Está en la página 1de 1

JAN.

24, 2013

NR # 2994C

Arbitration case laban sa China


Nagkaisa ang Kamara na pagtibayin ang House Resolution No. 3004 na pangunahing iniakda ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na sumusuporta sa inihain ni Pangulong Noynoy Aquino na arbitration case laban sa China base sa Article 287 at Annex VII ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS). Sa resolusyon, nanawagan din ito sa buong mamamayan na magkaisa para proteksyonan ang sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Upang maproteksyonan ang sovereign rights at jurisdiction sa maritime entitlement sa West Philippine Sea, walang ibang paraan ang bansa kundi maghain ng compulsory arbitration proceedings laban sa China sa ilalim ng Annex VII ng UNCLOS. Nakasaad pa sa resolusyon, bilang paggalang sa magandang relasyon sa China, inilatag ng Pilipinas ang lahat ng kinakailangang paraan sa pamamagitan ng three track approach ang political, diplomatic at legal upang mapayapang masolusyonan ang pagaagawan sa West Philippine Sea. (30) eag

También podría gustarte