Está en la página 1de 20

ANG MODELO NG INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON 1. Taong nag-uusap 2. Relasyong Namamagitan 3.

Konteksto

1. Pisikal 2. Pisyolohikal 3. Sikolohikal

Prinsipyo 1: Ang kilos o galaw ng Tao ang Penomenang Kailangan sa Pag-unawa ng Komunikasyon Prinsipyo 2: Ang Interpretasyon o Depinisyon ng Kilos na Ipinapahayang ay makikita sa " patterns" kung paanong ang mga kilos ay may pagkakaugnay-ugnay Prinsipyo 3: Upang matuklasan ang tunay na kahulugan o kahalagahan ng komunikasyon, kailangang ilagay ito sa isang konteksto Prinsipyo 4: Upang maunawaan ang komunikasyon, kailangang lagayan ito ng kabuluhan matapos na ito ay maganap Prinsipyo 5: Ang pragmatikong pagtanaw sa komunikasyon ay kinapapalooban ng pagbibigay ng iba't ibang tanong upang magkaroon ng sapat na kaalaman at pagkaunawa.

1. Dapat bago makapagpadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin niya muna kung ano ang mensaheng ipadadala niya, paano niya iyong ipadadala, anu-anong salita ang kanyang gagamitin, paano niya iyon isasaayos upang maunawaan, sa anong daluyan niya iyon paraanin at ano ang inaasahan niyang reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe.

Ito ang tinatawag na proseso ng encoding o ang proseso ng pagencode ng mensahe.

2. Kapag natanggap na ng ibang tao ang mensahe, iisipin niya (tagatanggap) naman kung ano ang kahulugan ng mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya iyon tutugunan at sa paanong paraan niya ipadadala ang kanyang reaksyon.

Ito naman ang tinatawag na proseso ng decoding o proseso ng pagde-decode ng mensahe. Idagdag pa na ang proseso ng komunikasyon ay hindi maaaring one-way lamang.

1. Ang mabuting tagapakinig ay nakikinig na nakatingin sa kausap 2. Ang mabuting tagapakinig ay hindi nagbibigay ng payo 3. Ang mabuting tagapakinig ay hindi sumisira ng pagtitiwala 4. Ang mabuting tagapakinig ay tinatapos ang isang usapang may kinahinatnan 5. Ang mabuting tagapakinig ay nagpapakita ng kabutihang loob kung siya ay pinagkakatiwalaan ng nagsasalita

1. 2. 3. 4. 5.

Pseudolisteners Selective listener Ambusher Defensive Listener Insensitive Listener

1. Ibigay ang buong atensyon sa nagsasalita o sa iyong kapartner

2. Huwag alalahanin ang anumang ingay na maaring makasagabal sa proseso ng komunikasyon

3. Maghanap ng mga bagay at mga bagong impormasyon na maari kang maging interesado sa sinasabi ng nagsasalita

4. Huwag mong ipalagay na alam mo na ang sinasabi ng taong nagsasalita

5. Sundan ang sinasabi ng nagsasalita at unawain ng mensahe nito sa pamamagitan ng pagbuo ng tema o pag-kategorya sa nilalaman ng komunikasyon

1.

Eye Contact- Dapat nakatingin ka sa mata ng kausap mo para maramdaman niya na seryoso ka sa sinasabi mo.

2.

Body Contact- ang simpleng pag tapik sa balikat o konting galaw ng kamay habang nagsasalita ay nakakadagdag ng pag kakaayos ng pagbibigay ng impormasyon.

3.

Maayos na pakikinig- dapat nakkinig din ang nagsasalita para alam niya ang pinaguusapan.

Salamat sa pakikinig..

También podría gustarte