Está en la página 1de 7

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E P P
MATALINONG PAMAMAHALA NG TINGIANG TINDAHAN

5
Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

GRADE V
MATALINONG PAMAMAHALA NG TINGIANG TINDAHAN

ALAMIN MO

Kumusta ka na? Alam kong marami ka nang panimulang kaalaman at kasanayan sa tingiang tindahan noong ikaw ay nasa ikaapat na baitang.

Sa Modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng matalinong pamamahala ng tingiang tindahan. In ka na?

PAGBALIK-ARALAN MO

Handa ka na bang sagutin ang mga katanungan tungkol sa tingiang tindahan? Kung handa na basahin mo ang panuto. Panuto: Isulat ang TAMA sa kuwadernong sagutan papel kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at kung MALI ibigay ang wastong sagot. Simulan mo na.
1. Ang pagtitinda ng tingian ay isang gawaing may kasamang paglilingkod. 2. Sa tingiang tindahan, binibili ang mga produkto ng isahan, maramihan o bultuhan. 3. Ang magtataho, magbabalot at magpuputo ay ilan lamang sa halimbawa ng nagtitinda ng tingian sa pamayanan. 4. Sa pamamagitan ng tingiang tindahan ay matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa higit na maginhawa at mabilis na paraan. 5. Ipinagbabawal ng pamahalaan ang pagtatayo ng tingiang tindahan kahit saang lugar.

Tapos ka na ba? Tingnan ang wastong sagot sa likod ng modyul na ito. Binabati kita! Nakuha mo bang lahat ang tamang sagot. O, huwag kang malungkot. Pagbutihin mo ang susunod na Gawain.

PAG-ARALAN MO

Kahalagahan Tingiang Tindahan Alam mo ang kahalagahan ng tingiang tindahan? Kung marunong sa pamamahala sa pagtatag ng tingiang tindahan, malaki ang maitutulong nito sa mag-anak dahil sa tubong kikitain. Itoy nagbibigay ng karagdagang kita at nagsisilbing isang marangal na hanapbuhay. Nagkakaroon ang mag-anak ng pagkakataong maging malapit sa isat-isa at makapaglingkod sa iba. Kung magtutulungan ang mag-anak, sila ay magiging modelo sa kanilang komunidad.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Basahin ang mga parirala/pangungusap at pag-aralan kung ang bawat isa ay nagsasabi tungkol sa kahalagahan ng tingiang tindahan.
A. B. C. D. E. umuunlad ang pamumuhay ng mag-anak nagkakaroon ng pagkakataong magkatulungan ang mag-anak natutugunan ang mga pangangailangan nakakapaglingkod sa pamayanan nagkakaroon ng karagdagang kita

Lahat ba ng mga parirala/pangungusap ay nagsasabi tungkol sa matalinong pamamahala ng tingiang tindahan? Tama ka. Binabati kita!

TANDAAN MO

Ang matalinong pamamahala ng tingiang tindahan ay nagdudulot ng maraming kabutihan sa mag-anak.

ISAPUSO MO

Basahin.
Ang mag-anak na Reyes ay may isang tindahan. Si Mang Juan ang nagbubukas ng tindahan at si Aling Maring ang namimili ng paninda sa palengke. Habang nasa palengke is Aling Maring ang kaisa-isa nilang anak na si Rita ang nagbabantay sa tindahan.

Anong mabuting ugali ang ipinakikita ng mag-anak?

GAWIN MO
Gumuhit sa kuwaderno ng isang pamilyang kilala mo sa inyong barangay na nagpapakita ng pagtutulungan.

PAGTATAYA

Sa pamamagitan ng concept web, itala ang mga kabutihan ng matalinong pamamahala ng tindahang tingian. Isulat sa iyong sagutang papel.

5 Kahalagahan ng matalinong pamamahala ng tindahang tingian

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

También podría gustarte

  • Dolch Words Sa Fil
    Dolch Words Sa Fil
    Documento6 páginas
    Dolch Words Sa Fil
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    91% (23)
  • Filipino 2
    Filipino 2
    Documento152 páginas
    Filipino 2
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    Aún no hay calificaciones
  • 02 - Matalinong Pamamahala NG Tingiang Tindahan
    02 - Matalinong Pamamahala NG Tingiang Tindahan
    Documento7 páginas
    02 - Matalinong Pamamahala NG Tingiang Tindahan
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    100% (1)
  • Week 4 K 12
    Week 4 K 12
    Documento30 páginas
    Week 4 K 12
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    Aún no hay calificaciones
  • 3 Sangay NG Pamahalaan
    3 Sangay NG Pamahalaan
    Documento5 páginas
    3 Sangay NG Pamahalaan
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    100% (1)
  • Inset 2015
    Inset 2015
    Documento4 páginas
    Inset 2015
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    Aún no hay calificaciones
  • Santigwar
    Santigwar
    Documento2 páginas
    Santigwar
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    Aún no hay calificaciones
  • Children's Catechesis Module GUBAT YUNIT 4
    Children's Catechesis Module GUBAT YUNIT 4
    Documento18 páginas
    Children's Catechesis Module GUBAT YUNIT 4
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    Aún no hay calificaciones
  • Report Filipino Lit
    Report Filipino Lit
    Documento1 página
    Report Filipino Lit
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    100% (1)
  • Bug Tong
    Bug Tong
    Documento1 página
    Bug Tong
    Joseph Ferreras-Guardian Eva-Escober
    Aún no hay calificaciones