Está en la página 1de 9

a. KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Marami ang kinakaharap na problema ang ating bansa.

Katulad na lang nang, ang hindi pagkilala ng Beijing sa mga awtoridad ng Dalai Lama. Dahilan ito ng pagbale-wala rin sa Beijing. At magpapataw ng bagong sanksyon ang European Union laban sa Iran, dahil baka gumawa ang Tehran ng bombang nuklear sa Europe. b. KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Ang mga pondong hindi nagasta o nagamit noong 2011 ay ngayong 2012 lamang gugugulin. At dahil dito nagkaroon ng mahinang paglago o produksyon ng ekonomiya noong 2011. Nagbabala si Obama na tatamaan ang ekonomiya kapag hindi itataas ang buwis sa mayayaman. At pagbawas naman ng buwis sa mga karaniwang manggagawa at ipapasan na lang ito sa mga mayayaman. Ngunit hinarang ito ng partidong Republican dahil makasasama ito umano sa negosyo. c. KALAGAYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Sa karamihan sa mga tao ay kumukontra sa pagkakaroon ng House Arrest ni Arroyo, at isa sa mga tao na yun ay si De Lima, dahil ayaw niyang isipin ng publiko na binibigyan ng espesyal na pagtrato si Arroyo. At nagkaroon rin ng bagong pangulo ang Guyana na si Donald Ramotar. Ang pagkapanalo niya ay sa paraang Presidensyal na halalan. REAKSYON: Kahit anong hirap ng buhay hindi susuko ang mga tao katulad ng pagkakaroon ng nasyonalismo sa kanilang bansa.

A. KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Pagkakaroon ng Myanmar ng sunud-sunod na reporma upang magkaroon ng mga pagbabago sa kanilang bansa. Sumailalim ang Myanmar sa brutal na pamamahala ng isang gobyernong militar simula pa noong 1988. At nakaranas rin ang Myanmar sa mga mahihirap na sitwasyon, katulad na lang ng pagpapakulong sa mga miyembro ng Oposisyon. At hinubaran rin ng karapatan ang mga mamamayan. B. KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Pinalawak pa nila ang pagkokonstruksyon sa kanal Panama at ang mga gumawa nito ay libu-libong manggagawa, ang pinag-uugnay ng Kanal Panama ang mga Dagat Pacific at Atlantic. Ginawa ito upang tumawid dito ang 5% ng kalakalang pandaigdig. C. KALAGAYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Naitutulak sa isang Konstitusyonal na krisis ang bansa dahil sa paglilitis sa impeachment ni Renato Corona. Pero ang sabi ni Binay, dapat ipinagpatuloy umano ang paglilitis alinsunod sa isinasaad sa batas, sa halip na pinamayani ang mga demonstrasyon sa lansangan. REAKSYON: Maraming bansa ang nagkakaroon ng pagbabagosa kanilang bansa upang maging maganda ang kapaligiran at ang isang maayos na pamahalaan. At kahit ano pa ang krisis ng isang bansa ay wag tayong mawawalan ng tiwala sa sarili upang magkaroon ng isang matatag na bansa.

a) KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Pangulong Bashar al-Assad na nagpadanas ng lubos na kahirapan sa mga tao sa Syria. Dahil dito nagprotesta ang mga taong bayan at ang dulot nito ay 800 tao na ang namatay, daan-daan ang nasugatan, at libu-libo pa ang naaresto b) KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Pumayag naman ang International Monetary fund na magpautang ng $3 bilyon sa transisyonal na gobyerno sa Egypt. c) KALAGYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Nanalo ang partido ni Punong Minister Nikola Gruevski ng Macedonia sa halalang parlyamentaryo. Inakusahan din nila si Gruevski ng paglulustay ng pera sa maaabisyong proyekto, habang isa sa bawat tatlong Macedonian ang naghihirap at 32% ng populasyon ang walang trabaho. REAKSYON: Hindi kailangan gumamit ng dahas sa pagpapaalis ng isang protesta, pwede Naman ito idaan sa isang maayos pakikipag-usap. At ang pagpapautang ay pwedeng gawin kung gagamitin ito sa mabuting paraan.

A. KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Tila nag-aagawan ang mga bansang China, Vietnam, Pilipinas, Malaysia, at Burma sa iisang islang Spratly, dahil sa mainam na tayuan ito ng mga istasyong militar, at mayaman daw ito sa depositong langis. Sagana sa isda ang katubigan sa palibot nito. B. KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Nagtutulugan ang mga minister ng agrikultura mula sa Group of 20 o 20 para mapababa ang presyo ng pagkain at mapalaki ang suplay. Simula noong Hunyo 2010, nadagdagan ng 44 milyon ang bilang ng mga taong nabubuhay sa ganap na kahirapan, o iyong nabubuhay sa hindi lalampas sa $1.25 kada araw. Tinatayang may halos isang bilyong tao ang nagugutom sa daigdig ngayon. C. KALAGAYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Haharangin naman ng PDP-laban ang panukalang kanselahin ang halalan sa ARMM. Nanindigan ang partido matapos bumaliktad ang 54 na kinatawan mula sa Mindanao na kanilang pagtutol sa kanselasyon, na itinulak sa Malacaang. REAKSYON: Maraming nang bansa ang nag-aaway para sa iisang teritoryo upang mapalago pa ang kanilang kabuhayan at ang ekonomiya. At marami na rin ang nagtutulungan upang hindi sila mahirapan/maghirap.

A. KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Sa kagubatan nakatira ang may 300 milyong magsasaa at mangangaso, mga katutubo, at mahihirap na tao sa daigdig. At dito rin nakatira ang libu-libong hayop. Ang gubat ay nakakatulong sa atin sa paraan ng pagbibigay ng pagkain, gamot, at tirahan. B. KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Sa gubat natin nakukuha ang mga yamang likas na ginagawa nating pangkalakal sa ibang bansa o lugar katulad ng mga pagkain at gamot. C. KALAGAYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Itinatag ng ECOSOC ang UNFF noong 2000 upang itaguyod ang pangangalaga sa mga kagubatan. Nagpupulong ang UNFF tuwing dalawang taon upang marepaso ng mga polisya sa SFM. REAKSYON: Ingatan natin ang mga gubat sa ating bansa, kung hindi ito iingatan ito ay masisira at wala na tayong makukuhang mga likas na yaman. Kaya mga Kagubatan Para Sa Mga Tao sinasalamin nito kung paano nakatali sa mga gubat at puno ang buhay at kapalaran ng mga tao.

A. KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Inakusahan ng Argentina ang UK ng pagpapadala sa mga islang Falkland ng isang submarinong armado ng bombang nuklear, dahil banta ito sa seguridad ng rehiyon. B. KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Maganda ang takbo ng negosasyon para sa malayang kalakalan sa pagitan ng European Union at India. At kung magkakasundo ang European Union at India, ito ang lalabas na pinakamalaking Free Trade Agreement sa daigdig. C. KALAGAYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Kakasuhan ang lider ng Pakistan na si Gilani, dahil sa kabiguan niyang Ipabukas at itulak ang mga kasong korapsyon laban kay Pangulong Asif Ali Zardari Pwedeng pigilan ng Korte Suprema ang anumang pag-aabuso sa kapangyarihan sa paglilitis sa impeachment ni Punong Mahistrado Renato Corona. REAKSYON: Marami ang mga nangyayari sa ibang bansa katulad nalang sa Pakistan, ang pagpapakulong sa lider nila dahil sa iisang kabiguan, at pag-aakala ng Argentina na may bombang nuklear ang bansa UK. At wag kayong manghuhusga ng mga hindi totoong bagay kung hindi naman totoo o walang ebidensya.

A) KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Natuloy na ang paghahati sa dalawa sa Camarines Sur at paglikha sa bagong lalawigan ng Nueva Camarines. At hinimok rin ni Binay ang mga lokal na ehekutibo na itulak ang pagbibigay pabahay. B) KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Magpapatupad ang gobyerno ng mga reporma upang maiwasan ang korapsyon. Paraan ito upang maiwasan na ang konbersyon sa pondo at matiyak na gugugulin ang badyet kung saan ito talaga nakalaan. C) KALAGAYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Inunahan ni Pangulong Abdoulaye Wade ng Sengal ang kanyang mga kritiko. Ipinagbawal ng lider ang lahat ng demonstrasyong politikal sa kabiserang Dakar, ngayong hayag na ang kanyang balak na tumakbo muli para sa ikatlong termino. REAKSYON: Marami nang pagbabago ang nangyayari sa ating mga bansa ngayon, hindi natin kailangan baguhin ang ating bansa kung tayoy nagtutulungan o nagkakaisa at walang korapsyon o daya ang nangyayari sa ating bansa. Tayo ay pagkakatiwalaan ng mga tao at makikisama sa atin magpa-unlad ng ating bansa.

A) KALAGAYANG PANLIPUNAN NG MGA ASYANO Tatagalan pa ang programang CCT ng gobyerno hanggang 2020. Sa ilalim ng CCT, bibigyan ng gobyerno ng buwanang sustenso ang mahihirap na pamilya sa kondisyong magtutuloy sa pag-aaral ang mga anak at mapapatingin lagi sa health center ng ina. B) KALAGAYANG PANGKABUHAYAN NG MGA ASYANO Mag-eeksport ang Pilipinas ng 300,000 tonelada ng asukal sa taong ito. Iniulat ni Kalihim Proceso Alcala ng Department of Agriculture(DOA) na maganda muli ang produksyon sa huling taon, kaya bumabalik na ang reputasyon ng bansa bilang eksporter ng asukal. C) KALAGAYANG PAMPULITIKA NG MGA ASYANO Nagbitiw na si Punong Minister Naoto Kan ng Japan. Bibigyang-daan nito ang pag-upo g ikaanim na lider ng bansa sa loob ng limang taon. At inulanan ng batikos Kan dahil sa kawalan umano ng liderato matapos tamaan ng lindol, tsunami at nuklear na krisis ang Japan noog Marso. REAKSYON: Marami ng programa ang nangyayari sa ating bansa katulad nalang ng mga programag pangmahirap, kagaya nalang ng pagbibigay ng buwanang sustenso. At halos lahat ng programa ngayon ay nakakatulong na sa ating pamumuhay.

IPINASA NI: CARL JUSTIN DE JESUS II-NARRA

IPINASA KAY: SIR FERIOL

También podría gustarte