Anong bahagi ng panalita ang salitang matahimik? a. Pangngalan b. panghalip c. pang-uri d. pandiwa Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo? Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay.

Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala moy di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sayo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
Hango mula sa Latay ng Kahapon ni Buenaventura S. Medina Jr.

12. Anong uri ng panitikan ang binasang seleksiyon? a. Tula b. nobela c. maikling kuwento d. sanaysay 13. Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda? a. pagiging isang politico c. kahirapan b. pagpapakita ng damdamin d. pagpapahayag ng saloobin 14. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala. Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit? a. Bilangguan b. kalayaan c. sakit sa katawan d. kadena 15. Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda? a. Amerikano b. Hapon c. Espaol d. Tsino 16. Sino ang kausap ng manunulat sa akda? a. Dayuhan b. Pilipino c. namumuno sa pamahalaan d. kabataan 17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. d. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 18. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino? a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari 19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga Amerikano?

83

a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga Amerikano b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang katawan d. dahil maging ang lupang sinilangan ang Pilipinas ay hinahamak na rin ng mananakop 20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad

GAWAIN 2.1: BELIEVE IT OR NOT Lagyan mo ng tsek () ang patlang bago ang pahayag na iyong pinaniniwalaan tungkol sa panitikan. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito ay muli itong balikan at ilagay sa dulo ng pahayag ang MK kung ito ay may katotohanan at WK kung ito ay walang katotohanan. Naniniwala ako na. . . _____ Ang panitikan ay salamin ng lahing Pilipino. _____ Malaya ang mga manunulat noong Panahon ng Amerikano. _____ Ang Balagtasan ay maaaring gawing akdang tuluyan. _____ Walang kaugnayan ang paglalahad ng opinyon at katuwiran sa Balagtasan. _____ Nagsasaad ng kilos o galaw ang pandiwa. _____ May layuning batikusin ang mga Pilipino ng dulang, Walang Sugat ni Severino Reyes. _____ Naging malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon ng Komonwelt. _____ Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri upang mas maging masining ang kanilang akda. _____ Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon ng Amerikano. _____ Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Panahon ng ang kulturang Pilipino. GAWAIN 2.2. IMPORTANTASTIK Sa tulong ng Concept Map, isulat mo ang mahahalaga at kahanga-hangang impormasyong iyong nalalaman tungkol sa panitikan sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Isulat ang mga ito sa blangkong bilog.

PANITIKAN

84

ARALIN 2.1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano


Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Katotohanan at Opinyon Aralin 2.2.2 a. Panitikan: Sarsuwela Walang Sugat ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pag-aaralan.

Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano


a. Panitikan: Balagtasan Bulaklak ng Lahing Kalinis- linisan ni Jose Corazon de Jesus b. Wika : Katotohanan o Opinyon a. Panitikan: Sarsuwela Walang Sugat ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri

Panimulang Pagtataya A. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot.

G D S A N E L K

A E H B A L A S

L I U A T N K A

D U P L O H A K

E A D A S B N G

B D A G I A D I

A T G T R T I B

T T L A C U W I

E A I S S T A B

N H L A D I D M

B K M N T A G A

D O O N O N A M

B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa
nito.

85

1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang tanghaling Ama ng Balagtasan. 2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya si Maria Asuncion Rivera. 3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa edukasyon. 4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin ang ating bayan gaya ni Balagtas. 5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon at kultura para sa susunod na heherasyon.

Sa aking palagay Sa dakong huli Walang dudang

Naniniwala akong Tungkol sa bigyang-pansin

rin kaya lamang para sa Sa madaling salita

GAWAIN 2.1.a : KWHL Chart

Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan .

Ano ang alam mo na ? (What do you Know?)

Ano ang nais mong malaman?


(What do you want to find out?)

Paano mo makikita ang nais mong malaman?


(How can you dind out what you want to learn?)

Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you Learn?)

GAWAIN HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN? Mga2.1.b: Manunulat Mga Akda Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa Panahon ng Amerikano.

Panahon ng Amerikan o 86

Kultura

Masasalamin ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang Balagtasan? 2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan? 4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa?

GAWAIN 2.1.1.a: PICK-UP LINES Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin mo muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong. Lapis ka ba ? 1. Aklat ka ba? 2. Papel ka ba? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko

3. Table of Contents ka ba? 4. Bagyo ka ba? 5. Teleserye ka ba?


Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot.

Natutuhan ko na

Naging kawiliwili sa akin ang

Ibig ko pang malaman ang tungkol sa

GAWAIN 2.1.1.b: IBA AKO EH! Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng panitikan.

87

Balagtasan

______________________ ______________________ ______________________ ______________________

______________________ ______________________ ______________________ ______________________

______________________ ______________________ ______________________ ______________________

Basahin at unawain. Ugnay-Panitikan Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa ibat ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan. Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres ( Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang an ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina Jos Corazn de Jess at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan.

88

Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran. GAWAIN 2.1.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan.

B A L A G T A S A N

Duplo
Pagkakaiba

Karagatan
Pagkakatulad

Batutian

2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito? 3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod na mga tanong. BALAGTASAN

Ano-ano ang elemento ng Balagtasan?

Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas)

Bakit mahalaga ang mga elementong sukat,tugma at indayog sa isang Balagtasan?

4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram. Gawin ito sa sagutang papel.

Papel na Ginagampanan sa Balagtasan 89

LAKANDIWA

MAMBABALAGTAS

MANONOOD

BALAGTASAN: Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan - Jose Corazon de Jesus Lakandiwa: Yamang akoy siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makatay inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasaliy batikang makata At ang bibigkasiy magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Itoy dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. At sa gabing itoy sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong ditoy pag-usapan: BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayot ditoy pumagitna At magbalagtasan sa sariling wika. Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Akoy paruparong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakandiwa, Ang uod na dating ngayoy nagmakata, Naging paruparo sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Ngunit aywan bagat sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung akoy tawagin, mata koy luhaan, ang pakpak koy itim. Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, Yaring kasawiay pagpayuhan ninyo, At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango. Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayoy tanggapin, Magtuloy po kayo at dito sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin. Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Ngunit ang puso koy may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng gandat puti ang talulot, Bulaklak po ito ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangalay kampupot. Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos na siyay diligan ng luha Nang siyay umunlad, nagtagonawala! Isang dapit-hapong palubog ang araw Sa loob ng hardin, kamiy nagtaguan, Paruparo, anya kitay tatalian,

90

Akoy hanapin mot kung makitay hagkan. Isang panyong puting may dagta ng lason Ang sa aking matay itinakip noon, At ang Bulaklak koy bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabol-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biroy naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, At ang hinagpis ko noong akoy iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man akoy napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib. Sa apat na sulok ng mundong payapa Ang aking aninoy tulang nabandila, Paruparo akong sa matay may luha, Ang mga pakpak koy may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayaw po naman, Ay ang puso niya sa akiy ibigay. Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niyay Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin moy dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Dagat mat hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik. Ang dalawang ibon na magkasintahan, Papaglayuin mot kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata moy nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw Di man Kampupot moy iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawiay magkauri tayo, Ako may mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikawy nangungusap Bawat salita moy matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila,

Bubuyog sa sawiy makapagsalita. Paruparo: Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalot magniningning ang isang katwiran, Ngunit tantuin mo na sa daigdigan Ang bawat maganday pinag-aagawan. Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinahanap? Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halamay sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan namin Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halamay lumaki, umunlad, Lumaki akot tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko akoy makalipad Ang unang hinagkay katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi akoy nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho koy aking tinatapos. Ngayon, tanda ko ngang kayoy nagtaguan Habang akoy kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikawy maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw. Ang inyong taguan, akala koy biro, Kaya ang tawa koy abot sa malayo, Nganit nang ang sayay tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak din dumarating, Nang kinabukasat muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung di makitay di na magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan. Paruparo:

91

Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at akoy kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas kay saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan? Una muna akong nag-uod sa sanga Na balot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulot dahon namin ay magkasama na. Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, At kung bumabagyot malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Na kamiy lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung akoy sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagkat kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagkat tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo mat ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. Ikawy isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak lasot kamatayan, At akong bubuyog ang dala koy buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. Paruparo: Akong malapit nay napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kayay pano? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saan man pumaroon, At ang katawan moy mayrong karayom Pano kang lalapit, di naduro tuloy? Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintanay iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, akoy paruparo, Iyong mga bulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang magsalitay di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payaot dito Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pag ligaw-matanda sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo. Ikawy paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Ngunit saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang Sa mulat mula pay di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib, Pagkat napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala lasot dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyoy kanyang idinilig. Bubuyog: Dadayain ka ngat taksil kang talaga At sa mga dahoy nagtatago ka pa. Paruparo: Kung akoy dinayat ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita. Bubuyog: Pagkat ikawy taksil, akin si Kampupot. Siyay bulaklak ko sa tabi ng bakod. Paruparo: Bulaklak nga siyat akoy kanyang uod. Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malaman ang may-ari nito, Kampupot na iyay paghatian ninyo. Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparoy ibigay nang lahat; Ibig ko pang akoy magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. Paruparo: Kung hahatiin poy ayoko rin naman Pagkat pati akoy kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan O buo wala ngunit akin lamang. Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong Ditoy masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Ngunit kung hatiiy kapwa tumututol.

92

Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. Kampupot: Ang kasintahan koy ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog pot paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak? Kampupot: Tila nga, tila nga sa akiy mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala koy dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong kot daing ng pag-ibig, Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyoy di mo ba narinig? Kampupot: Tila nga, tila nga akoy may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing, Ngunit akala koy paspas lang ng hangin At di inakala na sinumat alin.

Bubuyog: Sa minsang ligayay tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililoy nasa kagandahan. Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. Lakandiwa: Ang hatol koy ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan: Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kayat nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo Ang iyong tulain ay Pagbabalik mo, At ang Pasalubong sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. (Pagkatapos tumula ni Paruparo) Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang Pasalubong Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong. (Pagkatapos tumula ni Bubuyog) Minamahal namit sinisintang bayan, Sa ngayoy tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.

GAWAIN 2.1.1.d: Hanap-Salita Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang nasa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Hanay A Hanay B ____ ____ ____ ____ ____

1. May gata sa dila 2. Kapatak na luha 3. Hinagpis ko noong akoy iwan 4. Ang binhi ng isang halaman ay sumupling 5. Halakhak ay nakabulahaw b. konti c. mahulog d. matinding lungkot e. mahusay bumigkas f. nakaistorbo

GAWAIN 2.1.1.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa. 1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog? 2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan. 3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit? 4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang balagtasan?

93

Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit?

Ang higit na matimbang sa inyong dalawa ay si


Paruparo Bubuyog

5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay. 6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer.

Pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw ng mga binata sa dalagahan noon sa ngayon

Pagkakatulad

Pagkakaiba

7. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at pahalagahan ito?

Basahin mo ang ilang impormasyon.

94

Katotohanan at Opinyon May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pangaraw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan. Opinyon Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp. Halimbawa: 1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isat isa. 2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos. Katotohanan Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp. Halimbawa: 1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga o ut-of school youth. 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.

Tandaan: Katotohanan Maaaring mapatunayan na totoo Opinyon Pareho ng impormasyon Base sa mga saloobin at hindi maaaring mapatunayang totoo. Bihirang magbago sa pinagmumulan Madalas nagbabago sa mga pinagmulan

GAWAIN 1.1.e: Katotohanan O Opinyon Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon. 1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita. 2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino. 3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. 4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas. 5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon. GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGAN Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga tanong . Bahagi na ng kuturang Pilipino ang ___________________________ at ________________________________ ________________________________. bilang Ipinakikita parangal nito kung ang paghabi ng sa gaano mga natin mga magkakatugmang

_______________________________________ ________ng ating mga ninuno sa

__________________________________. Masasalamin din ang __________________

95

__________________________________ _______________________________.

at

pagbigkas

nang

may

Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang sarsuwela? 2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan. 4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela? 5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag. GAWAIN : 2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin Mo Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa kabilang hanay, Hanay B, ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Hanay A Hanay B

a. b. c. d. e. f.

Walang Sugat Dalagang Bukid Kahapon, Ngayon at Bukas Ako Ang Daigdig Sa Aking Mga Kababata Isang Punongkahoy

Alam mo ba Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat. Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito. Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya aymusikal nakasulat 26 na Sarsuwela. Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang nang unang umunlad sa Espaa noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at Matapos mong mabasa ang tungkol Severino Reyes, ngayon naman aySarsuwela ating alamin tugtugin at may paksang mitolohikal at kay kabayanihan. Hinango ang taguring sa ang tungkol sa kasaysayan ng Sarsuwela. maharlikang palasyo ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, Espaa. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas. Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Espaol ay namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang Walang Sugat, Hermogenes Ilagan Dalagang Bukid, Juan K. Abad Tanikalang Ginto, Juan Crisostomo Sotto Anak ng Katupunan, at Aurelio Tolentino Kahapon, Ngayon, at Bukas. Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

96

Mga Elemento ng Sarsuwela Iskrip o nakasulat na dula Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Gumaganap o aktor Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng ibat ibang damdamin. Tanghalan Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din. Tagadirehe o Direktor Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. Manonood Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo namay ang pagpapalit ng tagpuan.

Basahin at Unawain. Walang Sugat ni Severino Reyes UNANG BAHAGI I Tagpo: (Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika) Koro Julia Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliriy natitibo, : Anong dikit, anong inam Ng panyong binuburdahan, : Ang karayom kung itirik tumutimo hanggang dibdib. Julia : Piyesta niyay kung sumipot Panyong itoy iaabot, Kalakip ang pusot loob, Ng kaniyang tunay na lingkod. Julia : Panyot dito ka sa dibdib, Sabihin sa aking ibig Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliriy natitibo. Hoy tingnan ninyo si Julia Pati panyoy sinisinta, Kapag panyo ng ibig Tinatapos ng pilit Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan: Ang panyo pay sasamahan Ng mainam na pagmamahal. Julia : At ang magandang pag-ibig Kapag namugad sa dibdib Nalilimutan ang sakit Tuwa ang gumigiit. Mga irog natin naman Silay pawang paghandugan Mga panyong mainam Iburda ang kanilang pangalan Na akoy nagpapahatid Isang matunog na halik. Si Tenyong ay mabibighani Sa dikit ng pagkagawa Mga kulay na sutla, Asul, puti at pula. Tatlong letrang nag-agapay Na kay Tenyong na pangalan. Kapag namali ng duro Burda namay lumiliko

97

Piyesta niyay kung sumipot Panyong itoy iaabot Koro : Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan . Salitain Julia :

Kalakip ang pusot loob Ng kaniyang tunay na lingkod. Ang panyo pay sasamahan Ng mainam na pagmamahal

Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayoy mangagsayaw na. (Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO (Tenyong at Julia) Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Julia : Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya. Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang? ay Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo. (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anakiy nilalik na maputing garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang. Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. (Nagtatampo) Ay! Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod. Masakit sa iyo! (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig! Ay! (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin. Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay! Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko. Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at E. ay Flores. Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. Hindi pala akin at kanino nga? Sa among! Iyay iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko. Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letray A, N, at F? Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle. Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita). Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay sinungaling ako mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban)

Musika No. 2 Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan. Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko. Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko. Tenyong: Pag-iibigan tay kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi- tuwi Tenyong: Julia koy tuparin adhikain natin. Julia : Tayoy dumulog sa paa ng altar. Tenyong: Asahan mo. Sabay: Di mumunting tuwa ditoy dumadalaw, ano pat wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay ( Lalabas si Juana). III TAGPO (Tenyong, Julia, at Juana mamayay Lukas ) Salitain

98

Juana : Lukas : Tenyong: Lukas : Tenyong: Lukas : Tenyong: Lukas : Tenyong: Juana : Tenyong:

Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? ( Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.) Mamang Tenyong, Mamang Tenyong! Napaano ka, Lukas? Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria. Diyata dinakip si Tatang? Opo. Saan kaya dinala? Sa Bulakan daw po dadalhin. Tiya, ako po paparoon munat susundan si Tatang. Hintay ka sandali at kamiy sasama. Julia, magtapis ka (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas). Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli) Kalye IV TAGPO (Musika) Koro at Lukas Lukas : Tayo nat ating dalawin mga tagarito sa atin. Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin. Isang Babae: Naubos na ang lalaki. Lahat ng Babae: Lahat nay hinuhuli mga babae kami. Lukas : Marami pang lalaki. Lahat ng Lalaki: Huwag malumbaykami ng nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babaey pabayaan, di namin kayo kailangan. Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang. Isang Lalaki: Kaka koy gayundin naman. Isang Babae: Asaway paroroonan. Isang Babae: Anak koy nang matingnan. Lahat: Tayo nat sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanilay dalhin masarap na pagkain. Mga Babae: Tayo na, tayo na. Lahat: Sumakay na sa tren. Mga Lalaki: Doon sa estasyon. Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong maikli) V TAGPO (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas). Salitain Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito Marcelo: Mason po yata, among? Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat kung siyay sumulat maraming K, cabayo K. Marcelo: Hindi po ako kabayo, among! Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi sila makakain eh! Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan. Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila! Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha! Marcelo: Dati poy tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan,ngayon poy lima ng kaban, at makalima po isang araw.

99

Relihiyoso 2.0:

Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 ( binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako). Marcelo: Salamat po, among! Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay? Marcelo: Wala po sana, datapwat nang mag-uumaga po ay pito lamang. Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat) Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga. Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo. Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso poy litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban. Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na siKapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad atbuhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido. Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Marcelo: Hindi po makalakad, eh! Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag. Relihiyoso 2.0: Tonto. Tadeo : Bakit ka mumurahin? Juana : Kumusta po naman kayo, among? P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kamiy alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle. Juana : Totoo po ba ang sabi mo. P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin. Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga? P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko. Miguel: Ay! Aling Julia ay ma ma malapit na po Alin po ang malapit na? Miguel: Ang ang ang Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tadeo : Miguel, tayo nat nagkayari na kami ng kaniyang ina. Miguel: Ay salamat (tuwang-tuwa.) Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang? Tadeo : Ano ba ang sinabi mo? Miguel : Sinabi ko pong ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko! Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na ay? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo? Miguel : Sinabi ko pong malapit na Tadeo : Malapit na ang alin? Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalata Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw). Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalata Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw). VI TAGPO (Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki). Salitain Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan Putin : Salamat po, among. Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila. Putin : Opo, among, mano na nga po Salamat po, among. (Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

100

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal. Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. ( Papasok ang mga pari). VII TAGPO (Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) Salitain Putin : Tenyong: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among? Inang, ang mga kamay pong namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya saGobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngangipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!

(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid). Putin : Tenyong: Julia : Tenyong: Musika Tenyong: Inggo ko! Tatang! Kaawa-awa naman! Mahabaging Langit! Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng itoy gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil. Tatang, ikaw poy ititihaya ko nang hindi mangalay Huwag na anak ko hindi na maaari luray-luray na ang katawanTayoy maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin Juana Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanilaAng kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala. Diyos na may kapangyarihan! Anot inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang Ang dalawang brasoy)

Salitain Tenyong: Inggo :

Tenyong: Musika No.2 Tenyong:

Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng itoy gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo pot igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil. Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iyay tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang ng madla. Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap. Tenyong: Oot di matingnan puso koy sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan ang away nilimot sa kalupitan Lalakit Babae: Wari mukha nang bangkay Tenyong: Inang, masdan mo po at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mot naghihingalo Tatang, Tatang Putin : Inggo ko Inggo Tenyong: Patay na! (Mangagsisihagulgol ng iyak) Telong Maikli VIII TAGPO (Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos). Salitain

101

Putin :

Tenyong:

Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang pusokoy parang pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay mapapahandusay). Langit na mataas! (Papasok lahat)

IX TAGPO (Tenyong at mga kasamang lalaki, mamayay si Julia). Salitain Tenyong: Isa : Isa pa : Tenyong: Isa : Tenyong: Isa : Isa pa : Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin. Akoy mayroong iniingatan. Ako may mayroon din. Tayo na sa estasyon ng Guiguinto. Nalalaman mo bang silay mangasisilulan? Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayoy pagbabarilin na. Mga tampalasan. Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia). Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Tenyong, Tenyong! Julia! Diyatat matitiis, na Inay lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniyay walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan? Julia, tunay ang sinabi mo; datapwat sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko? Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis! Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib koy tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: May anak ako, anya, ngayoy kapanahunang akoy ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin. Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang itoy aking isasabit sa tapat ng pusoy huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siyay masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog koy masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat moy aking huhugasan ng masaganang luhang sa matay nunukal. Sa Diyos nananalig. Puso koy dinadalaw ng malaking hapis. Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. Mangungulimlim na ang sa matang ilaw. Ang ulap Julia koy di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati. Tenyong na poon koy kahimanawari. Magliwayway ulit dilim ay mapawi. Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Akot tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog koy aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikawy kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako! Akoy lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. Juliang aking sinta! Oh, Tenyong ng buhay! (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis). (Biglang lilingon) Te! Yumao na! (papasok)

Julia :

Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : Tenyong:

Julia : Tenyong: Julia : Tenyong: Julia : X TAGPO

102

(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.) Sa loob. Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayot oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren). Telon Wakas ng Unang Bahagi Ikalawang Bahagi I TAGPO (Bahay ni Julia) Julia at Juana Salitain Juana : Julia : Juana : Julia : Juana : Julia : Juana : Julia : Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, silay pagpapakitaan nang mainam. Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po! Bakit ba ganyan ang sagot mo? Wala po! Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo? Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko. Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko. (Natatawa) Julia, akoy natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- Anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo ngat noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwat gayoy iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayoy kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito. (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siyay nagpapahingalay na Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo! Siyang tunay! Ako poy makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso. Julia, tila wari may kinalulugdan ka nang iba. Wala po! Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas- makalaway magaasawa ka rin lamang ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na! Sarili) Moro yata si Tenyong!

Julia : Julia : Juana : Julia : Juana : Julia : Juana : Julia :

II TAGPO (Julia at Monica) Salitain Julia : Monica : Julia : Monica: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!. (Sa loob) Pooo! Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka Opo (Papasok).

III TAGPO (Julia, mamayay Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana) Musika Dalit ni Julia Oh, Tenyong niyaring dibdib, Diyata akoy natiis Na hindi mo na sinilip Sa ganitong pagkahapis. Ay! Magdumali kat daluhan,

Tubusin sa kapanganiban, Huwag mo akong bayaang Mapasa ibang kandungan. Halika, tenyong, halika, At baka di na abutin Si Juliay humihinga pa

103

Papanaw, walang pagsala! At kung patay na abutin Itong iyong nalimutan Ang bangkay ay dalhin na lamang Sa malapit na libingan. Huling samo, oh Tenyong, Kung iyo nang maibaon Sa malungkot na pantiyon, Dalawain minsan man isang taon.

104

Salitain P. Teban: Julia :

(Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Juliadatapwat napakalumbay lamang (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayoy nangagsiratingKahiya-hiya po. P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo? Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok). P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa..Marunong kang pumili, Miguel. Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel poy hindi maalam makiusap. ( Lalabas si Juana). Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among! P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay? Juana : Mabuti po, among. Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo. Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni Aling Juana: Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Ikatlong Bahagi Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia. Kinabukasay ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang Hindi po!. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng Walang Sugat. Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat. Wakas (Magsasara ang telon) GAWAIN 2.1.1 h: Hanap - Salita Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon. Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap. Hanay A Hanay B _____ 1. pagkasiphayo a. sinisinta _____ 2. sumisimsim b. kalungkutan _____ 3. kaparangan c. apihin _____ 4. malumbay d. awit- panalangin _____ 5. dalit e. magtaksil _____ 6. maglilo f. malungkot _____ 7. magahis g. mamatay _____ 8. makitil h. mapahamak _____ 9. aglahiin i. mapulaan ____ 10. pagbabata j. kabukiran k. pagtitiis

236

GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal. b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong. c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong. d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel. e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas. f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at pagpapakasal niya kay Miguel. g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng Walang Sugat. h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo. j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang-bayan.

GAWAIN 2.1.1.j: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin kung naunawaan mo ang nilalaman nito. 1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang binurdahan? 2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle? 3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

WALANG SUGAT

JULIA

TENYONG

LUKAS

JUANA

237

4.Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia sa kababaihan sa kasalukuyan.

Pagkakatulad

JULIA
Pagkakaiba

KABABAIHAN SA KASALUKUYAN Pagkakaiba

5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?. 6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II. 7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit? 8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag. Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang Sarsuwela? 2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang pampanitikan? 4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng panitikang Pilipino? 5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang Sugat. 6. Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan? 7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang iyong damdamin sa dulang pantanghalang binasa mo.

PAGSULAT
Ituloy mo ang pahayag Habang binabasa ko ang Sarsuwela akoy , dahil akoy . kaya nais kong maging _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________

238

Kaantasan ng Pang-uri
Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri. Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip. Kaantasan ng Pang-uri 1. Lantay Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari. Halimbawa: a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito. b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito. 2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari. a. Pahambing na magkatulad nagtataglay ng pagkakatulad na katangian. Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasin Halimbawa: .Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela. . Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika. b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng salitang di-gaano, di- gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa. Halimbawa Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan . Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras. 3. Pasukdol ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang bagay , tao o pangyayari sa karamihan. Gumagamit ito ng mga pananda o pariralang kay gandaganda, ubod ng, hari ng at mga kataga/salitang napaka, pinaka, totoong, talagang, sadyang, ubod, hari, sukdulan ng, sobra, tunay, labis
Isulat sa sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap. (lantay, pahambing o pasukdol). ______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz. ______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-asa. ______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo. ______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic Teen Company ni Peaflorida. ______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz sa ibang kabataan ngayon. ______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez. ______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa kanilang gawain. ______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong ngunit hindi niya ipinagkait ang lakas niya upang matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas. _______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang mga batang lansangan at nagkalkal ng mabahong basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya. _____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro na si Efren Peaflorida. Mahalagang pag-aralan ang mga bahagi ng panalita na nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip at ang pagbibigay ng paghahambing o pagtutulad nito batay sa kaantasan ng pang-uri sapagkat nagiging mabisa ang pagsasalaysay at paglalarawan sa mga tauhang karaniwang ginagamit sa isang sarsuwela. Ngayon ay maaari mo ng gawin ang gawaing aking inihanda.

Bakit mahalagang gamitin ang kaantasan sa paglalarawan?


239

Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating pinag-aralang akda, balikan natin ang mahalagang tanong na sumasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo ng pang-uri? Patunayan. Isulat sa salamin ( mirror graphic organizer) ang iyong sagot.

SARSUWELA SALAMIN NG KULTURANG PILIPINO

Pagnilayan at Unawain Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang pagkaunawa mo sa mahahalagang konsepto na nakapoob sa buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng Amerikano. Muli, sagutin mo ang mahahalagang tanong na ito. Inaasahan kong kung may mali ka mang konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng ibat ibang gawaing iyong pinagdaanan. 1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga Amerikano? 3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan? Patunayan. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang sagot sa iyong dyornal.

Sa araw na ito naunawaan ko na _______________________________________________________ _______________________________________________________ Natatandaan ko na natuwa ako sa na _______________________________________________________ _______________________________________________________ Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga _______________________________________________________ _______________________________________________________ ______________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ ____________ 240

Ang Iskrip at Diyalogo Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung itoy itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong dula. Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan. Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula. Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng direktor kung anong magiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap at ipahahayag ng mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda ang isang dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa ganitong larangan.

Narito ang paraan ng pagsusulat ng Iskrip.


Paraan ng Pagsusulat Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na Sa Pagsulat, nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samut saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip 1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito sa tonot himig na hangad ipahiwatig sa katha. 2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo. 3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa. 4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo. 5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location), paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nalrarapat na lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.

Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado ng ating pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa komunidad. Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling mamahala ng inyong punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap ng mga pamilya na naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa lokal na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na makatotohanan, may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang Pilipino. 241

Mga Pamantayan

Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip at Diyalogo Napaka- Mahusay Katamta Hindi Nangangailangan husay mang Mahusay pa ng Husay Pagpapahusay 5 4 3 2 1

a. Pagkamalikhain b. Makatotohanan at kapanipaniwala ang pagkakasulat ng iskrip c. Orihinal d. Sumasalamin sa kulturang Pilipino at naaangkop sa kasalukuyan e. Wasto ang pagkakagamit ng wika Interpretasyon 21- 25 -Napakahusay 16- 20 -Mahusay 11-15 -Katamtamang Husay 6-10 1-5 -Hindi Mahusay -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay

Pangwakas na Pagsusulit (Panitikan sa Panahon ng Amerikano) A. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. 1. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa na karaniwang may Lakandiwa na namamagitan. a. Balagtasan b. duplo c. karagatan d. karilyo 2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar. a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang kapanahunan. 3. Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu. a. Balitao b. Batutian c. Duplero d. Siday 4. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan. a. Jose Rizal at Andres Bonifacio c. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz b. Juan Luna at Antonio Luna d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes 5. Dahilan kung bakit tinawag na Huseng Batute si Jose Corazon de Jesus. a. Siya ang tagapamagitan sa mga mambibigkas. b. Mahilig siyang magsulat ng Balagtasang hindi pormal. c. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan. d. Pagbibigay-galang it okay Jose Corazon de Jesus. B. Panuto: Isulat sa patlang ang wastong anyo ng kaantasan ng pang-uri. Gawing gabay ang mga salita sa loob ng panaklong. 1. Ang bawat mamamayan ay dapat na (husay) __________ sa paggamit ng ating pambansang wika. 2. Talagang (hanga) __________siya sa kanyang ipinamalas na husay sa pagsasalita. 3. (Marami) __________ ng magagandang dahilan upang ating paunlarin ang ating wika. 4. (Gusto) __________ ng mga manonood ang balagtasan at sarsuwela sa palatuntunan ng Buwan ng Wika. 5. (Hanga) __________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa sariling wika. C. Panuto: Gamit ang 3-2-1 Chart, buuin ang konsepto o ideyang nabuo sa iyo sa pag-aaral sa dula. 3 Tatlong bagay, kaisipan o ideyang nalaman sa aralin

Dalawang kawili-wiling bagay na nalaman

242

Isang malaki at itinuturing na pinakamahalagang konseptong natutuhan sa dula

ARALIN 2.2 : Ang Panitikan sa PANAHON NG KOMONWELT


Aralin 2.1.1 a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon b. Wika: Ibat ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.1.2 a. Panitikan: Maikling Kuwento Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito

Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt a. Panitikan: Sanaysay b. Wika: Ibat Ibang Paraan ng Pagpapahayag a. Panitikan: Maikling Kuwento b. Wika: Kayarian ng Pang-uri

Mini-museum o eksibit

Panimulang Pagtataya Unang Bahagi Panuto: Ibigay ang magkaibang katangian ng dalawang uri ng sanaysay. (Para sa bilang 1 4).

Sanaysay

Pormal Magkaibang katangian:

Pamilyar

_________________________________________________________________ _______________________________________________________________

Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. Ang matandang babae ay di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng nagtatanong na dalaginding ay natarok na kapagkaraka ang lagay ng kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sasalang ginugulo noon ng mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siyay umiibig. Hindi, ang tiyak na sagot. Nang makilala mo ba si Tatang, ang patuloy na tanong, ay may naramdaman ka bang pintig sa loob ng dibdib? Oo! Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang? Oo! E ano ang sinabi sa iyo? Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang akoy may iniibig na lalaki. Akoy kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag akoy nag-asawa ay kaniyang papatayin. Ay, ano ang naging sagot mo? Akoy nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking isusumpa. Kung gayoy bakit mo naging asawa si Tatang? Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato a di nadudurog sa hampas ng alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay mabuhay, laging sariwa. A, kaya pala!

243

Kaya palang ano? Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib. Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang ibig sabihin ni Irene. Mula sa, Ang Dalaginding ni Iigo Ed. Regalado 5. Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad ____________. a. 10 12 b. 13 15 c. 16 18 d. 19 21 6. Ang salitang sariwa ay halimbawa ng ___________. a. Pangngalan b. panghalip c. pandiwa d. pang-uri 7. Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato. Ang salitang may salungguhit ay nasa anyo ng pang-uri na ________________. a. Payak b. lantay c. pahambing d. pasukdol 8. Akoy kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag akoy nag-asawa ay kaniyang papatayin . Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na interpretasyon ng binasang pahayag? a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang ang anak maging sa pag-ibig. b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga taong umiibig kahit pa nga ito ay kaniyang anak. c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang hindi na sila aalagaan sa kanilang pagtanda. d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad pa lamang. 9. Inilarawan ang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng __________. a. pagpapaliwanag sa kahulugan nito c. pagsasalaysay sa karanasan ng tauhan b. paghahambing gamit ang tayutay d. pagpapahayag ng sariling karanasan 10. Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib. Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito ni Irene? a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap ang ina. b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa mga kagalit. c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig. d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene. GAWAIN 2.2.1: Generalization Table Ang unang kolum ang unang sasagutan bago ang kasunod na mga kolum. Ang ikalawa at ikatlong kolum ay sa susunod na mga bahagi ng aralin at ang huli ay sa bahaging Paunlarin ng araling ito. Una kong naisip Natuklasan ko na . . Kaya ang aking na . .. . Patunay nito ang . . .

kongklusyon ay:

244

GAWAIN 2.2. 3-2-1 Action

Gamit ang estratehiyang 3-2-1, piliin sa kahon ang tatlong (3) akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng mga akdang ito, dalawang (2) katangian ng akda at manunulat na may likha ng mga ito at isang (1) tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa manunulat at sa kanilang akda. Mga Manunulat Genoveva Edroza Matute Buenaventura S. Medina Jr. Adriano P. Landicho Iigo Ed. Regalado Narciso G. Reyes Deogracias A. Rosario
3

Mga Akda Ang Anluwage Ang Dalaginding Lugmok na ang Nayon Lupang Tinubuan Sa Aking mga Kabata Hikbi sa Karimlan

Mga akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng mga akdang ito 1. 2. 3.

Katangian ng akda at manunulat sa naging sagot sa 3 1. 2.

Tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa manunulat at sa kaniyang akda

245

1.

GAWAIN 2.2.3: Ilalahad Ko, Kilalanin Mo Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang bawat aytem ay tumutukoy tungkol sa sanaysay, ekis (X) kung ito ay tumutukoy naman sa Maikling kuwento at asterisk (*) kung parehong tumutukoy sa Sanaysay at Maikling kuwento. __ nagbibigay ng mahahalagang kaisipan __ ito ay orihinal na panitikan ng mga Pilipino __ nagsisilbing aliwan/libangan __ kabilang ang sulating pampahayagan __ may mga tauhang nagsisiganap __ Buenaventura S. Medina Jr. __ Deogracias A. Rosario __ Michel de Montaigne __ maaaring iugnay sa sariling karanasan at karanasan ng ibang tao __ ginagamitan ng masining o mga tayutay na mga salita o pahayag

Mabisa bang paraan ng paglalahad ng katuwiran ang pagsulat ng sanaysay?

Bakit mahaIaga ang ibat ibang paraan ng pagpapahayag sa isang sanaysay?

GAWAIN 2.2.1.a: Konseptulong

Magbigay ng mga pantulong na konsepto na may kaugnayan sa salitang Sanaysay na sa iyong palagay ay makatutulong upang makabuo ng isahang konsepto para sa aralin.

Isahang konsepto sa salitang sanaysay

246

Sa mga naging gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa kasunod na sanaysay (talumpati) upang maunawaan ang aralin, subalit bago iyon ay magbigay ka muna ng impormasyon tungkol sa sumulat ng talumpating tatalakayin, si Manuel L. Quezon.

Kapanganakan

Pamilya

Mga Katangian

Naiambag sa Pilipinas

Si Manuel L. Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay nahirang na Komisyoner ng ating bansa, may kalayaang magpahayag subalit walang kalayaang bomoto sa U.S. House of Representatives. Ipinaglaban niya ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa mga Amerikano noong 1935. Nagtapos din siya ng kursong abogasya at nakuha ang pang-apat sa pinakamataas na iskor sa pagsusulit.
Basahin at unawain

247

Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaanang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba? Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat. GAWAIN 2.2.1.b: Paglinang ng Talasalitaan Pumili ng isang salita sa akdang iyong binasa, ilagay ito sa pinakagitnang kasunod na grapiko. Ibigay ang kahulugan, ang katangian, ang bahagi ng panalita at ang halimbawang pangungusap.

Kahulugan

Katangian

Bahagi ng Panalita

SALITA

Halimbawang Pangungusap

GAWAIN 2.2.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Isulat ang sumusunod na tanong. 1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas? 2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. 3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo.

248

5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang pambansa? 6. Pakinggan ang awiting Akoy Isang Pinoy ni Florante. Ilahad ang pangunahing ideya sa awit na ito. May kaugnayan ba ang awit na ito sa talumpati ni Manuel L. Quezon? Ilahad ito. 7. Sa damdaming namamayani sa iyo tungkol sa wika, ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit. 8. Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas? Sa bahaging ito ay nais kong itanong sa iyo kung handa ka na bang madagdagan ang iyong kaalaman sa Sanaysay? Kung gayon, basahin ang kasunod na mga impormasyon. Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, itoy pagsasalaysay ng isang sanay. Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag niyang essai na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng panulat. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o pamilyar. Narito ang kanilang pagkakakilanlan. Pormal Nagbibigay ng impormasyon Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay Maingat na pinipili ang pananalita Ang tono ay mapitagan Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng mayakda Di-Pormal o Pamilyar Nagsisilbing aliwan/libangan Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pangaraw-araw at personal Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang Pakikipagkaibigan ang tono Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda

GAWAIN 2.2.1.d: Tukuyin ang Kaibahan Sagutin ang tanong na Paano naiiba ang Sanaysay sa iba pang uri ng panitikan? Gamitin ang Diyagram ng Hambingan at Kontrast sa paghahambing sa iba pang anyo ng tuluyan.

Sanaysay Paano nagkatulad?

Iba pang tuluyan

Paano nagkaiba sa
Uri Katangian Pagkakalahad Iba Pang Pagpapaliwanag Ako ay Ikaw ni Hans Roemar T. Salum

249

Akoy isang Pinoy, sa pusot diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Akoy di sanay sa wikang mga banyaga, akoy Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita Hay, napakasarap sa pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Mayroong wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. Mga Gabay na Tanong 1. Anong uri ng Sanaysay ang binasang akda. Ipaliwanag. 2. Pansinin ang kasunod na mga pangungusap na may salungguhit. Ano ang layunin ng mga pangungusap na ito?

Matagal na panahon na rin nang simula nang ay ipaglaban Matagal na panahon na rin simula ako ay ako ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. _______________________________________________ ___

Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa

Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon.

Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag, maaaring paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad ay may layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri. Kung ang nais ay maglahad ng mga pangyayari, pagsasalaysay ito. Pangangatuwiran kung ito ay may layuning umakit ng iba sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katuwiran.

250

GAWAIN 2.2.1.e: Pagbuo ng Sariling Yaman Sumulat ng sariling pagpapahayag tungkol sa isang bagay na itinuturing mong sarili mong yaman na maaaring sa paraang paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran . Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kalinawan; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas; d.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; e.) makatotohanan; at f.) naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay o nangangatwiran (depende kung anong paraan ng pagpapahayag ang pinili ng mag-aaral). GAWAIN 2.2.1.f: Balita Mo, Isusulat Ko Sumulat ng sariling sanaysay na maaaring sa anyong pormal o pamilyar mula sa napanood na bagong balita sa telebisyon o sa mga balitang dokumentaryo. Gamitin ang ibat ibang paraan ng pagpapahayag. Malaya kang pumili ng anumang paksa sa napanood. Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas; d.) makatotohanan; at e.) gamit ang ibat ibang uri ng pagpapahayag. Ngayong ganap mo nang naunawaan ang aralin, binabati kita! Muling balikan ang ikalawa at ikatlong kolum sa huling bahagi ng Alamin. Punan ang mga kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin. Una kong naisip Natuklasan ko na . . Patunay nito Kaya ang aking na . .. . ang . . .

kongklusyon ay:

GAWAIN 2.2.1.g: YES/NO Analysis Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng opinyon at katuwiran sa isang Sanaysay noong Panahon ng Komonwelt.

GAWAIN 2.2.1.h: Ang Mali Noon, Itatama Ngayon Sa tulong ng reflective journal ay itala ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin.

251

Ang lagom ng aking nagawa sa aralin: (panitikan)

(wika)

Mga bago kong natutuhan sa paraan ng paglalahad ng katuwiran gamit ang Sanaysay:

Naunawaan ko na ang ibat ibang paraan ng pagpapahayag ay:

Ang dati kong kaalaman na natuklasan kong mali sa: (panitikan)

(wika)

Natulungan akong maunawaan na (panitikan)

(wika)

Sa aking palagay, magagamit ko ang kaalamang ito sa pamamagitan ng: (sa pag-aaral)

(sa tunay na buhay)

GAWAIN 2.2.1.i: Natutuhan ay Isasabuhay

Ang mockumentary ay isang uri ng pelikula o programang pantelebisyon na kadalasang ginagamit sa pagsusuri o pagbibigay puna sa napapanahong pangyayari at isyu sa bansa na maaaring komedya o katawa-tawa o drama. Ito ay maaaring isang paraan ng panggagaya na maaaring ang bahagi o ang kabuuan ay itinatanghal nang natural upang maging makatotohanan. 252

Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito.
Ikaw ay kabataang mag-aaral na naimbitahang dumalo sa gaganaping programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa. Layon nitong ipagtanggol ang wika ng kabataan sa harap ng mamamayan dahil sa hindi responsableng paggamit nito. Ikaw ay makikibahagi sa pagsasagawa ng mockumentary na magkakaroon ng pagtataya sa pamamagitan ng: a.) mahusay na pagbibigay ng katuwiran; b.) makatotohanan; c.) nakahihikayat sa pagbibigay ng katuwiran; at d.) nagagamit ang ibat ibang paraan ng pagpapahayag. MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA GINAWANG PAGTATANGHAL NG MOCKUMENTARY Pamantayan 10 8 6 4 2 Pamantayan Mahusay ang pagkakalahad ng Di-gaanong mahusay ang mga katuwiran pagkakalahad ng mga katuwiran Lahat ng inilahad na May mga impormasyong hindi impormasyon at pagkakalahad ng makatotohanan ang paksa ay makatatotohanan. pagkakalahad. Nakahikayat sa lahat ng Hindi lahat ng manonood ay manonood pagbibigay ng nahikayat sa ibinigay na katuwiran katuwiran. Nagamit ang lahat ng paraan ng Isa o walang nagamit na paraan pagpapahayag. ng pagpapahayag KABUUAN Interpretasyon: 31 40 Lubos na kasiya-siya 21 30 Kasiya-siya 11 20 Hindi gaanong kasiya-siya 2 10 Husayan pa

Mga Gabay na Tanong 1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt? 2. Bakit gumagamit ng ibat ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista? GAWAIN 2.2.a: Katotohanan o Opinyon? Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong sa tulong ng Fact or Opinion analysis. Matutuklasan mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy mo sa araling ito.
Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt? Bakit gumagamit ng ibat ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista sa kaniyang pagsulat?

Pahayag Si Deogracias A. Rosario ay Ama ng Maikling Kuwento. Nakatulong ang maikling kuwento sa manunulat at sa mga Pilipino noong Panahon ng Komonwelt. Maaaring buhay ng manunulat ang ipinahahayag sa akdang kaniyang isinulat. Mayaman ang mga manunulat. Hindi malaya ang mga Pilipinong manunulat noong Panahon ng Komonwelt. Nakatutulong ang pang-uri sa paglalarawan ng mga katangian ng isang lugar at mga tauhan sa akda. GAWAIN 2.2.b: Kilalanin Mo

Katotohanan o Opinyon?

Paliwanag

Sa bahaging ito ay alamin natin kung gaano mo kakilala ang sumusunod na mga manunulat na Pilipino. Ibigay ang naging kontribusyon nila sa panitikang Pilipino.

253

DEOGRACIAS A. ROSARIO

ROGELIO R. SIKAT

SEVERINO REYES

GAWAIN 2.2.c: Pagtukoy sa Maaaring Nilalaman ng Akda Bigyan ng mga kaugnay na salita/parirala/pangungusap ang pamagat ng babasahing akda at ang maaaring nilalaman nito.

Lupang Tinubuan

Basahin at unawain

254

Lupang Tinubuan Narciso G. Reyes Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-ss.Tsug, tsug, tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at silay napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, Salamat at tayoy nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon. Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siyay nabubuhay pa. Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagamat hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. Walang maganda rito kundi ang langit, ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. Hindi po naman, ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid. Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko, ang naisaloob niya. Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon. Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahandahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. "Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo, ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. 255 At ang pinsan mong si Bining, ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga

GAWAIN 2.2.d: Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. Pagkatapos, ibigay kung anong bahagi ng panalita ito, at gamitin sa pangungusap ang mga ibinigay na kahulugan. Salita mula sa aralin pinagmuni-muni agaw-dilim piping panangis sumasalunga makadurog-puso Kahulugan Bahagi ng Panalita Pangungusap

GAWAIN 2.2.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ilarawan ang nayon ng Malawig. Ibig mo bang marating ang nayon na ito? Bakit? 2. Bakit lumuwas si Danding sa Malawig? 3. Ilahad ang mga kaugalian ng mga taga-Malawig. Nakikita pa ba ito sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. Kaugalian ng mga tagaMalawig Nakikita pa ba sa kasalukuyan? Paraan ng Pamumuhay (Oo/Hindi) Patunay na nakikita/hindi na nakikita sa kasalukuyan

sa Lalawigan

Paraan ng Pamumuhay sa Lungsod

4. Ang Malawig ay isang lalawigan. Ihambing ang pamumuhay rito at sa lungsod. Alin ang nais mong maging tirahan? Bakit?

Dahilan:

256

5. Sa iyong palagay, nanaisin ba ni Danding na manatili na lamang sa lupang tinubuan ng kaniyang ama kaysa ang bumalik sa siyudad na kaniyang kinalakhan? Magbigay ng mga patunay sa pamamagitan ng paglalahad sa bahaging nagpapatunay nito. 6. Nanaisin mo pa bang bumalik sa iyong tinubuang lupa kung maganda na ang iyong buhay sa ibang bayan o bansa? Bakit? 7. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling bayan? Basahin ang kasunod na mga impormasyon tungkol sa maikling kuwento at pagkatapos ay gawin mo ang kasunod na mga gawain. ANG MAIKLING KUWENTO Ang Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang Solusyon suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, Pamagat (4) may mahalagang tagpuan, (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng katutubong kulay ang binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang pook, ang pamumuhay, ang mga kaugalian at mga gawi sa lugar na binibigyang-diin sa kuwento. May-akda Subuking sagutin o gawin ang mga kaugnay na gawain o pagsasanay sa maikling kuwento. 1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt at maging sa kasalukuyan? Mga Tauhan 2. Anong uri ng Maikling kuwento ang binasang aralin? Patunayan. 3. Gumawa ng balangkas ng kuwento ng katutubong kulay. Maaaring kuwento tungkol sa iyong sariling bayan o kuwento ng iyong paboritong lugar na napasyalan. Gawing gabay ang kasunod na pormat.

Suliranin

Wakas

257

4. Mula sa ginawang balangkas ay bumuo ng sariling maikling kuwento. I- post ito sa iyong fb account at pabigyang puna (like o dislike) ito sa mga kamag-aral o kaibigan. Kung wala namang fb account, pabigyang puna ito sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa pangkat ng mga bituing napili. Pabigyang paliwanag kung bakit ito ang kanilang puna sa iyong likha. Napakahusay Mahusay May kaunting husay Nangangailangan ng malaking pagbabago Basahin ang mga impormasyon tungkol dito. ANG PANG-URI Ang pang-uri ay salitang naglalarawan tungkol sa pangngalan at panghalip. Maraming paraan upang maglarawan. Maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng kayarian ng pang-uri. Ang mga ito ay ang payak, maylapi, inuulit at tambalan. 1. Payak ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat. Halimbawa: ganda talino, bago 2. Maylapi kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitangugat at panlapi. Halimbawa: maganda, matalino, makabago 3. Inuulit kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi nito o ang buong salitangugat. Halimbawa: kayganda-ganda, matalinong-matalino 4. Tambalan kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal Sa ng buhay, kailangang maging pusong mamon ka na maaaring magkaroon pangalawang kahulugan. Halimbawa: balat-sibuyas, utak-matsing sa mga taong nangangailangan ng tulong. Hindi

Ugnay-Wika

mahalaga ang kasikatan dahil sa yaman, sikat na sikat ka nga kung hindi mo naman alam ibahagi sa iyong kapwa, balewala rin. Maging matulungin at hindi dapat maging palalo, iyan dapat ang maging panuntunan sa buhay ng mga taong biniyayaan ng Panginoon ng maraming bagay. Hindi dapat tapakan ang mga taong may buhay-alamang, sa taimtim na panalangin sa Dakilang Lumikha, mababago rin ang mahirap nilang buhay. Kaysarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa. Magiging magaang-magaan ang pakiramdam kung ikaw ay magiging daan sa pagtupad sa kanilang simpleng pangarap.

258

1. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto. Itala ang mga ito sa ilalim ng angkop na kayarian ng pang-uri. Payak Maylapi Inuulit Tambalan

2. Mula sa mga larawan sa ibaba, pumili ng isa. Sumulat ng komposisyon tungkol dito na naglalarawan gamit ang ibat ibang kayarian ng pang-uri.

3. Bakit gumagamit ng ibat ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista? Kumusta? Naisagawa mo ba ang lahat ng gawain? Tunay na nakatutulong ang mga kayarian ng pang-uri upang mas mabisang mailarawan ang tagpuan, mga tauhan at mga pangyayari sa akda. Ngayong natapos mo na ang mga gawaing pampanitikan at panggramatika, subukin naman nating magkaroon ng pagtataya sa iyong pag-unawa sa mahahalagang konseptong nakapaloob sa aralin. Sagutin ang tanong upang mataya ang iyong pag-unawa sa naging aralin.

259

260

GAWAIN 2.2.f: Proud to be Kabarangay! Magkakaroon ng panauhin sa inyong lugar dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan. Bilang SK Chairman ng inyong barangay, ikaw ay naatasang i-promote ang inyong lugar sa inaasahang mga panauhin na punong-lalawigan, punong-bayan at iba pang politiko, mga turista at mga kabarangay sa pamamagitan ng paggawa ng advertisement poster. Ang iyong likha ay magkakaroon ng pagtataya batay sa: a.) pagiging masining; b.) pagiging malikhain; c.) husay sa pagpapaliwanag; at c.) pagiging makatotohanan. MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG ADVERTISEMENT POSTER Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Kailangan Pang Paunlarin Natugunan ang ilang pangangailangan Walang gaanong naihatid na mensahe Walang organisasyon at kaayusan ang display na biswal Hindi malinaw ang pagpapaliwanag

Natugunan ang lahat ng pangangailangan sa nilalaman at mekaniks Ganap at epektibong naihatid ang mensahe Napakahusay at higit sa inaasahang elementong display na biswal Naipaliwanang nang maayos at wasto ang poster.

Natugunan ang lahat ng pangangailangan sa nilalaman at mekaniks Epektibong naihatid ang mensahe Nakaaakit ang display na biswal Naipaliwanag nang maayos ang poster

Natugunan ang ilang pangangailangan Nahirapang maihatid ang mensahe Katamtaman ang pang-akit na display Hindi gaanong malinaw ang pagpapaliwanag

GAWAIN 2.3: KKK (Katuwiran Koy kailangan) Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang ibat ibang paraan ng pagpapahayag. Isa na rito ang pangangatuwiran. Sa gawaing ito, ang husay mo sa pagbibigay ng katuwiran ay kailangan. Sagutin mo ang tanong na malaya ba ang manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Sagutin ang mahalagang tanong na ito gamit ang yes/no analysis.

Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Oo Hindi Komonwelt? Pangatuwiranan.

261

GAWAIN 2.4: Ito Noon, Ganito Ngayon Gamit ang IRF (Initial, Revised, Final) ay ibigay ang dating kaalaman sa paksa, ang nabagong pagkaunawa sa aralin at ang kabuuan at wastong natutuhan sa araling tinalakay. Initial (Dating Kaalaman sa Paksa)

Revised (Nabagong Pagkaunawa sa Aralin)

Final (Kabuuan at wastong natutuhan sa aralin)

GAWAIN 2.5: KULTURA IN OR OUT? Magkakaroon ng paligsahan sa iyong paaralan tungkol sa paglalarawan ng mga kulturang Pilipino sa Panahon ng Komonwelt na nagbago, nawala at nananatili pa sa kasalukuyan. Bilang lider ng Mga Kabataang Historyador sa Pilipinas (KHP), sa harap ng mga guro, kapwa mag-aaral, puno ng kagawaran, punongguro at historyador ay gagawin mo ito sa masining na paraan tulad ng mini-museum o eksibit. Magkakaroon sila ng pagtataya sa iyong likha batay sa a.) presentasyon na iyong isasagawa; b.) makatotohanan; c.) batay sa pananaliksik; at d.) pagkamalikhain. MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA MINI-MUSEUM O EKSIBIT A Perpekto B - Halos perpekto C May kaayusan D Paunlarin pa

262

PAMANTAYAN Presentasyon maayos at organisado Makatotohanan totoo ang mga impormasyong ipinakita Batay sa pananaliksik mapanghahawakan o mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng mga impormasyon Malikhain masining at gumamit ng mga awtentikong bagay

Interpretasyon: 4 na A Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mgagawain. 3 A Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o kagalingan. 2 na A Katamtamang Husay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit dagdagan pa upang mapaunlad pa ang gawain. 1 o walang A Hindi Mahusay! Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa titingin ng iyong likha. Pangwakas na Pagtataya: (Panitikan sa Panahon ng Komonwelt) SUMMARY-LESSON CLOSURE: Sa pamamagitan ng Lesson Closure ay bumuo ng konsepto sa naging aralin.

LESSON CLOSURE Ang aralin sa modyul na ito ay _____________________. Ang mahalagang ideya tungkol sa sanaysay ay _____________________ _____________________________________________________________ __. Mahalagang maunawaan ang ideya o konseptong ito sapagkat ___________________________________________________. Isa pang mahalagang konsepto sa aralin ay ang tungkol sa maikling kuwento kung saan Mahalaga naunawaan ito dahil ko na _________________________ ____________________________________________________________. _________________________________________. Magagamit ko ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng _____________________________________________________________ Sa kabuuan, ang aralin ay

_____________________________________________________________ _____________________________________________________________

ARALIN 2.3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan


Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Masasagot mo ang mahahalagang tanong at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na nakapaloob sa araling ito: ARALIN 2.3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN Aralin 2.3.1 a. Panitikan: Maikling Kuwento Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

ni Genoveva Edroza-Matute
b. Wika: Aralin 2.3.2. a. Panitikan: Aspekto ng Pandiwa Dula Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar

263

b. Wika:

Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling ito

Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan

3.1.1 Panitikan: Maikling Kuwento 3.1.2 Wika: Aspekto ng Pandiwa

3.2.1 Panitikan: Maikling Kuwento 3.2.2 Wika: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Panimulang Pagtataya Unang Bahagi Panuto: Ibigay ang hinihingi ng diyagram tungkol sa dula. (para sa bilang 1-5)

Dula

Kahulugan

Katangian

Kahalagahan nito bilang akdang pampanitikan

Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang isang bahagi ng maikling kuwento. Sagutan ang mga tanong na kasunod nito. Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyoy magpatuloy sa loob ng tatlong araw, ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kalian man. Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang, makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay nooy ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita Siya matulog ka na. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti, kaysa rati. Ngunit ang mga mata nooy hindi pumipikit, nakatingin sa wala. Kaya nga bat sa tuwi akong makakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman. halaw sa Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute 264

6. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ______. A. mapagmahal B. palaasa C. mayabang D. mapangarapin 7. Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay _______. A. pagkatakot B. pagkagitla C. paghanga D. pagtataka 8. Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______. A. pag-asa B. pangarap C. pag-unlad D. paghahangad 9. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay tinatawag na ________. A. banghay B. tema C. pananaw D. damdamin 10. Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng ______. A. kilos at galaw ng tauhan C. tagpuan at kapaligiran B. tagpuan at banghay

GAWAIN 2.1: TimelineNoon at Ngayon Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa ibaba. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline.

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Komonwelt

Panahon ng Kasarinlan

Hanay A

Hanay B

Ang Pagpupulis Trapiko ay Isang Sining Paglalayag sa Puso ng Isang Bata Ako ang Daigdig Isang Dipang Langit Lupang Tinubuan Wikang Pambansa Si Nemo, Ang Batang Papel Titser Akoy Isang Tinig
GAWAIN 2.2: TSART-KWHL

Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinion o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? 265

K Ano ang alam mo na? (What do you know?)

W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out)

H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?)

L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you learn?)

Mahalaga ring masagot mo ang sumusunod na pantulong o prosesong tanong upang makatulong sa iyo sa pagsagot sa mahalagang tanong ng aralin. Mga Gabay na Tanong 1. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan? 2. Ano ang karaniwang tema o paksang ginamit ng mga manunulat sa panahong ito? 3. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng angkop na aspekto ng pandiwa sa pag-aaral ng maikling kuwento? GAWAIN 2.3.1. a: TUKLAS-INFO Batay sa iyong nalalaman, subukin mong isulat ang hinihingi sa dayagram kaugnay ng araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-aalala, itoy pag-alam lamang kung gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa pag-aaralan natin. Ano ang Maikling kuwento?

Maikling Kuwento

Paano ito lumaganap sa Pilipinas?

Kapanganakan:

Ihambing ang Maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan

Pamilya: Larawan ni Genoveva Kilala Edrozamo ba si Aling Bebang o si Genoveva Edroza-Matute? Magbigay ng ilang impormasyon Matute Mga Katangian: tungkol sa kaniya gamit ang sumusunod na Concept Map.

Mga Tagumpay sa Buhay:

266

Genoveva Edroza-Matute Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na isinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edroza at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang alena kapatid ng kaniyang amadoon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na naging P. Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Basahin at unawain Ngayon, may ilang impormasyon ka na tungkol sa may-akda, handa ka na ngayong basahin at unawain ang isa sa kanyang ipinagmamalaking akda. Simulan mo na. PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA ni Genoveva Edroza Matute Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang. Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis.

267

Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!" Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita. Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata. Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan. At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay. Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.

268

Bukas. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

GAWAIN 2.3.1.b: Paglinang ng Talasalitaan Sa pamamagitan ng Clustering, ibigay ang hinihinging mga konsepto o kaisipan na may kaugnayan sa pahayag na SA PUSO NG ISANG BATA. Gawin sa sagutang papel.

Pananalita

Pananalita

Kilos

Kilos

GAWAIN 2.3.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Upang ganap na mataya ang iyong pag-unawa sa binasa, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong/gawain. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Suriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita sa pamamagitan ng C haracter Mapping. Damdamin Damdamin

269

2. Bakit nais ng guro na mapalapit sa bata? 3. Patunayan na ang guro sa akday naturuan ng bata sa kaniyang buhay? 4. Kung ikaw ang bata, babalikan at magpapaalam ka pa ba sa iyong guro kapag ikaw ay napagalitan niya? Pangatuwiranan. 5. Sa iyong palagay, ano kaya ang gagawin ng guro pagkatapos nang ipinakita sa kaniya ng mag-aaral kahit na napagalitan siya? Sumulat ng diyalogo bilang sagot. 6. Anong damdamin ang namayani sa guro ng nasabi niya sa kanyang sarili ang pahayag na ito? Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siyay mahalaga at minamahal. 7. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, Goodbye, Teacher. Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang mensaheng nais iparating nito sa guro at mag-aaral?

8. Punan ang mga kahon ng mga mensahe ng kuwento.

270

9. Ano ang tema o paksa ng nasabing akda? Patunayan. 10. Sa iyong palagay, may kaugnayan ang paksa o tema ng nasabing akda sa buhay ng may-akda ng kuwento? 11.Mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento, anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda?

Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang nagtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa mambabasay mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.

Basahin mo ang kasunod na impormasyon.

Ang binibigyang-diin sa kuwento ng tauhan ay ang pangunahing tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Ipinakikilala ang kanilang pag-uugali, pagkilos, pananalita at iba pang katangian sa pamamagitan ng tahasan o tuwirang paglalarawan o kayay pagpapahiwatig sa pamamagitan ng usapan ng mga tauhan at sa ikinikilos ng mga iyon. Ang mga tauhan ang gumagalaw sa akda- protagonista na tinatawag na bida at antagonista na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng bida. Ang tauhang lapad (flat character) ay hindi nagbabago ang pag-uugali kung ano ang gawi, kilos at katangian niya sa simula ng akda hanggang katapusan; habang ang tauhang bilog (round character) naman ay nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung api sa simula, sa pagwawakas ay natuto nang lumaban.
GAWAIN 2.3.1.d: Pananaw mo,Pananaw ko,Pananaw ng lahat Ibigay ang kahulugan ng maikling kuwento ayon sa iyong sariling pananaw, pananaw ng ibang tao (kapwa kamag-aral, kaibigan) at pananaw ng eksperto (maaaring kapanayamin nila).

Sa pananaw ng aking kamag-aral ... Sa pananaw ng aking kaibigan... Sa aking pananaw...

271

Sa pananaw ng mga eksperto...

GAWAIN 2.3.1.e: Pagkakaiba-Pagkakatulad Paano naiiba ang Maikling kuwento sa ibang akdang pampanitikan? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat.

MAIKLING KUWENTO

Iba pang akdang pampanitikan


PAGKAKATULAD sa Tema

PAGKAKAIBA

sa Paksa

sa Layunin

sa Pamamaraan

Tumayo ang lahat at tayoy mananalangin. Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking kamagaral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na. Sa tuwing magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang dumadaldal. Ang buong klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi niya sa amin. Gustonggusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang pampanitikan. Dito ko natutuhan na ang panitikan Parang ay kailan salamin lang, ng sampung kultura taon ng isang na pala bansa. ang nakalilipas. Buong puso Subalit at galak sa siyang pusot nagtuturo itoy kahapon walang halong pagkukunwari. Kayasa marami akong natutuhan sa diwa ko ay at parang lang. Isa ako sa nag-aaral kaniyang paaralan. Ngayon, kanya. na ganap Naunawaan akong isang ko guro na sang ibat Filipino ibang na panahon sumunod malaki sa yapak ang naging ng isang papel gurong ng manunulat nagsilbing sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino. inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at personal na mapasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na nagbabantay ang aking napagtanungan. 272 Ang tanong koy nariyan ba si Maam?. Ang sagot niya kaaalis lamang niya ng dumating ka. Hindi man kami nagtagpo sa oras na iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na nagsilbing tanglaw sa landas ko.

Ang Aking Inspirasyon

Mga Gabay na Tanong 1. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento? 2. Anong uri ng Maikling kuwento ang iyong binasa?Patunayan. 3. Aling bahagi sa akdang ito ang masasabi mong may pagkakatulad/ pagkakaiba sa kuwentong nauna mo nang nabasa? Pangatuwiranan. 4. Pansinin ang salitang may salungguhit sa kuwento. Anong bahagi ito ng panalita? Ano ang diwang inihahatid nito?

Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na, aspektong imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan at aspektong perpektibong katatapos kung saan nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos.

GAWAIN 2.3.1.f: Aspekto-Tsart Balikan muli ang kuwento. Isulat ang mga salitang may salungguhit sa tamang talahanayan nang ayon sa aspekto nito. ASPEKTO NG PANDIWA Aspektong Aspektong Perpektibong Aspektong Aspektong Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo

GAWAIN 2.3.1.g: Salaysayin ng Buhay Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sa gagawing pagsasalaysay. Ganap na ang iyong pagkaunawa sa aralin. Muling balikan ang huling kolum ng tsart-KWHL. Punan ang kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin.

Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan?

273

K Ano ang alam mo na? (What do you know?)

W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out)

H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?)

L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you learn?)

GAWAIN 2.3.1.h: DugtungangPahayag Itala mo ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagdurugtong sa pahayag na nasa kahon.

Nalaman ko na ang .

Naliwanagan ako dahil sa

Naunawaan ko na

GAWAIN 2.3.1.i: Inspirasyon Ko, Kuwento ng Buhay Mo Sinasabi na kung walang guro, walang anumang propesyon tulad ng doktor, abogado, inhinyero at iba pa. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng isang kabataan. Marapat lamang na siyay tumanggap ng pagkilala. Kaakibat ng programa ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang Pambansang Kongreso ng mga Guro sa Pilipinas. Ito ay lalahukan ng mga piling guro sa buong Pilipinas, mga tagapanayam, mga superbisor, punong-guro, Filipino specialist at buong pangasiwaan ng Kongreso. Ikaw, bilang kampeon sa katatapos na Pambansang Paligsahan sa larangan ng masining na pagkukuwento ay inanyayahan bilang isa sa mga panauhing pandangal na magpapakita ka ng masining na pagkukuwento batay sa paksang My Teacher, My Hero kaugnay sa pagdiriwang ng World Teachers Day bilang pasasalamat sa kanilang buong pusong pagtupad sa tungkulin. Tiyakin mo na itoy a)orihinal; b) malikhain; c) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap; d) makatotohanan; e) napapanahon; at f) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa. Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, naipakilala ng mga

274

manunulat na ang dula ay hindi lamang para sa napakababaw na layuning magbigay ng kaaliwan, sa halip, ito ay maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo ang mga gabay na tanong upang makabuo ng mahahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang ikaw ay makabubuo at makikibahagi sa pagtatanghal ng dula mula sa orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng isang tao/mga tao sa kasalukuyan batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e)kaangkupan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte. Mga Gabay na Tanong 1. Masasalamin ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan sa kasalukuyan? 2. Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang dula? 3. Bakit mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat?

GAWAIN 2.3.2.a: Pagkakatulad-Pagkakaiba Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa sa mga uri ng panitikan.

GAWAIN 2.3.2.b: Balik-tanawin Balikan mo ang ilan sa araling napag-aralan mo upang masagutan mo ang dayagram. PANAHON NG PANAHON NG PANAHON NG MAIKLING KUWENTO AMERIKANO KOMONWELT KASARINLAN PAMAGAT

275

PAKSA MAY AKDA PANGUNAHING TAUHAN ARAL DULA PAMAGAT PAKSA MAY -AKDA PANGUNAHING TAUHAN ARAL GAWAIN 2.3.2.c: Sang-ayon o Salungat Sagutin mo ang sumusunod na mga gabay na tanong sa tulong ng discussion web. Malalaman mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ng araling ito. Sang-ayon Salungat PANAHON NG AMERIKANO PANAHON NG KOMONWELT PANAHON NG KASARINLAN

Hanggang sa kasalukuyan nananatili pa rin ang kulturang Pilipino na masasalamin sa dulang pantanghalan mula sa Panahon ng Kasarinlan

Naging mabisang kasangkapan ng mga manunulat sa pagpapahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon, at karanasan sa Dula.

Mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.

Para sa higit na pagkakaunawa mo sa aralin, halika at kilalanin mo ang isa sa napantanyag na manunulat sa Panahon ng Kasarinlan. Pagkatapos mo siyang makilala, basahin at unawain mo muna ang kasunod na dula na isinulat niya noong Panahon ng Kasarinlan.

276

Dionisio S. Salazar Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8,1919 si Dionision Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kanyang MA). Isa siyang premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat at nailathala na tunay namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng ibat ibang parangal gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL Awardee for Drama and Literature at iba pa. Siya ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat itoy sariling atin. GAWAIN 2.3.2.d: Hinuha MoHinuha Ko

Ang

aking

hinuha

sa

pamagat

ay

_____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Basahin at unawain SINAG SA KARIMLAN ni Dionisio S. Salazar MGA TAUHAN : Tony .. Binatang bilanggo Luis .. Ang kanyang ama Erman Doming .. Mga kapwa bilanggo Bok Padre Abena Isang pari ng bilibid Miss Reyes Isang Nars Isang Tanod PANAHON: Kasalukuyan TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. ORAS: Umaga PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula Moog ng katarungan Sagisag ng Demokrasya Salaming pambudhi Palihan ng pusot diwa Waterloo ng

277

kasamaan Hamon sa pagbabagong buhay May mga maikling gayong dapat hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayut talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dakoy may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatakMay sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig. May black eye rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan sa almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka- plaster cast naman ang isang paa ni Doming Paminsan- minsay maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok . Doming Ernan Doming Ernan Doming Ernan Doming Bok Ernan Doming Bok Doming Bok Doming Tony Ernan Tony Ernan Tony Ernan Bok Tony Doming Bok Tony Ernan Bok Doming Tony : (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok. : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming. : Kelan pa kaya lalabas dito yan, a Mang Ernan? Traga malas hang.BABAYING . Ba,sino yan? . (Ingunguso si Tony.) : Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok yan dito. Kawawa naman. Duguduguan siya. : OXO seguro yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa. : At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.) : Tipaning parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.) : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa. : Si Bok naman. Konting lamig, bigan. : Hisi lang, Tsokaran. : Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat nya.(Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.) : Kilala mo siya, Bok? : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisingin ko : Ba, wag!, (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na. : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma gandang umaga senyo : Gayundin sa yo. Este, ano ngang - ? : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony hong pangalan ko. Tekayo!Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba? : Ako nga. : Nababasa kong inyong mga akda. Hanga ako senyo! : Salamat, Tony. : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba! (Mangingiting makahulugan ang lahat.) : Haharapin si Doming; malumanay) Kayo? : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas . : (Kay Tony) OXO? Sigue Sigue? Bahala na? Pawang iling ang itutugon niTony.) Beri-gud Ginsama ka a ming Batsi Gang, ha? : Salamat, Bok. Pero sawa na ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkaday heto, magdadalawang taon na ko dito sa Big House. : Mukhang makulay ang Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa min ang iyong buhay? : (Bago makapangusap si Tony) Holdit,Tony boy! Bat nagalaslas ang imong tiyan,ber? At teribol yang blakay mo. Yawa. : (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba,Tony? : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi.Nang hindi ako sumamay sinuntok ako. Mabuti kanyot nailagan kong saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundiy nasirang Tony na ko ngayon. Pero ang di nailagay yung sakyod ni Pingas Nagpatay-patayan lang ako kaya Aruy!

278

Ernan

Tony

Ernan Bok Tony Bok Doming Ernan Tony Ernan Tony Doming Bok Tony Bok Tony

Bok Tony

Ernan Tony Doming Tony Ernan Doming Tony Bok Tony Ernan Tony Ernan

: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang ibay nahuli. (Sa sarili) A,kalayaan, sa ngalan moy kay raming humahamak sa kamatayan ! (Kay Tony ) mabutit tumanggi ka, Tony, kundiy tay kung masakit yan ay saka na. : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba nang takbong Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan Malaking utang na loob ko ke Padre Abena sa aking pagbabago Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran . Me parusa sa bawat kasalanan! : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony! : (Ngingiti ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun milyun, ba. Sigi lang, adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino! : Me relihiyon ka ba, Bok? : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,yawa. : Mabuti pay way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon. : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng ibat ibang ismo, kaya di dapat pagtalunan. : Pero, Mang Ernan, bat tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisay pirming nag- aaway. : Tama yan. Ngunit ang pagtataloy dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa. : Elementarya lamang ho ang natapos ko. : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. : Ber, ber, mga pare! Yung istorya ni Tony! : Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak. : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym! : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) BuwenoAkoy buhay sa sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away sila Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako : (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba! : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siyaNaghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat Nakakahiya pero dahil sa barkaday natuto akong mandukot, mang agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville Inilipat ako dito pagkatapos Santaon na lang ang natitira sa sentensya ko A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! Mabuti namat idinistino ako ni Direktor sa ting library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng : Magaling. Ang pagbabasay nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa : Mahilig din ho akong magsulat. : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo? : Mula nang umalis siyay di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko siya nang labis. : Huwag naman. Hindi tama yan. Ang ama ay ama kailanman. : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo? : Ayoko na siyang makita pa! : Gaisip ko reliyuso ka. Bat ngani? : Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siyang dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid ng aking pagkakaganito! : Kung sabagay ay madaling sabihing lumimot at magpatawad. Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmayy walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak. : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo. : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di pagkakaroon ng anak?

279

Tony Ernan Doming Ernan Bok Tony Ernan Tony Ernan

Tony Ernan Tony Ernan Tony Ernan Tony Ernan

Bok Ernan Bok

Tony Ernan Doming Ernan Tony Ernan Tony Ernan Doming Ernan Tony Ernan Tony Ernan Bok Doming

: Biyudo kayo? : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) napaka hindi ganap ang kanilang kaligayahan. : Hilang taon na kayo, Mang Herman? : Kwarentay singko na. : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa. (Maikling tawanan.) : Gano na kayo katagal dito, tabi ? : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam nyoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang ay ligtas na ko sa pagkakabilanggo. : E bat naman kayo namultahan? : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyoy inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay. : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e. : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri Ituturing kitang parang tunay na anak. Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay Meron din kaming ilang ari-arian pag-aaralin ka namin. : Ke buti nyo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag aaralin din daw ako. Pero nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan. : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totooy walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao. : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan. : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong na nagkakaanak ng alipin. : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayot dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan. Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino nay makabayan pa. Hindi gahaman sa salapit karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang colonial mentality. : Kalunyal mantiliti? Anu yun? : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan.Wal(Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay! (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.) : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo.Yawa. (Tawanan) Pano ngani? Mi trangkaso Lumpo (Titingnan si Doming) Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.Tawanan na naman.) : Maiba ko, Mag Ernan. Bat kayo naospital? : Hindi naman. : Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata? : Isinisilang sila, Doming . Maalala ko nga pala! Di bat ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente? : Ako nga ho. : Ang binigkas mong tulay : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayong gumawa niyon. : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyoy kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula kabilang na roon ang mga sinulat ko rito. : Hanong pamagat? : Sinag Sa Karimlan. : Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag! : Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali naitataboy ang dilim! : Sanay mabasa ko yon! : Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. : (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa)Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon sa pahiwatig ni BOK) : Akoy ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubinsya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa kot matalik na kebigan hay

280

Tony Doming Ernan Bok Doming Tony Ernan Doming Bok Ernan

Bok Tony Doming Bok Doming Ernan

Tony Ernan Tony Ernan Tony Ernan Doming Tony P. Abena

Bok Tony P. Abena Tony P. Abena Tony P. Abena Tony Ernan

Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin Binaril kong traydor nang tumalon sa bintana Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos). : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon? : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga) : Nakikiramay kami sa yo, Doming . Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Itoy para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naapadrino, sabi nga ni Bok. : (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi? : Para sa hakiy siyang pinakamaganda sa ming bayan. Kinuha syang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya! : Tapat ang puso mot di nagunamgunam na ang paglililoy nasa kagandahan Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi niyon? : Si Balagtas, iho, ang Sisne ng Panginay : Hang sama, ng loob koy yung pinakamatalik ko pang kebigan hang(Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? Ikaw, Bok, binata rin? Wag kayong pakakasal sa masyadong napakaganda. : A, pwee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na A thing of beauty is a joy forever. Dahil sa kagandahay daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! . Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay! : Asan ngayon ang imong misis Dom? : Magsasama kayo uli? Paglabas mo? : Indi na. Hisinusumpa ko! : Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga? : Wala. Yung panganay namin ay namatay sa eltor. : Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siyat magbabalot ng kumot.) : Panu hu makikilala ang tapat na kebigan? : Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit. : Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? Bat nga kaya napakaraming mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gantimpala. May : nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol. : Me kunwariy nagkakawanggawa, pero saan bay ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan. : Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration pagbabagong buhay. : Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan. : Pwera bola, Doming! Malayong (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre. : Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo bang? may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka! : (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan yan, Padre tay-pa na . : Totoo pong sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin. : Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok. : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- pano po ngayon , Padre maaabsen ako sa ting klase? : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman angpinakamarunong sa lahat, a Natutuwa akot hindi ka naganyak sumama kagabi. : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa kin! Gayundin ang ke Direktor. :Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik. : Padre, ke buti-buti nyo ! Siyanga pala, si Mang Ernay ibig ding Wala raw silang anak. : (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunmay kung may usapan na kayoy Padre, kami ng maybahay koy labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang magka-anak, subalitAywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.

281

P. Abena Tony P. Abena Tony P. Abena Tony P. Abena

P. Abena Lahat Tony Ernan

Tony Ernan

Bok Tony Bok Ernan Bok Ernan

Bok Doming Tanod Tony Tanod Tony Tanod Doming Tony Tanod Tony Ernan Doming Bok

:Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin.Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa akot kayoy : Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? : Bakit hindi ? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sa yo. Pagdating naman ng araw ay kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari. : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na senyong wala na akong Tatay! : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony? : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging itoy aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig sana) Tubig! Tubig! Mamamatay na ko sa uhaw! Tubiggg! : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na yon.(Susundan ito ng alis .) : Adyos, Padre. : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral kung sakali : Sadyang mabait si Padre Abena. Sanay paris niya ang lahat ng alagad ng pananampalataya Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana. : Paumanhin ho, Mang Ernan Bukod sa makata, ano ho ban : A, akoy peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika, pangbayan, pangkultura May malaki akong aklatan magugustuhan mo . Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan nang ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatikat batang-batang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isaisa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghangat pagnanasang tinging iniuukol sa kanya lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamot sa mga may karamdaman) : (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung magaibig lang siya ngani sa akon, pero ginsama ang akon record. Yawa. : Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw Tandaan moto, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama. : Galalim man ang imong Tagalog! : Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan) : (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman.) : Pwera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sangayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming.) : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo. : Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ang dati ring tanod.) : (Sa may pintuan) Antonio Cruzada! : (Itataas ang kanang kamay) Sir! : Miron kang bisita, adding. : Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba nyo sir? : Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya. : Kuwarentay singko. : Papunta na ba rito, sir? : Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.) : (Kunut-noo) Sino kaya yon? Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon. : Baka Tatay mo na yun, Tony) : Baka naman hisang kamaghanak. : (Mapapabangon na naman) Gwapo bang imong derpa? Paris moTony?

282

Tony Ernan

Luis

Luis

Luis Tony Luis Tony Tony Luis Tony Tony

Luis Tony

Bok Tony

Luis Tony Luis Tony Luis Tony Luis

: (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pano niya malalamang narito ako? . Anim na taon! City Jail Welfareville Muntinlupa Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,Diyos ko! : Sino manyon ay may kapit siya. Kung diy di siya makatutuloy dito. Ayun! Siya na Siguro yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyang anyo na siyay dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayun may halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwat ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.) : (Madamdamin) Tony, anak ko! (Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siyat uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at black-eye niya.) : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantalay walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam) : Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang akoy makita? Pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti- unti siyang lalapitan ng ama.) : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag! : (Matigigil!) Anak, di mo ba Ako ang Tatay mo : (Palibak) Tatay? Hm, ang nakilala kong amay anim na taon nang p-p patay ! : Sayang lang ang inyong pagod! : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ko : Inuulit ko: wala na akong,, ama! . (Lilingon sa gawi ng bintana.) Mula nang iwan nyo kami dahil sa sang :(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa keriday sapin-saping hirap ang aming dinanas lalo nang aking Nanay Pati pag-aaral koy natigil Anong gagawin ko? Me sakit si Nanay Me sakit si Baby Nagkasangla-sangla kami At nang lumaoy wala nang ibig magpautang sa min Sang araw e napilitan akong Nang agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit . nang dumating ako sa - amin ay (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong : Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! U-utang na loob A-a alam ko nang lahat! : (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby Naospital si Nanay Walang ibig kumupkop sa kin Baka raw me T.B. rin ako Akoy naging kanto boy, nabarkada, hanggang Natuto ako ng ibat ibang paraan ng pagnanakaw Natikman kong matulog nang walang unan magtago sa ilalim ng tulay : (Mabilis na papatlang) Tsiken pid yan, Tony! : (Wawalaing bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ron Nang magdisiotso akoy heto Magdadalawang taon na ko rito (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluhat mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ming mag-iina kung kayoy tumupad senyong tungkulin? : H-hindi ko na hindi ko na kayo iiwan K-k kelanman ! : Pangako, hm Daling sabihin, daling sirain : Nagbalik ako upang upang pagsilbihan kayo habambuhay : (Patuya) Bat di kayo bumalik senyong magandang kerida? : (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan nya ako ang taksil! nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso Salamat sa kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip. Ngayoy : Huli na ang lahat! : Ang sakit mong magsalita, anakalam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap? At nang malaman kong narito kay nilakad kong Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ng parole.

283

Tony

: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy! Luis : Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya. Tony : Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos! Luis : (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na nya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-sama tayong muli! Tony : Mahal ko si Nanay, ngunit kayo Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo! Luis : (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging itoy nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis dangat makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling itoy nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ko, anak! Tony : (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuway walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Titigil sa may pintuan upang lingunit pagukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.) Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng ibat ibang uri ng pagsubok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay. Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar koy Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doktor(Kay Tony) Mabutiy mahiga ka. Siguroy maaampat yan. Tony : (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan. Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm tsiken pid yan. Doming : Sabagay, hakuman yang nasa lugar ni Toniy hewan ko nga ba Bok : Bilib gid ako sa imo Gas-mati ka. Y-y-yeba! . Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sanay Tony : Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)Pagkaganda ganda nga ng Panalangin ni San Francisco Bathala, gawin Ninyo akong kasangkapan Kung saan may galit Ernan : (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagiy yung Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran Tony : (Mabilis) Mang Ernan Madali ngang sabihing Lumimot at magpatawad, ano ho? Pero, ar ruyyy (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.) Ernan : (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony!(Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag nyung doktor! O nars! Madali kayo! Bok : Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals wals yan! Doming : (Patikudtikod na lalabas subalit doon pay sisigaw na) Nars! Nars! Narrsss!(Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis.Walang imik silang magmamasid.) Nars : Sariwa pang sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang maggagalaw ha, Tony? Tony : Paglabas ko ritoy pupunta ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala! Nars : Sabi nat puwera muna ang salita. Pag sinuway mo koy Sige ka, hm Tony : Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)

284

Nars Tony P. Abena Tony Bok P. Abena Tony

Nars Tony Nars P. Abena

: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pagalis.) : Maraming salamat, L-Ly Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iyan matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.) : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes . Mabait at masipag ang batang yan. Paris mo : Siya nga po ang babaing handa kong : (Makahulugan ang ngiti) tingin koy ayos na Silang dalwa, Padre. : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay moy nagkita kami. nakiusap siyang : Malilimutan ang lahat; mapapabagong biglat puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony. Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hiningat mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit. Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.) : Tony, di bat sabi ko sayoy huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo? : Patawarin mo ko, Ly est, Miss Reyes. : (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uliy.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan. :(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad.(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit sa bunsong ngayoy nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siyay untiunting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayoy may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-matay mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labit mapapatungo ng marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)

GAWAIN 2.3.2.e: Kasingkahulugan(Talasalitaan) Basahin ang mga pariralang hango sa dula. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin sa ang kasingkahulugan ng mga ito at gamitin sa sariling pangungusap. 1. nagbakbakan naman seguro. Pangungusap:_________________________________________________________________ 2. masyadong kontrobersiyal Pangungusap:_________________________________________________________________ 3. nalalambungan ng dilim. Pangungusap:_________________________________________________________________ 4. paglililoy nasa kagandahan Pangungusap:_________________________________________________________________ 5. walang pagkukunwari Pangungusap:_________________________________________________________________

naglabanan pagpapanggap pagtataksil natatakpan nakakubli Mainit na pinaguusapan

GAWAIN 2.3.2.f: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

285

Bilang pagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong/gawain. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 1. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin at paniniwala ng mga tauhan sa dulang iyong binasa. Gawin mong batayan ang kasunod na tsart. Mga Tauhan Tony PAGKILOS PANANALITA PANINIWALA SALOOBIN

Ernan

Doming

Bok

2. 3. 4. 5.

May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag. Halimbawang nagkamali ka, paano mo ito maitutuwid? Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa batas? Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya? 6. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? NOON KALAGAYANG PANLIPUNAN NGAYON

7. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita sa katangian ng isang dula.

286

8. Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang kapwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit?Isulat sa papel ang sagot. 9. Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat sa panahong ito ang Dula sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan? 10. Anong uri ng Dula ang iyong binasa? Ilahad ang mga katangian nito. URI NG DULA MGA KATANGIAN

11. Tukuyin ang nais sabihin ng may-akda. Punan ang tsart. Sa Sarili Sa Ibang Tao

Sa Lipunang Ginagalawan

Basahin mo ang kasunod na karagdagang mga impormasyon tungkol sa dula at pagkatapos gawin mo ang kasunod na mga gawain.

Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin at humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa sa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan. Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng mga sangkap na nagpapatingkad dito kung kayat nararapat lamang na ang isang dula ay hindi magkulang ng sangkap sapagkat ito ang nagsisilbing haligi nito upang lalong makatayo nang buong husay at makulay. Ito rin ang nagdudulot ng kawilihan sa mga manonood. a) Tanghalan-lugar- kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal; b) iskrip- itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip; c) aktor- gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula, sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood; d) direktor- nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip; e) manonood- mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal; f) eksena- ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa dula.

Samantala, kaugnay nito ang pagiging interaktibo ng tao sa pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o napanood, narinig at nabasa. Sa pagbibigay ng tiyak na

287

reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagsalungat. Basahin ang mga impormasyon tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.

Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami. Halimbawa: *Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng iniisip. Ganyan din ang palagay ko. Oo. Tunay *Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit. Ikinalulungkot ko ngunit. Nauuwaan kita subalit. Bakit di natin. Ayaw

GAWAIN 2.3.2.i: Reaksiyon 1 / 1 Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula. a.Pananaw ni Mang Ernan sa buhay b.Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama c.Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony d.Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis

GAWAIN 2.3.2.j: Ilahad Mo, Opinyon Mo Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil dito. Gumamit ng mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat at salungguhitan ang mga ito. Sa tulong ng debate, ilahad ang iyong opinyon sa sumusunod na paksa. a. Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at dula. b. Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng indibidwal na nakukulong c. Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki GAWAIN 2.3.2.k: Sumasang-ayonSumasalungat Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa mga ito? Lagyan ng tsek ( / ) ang kahong katapat ng iyong sagot at saka ipahayag ang iyong pangangatuwiran sa patlang. a. Ang pagpapatawad ay mahirap gawin. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _______________________________________________ ___________________________________________________________________________________ b. Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang relihiyon. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _____________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ c. Ang tao ay sumasama dahil sa kaniyang kapwa. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _____________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

288

GAWAIN 2.3.2.l: Halaga ng Wika Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat? Pangatuwiranan.

GAWAIN 2.3.2.m: IlahadPananaw Mo Ilahad ang iyong pananaw sa tanong na nasa loob ng bilog

Masasalamin pa ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan sa


Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang pagsulat ng Dula?

Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat

GAWAIN 2.3.2.n: Bisa sa Isip, Damdamin, Kaasalan Buuin ang pahayag batay sa bisang pangkaisipan, bisang pandamdamin at bisang pangkaasalan buhat sa dulang napag-aralan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

289

GAWAIN 2.3.2.o: Buhay Ko, Buhay Mo Sa Likod ng Iskrip Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-worksyap tungkol sa Dula at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon. Isa sa bahagi ng naturang seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Ilipat Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa dalawang aralin. Tatayain ito sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.

Ikaw ay opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng inyong barangay na naimbitahang maging panauhing tagapagsalita sa gaganaping programa para sa Foundation Day ng iyong lungsod. Layunin mong makapaghatid sa kanilang kaalaman tungkol sa kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay na katatapos lamang tanghalin bilang Most Outstanding Barangay ng Taon. Gagamitin mo bilang presentasyon sa inyong pagsasalita ang photo documentary na naglalarawan ng kalagayan ng kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay sa kasalukuyan. Tiyakin mo na itoy a)orihinal/awtentiko; b) malikhain; c) makabuluhan ang mensahe; d) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari at larawan; d) nagtataglay ng elemento ng masining na pagkukuwento; e) masining; at f) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa.
Pangwakas na Pagtataya (Panahon ng Kasarinlan) Ano ang nalaman o natutuhan mo sa ating aralin? Ilahad ang naramdaman matapos itong Matapos matalakay ang aralin, NALAMAN KO NA: matalakay.

1. 2. 3. 4.

290

Nakadama ako ng _____________________________________matapos mailahad ang aralin dahil: 1. 2. 3. 4.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN Ngayon subukin natin kung talagang naunawaan mo ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais kong matandaan mo. Masasagot mo na nang tama kung bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa ibat ibang panahon? Tunay ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? 1. Ibigay ang konseptong inilalahad ng graphic organizer. Pag-aralan mo ito nang mabuti. Ang Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan (batay sa paksa, tema, layunin ng manunulat at uri ng akdang pampanitikan)

Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad

Ang pagkakaiba ng Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay

Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad

Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa mga panahong ito?

291

3. Nakatulong ba ang panitikan upang maging daan ng pagpapahayag ng saloobin, opinyon at katuwiran? 4. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling ating tinalakay? Sagutin ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag na nakasulat sa Speech Balloon. Gawin sa papel. Pagkatapos kong pag-aralan ang mga akdang pampanitikan na sumibol at umusbong sa tatlong panahon, napag-alaman kong ___________________________________________________ ___________________________________________________ . Naramdaman kong ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ . Dahil dito, naunawaan ko ang kahalagahan ng ___________________________________________________ ILIPAT ___________________________________________________ Unawain mong mabuti ang sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain. _____________________________kaya_________________ Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay ang pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan ng trabaho. Kaya naman patuloy ___________________________________________________ sa pagbuo ng ibat ibang programa ang Departamento ng Turismo upang higit na ___________________________________________________ maipagmalaki ang kulturang Pilipino sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. Bilang tagapangulo ng __. departamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya, layunin mo na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na bumuo at itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nagpapatunay na Its More Fun in the Philippines . Sa nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang Pilipino na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sa pananaliksik; b)makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sa paksa; f)napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang video presentation.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Modyul 2) Pangkalahatang Panuto 1.Basahing mabuti ang bawat panuto sa pagsusulit. 2.Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 3.Basahin at balikang muli ang mga tanong at ang iyong naging sagot upang matiyak na nasagot mo ang lahat ng katanungan at mapag-aralang muli ang iyong mga naging kasagutan. Simulan mo na ang pagsagot. 1. Sino ang tinaguriang ama ng maikling kuwento? a. Rogelio R. Sikat b. Deogracias A. Rosario c. Narciso Reyes d. Liwayway Arceo 2. Paano lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt? a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag naPanitikan. b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista 3.Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na pagsasalaysay ng isang sanay. a. Salaysay b. komposisyon c. talumpati d. sanaysay 4.Bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa? a. Malayo ito sa damdamin ng madla c. Dahil nagmula ito sa ibang bansa. b. Napakahirap nitong gawin. d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 5.Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang tuluyan? a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban. b. Mayroon itong isahang yugto.

292

c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining. d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw. 6. Anong bahagi ng kuwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa? a.kakintalan b.kasukdulan c.kakalasan d.wakas 7. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais iparating ng mga manunulat sa Maikling kuwento? a. simbolismo b. Pahiwatig c. Kakintalan d. larawang-diwa Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. Bago tayo magsimulay akin munang ninanais Na batiin kayong ditoy naliliping matahimik. Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang taoy nabubuhay na may layot panaginip; Datapuwat sa ano mang hangad nilat iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsay ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, Kaya naman ibat iba ang wakas na nasasapit. 8.Anong uri ng tulang patnigan ang binasa? a. Balagtasan b. Duplo c. Karagatan d. Batutian 9. Sino kaya ang nagsasalita sa hinangong akda? a. May-akda b. Lakandiwa c. Mambabalagtas 1 d. Mambabalagtas 2 9. Anong sukat mayroon ang akda? a. Wawaluhin b. lalabindalawahin c. lalabing-animin d. lalabingwaluhin 10. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? a. kalakasan at kahinaan c. pag-aaral o pag-ibig b. kayamanan at karalitaan d. puso at isip Tony P. Abena :Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama- amahan? :Bakit hindi? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sayo. Pagdating naman ng araw aymagugustuhan din ng tatay mo ang mangyayari. Tony :(Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay! P.Abena :Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlangA, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony? Tony :Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. P. Abena :Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong Maggagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging itoy aalingawngaw ang isang Malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik Ang lahat at makikinig sa narinig Tubig! Tubig! Mamamatay na ko sa Uhaw! Tubig!) P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na yon (Susundan ito ng alis) Lahat : Adyos, Padre. Tony : (Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya. Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral kung sakali.
Halaw sa akdang Sinag sa Karimlan ni Dionisio S. Salazar
Hango sa Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig oang Isip at Katuwiran? ni Bartolome del Valle

11. Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay! ang pahayag na ito ni Tony ay nagpapahiwatig ng _______________. a. pagngingitngit ni Tony saay ama pagtatampo Tony ke Padre Abena Ilang dantaong tayo napasakamay ng c. mga dayuhan.ni Naghirap at nagtiis. Ngayon, b. pagkagalit ni Tony sa kalagayan niya d. pagkainis ni Tony sa pangalang napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit malayabinanggit na nga ba 12. Ang pandiwang salungguhit sa pangungusap na Diyan nga muna kayo titingnan ko lang tayo? Unangmay hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng at mga mananakop. kung sino ang napagibik na yon. ay noon, nasa aspektong_____________ Masidhing kirot ang dumapo sa iyo at naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang a. perpektibo b. Kontemplatibo d. pinaranas perpektibong katatapos dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa c. saImperpektibo sarili mong bayan, ng kalupitan, 14. Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming mga tauhan sa loob ng isang at paulit-ulit na pinapatay. Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. dula. a.usapan b.diyalogo c.salitaan d.eksena Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, ang pangalawang hampas. Muling bumahid sa 15. Sino ang kinikilalang bida ikalawang sa isang akdang iyong katawan ang latay, latay pampanitikan? na sa buong akala moy di na masusundan. Pinilit ka pa a. antagonista b. Ekstra c. ang Kontrabida d. iyong protagonista nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan inihandog sa yo ng Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya 293 lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. Mula sa Latay ng Kahapon ni Buenaventura S. Medina Jr.

16.Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda? a. Politico b. mananakop c. kahirapan d. pagpapahayag ng saloobin. 17. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit? a. Bilangguan b. kalayaan c. sakit sa katawan d. kadena 18. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. d. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 20. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala sa mga Pilipino? a. dahil sa pagpipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-Bayan na malaon nang ginagamit b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari 21. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad

IKATLONG MARKAHAN

MODYUL 3: REPLEKSIYON NG KASALUKUYANTUNGO SA KINABUKASAN


Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang: Aralin 3.1: makapagbabahagi ng mga babasahing popular na sumasalamin sa kultura at tradisyon sa kasalukuyang panahon; Aralin 3.2: makalilikha ng isang akdang naglalahad ng sariling pananaw batay sa pamantayan ng isang mapanagutang mamamahayag; Aralin 3.3: makapagpapamalas ng pag-unawa sa estilo, mekanismo at kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong pampelikula bilang midyum sa pagbabagong panlipunan. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pagaaralan.

REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN TUNGO SA KINABUKASAN

Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na mga Babasahin Pahayagan(tabloid) Komiks Magasin

294

Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika

Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Komentaryong Panradyo Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, gawin mo ang sumusunod na gabay. 11. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul. 12. Sikaping makasunod sa mga direksiyon/panuto ng mga gawain. 13. Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi mo gaanong maunawaan. 14. Balikan ang mga bahaging hindi mo gaanong naintindihan. Gawin itong gabay sa mga bahagi ng aralin na dapat pang paglaanan ng oras sa pag-aaral. 15. Magsaliksik. Tumuklas pa ng karagdagang kaalaman na makatutulong sa lalong pag-unawa sa modyul na ito. PANIMULANG PAGTATAYA Teksto A. (1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito siyay aming pinasasalamatan. (4) Sanay marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral ang mahasikan niya ng karunungan. 1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap bilang- a. 1 b. 2 c. 3 d. 4 2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________. a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan 3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________. a. manghikayat b. magpaliwanag c. magbigay-parangal d. magbigay-kaalaman Teksto B

Tanaga ng Sakada Jayson Alvar Cruz Tahan ka saking silid apuhapin ang sakit nang naglatag na sugat, sa banig, mutyang papag. Doo'y lasapin kata nawaglit na gunita usapin sa ting lupa, limot na alaala. Halikan mo ang langib, sugat sa aking dibdib. Haplusin mo ang hapdi. Isip, namimighati.
4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan sa tula? a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta. c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa d. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal. 5. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumulutang sa tula? a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikapagtatagumpay ng anumang layunin. b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin

Halikat manibasib sa katas ay sumipsip. Nang panawan nglakas, katwang nais lumikas. Pagsaluhan na kata Utopia ng ideya. Nang lumagpak na sila, sa ting mga haraya.

295

c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan. d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan. Teksto C. Sa pelikula man o sa telebisyon, ibat ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa ibat ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pangekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan. Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan. 16. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal? a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan. b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin. c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao. d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman. 17. Ano ang kahulugan ng pahayag na hindi mapasusubalian ayon sa pagkakagamit sa akda? a. walang masyadong iniisip c. walang katotohanan b. hindi mapasisinungalingan d. hindi angkop sa sitwasyon 18. Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko. Ano ang mahihinuha sa pahayag? a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko. b.Kakaunti lamang ang suliraning umiiral. c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin. d.Wala namang dapat masyadong ipag-alala. 19. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________. a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema 20. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata? a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan. b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan. c. Maging isang lider upang maging sikat. d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa. Teksto D

Komentarista 1 : Senado, partner! Komentarista 2:

Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa

Tama ka dyan! Mukhang nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas na yan! Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na yan eh. Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak dahil dito. Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho. Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga re-electionist na senador na bumoto laban sa bill na yan! Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksyon! 21. Alin sa sumusunod ang maituturing Komentaista 2: Tumpak! na negatibong pahayag?
a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado. b. Tama ka dyan! Nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY! c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill.

296

22.

23. 24. 25.

26.

27. 28.

29.

30.

d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo? a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak b. Pagpasa sa Sin Tax Bill c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal? a. Pati na rin b. Dahil dito c. Ayon kay d. Kaya naman Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill . Ano ang angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag? a. upang b. Dahil sa c. nang sa gayon d. Kung Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon? a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado. b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill. c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill. d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam? a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon. b. Maging malinaw sa pagtatanong. c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin. d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media? a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon b. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan? a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan. b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid. c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito. d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na opinyon sa pahayag? a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo. b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na eleksiyon. c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas. d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________. a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila Mga Bugtong: c. manood palagi ng mga dokumentaryo d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran
1

Pinipilahan ng mga manonood, Sa pinilakang tabing itoy itinatampok! Alam mo ba ang ibat ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi puno ng panitikang popular? 2 Kahong ng Batid mo rin ba ang ibat ibang midyum na ginagamit upang maipahatid ang mga ito sa higit na makukulay na larawan at nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat usapan ng mga tauhan. Tunay mo ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle. na kinagigiliwan ng kabataan! T M D 6 3 Kuwadradong . elektronikon L 3 kagamitan.Tampok ay ibat . ibang palabas na kinaaaliwan! 1P 4 Sa isang click lang . mundong itoy mapapasok na B para mag- Fb, Twitter o magsaliksik pa. 5 Musikat balita ay mapapakinggan na. Sa isang T galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa! G 7 6 Maliit na diyaryong . inilalako sa daan; balita, tsismis at iba paang laman. 297 7 Pabalat nitoy may larawan pang sikat na artista. Nilalamay mga artikulong 4 5 2 . . GAWAIN 1: . BUGTUNGAN, DUGTUNGAN!

paksa.

Alam mo ba na... May ibat ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at ibat ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon.
GAWAIN 2: ALIN, ALIN ANG PAGKAKAIBA? Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga nabanggit na panitikang popular sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba ng mga ito sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin naman nating isa-isahin ang mga katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng kasunod na gawain . Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum na ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan.

Tradisyunal na Panitikan Paksang Tinatalakay

Panitikang Popular

Wikang Ginagamit

Paraan/Midyum sa Paghahatid

ARALIN 3.1:

Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular


298

Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin (Tekstuwal Analisis) Pahayagan(tabloid)/broad sheet

Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika Pormal Di-pormal Balbal Konseptuwal na Balangkas Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang iyong mga gawain:

Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Panitikan: Mga Popular na Babasahin Pahayagan (tabloid/ broad sheet) Komiks Magasin Wika: Antas ng Wika Pormal Di-pormal Balbal

Produkto/Pagganap: Literary Folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng barangay.


Panimulang Pagtataya Crossword Puzzle Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa pagsagot. Gabay sa Pagsagot 1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa) 2. Pahayagan ng masa. (pahalang) 3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang) 4. Makulay na babasahin na hitik sa ibat ibang impormasyon (pahalang)

GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo. Pagkatapos, iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat

299

Broadsheet ___ Inquirer ___ Manila Bulletin ___ Philippine Star ___ Business Mirror ___ Manila Times Tabloid ___ Abante ___ Taliba ___ Pilipino Mirror ___ Pilipino Star Ngayon ___ Tempo

___ Aliwan ___ Pantastik ___ Halakhak ___ Pugad Baboy ___ Super ___ Manhwa Korean Comics ___ Archie ___ Marvel ___ Japanese Manga ___ Captain America

___ Liwayway ___ Yes! ___ FHM ___ Candy ___ T3 ___ Mens Health ___ Metro ___ Entrepreneur ___ Cosmopolitan ___ Good Housekeeping

___ Mga Aklat ni Bob Ong ___ Florante at Laura ___ Noli Me Tangere ___ Mga Aklat ni Eros Atalia ___ AklatKalipunan ng mga Tula ___ Teksbuk ___ HorrorBooks ___ Antolohiya ng Maikling Kuwento ___ Kalipunan ng Dagling Katha ___ Bibliya

RANGGONG AYOS Pahayagan (tabloid/ broad sheet) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli

LEYENDA 1 ------------------------------------- Pinakapopular sa akin 2 ------------------------------------- Popular sa akin 3 ------------------------------------- Di-masyadong popular sa akin 4 ------------------------------------- Hindi popular sa akin

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon.

Sa aling palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay _________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________ ___________________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil ______________ ___________________________________________________________________
Ngayoy naunawaan ko na, _______________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Nabago ang aking paniniwala sa __________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________

Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid. PAHAYAGAN (tabloid) Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-arawaraw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanmay hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

300

Tabloid: Isang Pagsusuri William Rodriguez II Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito. Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita? Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-circulate sa bansa. GAWAIN 3.1.c: Listing Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at broadsheet? Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula sa artikulo. Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag 1. 2. 3. 4. 5.

Mga Gabay na Tanong: 1.Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa broadsheet? 2.Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan? Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na babasahing tabloid, dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng kabataang tulad mo ang komiks. KOMIKS Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.
KuwadroNaglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame) Larawang guhit ng mga tauhan sa Kahon ng kuwento SalaysayPinagsusulatan ng maikling salaysay

Pamagat ng kuwento

301

Isinulat ni Carlo J. Caparas. Mula sa Komiklopedia.wordpress. com.

Lobo ng usapanPinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may ibat ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigayaliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon. Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Mga larawan mula sa Philippine Online Chronicles

Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing " Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya. Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950. Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nio at iba pa. Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa ibat ibang anyo ng paglilibang. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba. Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino

302

hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks. Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na makipagsabayan sa buong daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, hindi ka ba naaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang kasanayan sa larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan.

GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo ka ng isang kuwento.
Isang araw, ipinakita at ikinuwento ng lola ni Cyrus ang mga sumikat na komiks noon na siya ang isa sa mga dibuhista nito.

Mga Gabay na Tanong:


Wakas.

Mga Gabay na Tanong 1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks? 2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? MAGASIN Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela. Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang ibat ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa. 1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. 2. Cosmopolitan Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan. 3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay. 4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa. 5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

303

6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. 7. Mens Health Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan. 8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga ng mga gadget. 9. Entrepreneur Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamitin mong gabay sa pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Pamagat:_______________________________________ Mga Natuklasan sa Naunang Binasang Pananaliksik Mga Natuklasan sa Isinagawang Pananaliksik

KONGKLUSYON

Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isat isa? 2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan? KONTEMPORARYONG DAGLI Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.

304

Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Espaol dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig. Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang Ang Dagling Tagalog: 1903-1936 ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano. Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media). ANG DAGLI SA KASALUKUYAN Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan. Noong 2007, lumabas ang antolohiyang Mga Kwentong Paspasan na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang samut saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika. Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng bansa. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at protofiction o micro-fiction sa Ingles. Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila. "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig. "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932) Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang Mga Kuwentong Paspasan, na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag-uusap ay naisulat at nailathala ang aklat na Kislap ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi hihigit sa 150 salita. Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa 116 na salita. HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. (Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)

305

Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan naman ito ng pagkakalathala ng Wag Lang Di Makaraos ni Eros Atalia na kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala. Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang Pilipino Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011. SKYFAKES Eros Atalia (Sangguniin ang aklat na WAG LANG DI MAKARAOS na inilathala ng Visual Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha) Mga Gabay na Tanong/Gawain 1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng binasang teksto.

Layunin ng Naunang mga Dagling Katha Mga Unang Katawagan

Mga Katangian ng Naunang Dagling Katha

KONTEMPORARYON G DAGLI Internasiyonal na Pag-aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli

Lokal na Pagaaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli

2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon, estilo, at gamit ng mga salita.

HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. Paano Nagkakatulad?

SKYFAKES EROS ATALIA

Paano Nagkaiba? 306

3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig.

HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. Kaisipan:

SKYFAKES EROS ATALIA Kaisipan:

1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig:

1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig:

4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na kaalaman, at tanong nasa iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa aralin. 3-2-1 CHART 3. Mga Natuklasan

2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman

1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan

5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala, pagbabago sa sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa nakararami. 1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili

6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda? 7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika. Sino ang gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na wika? GAWAIN 3.1.f: Pahina ng Pagkilala (Pagbasa o Pakikinig) Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng manunulat.

307

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad (pabula) Jayson Alvar Cruz Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at ikinikilios ni Mokong Talangka. Hindi siya palakibo at madalas na hindi nakikihalubilo sa iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang siyang natatanawan sa kaniyang bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan, isang batang talangka ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa maliit na butas sa dingding ng bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking pagtataka ng batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si Mokong Talangka. Batid ng lahat sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong Talangka. Ang pagtatakang ito ng batang talangka ay napalitan ng pagkatulala at pagkagulat sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo nitong sarili habang nakaharap sa salamin. At ang lalong ikinagimbal ng batang talangka ay nang makita nito ang kakaibang paglakad ni Mokong Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi patagilid kagaya ng ibang talangka sa kanilang baryo. Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay matapos na ipagkalat ito ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na talangka sa baryo. Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa kakaibang paraan ng paglakad ni Mokong Talangka. Nababaliw na siguro si Mokong, palibhasay hindi sumasali sa mga usap-usapan dito sa ating baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga aklat, wika ng isa sa mga purok lider na nasa umpukan. Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait, pambubuska ng isa pang talangka. Laking gulat ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng pinto si Mokong Talangka. Tila patungo ito sa kanilang kinaroroonan. Nagulat ang karamihan nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong at hindi patagilid. Ako ba ang pinag-uusapan ninyo? Tanong ni Mokong sa mga naroong lider talangka sa kanilang baryo. Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan namin? Pagtataray ng isang babaeng talangka. Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa akin. Akoy walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na makapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan nyo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon. Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka. Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka sa kanyang bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na ni Mokong ang pinto ng bahay nito. Hu, ang akala moy kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. Siya lang ang mahusay. Galit na winika ng isang purok lider na talangka. At may sinasabi-sabi pang mabutit may nagkainteres sa kaniyang ginagawa. Walang may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili niya lamang, inis na tinig ng isa pang purok lider na talangka. Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. Naisip bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga nasasakupan? Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa butas ng bahay ni Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran ay may kung sino ang kumalabit dito. Si Mokong Talangka. Nagimbal sa kahihiyan si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang talangka. Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay. Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong talangka. Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong-patong sa maliit na mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin din ang nakasubong papel sa makinilya ni Mokong talangka. Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang maiibigan mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan. Marahang alok ni Mokong talangka. Talaga po! Ang bait nyo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo dahil wala kayong kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang ko,

308

huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw kayo. Sunod-sunod na nawika ni Tikang. Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama subalit paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan? Sinubukan ko na dati na makipag-usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa anumang pagtitipon at pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga talangka sa baryo Talangkukay, paliwanag ni Mokong talangka. Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng paglalakad? pag-uusisa ni Tikang. Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko sa asal nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan kapag may dumarating na panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na isang talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-aralan ko ang lumakad nang paharap at hindi patagilid. Dugtong ni Mokong Talangka. Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si Mokong at sinabing mali ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang sinasabing nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at agad na pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong. Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko. Tinuturuang magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang iyan. Galit na wika ng ama ni Tikang. Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito! Sigaw ng ina ni Tikang. Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng bahay ni Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan. Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo! Sigaw ng isang purok lider. Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na talangka ay naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab sapagkat napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka sa baryo Talangkukay maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay naiba ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang kasama. Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang talangka ang umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa naman si Mokong nang makita niya si Tikang gayundin naman ang batang talangka. Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng paglalakad ninyo, nawika ni Tikang. Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit sa kalooban. Marahang tugon ni Mokong Talangka. GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK. Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame.

Ang Katibayan ng Pagpapahalaga


Inihahandog para sa akdang

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad

(pabula)

309

Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa _____________________ _______________________________________________________. Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na ________________________________________________________ __ Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Mga Gabay na Tanong 1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda. 2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan. 3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. Alam mo ba Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ Lalawiganin 4. Teknikal at 5. Masining Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at balbal na antas ng wika. ANTAS NG WIKA Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Dipormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal. Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal at ang Balbal 1. Pormal Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal. 2. Di-Pormal Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na ako at mo. Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng dinrin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipagusap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung itoy hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit. GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng ibat ibang uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at mapanagutang gamit ng wika (pormal). ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA Jayson Alvar Cruz Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.

310

BOYET: TIYO:

Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng kalat. Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa Maynila? Halikat ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng bahay. Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang pangkat ng mga kabataan. BINATILYO 1: Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo! BINATILYO 2: Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-jam ako kahit konti. BINATILYO 3: Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na ko eh. BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-mayay biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng dalagitang estudyante. Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin. TIYO: Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo na sila. BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya tayo. TIYO: Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito. BABAE 1: Boss, short time? 500 lang. TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) Hindi, ipinapasyal ko lamang ang pamangkin ko. BOYET: Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang pananamit? TIYO: Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila. Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis.tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet. BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon palakihin ang mga pinsan ko? TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko, wala akong magawa Boyet, wala.

Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang nauunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa araling ito. Gaya ng ating napag-usapan sa unahang bahagi subukin mong humalaw ng ibat ibang akda gamit ang malikhain at mapanagutang wika (pormal) mula sa mga pangyayari sa diyalogo batay sa hinihingi ng mga kahon sa ibaba: Gumamit ng ibang papel sa bahaging ito. BALITA Artikulo (Sanaysay)

KOMIKS

DAGLING KATHA (Hanggang 150 salita)

311

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon.

Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay ____________________________________________________ ______________________________________________________________ Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng _____ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil _________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
Ngayoy naunawaan ko na, _______________________________________ _____________________________________________________________ ______________________________________________________________ Nabago ang aking paniniwala sa __________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG LITERARY FOLIO Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayo ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isaalangalang sa paggawa nito. 1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ngpabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan. Halimbawa:
Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales Lungsod ng Mandaluyong KALSADA-PASADA (Mga Akdang Napulot sa Kalsada) Literary Folio 2012

2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi ng inyong literary folio.

312

3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan. 4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng ibat ibang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit. Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod na pamantayan. Mga Pamantayan A. Malikhain B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap) C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan) D. Pormal at responsable ang gamit ng wika E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas) 5 4 3 2 1

LEYENDA 20 25...Napakahusay 15 20 . Mahusay 10 15 . Katamtamang Husay 5 10 . Hindi mahusay 0 5 .. Nangangailangan ng rebisyon

Pangwakas na Pagtataya Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. ___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. ___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita. ___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. ___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-araw na usapan. ___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit.

Aralin 3.2: Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
A. Panitikan: B. Wika: Komentaryong Panradyo/Dokumentaryong Pantelebisyon Mga Ekspresiyong Nagpapakilala ng Konsepto ng Pananaw/ Mga Ekspresiyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal

313

Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

RADYO

TELEBISYON

Panitikan: Komentaryong Panradyo Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Konsepto ng Pananaw

Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal

Dokumentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon

Panimulang Pagtataya Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. 1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili. 2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid. 3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man o sa nayon. 4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami. 5. Maaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon. T L E L E O E M J I C M L N O R A A E H S A C R B I H B R I I E I A I C S A D L S A Y Y I I T R O O E T Y R N A T A S O M U S I K A V M U S A K

314

GAWAIN 3.2.a: Paborito Ko! Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo pinanonood o pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit.

Paboritong Palabas sa Telebisyon: ____________________________________________ ____________________________________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ Paboritong programa sa Radyo: __________________________ __________________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:

__________________________ __________________________

GAWAIN 3.1.b: Alam Ko Yan! Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo na, nais mong malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin mo naman ang huling hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito upang iyong maitala ang mga kaisipang iyong natutuhan.

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

Ano ang ALAM ko na?

Ano ang NAIS kong MALAMAN?

Paano ko ito MATUTUTUHAN?

Ano ang aking NATUTUHAN?

315

GAWAIN 3.2.c: RADYOrific Ang Hatid Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag.

naghahatid ng musika

nagpapahatid ng mga panawagan nagpapalabas ng pelikula

nagpalabas ng variety show nagpapalabas ng teledrama nagpapakilala ng isang produkto nakikinig ng mga awit

naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan

naghahatid ng napapanahong balita

nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa

Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap panitikang popular? Ipaliwanag.

Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular? Ipaliwanag.
K Ano ang alam mo na? W Ano ang nais mong malaman? H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan?

Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat. Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

316

Announcer: Roel: Macky: Roel: Macky: Roel: Macky: Roel: Macky: Roel: Macky: Roel: Macky: Roel:

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI) Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo. Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga partner! Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado. Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ayFreedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit ! Sinabi mo pa, partner! Ano ba talaga yang FOI na yan partner? Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno. Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon! Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi bat dapat naman talaga na walang itinatago yang mga politikong yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan. Sa isang banda kasi partner maaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal. Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTaada III, pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura. Naku! Naloko na! Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa: http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Gabay na Tanong Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?

GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang negatibo.

317

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa mga link sa loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.
http://www.tv5.com.ph/ click radyo5

http://www.interaksyon.com/article/42031/teodoro-l--locsin-jr-tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-s14674/ radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92-3-newsfm-online/

Para sa mga walang Internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa anomang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media. Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapinmong magtala ng ibat ibang detalye tungkol sa: 1) Pamagat ng paksang tinalakay; 2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang iyong napakinggan? 2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista? 3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN Magsaliksik ng mga impormasyon Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa
KUWENTUHANG MEDIA Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012 Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona. Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris Jun Icban; Butch Raquel, GMA vice president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; exGraphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.

318

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal. Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc. Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin. Mga Gabay na Tanong 1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan? 2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye? 3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan? GAWAIN 3.2.f: Radyopormasyon Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Mga nagpapahayag ng impormasyon Mga pahayag ng mga personalidad Sariling pananaw GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag nakonsepto ng pananaw. Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media, Hanapin ang mga salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw.

Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw. 1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

319

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito. 2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa: Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.
GAWAIN 8: RADYOMENTARYONG MAKABAGO Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L. K W H L Gumawa ng isang komentaryong tumatalakay sa isang napapanahong isyu gaya ng Cyber Bullying, Child Protection Policy at Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa. Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan. 1. Isang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw. 2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw. Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ay inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang award winning radio broadcaster/ komentarista na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kanyang ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Interact Club. NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO Pamantayan Napakahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula Kabuuang 4 3 2 1 Marka

320

Masaklaw na paglalahad ng napapanahong impormasyon

Masining at maingat na paggamit ng wika

Komprehensi bo at makabuluhan ang napapanahong mga impormasyon g inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Natatangi ang paggamit ng wika ng kabataan nang higit pa sa inaasahang pamamaraan sa materyal. Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa husay ng pagtatagpitagpi ng mga elemento nito.

Masaklaw, makabuluha n at napapanaho n ang mga impormasyo ng inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa kabuuang pagpapahaya g sa nabuong materyal. Taglay ang lahat ng kailangang elemento sa mabisang pagbuo ng materyal. Naipapamal as ang kahusayan sa teknikal na pagganap. Malinaw at kapakipakinabang para sa lahat ang inilahad na rekomendas yon.

Makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok ngunit may mga detalyeng hindi nailahad na higit na makatutulong sa pagtatanghal Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal.

May makabuluhan at napapanahong mga impormasyong inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok ngunit limitado ang mga ito. Masining na ginamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal ngunit hindi maingat ang paggamit. Naipamalas sa materyal ang minimal na antas ng pagtatagpi-tagpi ng elemento at teknikal na pagganap.

Mahusay na aspetong teknikal

Taglay ang mga susing elemento sa mabisang pagbuo ng materyal at naipamalas ang angkop na teknikal na pagganap.

Pagkapraktika l ng rekomendasyo n

Ang mga inilahad na rekomendasyo n ay nagmumungk ahi ng kaisipang pangmatagala n sa kamalayan ng madla

Makabuluhan ang karamihan sa inilahad na rekomendasyon.

May mga rekomendasyon g inilahad ngunit hindi malinaw ang inimumungkahi ng mga kaisipan.

Kabuuang Marka Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay?

SAGOT:

321

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa. Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan? Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan. GAWAIN 3.2.1: Paborito Kong Palabas! Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung bakit.

Weekend Getaway TV Patrol

XXX

Talentadong Pinoy Rated K

ART Angel

Matanglawin

TV Patrol

Umagang Kay Ganda Tween Hearts

i - Witness

GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang programang pantelebisyon. PAMAGAT NG PROGRAMA DAHILAN KUNG BAKIT PINANONOOD

322

GAWAIN 3.2.k: Telembistiga Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila. INVESTIGATIVE
DOCUMENTARIES

STORYLINE

S. O. C. O.

KRUSADA

REPORTERS NOTEBOOK

REEL TIME

Mga Gabay na Tanong 1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit? 3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa? 4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang isang malaking impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan. GAWAIN 3.2.l: Teleisipan ng Buhay Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong PAGPAG FOR SALE SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa youtube. http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related.Kung wala namay basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon. Sa Gitna ng Dilim ni MiL Adonis Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na Gamu- gamo sa dilim ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat itoy pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagamat kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay. Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon. Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong Gamugamo sa dilim, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication. Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang

323

kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag. Mga Gabay na tanong: 1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo? 2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan? 3. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito? Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain:

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Itoy mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon. Dokumentaryong Pantelebisyon Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo. BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON 1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM *Magpaalam sa taong gustong kapanayamin *Kilalanin ang taong kakapanayamin *Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam Teknik sa Pakikipanayam Bago Magpanayam 2. PAKIKIPANAYAM *Maging magalang *Magtanong nang maayos. *Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa. *Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm Teknik sa Pakikipanayam Tagumpay sa Pakikipanayam 3. PAGKATAPOS NG PANAYAM *Magpasalamat. *Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm Pagkatapos ng Panayam GAWAIN 3.2.m: Telehanayan ng Kasagutan Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay ng telebisyon. Paksa: Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan? MGA PATUNAY MGA NALAMAN KATANGGAPMGA NAUNA NG NALAMAN AT TANGGAP NA NANG AT PAGLALAHAT NATUKLASAN MGA NALAMAN NATUKLASAN KONDISYON

324

GAWAIN 3.2.n: Telementaryo Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. 1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________. 2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain. 3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganooy ______________. 4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, _________________________________________. 5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong Gamu-gamo sa dilim, __________________________. MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan. 1. Dahilan at Bunga/ Resulta Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito. Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso) Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta) kaya/kaya naman natuto siya nang husto. Nag-aaral siyang mabuti. dahil dito/Bunga nito/Tuloy natuto siya nang husto. Sapagkat/Pagkat/Dahil nag-aral siyang mabuti natuto siya nang husto. Natuto siya nang husto (dahilan + pu + resulta; may hinto sa pagitan ng dahilan at resulta) (pu + dahilan + resulta; may hinto pagkatapos ng dahilan) (resulta + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil nag-aral siyang mabuti Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa ibat ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito. 2. Paraan at Layunin Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso) Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos ng Layunin) Nag-aaral siyang mabuti

325

upang /para/nang sa ganooy matuto nang husto.

(paraan + pu + layunin)

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin. 3. Paraan at Resulta Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow. Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta) nakatapos siya ng kaniyang kurso. Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral. (resulta + paraan)

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta. 4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow. Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga) sanay natuto ka nang husto. Natuto ka sana nang husto kung nag-aral kang mabuti. At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito: Kapag/Sa sandaling/ bastat (pu+ kondisyon + bunga) nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto. Matututo ka nang husto kapag/ sa sandaling/ bastat nag-aral kang mabuti. Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling o bastat upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. GAWAIN 3.2.o: Sinematotohanang Kaganapan Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel. (bunga + pu + kondisyon) (bunga + pu + kondisyon)

kaisipan

kaisipan

kaisipan 326

kaisipan

kaisipan

kaisipan

Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa? 3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa katotohanan ng mga kaganapan sa iyong lipunan? GAWAIN 3.2.p: DokPantele Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan. Basahin at unawain ang ipagagawa ko saiyo. Sitwasyon:

Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit ang wika ng kabataan sa kaslukuyan, b) may mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo.

Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa ibat ibang kaparaanan sa ating araw-araw na pamumuhay.

BROADCAST MEDIA

RADYO

TELEBISYON pagbibigay ng impormasyon pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin paglalatag ng mga solusyon sa mga pangunahing suliranin aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko)

327

Buuin ang pahayag Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay sapagkat____________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ __________________________________________________

Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon: Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba? Ang mundo bay sadyang sa pera umiikot? Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad? Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad? Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa. Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo ang KABOSES. Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station Channel Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubric na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain. Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto: Rubrik para sa Multimedia Presentation Pinakamahusay 4 Nilalaman: Layunin Mahusay 3 Umuunlad 2 Nagsisimula 1

328

Pinakamahusay 4 Ang presentasyon ay may tiyak na layunin o tema. Ang lahat ng ipinakita rito ay may tiyak na kaugnayan sa layunin at lubhang makabuluhan. Nilalaman: Kongklusyon Ginamit ko ang aking natutuhan at mga dati ng kaalaman upang mailahad ang aking pagunawa sa mga datos na nakalap.

Mahusay 3 Ang presentasyon ay may tiyak na paksa, at may kaugnayan ang mga ipinakita rito sa paksa.

Umuunlad 2 May tiyak na paksa ang presentasyon ngunit ilang bahagi lamang ang nagpakita ng kaugnayan sa paksa.

Nagsisimula 1 Di malinaw na naipakita ang paksa at ang karamihan sa bahagi ay walang malinaw na kaugnayan sa tema.

Nakapaghinuha ako nang maayos na kongklusyon mula sa mga datos na nakalap.

Sa tulong ng iba, nakapaghinuha akong isang magandang kongklusyon.

Di naging madali ang paghinuha ko ng kongklusyon.

Katangiang Pang-Multimedia Gumamit ng mga grapiko, video, tunog, at iba pang multimedia na makatutulong upang higit na maging makabuluhan ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features. Pagiging Malikhain Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood, makadaragdag sa pagpapalabas ng layunin at tema ng paksa. Pagtatanghal Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita. Naipakita ang kabuluhan ng paksa at tema nito. Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita. May mga ilang pagkakataong kinabahan habang nagsasalita. Di-napaghandaan ang pagsasalita at pagganap. Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood. Sinubukang gamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood. Walang ginamit na kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood. Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features. Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon, ngunit may mga pagkakataong nalalayo sa tema. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features. Di- gumamit ng multimedia upang maisagawa ang Presentasyon

329

Pangwakas na Pagtataya Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang isinasaad. 1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kaniyang paligid sa pamamagitan ng ______________________________________________________________________________. 2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, ______________________________________________________________________________ 3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay ___________________________________________________________.___________________

Aralin 3.3 :

Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong PAnlipunan


a. Panitikan : b. Wika : Manoro (Ang Guro) Dokumentaryong Pampelikula ni Brillante Mendoza Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling dapat mong matutuhan na magsisilbi mong gabay sa iyong pag-aaral.

DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

Ang Kaligiran ng Dokumentaryo Katuturan ng Dokumentaryong Pampelikula Kaligirang Pangkasaysayan Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula

Komunikatibong Paggamit ng Pahayag Mga Uri ng Pahayag Pagpapakahulugan ng mga Diyalogo

Paglikha: Sequence Script at Multi-Media Arts Advocacy Campaign

Mga Pamantayan sa paglikha ng Sequence Script para sa Dokumentaryong Pampelikula at iba pang uri ng Media

Panimulang Pagtataya Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa bawat bilang. 1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas maging makatotohanan. D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _ 2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak. S_ _ D_ _T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M. 3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _ 4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay si B_ _ll_ nt_ _e _do_a. 5. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng Indie Films.

330

Aalamin mo kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan? Makatutulong sa iyo ang sumusunod na gabay na tanong upang sa pagtatapos ay masagot mo nang tama ang mga ito. Mga Gabay na Tanong: 1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito? 2. Paano mabisang maipahahayag ang mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula gamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag? Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin ang pormat.

Sagot: _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________

GAWAIN 3.3.a: Larawasyon (Imahinasyon Batay sa Larawan) Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel. IWitness

REEL TIME

Ang Pag dadalag a Ni Maximo Olivero s

Ang Babae sa Septic Tank


331

Mula sa: http:/www.google.com.ph

3 2

Alin sa mga palabas o pelikula na nakalarawan ang iyong kinagigiliwan? Magbigay ng tatlo (3) at ipaliwanag kung bakit.

Ano-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang tumatak sa iyong isipan. Maglarawan ng dalawa (2) at ipaliwanag kung bakit.

_____________________________ __________ _____________________________ __________ _____________________________ __________ _____________________________ __________ _____________________________ __________

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang isang tanong na nais mong tanungin sa mga tao sa likod ng mga pelikula o palabas na ito?

_____________________________ _____________________________ ____________________

GAWAIN 3.2.b: Ihasip Natin (Ihambing at Isaisip) Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa Gawain 3.3.a. Subukin mong ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod na dayagram. Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. PELIKULA DOKUMENTARYO

A. Pagkakaiba C. Pagkakatulad

B. Pagkakaiba

332

Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang popular. Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang pinilakang-tabing. Kabilang na rito ang Manoro ( The Teacher) na BRILLANTE pinarangalan sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na MENDOZA mga obra ay ang Foster Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino. Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging limitado nito sa ibat ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang mismong kanilang mother tongue o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na nakasulat sa wikang Ingles. Kayat isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig ang Manoro

(The Teacher) o Manoro (Ang Guro).

Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa.
http:/www.google.com.ph/ http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph

Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang detalye nito para sa isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri. Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang sa ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas malawak ang iyong magiging kaalaman sa isang dokumentaryong pelikula na katulad nito. MANORO (Ang Guro) (Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon) Hinalaw at Isinalin ni Jet Oria Gellecanao Mula sa: http://www.google.com.ph/ images MANORO (Ang Guro) Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng kamangmangan o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at

333

pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit rito. Alamin mo kung paanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na baitang sa elementarya maging sa isang simpleng pamamaraan mula sa kaibuturan ng kaniyang puso ay gumawa ng isang pagbabago sa kasaysayan ng lahing katutubo. EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day) Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa ibat ibang reaksiyon ng mga tao. Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Itoy napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan: Babae1 : Dala mo ba ang camera mo? Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon. Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang seremonya. Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up. Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga- graduate tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa yo to. Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga sanggol. Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan: Estudyante 1 Estudyante Babae 1 Babae 2 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa isang Intsik sa bayan. : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming magbasa ngayong summer para makuha niya na rin ang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo. : Isa ka ba sa mga estudyante niya? : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng eleksyon.

SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS. Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid. Nagsimula na ang teacheremcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow, is what you reap. Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay may maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up shot sa isang mensaheng nakadikit sa dingding: Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino. Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro: Guro: Estudyante: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy? Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon.

(Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga picture-taking. Natapos na ang masayang graduation.) EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga katutubo Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa resettlement area ng mga Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga kasamahan kung ilan lahat ang mga litrato niya at kung magkano lahat ang mga ito. Inang Aeta: Jonalyn: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo Namalyari. Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang linggong sumama ang tiyan ni Lolo. (sabay hagikhikan ang lahat)

(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, binabasa nila ang hawak na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang byahe, maalikabok ang daanan; Close-Up Shot sa

334

kalawanging gulong ng jeep.) EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad (Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga batang katutubo na nagsisipaglaro) Bata 1 :Oy akin yan, huwag kayong magulo, tingnan nyo, magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel!

(Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala ang balota papunta sa bahay nila) (Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga ito Maaryong aga, mam.) Jonalyn: O sige, bilisan nyo dyan, baka sipunin kayo.

(Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila mabigat ang pasan-pasan sa likuran) Jonalyn: Lalaki: Jonalyn: Lalaki: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo? Oo, sinisikap ko Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok? Hindi, hindi ko siya nakita, (Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad si Jonalyn patungo sa tindahan.) Babaeng Aeta: Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo. (Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahaging bigas.) Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya. Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa namang ibahagi ang ani ko sa lahat. EKSENA 4 Sa Tahanan nina Jonalyn (Sa tahanan nina Jonalyn: Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa Diploma; pakakainin ng tinapay ang kaniyang mga kapatid) Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng tinapay, sabayan nyo ako. Mga Kapatid: IsaDowaTatloApat! (Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.)Nakakagutom lalo ang magbilang. Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto. Jonalyn: O, Mamang bat dito nyo sinulat ang pangalan nyo? (Sabay bura) Sino ho bang iboboto nyo, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,tingnan nyo po at tandaan, di po sapat na alam nyo lamang ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos ang antena ng telebisyon) Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV! (Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid) Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo!

(Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang tatay ay tila walang nangyari) Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok. Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para makaboto. Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon! EKSENA 5 Simula ng isang malayong paglalakad (Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan naroon ang mga Koreano, binati nila ang isat isa.)

335

Koreano:

(pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): Yu nid to fill-up aplikey-shen form for your job... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho)

(Nagpasalamat ang mga ito.) Mang Edgar: Jonalyn: Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at magsulat. O sige, para makaboto ka. Huwag na, hindi na mahalaga yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon.

(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.) (Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang ibat ibang eksena, ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...) Jonalyn: Apo Almario: Ama: Apo Almario: Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen? Hindi, hindi kami nagkita! Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok. Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas. O sige po, salamat, bomoto ka bukas!

(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at binati siya ng magandang umaga ng mga ito, sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahagi ng bundok ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin) Jonalyn: :Sa ginagawa nilang yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon (Malungkot ang mukha) EKSENA 6 Patungo na sa Kabundukan (Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga tanawin sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila sila ay pumapasok na sa isang bagong daigdig) (Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kayat muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig mula sa kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri: Apo Namalyari Kamiy wala, kung hindi dahil sa yo Makapangyarihang Isa Kami ngayoy nangagtipon Dito sa aming taniman Kayo lamang ang makatutulong sa amin (Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kayat siyay napaawit rin): Akoy nagsabi kay tatay, Manghuhuli ako ng usa, Akoy nagpaalam kay nanay Para manghuli ng ibon Ngunit ako itong nahuli Ng katutubong Aeta (Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, nakita nila ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng pagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta) Mang Edgar: Nakita nyo ba ang aking Ama? Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga dalawang araw na ang nakalilipas.

336

Mang Edgar: Jonalyn:

Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo. Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga kamay) Apo Namalyari... Sanay ligtas ang aming Apo Bisen Tatlong araw na po siyang nawawala Sana po ay amin siyang makita Sa lalong madaling panahon

Jonalyn: Amang, mag-ingat ka! Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng pananghalian! EKSENA 7 Ang Pananghalian (Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang pananim...) Katutubo: Katutubo: Jonalyn: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok! (Habang kumakain) Dyuna, turuan mo kami uli kung paano magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami! Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo.

(Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang batang babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan): Batang Babae: Jonalyn: Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit... Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto! Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna!

(Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena: Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at halos magpambuno sila.) EKSENA 8 Araw ng Eleksyon (Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin ang araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo) Aling Carol (ina ni Jonalyn): Mang Edgar: Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at bantayan mo muna ang iyong mga kapatid para makaboto kami. Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya.

Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang magbabantay sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto. (Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.) (Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan, kelangang hanapin sa registerd voters list ang pangalan ng kanyang mga magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto ang kaniyang ama) (Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.) Jonalyn: Lola: Lola, nakaboto na po ba kayo? Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si GMA.

337

EKSENA 9 Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni (Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, may bahid ng kawalang pagasa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga panahong yaon.) (Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kayat hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at kapulisan na sa akala niyay sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na katutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga mata ang butil ng mga luha...malayo ang tingin.) (Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang mula sa kabundukan, pasanpasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboy-ramo, sabay nagwika itong: Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.)

EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang (Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo. Apo Bisen: Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.

(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang Babangon ang Pilipinas) (Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon) Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo. WAKAS GAWAIN 3.3.c: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw) Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong upang iyong makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong kaalaman, pagkilala sa sarili at pagkamulat sa kapaligiran.

Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong Pampelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular? Ipaliwanag. Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na lider at tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami sa kasalukuyang panahon? Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo na nagtataglay ng kawalang-alam (illiteracy) lalo na sa pagbasa at pagsulat? Ano ang naisip mong mga proyekto para sa kanila? Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo at ng bansang Pilipinas? Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo? Magbigay ng mga mungkahi Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa kaniyang edad, wasto ba ang hakbang na isinagawa ni Jonalyn para sa kaniyang mga kapwa katutubo? 338

Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan: Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng ibat ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang aktuwal na tanawin o eksena. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng travelogue, newsreel tradition at cinema truth. Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging wartime propaganda, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na Cinema Verite ang salitang French na nangangahulugang film truth o pelikula totoo kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng filmmaker o tagalikha ng pelikula at ng kanyang film subject o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga Independent o Indie Films, Short Films, Advertisements at mga Video Advocacies bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino. Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento: Mga Elemento ng Pelikula Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. c.Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at amdamin ng manonood. Iba pang mga Elemento Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula. GAWAIN 3.3.d: Patinikan sa Panitikan Muli nating balikan ang ibat ibang eksena mula sa dokumentaryong pampelikula na Manoro (Ang Guro), Para sa iyo, ano ang mga nais bigyang-tuon nito? Isulat ang sagot sa papel.

339

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

Establishing / Long Shot Sa ibang termino ay tinatawag na scene- setting. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo. Medium Shot Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye. Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel. Extreme-Close Up Ang pinakamataas na lebel ng close-up shot. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha. High Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim. Low Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. Birds Eye-View Maaari ring maging isang aerial shot na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.
GAWAIN 3.3.e: Kuha Hula Mo Panning Shots Ko, Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang Matapos mong matutuhan angkinukunan. ibat ibang uri ng anggulo at kuha ngang kamera at ang masundan ang detalyeng Halimbawa nito ay kuha sa kahalagahan isang nito sa pelikula, ngayon ay pagmasdan mo ang kasunod na mga larawan ng mga aktuwal na kuha ng tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo. kamera sa pelikulang iyong napanood. Isulat kung anong uri ito ng camera shot at ipaliwanag ang nais nitong ipahiwatig.

Uri ng Kuha: Nais Ipahiwatig: _________________________________________________________________ ___ Uri ng Kuha: Nais Ipahiwatig: _________________________________________________________________ ___ Uri ng Kuha: Nais Ipahiwatig: _________________________________________________________________ ___ Uri ng Kuha: Nais ipahiwatig: 340 _________________________________________________________________ ___

Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kaniyang mga pananalita. Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap. a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin 1. Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo. (pagtanggap) 2. Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala? (pagaalinlangan) 3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon. (pagtanggi) 4. Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon. (pagsang-ayon) 5. Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag. (pagsalungat) b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama 1. Pagbibigay-babala Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad. (pagbibigaybabala) Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon. 2. Panghihinayang Sayang, tama sana ang aking kasagutan. Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon. 3. Hindi Pagpayag Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin. Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais nyong isagawa. GAWAIN 3.3.f: Pahayag Ko, Tugon Mo Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin ang tamang sagot mula sa kahon sa itaas .

Pagtanggi Panghihinayang

Pagsang-ayon Panghihikayat

Pagbibigay-babala Pagsalungat

Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan!

Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa pagboto.

1. Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon.

2 Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi naman ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao. 4.
O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng 341 pananghalian natin.

3.
Ang sampagitang ito ay para sa mga ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag kang mahiya, bagay sa iyo ito.

5.

6.

GAWAIN 3.3.g: Pahayag Ko, Interpretasyon Mo Ngayon naman ay basahin mo ang Sanaysay na ito. Sa pamamagitan nito ay higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na paksang pangwika. Nakapaloob rito ang ilan sa mga pagpapahayag at pag-alam ng mga kaisipan, saloobin, paggawi at pagdama. Hanapin ang mga ito mula sa Sanaysay at isulat ang iyong mga kasagutan. Ipaliwanag din ang kahulugan ng bawat pahayag. Pintig, Ligalig at Daigdig Jet Oria Gellecanao Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa isang maligalig na daigdig. Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang ito Talagang sangayon ako sa mga pahayag na ito, wika ng isang lola. Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib! Mas matigas na rin ang ulo ng mga kabataan! sambit naman ng isa. Sumagot naman itong si lolo: Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas maabilidad na ang mga bata sa ngayon. Kaya, kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga talento at taglay na kaalaman? Madalas rin silang magpayo sa atin: Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ikay madapa, mas malalim ang sugat. Dapat lamang na pakinggan natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan. Kaisipang nagpapaalala sa atin na naway tahakin natin ang tama at tuwid na landas. Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng Globalisasyon at ang paglitaw ng teoryang Global Village kung saan ang mundo, ang bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang ibat ibang mga hula ng mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha. Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulay-bulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? Higit sa lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kayat ito ang tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon. Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras, nagiging minuto Pahayag: _____________________________________________________ hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating Paliwanag/Interpretasyon: daigdig... Kabataan! Panahon na __________________________________________ upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!

Pahayag:

_____________________________________________________

Paliwanag/Interpretasyon:___________________________________________ Pahayag: ______________________________________________________ Paliwanag/Interpretasyon:___________________________________________ Pahayag: _____________________________________________________ 342 Paliwanag/Interpretasyon:___________________________________________

GAWAIN 3.3.h: Katutubo Kapatid, Kapamilyat Kapuso Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang mga kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop na komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat. GAWAIN 3.3.i: INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo) Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. Paano mo ito bibigyangpakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa tunay na buhay at sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon. Isulat sa papel ang sagot Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao

Huwag na, hindi na mahalaga yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon.

Apo Namalyri Kamiy wala, kung hindi dahil sa yo Makapangyarihang Isa Kami ngayoy nangagtipon Dito sa aming taniman Kayo lamang ang makatutulong sa amin

GAWAIN 3.3.j: Pelskrip (Pelikula at Iskrip) Sa iyong naunang mga gawain ay nalaman mo ang uri ng mga pahayag na mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na nakatutulong upang magkaroon ng mas malalim na pagpapakahulugan ang mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman ay subukin mo ang iyong kakayahan sa bagay na ito. Ang sumusunod na larawan ay batay sa isang Indie Film na Ang Babae sa Septic Tank sa direksiyon ni Marlon Rivera, isang pelikulang nagkamit ng maraming parangal na ang pangunahing tema ay suliraning panlipunan. Subukin mong bumuo ng mga diyalogo mula sa mga ito na ginagamitan ng ibat ibang uri ng mga pahayag na ating tinalakay sa mga naunang aralin.

343

GAWAIN 3.3.k: Dokyufil: Pelikula at Dokumentaryong Filipino Epekto Sa Iyo Ang mga pelikulang katulad ng Babae sa Septic Tank at Manoro (Ang Guro) ay pangunahin at tahasang tumatalakay sa napapanahong mga isyu sa ating lipunan. Kayat ang matataas na uri ng mga obra-maestra na katulad ng mga ito sa larangan at industriya sa paglikha ng pelikula ay nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng kultura at panitikang popular sa ating bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi naimumulat nito ang ating kamalayang panlipunan, at kung ano ang naging implikasyon o bisa nito sa iyo bilang mag-aaral. Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng dokumentaryong Manoro (Ang Guro) batay sa sumusunod na aspeto. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

MANORO (Ang Guro) Dokumentaryong Pampelikula

IMPLIKASYON Kaugnayan sa Tunay na Buhay

SARILI

PAMILYA

LIPUNAN

GAWAIN 3.3.l: Ako Mismo, Kikilos Ako! Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda, panahon na upang ibahagi mo naman kung paano ka makatutulong sa iyong pamayanan bilang isang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

AKO MISMO, BATANG LIDER

344

Bumuo ka ngayon ng isang Repleksiyon batay sa lahat ng iyong mga natutuhan sa araling ito.

Ang Aking Repleksyion

GAWAIN 12: Iskripkoto Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha ng isang iskrip para sa isasagawang dokumentaryong pampelikula gamit ang ibat ibang uri ng mga pagpapahayag.Ngunit bago iyon, dapat mong malaman na bago ka gumawa ng isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong simulan sa pagbuo ng isang sequence script na magsisilbi mong pinakapundasyon at pinakagabay sa iskrip na iyong isusulat. Narito ang isang halimbawa, (halaw sa Manoro, Ang Guro) basahin, pagaralan at unawain mo itong mabuti. ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (SEQUENCE SCRIPT ) Mga Detalye/ Kuha at Anggulo ng Mga Tauhan at Iba pang Paglalarawan at Kamera Datos na Kinakailangan Kaisipan ng Eksena Establishing Magbubukas ang eksena sa Karamihan ng mga tao sa Shot sa school grounds school grounds sa araw isang tipikal na Graduation ng graduation. Day (ibat ibang eksena) Medium Shot sa mga Hindi magkamayaw ang Isa sa mga unang makikita taong nakapaligid (ibat mga tao. Masayangang pangunahing tauhan ibang senaryo) masaya ang lahat at lubos (Jonalyn Ablong) kasama ang pananabik. ang ilang miyembro ng Close-Up Shot na Ngunit kasabay nito ay ang kanyang pamilya ipakikita ang ilang pag-iyak ng mga batat (matatapos nang masaya eksena ni Jonalyn sanggol. Maririnig ang ang graduation) (pangunahing tauhan) ilang mga usapan. Long Shot sa isang Jeep na papunta sa Resettlement Area ng mga Katutubo (tinatahak ang mababato at maalikabok na mga daanan) Medium Shot sa mga nagsisipagtawanang katutubo tungo sa CloseUp Shot sa nagsasalitang si Jonalyn (pangunahing tauhan) Ipakikita ang andar ng isang jeep sa mabato at maalikabok na daanan, may ilang batang lalaki na nakasakay sa itaas ng jeep Mga ilang batang katutubo na gumradweyt, mga ina, sanggol at iba pang mga batang sumama sa graduation at tampok ang pangunahing tauhan na si Jonalyn Ablong

Eksena Bilang at Tagpuan Eksena / Sequence 1: School Grounds (Graduation Day)

Eksena / Sequence 2: Sa isang Jeep na patungong Resettlement Area ng mga Katutubo

Masayang nagtatawanan ang mga katutubo tungkol sa katatapos na Graduation hanggang sa pagdating sa kanilang lugar

345

PANGWAKAS NA PAGTATAYA: Isulat ang wastong sagot sa patlang. 1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting. ____________ 2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. ____________ 3. May katuturang pelikula totoo at katangian ng isang dokumentaryong pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari. ____________ 4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject. Naging pamamaraan ng mga makabagong direktor sa kasalukuyan. ____________ 5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan. ____________ Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod na aspeto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa tradisyunal na uri tungo sa mga panitikang popular.

Lengguwahe/Wika Tradisyunal na Anyo ng Panitikan Makabagong Teknolohiya Mga Suliranin at Kalagayang Panlipunan Prinsipyo at mga Paniniwala
Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag

Panitikang Popular

Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan, ang tradisyunal ay ____________________________________________________________ ____________________________________________________. na uri ng panitikan tungo sa popular dahil Sa sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago mula sa tradisyunal ____________________________________________________________ ____________________________________________________. Nakatutulong ang panitikang popular upang Bilang kong ____________________________________________________________ ____________________________________________________. isa sa mga kabataan, sisikapin

____________________________________________________________ _________________________________________________________.
Basahin at unawain mong mabuti ang nakaatang na gawain para sa iyo at ng iyong mga kamag-aral. Basahin ang nakasulat sa loob ng kahon: Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan

346

sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at praktikal na mga rekomendasyon. Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang ibat ibang midyum na iyong natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng mga kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari ka rin namang bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya namang ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula. Maaari mo ring ipost sa internet ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang maitatampok sa iyong bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong baranggay at ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral na suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad. Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong mahahalagang mga plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang produkto. Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga eksena sequence script at iskrip na pandiyalogo 1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala. 2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang maging malikhain. 3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang ibat ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito. 4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng mga diyalogo. 5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng isang mabisang iskrip. Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong campaign material Orihinalidad at Pagkamalikhain 40 % Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena 20 % Linaw ng Kaisipan at Mensahe 10 % Epektibong Gamit ng Wika 20 % Aplikasyong Teknikal 10 % 100 % Kaugnay nito, narito ang mga batayan at pamantayan sa pagmamarka ng iyong isasagawang proyekto MGA PAMAN TAYAN Kapugay-pugay 4 Komprehensibo at makabuluhan ang napapanahong mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Magaling 3 Masaklaw, makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Umuunlad 2 Nagsisimula 1 M A R K A

Masaklaw na paglalahad ng napapanah ong impormas yon

Makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok ngunit may mga detalyeng hindi nailahad

May makabuluhan at napapanahong mga impormasyong inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok ngunit limitado ang mga ito.

347

Masining at maingat na paggamit ng wika

Natatangi ang paggamit ng wika ng kabataan nang higit pa sa inaasahang pamamaraan sa materyal. Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa husay ng pagtatagpi-tagpi ng mga elemento nito. Ang mga inilahad na rekomendasyon ay nagmumungkahi ng kaisipang pangmatagalan sa kamalayan ng madla

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa kabuuang pagpapahayag sa nabuong materyal. Taglay ang lahat ng kailangang elemento sa mabisang pagbuo ng materyal. Naipapamalas ang kahusayan sa teknikal na pagganap. Malinaw at kapakipakinabang para sa lahat ang inilahad na rekomendasyon.

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal.

Masining na ginamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal ngunit hindi maingat ang paggamit. Naipamalas sa materyal ang minimal na antas ng pagtatagpi-tagpi ng elemento at teknikal na pagganap. May mga rekomendasyong inilahad ngunit mabuway ang mga iminumungkahing kaisipan. KABUUANG MARKA

Mahusay na aspetong teknikal

Taglay ang mga susing elemento sa mabisang pagbuo ng materyal at naipamalas ang angkop na teknikal na pagganap.

Pagkaprak tikal ng rekomend asyon

Makabuluhan ang karamihan sa inilahad na rekomendasyon.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (PARA SA KABUUAN NG MODYUL 3) Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa senado. Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa yan kahit pa nakapikit! Roel: Sinabi mo pa, partner! Macky: Ano ba talaga yang FOI, partner? Roel: Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno. Macky: Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakielamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda roon!

1. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?


a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa yan kahit na nakapikit! b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno. c. Naku! Delikado naman pala iyan! d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon. 2. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit? a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan. b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas. c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas. d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito. 3. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa? a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista. b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga personalidad. c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa. d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.

348

4. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng pananaw mula sa akda?
a. naman pala b. sabi nga c. sang-ayon sa d. ng mga

5. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong panradyo?
a. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin. b.Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung tinatalakay. c. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu. d.Lahat ng nabanggit.

Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap sa kanilang mga anak. 6. kanila Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng ___________.
a. sanhi at bunga b. paraan at layunin c. paraan at resulta d. kondisyon at kinalabasan

7. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying?


a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya. b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan. c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak. d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit. 8. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag? a. bunga + sanhi b. sanhi + bunga c. paraan + resulta d. resulta + paraan 9. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa? a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan. b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata. c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa. d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit. 10. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan? a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan. b. Natatalakay dito ang ibat ibang panig ng isang isyu. c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin. d. Lahat ng nabanggit.

Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa akin. Akoy wala ginagawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na mapag-isa. Tama kayo. (2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. (3) Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. (4) Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan nyo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon. Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka. 11. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa?
a. 1 a. paghanga b. 2 b. pananabik c. 3 c. pag-asam d. 4 d. kasiyahan

12. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _____________. Labis na naguguluhan si Boyet nangyayari sa kaniyang paligid. Marami 13. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa sa ay mga ___________________. siyanga. katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo manghikayat c. magbigay-parangal sa bahay kaniyang tiyuhin. Makipot d. at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas b. ng magpaliwanag magbigay-kaalaman nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroot paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa349 wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.

14. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan mula sa tekstong binasa?
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila. b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta. c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa d. Tensyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal 15. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto? a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng anumang layunin. b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin. c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan. d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan

EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapagkainan ang nahuling baboy-ramo...Doon nagwika ang kaniyang Apo Bisen Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao. Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang Babangon ang Pilipinas

16. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging nabasa? (Close-Up Shot ng Camera) ng pagboto upang magkaroon ng pagbabago. b. Ipakita ang kahalagahan Natapos na ang pagdiriwang...ubos nana rin ang na inihaing baboy-ramo. c. Maraming mga mahirap na bayan hindi magiging maunlad.
d. Darating ang panahon na uunlad din ang ating bansa. a. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas.

17. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit?


a. Maraming mamamayan ang hindi nakakaunawa ng kahalagahan ng pagboto. b. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong magsulat. c. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan. d. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa. 18. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang dokumentaryong pampelikula? a. pananaliksik c. pag-eedit b. pagdidisenyo ng produksyon d. lahat ng nabanggit 19. Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa? a. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa kamangmangan ng mga mamamayan. b. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi matapat. c. Mahirap ang maraming mga lipunan sa Pilipinas. d. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila ng kahirapan. 20. Aling pangyayari sa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga manonood batay sa bahaging nabasa? a. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay. b. Nagdiwang ang buong barangay at nagsaya ang lahat. c. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo.

350

351

También podría gustarte