Está en la página 1de 62

2

Filipino
Patnubay ng Guro

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Ang Bagong Batang Pinoy Ikalawang Baitang Filipino Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9990-67-3 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Mga Bumuo ng patnubay ng Guro Punong Tagapangasiwa: Luz S. Almeda, Ph. D.; Pangalawang Tagapangasiwa: Rizalino Jose T. Rosales; Lider: Victoria R. Mayo; Manunulat: Nilda S. D. Garcia, Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Aida J. Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla, Galcoso C. Alburo, at Estela C. Cruz; Tagapag-ambag: Aurora E. Batnag, Ma. Fe C. Balaba, Nelly I. Datur, Avizen C. Sio, Felix Q. Casagan, Ruby E. Baniqued, Nora C. Bernabe, Maribel R. Mendoza, Kristina L. Ballaran, at Rechelle M. Meron; Editor: Arsenia C. Lara, Amaflor C. Alde; Kasangguni: Angelika D. Jabines; Tagapagtala: Ma. Cynthia P. Orozco; Taga-anyo: Christopher C. Artuz Tagapag-guhit: Bernie John E. Isip at Francischarl S. Isip Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

ii

TALAAN NG NILALAMAN
Pages

Yunit 1 Ako at Ang Aking Pamilya


Aralin 1: Kalusugan ng pamilya ay dapat pangalagaan Aralin 2: Mahalin at ipagmalaki ang pamilya Aralin 3: Maglibang at magsaya sa piling ng pamilya Aralin 4: ang batang uliran, laging kinalulugdan Aralin 5: Magulang ay mahalaga, dapat inaalala Aralin 6: pamamasyal ay kasiya-siya, kapag ksama ang pamilya Aralin 7: sa oras ng kagipitan, pamilya ay nandiyan lang Aralin 8: alagaaan ko, mga magulang ko Aralin 9: Bilin ng Magulang Lagind Tatandaan
2 10 16 23 28 35 42 48 55

Yunit 1 Ako at ang Aking Pamilya Aralin 1: Kalusugan ng Pamilya ay Dapat Pangalagaan
Lingguhang Layunin: Wikang Binibigkas Natutukoy ang pangunahing ideya o kaisipan sa napakinggan/binasang teksto Pag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggan/binasang teksto Ponolohiya Natutukoy ang mga salitang magkakasintunog Gramatika Nagagamit ang pagkaunawa sa gramatika upang madaling maunawaan ang di kilalang mga salita Pagsusulat Nakagagawa ng pataas-pababang guhit

UNANG ARAW
Layunin Natutukoy ang pangunahing ideya sa napakinggan/binasang teksto Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggan/binasang teksto Paksang-Aralin: Pagtukoy sa mga pangunahing ideya sa napakinggan/binasang teksto Kagamitan: larawan ng mga taong naglilinis Paunang Pagtataya Ipakuha sa mga bata ang kanilang sagutang papel, lapis at ang Kagamitan ng Mag-aaral at pasagutan ang Subukin Natin sa LM, pahina __ . Tukoy-alam Tumutulong ka ba sa pangangalaga ng ating kapaligiran? Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang karanasan kaugnay ng pagsama sa paglilinis ng kapaligiran o kaya ay ng sariling bahay. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang maruming kapaligiran? Gusto mo bang tumigil dito? Bakit? Bakit kaya naging marumi ang lugar na ito? Ano ang dapat nating gawin sa lugar na ito? Pagpapayaman ng Talasalitaan
2

Isulat ito sa tsart. Hanapin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangalawang pangungusap. 1. Maglinis sa tuwina. Lagi-laging isaisip ang halaga ng kalusugan. 2. Huwag nating hintayin sakit ay mapala, Upang kalusugan na nais ay makuha. 3. Tayo nang kumilos, nang guminhawa. Uunlad ang buhay kapag malusog at maraming nagagawa. Ano ang ibig sabihin ng tuwina? Mapalad? Guminhawa? Ipagamit sa mga bata ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Basahin sa mga bata ang tulang Magtulungan Tayo. Pagtuturo at Paglalarawan Ipasagot sa mga mag-aaral ang Sagutin Natin na makikita sa LM, pahina__. Basahin muli ang tula. Tungkol saan ang tulang binasa? Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng tula? Ano ang sinasabi ng unang taludtod ng tula? Ano ang epekto ng sama-samang paglilinis ng kapaligiran? Ano naman ang sinasabi sa ikalawang taludtod? Sino ang hinikayat na tumulong sa paglilinis? Bakit kailangan natin mapanatiling malinis an gating kapaligiran? Kasanayang Pagpapayaman Basahin sa mga bata ang Kumilos at Magkaisa na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaari din naming gabayan ang mga bata sa pagbasa nito. Tungkol saanang napakinggang teksto? Itanong sa mga bata ang inihandang mga tanong na may kaugnayan sa binasang teksto. Ipangkat ang klase sa 4 o higit pa. Depende sa laki ng klase. Ano ang maaaring gawin sa sumusunod: Unang Pangkat - lumang diyaryo Ikalawang Pangkat lumang gulong Ikatlong Pangkat lumang damit Ikaapat na Pangkat basyo ng bote Paglalahat Ano ang pangunahing ideya? Paano ito matutukoy? Saan ito makikita sa isang teksto? Paano maiuugnay ang sariling karanasan batay sa tekstong binasa ? Ipabasa ang Tandaan Natin na makikita sa LM, pahina__ Karagdagang Gawain Naranasan mo na ba ang sumusunod na gawain? Pasagutan ang Linangin Natin A at B na makikita sa LM , pahina__

Pagtataya (Optional ) (Ito ay maaaring gawin pagkatapos ng layunin o lingguhang layunin.) Basahin ang teksto at ibigay ang pangunahing ideya. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sina Rina at Roy Magkaiba ang kambal na sina Rina at Roy. Palaaral si Rina. Lagi niyang binabasa ang kaniyang mga aralin. Palagi tuloy matataas ang kaniyang mga marka sa paaralan. Taliwas naman sa kanya si Roy. Mahilig siyang maglaro. Madalas ay lumiliban pa siya sa klase para lang makapaglaro. Kaya naman marami sa kaniyang marka ang bagsak. Palagi tuloy siyang napapagalitan ng kaniyang ina.

Ikalawang Araw
Layunin Natutukoy ang mga salitang magkakasintunog Paksang-Aralin: Pagkilala sa mga Salitang magkakasintunog Kagamitan: larawan ng batang babaeng pilay Tukoy-alam Sabihin kung magkasintunog o hindi ang pares ng mga salita. Walis- bote - kalesa - mesa Dahon kahon - gulay -palay Malaki lalaki - baso - tasa Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang batang pilay. Hayaang pag-usapan ito ng mga bata. Bakit kaya siya pilay? Hadlang ba ito sa kaniyang araw-araw na pamumuhay? Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Pagpapayaman ng Talasalitaan Gumawa ng tsart ukol dito. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap sa Hanay A. Piliin ang letra ng tamang sagot sa Hanay B. Hanay A Hanay B 1. Hinuhugot ni Pedro ang kanyang gamit na a. nakakawalang gana nasa ilalim ng mesa. at nakakatamad 2. Nakababagot ang buhay ng isang taong b. makukuhanan walang ginagawa. 3. Dapat magbasa ng mga aklat dahil c. kinukuha ng may lakas kapupulutan natin makabuluhang aral. Ano ang ibig sabihin ng hinuhugot? Nakababagot? Kapupulutan?
4

Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Pagtuturo at Paglalarawan Basahin ang tula na makikita sa Basahin Natin sa LM, pahina___ Pasagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM, pahina___ Basahin muli ang tula. Gabayan ang mga bata na mabasa ang tula. Talakayin kung paano natutukoy ang mga salitang magkakasintunog. Ano-anong salita ang nasa dulo ng tula? (Isulat ng guro ang sagot ng mga mag-aaral sa pisara. Ipabasa ang mga ito) Sonya-niya kahulugan-kailangan hinuhugot-nakababagot saklay-pilay nagdadasal-aral masaya-mganada

Ano ang napansin ninyo sa hulihang tunog ng mga salita? Kailang nagiging magkasintunog ang mga salita? Hayaang magbigay ang mga bata ng pares ng magkakasintunog na mga salita. Ano ang mga katangian na dapat taglayin kahit na ikaw ay may kapansanan? Ipagawa ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina__ Kasanayang Pagpapayaman Tukuyin ang mga salitang magkakasintunog. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina___ Isulat sa flashcard ang mga salitang makikita sa Sanayin Natin sa LM, pa__ . Bigyan ng isang set ng flashcard ang bawat pangkat na ginawa. Hayaang pagsama-samahin ng bawat pangkat ang mga salitang magkakasintunog. Paglalahat Paano natin matutukoy kung ang mga salita ay magkakasintunog? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM , pahina__ Karagdagang Pagsasanay Sukatin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga salitang magkakasintunog. Pasagutan ang Linangin Natin sa LM, pahina__ .Gumawa ng tsart ukol dito. Kasunduan Sumulat sa kuwaderno ng limang magkakasintunog na mga salita. Gamitin ang mga ito sa pangungusap.

IKATLONG ARAW
Layunin
5

Nagagamit ang pagkakaunawa sa gramatika upang madaling maunawaan ang mga di kilalang salita (sa pamamagitan ng larawan o paggamit sa pangungusap) Paksang-Aralin Pagtukoy sa mga di kilalang salita Kagamitan: Flashcard ng mga di kilalang salita at mga larawan nito Tukoy-alam Ipabasa ang mga salita na nakasulat sa flashcard. (estante, bentilador, paminggalan, palikuran, kubyertos) Ano ang ibig sabihin ng bawat salita? Ipaguhit ang bawat salita? Paglalahad Ano ang gagawin mo kung mayroong mga hindi kilalang salita sa iyong binabasa? Basahin ang mga pangungusap sa Basahin Natin sa LM, pahina___. Pagtuturo at Paglalarawan Ipabasa muli sa mga mag-aaral. Ipasagot ang Sagutan Natin sa LM, pahina__ Ano ang ibig sabihin ng plorera? Mangkok? Siga? Liblib? Bandurya? Ipakilala ng guro ang mga di kilalang salita sa paraan ng: pagpapakita ng mga larawan paggamit sa pangungusap Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Ano ang gagawinmo kung may hindi ka kayang gawaing takdang-aralin? Basahin ang bawat pahayag na nasa Pahalagahan Natin. Ipakikita ng bata ang masayang mukha kung wasto ang gawain at malungkot kung hindi.Maaari din namang magpagawa ng isang masaya at malungkot na mukha sa papel at ito ang ipataas sa bawat pangungusap. Ating kilalanin ang mga bagong salita sa pamamagitan ng mga larawan. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina__. Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Basahin naman ang mga pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga bagong salita. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina__ Paglalahat Ano ang dapat gawin upang masabi ang kahukugan ng mga hindi kilalang salita? Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin sa LM, pahina __ .
6

Gamitin ang mga salita sa sariling pangungusap. Kasunduan Gumawa ng Pasaporte ng mga Di-Kilalang Salita. Isulat sa album na ito ang mga di-kilalang salita na iyong natutunan. Iguhit sa tapat nito ang natutunan mong kahulugan nito.

IKAAPAT

NA

ARAW

Layunin Nakagagawa ng pataas-pababang guhit Paksang-Aralin Pataas-Pababang Guhit Tukoy-Alam Tukuyin kung nasa itaas ba o nasa ibaba ang ilang mga bagay na makikita sa kapaligiran. Ulap Tubig Puno - bubong - sahig - ilaw - aklat - mesa - electric fan

Paglalahad Ipakita kung paano ginagawa ang pataas-pababang guhit. Sa pagsulat nito, siguraduhin na sabayan ng bilang ang pagsulat. Pagtauturo at Paglalarawan Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat? Ipabasa ang Dapat Tandaan sa Pagsulat na nasa Basahin Natin sa LM, pahina__. Talakayin ang mga sagot sa Sagutin Natin sa LM. Ipakitang muli ang pagsulat ng pataas-pababang guhit. Ipaulit ito sa mga bata sa hangin/sa palad/sa likod ng kamag-aral. Ipabakat ito sa pisara. Magpagawa nito sa pisara. Pagpapahalaga Bakit mahalaga na sundin ang mga panuntunan sa paggawa ng guhit? Kasanayang Pagpapayaman Bigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral sa paggawa ng pataaspababang guhit.Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina__ Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ibigay ang nakahandang manila paper na may gawaing pagbabakat at pagdugtong ng mga guhit. Ipagawa ang Sanayin Natin na nasa LM, pahina__. Paglalahat Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng pataas-pababang guhit? Karagdagang Pagsasanay Sukatin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng pataaspababang guhit. Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina__
7

Pasulatin ang mga bata ng pataas-pababang guhit. (Umikot at gabayan ang mga batang nangangailangan ng tulong)

IKALIMANG ARAW
Layunin Natutukoy ang mga salitang magkakasintunog Natutukoy ang kahulugan ng mga di-kilalang salita Paksang-Aralin Pagtukoy sa mga salitang magkakasintunog Pagtukoy ng Kahulugan ng mga Di-Kilalang Salita Paglalahad Pagbasa ng mga natutunang salita sa buong linggong aralin. Hayaang ibigay ng mga bata ang kahulugan ng mga ito. Pagtuturo at Paglalarawan Ipaliwanag ang tuntunin sa gagawin. Gawain 1 Isulat ang mga salita sa flashcard. Magdagdag pa ng ibang salita upang lahat ng mag-aaral ay magkaroon ng hawak na card. tandaan alis manggas sibat talino mahal saklolo tuklaw sakop magalang bata sabaw bituin lambing katwiran mag-anak tatay saging himutok kuwento lapis bakal lambat hikab paligid hangin tela paputok andar simbahan saknong bangka hayop sunggab banig naputol perlas lugar bahay baliw Bigyan ang bawat mag-aaral ng flashcard. Sa hudyat ng guro ( maaaring sa pagtugtog ng musika) hahanapin ng mga bata ang kapareha nila sa pamamagitan ng pagtukoy ng salitang kasintunog ng hawak na salita. Kapag nakita na ang kaperaha, pumalakpak. mahal-bakal bata-tela lapis-alis hangin-bituin perlas-manggas hayop paputok-himutok lambing tatay-bahay lugar-andar kuwento-saklolo hikab-sunggab tandaan-simbahan sagingtuklaw-sabaw lambat-sibat sakop-

Gawain 2 Loop a Word Hanapin sa loob ng kahon at bilugan ang mga di kilalang salita na nakapormang pahalang, pahiga at pahilis. estatwa pasilyo plorera pluma katre gwantes kopa asarol tabak plawta K A T R E D K A T R E P O F M E A A O F M E A L P L U M A A P L U S A A A O D I E S A O I I E W G A I A A A C L I A A T U W A I L R Y T A I L A B O A I E O B O D I E S T A I N A L C A I A A U A T E S T A T W A I L L B O D I E E B O D I E S A A I A A U S A I A A U K T A I L A R E R O L P Ipabasa ang mga salita. Ano ang ibig sabihin ng bawat salita? Ipaguhit ang ibig sabihin ng bawat salita. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga bagong salita.

ARALIN 2: M AHALIN AT IPAGMALAKI ANG PAMILYA


Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan Nakapagbibigay ng hinuha kaugnay sa pinakinggan/binasang teksto Ponolohiya Natutukoy ang unahan, gitna, at hulihang tunog ng salita Gramatika Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, hayop, at lugar Pagsusulat Nasisipi nang wasto ang pangngalan ng tao, bagay, hayop at lugar Nakagagawa ng pataas na paikot at pababang ikot na guhit

UNANG ARAW
Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan Nakapagbibigay ng hinuha kaugnay sa pinakinggan/binasang teksto Paksang-Aralin Pagbibigay Hinuha Kagamitan larawan ng pamilya Paunang Pagtataya Tingnan natin ang nalalaman ninyo sa pag-aaralan natin sa linggong ito. Ipakuha sa mga bata ang kanilang sagutang papel, pansulat at ang Kagamitan ng Mag-aaral (LM). Pasagutan sa mga mag-aaral ang Subukin Natin sa LM, pahina__. Tukoy-alam Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? May nagkasakit na ba sa kanila? Tumulong ka ba sa pag-aalaga sa kanila? Ano ang ginawa mo? Paglalahad Ilarawan ang sariling ina. Pagpapayaman ng Talasalitaan Sabihin kung aling salita sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B sa pamamagitan ng guhit. Hanay A Hanay B 1. dadalo pagsasama-sama 2. pagtitipon isangpagdiriwang 3. hilamusang may tubig pupunta 4. anibersaryo palanggana
10

Pagtuturo at Paglalarawan Basahin sa mga bata ang Maalagang Ina. Bakit pinamigatang Maalagang Ina? Tungkol saan ang napakinggang kuwento. Basahin muli ang kuwento sa mga bata. Pasagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento/ Ano kaya ang nangyari kung hindi sinabi ni Fe na may sinat ang kapatid? Paano kung sa kabila ng lagnat ni Rey aytumuloy pa sila sa kanilang lakad? Ano kaya ang nangyari matapos gumaling si Rey? Ano ang gusto mong katapusan ng kuwento? Paano mo ipakikita ang pagmamalasakit sa kasapi ng iyong pamilya? Ipagawa ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina___ Kasanayang Pagpapayaman Basahin muli sa mga bata ang Maalagang Ina. Maaaring tumawag ng ilang mga bata upang sumabay sa pagbasa ng guro o dili kaya naman ay magbasa nang mag-isa. Ipagawa ang pagsasanay sa Gawin Natin na makikita sa LM, pahina___ Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ang bawat pankat ng activity sheet na may lamang gagawin ng pangkat. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina__ Pag-uulat ng bawat pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Paglalahat Paano natin masasagot at makapagbibigay ng sariling hinuha sa nabasa o napakinggang teksto? Karagdagang Pagsasanay Basahin ang kuwentong Ang Huwarang Pamilya at pasagutan ang mga tanong matapos magbasa. Linangin Natin Isulat sa papel ang sagot at basahin sa klase.

IKALAWANG ARAW
Layunin Natutukoy ang unahan, gitna at huling tunog ng salita Paksang-Aralin Tunog ng Salita Kagamitan: larawan, flashcard, tsart Tukoy-alam Ano ang pangalan mo? Pantigin ito. Ano ang unang letra nito? Ano ang tunog nito? Sa anong letra ito nagtapos? Ano ang tunog nito?

11

Paglalahad Ano ang gagawin mo kung may sakit ang isang kasapi ng iyong pamilya? Basahing muli ang kuwentongMaalagang Ina. Pagtuturo at Paglalarawan Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang nasa Basahin Natin sa LM, p___. Talakayin ito sa tulong ng mga gabay na tanong sa Sagutin Natin sa LM p. _. Sabihin: Ang mga salita ay may tunog sa unahan, gitna, at hulihan. Ipabasa sa mga bata ang sumusunod na salita. Hanay A Hanay B Hanay C Ato barya sabon Ana serye kanin Ilang pantig mayroon ang bawat salita? Pantigin ang mga ito. Ano ang una/gitna/huling tunog ng bawat salita? Gaano kahalaga ang kaalaman sa tunog ng mga letra sa pagbasa? Talakayin ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina ___. Kasanayang Pagpapayaman Tukuyin ang una, gitna at huling tunog ng mga salita. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, sa pahina___ . Sabihin ang katunog ng mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng panaklong. Sanayin Natin sa LM, pahina _____. Paglalahat Saan maaaring magkasintunog ang mga salita? Tandaan Natin sa LM, pahina__ Karagdagang Pagsasanay Tukuyin ang mga salitang magkatulad. Sabihin kung saan nagkatulad ang mga piniling salita. Linangin Natin sa LM, pahina ___. Kasunduan Magtala ng limang pares ng pangalan ng iyong kapamilya o kamag-anak na magkakasintunog.

IKATLONG ARAW
Layunin Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, hayop, at lugar Paksa Ngalan ng tao, bagay, hayop, at pook Kagamitan tsart ng maikling talata, larawan ng inang inaalagaan ang anak na may sakit, Tukoy-alam
12

Ikahon ang mga pangngalan na ginamit sa maikling talata sa ibaba. Isulat ito sa tsart. Nanghihina si Ruel. Ilang beses na siyang paroot parito sa palikuran. Nasira ang kaniyang tiyan sa ulam na kinain kahapon. Nagpunta sila sa isang pistahan sa sa Lungsod ng Quezon. Paglalahad Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Hayaang magtala ang bawat pangkat ng mga ngalan ng mga makikita sa loob silid-aralan. Pag-uulat ng bawat pangkat. Basahin sa mga bata ang Nasaan Ka Inay? sa Basahin Natin sa LM, p. ___. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM, pahina___. Ano-ano ang pangngalan na nasa kuwento? Alin dito ang ngalan ng tao? Bagay? Hayop? Lugar? Paano isinulat ang bawat ngalan? Kailan ginamit ang malaking letra? Maliit na letra? Hayaang magbigay ang mga bata ng ngalan ngtao/bagay/lugar o hayop. Ano ang gagawin mo sa inyong bahay kung naiwan kang mag-isa? Ipagawa sa mga bata ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina___. Kasanayang Pagpapayaman Sabihin kung ngalan ng tao, hayop, bagay o lugar ang mga ngalan sa bawat pangkat. Pasagutan ang Gawin Natin sa LM, pahina___upang matukoy ang ngalan ng tao, bagay, hayop, o lugar. Ipasagot ang Sanayin Natin sa LM, pahina ______ upang malaman kung natutukoy ng mag-aaral ang pangalan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Paglalahat Ano ang pangngalan? Tingnan sa Tandaan Natin sa LM, pahina _______. Karagdagang Pagsasanay Tukuyin ang pangngalan na tinutukoy sa bawat bilang. Gawin ang pagsasanay sa LinanginNatin sa LM, pahina _____ . Kasunduan Gumupit at idikit sa kuwaderno ang larawan ng tao, hayop, pook, at bagay. Isulat ang pangngalang tumutukoy sa larawan.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Nasisipi nang wasto ang pangalan ng tao, bagay, hayop, at pook o lugar Nakagagawa ng pataas na ikot at pababang ikot na guhit
13

Paksang- Aralin Pagsulat ng Pangngalan Kagamitan tsart ng mga pangngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar Tukoy-Alam Ipakita ang ginawang takdang-aralin. Anong bagay/hayop/lugar/tao ang nakita sa larawan? Paglalahad Magpakita ng larawan ng tao/bagay/hayop/lugar. Ipasulat sa pisara ang ngalan nito. Ipabasa ang mga salita sa Basahin Natin sa LM, pahina___. Pagtalakay Ipasagot ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM, pahina___. Ano-ano ang ngalan ng tao? Bagay? Hayop?Pook? Paano isinulat ang bawat isa? Bakit maliit na letra ang simula ng ngalan ng tao? Ipasipi ang ilang mga salita sa pisara. Tama ba ang pagkakasipi ng salita? Ano ang dapat nating tandaan sa pagsipi ng isang salita? Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng mga salita? Pahalagahan Natin, sa LM, pahina___ GawaingPagpapayaman Ipasipi sa mga bata ang mga pangalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar na nasa Gawin Natin sa LM, pahina ______. Hayaang gawin ito ng mga bata sa sulatang papel at ipakita sa klase ang pagkakasipi. Itanong sa ibangbata kung tama ang pagkakasipi? Kung hindi naman, itanong kung paano pa ito maisasaayos? Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina___. Ipaalala ang wastong pagsipi ng mga salita. Umikot at tingnan kung paano ito ginagawa ng mga bata. Bigyan ng tulong ang mga batang nangangailangan ng gabay. Maaari rin na isulat sa tsart ang mga salitang sisipiin upang makita nila ito kung paano sulatin gamit ang pula at asul na linya ng sulatan. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng mga salita? Karagdagang Pagsasanay Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsipi at pagsulat ng mga salita? Ipagawa sa mga mag-aaral ang Linangin Natin sa LM, pahina _____. Pagsulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang pataas na bilog na guhit. Bilangan gabang gingawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel.

14

Gawin muli ang mga hakbang na isinagawa sa pagsulat ng pababapaikot na linya.

IKALIMANG ARAW
Layunin Natutukoy ang unahan, gitna, at hulihang tunog ng salita Natutukoy ang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar Paglalahad Maghanda ng flashcard na may nakasulat na mga salitang natutunan ng mga bata sa isang linggong aralin. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Hayaang pagsama-samahin nila ang mga salita. Tukuyin ang dahilan ng pagsasama-sama ng mga salita. Kasanayang Pagpapayaman Gawain 1- Tukuyin ang una, gitna at hulihang tunog ng mga salita. Ipabigkas sa mga bata ang tunog na may salungguhit sa bawat salita. 1. Pasko 2. ulila 3. kundoktor 4. sakit 5. prutas 6. pulubi 7. talong 8. bisig 9. hipon 10. klase Gawain 2- Iguhit ang mga sumusunod pangngalan ng tao, bagay, hayop, Pook o lugar. 1. palaruan 2. mesa 3. sanggol 4. buwaya 5. paaralan

15

Aralin 3: Maglibang at Magsaya sa Piling ng Pamilya


Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Natutukoy ang damdaming ipinahihiwatig sa usapan/pahayag ng ibat ibang tauhan Ponolohiya Natutukoy ang bilang ng mga pantig ng salita Gramatika Natutukoy at nakaklasipika ang karaniwang salita sa konseptuwal na kategorya (tao, bagay, hayop, pook o lugar) Pagbabaybay Natutukoy ang mga salitang may maling baybay Pagsulat Nakasusulat ng mga letrang may pailalim at paibabaw na kurba (U,V,Q,X)

UNANG ARAW
Layunin Natutukoy ang damdaming ipinahihiwatig ng usapan/linya mula sa ibat ibang tauhan Paksang-Aralin Damdamin sa Isang Usapan o Pahayag Kagamitan Larawan kaugnay sa ibat ibang pagdiriwang sa bansa Larawan ng mukha na nagpapahiwatig ng ibat ibang damdamin Paunang Pagtataya May inihanda akong gawain sa inyo. Sagutan ang Subukin Natin upang matiyak natin ang dati nang kaalaman na gagamitin natin sa pag-aaral ng bagong aralin sa linggong ito. Ipakuha ang Kagamitan ng Mag-aaral, panulat at sagutang papel. Tukoy-alam Ano ang nararamdaman mo ngayon? Iguhit ito. Hayaang sabihin ng mga bata ang dahilan ng kanilang nararamdaman. Paglalahad Ano ang pagdiriwang na nadaluhan o nasaksihan na? Pagbabahagi ng mga bata ng karanasan sa nabanggit na pagdiriwang. Ano ang naramdaman mo sa dinaluhang pagdiriwang? Basahin ang sagutang liham ng magpinsang Mary Ann at Nilo sa Basahin Natin sa LM, pahina_____. Pagtuturo at Paglalarawan Anong mga salita ang hindi naunawaan sa liham? Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga bagong salita.
16

Basahin muli ang liham. Talakayin ang liham sa tulong ng mga gabay na tanong sa Sagutin Natin sa LM, pahina____ Ano-anong damdamin ang ipinakita sa unang liham? Basahin ang linya na nagpapakita ng pagkalungkot/pagkamasaya/pagasa. Gawin din ito sa ikalawang liham. Ano ang naidudulot ng mga pagdiriwang sa ating bansa? Basahin ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina__ Kasanayang Pagpapayaman Alamin ang damdaming ipinahihiwatig sa mga pahayag. Pasagutan ang Gawin Natin sa LM, pahina ___ Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipagawa ang ibat ibang gawain na nasa bahaging Sanayin Natin sa LM p. __. Paglalahat Ano-anong mga damdamin ang maaaring ipahiwatig ng usapan/ pahayag mula sa tauhan? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina___. Karagdagang Pagsasanay Tukuyin ang damdamin sa bawat pahayag. Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina___ Kasunduan Iguhit sa kuwaderno ang nakita mong damdamin ni nanay o tatay nang dumating ka sa inyong bahay.

IKALAWANG ARAW
Layunin Natutukoy ang bilang ng mga pantig ng salita Nahahati sa pantig ang mga salita Paksang Aralin Pagpapantig ng mga Salita Kagamitan larawan ng lalawigan at ng siyudad Tukoy-alam Ano-ano ang makikita sa karagatan? Sabihin ang ngalan kasabay ng pagpalakpak upang maipakita ng bilang at paraan ng pagpapantig ng salitang sagot. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang lalawigan at ng isang siyudad. Paghambingin ang dalawang lugar sa tulong ng Venn Diagram. Pagpapayaman ng Talasalitaan Talakayin sa ibat ibang kaparaanan ang mga salita bago bumasa. sagana (larawan ng maraming isda) baybaying dagat (larawan)
17

bakawan-(pangungusap) Itinanim ang bakawan malapit sa baybayin. Ito ay nagsisilbing pananggalang sa malalaking alon. Tirahan din ito ng mga yamang tubig. Caramelado- isang uri ng kendi mula sa gatas ng kalabaw Ano ang ibig sabihin ng sagana? Baybaying-dagat? Bakawan? Caramelado? Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Basahin ang kuwento tungkol sa pamilya De los Reyes sa Basahin Natin sa LM, pahina___ Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM, pahina__. Ipakita ang mapa ng Pilipinas, ituro ang Masbate at magbigay ng ilang mga kaalaman tungkol sa lugar. Ano-ano ang salitang ngalan ng tao? Lugar? Bagay? Hayop na binanggit sa kuwento? Pumili ng isang salita. Pantigin ito. Basahin muli. Ipalakpak ang pantig. Ilang pantig mayroon ang salitang ito? Gawin ito sa iba pang salita. Ipagawa sa mga bata ang ipinakitang gawain sa pagpapantig. Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng oras? Ipabasa ang Pahalagahan Natinsa LM, pahina ___. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawin Natin sa LM, pahina___. Hatiin ang klase sa ilang pangkat at ipagawa ang Sanayin Natin. Pag-uulat ng bawat pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Paglalahat Paano natin papantigin ang isang salita? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina_____. Karagdagang Gawain Pantigin ang mga salita at tukuyin ang bilang ng pantig ng bawat saluita. Ipagawa Linangin Natin sa LM, pahina___. Kasunduan Isulat ang mga pagdiriwang sa sariling pamayanan. Pantigin ang sagot.

IKATLONG ARAW
Layunin Nakaklasipika ang karaniwang ngalan ng ng tao, bagay, hayop o lugar Paksang Aralin Pagkaklasipika ng Pangngalan Kagamitan Flashcard para sa Tukoy-alam
18

Tukoy-alam Suriin at ipangkat ang mga salita. kaibigan kalaro damit pinsan paaralan simbahan larawan kabayo

Paglalahad Ano-ano ang pinamili ni nanay sa palengke? Itala ang mga isasagot ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. Basahin ang diyalogo sa Basahin Natin. Pagtuturo at Paglalarawan Pag-usapan ang diyalogo sa pamamagitan ng mga tanong sa Sagutin Natin. Pumili ng bata na makakasagutan sa pagbasa ng diyalogo. Tumawag ng dalawang bata na babasa ng diyalogo. Ano-ano ang ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar na nasa kuwento? Isulat ang mga ito sa pisara. Alin-alin ang dapat magkakasama? Hayaang isulat ng mga bata sa bawat pangkat ang kanilang kasagutan. Pag-uulat ng bawat pangkat. Pangatwiranan ang ginawang pagpapangkat. Ano ang itatawag natin sa bawat pangkat? Paano mo ipinapakita ang iyong pasasalamat sa magulang sa kanilang pagmamahal sa iyo? Ipagawa Pahalagahan Natinsa LM, pahina___ . Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang pagsasanay Gawin Natin sa LM, pahina___ Pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa ang pangkatang gawain sa Tingnan ang bahaging Sanayin Natin sa LM, pahina___. Paglalahat Paano na napapangkat ang mga karaniwang pangalan? Tandaan Natin sa LM, pahina___ Karagdagang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina___. Balikan ang ginawang talaan sa pag-uumpisa ng klase. Tingnan kung tama ang pagkakaklasipika ng mga salita. Kasunduan Gumupit ng larawan ng ibat ibang pangngalan. Idikit ang mga ito ayon sa klasipikasyon.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Natutukoy ang salitang may maling baybay sa pangungusap Nakakasulat ng mga letrang may pailalim at paibabaw na kurba Paksang-Aralin
19

Mga Salitang Mali ang Baybay Pagsulat ng mga Letrang may Pailalim at Paibabaw na Kurba Tukoy-alam Ano ang mali sa sumusunod na salita? Paano ito isusulat nang tama? 1. aparador 2. platto 3. tindahan 4. bumberoh 5. mannsanas Paglalahad Bigyan ang mga bata ng pagkakataon na maglaro. Kung wala namang kagamitan, maaaring magpagawa na lamang ng isang gawain na nangangailangan ng kagamitan. Patigilin ang mga bata sa ginagawa. Pabalikin na sa sariling upuan. Tingan kung ano ang ginawa nila sa mga ginamit. Papurihan ang nagayos ng sariling gamit. Ano ang dapat ginawa matapos ang isang gawain? Basahin ang kuwento sa Basahin Natin sa LM, pahina____. Pagtuturo at Paglalarawan Sagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM, pahina____. Ipabigay ang mga salitang may salungguhit sa kuwento at isulat sa pisara. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salita ng tatlong beses. Ipabaybay isa-isa ang mga salita. (Sabihin ang salita-Baybayin-Sabihin ang salita) Burahin ang mga salitang nakasulat sa pisara. Isulat na muli ang kuwento tsart na may mga salitang mali ang pagkakabaybay. Ano ang napansin? Ano-anong salita ang may maling baybay? Ano ang tamang baybay nito? Pagpapahalaga Paano mo pinapahalagahan ang iyong mga gamit katulad ng laruan? Ipagawa ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina___. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina_____. Paano isusulat nang tama ang mga salitang may maling baybay? Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, sa pahina ___ Paglalahat Paano natin matutukoy ang mga salitang may maling baybay sa pangungusap? Tandaan Natin sa LM, pahina Karagdagang Gawain Tukuyin ang mga salitang may maling baybay sa pangungusap . Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina___
20

Pagsulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang U,V,Q,X. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKALIMANG ARAW
Layunin Nasasagot nang wasto ang mga inihandang pagtataya Panimulang Gawain 1. Ihanda ang mga bata sa gagawing pagtataya. 2. Basahin at ipaliwanag ang mga panuto sa mga mag-aaral. Gawaing Pagtataya A. Tukuyin ang damdaming nananaig sa sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng wastong sagot. A. nagagalit E. natatakot B. nag-aalala F. nakikiusap C. natutuwa G. nanunukso D. nagpapasalamat 1. Nanay! Salamat po sa regalong inyong ibinigay para sa aking kaarawan. 2. Ano! Hindi ka na naman pumasok sa eskuwela? 3. Bakit na naman? 4. May bagyo raw na paparating baka bumaha na naman. 5. Yipee, matutuloy kami sa Boracay sa isang linggo. 6. Tulong! Tulong! Nabangga ang apo ko, tulungan ninyo ako! B. Isulat nang papantig ang sumusunod na mga pangngalan. 7. lalawigan 8. halaman 9. polo 10. mamimili 11. bunso 12. Alin ang tamang pagpapantig ng salitang pagtitipon? a. pagti-ti-pon b. pag-ti-ti-pon c. pagtiti-pon 13. Alin ang tamang pagpapantig ng salitang laruan? a. la-ru-an b . la-ruan c. lar-u-an 14. Ilang pantig mayroon ang salitang alimango? a. 1 b. 2 c. 3 d. 4 15. Ilang pantig mayroon ang salitang manika? a. 1 b. 2 c. 3 d. 4 16. Alin sa mga karaniwang pangngalan ang ngalan ng tao?

21

a.tubig b. daga c. pulis bayan 17. Alin sa mga karaniwang pangngalan ang ngalan ng bagay? a. kalsada c. bubuyog b. sasakyan d paliparan 18. Ang ilog ay karaniwang pangngalan ng a.tao b. bagay c. hayop d. pook 19. Anong salita sa pangungusap ang may maling baybay. Nagbakasyon ang mag-anak sa lalawigan ng Qkuezon a. mag-anak c. lalawigan b. Qkuezon d. nagbakasyon 20. Sumulat ng isang letrang may pailalim na kurba.

d.

22

Aralin 4: Ang Batang Uliran, Laging Kinalulugdan


Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Makasali sa isang usapan gamit ang telepono Kasanayang Ponolohiya Nakikilala ang mga anyo ng pantig (P, KP, PK ) Gramatika Natutukoy at nakaklasipika ang tanging ngalan ng tao, bagay, hayop o pook Pang-unawa sa Binasa Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa kuwento Pagsusulat Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang malaking letra na may paibabaw na kurba gaya ng C, A, O, D, I at N. Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may malaking tamang laki at layo ang malaking letra na may dalawang kurba gaya ng E, W, L, R, F, S, G

UNANG ARAW
Layunin Makasali sa usapan gamit ang telepono Paksang Aralin Usapan sa Telepono Kagamitan Pasel at larawan ng telepono Paunang Pagtataya Ipakuha ang sagutang papel, panulat at Kagamitan ng Mag-aaral. Pasagutan ang Sagutan Natin sa LM p.__ Tukoy Alam Ipabuo ang pasel ng telepono. Ano ang nabuong larawan? Saan ito ginagamit? Paano ito gamitin? Paglalahad Paano mo aanyayahan ang kaibigan mo sa isang pagtitipon ngunit malayo ang kanilang tirahan. Pagpapayaman ng Talasalitaan Pumili ng mga salita sa kahon na kasingkahulugan ng salitang may Salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno. pumunta inimbita tiyak kinuha pumayag 1. Inanyayahan ni Jackie si Lani sa kanyang kaarawan. 2. Tumunog ang telepono at mabilis na dinampot ni Lani.
23

3. Gusto ni Jackie na dumalo si Lani para sa kaniyang kaarawan. 4. Nagpaunlak si Lani na isasama ang bunsong kapatid. 5. Ano ang ibig sabihin ng inanyayahan? Dinampot? Dumalo? Nagpaunlak? Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Basahin sa mga ang usapan sa telepono sa Basahin Natin pahina ____. Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang usapan sa pamamagitan ng mga tanong sa Sagutin Natin Basahin muli ang usapan ng may kasagutan. - Isang bata - Bata sa bata Paano dapat simulan ang usapan sa telepono? Paano ito tatapusin? Ano-ano ang dapat tandaan sa pakikipag-usap sa telepono? Paano kung wala ang kakausapin? Ang gustong kausap ng tumawag? Paano tayo dapat nakikipag-usap sa telepono? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina _____. Gawaing Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM, pahina _____. Humanap ng kapareha at gawin ang Sanayin Natin sa LM, pahina _____. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pakikipag-usap sa telepono? Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Linangin Natin sa LM, pahina _____

IKALAWANG ARAW
Layunin Nakikilala ang mga anyo ng pantig (P, KP, PK) Tukoy-Alam Pagtukoy ng mga letra ng alpabeto ng mother tongue. Magbigay ng salitang nag-uumpisa sa bawat letra. Paglalahad Ipaawit ang Alpabetong Filipino. Ilang letra ang bumubuo sa Alphabetong Filipino? Ipabasa ang tsart ng Alpabetong Filipino na makikita sa LM p._____. Pagtuturo at Paglalarawan Isulat sa flashcard ang mga letra. Magsagawa ng laro sa pagbasa ng mga letrang nasa flashcard. Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina _____ Matapos nito, talakayin ang kayarian ng pantig. Magbigay ng ilang mga salita buhat sa napakinggang usapan sa telepono. (Isulat sa pisara ang ibibigay ng mga bata) Basahin ang mga salita sabay turo. Ipabasa sa mga bata. Pumili ng isang salita.
24

Ano-anong letra ang bumubuo dito? Ano ang tunog ng bawat letra? Guhitan ang isang pantig. Ano-anong letra ang bumubuo dito? Ano ang tawag sa mga letra na ito? Gawin ang pagsasanay na ito hanggang sa makilala ng mga bata ang kayarian ng pantig na KP at PK. Paano makakatulong ang kaalaman sa pagbasa ng pantig sa iyong pagbasa? Pahalagahan Natin sa LM pahina _____. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM pahina ____ Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina Paglalahat Ano ang pantig? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM pahina _____. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin sa LM pahina _____.

IKATLONG ARAW
Layunin Natutukoy ang tanging ngalan ng tao, bagay, hayop o pook Tukoy-Alam Linangin ang salitang halamanan. Ano-ano ang makikita dito? Paglalahad Ano ang mararamdaman mo kapag nakita mong nasira ang iyong halamanan. Pagpapayaman ng Talasalitaan Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. hardin palaisipan palamuti sa leeg inalam

1. Isang misteryo ang nangyari sa halamanan. 2. Napakaganda ng halamananni Helen. 3. Tamang-tamang gawing kuwintas ang mga bulaklak. 4. Nag-imbestiga si Mang Rodel sa tunay na nangyari. Ano ang ibig sabihin ng misteryo? Halamanan? Kuwintas? Nagimbestiga? Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salita. Basahin ang kuwentong Ang Halamanan ni Helen sa LM, pahina _ Pagtuturo at Paglalarawan Ipagawa ang Sagutan Natin sa LM pahina ____. Ano-anong ngalan ng tao/bagay/hayop/lugar ang nabanggit sa kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
25

Ipapangkat ang mga ngalan ayon sa uri nito. Paano isinulat ang salitang Kalye Maharlika? Bulaklak? Mang Rodel? Kambing? Bakit isinulat natin sa malaking letra ang ilang ngalan ng tao/lugar? Bakit may maliit na letra tayong ginamit sa pagsulat? Paano natin mapapangalagaan ang ating kapaligiran? Pasagutan ang Pahalagahan N natatin sa LM, pahina _____. Kasanayang Pagpapayaman Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Gawin Natin sa LM, pahina Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina Paglalahat Ano ang tanging ngalan ng tao, bagay, hayop at pook? Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM pahina _____. Karagdagang Gawain Ipasagot ang Linangin Natin sa LM pahina Pagsusulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang C, A, O, D, I. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa kuwentong binasa Tukoy-Alam Anong palabas sa telebisyon ang iyong napanood? Nagwakas na ba ito? Ano kaya ang susunod na mangyayari dito? * Kung wala naman napanood ang mga bata, maaaring magbasa ang guro ng Isang maikling kuwento o kaya naman ay magpakita ng isang larawan na May sitwasyon. Itanong pa rin sa mga bata kung ano sa palagay nila ang Susunod na mangyayari ditto. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang halamanan at ng isang alpas o ligaw na hayop. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Ipabasang muli ang kuwentong Halamanan ni Helen. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin na makikita sa LM pahina _____. Ano ang suliranin sa kuwento? Ano kaya ang ginawa ni Helen matapos makitang nasira ang kaniyang halamanan? Ng kaniyang ama?
26

Ano ang katangian ni Helen? Dapat ba siyang tularan? Bakit? Ano ang dapat nating tandaan kung may mga bagay o pangyayari na hindi natin nais o gusto? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM pahina _____. Gawaing Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin at Sanayin Natin sa LM pahina _____. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Paglalapat Sagutan ang Linangin Natin sa LM na makikita sa pahina, _____. Pagsulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang E,W,L,T,F,G,S. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKALIMANG ARAW
Layunin Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa kuwento Paksang-Aralin Pagbibigay Hula sa Susunod na Mangyayari Pamamaraan Hatiin ang klase sa ilang pangkat. Unang Pangkat Kagigising pa lamang ay nakikipaglaro na si Marie sa mga bata sa kalsada. Ilang ulit na siyang tinatawag ng kaniyang nanay ngunit hindi siya sumunod. Patuloy pa rin siyang nakikipaglaro.Nilapitan siya ng nanay. Isadula ang sitwasyon ang hulang susunod na mangyayari. Ikalawang Pangkat Maraming nakabarang basura sa kanal at estero. Pati ang ilog ay hindi na rin dumadaloy sadami ng basura. May darating na bagyo. Marami raw itong dalang ulan ayon sa ulat ng panahon. Iguhit ang inyong hula sa susunod na mangyayari. Ikatlong Pangkat Maraming bunga ang tanim na gulay at prutas ni Aling Seling sa likod bahay. Isang araw, nangailangan si Aling Seling ng pera upang ipambili ng bigas. Isulat ang hula ninyong susunod na mangyayari. Ikaapat na Pangkat Tuwing walang pasok, nanonood sa pagluluto ng ina si Anabel. Natututuhan na niya ang mga paraan ng pagluluto. Isang araw, nagkasakit ang ina ni Anabel. Hindi ito makapagluluto. Isalaysay ang hula ninyong susunod na mangyayari.

27

Aralin 5: Magulang ay Mahalaga, Dapat Inaalala


Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Naisasalaysay na muli ang tekstong napakinggan sa pamamagitan timeline Kasanayang Ponolohiya Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang may P, KP, PK Gramatika Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang pangngalang pambalana at pantangi Pag-unlad sa Bokabularyo Natutukoy ang kahulugan ng di pamilyar/bagong salita batay sa paguugnay sa sariling karanasan Pagsusulat Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang malalaking letrang pahilig gaya ng P, B, at R at cane letters tulad ng N, , NG, M, H, K.

UNANG ARAW
Layunin Naisasalaysay na muli ang tekstong napakinggan sa pamamagitan ng timeline Paksang Aralin Pagsasalaysay Muli Paunang Pagtataya Ano kaya ang pag-aaralan natin ngayong linggong ito? Subukan nating alamin ang kaalaman ninyo tungkol dito. Subukan Natin sa LM, pahina _____. Tukoy Alam Balikan ang isang kuwento na nabasa sa mga bata nang nagdaang linggo. Ipakuwento muli ang mga ito sa mga bata. Bigyang-halaga ang ginawa ng bata sa pamamagitan ng rubrics. Tingnan sa Appendiks ang sipi ng rubrics na maaaring gamitin. Paglalahad Ipakuwento sa mga bata ang pagdiriwang ng kanilang nakaraang kaarawan. Pagpapayaman ng Talasalitaan Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. inabutan walang kaalam-alam paanyaya kaarawan

28

1.

Walang kamalay-malay si Nanay na mangyayari ang isang sorpresa sa kanyang kaarawan. Gumawa si kuya ng imbitasyon. Napaiyak si nanay sa kanyang nadatnan.

2. 3.

Ano ang ibig sabihin ng walang kamalay-malay? Imbitasyon? Nadatnan? Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Basahin ang kuwentong Sorpresa kay Nanay. Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng Sagutin Natin sa LM, pahina __. Ipakita ang timeline.

Ilang tagpo mayroon an gating kuwento? (Lagyan ng bilog ang timeline na magpapakita ng bawat tagpo) Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Pangalawa? Pangatlo? Pangapat? Panglima? (Isulat ang mga ito sa bawat bilog sa timeline)

Tumawag ng mag-aaral na muling magsasalaysay ng kuwento gamit ang timeline na natapos. Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa ating mga magulang? Tingnan ang bahaging Pahalagahan Natin, LM pahina _____. Kasanayang Pagpapayaman Basahin sa mga bata. Maagang gumising si Lina. Unang araw ito ng pagpasok niya sa paaralan. Inihanda muna niya ang kaniyang gagamitin sa paliligo bago siya naligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya ng uniporme. Nagsuklay siya ng buhok at naglagay ng ipit. Pumunta siya sa kusina at kumain ng inihandang almusal ng kaniyang nanay. Pagkatapos kumain ay nagsipilyo na siya ng ngipin. Isinuot na niya ang kanyang bagong sapatos. Handanghanda na si Lina sa pagpasok sa paaralan. Gamitin ang timeline sa pagsagot sa Gawin Natin sa LM pahina _. Basahin sa mga bata. Nagsisimula ang buhay ng isang mayabong na puno sa isang maliit na buto. Sa tulong ng lupa, tubig, at sikat ng araw, ang buto ay magkakaugat. Sa paglipas ng ilang araw , susulpot ang maliliit na dahon. Ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas, ang maliit na buto ay ganap nang naging mayabong na puno.
29

Ipaguhit ang pagbabagong nagaganap sa isang maliit na buto sa paraang timeline. Muling ikuwento gamit ang nabuong timeline. Tingnan ang Sanayin Natin sa LM pahina ___. Paglalahat Paano natin maisasalaysay muli ang napakinggang o nabasang kuwento? Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM pahina _____. Karagdagang Gawain Basahin sa mga bata. Mga Gawain ni Jason Masinop na bata si Jason. Nais niyang gawin ang kaniyang mga gawain sa takdang panahon. Maaga pa lamang ay naghahanda na siya sa pagpasok sa paaralan. Pagkatapos ng kaniyang klase ay umuuwi kaagad siya upang pakainin ang kaniyang mga alagang baka.Sa hapon ay pumupunta siya sa palengke upang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng gulay. Pag-uwi sa bahay ay tumutulong din siya sa paghahanda ng pagkain. Ipagawa ang Linangin Natin sa LM pahina ____. Muling isalaysay ang teksto sa pamamagitan ng ginawang timeline. Kasunduan Gumawa ng isang timeline ng mga ginawa sa bahay nang nagdaang araw.

IKALAWANG ARAW
Layunin Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang may pantig na P, KP, PK Tukoy-Alam Maglagay ng mga istrips ng papel na may nakasulat na mga salita na may pantig na binubuo ng P, KP, at PK. Pabunutin ang mga bata ng isang istrip ng papel. Ipabasa ito sa mga bata. Ipapantig ito. Anong kayarian ng pantig mayroon sa salitang binasa. Paglalahad Hayaang gumawa ang mga bata ng kard na sorpresa para sa kaarawan ng sariling ina o ama. Hayaang ipakita ito sa klase at bigyang halaga. Balikan ang kuwentong Sorpresa kay Nanaysa LM pahina ____. Pagtuturo at Paglalarawan Ipasagot ang Sagutin Natin sa LM, pahina _____. Ano ang P, KP at PK na pantig? Hayaang magbigay ang mga bata ng salita mula sa kuwento at ipatukoy kung anong kayarian ng mga pantig mayroon ang bawat isa.
30

Ipakita sa mga bata kung paano ang isang salita ay nagiging bahagi ng pangungusap. Halimbawa: tuwa Napaiyak si Nanay sa tuwa. sa tuwa si Nanay sa tuwa Nanay sa tuwa Nanay sa tuwa si Nanay sa tuwa sa tuwa Napaiyak si Nanay sa tuwa. sa tuwa Pansinin ang Hanay A. Ano ang salita na narito? Ilang pantig mayroon ito? Anong kayarian ng pantig mayroon ito? Paano nabuo ang parirala? Pangungusap? Ano ang idinagdag? Pansinin ang Hanay B. Basahin ang buong pangungusap. Basahin ang parirala. Basahin ang salita. Pantigin ito. Ano ang kayarian ng pantig na bumubuo ditto? Paano ka magsasalita nang maayos? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina _____. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina _____. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina ____. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina ______. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Linangin Natin sa LM, pahina _____. Kasunduan Sumulat ng isang pangungusap katulad ng ginawa sa aralin. Pantigin ang salitang ginamit. Tukuyin ang kayarian nito.

IKATLONG ARAW
Layunin Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang pangngalang pambalana at pantangi Tukoy-Alam Hatiin sa ilang pangkat ang klase at ipagawa. Ipapangkat sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa flashcard. tatay Mario Dimaano Susan Reyes Doktor Medina kuya Gng. Romero nanay ate
31

lola Lola Editha Pabigyang-katwiran ang ginawang pagpapangkat ng grupo. Paglalahad Linangin ang salitang karapatan. Basahin ang Dapat Mong Malaman. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM, pahina ____. Ano-ano ang ngalan ng tao sa napakinggang usapan. Ipangkat ang mga ito. Alin sa mga salita ang tumutukoy sa tiyak na ngalan? Ang hindi tiyak? Paano isinulat ang tiyak na ngalan? Ang hindi tiyak? Gamitin sa sariling pangungusap ang mga ngalan na mula sa usapan. Paano natin pahahalagahan ang mga karapatang tinatamasa? Basahin ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina _____ Kasanayang Pagpapayaman Gamitin sa sariling pangungusap ang mga pangngalan. Ipagawa ang Gawin Natin at Sanayin Natin sa LM, pahina _____. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Karagdagang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina _____. Pagsusulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang N,M,H at K. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Natutukoy ang kahulugan ng di pamilyar/ bagong salita sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa sariling karanasan Paksang-Aralin Mga Di-Pamilyar na Salita Tukoy-Alam Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap. 1. Malinamnam ang litsong manok. Masarap kasing mag-ihaw si Tatay. 2. Mahalimuyak ang buong hardin. Mababango kasi ang mga bulaklak na nakatanim dito. Paglalahad Ano-ano ang ginagawa ninyo sa bahay? Paaralan?
32

Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ito? Ipaliwanag ang sagot. Muling basahin ang diyalogong Dapat Mong Malaman Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutan Natin sa LM, pahina _____. Ano-anong salita sa diyalogo ang bago sa iyong pandinig o hindi mo naunawaan? Pumili ng isang salita buhat sa isinagot ng mga bata. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga bata . Halimbawa : mapalad Ano-ano ang mga ibinibigay sa iyo ng iyong mga magulang? Ano ang ginagawa nila para maibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan mo? Ano ang huling ibinigay sa iyo ng iyong magulang? Mapalad ka ba? Ano ang ibig sabihin ng mapalad? Ano ang kaugnayan ng dati mong karanasan sa pagtuklas ng kahulugan ng isang hindi pamilyar na salita? Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin at Sanayin Natin sa LM, pahina Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Karagdagang Gawain Gawin ang Linangin Natin sa LM, pahina _____. Pagsulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang P, B, R at V. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKALIMANG ARAW
Layunin Nasasagot nang wasto ang inihandang pagsusulit Panimulang Gawain 1. Ihanda ang mga bata sa pagsusulit. 2. Basahin ang mga panuto sa pagsusulit. Pagsusulit A. Basahin ang teksto. Gumawa ng timeline upang ipakita ang sunod-sunod na paraan ng tamang pagsesepilyo ng ngipin.
33

Mga Paraan ng Pagsesepilyo Narito ang paraan ng maayos na pagsesepilyo. Ihanda ang sepilyo, toothpaste at baso. Lagyan ng toothpaste ang sepilyo. Lagyan din ng tubig ang baso. Sepilyuhin ang ngipin nang taas baba, paikot kaliwat kanan Magmumog ng tubig upang matanggal ang bula sa bibig. Huwag kalimutang hugasanang sepilyo bago itago sa lalagyan. Mga Paraan ng Pagsesepilyo _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ ______________________ B. Ayusin ang mga salita upang mabuo ang mga pangungusap. 6. sa lotto tumama Si Tatay ay 7. Sundin ang natin babala mga 8. Huwag pitasin nating bulaklak ang mga 9. sumayaw Mahusay si Andrea. 10. ka Kumain ng gulay at prutas C. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. 11. guro 12. Pilipinas 13. tatay 14. damit 15. Benigno Noynoy Aquino D. Tukuyin ang kahulugan ng mga salita batay sa pag-uugnay sa sariling karanasan. Gawing gabay sa pag-uugnay ang mga tanong sa ibaba. 16. marikit - __________ Sinong babaeng artista ang pinakamarikit para sa iyo? 17. matulin - __________ Paano ka tumakbo kapag may humahabol sa iyo? 18. payapa - __________ Payapa ba ang inyong barangay?Walang nag-aaway? Walang maingay na kapitbahay? 19. dukha - ___________ Nagbibigay ka ba limos sa mga dukha? 20. makamandag - __________ Nakakita ka na ba ng ahas na makamandag ang kagat?
34

Aralin 6: Pamamasyal ay Kasiya-siya, Kapag Kasama ang Pamilya


Lingguhang Layunin Pang-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga simpleng tanong sa binasang teksto Wikang Binibigkas Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang mga direksyon (kanan, kaliwa, diretso) Kasanayang Ponolohiya Napagsasama-sama ang mga ponema upang mabasa ang mga salitang may dalawa o higit pang pantig Gramatika Nagagamit ang angkop na pananda sa pagtukoy ng pangalang pambalana/pantangi Estratehiya sa Pag-aaral Natutukoy ang mga bahagi ng aklat Pagsulat Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang - malaking letra na may pahilis gaya ng P, B, R. - maliliit na letra na e, v, x, c, a, o, n, m, , ng

UNANG ARAW
Layunin Nasasagot ang mga simpleng tanong sa tekstong binasa Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang pangunahing direksyon Paksang Aralin Paggamit ng Direksyon sa Pagbibigay ng Panuto Kagamitan tsart ng kuwento, larawan ng mini train, roller coaster, carousel Paunang Pagtataya Ipahanda sa mga bata ang sagutang papel at panulat. Pasagutan sa mga bata ang Sagutin Natin sa LM. Itama ang sagot ng mga bata. Tukoy-Alam Itaas ang kanang kamay. Itaas ang kaliwang kamay. Ipadyak ang kanang paa. Ipadyak ang kaliwang paa. Humarap sa kanan. Humarap sa kaliwa.

35

Paglalahad Ipakita ang larawan ng ferris wheel, carousel at roller coaster. Tukuyin kung ano ang mga larawan? Nakapunta na ba kayo sa isang parke o pasyalan na may mga ganitong sakayan? Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan. Basahin ang kuwento sa Basahin Natin sa LM pahina __ Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang kuwento. Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina __ Paano nakita ng pamilya ang hinahanap nilang higanteng Ferris Wheel? Ano-anong direksyon ang sinabi ng tagapagbantay sa tatay na nagtatanong? Linangin ang salitang diretsp, kanan at kaliwa. Ipakita ang mapa ng parke. (Gawin ito sa isang tsart, sundin ang mga direksyon na makikita sa kuwento). Talakayin at tukuyin direksyon sa pagpunta sa iba pang sakayan sa parke. Hayaang magbigay ang mga bata ng direksyon gamit ang mga natutunang salita upang mapahulaan sa mga kaklase ang sakayan na nais niyang masakyan. Paano ka magbigay ng direksyon o panuto? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina _____. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM pahina______. Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina __ Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng maikling panuto? Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM, pahina _____. Karagdagang Pagsasanay Subukang magbigay ng direksyon o panuto. Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina _______. Kasunduan Isulat ang direksyon o panuto kung paano makakarating sa inyong bahay mula sa paaralan.

IKALAWANG ARAW
Layunin Napagsasama-sama ang mga ponema upang mabasa ang mga salitang may dalawa o higit pang pantig Paksang Aralin Pagbasa ng mga Salitang may Dalawa o Higit Pang Pantig Kagamitan flashcard ng mga salita Tukoy-Alam
36

Tukuyin kung ano at ilang pantig mayroon sa mga salita. bunso kapatid Letty sumakay nasaan itinanong pumasok tatay tagabantay Paglalahad Bigyan ang mga bata ng flashcard na naglalaman ng mga letra na a, e,g, l, k, m, n, t, u . Hayaang magbuo ang mga pangkat ng mga salita gamit ang mga salita. Inaasahang sagot: pera lapit sakay ganda masaya una Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano-ano ang nabuong salita? Basahin ang mga salita sa LM pahina __ na hango sa kuwento . Pagtuturo at Paglalarawan Pumili ng isang salita. Ipabasa sa mga bata. Ipapantig ito. Ipapalakpak ang pagpapantig nito. Ilang pantig mayroon ito? Gawin ito sa ibang salita. Ano-ano ang mabubuong salita gamit ang mga pantig sa loob ng malaking kahon? me ta ka su sa la so ha na an li wa ya ba le ye

Ano-ano ang katangiang dapat taglayin ng bawat miyembro ng mag-anak upang mapanatili ang kaayusan sa tahanan? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina ______. Kasanayang Pagpapayaman Gawin ang Gawin Natin sa LM pahina __. Sanayin Natin sa LM pahina__. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina ______. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina __. Kasunduan Magtala ng limang ngalan na may dalawang pantig na makikita sa kalsada.
37

Magtala ng limang ngalan na may tatlong pantig ng mga pagkain na mayroon sa inyong bahay.

IKATLONG ARAW
Layunin Nagagamit ang angkop na pananda sa pagtukoy ng pangngalang pambalana/ Pantangi Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo ay malalaking letra na may buntot gaya ng J, Y, Z Paksang Aralin Pagtukoy ng Pangngalan Pagsulat ng J, Y,Z Kagamitan larawan ng ferris wheel Tukoy-Alam Ibigay ang hinihinging impormasyon. Ama : _________ Ina : _________ Mga Kapatid : ________, _________, _________ Paaralan : ____________________ Guro : _______________________ Tirahan : _____________________ Alin-alin ang pangngalang hindi tiyak? Tiyak? Paglalahad Ipakita ang larawan ng mag-anak na nakasakay sa ferris wheel. Hayaang magbigay ang mga ng pangungusap tungkol sa larawan. Ipabasa ang mga pangungusap sa Basahin Natin sa LM pahina __ . Pagtuturo at Paglalarawan Ano-ano ang salitang may salungguhit. Ano ang tawag dito? Ano-ano ang salitang binulugan? Ano ang tawag dito? Suriin ang Sina Tatay at Nanay Sino-sino ang tinutukoy sa parirala? Anong salita ang ginamit para tukuyin o ituro sila? Pag-aralan mga ticket

Ilan ang ticket na tinutukoy? Paano ipinakita na marami ito? Anong salita ang ginamit? Kailan gagamitin ang ang mga?Ang? Ng? Ng mga? Ni? Nina? Paano magiging malinaw ang mensaheng nais nating ipabatid sa kausap. Ipabasa ang Pahalagahan Natin sa LM pahina __ Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina _____.
38

Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina __. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM pahina __. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Linangin Natin sa LM. Pagsusulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang J, Y at Z. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Natutukoy ang mga bahagi ng aklat Naisusulat ng maayos ang mga maliliit na letra gaya ng e, v, x, c, a, o, n, m, n, ng Paksang Aralin Bahagi ng Aklat Pagsulat ng e, v, x, c, a, o, n, m, n, ng Tukoy-Alam Magpakita ng isang aklat. Ipakita ang ilang mga bahagi nito at itanong sa mga bata ang tawag dito. Sabihin: Ngayon, aalamin natin kung tama ang inyong mga sagot. Paglalahad Ano ang paborito mong aklat? Hayaang magbahagi ang mga bata tungkol sa paborito nilang aklat. Ano-ano ang makikita sa paborito mong aklat? Ipabasa ang Basahin Natin sa LM pahina _____ Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM, pahina _____. Ipakita ang mga bahagi ng aklat sa pamamagitan ng paggamit ng tunay na aklat. Ano ang makikita sa pabalat? Saan makikita ang mga talaan o listahan ng mga mababasa sa aklat? Ano ang talahuluganan o glossary sa aklat? 1. Pahina ng Pamagat - Makikita rito ang pamagat ng aklat, pangalan ng may-akda, tagaguhit, ang naglimbag at ang lugar na pinaglimbagan. 2. Talaan ng Nilalaman - Dito makikita ang pahina ng bawat aralin. 3. Katawan ng Aklat - Mababasa ang mga aralin at mga pagsasanay
39

4. Talahulugan o Glossary - ito ay talaan ng mga salitang binigyan ng kahulugan. 5. Indeks - ito ang paalpabetong talaan ng mga paksa o nilalaman ng aklat. Paano natin pangangalagaan ang ating aklat? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina ______. Karagdagang Pagsasanay Gawin, Natin sa LM pahina __. Sagutin ang Sanayin Natin sa LM pahina __ Paglalahat Ano-ano ang bahagi ng aklat? Basahin ang Tandaan Natin sa LM Karagdagang Pagsasanay Magbibigay ng kasanayang sa Linangin Natin sa LM, pahina Pagsusulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang e, v, x, c, a, o, n, m, , ng. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKALIMANG ARAW
Layunin Nasasagot nang wasto ang mga tanong sa inihandang pagsusulit Panimulang Gawain Ihanda ang mga bata sa pagsusulit. Basahin at ipaliwanag ang mga panuto. Pagtataya A. Piliin ang letra ng angkop na panuto sa bawat sitwasyon. 1. Magbabasa ng aklat si Mat. Ano ang gagawin niya? a. Basahin ang teksto mula kaliwa pakanan. b. Basahin ang teksto mula kanan pakaliwa. c. Basahin ang teksto mula taas pababa. 2. Aakyat ng hagdan si Rica. a. Maglakad sa gawing kaliwa. b. Maglakad sa gawing kanan. c. Maglakad sa gitna. 3. Gagamit si Ana ng kalahating papel. a. Hatiin ang isang buong papel sa gitna. b. Hatiin ang isang buong papel sa gilid. c. Hatiin ang isang buong papel sa apat. 4. Magsesepilyo ng ngipin si Sabrina. a. Sepelyuhin ang ngipin sa ibaba lamang. b. Sepelyuhin ang ngipin sa itaas lamang.
40

c. Sepelyuhin ang ngipin nang taas baba. 5. Magsusulat ng kuwento si Linda. a. Magsulat mula sa taas pababa. b. Magsulat mula kanan pakaliwa. c. Magsulat mula pakaliwa pakanan. B. Pagsamahin ang mga pantig. Isulat sa sagutang papel ang mabubuong salita. 6. ka-sa-ma=___________________ 7. pa-a-lam=___________________ 8. su-ma-ma=__________________ 9. ka-sal=___________________ 10. pul-bos=_________________ C. Piliin ang angkop na pananda. 11. Ang sapatos ___Lito ay bago. a. ni b. nina c. kay 12. Ang buhok ____ Ami at Sara ay mahaba. a. Sa b. nina c. kina 13. Mapayapa ____ Barangay Kaunlaran. a. ang b. ng c. ang mga 14. ______gusali ng Makati ay matataas. a. Ang b. Ang mga c. ng mga 15. Ang regalo ay para _____ Perla. a. kay b. kina c. Nina D. Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 16. Ito ang paalpabetong talaan ng mga paksa o nilalaman ng aklat ____________ 17. Dito makikita ang pahina ng bawat aralin.___________________ 18. Makikita rito ang kahulugan ng mga salitang di mauunawaan.___________________ 19. Dito mababasa ang mga aralin at mga pagsasanay.______________ 20. Ito ay pinakamatigas na bahagi at pinakatakip o damit ng aklat ________________________. Talaan ng Nilalaman Talahuluganan Pabalat ng Aklat Index Katawan ng Aklat

41

Aralin 7: Sa Oras ng Kagipitan, Pamilya ay Nandiyan Lang


Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa napakinggan/binasang teksto Nakapagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning napakinggan/binasa Ponolohiya Nakikilala ang mga anyo na bumubuo sa pantig ng mga salita (KPK,KKP at KKPK) Gramatika Napag-uuri ang pangngalan ayon sa kasarian (pambabae at panlalaki) Pagsulat Naisusulat sa kabi-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang maliit na letra na paibabaw na kurba gaya ng i, u, w, s, r

UNANG ARAW
Layunin Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa napakinggan/binasang teksto Paksang-aralin Katangian ng mga Tauhan Paunang Pagtataya Ipahanda sa mga bata ang kanilang sagutang papel at panulat. Pasagutan ang Subukin Natin sa L M, pahina___ . Tukoy-Alam Anong katangian mayroon ang tauhan sa bawat sitwasyon? 1. Si Kim ay madalas maghikab, halos ang kanyang mga mata ay pumikit na. Dahil dito, tila gusto na niyang humiga. a. tamad b. antukin c. siga 2. Si Rene ay madalas nagsasabi ng po at opo lalo na sa matatanda. a. matulungin b. masipag c. magalang 3. Nagulat si Boyet sa matipunong kamay na pumatong sa kaniyang balikat. a. matigas b. magaspang c. malambot Paglalahad Nakaranas ka na ba ikaw ay tuksuhin? Ano ang naramdaman mo? Kung ikaw ang nanukso? Ano ang naramdaman mo? Pagpapayaman ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang may salungguhit. Piliin ang letra ng tamang sagot.

42

1. Kahit na malakas siyang kumain ay talaga yatang patpatin ang kaniyang katawan. a. katamtaman b. payat c. mataba 2. Kuya ko yata yan! taas-noong sinabi ni Bimbi sa tinderang nakasalubong nila sa daan. a. ikinahihiya b. ikinalulungkot c. ipinagmamalaki 3. Nagulat si Boyet sa matipunong kamay na pumatong sa kanyang balikat. a. matigas b. magaspang c. malambot Gamitin sa sariling pangungusap ang mga bagong salita. Basahin ang kuwentong Kuya Ko Yata Iyan! sa Basahin Natin LM, p __. Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang kuwento sa tulong ng mga tanong sa Sagutin Natin sa LM, p. ___ Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Paano mo nasabi ang kaniyang katangian? Isulat ang sagot ng mga bata sa: Tauhan Katangian Ginawa Sinabi

Tama ba ang inasal o sinabi ng mga tauhan sa kuwento? Ipaliwanag ang sagot. Sino sa kanila ang dapat tularan? Hindi dapat tularan? Sino ang maaasahan natinlagi sa oras ng pangangailangan? Pahalagahan Natin sa LM, pahina__ Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM, pahina___. Pangkatin ang mga mag-aaral. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina___. Paglalahat Paano makikilala ang katangian ng isang tauhan sa napakinggan o nabasang teksto? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina___. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina___.

IKALAWANG ARAW
Layunin Nakikilala ang mga anyo na bumubuo sa pantig ng mga salita (KPK,KKP at KKPK) Paksang-Aralin Anyo ng Patinig Tukoy-Alam
43

Balik-aralan ang patinig at katinig na mga letra. Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang may KP at PK na pantig. Ipagamit sa mga bata sa pangungusap ang isang salita mula sa kanilang mga ibinigay. Paglalahad Sabihin kung ano ang tinutukoy. 1. Bahagi ng katawan ng tao Dito nakakabit ang ating mga kamay. (braso) 2. Isang uri ng sasakyan, malaki at maaaring ipanghakot ng mga gamit . (trak) 3. Dito dumadaloy ang tubig, maaaring buksan at isara. ( gripo) Balikan ang kuwentong Kuya KoYata Iyan! Pagtuturo at Paglalarawan Ipabasa ang mga salita na nasa Basahin Natin sa LM, pahina___. Ipasagot ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM, pahina____ . Pumili ng mga salita sa binasang kuwento na may pantig sa anyong KPK, KKP at KKPK. Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang may anyong KPK, KKP at KKPK. Pasalungguhitan sa kanila ang mga anyong ito sa salita. Pagsama-samahin ang mga salitang may KPK,KKP at KKPK na anyo. Paano tayo makikisama ng ayos sa ating kapwa? Ipagawa ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina___ Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina___ Ipagawa Sanayin Natin sa LM, pahina____. Paglalahat Ano-ano ang anyo ng pantig? Tandaan Natin sa LM, pahina__ Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Linangin Natin sa LM, pahina____ Kasunduan Magtala ng tig-dalawang salita na may anyong KPK,KKP at KKPK. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

IKATLONG ARAW
Layunin Napag-uuri ang pangngalan ayon sa kasarian Paksang-Aralan Kasarian ng Pangngalan Tukoy-Alam Gumawa ng mini-survey kung ilan ang bilang ng babae at lalaki.

44

Bilang ng Lalaki

Bilang ng Babae

Klase Pamilya Mga Kaibigan Mga Pinsan Aling kasarian ang mas marami? Mas kaunti?

Paglalahad Magpakita ng ilang mga tunay na bagay o mga larawan kung wala, ng mga kagamitang pambabae at kagamitang panlalaki. Alin alin ang pambabae? Panlalaki? Alin ang puwedeng gamitin ng parehong kasarian? Ipabasa ang mga pangungusap sa Basahin Natin LM, pahina _____. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutan Natin sa LM, pahina _____. Ano-ano ang mga ngalan ng tao na nabanggit sa kuwento? Ano ang tawag natin sa mga salitang ito? Alin-aling pangngalan ang pambabae? Panlalaki? Hayaang magbigay pa ang mga bata ng mga pangngalang pambabae at panlalaki mula sa kanilang pamilya/klase/kaibigan. Paano mo ipagmamalaki ang kasapi ng iyong pamilya? Pahalagahan Natin sa LM, pahina _____. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina___ Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina Paglalahat Ano ang kasarian ng pangngalan? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina___ Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Linangin Natin sa LM, pahina___. Kasunduan Magtala ng limang pangngalang pambabae at panlalaki na makikita sa sariling pamayanan.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Nakapagmumungkahi ng solusyon sa isang suliranin na napakinggan/binasa Naisusulat sa kabi-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang maliit na letra na paibabaw na kurba gaya ng i, u, w, s, r Paksang-Aralin Pagmumungkahi ng Solusyon Pagsulat ng i, u, w, s, r Tukoy- alam Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
45

Bigyan ang bawat pangkat ng isang pasel upang buuin. Ipakita ang nabuong pasel sa klase. Paano ninyo nabuo ang pasel? Ano ang ginawa ninyo sa pangkat upang mabuo agad ito? Paglalahad Nahuli ka na ba sa klase? Bakit ka nahuli? Pagbabahagi ng sariling karanasan. Ano ang dapat gawin upang hindi na mahuli sa klase? Basahin ang Nagmamadali si Sara sa Basahin Natin sa LM, pahina___ . Pagtuturo at Paglalarawan Ipabasang muli ang kuwento. Talakayin ang kuwento sa tulong ng mga tanong sa Sagutin Natin sa LM,p. Ano ang suliranin sa kuwento? Paano siya humanap ng solusyon para ditto? Tama ba ang ginawa niya? Bigyang-katwiran ang sagot. Ano ang dapat gawin ni Sara para hindi na maulit ang mga nangyari sa kanya ng araw na yaon? Ano ang mga dapat gawin kung may problema o pagsubok na dumarating.? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina___ Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina ____ Pangkatin sa apat ang mga bata. Ipagawa ang Sanayin Natin. Unang Pangkat _ Gumawa ng liham ng solusyon Ikalawang Pangkat Isadula ang solusyon. Ikatlong Pangkat I-rap ang solusyon. Ikaapat Iguhit ang solusyon Basahin ang sitwasyon. Nadapa si Bunso habang naglalaro sa bakuran. Nasugatan siya at umiyak. Nilapitan siya ni Ate Lara at kinabahan nang makitang dumudugo ang sugat. Wala ang nanay at tatay. Paglalahat Ano ang gagawin mo upang makapagbigay nang angkop na solusyon sa isang suliranin? Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin sa LM,pahina ______. Pagsusulat Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang i, u, w, s, r. (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara.
46

Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.

IKALIMANG ARAW
Layunin Nakikilala ang anyo ng pantig sa salita Natutukoy ang kasarian ng pangngalan Panimulang Gawain Ihanda ang mga bata sa gagawin. Ipaliwanag ang mga panuto sa mga gawain. Mga Gawain Gawain 1 - Pangkatang Gawain Pangkatin sa lima ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng illustration board na gagamitin sa laro. Ang bawat pangkat ay magbibigay tiglimang salitang may anyong pantig na ibibigay ng guro. Ipaulat sa klase Ang pangkat na nakakuha nang maraming puntos ang panalo. Pangkat Anyo ng pantig 1 KPK 2 KKP 3 KKPK 4 KKP 5 KKPK Gawain 2 Pangkatin sa 2 ang klase . Magpalaro ng Pinoy Henyo ukol sa mga kasarian ng pangalan. Bubunot ang lider ng bawat pangkat ng salita sa 2 kahon na inihanda ng guro. Isang kahon para sa mga pangangalang may kasariang panlalaki at isang kahon para sa mga pangngalang may kasarian pambabae. Tatakpan ng panyo ang mata ng isang batang huhula sa salitang nakadikit sa kaniyang noo. Ang kaniyang kasama naman ang kaniyang tatanungin ukol. Bawat pangkat ay huhula ng 5 salita. Ang pangkat na may pinakamaraming kuhang tamang sagot ang panalo. Pangkat 1 2 Mga pangngalang huhulaan madre, pari, kuya ate, lolo, tiya dalaga, ninong,binata, tiya,ina * Maaari pa itong dagdagan o baguhin

47

Aralin 8 : Aalagaan Ko, Mga Magulang Ko


Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa Pang-unawa sa Binasa Nakasusunod nang wasto sa panuto na may dalawa-tatlong hakbang Kasanayang Ponolohiya Nakabubuo ng salita gamit ang anyo (KPK/KKP) Gramatika Napag-uuri ang pangngalan ayon sa kasarian: Di Tiyak/Walang kasarian Pagbabaybay Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap Pag-unlad sa Bokabularyo Natutukoy kung ang mga salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat Pagsusulat Naisusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang maliit na letra tulad ng l, t, h, k, b, at d

UNANG ARAW
Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa Nakasusunod nang wasto sa panuto na may dalawa-tatlong hakbang Paksang Aralin Pagsunod sa Panuto Paunang Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang Subukin Natin sa LM pahina __ Tukoy-Alam Ipagawa sa mga bata. 1. Gumuhit ng malaking bilog sa gitna ng papel. At kulayan ito ng berde. 2. Gumuhit ng isang tatsulok sa kanan ng bola. Isulat sa loob nito ang pangalan mo. 3. Kung tapos na pumalakpak. Itago ang papel. Ipakita sa klase ang natapos na trabaho. Nakasunod ka ba sa mga panuto? Paano mo nasabi? Paglalahad Sino ang nagkasakit na sa inyong pamilya? Ano ang naramdaman mo ng magkasakit siya? Ano-ano ang ginawa mo para sa kaniya?

48

Pagpapayaman ng Talasalitaan Hanapin sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. timplahan gamot panuto

1. Inutusan siya ng ina na bumili ng panlunas sa sakit. 2. Sumunod ang bata sa direksyon ng ina. 3. Haluan mo ng asukal upang tumamis ang kape. Ano ang ibig sabihin ng panlunas? Direksyon? Haluan? Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga bagong salita. Babasahin ang kuwentong May Sakit si Ina sa LM pahina __ Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng Sagutin Natin sa LM pahina__. Ano ang suliranin sa kuwento? Ano ang solusyon na ginawa para malutas ang suliranin? Ano-ano ang mga hakbang sa pagluluto ng lugaw? Isulat ang sagot ng mga bata sa isang graphic organizer. Nasunod ba lahat ito? Paano mo patutunayan. Paano mo ipinapakita ang iyong pagmamahal sa mga magulang? Pasagutan ang gawain sa Pahalagahan Natin sa LM pahina __. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawain Natin sa LM pahina __ Pangkatin ang mga bata sa apat at ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina_ Paglalahat Paano ka makasusunod sa panuto? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM pahina __. Karagdagang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin sa LM pahina __.

IKALAWANG ARAW
Layunin Nakabubuo ng salita gamit ang anyo ng pantig na KPK/KKP Tukoy-Alam Pantigin ang mga salita. Tukuyin ang kayarian ng pantig na may guhit. trabaho bloke plasa prito patlang perya sukli kutsara Paglalahad Ano-ano ang ginagawa ng pamilya mo kapag ang isa ay maysakit? Basahin ang mga salitang hango sa May Sakit si Ina." Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM pahina__ Ano ang napansin sa pagkakabuo ng mga salita? Alin ang may anyo ng pantig na KPK? KKP? Ano ang ibig sabihin ng KPK? KKP?
49

Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng mga salitang may KKP at KPK na pantig. Mula sa mga sagot na ibinigay, kumuha ng isang salita at gamitin ito sa pangungusap. Ipakita sa mga bata kung paano nakabubuo ng pangungusap. Halimbawa: Hanay A Hanay B May sakit ang ina ni Trina. Trina sakit ang ina ni Trina ina ni Trina ang ina ni Trina ang ina ni Trina ina ni Trina sakit ang ina ni Trina Trina May sakit ang ina ni Trina Ano ang ginawa sa Hanay A? Paano nabuo ang pangungusap? Ano naman ang ginawa sa Hanay B? Paano nabuo ang pangungusap? Anong salita ang may KPK sa pangungusap? Anong salita naman ang may KKP sa pangungusap? Paano nagsimula at nagtapos ang parirala? Ang pangungusap? Paano mo maipakikita ang paggalang sa taong nagsasalita? Pasagutan ang Pahalagahan Natin sa LM pahina __. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM pahina __. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina __. Paglalahat Paano nabubuo ang pangungusap? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM pahina __. Karagdagang Gawain Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina __. Kasunduan Magtala ng limang salita na may KPK at KKP na pantig. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

IKATLONG ARAW
Layunin Napag-uuri ang pangngalan ayon sa kasariang di tiyak at walang kasarian. Paksang Aralin Di-Tiyak at Walang Kasarian na Pangngalan Kagamitan larawan ng kambal Tukoy-Alam Hayaang magbigay ang mga bata ng pangngalan ng mga may buhay at walang buhay na mga bagay na nasa paligid nila. Pag-uulat ng ginawang talaan.
50

Ano ang may buhay na bagay? Mga walang buhay? Paglalahad Nakakita na ba kayo ng kambal? Ilarawan ang mga ito batay sa kanilang pagkakapareho at pagkakaiba sa bawat isa. Pagpapayaman ng Talasalitaan Basahin at piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa kaliwa. 1. mabait (masaya, mabuti) 2. maganda (marikit, malinis) 3. naipon (nagastos, naitago) 4. masaya (nagagalit, nagagalak) Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Basahin ang kuwentong Ang Kambal sa LM pahina __. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM pahina __. Ipabasa sa mga bata ang sumusunod na pangungusap na hango sa kuwentong binasa na nasa tsart. 1. Magkaiba ang ugali ng kambal. 2. Binigyan ni Dindo ng regalo ang kapatid. 3. Nais ni Dante ang robot na laruan. 4. Kaibigan ni Dindo ang halos lahat ng kaniyang mga kaklase. Ano-ano ang salitang may salungguhit? Pagpangkatin ang mga ito. Bigyang-katwiran ang ginawang pagpapangkat. Alin sa mga pangngalan ang tiyak ang kasarian? Ang hindi tiyak ang kasarian? Walang kasarian? Ano ang mga tiyak na kasarian? Bakit sinabing hindi tiyak ang kambal? Ang kapatid? Ang kaklase? Ano-anong pangngalan ang walang kasarian? Paano mo ipinapakita ang pagmamahal mo sa iyong kapatid? Pahalagahan Natin sa LM pahina __. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM pahina __. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM pahina __. Paglalahat Kailan nagiging di-tiyak/walang kasarian ang isang pangngalan? Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM pahina __. Karagdagang Gawain Pasagutan ang Linangin Natin sa LM pahina __. Kasunduan Magtala ng limang pangalang di-tiyak ang kasarian at limang walang kasarian mga pangngalan na makikita sa inyong tahanan.

51

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap Paksang Aralin Mga Salitang may Maling Baybay Tukoy-Alam Alin ang may tamang baybay sa pangkat ng mga salita? 1. kaklase kakalase koklase 2. prutas pritas purutas 3. garoto grotto grutu 4. platito platetu palatito 5. trapiko tarapiko trapika Paglalahad Magpakita ng larawan ng isang bagay o larawan. (SIGURADUHIN na ang ihahandang larawan ay may mali. Halimbawa: mesa na ang isa ay kalahati lamang, puno ng mangga na may bunga ng saging) Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang kaisipan tungkol dito. (Isulat ang mga sagot na ibibigay ng mga bata). Ano ang mali sa larawan? Muling ipabasa ang kuwentong Ang Kambal sa Basahin Natin. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM, Pahina___ Basahin ang pangungusap na may salitang may salungguhit ng tatlong ulit. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Ano-ano ang salitang may salungguhit? Ipabaybay ang mga salitang may salungguhit. Magpakita ng tsart na nakasulat muli ang pangungusap ngunit sa pagkakataong ito ay may mga salitang mali ang pagbaybay. Basahin ang mga pangungusap. 1. Sina Dindo at Dante ay kamabal. 2. Malapit na ang kanilang kaarwan. 3. Humiling si Dante ng regallo sa ama. 4. Sumama ang luub ni Dante sa dahil sa sinabi ng ama. 5. Huwag ka nang malunggkot Dante, pang-aalo ni Dindo. Ano ang napansin sa bawat pangungusap? Alin mali sa pangungusap? Paano ito naging mali? Paano ito iwawasto? Ano-ano ang maling asal na ginagawa mo sa silid-aralan? Paano ito maiwawasto? Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa LM pahina __. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM pahina ___.
52

Pasagutan din ang Sanayin Natin sa LM pahina __ Paglalahat Paano matutukoy ang mga salitang may maling baybay? Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM pahina__. Karagdagang Gawain Sagutan ang Linangin Natin sa LM pahina __.

IKALIMANG ARAW
Layunin Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang maliliit na letrang may buntot gaya ng l,t,h,k,b, at d Pamamaraan Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang l,t,h,k,b, at d (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra. Karagdagang Gawain Nasasagot ng wasto ang pagsubok batay sa lingguhang araling napagaralan A. Panimulang Gawain 1. Ihanda ang mga bata sa pagsusulit na gagawin. 2. Ipaliwanag ang mga panuto. B. Pagtataya I. Gawin ang sinasabi sa panuto. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Gumuhit ng ulap. Isulat ang iyong buong pangalan sa loob ng ulap. 2. Gumuhit ng isang bahay. Isulat sa loob ng bahay ang pangalan ng iyong tatay at nanay. 3. Gumuhit ng puso. Isulat sa loob ng puso ang paborito mong asignatura. 4. Ano ang paborito mong hayop? Iguhit ito sa loob ng bilog. Kulayan ng tama. 5. Gumuhit ng bituin. Sa loob ng bituin ay isulat ang iyong pangarap na maging paglaki mo.

53

II. Isulat ang WK sa loob ng bilog kung walang kasarian ang pangalan at DT kung Di-Tiyak naman ang pangngalan. 6. kahoy 9. kama 7. kaibigan 10. kapitbahay 8. baso

III. Suriin ang pangungusap. Isulat ang letra ng salitang mali ang baybay. 11. Tarabaho ng aking ama ang maghatid ng sulat. a. Tarabaho b. ama c. sulat 12. Si Mang Kardo ay isang tsoper ng bus. a. Mang kardo b. isang c. tsoper 13. Isang supresa ang inihanda para sa kaarawan ni Dario. a. supresa b. inihanda c. kaarawan 14. Umiikot sa araw ang mga buwan at palaneta. a. umiikot b. buwan c. palaneta 15. Kumain tayo ng gulay at porutas para sa magandang kalusugan. a. gulay b. porutas c. kalusugan IV. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nasa kayariang KPK at KKP. 16. granada 19. sampayan 17. klima 20. sukli 18. presyo

54

Aralin 9: Bilin ng Magulang Laging Tatandaan


Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nakapagbibigay ng reaksiyon sa napakinggang teksto Ponolohiya Nakabubuo ng salita at pangungusap gamit ang anyo ng pantig na KKPK Gramatika Natutukoy ang kailanan ng pangngalan Pag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng sariling wakas sa binasang teksto Pagsulat Naisusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo ang mga maliliit na letra j, v, z, p, g, q, f

UNANG ARAW
Layunin Nakapagbibigay ng reaksiyon sa napakinggang teksto Paksang-Aralin Pagbibigay ng Reaksyon Paunang Pagtataya Ipahanda sa mga bata ang mga kagamitang gagamitin sa gawaing ito. Pasagutan ang Subukan Natin. Tukoy Alam Magpakita ng ilang mga larawan. Kunin ang reaksyon ng mga bata sa ipakikitang mga larawan. Paglalahad Ipakita ang larawan ng mag-ina. Ano kaya ang pinag-uusapan ng mag-ina? Pagpapayaman ng Talasalitaan Piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas kaya dinarayo ito ng mga turista.(pinapasyalan, inuuwian, tinutulugan) 2. Masayang naninirahan sa maliit na dampa ang aming pamilya. (kuwarto, kubo, tindahan) 3. Palaging bitbit ni Kim ang timba.(dala, itinatago, ibinibigay) 4. Bumili ang nanay ng isda at gulay sa pamilihan. (palaruan, palengke, paaralan) 5. Biglang kumabog ang aking dibdib nang malaman kong nawawala ang aking pera.(sumaya, nanginig, kinabahan) Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Basahin ang kuwento Basahin Natin sa LM, pahina___. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM, pahina__.
55

Ano ang masasabi mo sa napakinggang kuwento? Ilarawan ang mga tauhan dito? Ano ang naramdaman mo habang pinakikinggan ang kuwento? Pagkatapos marinig ang kuwento? Ano ang naramdaman mo para kay Nanay? Kay Kris? Kina Brandon at Brenda? Bakit kailangang sundin ang mga magulang o kasapi ng pamilya? Tingnan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina___. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina___. Pasagutan ang Sanayin Natin sa LM, pahina___. Paglalahat Ano ang natutunan mo sa aralin? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina___. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina___. Kasunduan Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa naramdaman mo sa mapapakinggan mong sasabihin sa iyon ni nanay o tatay sa pagdating ng bahay.

IKALAWANG ARAW
Layunin Nakabubuo ng salita at pangungusap gamit ang anyo ng pantig na KKPK Paksang Aralin Pantig na KKPK Tukoy-Alam Pagsulatin ang mga bata ng limang salitang natutunan sa mga nakaraang aralin. Tukuyin kung ilang pantig ang bumubuo sa bawat salita. Tukuyin ang anyo ng pantig na bumubuo dito. Paglalahad Magpakita ng larawan ng isang trak. Hayaang magbigay ng sariling pangungusap ang mga bata gamit ang larawan. Balikan ang kuwentong Ang Bilin ni Ina Pagtuturo at Paglalarawan Ipabasa sa mga mag-aaral ang salitang may salungguhit. Mula sa mga sagot na ibinigay kumuha ng isang salita Gamitin ito sa pangungusap. Ipakita sa mga bata kung paano nakabubuo ng pangungusap. Hanay A Hanay B Malakas ang tunog ng trak. trak ang tunog ng trak ng trak tunog ng trak unog ng trak
56

ng trak trak

ang tunog ng trak Malakas ang tunog ng trak.

Ano ang ginawa sa Hanay A? Paano nabuo ang pangungusap? Ano naman ang ginawa sa Hanay B? Paano nabuo ang pangungusap? Anong salita ang may KPK sa pangungusap? Anong salita naman ang may KKP sa pangungusap? Paano nagsimula at nagtapos ang parirala? Ang pangungusap? Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbuo ng sarili nilang pangungusap. Ano ang dapat tandaan kung nanalo o natalo sa laro? Tingnan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina__ Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina__ Ipagawa nang pangkatan ang Sanayin Natin sa LM, pahina Paglalahat Paano nabubuo ng pangungusap? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina___. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin sa LM, pahina___.

IKATLONG ARAW
Layunin Natutukoy ang kailanan ng pangngalan Paksang-Aralin Kailanan ng Pangngalan: Isahan, Dalawahan, at Maramihan Tukoy-Alam Ilan ang lapis mo? Ang kuwaderno mo? Ang kaibigan mo? Ang nanay mo? Paglalahad Ipalaro ang " Lumulubog ang Bangka." Ilan ang lumubog? Ilan ang nakasakay sa bangka? Ilang bangka ang nabuo? Ipabasa ang Basahin Natin sa LM, pahina___. Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutan Natin sa LM, pahina__ Kailan natin masasabi na nasa kailanang isahan ang isang pangngalan? Dalawahan? Maramihan? Ano ang idinagdag sa isahang pangngalan para maging dalawahan? Sa dalawahan para maging maramihan? Ano ang naidudulot ng pakikinig nang mabuti? Pahalagahan Natin sa LM, pahina__. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM, pahina__.
57

Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina__. Paglalahat Ano-ano ang kailanan ng pangngalan? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina__ Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Linangin Natin sa LM, pahina___.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin Nakapagbibigay ng sariling wakas sa binasang teksto Paksang-Aralin Pagbibigay ng Sariling Wakas Tukoy-Alam Magpakita ng isang larawan na may sitwasyon. Kung wala naming makitang larawan, maaaring kumatha ng isang maikling kuwento o kumuha sa ginagamit na aklat na naibigay pa noong mga nagdaang taon. Hayaang magbigay ng sariling wakas ang mga bata kaugnay ng nakitang larawan o napakinggang kuwento. Paglalahad Ano ang pangarap mo paglaki mo? Paano mo ito matutupad? Ipabasa ang kuwento sa Basahin Natin sa LM, pahina___ Pagtuturo at Paglalarawan Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM, pahina___. Ano ang magandang wakas ng kuwento? Bakit ito ang nais mong maging wakas? Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng wakas sa isang kuwento? Ano kaya ang magiging wakas ng iyong pangarap? Iguhit ito. Paano matutupad ang mga pangarap? Tingnan ang Pahalagahan Natin sa LM, pahina__. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang Gawin Natin sa LM, pahina__. Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina___ Paglalahat Ano ang natutunan sa aralin? Tingnan ang Tandaan Natin sa LM, pahina__. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin sa LM , pahina___.

IKALIMANG ARAW
Layunin Naisusulat nang wasto sa kabit-kabit na paraan ang mga letrang j, y, z, p, g , q, at f Pamamaraan Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang j, y, z, p, g , q, at f (Isa-isang letra muna) Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata.
58

Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara. Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel. Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra. Karagdagang Gawain I. Panimulang Gawain 1. Ihanda ang mga bata sa kanilang pagsusulit at ang mga kagamitang gagamitin. 2. Ipaliwanag ang mga pauto II. Pagtataya I. Makinig sa kuwentong babasahin ng guro . Sagutan ang sumusunod na tanong. Ang mag-asawang Mang Roming at Aling Rema ay mahilig mamasyal. Isinasama nila ang kanilang walong taong gulang na si Marlon. Marami na silang lugar na napasyalan sa Pilipinas tulad ng Baguio, Tagaytay, Bicol, Ilocos, Cebu, at Bacolod. Bawat lugar na kanilang pinupuntahan ay kinukuhanan nila ng litrato. Mayroon silang kuha na naliligo sa talon, namimitas ng strawberry, at kumakain ng hilaw na mangga. Aliw na aliw sila sa magagandang tanawin at produktong kilala sa isang lugar. Kaya naman tuwing silay uuwi marami silang dalang pasalubong sa kanilang mga kamag-anak. Piliin ang letra ng wastong sagot.Isulat sa sagutang papel. 1. Sino ang mahilig mamasyal? a. Mang Roming at Aling Rema c. Marlon b. Mang Roming 2. Ilang taon si Marlon? a. 6 b. 8 c. 10 3. Ano ang ginagawa nila sa lugar na kanilang pinupuntahan? a. Hindi na nila binabalikan b. Ipinagmamalaki nila sa kanilang mga kaibigan c. Kinukuhanan nila ng litrato 4. Dalawa sa mga lugar na kanilang pinuntahan ay_____ at _____. a. Pampanga at Laguna c. Cebu at Bacolod b. Baguio at Batangas 5. Paano nila nagustuhan ang mga lugar na napuntahan? a. tinatangkilik nila ang produktong gawa b. nagdadala sila ng maraming kaibigan c. hindi sila umuuwi agad II. Isulat sa papel ang Isahan para sa isang pangngalan , Dalawahan kung dalawang pangngalan ang tinutukoy, at Maramihan kung tatlo o higit pang pangngalang nakakahon sa pangungusap. 1. Laging nagsasabi ng totoo si Cora. 2. Nagtatalbugan ang mga bola sa labas ng bakuran.
59

3. Matataas ang mga markang nakuha nina Cecil, Lucila at Elena 4. 4.Masipag gumawa ng takdang-aralin ang magkapatid na Joy at Lordy 5. 5.Ang magpinsan ay nagbabalak na magbakasyon sa Laguna. III. Tukuyin ang kailanan ng pangngalan sa ibaba. Isulat ang A para sa isahan, B para sa dalawahan, at C para sa tatlo o higt pa. Isulat sa papel. 1. isang dosenang itlog 2. Lolo Minong at Lola Oling 3. kumpare 4. mga pulis 5. dentista IV. Bigyang wakas ang kuwento sa ibaba. Payat si Jess kaya lagi siyang tinutukso ng mga kamag-aral na lampayatot. Sa sobrang kapayatan ayaw siyang isali sa mga laro dahil nga mabagal siyang kumilos. Tinuruan siya ng kaniyang kuya ng wastong ehersisyo at pagkain ng tama. Makaraan ang ilang buwan

60

También podría gustarte