Está en la página 1de 2

SPAIN Sinakop ng mga Espanyol ang bansang Pilipinas dahil gusto nila na maging malawak ang kanilang lupain.

Ang mga dahilan kung bakit gustong sakupin ng spain ang pilipinas dahil sa mga materyales sangkap na matatagpuan dito. Sinakop din nila ang bansang pilipinas sapagkat gusto nilang lumaganap ang relihiyong kristiyanismo sa ibat ibang bahagi ng bansa. Marami ding mga likas na yamang mineral at iba pa ang matatagpuan dito sagana din tayo sa mga likasa na yaman katulad ng anyong tubig,lupa at iba pa. Sa aking palagay kung bakit gustong sakupin ng bansang spain ang pilipinas sapagkat gusto nilang angkinin ang mga likas na yaman na matatagpuan dito katulad na lamang ng yamang mineral,materyales,mga pampalasa,at iba pang uri ng likas na yaman na gusto nilang makuha at angkinin. marami ding mga bagay na gusto nilang magawa katulad ng pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo na gusto nilang lumagap mula piliinas hanggang sa ibat ibang lugar sa ating bansa. Ang mga layunin ng espanya sa pananakop sa pilipinas ay ang 3G ito ang: G-God G-Gold G-Glory ............makipagkalakalan ............mapalawak ang nasasakupan............. @............ipalaganap ang kristiyanismo Layunin ng spain sa pagsakop ng lupain: 1. Pampulitikang Hangarin 2. pagpapalaganap ng Kristyanismo 3. Pangkabuhayang Layunin == G-od == == G-old == == G-lory == == God == maiapalaganap ang kristyanismo sa bansa == Gold == makuha/maangkin ang mga likas na yaman ng ating bansa == Glory == kapangyarihan, pamumuno ito ang alm ko Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1571 nang makarating ang ekspedisyon na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado. Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi ang isang kabisera sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look ng Maynila, isang malaking populasyon at malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon Naging sentro ng pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, pang-relihiyon at pang-komersyal. Naglayag ang mga bantog na galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Dinala nila ang pilak at ilang mahahalagang metalmula sa Bagong Mundo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa Moluccas at ang porselana, ivory, lacquerware at sedamula sa Tsina at Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili sa Europa. Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang kalayaan. Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim). Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo. Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga establishimentong pang-relihiyon. Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.

Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao at mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng Kordilyera at ang mga Mangyan ng Mindoro Ang mga Kastila ay nagtayo ng tradisyonal na organisasyon ng barangay sa pamamagitan ng mga pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino ,na naging mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim. Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon. Amerika Ang pananakop ng mga Amerikano ay isang pagbabalat-kayo, na sa umpisa ay nagkukunwaring mga tagapagligtas ng kalayaan ng Pilipinas, ngunit sa bandang huli ay unti-unting nagtanggal ng maskara. Sabi sa aklat ng Sa Kuko ng Limbas na isinulat ni Dr. Nemesio Prudente, ang paghahari at pananakop ng mga imperyalistang Amerikano sa Pilipinas, ay nahahati sa dalawang panahon o yugto: Ang una ay lantarang pananakop, kasama na ang panahon ng Komonwelt. Ang ikalawa ay ang hindi tuwirang pananakop na nagsimula pagkatapos na "ipagkaloob" noong Hulyo 4, 1946 ang kunwa-kunwariang kalayaang pulitikal (neocolonialism) Sinabi din sa akda na hindi totoong aksidente ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang kanilang pagpasok sa Pilipinas at sa buong Asya ay udyok ng makasariling hangarin. Noong daw mga panahong yaon, humihina na ang mga dating kolonyalistang bansa tulad ng Espanya, Portugal, Pransiya at Olanda. Dahil dito, madaling naisagawa ng Estados Unidos ang pagpapalawak ng kanyang impluwensyang pangkabuhayan. Napadali ang pagtatatag nila ng pamilihan sa iba't-ibang bansa sa Asya na napagdadalhan nila ng kanilang produktong industriyal at agrikultural na labis sa pangangailangan ng kanilang mamamayan. Ayon pa sa may-akda, inihandang mabuti ng Estados Unidos ang kanyang sistemang gagawin na may hangarin sa Asya. Japan Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga noong Disyembre 8, 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito ito ay pinasok ng mga Hapones noong Enero 2, 1942. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon

También podría gustarte