Está en la página 1de 27

1

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Introduksyon
Bawat tao ay nahaharap sa mga suliraning pang-ekonomiko na nangangailangan ng matalinong pagpapasya. Sa Kasalukuyan, Naglipana ang mga mandarayang tindero sa ibat ibang pamilihan sa bansa. Kailangang maging mapanuri ang mga mamimili sa mga produktong bibilhin upang makaiwas sa mga pandaraya ng mga ilang retailer sa mga pampublikong pamilihan. Marami sa mga tindero sa mga pampublikong pamilihan ang napipilitang gumamit ng mga paraang lumalabag sa mga karapatan ng mga konsyumer dahil sa kakulangan sa kapital. Kailangan nating malaman ang mga ibat ibang ahensya ng ating pamahalaan na sumasaklaw sa ganitong klaseng problema kung sakaling tayo ay maging isang biktima ng pandaraya ng mga negosyante. Nagaganap ito dahil sa kakulangan ng puhunan ng ilang mga retailer na nagreresulta sa kakulangan ng produkto sa imbentaryo. Sa kagustuhang kumita ay napipilitan silang mandaya kahit ito ay isang kamalian. Tinatago ng ibang retailer ang mga sira o ang depektong bilihin upang ihalo ito sa mga magagandang produkto para maibenta pa. Hindi nararapat na atin na lamang hayaang ganito ang umiiral sa mga pampublikong pamilihan na ang pangkalahatang mamamayan ang pangunahing mamimili.

2 Sa pag-aaral na ito ay matatalakay ang ibat ibang uri ng pandaraya ng mga ilang retailer sa mga mamimili at kung paano ito maiiwasan. Aalamin nito ang mabuti at masamang dahilan kung bakit ang mga sistemang ito ay umiiral. Matatalakay rin ang mga bunga nito hindi lamang sa mga mamimili kundi pati na rin sa mga retailer.

II. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang epekto ng pandaraya sa produktong ipinagbibili sa mga mamimili / konsyumer ng pampublikong pamilihan sa Makati, edad 26 hanggang 29. Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tiyak o ispesifik na katanungan: 1. Saan madalas namimili ang mga konsyumer ? 2. Ano ang kadalasang binibli ng mga konsyumer sa pampublikong pamilihan? 3. Magkano ang badyet ng mga konsyumer tuwing sila ay mamimili sa pampublikong pamilihan? 4. Madalas bang makaranas ang mga konsyumer ng pandaraya sa mga pampublikong pamilihan? 5. Ano ang mga pandarayang naranasan ng mga mamimili / konsyumer sa mga pampublikong pamilihan? 6. Ano ang gagawin ng mga mamimili / konsyumer kapag sila nakaranas ng pandaraya sa pampublikong pamilihan?

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, Malalaman natin ang ibat ibang uri ng pandaraya ng mga ilang retailer at kung paano natin ito maiiwasan. Malalaman din natin ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga mamimili dahil kung

magsasawalang bahala na lang ang mga mamimili, lalo silang aabusuhin ng mga madayang retailer. Dapat malaman ng mamimili ang mga bagay na ito upang makaiwas sila. Karapatan ng mga mamimili na makatanggap ng may kalidad na produkto at masiguro na ligtas ang kanilang kalusugan sa mga produktong binili.

IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay isandaan (100) na respondente na bumibili ng ibat ibang produkto sa mga pampublikong pamilihan sa Makati kung saan kadalasan nagaganap ang transaksyon sa pagitan ng retailer at ng mga mamimili . Ang mga mamimiling na ito ay maaaring parehong lalake o babae na nasa edad na 26 hanggang 29.

V. Definisyon ng mga Terminolohiya

Para sa layunin ng konvensyon at ganap na pag-unawa, ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyan ng kaukulang operasyunal na definisyon, kung gayon, batay sa kung paano ginamot ang bawat isa sa pamanahong papel na ito: Ang Buwis o Taxes ay ang pagbayad ng mga indibidwal o organisasayon para makatulong sa pagpapatakbo ng pamahalaan upang magamit sa mga paglilingkod at tungkulin nito sa mamamayan. Ang Customer Satisfaction ay tumutukoy sa damdamin ng mga mamimili upang magkaroon ng kasiyahan sa produktong binili. Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon . Ang Elastic ay isang uri ng demand na kapag tumaas ang presyo ng isang bilihin ay bababa ang demand ng produkto sa mga mamimili. Ang Hoarding ay ang pagtatago ng produkto at ilalabas lang kung

sumisikat na ang produktong itinago, at tataasan nila ang presyo.

5 Ang Imperfect Price Discrimination ay isang paraan kung saan ibat iba ang presyo ng produkto depende sa grupo ng tao. Binabase ng mga nagtitinda ang presyo sa estado ng buhay ng isang tao.Ito ay nakakasama kung sobra na dahil hindi sapat ang benepisyo ng mamimili kumpara sa mahal na halaga na kanilang binabayad. Ang Inelastic ay isang uri ng demand na kahit tumaas ang presyo ng bilihin ay hindi niya bibilhin pa din niya ito dahil isa ito sa mga pangunahin niyang pangangailangan. Ang Mamimili o Konsyumer ay tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga Produkto at Serbisyo upang matugunan ang

pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan. Ang Opportunity Cost ay ang halagang kinakailangan upang makuha ang oportunidad. Ang Pagrurunning ay isang proseso kung saan ang isang tindera o retailer ay kukuha ng produkto mula sa ibang tindahan upang ibenta ito sa di hamak na mas mataas na presyo. Ginagawa ito upang kumita ng hindi nababawasan ng tax. Ang Pamilihan o Market ay isang pook kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mga mamimili at mga nagtitinda ng produkto. Ang Pampublikong pamilihan ay bukas para sa lahat ng mamimili sa puwestong inilaan sa kanila na may kaukulang renta o buwis.

6 Ang Perfect Price Discrimination ay pag-singil ng nagtitinda ang mamimili sa pinakamataas na kayang nilang ibayad. Ginagawa ito sa pagatatanong kung hanggang magkano isang produkto. Ang Presyo ay ang halagang ipinambabayad sa isang tiyak na dami at uri ng isang kalakal o paglilingkod. Ang Retailer ay ang nagtitinda ng mga produkto ng tingian. Ang Revenue ay ang kita ng mga tindero mula sa pagtitinda nila ng kanilang produkto o serbisyo. Ang Rigged scale ay ang timbangan na ginagamit sa palengke upang dayain ang timbang ng mga bilihin upang mas maibenta ang mga ito sa mas mataas na presyo. Ang Serbisyo ay ang paglilingkod sa mga mamimili o konsyumer upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang Suplay ay tumutukoy sa sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser o tindera sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon. Ang Unitary ay ang pagtugon ng mamimili sa porsyento ng pagbabago ng presyo. ba ang kaya nilang ibayad para sa

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Ang pandaraya sa mga pamilihan ay matagal ng suliranin ng bansa natin ngunit hanggang ngayon patuloy pa din ang ganitong kalakaran kahit may mga batas ng dapat sundin.

Lokal na Pag-aaral
Sa isang pag-aaral sa Agusan del Sur State College of Agriculture and Technology ng mga mag-aaral ng B.S. Agribusiness ay naglalayong suriin ang pamumuhay ng mga respondente, malaman ang mga karaniwang problema na karaniwang nakakaharap ng mga prodyuser ng tilapia sa kultura, matukoy ang mga kasanayan sa marketing na ginagamit ng mga nagtitinda ng tilapia sa pagbebenta ng kanilang produkto, malaman ang kabuuang kita sa produksyon ng tilapia. Karamihan ng prodyuser ng tilapia ay may edad sa pagitan ng 43-47 taong gulang, lalaki, may-asawa at may 6 hanggang 10 anak, elementarya lamang ang natapos, bisaya ang dyalekto at karamihan ay katoliko. Ang mga pangunahin nilang pinagkukunan ng kita ay ang pagtatanim ng bigas at mais, ilan lamang sa kanila na ang panghuhuli ng tilapia ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kita. Karamihan sa kanila ay mga may-ari ng fishponds ng tilapia na may kabuuang sukat na 301-400 sq. meter. Karaniwang problema na nakakaharap ng mga prodyuser ng tilapia ay ang kakulangan sa pondo upang

8 makagawa ng kulungan at kakulangan sa suplay ng pagkain para sa mga tilapia. Ilan lamang ang napayagan na direktang magbenta ng tilapia sa mga palengke ng Bayugan City ngunit sa mababang presyo. Isa sa problema na kinakaharap ng mga prodyuser sa pagbebenta ay ang mababang presyo ng mga nangongontrata sa kanila. Karamihan ay P10,000-P19,000 ang gastos ng produksyon habang ang kanilang gross sales ay umaabot sa P20,000-P29,000 na maaaring magkaroon ng gross net income ng P8,000-P13,000 para sa lima hanggang anim ng buwan.

Banyagang Pag-aaral
Ayon kay Johnston at Marshal (2008), Dapat makabuo ng isang magandang samahan ang mamimili at nagtitinda. Kailangan itong mabuo para sa isang matagumpay na transaksyon. Para manatili ang isang mamili sa isang suking tindahan dapat siyang bigyan ng halaga. Ang pandaraya sa mga mamimili ang isa sa mga pwedeng maging dahilan ng hindi matagumpay na transaksyon. Kung magtataas man ng presyo ng bilihin dapat sigurado din nilang may kalidad ang kanilang tinitinda. Ito ay para tangkilikin pa rin sila. Kung ang mga pamilihan ay makapagbibigay ng customer satisfaction, ito ay makakatulong sa pananatili ng mga kanilang suking mamimili (Johnston & Marshal, 2008).

9 Sa pag-aaral ni Miller (2009), Ang mga retailer ay may kanya kanyang paraan para sila ay magtagumpay. Marami silang kakumptensya kaya dapat silang maging maabilidad. May tinatawag na Perfect Price Discrimination kung saan sinisingil ng nagtitinda ang mamimili sa pinakamataas na kayang nilang ibayad. Ginagawa ito sa pagatatanong kung hanggang magkano ba ang kaya nilang ibayad para sa isang produkto. May tinatawag ding Imperfect Price Discrimination kung saan ibat iba ang presyo ng produkto depende sa grupo ng tao. Binabase ng mga nagtitinda ang presyo sa estado ng buhay ng isang tao.Ito ay nakakasama kung sobra na dahil hindi sapat ang benepisyo ng mamimili kumpara sa mahal na halaga na kanilang binabayad. Ang presyo ng mga produkto ay alinsunod sa Supply at Demand ng mga tao. Sinasaad dito na habang tumataas ang presyo ng isang produkto, bumababa ang demand nito at habang bumababa ang presyo, tumataas ang demand. And demand ay masasabing elastic kung and presyo ay bumababa habang ang revenue ay tumataas at kung ang presyo ay tumataas, ang revenue ay bumababa. Ang demand ay inelastic naman kung ang presyo ay bumababa habang ang revenue ay bumababa din at kung ang presyo ay tumataas, ang revenue ay bumababa. Masasabi naming unitary ang demand kung ang presyo ay tumataas at bumababa habang ang revenue ay hindi nagbabago. Ang supply naman ay ang dami ng produkto na mayroon ang kompanya (Bellamy & Gartner,2008).

10 Marami ng naireport na panloloko sa nakatataas ngunit hindi ito nabibigyan ng pansin. Kung mabibigyan ng solusyon, marami ang makikinabang at mas mabibili ng mga kapos ang kanilang pangangailangan. Ang pag-aaral na ito ay hindi layuning makapagbigay ng solusyon. Gusto lang ng mga mananaliksik maipaalam na maraming nagaganap na pandaraya sa pamilihan na hindi pinapansin kaya patuloy na nangyayari. Minsan ay nililinlang ang mga mamimili tungkol sa totoong presyo ng isang produkto. Minsan din ay nagugulang ang mga mamimili sa mga dagdag na taxes at dagdag bayad sa mga serbisyo. Halimbawa dito ay ang pagpapagawa ng isang cellphone na kung saan hindi lang ang mga materyales na ginamit at pinalitan ang iyong binabayaran. Hindi alam ng mga mamimili na may binabayaran din sila para sa serbisyo ng gumagawa at dagdag na tax. Dapat malaman ng mga mamimili ang kanilang karapatan tungkol sa kanilang pagbili ng isang produkto at ang kanilang responsibilidad bilang isang mamimili. Dapat din itong malaman ng isang mangangalakal para siya ay pagkatiwalaan ng mga mamimili (Shaw & Barry, 2010).

11 Ang presyo ay isa sa mga bagay na nakaka-apekto sa isang pampublikong pamilihan. Ang tama at maling pagbibigay ng presyo ay nakakaapekto sa lahat, maging mamimili ka man o isang mangangalakal. Sinasaad na ang mali o sobrang taas na pag-pepresyo ay maaaring maging resulta sa pagkasira ngtiwala ng isang mamimili o konsyumer sa nagbebenta o mangangalakal. Ang tamang pag-pepresyo ay katanggap-tanggap at patas, ngunit kung ito ay hindi sinusunod ng isang mangangalakal siya ay hindi nagiging patas at siya ay lumalabag sa batas (Maxwell, 2008). Marami ng naireport na panloloko sa nakatataas ngunit hindi ito nabibigyan ng pansin. Kung mabibigyan ng solusyon, marami ang makikinabang at mas mabibili ng mga kapos ang kanilang pangangailangan. Ang pag-aaral na ito ay hindi layuning makapagbigay ng solusyon. Gusto lang ng mga mananaliksik maipaalam na maraming nagaganap na pandaraya sa pamilihan na hindi pinapansin kaya patuloy na nangyayari.

Lokal na Literatura
Isa pa rin sa mga pasubali na nakaaapekto kaya kinakapos ang mga negosyante sa kapital ay ang pagkakaroon ng kakompitensya. Kung ano ang naranasan ng isang tao na pinaniwalaan niyang totoo ay itinuturing agad bilang katotohanang nararanasan na rin ng lahat. Hindi wasto ang kaisipang ito dahil hindi naman ganap na nangyayari sa isang tao ang nangyayari sa iba o sa isang pangkat sa kabuuan. Halimbawa, si Juan ay nagtitinda ng fishball sa kanilang

12 pamayanan at malakas ang kanyang kita mula rito. Dahil dito, nagtinda rin ang kanyang kapitbahay ng fishball sa parehong lugar. Mula sa ibinigay na halimbawa, masasabing inisip ng kapitbahay ni Juan na siya ay kikita rin nang malaki mula sa pagtitinda ng fishball dahil sa nakikita niyang nangyayari sa pagtitinda ni Juan. Ngunit sa katotohanan, may kompetisyon nang namamagitan sa dalawang tindero ng fishball na nakaapekto sa kita nilang dalawa. Ibig sabihin, maaaring hindi kumita nang malaki ang kapitbahay ni Juan o maging si Juan ay nabawasan na rin ng kita dahil dalawa silang nagaagawan ng mga mamimili. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng mga ibang retailer ng mataas na kita, humahanap sila ng alternatibong paraan at hindi imposible kaya nagagawa nila mandaya ng mga mamimili.( Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito)

Banyagang Literatura
Americanism means the virtues of courage, honor, justice, truth, sincerity and hardihood, the virtues that made America. The things that will destroy America are prosperity at any price, the love of the soft living and the get-richquick theory of life. Isinasaad dito ang mga etika sa negosyo. Nagbibigay ito ng mga paraan upang suriin ng mga negosysante ang kanilang mga ginagawa upang siguraduhing sila ay hindi lumalabag sa batas at sa karapatan ng mga mamimili. Nagbibigay rin ito ng mga paraan upang panatilihing maayos ang daloy ng pera sa pamamagital ng mga gawain na nakabubuti sa mga tao sa paligid ng may-ari ayon sa pag aaral ni Huntsman (2009).

13

KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

I. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptiv-analitik na pananaliksik. Tinangka ng pag-aaral na ito na alamin ang epekto ng pandaraya sa produktong ipinagbibili sa mamimili / konsyumer na may edad 26 hanggang 29 sa mga Pampublikong pamilihan sa Makati.

II. Mga Respondente


Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mamimili. Pinili ng mga mananaliksik ang respondente sapagkat sila ang madalas na nagiging biktima ng pandaraya. Kukuha kami ng 100 na respondente mula sa ibat ibang lugar sa Makati. Sila ang pinakamainam na respondente para makatugon sa pangangailangan sa pamanahong-papel na ito. Hihingi din kami ng opinyon mula sa ilang may-ari ng tindahan. Mainam na makuha ang magkabilang panig para mas maintindihan ang mga nangyayari sa pampublikong pamilihan.

14

III. Instrumentong Pampananaliksik


Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey-kwestyuneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang opinyon ng mga respondente tungkol sa pandaraya na nagaganap sa mga Pampublikong pamilihan. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga informasyon ang mga mananaliksik sa ibat ibang mga hanguan sa aklatan tulad ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang informasyon sa internet. Bukod sa nabanggit na, nag-intervyu rin ang mga mananaliksik ng isang guro sa Business Administration na si Gng. Felicisima Rafael upang makakuha ng mahahalagang informasyon at observasyon sa lokalidad ng pag-aaral na ito.

15

IV. Tritment ng mga Datos


Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga

mananaliksik. Samakatuwid, pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik. Dahil isandaan (100) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.

16

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at informasyon: Inialam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Limamput limang porsyento (55%) sa kanila ang mga babae, samantalang Apatnaput limang porsyento (45%) ay mga lalaki.

Pansinin ang kasunod na graf:

Graf 1 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian

Babae Lalaki, 45% Babae, 55% Lalaki

Mas marami ang namimili na babae sa Pampublikong pamilihan kaysa sa mga lalaki. Sa pamilya, naging responsibilidad na ng isang babae ang mamili para sa mga pangangailangan sa kanilang tahanan.

17 Animnaput tatlong porsyento (63%) sa mga respondente ay namimili sa palengke samantalang tatlumput pitong porsyento (37%) sa mga respondente ang namimili sa supermarket. Pansinin ang sumunod na graf: Graf2 Lugar kung saan madalas namimili ang mga respondente

Supermarket, 37% Palengke, 63%

Palengke Supermarket

Karamihan ng mga respondente ay namimili sa palengke kaysa sa supermarket. Mas abot kaya ang mga produkto sa palengke dahil kaunti lng ang kanilang patong kumpara sa supermarket. Sa supermarket, binabayaran mo rin ang kanilang serbisyo tulad mga makinang ginagamit nila. Mas naghahanap ang mga mamimili ng lugar kung saan sila makakamura dahil sa hirap ng buhay. Hindi na rin ganoon kalaki ang pinagkaiba ng bilang ng mga bumibili sa palengke kumpara sa supermarket. Marami na ring nagkalat na supermarket na may mababang patong para sila ang puntahan ng mamimili at mas sigurado ang mga mamimili na mas malinis dito.

18 Pitumpung porsyento (70%) sa mga respondente ang bumibili ng karneng baboy at tatlumpung porsyento (30%) naman ang bumibili ng karne ng manok sa pampublikong pamilihan. Pansinin ang sumunod ng graf: Graf 3: Disribusyon ng produktong kadalasang binibili ng mga konsyumer sa pampublikong pamilihan

manok, 30% baboy manok baboy, 70%

Makikita sa graf 3 na na mas maraming respondente ang bumibili ng karne ng baboy kesa sa karne ng manok dahil mas mataas ang demand nito sa pampublikong pamilihan

19 Animnaput walong porsyento (68%) sa mga respondente ay naniniwalang madalas na nagaganap ang ganitong mga pandaraya sa pampublikong pamilihan. Tatlumpung porsyento (30%) naman ang naniniwalang may nagaganap na pandaraya sa pamilihan ngunit hindi ito gaanong madalas at dalawang porsyento (2%) lamang ang naniniwala na walang pandaraya nagaganap sa pampublikong pamilihan. Pansinin ang sumunod na graf: Graf 4: Bilang ng respondente na naniniwala na may pandarayang nagaganap sa pampublikong pamilihan
100% 90% 80% 70% 60% 50% 40% 30% 20% 10% 0% Oo,madalas Oo, di madalas Walang nagaganap 2% 30% 68%

Malaki ang porsyento na naniniwalang may pandarayang nagaganap sa pampublikong pamilihan. Pinapatunayan lang nito na may mga nangyayari talagang pandaraya sa pampublikong pamilihan ayon sa mga obserbasyon ng mga respondente.

20 Tatlumput tatlong porsyento (33%) ang naniniwala na gumagamit ng mga maling timbangan ang mga tindahan. Labinlimang porsyento (15%) ang naniniwala na gumagamit ang mga tindahan ng formalin. Sampung porsyento (10%) ang gumagawa ng mataas na patong sa mga bilihin. Labingisang porsyento (11%) ang naniniwala na inilalagay ng mga tindero ang mga sira o luma sa ibabaw upang mabili pa ito. Tatlumput isang porsyento (31%) naman ang sumagot ng higit sa isa sa mga nabanggit ang kanilang naranasang pandaraya sa pampublikong pamilihan. Pansinin ang susunod na graf: Graf 5 Bilang ng respondente na nakaranas ng ibat ibang uri ng pandaraya sa pampublikong pamilihan
100% 90% 80% 70% 60% 50% 40% 30% 20% 10% 0% Maling timbangan paggamit ng formalin sa mga pagkain mataas na patong sa mga bilihin paglagay ng sira o luma sa ibabaw para ito ang bilhin Higit sa isa

Naniniwala ang mga mamimili na ang paggamit ng maling timbangan o rigged scale ang madalas na paraan ng pandaraya. Sa pamamagitan nito kumikita sila

21 ng mas malaki na hindi napapansin ng mga mamimili. Kailangan tignan ang mga timbangan kung may patunay na ito ay calibrated upang maiwasan ang ganitong pandaraya. Nagpapatong din ang mga tindahan ng malaking presyo. Ito ay madalas na nagaganap sa mga supermarket dahil binabayaran mo din ang serbisyo nila sa iyo. Gumagamit sila ng mga makina na sinisingil din sa mga mamimili. Kung minsan namimili din ang mga tindera kung kanino nila tataasan ang patong. Kung tingin nilang mayaman o may pera ang mamimili, nilalakihan nila ang patong at ito naman ay agad na bibilhin ng mamimili na hindi napapansin ang pandaraya sa kanila. Ang mga pandarayang ito ay hindi natin mapapansin kung hindi tayo magiging isang matalinong mamimili.

22 Tatlumput dalawang porsyento (32%) ang mga respondenteng nagsasabi na pababayaan na lamang nila ang pandaraya ng mga tindero at doon pa din sila bibili. Labingwalong porsyento (18%) naman sa mga respondente ang nagsabi na pababayaan na lang nila ang pandaraya at bibili na sa ibang tindahan. Samantalang Limampung porsyento (50%) sa mga respondente ang gagawa ng aksyon at magsusumbong sa isang opisyal kung sila ay dayain ng mga tindero. Pansinin ang susunod na graf: Graf 6: Aksyon ng mga respondente kung napag-alaman nilang may mandarayang negosyante
100% 90% 80% 70% 60% 50% 40% 30% 20% 10% 0% 18% 32% 50% Pababayaan ko na lang at sa kanya pa din ako bibili Pababayaan ko na lang at sa iba na lang ako bibili magsusumbong ako sa

Ayon sa mga sagot ng mga respondente, Marami sa kanila ang gagawa ng aksyon kung sila ay makaranas ng pandaraya, mataas din ang porsyento na pababayaan na lang nila ang pandaraya ng mga ilang tindero at doon pa rin cla bibili, pinapakita rito na marami sa kanila ang nagbubulag-bulagan kahit sila ay

23 nadadaya na. pinakamaliit na porsyento na napabayaan na lang nila ang pandaraya at sa iba na lng sila bibili.

24

KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

l. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang Epekto ng Pandaraya sa mga Karneng ipinagbibili ng mga Mamimili/Konsyumer sa Pampublikong Pamilihan sa Makati edad 26 hanggang 29: Isang Analisis. Gamit ang disenyong Diskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng Sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100) respondente na bumibili sa mga Pampublikong Pamilihan sa Makati. Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang mga respondente ay madalas nakakaranas ng pandaraya sa Pampublikong Pamilihan at karamihan sa kanila ay magsusumbong sa Opisyal ng bayan.

25

ll. Kongklusyon
Batay samga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Babae ang karamihan na namimili sa pampublikong pamilihan kaysa sa mga lalaki dahil pamilya, naging responsibilidad na ng isang babae ang mamili para sa mga pangangailangan sa kanilang tahanan. b. Palengke ang mas dinarayo ng mga mamimili kaysa sa supermarket dahil mas abot kaya ang mga karne sa palengke dahil kaunti lng ang kanilang patong kumpara sa supermarket. c. Mas mataas ang demand ng karneng baboy kesa sa karne ng manok sa pampublikong pamilihan. d. Maraming mandarayang tindero sa mga palengke dahil mas maraming konsyumer ang namimili doon. e. Maling timbangan ang kadalasang nararanasang pandaraya ng mga konsyumer sa pampublikong pamilihan. f. Magsusumbong ang karamihan ng mga nakaranas ng ganoong pandaraya sa pampublikong pamilihan.

26

lll. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusnod: a. Para sa pamahalaan na paigtingin ang mga batas patungkol sa mga proteksyon ng mga mamimili. b. Para sa mga mamimili na maging alerto sa mga ganitong bagay at agad itong ipaalam sa nakatataas upang mabigyan ng aksyon. c. Para sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na huwag magbulagbulagan sa mga sumbong ng inyong mga nasasakupan. d. Para sa mga retailer na maging patas sa pagbebenta at huwag lumamang sa kapwa. e. Para sa iba pang hmananaliksik, ipagpatuloy ang pag-aaral na ito. Subukang magbigay ng mungkahi sa mga opisyal kung ano ang pwede nilang gawin para tuluyan nang mawala ang ganitong sistema sa pampublikong pamilihan.

27

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN


Consuelo M. Imperial, Eleanor D. Antonio, Ma. Carmelita B. Samson, Evangeline M. Dallo, Celia D. Soriano, Pana-panahon Johnston, M. W. & Marshal G. W. 2008. Relationship selling 2nd edition. Avenues of the Americas, New York :McGraw Hill/Irwin. Miller, J. D. 2009. Principles of microeconomics. Avenues of the Americas, New York: McGraw Hill/Irwin. Lieberman M. & Hall R. E. 2008. Principles and applications of microeconomics. Mason, Ohio: Thomson Higher Education. Huntsman, J. M. 2009. Winners never cheat even in difficult times. Upper Saddle River, New Jersey: Pearson Education Inc. Shaw, W. H. & Barry, V. 2010. Moral issues in business. USA:Wadsworth CENGAGE Learning Maxwell, S. 2008. The price is wrong understanding what makes a price seems unfair and the true cost of unfair pricing . Hoboken, New Jersey: John Wiley and Sons, Inc. Miller, R., Benjamin, D. & North, D. 2008. The economics of public issues. Boston: Pearson Publishing. Rigid Scales. (2007 July). Imbestigador. Retrieved February 25, 2010, from http://www.gmanews.tv/story/51805/Rigged-scales.

También podría gustarte